1. Home
  2. Stories
  3. Road To Redemption XIII
Filipino Sex Stories

Road To Redemption XIII

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

" Oras na para itama ko din ang mga pagkukulang ko sa iyo James" ang sabi ni Kc at hinubad na nito ang kanyang suot na damit. Pumasok siya sa banyo para magshower. Nagsuot na lamang ito ng isang terno na pajama

Tumabi naman ito sa kanyang natutulog na anak at napatitig ito katabing stuff toy ng anak niya sa kabilang side ng kama. Isang napaka laking Sully ng monsters inc

Habang tinititigan ko ang stuff toy ng aking anak na si Olivia ay doon ko lang na realize ang isang bagay. Ang pangalan ng character na kung saan based itong stuff toy ay James Sullivan. James, ang pangalan na pilit namin kinalimutan sa pamilyang ito pero heto siya ngayon nagbabalik.

Paborito ito ng aking anak na si Olivia. Kaya naman pasimple akong ngumiti at kinausap ang larawan ng kanyang daddy.

" Malakas ka talaga sa taas… pati laruan ng anak natin…ikaw pa rin paborito" ang sabi ko kay james.

At natulog na rin ako ng may ngiti sa akin mukha.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sa kwarto ni Jc.

Hindi mapakali si Jc dahil sa kanyang nakita kanina ng lumabas ito para kumuha ng tubig sa kusina nila. Nakita nito ang kapatid niyang si Kc na hinatid ng dating kasintahan niyang si James.

Nakaupo ito ngayon sa harap ng isang malaking salamin malapit kung saan na nakalagay ang kanyang mga makeup at mga beauty products.

" James….bakit ikaw pa" ang sabi ni Jc habang pinagmamasdan nito ang kanyang napakagandang mukha na tila nagpapacute ito sa salamin. Alam nito na dati naman talagang magkarelasyon si Kc at si James. Kala niya ay tanggap na niya kung sakali man na magkabalikan ang dalawa.

Pero heto siya ngayon at litong lito sa kanyang nararamdaman. Di niya alam kung matutuwa siya dahil sa mukhang unti unti ng nagkakamabutihan ang dalawa o magseselos ito dahil sa kanyang nararamdaman tungo sa lalaking dating minahal ng kapatid niya.

" James Oliver Tan……. Now I know….bukod diyan sa napalaki mong sandata…. Iba din talaga ung hatak mo sa babae" ang sabi ni jc habang hindi nito maiwasan na himas himasin ang kanyang firm na firm pa din na suso.

" Ang laki laki mo……… grrrrrrr" ang sabi ni Jc ng mahimasmasan ito. Tumakbo na lamang ito sa kanyang higaan para matulog. At kalimutan kung ano man ang kanyang iniisip tungkol kay James.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kinabukasan

Sa kwarto ng mag-inang olivia at Kc. Kakagising pa lamang ni Kc. Halos kakatayo pa lamang nito sa higaan at pupunta sana siya sa banyo ng biglang may kumatok mula sa labas ng pintuan ng kwarto niya.

" tok!! Tok!!" ang boses ni mama flor mula sa labas ng pintuan. Kaagad naman lumapit si Kc sa pintuan at pinagbuksan nito ang kanyang mama ng pintuan.

" Bakit ma?" ang tanong ni Kc sa kanyang mama flor ng pagbuksan niya ito ng pintuan

" Delivery nak…. Bulaklak" ang sabi ni Mama flor at kita nito ang hawak ni mama flor na bouquet ng bulaklak. Nagtaka naman si Kc kung sino ang magpapadala sa kanya ng bulaklak sa ganitong oras.

" Salamat ma" ang sabi ni Kc at kinuha nito ang bulaklak. Tsaka na siya nagpaalam para magprepare. Sinarado na nito ang kanyang pintuan at kaagad niya tinignan ang bulaklak kung may card ba ito.

Imbes na kiligin siya ay mas lalo siyang nainis sa kanyang nakita. Pangalan ng magaling niyang kasintahan na si Gerard. Sa sobrang inis nito ay diniretso niya sa basurahan sa banyo ang bulaklak.

