1. Home
  2. Stories
  3. AGUINALDO 2022 (Part 1 Of 2)
Filipino Sex Stories

AGUINALDO 2022 (Part 1 Of 2)

By misse ·

Isang mister na ipinatikim ang kanyang asawa sa kumpare… mister na nagkaroon din ng lihim na ugnayan sa kanyang inaanak.

Isang kabiyak na tumupad sa pantasya ng kanyang mahal… nadarang sa tukso at tuluyang nagpakalunoy sa kasalanan.

Kahit natapos na ang sanga-sangang pagtataksil, sadyang mahaba at masalimuot ang daan patungo sa pagpapatawad at paglimot.

Ngunit gaano man kalalim ang mga sugat… unti-unti rin iyong maghihilom.

-------------------------

"Oo nga eh, kahit dito sa amin grabe ang pila sa botika! Buti na lang nga may stock na maintenance sila Papa."

Abala si Diane na gumagayak para dumuty sa ospital habang kausap si Dennis sa telepono. Agad niya itong tinawagan nang malamang masama ang pakiramdam nito at may sinat.

Gaya ng inaasahan ng mga eksperto, sa pagpasok ng taong 2022 ay pumalo ang mga kaso ng COVID dahil sa nagdaang holiday season. Lubhang mas mabagsik at mas nakakahawa kasi ang bagong Omicron variant kumpara sa Delta kung kaya't maging mga bakunado ay tinatamaan at kinakikitaan ng sintomas.

Halos umabot sa 40,000 ang itinatalang bagong kaso kada araw. Nataon pang flu season din kung kaya't sadyang madaming nagkakasakit.

Dahil nga dito ay nagkaubusan na ng mga gamot sa botika. Maraming establisyimento ang sarado dahil napilay ang workforce ng iba't ibang tanggapan dala ng pagkakasakit at pagliban ng mga empleyado. Maging sila Diane ay understaffed na sa ospital.

"Hay nako Dennis, wag ka nang lumabas! For sure wala ka din namang mabibili!… May mga paracetamol pa kami dito at iba pang first aid meds, madami pa pala 'to oh. Ipapa-rider ko na lang yung iba dyan ha."

Agad na nag-book si Diane ng rider sa delivery service app at humangos pababa sa kusina. Apura itong naghanda ng mga gamot at vitamins at sinamahan na din ng mga prutas mula sa pinamili ng kanilang kasambahay nang umagang iyon.

Nangingisi na lang ang mga magulang ni Diane habang nasa sala at inoobserbahan ang pagkataranta nito.

"Di pa kasi magbalikan eh. Parang mga tange." naiiling na bulong ng Papa ni Diane na siniko naman ng misis nito nang mapalingon sa kanila ang anak.

"Ayan on the way na dito yung pipick-up na rider. Uminom ka agad ng gamot ha! Oh sige na at papasok na rin ako. Sabihin ko na lang kay JR na hindi ka muna makakadalaw."

Dama ni Diane sa tamlay ni Dennis ang iniinda nito. Malat din ang boses at kumikirot ang lalamunan kaya naman di niya maiwasang mag-alala lalo pa't nag-iisa lang si Dennis sa kanilang bahay.

"Observe mo yang symptoms mo ha… saka update mo kami lagi. Pagaling ka Hon! Ahh… ehh… Dennis… Pagaling ka agad Dennis."

Nakakailang noong una na tawagin ang isa't isa sa pangalan pero nasanay na din nila. Ngunit may mga pagkakataon pa ding nadudulas ang kanilang dila at nabibigkas ang nakasanayang tawagan nila noon.

Kahit tila kapwa tanggap na nila Dennis at Diane ang kanilang paghihiwalay, naroon pa din ang pag-aalala para sa isa't isa. Bagama't co-parents na lang ang set-up nila kay JR habang gumugulong na ang kanilang annulment, di pa rin maiaalis ang pag-aalala at pangangalaga sa bawat isa.

Mabuti na lamang at hindi na lumala pa ang sakit ni Dennis. Makalipas ang ilang araw na pahinga at pag-inom ng gamot ay balik na ang sigla ng katawan niya na parang walang nangyari. Kaya naman ganoon na lang ang pasalamat nya sa kanyang ex-wife sa patuloy na pag-aaruga nito sa kanya.

Mahigit isang taon na mula nang mawala si Greg. Umuwi syempre si Dennis ng Batangas noong Disyembre para sa babang-luksa ng kumpare. Inaya din naman niya sila Diane na sumama ngunit minabuti nitong hindi na lang dumalo.

