1. Home
  2. Stories
  3. Road To Redemption XI
Filipino Sex Stories

Road To Redemption XI

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sa loob ng maliit na conference room ng restaurant.

Kasalukuyan na nagdadaos ng isang meeting ang limang share holders ng nasabi kumpanya. Si Jc , Daisy, Kc, mama flor at Gerard ay kanina pa pinag-uusapan ang mga expansion na pwedeng gawin nila bago matapos ang taon.

" This is the figure we are expecting na matamo natin by the last quarter" ang sabi ni Kc habang nakatayo ito sa harap at nagprepresent ng powerpoint presentation ng sales figure nila at projected sales figure.

" I'm impressed…. We can definitely do it" ang sabi ni Gerard at pinapalakpakan nito ang kasintahan sa kanyang presentation. Pumapalakpak din naman ang mga kasama nila sa restaurant.

" Paano naman ung issue sa security natin?" ang tanong ni Mama Flor. Dahil fresh pa din sa isip nila ang nangyari kay Jc sa may Pier.

" I have my men posted here po…. If kulang pa…… pwede naman po ako magdagdag" ang sabi ni Gerard kay Mama Flor pero hindi pa rin ito satisfied sa mga security kuno na pinagmamalaki ng lalaki.

" Ma….. relax… I got this covered… may makuha na ako at hinihintay na lang namin na dumating" ang sabi ni Jc sa kanyang mama flor. Napatingin naman si Gerard kay Jc dahil nagtataka ito kung bakit pa siya kumuha ng security lalo na at nandoon naman mga tauhan niya.

" knock knock" ang tunog ng pagkatok mula sa pintuan ng conference room. Napatingin naman sila pintuan at nagsalita na si mama flor.

" pasok" ang sabi nito at bumukas naman ang pintuan ng conference room. Bumungad sa kanila ang matandang staff nila. Nakangiti itong nakatinigin kay Jc.

" Mam Jc… andyan na daw po ung security na kinuha niyo" ang sabi ng matandang staff. Napatingin naman sila kay Jc. Ngiti ang nakabalot sa mukha ni daisy at mama flor habang pagkalito naman ang kay Gerard at Kc.

" papasukin mo po manang" ang sabi ni Jc sa matandang staff at nakita naman nila na tila ba may kausap ito sa labas ng pintuan. At pumasok naman ang isang lalaki na nakaitim na leather jacket tsaka naka shades.

Kapasok nito ay sinara na ng matandang staff pintuan ng conference room. Titig na titig si Kc dahil sa tila pamilyar sa kanya ang hitsura ng lalaki. Di lang niya matandaan kung saan pero kilalang kilala niya ang porma at tindig nito.

" Excuse me…. Ikaw daw ung nag-aapply na security detail namin" ang sabi ni Jc sa lalaki at napatitig ito dito. Hinubad ng lalaki ang suot niyang salamin at halos malalaglag sa kinauupuan niya si Kc.

" Ikaw………………..ang kapal din naman ng mukha moooooooo….. Magpakita after all this yearsssss" ang sigaw ni Kc sa dating kasintahan niyang si James na nasa harapan na niya ngayon. Napatayo ito bigla sa sobrang bugso ng damdamin ng makita niya muli ang lalaki na lumuko sa kanya.

Habang si James naman ay relax lang na nakatayo sa harapan nila. Si Kc naman ay nagwawala na at buti na lang nakaharang si Gerard dito.

" Teka pare…sino ka ba at galit na galit sa iyo ang kasintahan ko" ang tanong ni Gerard habang akap akap nito si Kc na gusto talaga sugurin ito si James.

" James Oliver Tan….31 years old" ang matikas na pagpapakilala ni James kay Gerard. Tila ba nagulat naman itong si Gerard sa kanyang narinig. Alam niya na James oliver tan ang pangalan ng dating kasintahan ni Kc at tatay ni Olivia pero hindi niya pa ito nakita kahit man lang sa picture.

" Gago ka… lakas ng loob mo ahhhhh" ang sabi ni Gerard at bigla nitong sinuntok si James gamit ang kanyang kaliwang kamay pero mabilis na iniwasan ito ni James at nahawakan ni James ang balikat ni Gerard.

At sa isang iglap nasa isang sleeper choke hold position na sila. Si kc naman ay nagsisigaw na dahil sa nakita nito ang kalagayan ng kasintahan sa kamay ng dating nitong nobyo.

