1. Home
  2. Stories
  3. Babawiin Ko Ang Lahat (Part 7)
Filipino Sex Stories

Babawiin Ko Ang Lahat (Part 7)

By hotsluttygay ·

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.

Sophia's point of view

"Dalawang lalake ang natagpuang wala ng buhay sa isang bakanteng lote sa San Alcantara. Hindi makilala ang dalawang biktima dahil sunog na sunog ang kanilang buong katawan. Hinihinalang electrocution o pagkakuryente ang dahilan ng kanilang pagkamatay. Sariwa pa ang kanilang mga sugat nang maabutan ng mga awtoridad kaya naman umaalingasaw ang masangsang na amoy sa bakanteng lote na kanilang kinalalagyan. Bukod roon ay may nakita ring karatula na nakasabit sa kanilang leeg na nagsasabing 'Rapist. Huwag tularan.' ani ng reporter sa radyo.

Mukhang natagpuan na sina Mang Fred at Mang Berto… bulong ko sa aking isip habang nagluluto ng umagahan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Magdalena sa oras na marinig ang balitang ito? Kung kagabi ay napanood niya kung paano pahirapan ang dalawang matanda, ngayon naman ay mababalitaan niyang wala na silang mga buhay.

Napangisi ako.

"Ang tanong ngayon ng mga awtoridad …sino ang gumawa ng karumaldumal na krimen na nito? Ito ba ay gawa ng isang sindikato? O di kaya ng isang taong naghihiganti dahil sa karahasang natamo niya sa mga lalaking ito? O hindi kaya sila ay mga inosenteng biktima lamang ng karahasang patuloy na lumalaganap sa ating bansa? Sabay sabay nating tutukan ang susunod na mga update para sa balitang ito. Ako ang inyong lingkod na naghahatid sa inyo ng mainit at totoong balita saan mang sulok ng bansa."

Pagkatapos ng balitang iyon ay kasunod na pinagusapan sa radyo ang mga kababaihang naging biktima ng karahasanan, lalong lalo na ang mga bata at menor de edad na pinagsamantalahan ng kanilang mga sariling kamag-anak na lulong sa bisyo at droga.

Napahigpit ang hawak ko sa sanse habang nagluluto.

Alam na alam ko ang pakiramdam ng mga kababaihan nasa ganoong sitwasyon. Alam na alam ko ang pakiramdam ng pinagsamantalahan habang walang magawa.

"Ayyyy!" bigla akong napaigtad ng may pumitik sa noo ko.

"Salubong na salubong ang kilay ah. Sino kaaway natin diyan?" ani King na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala.

"Ha?" kunot noo at masungit kong tanong habang hinihimas ang noo ko.

"Hatdog!" pang-aasar nito. Napairap na lang ako dahil sa kanyang sagot. Hindi naman napigilan ni King na matawa dahil sa aking reaksyon.

"Hatdog mo mukha mo!" pang-aasar ko pabalik.

Mukhang galing sparring si King dahil tanging boxing shorts at rubber shoes lang ang kanyang suot. Kita ang pangingintab ng kanyang buhok at katawan dahil sa pawis, habang nagtatanggal ang bandage sa kamay.

"Ang sarap naman niyang niluluto mo! Mukhang mapaparami ang kain ko ngayong umaga ah" anito sabay silip sa aking niluluto. "Wow! Beef tapa!" excited na sambit nito habang nangniningning ang mga mata. Kinuha niya ang pinakamalapit ng kutsara at akmang dadakot ito ng ulam nang paluin ko ang kanyang kamay.

"Mamaya na! Hindi pa ako tapos" saway ko.

"Tsk! Gutom na ako eh" simangot na sagot nito at kumamot ng ulo.

Natawa naman ako sa kanyang tinuran. Ang inis na nararamdaman ko kanina mula sa balitang narinig ay napalitan na ng tuwa dahil sa ikinikilos ni King.

"Maghintay! This is worth the wait. After ko lutuin itong beef tapa ay isasangag ko naman yung kanin dito sa pinaglutuan para ma-absorb ng kanin yung oil ng beef" kita ang pagkatakam sa itsura ni King. "Maligo ka muna! Siguradong pagkatapos mo ay luto na ito. Tsaka tawagin mo na din yung mga tauhan mo at sabay sabay na tayong kakain sa lamesa" utos ko.

"Yoko! Baka ubusan pa nila ako ng beef tapa" supladong sagot nito. Ibinalik niya ang hawak na kutsara sa kanyang pinagkuhanan sabay alis ng kusina.

Muli akong natawa sa kanyang kinilos.

Parang bata.

Pinagpatuloy ko ang aking pagluluto at ng matapos ay inihanda ko na ang lamesa. Inilapag ko na roon ang beef tapa, itlog, fried rice, ketchup, at ang fresh mango juice na aking ginawa.

Naghanda rin ako ng pagkain sa may kitchen island para mabilis makakuha ang mga tauhan ni King.

Pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto ni King upang sabihan itong ready na ang pagkain, ngunit mukhang naliligo pa ito dahil rinig ko ang lagaslas ng tubig.

Nakita ko sa tabi ng kanyang higaan ang dalawang maleta at dokumento. Bigla kong naalala na Linggo nga pala ngayon at ngayong araw din ang alis niya papuntang ibang bansa.

Tinapos niya nga lang pala ang contract signing nila ni Adonis.

Napabuntong hininga ako.

Kahit na matagal na niyang nasabi sa akin ang tungkol sa kanyang pag-alis ay iba pa rin sa pakiramdam na ngayon na siya mawawala. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil negosyo ang kanyang pakay.

Tinanong ko ito kung kailan siya babalik ngunit hindi niya ako masagot. Magiging depende daw kasi iyon sa kalalabasan ng kanyang pagbisita sa bansang pupuntahan. Sinubukan ko ring usisain kung ano ba ang kanyang aasikasuhin ngunit palagi itong umiiling at sinasabing wala akong dapat ikabahala.

May parte sa puso ko na naniniwalang hindi lang ito basta tungkol sa negosyo. Pero pipiliin ko na lamang na paniwalaan siya dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.

Isinara ko ang pinto ng kwarto at umalis.

Nagtungo ako sa kinaroroonan ng mga tauhan ni King upang sabihan na handa na ang almusal. Naghiyawan naman sila at halata ang excitement dahil gutom na gutom na daw sila. Kanina pa raw kasi nila naamoy ang niluluto ko kaya takam na takam na sila. At masyado rin daw silang pinagod ni King kanina sa sparring.

Bumalik ako sa dining area at doon sila lahat inantay.

"Hello! Hello! Hello! Good morniiiinnngggg! Long time no seeeeeee! Sa wakas! Nakadalaw uli ako ditoooooo! Rest day is reeeeaaaallll!" mataas na tonong boses ng isang pamilyar na babae. Rinig ko ang tawanan at kantyawan ng mga tauhan ni King sa labas dahil siguradong namiss din nila ang babaeng ito. "Nasaan na ang reyna? Kailangan kong magbigay pugay!" dagdag na sigaw nito.

Sumibol ang tuwa at excitement sa puso ko.

It's been a while bago kami personal na makapagusap.

Lalabas na dapat ako ng dining area ng bigla itong pumasok. Nang makita niya ako ay para siyang prinsesa na nagbigay pugay sa reyna.

Natawa ako sa kanyang kinilos.

"Kamusta? It's so nice to see you again. We didn't get the chance to talk dun sa contract signing" nakangiti kong tanong kay Veronica.

"Naku, Maam Sophia. Ikaw ang kamusta? Grabe ang return of the comeback mo! Pasavvoogguuee!" anito. "Hindi ko alam kung nakakita ba ng multo o anghel yung mga amo ko nung nakita ka nila. Pero in peyrnessss, kabog ang beauty mo doon Maam Sophia. Ikaw ang pinakamaganda dun sa event. Walang panaman sayo si Maam Magdalena… chaka!!! Di ko nga alam bakit na-inlove dun si Sir Adonis eh" napailing ako habang natatawa.

"Hindi ka ba nasundan dito? Baka mamaya pinapamatyagan ka na nila. Kailangan nating mag ingat lalong lalo ka na."

"Naku, Maam Sophia. Wala po kayo dapat ikabahala dahil wala namang nakasunod sa akin. Tsaka sinundo naman ako ng mga tauhan ni Sir King malayo dun sa bahay nina Sir Adonis kaya sigurado akong walang nakakita sa akin" sagot nito.

"Good. Anyways, I know marami tayong paguusapan but let's wait for King so we can talk about it during breakfast. I prepared a simple meal for all of us kaya sabay sabay tayong kakain ngayon. Antayin lang natin si King pati yung mga tao niya then we can start eating." ani ko. "Tsaka wag mo na akong tawagin na Maam, okay? Sophia na lang ang itawag mo sa akin. Hindi naman din tayo nagkakalayo ng edad.hehe" utos ko.

Kita ang pag-aalinlangan at hiya sa kanyang itsura ngunit nakumbinse ko naman siya.

Ilang saglit pa ay sabay sabay na dumating sina King at ang mga tauhan nito.

Binati silang lahat ni Veronica at nagkaroon pa ng konting asaran dahil sobra talaga nilang namiss ang kaingayan at kakwelahan nito.

Simula kasi nang iligtas namin si Veronica mula sa kamay ni Tatay Tyago ay dito na rin siya tumuloy sa rest house kasama ko.

Hindi tulad ko ay agad naging close si Veronica sa mga tauhan ni King dahil sa masaya at maingay na ugali nito. Kaya naman masaya ang lahat ngayon dahil matapos ang ilang taon ay muling bumisita si Veronica.

Nagsimula na kaming kumain.