" Ano sa tingin mo ? Madadala mo ako sa bulaklak matapos mo ako saktan kagabi?" ang inis na tanong ni Kc sa kanyang sarili habang nilalamukot niya ang bulaklak sabay hagis sa basurahan.

Naglakad na palabas ng banyo si Kc na galit na galit. Kaya naman agad niya kinuha ang telepono nito na nakapatong sa may lamesita sa gilid ng kama nilang mag-ina. Tila ba naghahamon talaga ang tadhana sa kanya. Dahil sa nakita nito sa kanyang telepono.

" Hi Love….musta …….. Sorry for last night" ang voice message na nakita ni Kc sa kanyang messenger. Halos maibato ni Kc ang kanyang telepono sa sobrang inis dahil sa voice ni Gerard.

Matinding pagkamuhi talaga ang nararamdaman ni Kc sa lalaki. Nasaktan talaga ito sa mga pinaggagawa ni Gerard sa mga nakalipas na araw

" Break na tayo" ang malamig na sagot ni Kc sa voice message ng lalaki. At saka nito sinara ang telepono niya. Mga salitang tiyak siya na kapag narinig ng isang tao ay gets na nito kung anong ibig sabihin niya

" Mommy………mommy………mommy" ang magiliw na bati sa kanya ng anak na si olivia ng magising ito at makita niya ang kanyang mommy Kc. Kaagad na kinarga ni Kc ang anak nito at nakipaglaro siya sa bata.

" Lablab mo si Mommy na baby ko" ang sabi ni Kc habang hinahagis nito pataas ang kanyang anak. Tuwang tuwa naman ang bata at panay ang tawa nito sa ginagawa ng kanyang mommy.

" labyu" ang sabi ni Olivia at hahalikan niya sa labi ang mommy nito at ganun rin naman si Kc. Tuwang tuwa si Kc sa kanyang anak. In a few months time. Mag 4 years old na din ito. Habang pinagmamasdan ni Kc ang kanyang anak ay tila ba nakaramdam ito ng inis sa sarili niya.

Dahil sa pagkakaroon niya ng relasyon kay Gerard ay parang napabayaan na nito ang kanyang anak. Dati ay madalas sila maglaro at magbonding sa restaurant. Pero simula ng maging sila ni Gerard ay naging madalang na ito o minsan nga ay wala na eh.

Naging focus ito sa lalaki na kahit after work ay nakakapunta siya sa condo ng lalaki para gumawa sila ng mga kahalayan at pumapayag siya na iuuwi na lang ang anak niya ng tita at lola nito.

" babawi si mommy…. Baby ko" ang sabi ni Kc at inakap nito ng mahigpit ang anak niya. Na tuwang tuwa naman dahil kinikiliti din siya ng kanyang mommy. Ramdam na ramdam ni Kc ang munting anghel nila ng taong alam niyang mahal na mahal niya pa rin hanggang ngayon.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa tinatuluyan nila Tata Dens at James.

" Hoy James…. Iho….mukha kang naengkanto diyan" ang sabi ni Tata dens sa lalaki dahil sa akap-akap nito ang jacket niya na sinuot ni Kc kagabi. Tumingin naman si James sa matanda at nakangiti ito ng malaki.

" Tata dens…. Alam mo ba ung pakiramdam na unti unti mo ng nababawi ang lahat" ang sabi ni james habang tila ba kinikilig ito habang inaalala niya ang mga nangyari sa kanila kagabi ni Kc.

" alam mo iho….kung ano man ang ginagawa mo kay Mam Kc…. pagpatuloy mo lang…. Pakita mo sa kanya …… na kung ano man ang nagawa mo noon….. Iba ka na" ang sabi ni Tata dens sa binata na tila isang teenager na kinikilig. Napatango tango naman ito sa mga sinabi ng lalaki sa kanya.