Kita sa mukha ni Gerard na hirap na hirap na ito sa kanyang kasalukuyan na posisyon. Isang maling galaw niya ay pwede siyang tapusin ni James. Kaya naman ang kaninang mayabang na anyo nito ay tila ba naging maamong tupa ito.

" James…. Stand down…. Pag-usapan natin ito" ang sabi ni Mama Flor at mabilis naman pinakawalan ni James si Gerard at tinulak ito pabalik sa pwesto niya kanina. Nakatitig pa ng masama itong si Gerard kay James na kala mo talaga ay papalag siya.

" Okay ka lang love" ang tanong ni Kc sa kanyang kasintahan na halos mamutla na ngayon. Tumango naman itong si Gerard at naupo na sila ni Kc sa dating pwesto nila. Nakatitig sila ng masama kay James. Kita sa mukha nila ang pagkainis nila dito.

" Pagbotohan natin ito….kung kukunin natin si james bilang security detail ng restaurant…. Tulad ng ginagawa natin noon pa kapag may di tayo nakapagkasunduan" ang sabi ni Mama Flor at pinaupo muna nito si James tabi ni Jc at tumayo na siya sa kabisera para magfacilitate ng voting. Pero bago pa makapagsimula si mama flor ay nagsalita na si Kc.

" Ma….. I won't allow this to happen… alam naman natin kung anong gulo ang laging dala niyan…. Look… wala pa siyang isang oras dito…. Paano na kung sa customer niya gawin yan" ang pag object ni Kc sa suggestion ng kanyang mama flor. Iniwanan niya ng matalas na titig si James na hindi man lang iniinda ito.

" I second the motion" ang sabi ni Gerard at maangas nitong tinitignan at tinutuya ang lalaki. Na nakatingin lamang sa kanila. Si James naman hindi nagpapahalata ng kanyang pagkainis sa lalaki na alam naman niyang walang maganda na naidudulot dito sa restaurant. Ang kamao nito ay nakarolyo na sa ilalim ng lamesa pero hinahawakan ito ni Jc para kumalma ito.

" Mayroon na tayong dalawang objections….. Sino pa… taas ang kamay" ang sabi ni Mama Flor pero walang nagtaas ng kamay nila. Ilang sigundo pa itong naghintay pero wala talaga nagbibigay ng kanilang boto kaya naman nagpatuloy na siya.

" Ngayon…sino ang sang-ayon na kunin natin si James" ang tanong ni Mama Flor at kaagad naman na nagtaas ng kamay si Jc at daisy para ipakita nila ang boto.Nagulat naman si Gerard at Kc sa bilis ng boto ng dalawa na tila ba hindi nila pinag-isipan.

" Daisy…bakit? Kala ko ba galit ka sa lalaking ito…… at pati rin ikaw ate… kala ko ba walang naidudulot na mabuti siya sa atin" ang sabi ni Kc sa kanyang dalawang kapatid na noon ay tulad niya din. Galit na galit kay James.

" ate….. Knowing Kuya james's history sa engineering…. He can help me a lot sa security natin dito sa restaurant" ang sabi ni Daisy sa kanyang ate kc. Sinighalan naman siya nito dahil sa mga sagot nito sa kanya.

" Speaking of his engineering background…. Hitting two birds with one stone… Makakatulong na siya sa security in terms of protection ng tao natin….. He can secure the integrity din ng building…specially with all of those earthquakes na nangyayari" ang sabi ni Jc sa kanyang nakababatang kapatid. Tulad ng ginawa nito kay Daisy. Sininghalan din niya ito.

" I guess….. Ang boto mo na lang tita…. To break the tie" ang maangas talagang sabi ni Gerard at nakatingin na naman ito kay James na tila ba naghahamon talaga ito ng away.

" Kailangan ko timbangin ang mga benefits at pains na ibibigay ni James sa atin if ever….. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Kc specially doon nga sa naranasan nito" ang sabi ni Mama Flor sabay turo sa anak nitong ngayon ay hawak hawak ang kamay ng kasintahan niya.

" and naiintindihan ko din naman ung mga benefits na sinasabi niyong dalawa" ang sabi ni Mama Flor sabay turo sa dalawang anak niya sa tabi ni James. Ngumiti naman si Gerard dahil sa mukhang kuha nila ang boto ng nanay ni Kc.

