1. Home
  2. Stories
  3. My Future Father In Law Part 9
Filipino Sex Stories

My Future Father In Law Part 9

By carlsonchance010 ·

Authors Note: Greetings with peace and love!~ Pasensya na at ngayon lang ako nakapagpost dahil nagkasakit ang yours truly at nagiisip pa ng puwedeng idagdag sa kuwentong ito. Like what I have mentioned on my update, I want to give Ben something so heto na nga yun. Anyways enjoy reading!

This story is purely fictional and a concoction of my deranged thoughts.

----------------------------

Meanwhile…

Bumisita si Prime sa Little Angels Sanctuary, isang orphanage na tinutulungan niya not only just to show his face dahil sa plano niyang tumakbo bilang Mayor ng Caloocan pero dahil nadin sa kagustuhan niyang makatulong sa mga kabataan na gustong mag-aral through his personal scholarship programs for the less fortunate and orphans.

Binati si Prime ng isa sa mga nakinabang sa scholarship program niya na ngayon ay isa nang volunteer aid sa sanctuary.

"Kuya!"

"Oi Elisa! Kamusta?"

"Ok lang po Kuya… Hindi naman kayo nagsabi na pupunta kayo dito sa sanctuary."

"Gusto ko lang makita yung mga bata, yun lang."

"Ay speaking of sa mga bata Kuya… Nasa covered court silang lahat na nagpapacheckup sa mga doktor."

"Well? Take me there."

Pumunta silang dalawa sa likod ng building ng sanctuary kung saan yung covered court at maraming nakaupo na mga bata na nakapila habang inaassess ng mga doktor.

"Oi si Kuya Prime oh!" Sigaw ng isang bata.

"KUYA!" bati ng lahat ng mga bata sa covered court sabay na kumakaway sa kaniya.

"Children! Nagpapakabait ba tayong lahat?"

"Opo!" Sabi ng mga bata.

"Good… Now… Pagkatapos niyong magpacheckup sa doktor may surprise ako sa inyo, okay ba yun?"

"Opo!"

"Good!" Mataos na napangiti si Prime.

Matapos ang mga checkup ng mga bata ay nagpaparty si Prime para sa mga bata, habang nageenjoy ang mga bata sa palaro ay kinausap niya ng personal ang mga doktor at nurses na nagcheckup sa mga bata.

"I would like to extend my gratitude for helping these kids out."

"Naku… Maliit na bagay Councilor… Mas ok nga tong nasa labas kami kesa sa opisina namin sa hospital." Sabi ng lalaking doktor.

"Diba tatlo kayong doktor? Asan yung isa?"

"Umm… Nag CR ata Councilor? Anyways we need to go back na sa hospital. Thank you for inviting us here sa sanctuary." Sabi ng payat na babaeng doktor.

"A pleasure."

Kinamayan ni Prime ang dalawang doktor at kinuha ang mga gamit nila, hindi nagtagal ay nakita ni Prime yung ikatlong doktor na patakbong pinuntahan yung desk kung saan sila nakastation para magcheckup ng mga bata na kumuha ng kaniyang mga gamit.

"Excuse me." Sabi ni Prime.

"Ay! Councilor! Hello po." Sabi ng nakaface mask na babaeng doktor.

Hinubad ng Doktor yung face mask niya at nagextend ng kamay niya sa councilor pero nanlaki naman ang mga mata ni Prime sa nakikita niya, kinuskos pa yung mga mata niya na naniniguradong hindi siya namamalikamata.

"Is everything okay po Councilor?"

"Ha? Kwan… Ummm… Have we… Met before?" Sabi ni Prime at kinamayan ang doktora.

"No? This is my first time meeting you po."

"I see…"

Tumingin sa name tag ng doktora si Prime at E. Estrella yung nakalagay.

"Well… Thank you po for having us here… It's our pleasure po to help these children. If you may excuse me Councilor I will be on my way."

Paalis na sana yung doktora pero pinigilan siya ni Prime.

"Wait Doktora…"

"Yes po?" Tumalikod naman yung doktora kay Prime.