Malaki ang kusina kaya nagkasya kaming lahat. Kasama ko sa lamesa sina King, Veronica, at ilang mga tauhan nito. Ang ilan naman ay nasa kitchen island at doon masayang nagkekwetuhan.

Ang sarap pagmasdan na para kaming isang malaking pamilya ngayon.

Noong una ay sobra akong takot sa mga tauhan ni King dahil sa traumang natamo ko mula sa aking mga pinagdaanan, dahil sa kanilang brusko at nakakatakot na itsura ay pakiramdam ko noon ay pwede nilang gawin sa akin ang ginawa nina Tatay Tyago.

Pero nagkamali ako, you really cannot judge the book by its cover, dahil mababait at mapagkakatiwalaan silang lahat. Hindi nila pinaramdam sa akin na dapat silang katakutan, bagkus ay tinulungan nila akong mapalapit sa kanila.

"Maam Sophia! Ang sarap mo talaga magluto! Tiyak kong maswerte ang magiging asawa mo niyan.hehe" ani ng isang tauhan ni King.

"Ewan ko ba naman kasi dito sa boss natin, kung anong itinapang sa negosyo ay siyang ikinaduwag sa babae. Napaka torpe!" pang-aasar ng isa.

"Alam mo Boss King, bagay na bagay kayo ni Maam Sophia. Manligaw ka na kasi, halatang halata naman na type na type mo itong si Maam Sophia eh. Iba kasi ang ngiti mo kapag kasama natin siya eh, akala mo matinee idol!" ani naman ng isa.

Nagtawanan ang lahat at si King naman ay napangisi lang.

"Magsikain na lang kayo at wag ng dumaldal diyan. Baka gusto niyong magsparring tayo uli at makatikim kayo" ani King.

"Ay biro lang, Mr. Torpe… este boss!" sagot nila.

"Nga pala, Maam Sophia. Ikaw na po ba ang maghahatid kay Boss King sa airport mamaya? Medyo busy po kasi kami ngayon eh kaya baka hindi namin siya mahahatid kung sakali" tanong muli ng isang tauhan ni King.

"Anong busy? Baka gusto niyong pektusan ko kayo sa isa isa? Linggo ngayon at walang gagawin. Busyhin niyo mukha niyo!" ani King.

"Boss hindi mo kasi kami pinapatapos… busy sa pagpapahinga. Syempre katulad nitong si chikabebe Veronica ay rest day din namin ngayon" sagot ng mga tauhan ni King.

Natawa ako. "Wag kayong mag-alala, magpahinga kayo ng buong araw at ako ang maghahatid dito kay King sa airport mamaya" sagot ko.

Agad na naghiyawan ang lahat na tila kinikilig. Maging si Veronica ay nakikihiyaw din.

Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena kaya alam ko ang kanilang ipinaparating. Wala rin namang problema sa akin kung inaasar kaming dalawa.

"Ayieeeeeeee! Ano ba yan boss, babae pa ang nanliligaw sayo! Mahiya ka naman!" pang-aasar ng mga ito.

"Hindi niyo talaga ako titigilan ha?" pabirong banta ni King.

Napuno ng tawanan ang dining area.

Nagpatuloy kami sa pagkain at dumako sa ibang usapan.

"Veronica, kamusta ka sa poder nina Adonis?" tanong ni King. "Mukhang galit na galit yung nanay ni Adonis ah. Warfreak yung isang iyon" natatawang dagdag nito.

"Naku, Sir King. Sinabi mo pa! Halos gumuho yung buong kwarto na tinutuluyan namin nung bumalik kami pagkatapos ng contract signing. Ganito ang eksena…'Paanong nangyari ito?!!!!!'" tila sinadula nito ang kanyang kwento. "Tapos halatang aligaga din si Maam Magdalena nung araw na yon. Kitang kita talaga yung takot at pag-aalala niya. Akala niya siguro makakatakas siya sa mga kasalanang ginawa niya dito kay Maam Soph – este Sophia pala" dagdag nito.

"Tsaka nakita ko si Maam Magdalena kagabi sa garden area. Takot na takot… mukhang napanood niya yung pinadala niyong video na pinapahirapan sina Mang Fred at Mang Berto. Kaya siguro bago ako umalis kanina ay masama ang pakiramdam niya. Mukhang umeepekto na yung gamot na pinapainom natin at pati yung pananakot na ginagawa natin sa kanya. Unti unti na siyang mawawala sa katinuan. Lalo pa kapag nabalitaan niyang patay na yung hayop na dalawang matandang iyon"

Napangisi ako dahil nasusunod ang aking mga plano.

"Nga pala, may balita na kayo kay Tatay Tyago?" tanong nito.

Napatingin ako kay King at umiling ito.