Marahil ay awkward pa din kay Diane na makaharap si Pam dahil sa naging ugnayan ni Dennis noon sa kanyang inaanak. Hindi naman niya ito masisi.

Maging siya ay malalim din ang naging hinanakit kay Greg dahil sa mga namagitan noon sa kanila ni Diane na lingid na sa kanyang kaalaman. Ngunit sa pagkawala ng matalik na kaibigan sa pagliligtas nito sa kanyang buhay mula sa kamay ni Kaloy, tuluyan na din nyang napatawad ang kumpare.

Di lang si Greg, ngunit maging si Diane ay napatawad na niya. Ngunit sabi nga, madali ang magpatawad. Ang mahirap ay ang lumimot. Nakakalungkot na sa kabila ng kapwa pagpapatawad nila ni Diane sa isa't isa ay hindi na nila naisalba pa ang kanilang pagsasama.

Pinilit ni Dennis ibaling sa negosyo ang kanyang atensyon. Sa mga pagkakataong may libre siyang oras ay malaya naman niyang nadadalaw o nahihiram si JR. Hindi man siya naging mabuting asawa ay sinisikap niyang maging mabuting ama sa kanyang anak.

"Ano'ng ibibigay ko sayo eh sinagad ko na nga sa tawad niya? Saka bakit naman kita bibigyan ng kumisyon eh contact ko yung buyer? Direkta kaming nag-usap. Hindi mo yun referral kaya labas ka sa usapan namin. Hahaha… ayus ka rin ah!"

Kahit natatawa ay bakas sa sarkastikong tugon ni Dennis ang pagkadismaya sa kausap sa kabilang linya. Sumasakit na ang tainga sa paulit-ulit na litanya ng desperadong ahente.

"Makinig ka… Paano mo nga kasi nasabing inahente mo yung bahay ko… eh kami lang ngang dalawa nung buyer ang rektang nag-usap? Porke nabenta na, may cut ka gano'n? Kung may buyer ka at yun ang nakabili, oh eh di dun ka magkakakumisyon. Kaso wala eh! Tsk paulit-ulit na tayo ah."

Napapakamot na lang sa ulo si Dennis sa kulit ng ahente dahil kanina pa sila paikot-ikot sa kanilang diskusyon.

"Ha? Kahit 5%? Wala akong ibibigay sa'yo ni isang kusing! Wag naman ganon brad… pare-parehas tayong naghahanap buhay eh. Iba na lang kikilan mo ha, sinasayang mo na oras ko."

Kahit may sinasabi pa ang aroganteng ahente ay ibinaba na ni Dennis ang telepono. Sa paglabas ng kanyang opisina ay dinampot niya ang tseke sa lamesa at ang pirmadong deed of sale upang ipanotaryo iyon.

Gaya ng napagkasunduan nila ni Diane, ibinenta na nila ang kanilang bahay upang ilaan iyon sa pag-aaral ni JR. Masyado rin naman iyong malaki para tirhan ni Dennis ng solo. Bukod doon ay gusto na din nila marahil makalaya mula sa masasamang alaala na nakakabit sa bahay na iyon.

Karamihan sa mga gamit nila ay naibenta o naipamigay na, ayaw na din kasi ni Diane na kunin pa ang mga iyon. Siya naman ay nagpundar na lang ng mga bagong gamit na mas compact at babagay sa kanyang bagong tinutuluyan.

Nakalipat na si Dennis sa isang studio type apartment malapit sa pwesto ng kanyang negosyo. Maluwang naman ang unit at sapat lamang para sa kanya at sa alagang aso. Sa isip niya, aanhin naman niya ang malaking tirahan kung wala naman siyang kasama.

Dumaan si Dennis sa kanilang bahay sa huling pagkakataon bago niya iturn-over ang mga susi sa bagong may-ari. Minabuti na niyang makapaglipat noong nakaraang lingo bago pa sila magkabayaran ng nakabili.

Chineck niya ang mailbox sa may gate at kinuha ang ilang sobreng nasa loob niyon. Naiupdate na nya ang kanyang mailing address ngunit may ilan pa palang liham na doon pa bumagsak.

Mula sa gate ay tumuloy siya sa loob ng bahay. Inilibot niya ang mga mata at minasdan ang malawak na espasyo sa loob. Bakante. Madilim. Tahimik. Ang bahay na dati'y puno ng tawanan nilang mag-anak, puno ng pagmamahalan, ngayon ay mawawala na sa kanila.