Bumunot ng black card si Prime sa back pocket niya at ibinigay sa doktora.

"I want to give you this."

"Para saan po to Councilor?" Sabi ng Doktora at ininspeksyon yung black card na bigay sa kaniya.

"I want to invite you to my bar."

"Naku… I don't go to such places na Councilor, thank you nalang." Sabi ng doktora na ibabalik sana yung black card na bigay ni Prime.

"No please… I insist. This is my thanks to you and your colleagues kanina for helping out dito sa sanctuary. Please do come to my bar, invite you colleagues at magunwind kayo after a hard day at work."

"I don't know Councilor… I'm too old na for this."

"I will be expecting you there… By the way can I have your name?"

"Evangeline… Evangeline Estrella po… Pediatrician."

"Evangeline… What a lovely name you have there. So… Like what I said… I will be expecting you there. I will know if you're there as well."

"Ok po Councilor… I will think about it. If you may excuse me now kelangan ko nang umalis."

"Of course…"

Tanaw ni Prime yung tatlong doktor na paalis sa sanctuary, napangiti nalang si Prime at bumalik yung atensyon niya sa mga bata na nageenjoy sa party na hinanda niya.

Bumalik naman sa hospital yung tatlong doktor at tumambay muna sila sa Doctor's Lounge para magunwind ng konti bago bumalik sa mga offices nila.

"Haaaaay…. Natapos din." Sabi ng lalaking doktor.

"Hay sinabi mo pa Anthony… Pahinga muna tayo saglit bago bumalik sa office natin." Sabi ng payat na babaeng doktor na si Ericka.

Nagbuhos ng kape si Evangeline sa mug at umupo sa mga kasamahan niya sa Lounge.

"Oi Vangie… Medyo matagal yung conversation niyo ni Councilor kanina ah… Ano yung pinag-usapan niyo?" Tanong ni Anthony.

"Ha? Ewan…. Pero binigyan niya ako ng ganito." Sabi ni Evangeline at pinakita yung black card sa mga kasamahan niya.

Kinuha naman ni Anthony yung black card na hawak ni Evangeline, napahawak siya sa panga niya na hindi makapaniwala habang tinitignan yung card.

"Vang… You don't know what is this for?"

"Hindi… Bakit? Para saan ba yan?"

"This is a direct invite to Prime Infinite! One of the most elite and exclusive bars in the Philippines! Alam mo ba kung gaano kahirap makapasok doon kung normal customer ka lang? It will takes months for you to get in! I've been there once and 3 months akong naghintay bago naconfirm yung reservation ko." Sabi ni Anthony na inikot-ikot yung black card na hawak niya.

"Ay ganun ba? Pero wala na akong hilig sa mga ganyan."

"This is a privilege Vang! With this card you can come in and out of the bar at anytime you want and no one will stop you, no need for reservations. Do you know how expensive this card is? Kahit magretire kapa sa pagiging doctor hindi mo mababayaran to."

"Guys… Matanda na ako para sa ganyan… And I have an 8 year old son to attend to, hindi na ako bagay sa mga party-party na yan."

"Oh cut off some slack Vang… 35 ka palang noh? Anong matanda? Kumpara sayo, me and Ericka are older than you… And we have children of our own as well. I say… We go there and enjoy at least one night. Thats it…"

"Well… Tama nga naman si Anthony, Vang… Ano? Puro nalang tayo work? Parang bahay na natin tong hospital, we spend more time here sa hospital than in our actual homes. Mag-enjoy naman tayo kahit papaano." Sabi ni Ericka na humalukipkip ng kamay niya.

"Hindi ba kayo concerned sa mga pamilya niyo?"

"As if may mangyayari sa mga pamilya natin kung mawawala tayo for one night? And isa pa yung subdivision is very secured like… What is it to worry about? Tapos may yaya naman ang anak mo."

"Hay naku Anthony… A no is a no okay? Kung gusto mo sayo nalang yan."

"Vang… As if papasukin ako dun eh ikaw yung direktang inimbita ni Councilor… Sige na Vang… Just for once lang in your life. Oh kayo? Gusto niyo bang sumama?" Tumingin si Anthony sa mga nurses nila.