" pero mas nananaig ung mga magagandang kayang dalhin ni James para sa atin" ang sabi ni mama flor pero bago pa siya matapos magsalita ay mukhang alam na nila kung ano ang boto nito kaya naman tumayo na ang dalawa at nakasimangot na lumabas ng conference room.

Ng makalabas sila dito ay sinarado naman ni Mama Flor ang pintuan at umupo ito sa tapat ni James tsaka kinamusta ito.

" anak…. Nakita mo naman siguro kung gaano kagalit sa iyo si Kc" ang sabi ni mama flor dito habang binuksan nito ang bottled water na nasa gilid at ininom niya ito.

" Inaasahan ko na yan tita…. Pati na rin ung gagawin ni Gerard" ang sabi ni James habang nakahinga na ito ng maluwag dahil sa wala na ang lalaking kinaiinisan nito.

" james…in house security ka…naka-ayos na ung gamit mo doon sa tutulugan niyo ng kasama mo" ang sabi ni Jc sa kanya habang hawak nito ang telepono niya. Wala pang limang minuto ay may kumatok naman sa pinto.

" Siya na yan" ang sabi ni Jc dito at tumayo naman si James. Pinagbuksan nito ng pintuan at pumasok naman ang isang lalaki na may edad na. Kamukha nito ang artista na si dencion padilla ( ung sidekick ni fpj sa mga pelikula niya. Ung batangueno).

" Tata Dens, siya si James. Ung sinasabi ko sa inyo na makakasama mo" ang sabi ni Jc at kinamayan naman ni james ang matanda tsaka niya ito pinaupo.

" Iho…. wag ka mag-alala….. Alam ko na ang lahat…. Safe ka sa akin…. Di rin naman ako boto doon sa lalaking yun….." ang sabi ng matanda kay James kaya naman napanatag na ang loob nito.

" Nak… maiwan muna namin kayo dito" ang sabi ni Mama Flor at inaya na niya na lumabas si Daisy para makapag-usap ang tatlo sa kanilang mga plano. Ng makalabas na sila ay nagsimula na mag-usap ang tatlo.

Habang si Gerard naman at Kc ay palabas na ng restaurant ng isang matandang pulubi ang humarang sa kanilang harapan para manghingi ng tulong dito. May hawak itong lata na may kaunting barya at karatula na siya ay nangangailanan ng pambili niya ng gamot.

" Tabi nga ka nga diyan bobong hukluban" ang sabi ni Gerard at winasiwas nito ang kamay ng matanda na may lata. Dahil sa lakas ng ginawa ni gerard ay nabagok ang matanda sa kalsada.

Nagulat naman si Kc sa naging aksyon ng kasintahan niya at gusto sana niya itong tulungan pero malakas at mabilis na hinila ni Gerard ang kamay niya.

++++++++++++++++++++++++

Kinabukasan ay kaagad na ginawa ni James ang kanyang assign na trabaho. Siya ay nagsilbing roaming security sa restaurant. Wala siyang permanent na pwesto di tulad ng mga kasama niya na tauhan ni Gerard.

All access pass din ang id nito kaya kahit sa kusina pwede siya pumasok. Habang si Tata dens naman ay siya ang guard sa likod kung saan pumaparada ang mga deliveries nila.

" good morning maam" ang bati ni james kay Kc kapag nakakasalubong niya ito pero hindi siya pinapansin ng dating kasintahan niya. Parang hangin sa lang si James sa tingin ni Kc.

" Siraulo" ang sagot naman ni Kc kapag nakakalayo ito sa lalaki. Kumukulo pa rin ang dugo nito kapag nakikita niya ang lalaki. At naalala niya ang mga masasamang pangyayari sa buhay niya na dulot ni James.

" Hoy…. gwardya sibil… doon ka nga sa luneta" ang maangas naman bati ni Gerard kay james kapag nakakasalubong niya ito. Hindi naman ito pinapansin ni James pero kapag nakakalayo na ang lalaki ay mumurahin niya ito at pinakikitaan niya ng kanyang kamao.

Kapansin pansin din na hindi na sa playroom pinag-iistay ni Kc ang anak niyang si olivia. Kung hindi sa opisina na nito. Halatang ayaw niya talaga makita ni James ang anak nila.