I was not so happy being lonely Living without you So I prayed so hard for your love In my heart I needed you Then I looked up in the sky And I'm thinking why oh why These are all the many changes in my life

After all the caring and the laughter No one else like you I am not a preacher with a sermon I'm so in love with you 'Cause to live without your love Like the sun that shines above Is the magic of the changes in my life

And I'll never forget your love You and I, we were meant to be Sweet as rain falling from the sky, you and I These are all the many changes in my life

Napako ang kanyang tingin sa lugar kung saan dating nakapwesto ang kanilang sofa. Doon kung saan niya minasdan si Diane nang una itong magpa-angkin kay Greg upang pagbigyan ang kanyang pantasya.

Napapunas si Dennis sa luhang namuo sa gilid ng kanyang mata. Masakit para sa kanya na pawalan ang kanilang bahay. Madami din kasing magagandang alaala ang tahanang iyon. Doon sila bumuo ni Diane ng pamilya at mga pangarap.

Nakakapanlumo lang na sa bahay ding iyon, at sa kanyang mga pantasya, nag-ugat ang pagkasira ng lahat.

-------------------------

Sa paglipas ng mga linggo ay gradual din namang bumaba ang mga naitatalang kaso ng COVID. Malaking bagay ang tuloy-tuloy na pagbabakuna sa mga mamamayan kasama na ang mga teenagers. At simula Pebrero ay binigyan na din ng bakuna maging mga batang edad 5 hanggang 12.

"Uy Diane, dinner mamaya after ng shift mo ha?" bulong ni Eric habang nakahilig sa Nurse's Station at abalang nag-i-swipe ang daliri sa screen ng kanyang telepono.

"Ikaw talaga Doc. Oo na nga sabi di ba. Bawiin ko na lang kaya?" sambit naman ni Diane habang nagsusulat sa chart ng pasyente, saglit na inangat ang kanyang tingin at pabirong umirap sa doktor.

Kahit nakasanayan na din ni Diane na tawagin sa pangalan si Eric ay Doc pa din ang itinatawag niya dito bilang kurtisiya kapag sila ay nasa ospital.

"Hala, nabalitaan mo na ba 'to? Ginera na ng Russia ang Ukraine oh! Tsktsk…" gulat na bulalas ni Eric habang binabasa ang balitang dumaan sa kanyang feed.

"COVID spike nung January, war naman ngayong Feb?! Sunod-sunod ah. Tapos… hindi pa natuloy yung labas natin nung Valentine's. Haaay, we need a break!"

"Doc naman, Valentine's pa talaga? Sa edad nating 'to? Cringey kaya."

"Sige na ho Tita Diane, makapag-rounds na nga lang muna. Sunget." taas-kamay na sagot nito na waring sumusuko, at nakangising umalis na si Eric.

Tuloy pa rin sa panunuyo ang doktor at dumadalaw pa din minsan sa kanilang bahay. Di maitatatwang gwapo si Eric, makisig at laging mukhang malinis. Bukod sa Nursing din ang pre-med nito, di nalalayo ang limang taong tanda nito sa kanya. Parehas din silang may anak na mula sa previous relationship kaya din marahil sila magkasundo dahil nakaka-relate sa isa't isa.

Mabait si Eric at hindi mahirap mahalin. Gayon pa man ay walang nagbabago sa nararamdaman ni Diane at matalik na kaibigan pa rin ang tingin nya dito. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung kailan siya magiging handa na muling umibig.

-------------------------

Sa patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga sumunod na linggo ay mas nagluwag na ng mga restrictions ang pamahalaan. Bumalik na sa full capacity ang pagtanggap ng mga customers ng mga negosyo kaya't lalong sumigla ang komersyo. Kung pagmamasdan ang paligid ay tila nagbabalik na ang lahat sa dati.

Isang hapon ng Marso ay may kinatagpong kaibigan si Diane sa mall. Isang dating kasamahan sa ospital na pinagtrabahuhan niya noon bago pa nagpandemya.

"Fatima! Kamusta ka na sis! Long time!"

Isang mahigpit na yakap at beso ang isinalubong ni Diane sa kaibigan. Tuwang-tuwa na sa wakas ay natuloy din ang kanilang pagkikita makalipas ang dalawang taon. Mula kasi nang pinilit siyang mag-resign ni Dennis noon sa trabaho sa kasagsagan ng pandemic ay ngayon na lamang niya ito muling nakita.