"Oo nga Doktora… Sige na…"

"Ayoko nga…"

Pumasok sa Lounge ang Head of Pediatrics at nahanap din ang staff niya na nagcheckup ng mga bata sa sanctuary, tumayo naman silang lahat at bumati sa head nila.

"Doc! What brings you here?" Sabi ni Anthony.

"Finally I found all of you… I just had a phone call from Councilor Primo himself and commended you all for a job well done."

"Of course naman Doc… Kami pa ba?" Sabi ni Ericka.

"And for that… I will give all of you a special off for tomorrow…. This does not affect your day off and I'll rotate your work to other doctors who are present bukas… Ayos ba yun?"

"Yes Doc! Wooh! Isang extrang araw na pahinga!" Sabi ni Anthony na napataas ng dalawang kamay.

"Thank you po Doc! Ambait niyo naman samin. Eh yung mga nurses namin Doc? Lusot din ba sila?" Sabi ni Ericka.

"Ehhh… Sure why not?"

Masaya namang nag-apiran ang mga nurses nila.

"You all deserve it… Anyways that would be all… I will be in a meeting in a few minutes. A good day to all of you."

"Thank you ulit Doc!" Sabi ni Ericka at nagclose din yung pintuan sa Doctor's Lounge.

"Oh narinig mo ba yun Vang? Puwedeng-puwede tayong lahat for tonight. So ano?" Sani ni Anthony na itinaas yung black card na hawak niya.

"Ako din Vang… Lets go! Never pa ako nakapasok dun, paranas naman oh." Sabi ni Ericka.

"I'd rather spend my off with my son nalang."

"Itong si Vang ang KJ talaga… Andyan naman ang yaya ng anak mo, isang gabi lang naman eh. Feeling nito parang mawawala tayo ng isang taon." Dagdag ni Ericka.

"Ano ba yang anak mo, nocturnal? Gising sa gabi, tulog sa umaga? Andrew is a smart kid, he's responsible enough to take care of himself for just one night. Come on Vang… And if it makes you feel more better, I can just ask my wife to check on Andrew from time to time and you know naman how Patricia is so fond of your child diba? Baka doon pa nga sa bahay namin patulugin yun. Sige na Vang…" Sabi ni Anthony.

"Pumayag na kayo Doktora… Minsan lang naman po ito and wala naman po tayong duty bukas." Sabi ng isa sa mga nurse.

Sabay-sabay nang nagsalita ang mga nurses at kapwa niyang mga doctor na maconvince siya na pumayag, napahampas si Evangeline sa table at natahimik silang lahat. Napahawak nalang siya sa balakang at napabuntong-hininga.

"FINE! We'll go tonight."

"Yun oh! Thanks Vang!" Sabi ni Anthony.

(BEN POV)

"Wow… And I'm here thinking na you're just an old man."

"Old man pala ha?"

Matapos ihatid ni Ben ang anak niya at si Sarah sa airport ay nagstop over muna siya sa isang coffee shop bago umuwi sa apartment ng anak niya, habang nasa coffee shop ay may babae sa kabilang table na kanina pang tumitingin sa kaniya at niyaya niya sa isang motel.

Senswal silang naghalikan ni Ben hanggang sa magkatabi silang nakahiga sa kama.

"Grabe… My husband could never." Sabi ng babae.

"Nagenjoy ka ba?" Sabi ni Ben na nakahiga ang ulo ng babae sa mga braso niya.

"Yes.." Sabi ng babae at nagnakaw pa ng halik kay Ben.

Matapos ang mainit nilang tagpo ay nakatulog agad ng mahimbing yung babae na isinama ni Ben sa motel habang siya naman ay nakatulala lang sa kisame na malalim yung iniisip, dahan-dahan siyang bumangon sa kama para hindi magising yung natutulog na tao sabay na kumuha ng pakete ng sigarilyo at lighter sa jacket niya. Kinuha niya nadin ang cellphone niya at pumunta sa balcony ng kuwarto para magsindi ng sigarilyo, nilapag niya sa table ang dekeypad niyang flip phone at napatingin nalang siya sa mga dumadaang kotse sa motel habang lumalalim na yung gabi.