Bigla naman nalungkot si James dahil kala niya ay pagkakataon na niya ito para makasalamuha at sumalisi sa kanyang anak pero mukhang mas mabilis si Kc sa kanya.

" kuya wag ka na malungkot" ang sabi ni Daisy sa kanyang kuya james ng makita niya itong nakasandal sa may parking lot ng gusali at binigay niya ang kanyang telepono.

" panoorin mo na lang dito si olivia" ang sabi ni Daisy sa kanya at pinanood ni James ang kanyang anak na naglalaro kasama ang mommy nito. Pero naiinis din siya dahil nandoon ang asungot na si Gerard na tila ba gusto siya palitan sa buhay ng mga ito.

" Daisy….. Kailangan ko na talaga makausap ang ate mo" ang sabi ni James sa dalaga at niyakap naman siya nito na tila ba isang nakakatandang kapatid lang.

Habang si Gerard at kc naman ay tila ba love birds na hindi mo mapaghiwalay. Sweet na sweet silang dalawa lalo na kapag nandoon si James sa paligid. Lalong lalo na itong si Gerard. Tila ba pinapakita nito sa lalaki na siya na ang may ari kay Kc.

Kahit inis na inis si James ay pinipigilan nito ang sarili niya dahil alam niya na siya naman ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanya ang babaeng minahal nito. At siya lang din naman ang makakagawa ng paraan para bawiin ito sa kamay ng demonyong kumukontrol dito.

Pero ikaw nga sa kasabihan. Kapag itinadhana kayo para sa isa't isa. Ang mundo na ang gagawa ng paraan para unti unti kang makabawi.

Kasalukuyan na nasa isang poker night si Gerard at Kc. Inis na inis na si Gerard dahil sa panay ang talo nito.Kaya naman panay din ang himis nito sa legs ni Kc para maibsan ang inis nito.

"Guys, let's change the game" ang sabi ni Gerard. Sabay tingin nito kay Kc. Di tulad ng mga nakaraan araw na si Kc lang ang babae sa poker nights. Ang dalawang kalaro ni Gerard ay may kasama rin.

Si Chris ay may kasamang isang babae na halata mo na nakuha lang nito sa isang bar. Ang kapal ng makeup, may puson din at napaka ikli ng kanyang suot. Habang si Nikita naman ay may dalang isang filipina na mukhang japayuki naman.

Kita naman na binubulungan ng dalawa ang katabi nilang babae habang si Kc naman ay nakatingin lamang kay Gerard dahil nagtataka ito.

"Is it ok with your partner?" tanong ni Gerard kay Nikita. Habang nakatitig naman ito sa kasama niyang babae. Tumango naman si Nikita at ang pilipina na kasama niya.

" Are you good with this chris?" ang tanong naman ni Gerard kay Chris. Tumingin ito sa kasama niya at tumango ito. Tumango naman si Chris

Matapos makuha ni Gerard ang sagot ng dalawang kalaro ay doon naman siya bumulong kay Kc.

" Strip poker ang laro" ang sabi ni Gerard kay Kc. Napaisip naman ito at bigla na lang siya tumayo. Kinuha nito ang bag niya at nag walk out. Dahil kahit mahal na mahal niya si Gerard ay may respeto pa rin ito sa katawan niya.

Di pa nakakalayo si Kc ay nahawakan na ni Gerard ang kamay nito. Pinwersa siya ng lalaki para mapigilan ito. Kaya naman napaharap si Kc sa kanya.

" I can't do it love" ang sabi ni Kc sa lalaki. Napatingin naman si Gerard sa kanyang mga kasama na nandoon sa likod at umiinom muna ng alak habang nakakandong na ang mga partner nila.

" love….it's just a game" ang sabi ni gerard sa kasintahan niya na tila ba nakikiusap ito pero desidido si Kc na hindi siya sasali sa laro.

" Bahala ka…umuwi ka mag-isa mo" ang sabi ni Kc at isang malakas na hila ay nakawala ito sa hawak ni Gerard at naglakad na ito palabas. Pero hinabol ito ni Gerard.

" pak" ang isang malakas na sampal na inabot ni Kc sa kanang pisngi niya mula kay Gerard. Nagulat naman si Kc sa nangyari pero lumuluha itong tumakbo palayo sa kanyang kasintahan .Naiwan naman si Gerard sa tabi at bumalik sa mga kasamahan.