"Diane! Kamusta ka na… I missed you! Nag-glow up ka lalo ah… Ako 'te eto, waistline ang lumevel up eh!"

Sa isang coffeshop nila naisipang pumunta. Puno ng tao ang lugar at halos okupado ang lahat ng lamesa. Nakakarelax ang chill na jazz music na tumutugtog sa background, pero mauulinigan din ang sari-saring usapan mula sa mga umpok ng taong nagkakape doon.

Sa isang corner table sila nakapwesto. Hindi magkamayaw ang kwentuhan at kamustahan ng dalawa na halatang nasabik sa company ng isa't isa. Sa kabila ng ilang taong di pagkikita ay akala mo magkasama lang sila kahapon.

"Ohh… That's sad to hear, Diane. Haayy… relationship goals pa naman namin kayo ni Dennis."

Pinisil ni Fatima ang kamay ng kaibigan. Hindi maiwasang biglang lumungkot ang pag-uusap ng dalawa. Kahit hindi siya nagbigay ng mga detalye, minarapat ni Diane na ikwento sa kaibigan ang paghihiwalay nila ng mister. Na nasa korte na ang annulment ng kanilang kasal.

"I'm ok sis. Magkaibigan pa rin naman kami and I think we're doing a good job as co-parents. Ang mahalaga naman sa'min ngayon ay si JR."

"Haayyy… nakakapanghinayang pa din kasi eh. Ay wait… look… si Dennis ba yun?"

Agad napalingon si Diane sa direksyon ng counter kung saan nakatanaw si Fatima. At parang nanikip ang kanyang dibdib sa nakita.

Si Dennis nga. At may kasamang babae. Siyempre ay hindi siya maaaring magkamali kahit pa may suot itong mask. Sigurado siyang si Dennis iyon.

Bitbit pa nito ang ladies bag maging mga pinang-shopping ng kasama. Magkaholding hands at sweet na sweet ang dalawa habang kausap ang baristang kumukuha ng kanilang order.

Instinct marahil bilang babae at bilang dating asawa na agad suyurin ng kanyang mga mata ang kabuuan ng kasama ni Dennis.

Matangkad. Mestisa. Mahaba ang caramel blonde na buhok. Bata. Di maitatangging sexy sa suot nitong short beige jumpsuit na hakab na hakab sa katawan nito. Litaw ang kakinisan ng mahaba nitong legs. Pang-modelo ang tindig at aura.

Kahit natatakpan ng face mask ang mukha ay halata namang maganda ito na may pagka-haponesa ang mga mata. Sa paghagod ng kanyang tingin sa kabuuan ng babae ay nahagip niya maging ang tattoo ng bulaklak sa ankle nito na nakalitaw sa gilid ng puting sneakers.

Parang kinukurot ang kanyang puso habang minamasdan ang lambingan ng dalawa. Kung paano pumulupot ang babae sa braso ni Dennis at bumulong sa tainga ng dati niyang kabiyak. Kung paano tumawa si Dennis at alalayan ito papunta sa kanilang mesa.

Walang sinomang magdadalawang-isip na magkasintahan ang mga ito.

Agad pumaling si Diane at pasimpleng kumubli sa pag-aalalang makita siya ni Dennis. Nagulat man sa kanyang nakita ay pinilit ni Diane na i-compose ang kanyang sarili.

"Hindi siya yun sis, medyo kahawig lang. Nasa Batangas siya ngayon kasama si JR."

Hindi niya mawari kung bakit naging instinct niya na itanggi kay Fatima na si Dennis nga iyon. Marahil ay dala ng selos kaya mistulang in denial. At tila nasaktan ang kanyang ego nang makitang may nobya na pala ang dating asawa.

Mabuti na lamang at sa kabilang dako ng coffeeshop ang mesa na pinwestuhan ng dalawa. Agad din namang umalis ang mga ito matapos makuha ang kanilang take out orders.

Habang papalabas sila ay di maiwasan ni Diane na tanawin ang mga ito, lalo na ang mahigpit na pagkakahawak ng kanilang mga kamay.

"Oo, ok na 'ko. Pag nakita ko ulit, sasagasaan ko na! Dennis thank you ha! Buti na lang talaga nakita kita." muling pasasalamat nito habang nagba-buckle ng seatbelt.