" Tata …… kung alam mo lang ….kung gaano ako kaloko noong kabataan ko …… noong kami pa ni Kc …… baka siguro sapukin mo ako ng malakas" ang sabi ni James at matanda tsaka nito sinabit muli sa pader ang jacket. Napatingin naman si Tata dens dito kay james at tila ba ngumiti din ito.

" Iho….. naiintindihan kita…… ganyan din ako noon kabataan ko…… babae dito…. Kantot dito ….. Kantot doon" ang sabi ni Tata dens habang nakahiga ito sa higaan niya at nakatingala sa kisame habang inaalala nito ang mga pangyayari noong kabataan din niya.

" Ho…. talaga po ba?" ang tanong ni James kay tata dens dahil nagulat ito sa mga sinabi ng matanda sa kanya.Dahil sa unang tingin ni James ay napakabait nitong si Tata Dens

" kaya naiintindihan kita iho….. Iniwan din ako ng mag-ina ko noong mahuli ako na may kasamang iba" ang sabi ni tata dens sa lalaki habang pinaiikot ikot nito ang daliri niya sa langit na tila ba sumusulat ito ng pangalan.

" asan na po sila tata?" ang tanong ni James sa matanda at bigla na lang ito umupo ng maayos tsaka nagsalita muli.

" Di ko na sila nakita…. Hanggang sa nagpalaboy laboy ako sa kakahanap sa kanila…. Doon ako nakita ni Maam Flor at kinuha niya ako noon staff niya dito" ang sabi ni Tata dens kay James. Nakaramdam naman ng awa ang lalaki sa sinapit ng matanda.

" Kaya pagpatuloy mo iyan…. Itayo mo ang bandera natin mga gustong magbagong buhay at tuluyan ng kalimutan ang mga kalokohan natin sa katawan" ang sabi ni Tata dens at tumayo tsaka niya tinapik sa balikat ang lalaki na parang anak na nito.

" tata dens….. Ako ang magiging isang buhay na patunay na hindi pa huli ang lahat para magbago tayo" ang sabi ni James at inakap nito ang matanda na tila ba nagsisilbi itong gabay sa kanya.

Habang sa restaurant, isang babae ang ngayon ay nagiging sentro ng mga malilisyong mata sa paligid. Mga matang nakakalusaw ang mga tingin.

Masayang pumasok ngayon sa restaurant sa Kc kasama ang kanyang mama, mga kapatid at si Oliva. Kapansin pansin nila ang kakaibang aura ng dalaga. Natural ng maganda manamit ito pero halata mo na mas lalo itong gumanda ngayon.

Naka suot ito ngayon ng isang pink na dress at gold na high heels. Litaw na litaw na naman ang kasexyhan nito kahit na may anak na siya. Sobrang hot niya pa tignan sa outfit niya.

Lahat tuloy ng tao ay napapalingon dito. Mula sa staff nila at sa mga inassign na tauhan ni Gerard sa restaurant ay sinusundan ito ng tingin.

Pero walang pakialam sa kanila si Kc dahil, isang tao lang naman ang gusto nito makapansin sa kanya sa mga oras na iyon. Ito ay walang iba kung hindi ang dating kasintahan niyang si James.

Sa tingin pa lang ng mga tauhan ni Gerard ay nahuhubaran na si Kc pero dumiretso na lamang ito sa kanilang opisina

++++++++++++++++++++++++++++++++++

James's Pov.

" Tata dens…. Pakisuyo pala ung baril ko" ang sabi ko sa matanda dahil nakalimutan ko ito sa akin kama. Nasa labas na ako ng tinutuluyan namin at papunta na sana kami sa likuran pintuan kung saan kami dadaan para makapasok sa opisina.

" ito oh…. At teka…isasara ko lang ito" ang sabi sa akin ni tata dens sabay abot ng baril ko. Habang siya naman ay sinususi ang pintuan namin. Ng matapos ito ay naglakad na kami. Malapit lamang ito.