"Wala pa. Mukhang magaling magtago yung isang iyon" sagot ko. "Pero wag ka mag-alala, patuloy pa rin namin siyang hinahanap. At kapag nakita namin siya ay sasabihan kita agad. Alam kong gusto mong makaganti sa lahat ng mga kasamaang ginawa niya sayo"

"Talaga! Gusto kong ako ang puputol sa titi ng matandang yan. Hayop siya!" gigil na sambit ni Veronica.

Nagkatitigan naman kaming lahat at ang ilang tauhan ni King ay nagpipigil ng tawa. Kahit kasi seryoso si Veronica ay tila may nakakatawa pa din sa kung paano niya ito sinabi.

"Oh siya, ipagpatuloy na natin ang pagkain and let us just enjoy the breakfast. Kumuha pa kayo ng kanin at ulam, marami akong niluto for us. Meron pang mango juice sa ref if gusto niyo mag-refill" ako.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta ang mga tauhan ni King na maghugas ng mga pinagkainan. Si King ay nagpaiwan rin sa dining area dahil kakausapin niya ang kanyang mga tauhan.

Kami ni Veronica ay nagtungo sa sala upang doon mag-usap.

===

"Veronica, salamat! Maraming salamat kasi tinutulungan mo ako sa paghihiganti ko. Siguradong hindi ko masisimulan ang mga plano ko kung hindi rin dahil sa iyo" hinawakan ko ang mga kamay ni Veronica at nagpasalamat.

"Maam So-so-sophia, este So-sophia, kung meron pong dapat magpasalamat sa ating dalawa ay ako yun. Ako itong binalikan mo dun sa impyernong pinanggalingan natin. Kung hindi mo ako binalikan at tinulungan ay baka patay na ako ngayon dahil sa kahayupan ni Tatay Tyago" sagot nito. "Kung ano man po itong ginagawa ko para sayo ay hindi pa sapat bilang pasasalamat sa pagliligtas mo sa akin. Kaya salamat… maraming salamat"

Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti.

"Pwede po ba akong magtanong?" anito.

"Sure go ahead. Ano iyon?"

"Bakit kailangan mo pa pong patagalin ang paghihiganti mo? Bakit hindi mo na lang ipadukot si Maam Magdalena tapos ikulong mo at pahirapan habang buhay? Tapos pabagsakin mo na lang agad ang kumpanya ni Sir Adonis. Madali mo lahat magagawa iyon sa tulong ni Sir King… pero bakit inuunti unti mo pa po? Hindi ka ba nahihirapan?"

Muli akong napatingin sa mata ni Veronica. Hindi ko inaasahan ang kanyang tanong pero alam ko kung ano ang isasagot ko rito.

"It's not that easy" panimula ko. "Sa ating dalawa ay ako ang unang binaboy nina Tatay Tyago. Ilang buwan nila akong pinagsamantalahan at lahat ng klaseng kahayupan ay ginawa nila sa akin. Lahat ng iyon, si Magdalena ang may gawa. Lahat ng iyon hindi pinaniwalaan ni Adonis- ang kaisaisang taong inasahan kong maniniwala sa akin. At hindi pa doon natatapos, dahil pinatay pa ni Magdalena ang Lola Tessa ko. Do you think it's fair kung mabilis silang maghihirap?"

Kita ang lungkot sa mukha ni Veronica. Kahit na sinabi ko na ito sa kanya noon ay tila naapektuhan pa rin siya.

"Those are the reasons kung bakit gusto kong unti unti nilang maramdaman ang paghihiganti ko. Gusto kong maramdaman nila mula ulo hanggang paa ang takot dahil sa muli kong pagbabalik. Gusto ko na bawat ugat sa katawan nila ay magsisisi sa mga ginawa nila sa akin"paliwanag ko.

"Pasensya na kung natanong ko iyon. Wala akong intensyon na magalit ka o manumbalik sayo ang nakaraan. Gusto ko lang talagang maintindihan kung bakit kailangan mo silang unti untiin" ani Veronica. "Pero wag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para maisakatuparan ang lahat ng plano mo. Hindi ko lulubayan ang pamilya nina Sir Adonis hanggat hindi natin sila nasisira. At sisiguraduhin kong mababaliw si Maam Magdalena dahil sa gamot na pinapainom natin sa kanya. Kasama mo ako sa laban na ito at kailanman ay nasa iyo ang aking katapatan"

Ngumiti ako at nagpasalamat.

Kinuha ni Veronica ang kanyang cellphone sa bag. "Gusto ko rin po pala ipakita sa inyo ito. Pwede nating gawing bala ito laban sa kanilang pamilya" inabot nito ang kanyang cellphone at may ipinakitang video.

Makikita rito si Tito Romano na nakaupo sasakyan habang hawak ang ulo ni Veronica na itinataas baba sa kanyang pagkalalake. Maririnig sa video ang ungol ni Tito Romano at mga dirty talk na kanyang sinasabi kay Veronica. Maririnig rin dito ang pangungutya niya sa kay Tita Olivia habang sarap na sarap sa nararamdaman.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat.