"Tsk… Dalawang dekada na pero ikaw parin ang mahal ko Carmen… Kelan ba ako makakamove on sayo?" Sabi ni Ben at napabuga ng usok sa sigarilyo.

Nagvibrate ang flip phone ni Ben at agad niya namang tinignan kung sino yung tumawag.

"Oh Prime… Napatawag ka?"

"I have found you a supplier for your business and he'll be expecting you at my bar tonight."

"Legit ba yan? Baka kung saang shady shit mo naman yan napulot."

"Gago! Ako maghahanap ng ikakapahamak ng business mo? Pumunta ka nalang dito if you want to talk to him and also…"

"And also ano?"

"Basta… Pumunta ka nalang." Pinutol ni Prime ang tawag.

Napakamot nalang ng ulo si Ben at inubos ang sinindi niyang sigarilyo, pumasok sa kuwarto si Ben at kinuha ang mga damit niya sabay na napabihis. Nagising naman yung babaeng nakahiga sa kama at nakita niyang nagbibihis ng damit si Ben.

"Ba't ka nagbibihis ng damit? Going somewhere?"

"Oo… I have important matters to attend to… Pasyensya kana."

Umalis sa kama yung babae at niyakap si Ben, kumalas naman si Ben sa pagkayakap niya at nagtaka naman siya sa ginawa ni Ben.

"What's the matter? Can't you stay for a little longer?"

"Hindi… May pupuntahan lang talaga ako ngayon."

"Oh so that's what this is?" Sabi ng babae na napahawak ng kamay sa balakang niya.

"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?"

"You think I'm just some… Common whore na pinupulot lang sa daan?"

"Well… You're married and your with me… So aren't you one?"

Sinampal si Ben ng babae, napahawak nalang si Ben sa pisngi niya at napatawa.

"Good night nalang sayo!" Galit na sinabi ng babae at nagbihis ng damit sabay na lumabas sa kuwarto.

Napailing nalang ng ulo si Ben na tinawanan ang sitwasyon at umalis din sa kuwartong binayaran niya.

(EVANGELINE POV)

"Andrew… Magpakabait ka dito sa bahay, do you understand? Tita Patricia will be here din mamaya okay?" Sabi ni Evangeline sa anak niya.

"Yes mommy… Enjoy ka mommy ha?"

Hinalikan nalang ni Evangeline sa noo ang anak niya at bumalik yung atensyon niya sa yaya ng bata.

"Yaya… Make sure that everything is secured sa bahay ha?"

"Yes po maam…"

"Ok… I'll be going na… Good night sa inyong dalawa… Yaya…"

"Good night din po maam… Andrew… Let's go sa kuwarto mo."

Nakatira sa isang exclusive na subdivision si Evangeline at ang iba pang mga kasamahan niyang doctor sa hospital, isang pribilihiyo na binibigay sa mga doctor pag nakatuntong sila ng 5 years of residency sa hospital. Magkatabi lang ang mga bahay nilang tatlo ni Anthony, Ericka at Evangeline kaya kada umaga ay sumasabay nalang sila sa sasakyan ni Anthony papunta sa hospital.

Nakaabang na sa harap ng bahay niya si Athony kasama si Ericka sa front seat at ang tatlo nilang nurses sa likod, nakisiksik si Evangeline sa likod at agad naman bumiyahe si Anthony papunta sa bar.

"Pumayag naman si Patricia, Anthony?"

"Oo naman… Kayo ang kasama ko eh…"

"Huwag kang uminom ng sobra Anthony ha? Jusko sino maghahatid samin pauwi niyan?" Sabi ni Ericka.

"Yeah… Pero pag nalasing talaga ako mamaya bahala kayo diyan."

"Ummm! Gago ka talaga Anthony!" Sabi ni Ericka at hinampas ang braso ni Anthony.