Mga ilang hakbang lang ng makita namin ang apat na tauhan ni Gerard na tila ba nagkwekwentuhan ang mga ito habang sumisindi ng yosi. Kaya naman pinatigil ko muna si Tata dens at nagtago kami sa likod ng malaking tapunan ng basura. Dahil mukhang may pinag-uusapan ang mga ito na hindi maganda.

" ayos talaga yung katawan noh" ang sabi ni tauhan1 sa mga kasama nito habang nakasandal ito sa pader. Nakataas ang paa at nakatapak sa pader sa likuran nito. Ang kamay nito ay sumesenyas ng isang seksing pigura ng babae.

" oo nga pre….kung ako yun…. Pipigain ko ung magatas na dibdib niya" ang sabi ni tauhan2 na nasa tabi nito at humithit doon sa sigarilyo at ang isang kamay niya tila lumalamas sa hangin.

" Puta pre…… yun ang milf" ang sabi ni Tauhan 3 at nagsi apir ang tatlo habang ang pang apat na kasama nila ay tahimik lamang na nakikinig at nakatalikod ito sa amin pero bigla itong nagsalita.

" ano pre…. Kanain na natin un si Mam Kc" ang sabi ni tauhan4 sa isang napakaseryoso at buo nitong boses. Dahil sa aking narinig ay tila ba nawala ako sa akin sarili. Bumalik bigla ang mga alaala ko noong mga panahon na nasa la union kami at binastos itong si Kc.

Nagulat na lamang ako at nakatayo na ako sa likuran ni tauhan4. Halos magkasing tangkad lang kami nito pero ang katawan nito ay malaki talaga. Literal na katawan ng bouncer sa pelikula ang datingan nito.

" pare….sinong kakanain mo?" ang tanong ko dito mula sa likuran. At mayabang pa ito nagsalita ng.

" Si Puta at pakantot na si Kc" ang sabi nito sa akin. Napatingin naman ang tatlong kasama nito sa akin at halata sa mukha nila ang gulat at takot. Tiyak ako na naikwento na sa kanila ng amo nila kung ano ako sa buhay ni Kc.

" Ganun ba…… oh ito tulong ko na sa iyo" ang sabi ko dito at sabay tapik sa balikat nito. Lumingon naman siya sa akin at bago pa ito makareact ay isang malakas na suntok sa ilong pinakawalan ko dito.

" Cracccckkkkk" ang tunog ng pagkabasag ng ilong nito. Sabay malakas na " Thud" at napatumba na ito sa sahig. Ang kamay niya ay nasa mukha nito at nag gulong gulong ito sa sahig dahil sa sakit.

" Whishhhhh" ang tangkang pagsuntok sa akin ni tauhan1 pero sa hangin ito tumama dahil mabilis akong nakapagweave. At isang malakas

" whisshhhh" dahil sa nagpakawala ako ng isang malakas na suntok sa kaliwang tagilirin nito at napasandal siya sa pader. Nakaramdam naman ako ng malakas na hangin mula sa akin gilid . nakita ko sa gilid ng aking mga mata na may isang nagtangkang suntukin ako pero nandoon na din tata dens at nakikipagsuntukan na ito sa dalawa pang natitira.

" katawan pala ang gusto mo boy….oh ito para sa iyo" ang sabi ko kay tauhan1 na pinagnanasaan ang katawan ng dati kong kasintahan na si Kc. tsaka ko ito pinagsusuntok na tulad ng ginagawa ni FPJ sa mga kalaban nya. Ung mabilis na kala mo umiikot lang ung kamao nito sa tiyan ng kalaban.

Habang kita ko din na kahit may edad na si Tata dens ay magaling pa din ito bakbakan. Pinompyang niya sa ulo ung isa sabay siko naman sa mukha doon sa isa.

" arrrghhhhhhh" kita ko na tinamaan si Tata dens at napatumba ito kaya naman agad ko iniwan ung lupaypay na tauhan1 ni gerard at bigla ko tinadyakan sa likuran ung tauhan3 na balak tulungan ung kasama niya na nakadagan na kay tata dens.