"Paano mo nagawa ito? Buti hindi ka nahuli"

"Kuha yan sa sasakyan ni Sir Romano noong contract signing ninyo. Noong naiwan kami upang magbibit ng mga gamit ni Maam Olivia ay biglang niyaya ako ni Sir Romano na gawin iyan… kaya naisipan kong videohan. Buti na lang ay hindi niya napansin ang aking cellphone dahil sarap na sarap siya sa aking ginagawa. Magaling naman kasi talaga ako.hehe" anito. "Tsaka hindi yan ang unang beses na may nangyari sa amin. Simula kasi noong pumasok ako bilang yaya ni Addy ay napapansin ko ang mga malalagkit na tingin nito sa akin. Kaya isang araw noong wala si Maam Olivia at nasa trabaho sina Sir Adonis at Maam Magdalena ay hinatak ako ni Sir Romano sa kwarto nilang mag-asawa at doon ang unang beses na may nangyari sa aming dalawa. At nasundan pa ito maraming beses pa."

Hinawakan ko ang mga kamay nito.

"Veronica, hindi mo kailangang gawin uyan. Hindi mo kailangang ibigay ang katawan mo sa kahit na kanino para nag makapaghiganti tayo sa kanila"

"Wag kayong mag-alala. Gusto ko rin naman po itong ginagawa ko. Tsaka ewan ko ba, hindi ko rin kasi talaga napigilan ang sarili ko noong nagpakita ng motibo si Sir Romano" huminga ako ng malalim.

"Veronica, hindi sa hinuhusgahan kita, pero ayokong babuyin mo ang sarili mo ng dahil sa akin. Parehas tayong babae at dapat ginagalang at nirerespeto tayo ng mga lalakeng nakapaligid sa atin. Hindi dapat tayo basta basta bibigay sa kung sino mang lalake dahil lang sa pang-uuto o pangako nila"

Ngumiti ito at tumango.

Kita ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

"Salamat, Sophia. Nirerespeto at tinatanggap ko ang mga sinabi mo. Pero hayaan mo lang ako sa mga ginagawa ko. Hindi ko naman pinatulan si Sir Romano dahil lang kinati ako. Ginawa ko iyon dahil isa iyon sa mga paraan para may mapatunayan ako sa sarili ko- na maganda ako, kagusto gusto, at kahangadhangad. Yang mga bagay na iyan ang mga hindi ko naramdaman sa pamilya ko. Kaya nga sumama ako kayna Tatay Tyago noon dahil gusto kong makaramdam na may taong gusto ako at magpaparamdam sa akin na espesyal ako" halatang pinipigilan nito ang luha.

"Kaya pasensya na, pero hindi mo ako mapipigilan sa bagay na ito. Tsaka isipin mo na lang na parte ito ng aking tulong sayo para masira ang pamilya ni Sir Adonis. Isipin mo kung ano ang mararamdaman ni Tita Olivia kapag nalaman niya na nakikiapid ang asawa niya. Isipin mo ang eskandalo na haharapin ng pamilya nila at ng kumpanya nila kapag sumabog ang balitang ito" dagdag ni Veronica.

Tiningnan ko siya sa mata at huminga ng malalim bago tumango. Wala na akong magagawa sa kanyang kagustuhan kaya hahayaan ko na lamang siya. Pero kailangan kong siguraduhin na mapoprotektahan siya sa anumang gulo na pwedeng dulot ng kanyang pakikipagtalik kay Tito Romano.

"Thank you at nirerespeto rin kita. Basta kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako" ani ko sabay naglabas ng isang matamis na ngiti. "At gusto ko rin palang ipaalala sayo na sa lahat ng mga plano natin, hindi pwedeng madamay si Addy. Labas ang bata sa kasalanan ng kanyang mga magulang kaya hinding hindi siya pwedeng masali sa gulong ito"

"Oo naman. Hinding hindi kasama ang cute na cute kong junakis sa gyereng ito" sagot ni Veronica at tumango.

Pagkatapos ay bumaling ang aming usapan sa isang napakalaking lihim sa loob ng bahay nina Adonis. Isang lihim na makakapagpagunaw sa kanilang mundo. At hindi lang iyon, dahil may mga ahas rin sa loob ng kanilang kumpanya na hinihintay na lamang ang aking hudyat bago sila lingkisin.

Nang matapos ang aming usapan ay dinala ko si Veronica sa kinaroroonan ni Mang Gado na kasalukuyang naka ICU sa kanyang kwarto dahil muli namin siyang pinakaladkad sa kotse.

Hindi na ito makilala dahil tadtad ng sugat ang kanyang buong katawan kahit na ang kanyang mukha.

Tinanong ako ni Veronica kung bakit hindi ko pa tinutuluyan si Mang Gado, ngunit sinabi ko sa kanya na may plano pa ako para dito. Hindi pa siya pwedeng mamatay dahil pwede ko siyang gamiting alas sa hinaharap kung kinakailangan.