"Haha! Oi Vangie… Dala mo ba yung black card? Kelangan natin yan para makapasok sa bar mamaya." Sabi ni Anthony na tumingin sa mirror.

"Ha? Oo nandito… Aalis ba tayo kung wala?"

Nakarating din sila sa location pero nagtaka naman si Ericka, Evangeline at ang tatlong nurses dahil isang restaurant yung pinuntahan nila.

"This is the bar? Eh restaurant naman to?" Sabi ni Ericka.

"On the surface yes… Pero you'll see… Tara na…"

Sumunod nalang sila kay Anthony hanggang sa may makita silang guard na nakatayo sa pintuan, umurong si Anthony at tinulak sa harap si Evangeline.

"May reservations po ba kayo maam?"

"Ummm…" Binuksan ni Evangeline ang bag niya at ipinakita sa guard yung black card.

Kinuha ng guard ang black card niya at tinignan ang babae sa harap niya.

"Teka lang maam ha, ano po ang pangalan niyo?"

"Evangeline po…"

"Full name maam…"

"Ahh… Evangeline Estrella."

"And I'm…"

"Sir… Siya lang po yung kausap ko."

"Ay ok… Sorry." Umurong ulit sa likod ni Evangeline si Anthony.

Tumalikod sa kanila ang guard at tinawagan si Prime sa ear piece na suot niya.

"Sir may black card dito na hindi ko kilala… Ang pangalan ay Evangeline Estrella daw."

"Oh shit! Hindi pala kita nasabihan… Papasukin mo yan and if she has company let them in as well… Mga special guests ko mga yan. Call an assistant and set the VIP lounge for them, but before that summon them in my office first."

"Ack (Acknowledged) sir…"

Humarap naman yung guard sa kanila at may kinakausap pa siya sa ear piece.

"D.I.(Direct Invite), VIP, Code 7(Office)" Sabi ng guard at tumingin sa grupo ni Evangeline.

"So papasok na ba kami kuya?" Tanong ni Evangeline.

"Yes maam… Pagkababa niyo may assistant na mag-guguide sa inyo sa bar. Pero bago yun gusto muna kayo makausap ni sir."

"Sir? Ano?"

Hindi na nagsalita yung guard at pinatuloy sila sa pababang daan, hindi na rin sila masyadong nagtanong at bumaba sila sa hagdan. Nang makarating na sila sa baba ay may naghihintay sa kanila na lalaki na nakahawak ang mga kamay sa harap.

"Hello Ms. Estrella… Sir Prime is expecting your presence."

"Ok? So… Anong gagawin namin?"

"Please wear those mask at all times sa loob ng bar, do not at any circumstances take it off."

Isa-isa silang kumuha ng masskara at isinuot sa mga mukha nila.

"All good? Ok… Please follow me."

Nang buksan ng assistant yung pintuan ay nabigla silang lahat sa loob ng bar, tumtingin-tingin sa paligid yung mga kasamahan ni Evangeline habang napatakip naman siya ng mata sa nakita niyang kalaswaan na nangyayari sa dance floor pati nadin sa mga babaeng sumasayaw sa loob ng parang bird cage na nakahubad. Umakyat silang lahat ng hagdan hanggang sa makapasok silang lahat sa opisina ni Prime, tumayo naman si Prime at binati silang lahat.

"Welcome! I just wanted to talk to you all first before ko kayo ipahatid sa VIP Lounge."

"Councilor! I did not expect your bar to be this… Extravagant." Sabi ni Evangeline.

"I take that as a compliment, doktora. Thank you… But I…"

"Prime…"

Tumalikod naman silang lahat at hindi napansin na may tao pala sa likod nila, masyado kasing madilim at nakasuot ng itim na damit yung tao.

"Oh Benito? Bakit? Ahhh by the way these are the doctors and nurses who helped out sa sanctuary kanina."

Tumango lang si Ben sa kanilang lahat at may ibinulong sa kaniya yung assistant.

"The Supplier is here na daw… Puntahan ko lang."

"Oh sure…" Sabi ni Prime at winasiwas yung kamay niya na pinapaalis si Ben.