" tangina" ang sigaw nito ng halos mapatumba siya pero natukod nito ang kamay at tuhod niya sa sahig. At lumingon ito sa akin. Nagulat na lang ako ng isang tadyak sa akin bayag ang tumama.

Napatumba ako at mabilis naman siya na pinatungan ako at pinagsusuntok ako nito sa aking mukha. Kaliwa, tas kanan tas kanan naman tas kaliwa. Ganoon ang mga iniwan niyang suntok sa akin mukha.

Ramdam ko na mas malakas ito kumpara doon sa dalawang napatulog kuna. May bigat at pwersa ang bawat bigwas nito sa akin. Ramdam ko din na may tumutulo ng dugo sa akin kaliwang pisngi.

Inipon ko ang aking pwersa at sa isang iglap ay hinawakan ko ang dalawang kamay nito at isang malakas na bwelo ay isang tuhod sa bayag niya ang aking ginanti dito. At gamit ang dalawang kamay niya ay pinagsusuntok ko ang mukha niya hanggang sa napatumba na din ito sa gilid ko.

Kaagad ako tumayo pero wala pa man ako ilang segundo na nakatapak sa sahig ay nakita ko naman muli ung tauhan1 ni Gerard na akmang kukuha ito ng bote at ipupokpok sa akin kaya naman mabilis akong lumapit dito.

Nag-aagawan kami sa bote hanggang sa naipukpok ko ito sa ulo niya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

" Maam…. Nagsusuntukan po ung mga tauhan ni sir Gerard at sila tata dens" ang sabi ng isang staff Kay Kc at mama flor na kasalukuyan na sa kusina.nakakita pala nito ung suntukan ng mga ito sa likod ng restaurant. Napatingin naman sila sa staff at napatigil sa kanilang ginagawa.

" ano…. Ma tara" ang sabi ni Kc at kahit hirap ito sa heels niya ay mabilis itong nakatakbo sa likod ng restaurant at nakita nga nito na kasalukuyan na nagsusuntukan ang mga tauhan ni Gerard laban kay James at tata dens.

Kitang kita nila na kahit dehado sa dami si tata dens at james ay walang panama sa kanila ang mga naglalakihan muscles ng apat na tauhan ni Gerard.

Bugbog sarado na ang mga ito kay James at Tata dens. Si Tata Dens ay kasalukuyan na sinisipa ang dalawang lalaki na nasa sahig. Kapag magtatangkang tumayo ang mga ito ay sisipain sila ni tata dens sa tiyan. Kahit halatang bugbog na din ang mukha at katawan ni Tata dens dahil sa may black eye na ito sa kaliwang mata niya ay lamang pa din ito doon sa dalawa na parang isang battalion ang sinagupa nila.

Habang si James naman ay todo ang pagsuntok sa kanyang kalaban. Halatang nagbalik na talaga ang dating lakas ng katawan ni James sa suntukan.

Ang Mukha at katawan ng tauhan ni Gerard ay hindi na halos makilala dahil kita mo sa mukha talaga ni james ang pangigil nito dito. Gigil na akala mo ay torong nag-aamok. Halatang ayaw na ayaw niya talagang nababastos ang taong mahal niya

at ung kanina naman na binasagan niya ng ilong ay paminsan minsan niya na binibigyan ng tadyak sa tiyan at maselang bahagi nito. Kaya naman kahit gusto nito tulungan ang mga kasamahan niya ay wala siyang magagawa.

Bilib na bilib naman si Kc sa lakas ng katawan ng dating kasintahan niya. Kahit siya ay naiinis na din sa mga tauhan ng isa pa niyang ex boyfriend na si Gerard. Tila ba nakapuntos na naman sa puso niya ang lalaking noong isang araw lang ay halos ayaw niya makita o makasabay man lang

" Tumigil nga kayo" ang sigaw ni Mama Flor at napatingin naman si James at tata dens dito. Tila isang galit na galit na guro ngayon si mama flor habang pinagsasabihan nito ang mga estudyante niya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

James's pov.