At dumating na ang oras na kailangan nang umalis ni Veronica. Ako naman ay kailangan na rin maghanda upang ihatid si King sa airport.

Bitin man sa aming kwentuhan ay nagpaalam na kami ni Veronica sa isat isa at pinahatid ko siya pabalik ng San Alcantara.

===

Nandito ako ngayon sa loob ng aking sasakyan at pinagmamaneho ang hari.

Habang nagdadrive ako papuntang airport ay hindi kami nagiimikan ng aking kasama. Tila ba nagpapakiramdaman kami sa kung sino ang unang magsasalita at sa kung ano ang sasabihin.

Nakatingin ito sa labas ng bintana at tila malalim ang iniisip.

"Pasensya na sa pang-aasar ng mga tao ko kanina ah. Baka hindi ka komportable" anito habang nakatingin pa rin sa labas.

"Anong tingin mo sa akin highschool? Walang problema sa akin yung pang-aasar nila kanina.hehe"

"Okay" anito.

At muling namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko mang magsalita pero tila may nakabara sa aking lalamunan.

Pagdating sa airport ay naghanap kami ng parking at doon muna ipinarada ang sasakyan. Huminga ng malalim si King bago lumabas ng sasakyan. Ako din ay lumabas na rin upang tulungan siya sa kanyang mga bitbit.

Tiningnan ko ang oras, saktong alas-syete ng gabi. Isang oras bago ang flight ni King.

Hinatid ko ito hanggang sa may entrance ng airport at dahil hindi na ako pwedeng makapasok sa loob ay dito na ako nagpaalam sa kanya.

Nagsimulang bumigat ang aking pakiramdam. Tila naman naramdaman ito ni King kaya humarap ito sa akin at seryoso akong tinitigan.

Hindi ako makatingin pabalik dahil sa pinaghalo halong emosyon sa aking puso – ilang, hiya, at lungkot.

Umabot ng ilang minuto ang ganung sitwasyon bago siya nagsalita. "Pano ba yan? Alis na muna ako" anito habang nakingiti.

"King…" bulong ko.

"Wag kang mag-alala sa akin, okay? Katulad ng palagi kong sinasabi ay kaya ko ang sarili ko. Tsaka maguupdate ako kapag nandun na ako sa ibang bansa" anito.

Tumango ako ng hindi pa din tumitingin sa kanya.

"Mag-iingat ka ha. Malayo ako sayo kaya hindi ako basta basta makakabalik dito kapag kinailangan mo ako. Pero sinabihan ko na ang mga tauhan ko na ingatan ka, lalo na ngayong nagsisimula na ang mga plano mo. Sila ang mananagot sa akin kapag may nangyari sayong hindi maganda" seryosong sambit nito. "Tsaka tinawagan ko rin sina Knight at Carla. Sabi nila ay dapat sa kanila ka na lang daw tumuloy habang wala ako, pero inexplain ko naman na ayaw mo silang idamay sa kung anong kahihinatnat ng mga plano mo kaya mas maiging sa resthouse ko na lang ikaw tumira. Miss na miss ka na ni Carla, sabik na sabik na yun makipag girl talk sayo."

Napangiti ako sa kanyang tinuran.

Pero sa kabila ng ngiti ay mas nanaig ang lungkot dahil sa mga sinabi ni King. Eto kasi ang unang pagkakataon na maghihiwalay kami ng matagal. Sa loob ng tatlong taon ay halos isang linggo na ang pinakamatagal na hindi namin pagkikita.

Ngunit ngayon ay milya milya ang kanyang layo dito sa Pilipinas, dito sa akin.

Hindi ko maiwasang malungkot ng sobra at mag-alala.

"hehe. Mamimiss mo ako ano?" pagbibiro ni King.

Dito tumulo ang luha ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at mas hinigpitan pa ang aking pagkakayakap.

Narinig kong napangiti si King sabay yumakap pabalik sa akin. Hinimas niya ang aking buhok at tila inaamoy niya rin ito.

"I'm gonna miss you too" bulong nito.

Ramdam ko ang init at seguridad sa kanyang yakap. Seguridad na tatlong taon kong araw araw na naramdaman. Seguridad na hindi ko naramdaman kahit na kanino, kay King lang.

Tila ayokong humiwalay pagkakayap namin sa isa't isa.

Patakapos ng ilang minuto ay bumitaw si King at seryosong tumingin sa akin. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi sabay dikit ng kanyang noo sa akin.

Naramdaman kong gamit ang kanyang ilong ay nilalaro niya rin ang sa akin.

"Tang ina, mamimiss talaga kita sobra. Bakit ba kasi kailangan kong umalis… tang ina talaga" inis na sambit ni King habang nakatingin sa aking mata. "Pero siguradong pagbalik ko ay hindi na kita iiwan pa uli. Eto na ang huling beses na magkakahiwalay tayo ng matagal, dahil pagbali ko, I will already call you mine. Hindi ko na aantayin na maging handa ka dahil aangkinin na kita" anito.