Inihatid na ni Dennis si Kate sa sasakyan nito. Kanina ay nagulat siya nang masalubong ang dalaga sa loob ng mall at bigla na lang itong yumakap sa kanya. May lalaki palang kanina pa panay ng sunod habang nag-iikot siya sa mall.

Dahil isang sikat na influencer ay madami na ang nakaka-recognize sa dalaga sa tuwing lumalabas, maging sa mga carshows at gigs na kanyang pinupuntahan. Di maiwasang may mga tagahangang kung minsan ay lumalabis. Tila naging instant boyfriend tuloy ang papel niya maitaboy lang ang stalker ni Kate.

"Sure ka ok ka lang ha? No problem, Kate. Sige ingat ka sa pag-drive. Message me pag nakarating ka na sa inyo ha."

Hindi na nasundan pa ang huling transaksiyon nila ng dalaga noong nakaraang taon. Sa dami ng kanyang followers online, marahil ay maganda na din ang kinikita nito sa mga ads at sponsored content kaya't hindi na kailangan pang magpa-booking.

Sa pagkakaalam niya ay may nobyo na ito na isa ding content creator. May mga pagkakataong nakikita pa din niya ang dalaga sa mga carshows na sinasalihan ng kanyang mga kliyente. Kung ano man ang mga namagitan sa kanila noon ay masasabi talagang panandaliang aliw lamang.

Wala na atang babae na magpapatibok pa sa puso ni Dennis. Kahit ilang babae pa ang nagdaan na sa kanya, si Diane lamang talaga ang kanyang mahal. Ngunit alam niya na sadyang mahirap na kalimutan ang lahat ng mga nangyari kaya't malabo nang magkabalikan pa sila ng asawa.

Tanggap din niya na eventually ay mapapawalang bisa ang kanilang kasal. Makakatagpo si Diane ng bagong pag-ibig. Magpapakasal muli at magkakaroon ng panibagong pamilya.

Nakukuntento na lamang si Dennis na kahit papaano ay maayos na ngayon ang pakikitungo nila sa isa't isa. Kahit magkaibigan na lamang.

"Ano ba kasi ang problema, Diane? Himala ikaw ang nag-aya lumabas?"

Agad na pinuntahan ni Eric si Diane nang matanggap ang message nito ng paanyaya. Madilim na nang daanan niya ito sa mall matapos nitong makipagkita sa isang kaibigan. Dahil sa traffic ay ginabi na sila ng dating sa music lounge na nasa rooftop ng isang hotel.

Kakatwa na mag-aya si Diane na uminom kaya naman ganoon na lang ang pagtataka ng doktor.

"Eto naman, pag nag-aya uminom may problema agad?" sagot ni Diane habang sini-sip ang kanyang cocktail.

Sa outdoor area nila piniling pumwesto upang mas safe kahit hindi sila mag-mask. Magkatabi sila sa isang couch habang nakatanaw sa cityscape ng kamaynilaan at ineenjoy ang pakikinig sa musika. Kay gandang pagmasdan ng mumunting ilaw mula sa mga gusali at mga lansangan na kumikinang sa kadiliman ng gabi.

"Hindi ba pwedeng gusto lang mag-unwind?" taas-kilay na tugon ni Diane habang dumudukwang upang ilapag sa mesa ang kanyang baso.

"Haha pwede naman. Afterall, stress is one of the major causes of illnesses. Kaya dapat talaga dalas-dalasan natin yung ganito eh."

Masaya si Eric na makabonding ang sinisinta. Bibihira lang kasi niyang maaya lumabas si Diane ng wala silang ibang kasama. Kaya't kung ano man ang nangyari kanina na nagbunsod dito para mag-ayang lumabas at uminom ay parang ipinagpapasalamat pa niya.

"Ikaw… do you think they would have survived kung umusod lang sana si Rose ng onte?"

"Well, if memory serves me right, parang pinakita naman na they did attempt na sumampa din si Jack dun sa pinto. Kaso hindi ata kaya isupport yung weight nilang dalawa kaya nag-give way na si Jack. Kaso hypothermia is real haha"

"Ayun na nga eh. Basta hinayaan na lang niya si Jack na nakalubog sa tubig! Tapos ano, gigisingin niya. Duh, what did she expect?! Stupid bitch."

Natawa na lang si Eric sa diskusyon nila sa eksenang iyon ng pelikulang Titanic. Medyo namumula na ang mukha ni Diane at nagiging madaldal. Halatang may tama na ito.