" Tumigil nga kayo" ang sigaw na narinig ko mula sa likuran niya at nakita nito si Mama flor na nakatingin sa akin na tila ba isang nanay talaga na pinapagalitan ang mga anak niya. Kaagad ko naman tinigilan na ang bugbog na bugbog na tauhan ni Gerard at humarap ako kay Mama flor.

" Kayong apat at pati kayo" sabay turo ni mama flor sa apat pang tauhan ni Gerard na nakatayo sa gilid nila at sa apat na binubogbog namin ni Tata dens.

" Ayaw ko na makita ang mga pagmumukha niyo dito. Tanggal na kayo lahat" ang mataray na sabi ni Mama Flor. Kaagad naman binuhat at inalalayan ng mga kasamahan nila ung apat. Tsaka na sila tuluyan din silang umalis.

Si mama flor naman ay umiiling iling habang nakatingin ito sa amin ni tata dens. kami ni Tata dens ay naiwan dito na kala mo ay nasa principal mo office.

" Dencio… anong nangyari? Sa lahat ng tao… ikaw pa talaga ang makikita ko na makipag-away? And ikaw…. Kala ko ba good boy ka na?" ang tanong sa amin ni Mama Flor. Napaduko na lamang ako sa sahig sa hiya. Hindi ko magawang sagutin si mama flor ngayon. Para ako lalamunin ng lupa sa hiya. Habang si Tata dens ay nakatingin lang kay mama flor.

" pinagtanggol lang naman ni James ang taong mahalaga sa kanya" ang sabi ni tata dens. Napatingin naman ako dito dahil bakit ganoon ang pagkasabi ni tata dens.

" Ano tata dens?" ang tanong naman ni Kc sa kanya. Yan na ung sinasabi ko. Yari na ako nito. Baka back to zero na naman tayo nito. 3 points na eh naging no basket pa. Kaya napatingin ako muli kila mama flor at Kc. Kita ko sa mukha nila ang pagtataka sa mga sinabi ni tata dens.

" Mam…. binabastos ka kasi noong apat…. Narinig ni James kaya binatanatan niya… di ko naman maiwanan ito sa laban….kaya tinulungan ko na" ang sabi ni tata dens kay Kc. nakita ko naman na napatingin sa akin Kc na tila ba galit na galit na naman ito.

" totoo ba ito james?" ang tanong ni Kc sa akin na tila ba galit ito sa akin ginawa kaya naman napatango na lamang ako. Natameme na naman ako. Alam kong na dissappoint ko na naman ang babaeng gustong gusto ko bawiin

" tssskkkkk ……. Ganito ba ang example na ipapakita mo kay olivia…..mag-ayos na kayo dalawa at pumunta na kayo sa mga pwesto niyo" ang sabi ni Kc sa amin at kaagad naman kami umalis ni tata dens at pumunta sa tinutuluyan namin para maglinis.

+++++++++++++++++++++++++++++

Habang si Jc at daisy naman ay nakita nila ang pangyayari sa di kalayuan.

" Daisy…kunin mo first aid kit" ang utos ni Jc habang pinagmamasdan nito sila tata dens at james na papasok sa tinutuluyan nila. Kaagad naman kumilos si Daisy at kinuha nito ang first aid kit na nasa may malapit sa kusina.

" Tara…. Tulungan natin sila" ang sabi ni Jc at pumunta na sila sa tinutuluyan ng dalawa. Naabutan nila si Tata Dens at James na parehas na topless habang pinupunasan nila ang mga mukha nila na puno ng dugo.

" Daisy…. Tulungan mo si tata dens" ang sabi ni Jc at kaagad naman pwesto ang kapatid niya sa tapat ng matanda at tinulungan niya ito sa paggamot sa kanya. Habang si Jc naman ay umupo sa gilid ng kama ni James at nagbukas ito ng sanitary wipes para malinisan niya ang mga sugat na tinamo ni james.

Inuna linisin ni Jc ang mukha ni James. Pinunasan niya ang kaliwang pisngi nito na puno ng dugo.