Sobrang lapit ng aming mukha sa isat isat… maging ang aming mga labi. Pero wala sa aming dalawa ang gustong tumawid sa manipis na espasyo na namamagitan dito.

Tila nagpipigil kaming dalawa.

"Shit" inis na bulong nito at lumayo. "Kailangan ko nang umalis. Magiingat ka" huminga ako ng malalim at tumango.

"Ikaw din. Balikan mo ako, King ah. Kung kaya mong bumalik agad ay gawin mo" ngumiti ito. "Syempre" sagot nito at ngumiti bago tuluyang nagpaalam.

Inantay ko siyang makapasok sa loob, at ng hindi ko na ito matanaw ay tsaka ako bumalik sa sasakyan.

Namiss ko agad si King.

Tila sa ilang minuto naming hindi magkasama ay parang taon na kaming hindi nagkita.

Pinaandar ko ang sasakyan upang bumalik sa resthouse.

Kailangan ko ring maghanda dahil bukas ay Lunes- ang kaunaunahang meeting namin nina Adonis at Magdalena para sa unang project ng aming mga kumpanya.

Huminga ako ng malalim. I'm all by myself now.

===

Magdalena's point of view

Lunes ngayon at hindi pa din maayos ang aking pakiramdam. Hindi pa din maalis sa aking isipan ang balitang narinig ko na may natagpuang patay na dalawang lalake sa isang bakanteng lote dito sa San Alcantara.

Sigurado akong sina Mang Fred at Mang Berto iyon. Imposibleng nagkataon lang na may nagsend sa akin ng video kagabi na pinapahirapan sila tapos ngayon ay biglang wala na sila.

Sigurado akong pakana ito ni Sophia upang takutin ako.

Pero kung inaakala niya na magpapatalo ako ay nagkakamali siya dahil kung gusto niyang makipaglaro… gagawin ko. Kung noon ay naawa pa ako sa kanya dahil hindi ko siya pinapatay kayna Tatay Tyago, iba na ngayon, dahil kung kailangan ko siyang gilitan sa leeg ay gagawin ko para lang tuluyan na siyang mawala sa landas ko.

"Are you alright?" tanong ni Adonis.

"Of course" sagot ko at ngumiti.

Nandito kami ni Adonis sa loob ng conference room ng aming kumpanya kasama ang aming project management team, marketing team, at ilang mga stockholders. Inaantay namin si Sophia dahil ngayon ang kick-off meeting para sa kaunaunahang project ng aming mga kumpanya. Sinabihan rin kasi kami ni King na nakaalis na siya ng bansa kaya hindi na siya makakasama pa sa mga meetings namin. Si Sophia na raw ang bahala sa lahat.

Ilang saglit pa ay pumasok ang babaeng inaantay namin.

Nakasuot ito ng isang white na business attire na damit. Kita ang pagkamangha sa itsura ng mga tao dito sa loob ng pumasok si Sophia.

Hindi ko naman maiwasang mainis.

"Good morning, everyone!" pangunang bati nito. Naupo ito bakanteng upuan sa unahan- sa tapat namin ni Adonis. Wala itong kasama kundi siya lamang. "Good morning, Mr. and Mrs. Salvacion, it's nice to see you again. As you all know King Villarin already left the country for business and as he said during the contract signing, I will be his OIC for all the projects related to this partnership. That means, all ideas, approval, communications, and everything shall undergo my checking and approval. It means I should be well-informed about everything" anito.

"That is well noted. So, are we still waiting for someone else or shall we begin the meeting?" tanong ni Adonis.

Tumango si Sophia at ngumiti.

Tumingin sa akin si Adonis at sinensyasan akong magsimula na sa aking presentation.

Tumayo ako at nagtungo sa unahan. "Before we begin the presentation, I would like to remind everyone that we are doing business here. Any personal issues from the past should not be brought here. Let's be professional and mature inside and outside of this conference room"

Ngumiti lang si Sophia na tila hindi pinansin ang aking sinabi. Muli akong nakaramdam ng inis.

"Now let's begin. Shown here are the three possible projects we might venture on; construction, leisure, and food. As of the moment, the best business is construction because San Alcantara is planning to build condominiums and malls next year so we can talk to them and convince them to choose us for those projects" ani ko.

"Don't you think it's too risky to venture into construction immediately?" tanong ni Sophia.

"Yes it is. But just imagine the amount of money this will bring to our company if it becomes successful" sagot ko.

Tiningnan ko si Adonis at tila nag-iisip din ito. Pakiramdam ko ay hindi ito sumasang-ayon sa aking ideya.

Tila may kumurot sa aking puso.