Wala man isang minuto ay naglalaro na uli ang mga ito. Tila wala itong pakialam sa nagawa niya kay Kc.

Habang si Kc naman ay sumakay na sa navigator ni Gerard at pinaandar niya ito.

" bahala ka sa buhay mo" ang sabi ni Kc habang nakaharap ito sa manibela ng sasakyan at hindi niya pa ito iniistart. Ilang minuto rin itong tumitig ito sa labas bago niya pinaandar ang sasakyan. Inis na inis itong nagdrive pauwi sa kanila.

Pag tingin niya sa orasan ay alas onse y medya na.

+++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa kwarto nila James sa may likod ng restaurant malapit sa storage room nila.

" James… tulog na tayo iho" ang sabi ng matandang gwardya sa kasamahan na nakahiga sa kabilang kama. Hawak hawak pa kasi nito ang cellphone niya.

" tata dens….. Hanggang saan ang kayang mong gawin para mabawi lang ang nawala sa iyo" ang tanong ni James sa matanda habang pinagmamasdan nito ang mga larawan ng mag-ina niya na pinasa ni Daisy sa telepono nito.

" Kung kay Mam Kc yan at kay Ineng……. Kung ako yun…… Kahit butas ng karayom…papasukin ko" ang sabi ni Tata dens kay James. Si James naman ay nakangiti habang ginagaya nito ang ngiti ng mag-ina niya na kuha noong 2nd birthday ng anak niya.

" Paano kung ikaw si Kc…. mapapatawad mo pa din ba ako kahit na alam mo ng andami ko nagawang mali sa iyo" ang tanong ni James sa matanda. Napatingin naman ito sa binata at tila ba nag-iisip.

" Iho…… kahit hindi ko alam kung bakit galit na galit sa iyo si Mam…… ito ang tandaan mo… Ang kapatawaran ay nagsisimula sa iyo…matututo kang patawarin ang sarili mo para mapatawad ka din ng iba" ang sabi ni Tata dens kay James.

" Itulog mo na yan Iho" ang sabi nito ng biglang tumunog ang company cellphone nila. Kaagad na kinuha ito ni james.

++++++++++++++++++++++++++++

Sa sobrang inis ni Kc sa kasintahan niya ay di nito namalayan na kung saan saan na itong daan pumasok hanggang sa namatay na ang makina ng sasakyan niya. Pagtingin nito ay mukhang na diskarga ang battery ng sasakyan kaya ayaw na nito magstart.

Takot na takot naman si Kc dahil sa pagtingin niya sa paligid ay madilim na ito. Puno ng talahiban ang magkabilang side ng kalsada. Tila ba may lalabas na masamang loob dito ano mang oras.

Kaya naman pinakasigurado niya na nakalock lahat ng pintuan ng sasakyan. At kinuha nito ang telepono niya para tawagan ang mga kasama niya sa bahay.

" Ring! Ring! Ring !" ilang beses din dinial ni Kc ang telepono ng kanyang mama flor pero hindi ito sumasagot. Natatakot na talaga si Kc ng mga oras na iyon dahil nararamdaman niya na may nakatingin na dito.

" Ring! Ring! Ring !" dinial din niya ang telepono ng kapatid niyang si Jc pero tulad ni Mama Flor ay hindi rin ito sumasagot.

" Blag!Blag!" ang halos mapatalon na tinig ni Kc dahil sa nakakagulat na tunog na narinig nito. Lumingon lingon siya sa paligid at isang malaking sanga ng puno ang nalalaglag sa kalsada sa di kalayuan. Kaya naman mas naging desperado ito na makahanap ng tulong sa kanila.

" Ring! Ring! Ring !….. Daisy sagutin mo please!!!!" ang usal ni Kc habang dinadial nito ang telepono ng kapatid niya pero tulad ng dalawang taong tinatawagan nito ay hindi rin sila sumasagot. Pagtingin nito sa orasan ay alas dose na pala ng hatinggabi.

Sa sobrang desperado nitong si KC ay ang company phone nila ang tinawagan niya. Pinalangin nito ay hindi si James ang sumagot ng tawag kung hindi si tata dens na lang sana.

+++++++++++++++++++++++++++++
ONE UPDATE

SINO KAYA ANG MAGLILIGTAS KAY KC?

JAMES? ASAN KA NA?