" Imbes na maka iskor ka tuloy kay kc…. Olats pa" ang sabi ni JC habang nililinisan nito ang mukha ni james. Napatawa naman si Daisy at tata dens sa mga sinabi ni Jc dahil alam nilang totoo ang lahat ng ito.

" Babawi na lang ako" ang sabi ni James habang kinuha nito ang kamay ni Jc. Nakaramdam naman ng kung anong kilig ang dalaga sa ginawa ni James. Tsaka nito pinunas sa kabilang pisngi niya.

" Masakit ba?" ang tanong ni Jc habang nililinisan nito ang kamao ni James na puno ng dugo.

" aray naman Jc… dahan dahan lang" ang sabi ni James ng biglang napadiin ang hawak nito sa kamao ng lalaki.

" yan kasi…. Di ba kakagaling ng kamay mo sa pagkasemento" ang medyo inis na sabi ni Jc habang nililinisan nito ang sugat ng lalaki.

" Sorry naman….. Ayaw ko kasi na binabastos ang kapatid mo" ang sabi ni James habang nililinisan ni Jc ang kanyang mga kamao. Lingid sa kaalaman nila ay kanina pa nagmamasid at nakikinig si Kc sa labas ng pintuan.

+++++++++++++++++++++++++++++++

KC's Pov.

Pumunta ako sa lagayan ng first aid kit malapit sa kusina pero wala ito. Kaya naman dumiretso na lamang ako sa tinutuluyan nila james at tata dens para kumustahin ang dalawa.

Ayaw ko naman na isipin nila na wala akong utang na loob matapos nila ako ipagtanggol sa mga manyak na tauhan ni Gerard. Nasa pinto pa lang ako ng tinutuluyan nila ng tila ba nakarinig ako ng boses ng babae.

Napailing naman ako dahil mukhang wala pa din talaga pinagbago itong si James. Dakilang babaero pa din.

Kaya naman bahagya ko binuksang ang pintuan ng tinutuluyan nila.Dito ko nakita na ang dalawang kapatid ko pala ang nandoon.

" Imbes na maka iskor ka tuloy kay kc…. Olats pa" ang sabi ni Ate Jc kay James na tila ba sinesermonan nito ang dati kong kasintahan. Nakaramdam naman ako ng kilig dahil sa iniisip pa din pala ni James ang aking mararamdaman. Mas lalo akong kinilig sa mga sumunod na pangyayari.

" Babawi na lang ako" ang malambing na sagot ni James. Sagot nito na tumagos sa akin Puso. ang puso ko na hinintay lang ang tamang tyempo para sabihin sa kanya ang lahat.

" Masakit ba?" ang tanong ni ate Jc kay james habang naanininag ko na parang nililinisan nito ang palad ni james,

" aray naman Jc… dahan dahan lang" ang sagot ni James na para tuloy ako ay nasasaktan din sa daing niya. Alam ko kasi na kung hindi niya pinagtanggol ang dangal ko, hindi sana siya masasaktan.

" yan kasi…. Di ba kakagaling ng kamay mo sa pagkasemento" ang medyo inis na sabi ni ate Jc. nagtaka naman ako kung paano at bakit nasemento ang kamay nitong si James.

" Sorry naman….. Ayaw ko kasi na binabastos ang kapatid mo" ang sagot ni James habang ako naman ay napahawak sa aking dibdib na parang kinikilig talaga ako. Nakita ko na parang paalis na sila kaya naman nagmadali akong umalis at bumalik sa loob ng restaurant. Dala dala ang isang napakalaking ngiti sa akin mukha.

" James Oliver Tan….. oras na" ang sabi ko sa akin sarili habang papasok ako sa akin opisina

++++++++++++++++++++++++++++++

NGAYON BREAK NA SI KC AT GERARD?

ORAS MO NA JAMES

+++++++++++++++++++++++++++

SANA NAMAN MAKAKUHA TAYO NG 50 hearts and 50 likes para masaya naman pasko ni otor