"But there is a big chance it might not" sagot ni Sophia. "I agree with you that construction is a good business. But there are a lot of construction companies out there. Villacalderon Construction Corporation, Dragonfire Builders, Mega Development Corporation, among others. They are the best at what they do. Wala tayong laban sa kanila, baka masayang lang ang iinvest natin if we pursue construction. For sure San Alcantar will choose a company that is already tested and proven when it comes to their field" dagdag nito.

Napakuyom ako ng palad.

Napatingin ako sa mga tao dito sa loob ng conference room at lahat sila ay sumasang-ayon kay Sophia.

Ito ang kaunaunahang pagkakataon na napahiya ako sa aking presentation.

"Let's ask Mr. Salvacion, what's in your mind regarding this?" tanong ni Sophia kay Adonis.

Ilang segundo itong nag-isip bago sumagot. "Construction is actually a good idea. But business-wise, I think it's not yet the right time for that. Madami pa tayong kakaining bigas to prove ourselves kapag tinuloy natin yan" napangisi si Sophia.

Dito mas lalong kumuyom ang aking palad at nagsimulang gumapang ang selos sa aking katawan.

"Thank you, Mr. Salvacion, that's exactly what I was thinking. So if I may suggest, we can venture into food. Why? Because mas maliit ang puhunan na ilalaan natin dito compared sa construction and leisure. Pero hindi ibig sabihin na mas maliit ang puhunan, ay maliit ang kita. With the right skills and good marketing strat, we might easily boost our sales. Just imagine the branches we might open once na maging successful ito. I'm sure this is going to be a good addition to both of our companies lalong lalo na sa inyo" ani Sophia.

Kita ang pagkamangha sa mukha ni Adonis. Tila kumbinsadong kumbinsado ito sa mga sinabi ni Sophia at naetsapwera ang aking mga sinabi.

Maging ang mga stockholders na naririto ay namangha sa suhestyon ni Sophia.

Pinigilan ko ang aking sarili na magreact ng hindi maganda.

"But again, this is a partnership and I am not the only one here who will decide. You are the president of your company and you have the final say. But for me, the best business to venture into right now is food. Unless may naiisip pa kayong iba?"

Lumunok ako at inaantay ang sasabihin ni Adonis.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Sa isip ko ay gusto ko siyang tumanggi at ipaglaban ang aking ideya. Gusto kong ipaglaban niya ako ngayon sa harap ng lahat dito sa loob ng conference room.

Ngunit nagkamali ako.

"I agree with that idea. We can give it a try" sagot ng asawa ko.

"Thank you for your immediate decision, Mr. Salvacion. I think I can leave now. Let me know when will be our next meeting so we could start discussing the work plan for this. Thank you for your time and it's nice to see you again" paalam nito. "Mrs. Salvacion, you did great there. I appreciate that presentation" ngumiti ito at umalis ng conference room.

Bumilis ang aking paghinga dahil sa inis na nararamdaman. Bumalik ang alaala ko noong nag-aaral pa kami ni Sophia kung saan siya ang naging summa cum laude ng aming university. Kung saan siya ang laging pinagkakaguluhan sa campus. Kung saan siya ang laging bida at ako ang nasa likod niya na sumasalo ng ambong biyaya mula sa kanya.

Dito ko hindi napigilan ang sarili ko at lumabas ng conference room. Wala na akong pakielam kung may sabihin ang mga tao dito dahil ang gusto ko ay makabalik sa aking opisina at makapag-isip.

"Babe…" rinig kong tawag ni Adonis ngunit hindi ko ito pinansin. Derederetso ako sa aking opisina at padabog na isinara ang pinto.

Nagtungo ako sa CR at doon inilabas ang aking inis.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!" sigaw ko. "Walang hiya ka, Sophia! Napaka hayop mo talaga!"

Tumingin ako sa salamin at nakita ang aking sarili na nanlilisik ang mata. Parang hindi ko makilala ang aking sarili dahil sa inis na nararamdaman.

Sinubukan kong ikalma ang aking emosyon.

"Babe… open the door, let's talk…" rinig kong kumatok si Adonis pero hindi ko siya pinansin. "Please open the door" rinig kong sigaw nito at mas lumakas ang kanyang pagkatok.

Hindi ko pa rin ito pinansin at nanatili sa loob ng CR.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para makaganti sa ginawa ni Sophia. Kailangan kong makaganti sa pananakot at pamamahiya niya sa akin.

Patuloy lang ako sa pag-iisip…

Hanggang sa may ideyang pumasok sa isip ko.

Biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at rinig kong nakapasok na si Adonis sa loob. Agad ako nitong nahanap sa CR.

Kita ang pag-aalala sa kanyang mukha pero sinuklian ko lamang siya ng isang ngisi.

Keep your friends close and your enemies closer.

Itutuloy…

P.S. My apologies if natagalan sa update. Nabusy lang sa work and medyo nahirapan ako mag come-up sa update na ito. It took a lot of revisions before matapos ang chapter na ito because nawala yung momentum and drive. Thank you for waiting and hope you enjoyed it.