"Vang… Ang pogi niya noh?" Bulong ni Ericka sa tenga ni Evangeline.

"Shhh!"

Nang tuluyan nang makaalis si Ben ay humarap si Prime sa kanila.

"Where was I… Ahhh… I would like thank you all for coming to my bar, as a reward for your service you can have all the drinks you want. Everything is in the house."

"Wow Councilor! Ikaw na talaga iboboto ko sa susunod na eleksyon!" Sabi ni Anthony at mapatawa lang silang lahat sa opisina ni Prime.

"Well… My assistant will guide you now to the VIP Lounge… Enjoy the night everyone."

"Thank you po Councilor."

Tumango silang lahat na nagpasalamat sa kay Prime at sinundan nila yung assistant, pumasok sila sa isang mahabang hallway at yumuko yung assistant sa kanila sa harap ng pinto.

"This will be your room for tonight everyone."

Binuksan ng assistant yung pintuan at namangha silang lahat sa loob, may karaoke, personal bartender at may stage na may pole sa harap.

"Ummm… Excuse me pero para saan yung stage na yan?" Tanong ni Ericka sa bartender.

"Ay ano maam… Para sa mga strippers po yan."

"Oi! Parang gusto ko yan ah! Diba pre?" Sabi ni Anthony at inakbayan pa yung kasamahan niyang nurse na lalaki.

"Hoy Anthony! Sumbong kita kay Patricia gusto mo?" Sabi ni Evangeline.

"Joke lang… Heto naman parang hindi mabiro."

Umupo silang lahat sa black na sofa at kumuha ng music book si Ericka na nakalapag sa harap ng TV.

"Kanta tayo!" Umupo si Ericka at tumabi naman sa kaniya ang mga nurses nila at naghahanap ng kakantahin nila.

Umupo si Anthony sa station ng Bartender at umorder ng maiinom.

"Brandy on the rocks nga pre."

"Coming right up sir."

Umupo din si Evangeline sa harap ng bartender at umorder din ng maiinom.

"May Daiquiri ba diyan pogi? Isa nga…"

"Yes maam…"

Sinerve ng bartender ang mga drinks nila at nagtoast naman silang dalawa, nagtaka naman si Anthony kay Evangeline.

"Vang? Umiinom ka pala?"

"Duh? Minsan lang." Sabi ni Evangeline at ininom ang drink niya.

Nang makaorder nadin ng drinks yung iba pa nilang kasamahan ay nagsimula nang kumanta ang isa sa mga kasamahan nila. Natawa nalang silang lahat nang sumunod nang kumanta si Anrhony na sumasayaw sa itaas mg stage at umiikot sa stripper pole.

"Ericka… CR lang ako ah…" Bulong ni Evangeline.

"Ok Vang… Go Anthony! Woo! Hahaha!"

Kumuha siya ng directions sa bartender at naglakad siya papunta sa CR, habang naglalakad ay napatingin siya sa cellphone niya na tatawagan sana yung yaya ng anak niya pero walang siyang signal sa cellphone niya. Hindi namalayan ni Evangeline na may nabangga siyang tao, natanggal yung masskara na suot niya at nalaglag sa hallway.

(BEN POV)

"You got yourself a deal Mr. Rodriguez. Rest assured makakarating din ang mga needs sa shop mo." Sabi ng Supplier na nakipagkamayan kay Ben.

"Thank you… Now will you excuse me… I will be on my way."

"Of course…"

Lumabas sa VIP lounge ng supplier si Ben at naglakad pabalik sa opisina ni Prime, nang lumiko siya sa hallway ay may nabangga siyang babae na may hawak na cellphone.

"Ay sorry!"

Sabay silang yumuko at inabot yung nalaglag na masskara sa hallway, naghawakan ang mga kamay nila sa pag-abot ng masskara at nagkatinginan sila sa isa't-isa.

"Apologies… Its my fau…" Natulala si Ben sa kaharap niyang babae.

Hindi siya mapakaniwala, parang nakakita si Ben ng multo. Ang mukha na hindi niya inakala na makikita pa niya ulit.

"Carmen?"

Ipagpatuloy.