Ilang oras na din silang nagkukwentuhan. Nakakarami na sila ng nainom at kumukulit na ang usapan ngunit hindi pa din niya mahinuha kung ano ang iniinda nito.

"Hmm… May bagyo ba? Parang malamig ang hangin noh?"

Napahalukipkip si Diane habang hinihimas ang kanyang mga braso. May kanipisan kasi ang sheer sleeveless blouse na kaniyang suot. Kahit mag-sa-summer na ay may taglay na ginaw ang ihip ng hangin sa labas habang lumalalim na ang gabi.

Dahil wala siyang dalang suit o jacket na maiaalok kay Diane ay dinikitan na lamang ito ni Eric at inakbayan. Idinantay ang kanang kamay sa balikat, saka marahang hinaplos ang nilalamig na balat sa braso nito.

Pinakiramdaman ni Eric kung papalag ba ito sa kanyang ginawa. Wala namang naging reaksiyon si Diane sa ginawa ng doktor. Sa kabila ng init mula sa mga nainom ay sadyang nilalamig na kasi siya at may ginhawang hatid ang pag-akbay nito sa kanya.

Sa kanilang pagkakalapit ay di maiwasan ni Eric na tablan. Isa siyang doktor at trained na mag-handle ng mga pasyente ng walang halong malisya. Gayon pa man ay lalaki pa rin siya.

Lalo niyang nasamyo ang halimuyak ng pabangong gamit ni Diane. Dumudulas ang kanyang mga daliri sa makinis nitong balat. At mula sa kanyang anggulo ay naaaninag niya ang puno ng mayamang dibdib na sumisilip mula sa puwang ng dalawang bukas na butones sa harapan ng blusa nito.

Halatang maalaga si Diane sa sarili, na sa kabila ng pagiging isa nang ina ay maihahanay pa rin ang ganda at alindog sa mga kadalagahan. Kaya nga't may pagmamalaking nararamdaman si Eric sa tuwing may ibang lalaki doon sa bar na napapalingon sa kanyang kasama.

Nagvibrate ang telepono ni Eric at saglit niya iyong sinilip. Baka kasi may emergency sa ospital. Kahit off duty ay inaasahan siya na magresponde doon kung kinakailangan. Mabuti at isang message lamang pala mula sa kanyang anak ang nagnotify sa phone nito.

Maya-maya'y naramdaman niyang nakapaling si Diane sa kanya at nakatitig. Agad niyang ibinulsa na muli ang kanyang cellphone at nilingon din ito.

"Eric… Maganda ba 'ko?" wika nito nang basag ang boses at nangungusap ang mga matang tila puno ng pagdaramdam.

Bahagyang napangisi si Eric sa binigkas ni Diane. Napabuntong-hininga na lang habang minamasdan ang maamong mukha nito na malamlam na ang mga mata dahil sa nainom.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan… You're very beautiful Diane…" pabulong niyang tugon.

Mas dumiin ang pagkapit niya sa braso nito habang siya'y naka-akbay, at hinatak niya ito upang lalong mapalapit sa kanya.

"Talaga? Kahit… kahit may anak na 'ko? Kahit mawawala na sa kalendaryo ang edad ko?"

Isang ngiti na lamang ang itinugon ni Eric habang nakatitig sa nangungusap na mga mata. Kinabig niya si Diane upang lalo silang magkalapit, saka niya ito hinagkan sa mga labi.

Mariin. Masuyo. Halik na maalab ngunit puno ng pagpapahalaga.

"Mmm… Eriicc…"

Napasinghap si Diane at dagli ding tumugon sa halik ng doktor. Napahaplos pa sa mukha ni Eric habang sumasalubong at ninanamnam ang sarap ng mga halik nito.

Halik na unti-unting lumalalim. Halik na pumapawi sa ginaw na nadarama at nagpapaalab sa kanyang pagnanasa. Halik na tumatabon sa nararamdamang selos at insecurities sa sarili dahil sa nakita kanina.

At sa isang kwarto sa hotel ding iyon humantong ang dalawa.

Sa elevator pa lang kanina ay hindi na nakapagpigil si Eric na muling halikan si Diane. Napadapo na ang kanyang kamay sa dibdib nito, inaagapan na huwag lumamig pa ang makina ng babaeng sinusuyo.

Walang pagtanggi si Diane sa kanyang ginawa. Minsan na niyang nadampian ng halik ang mga labi nito noong nakaraang Christmas party nila sa trabaho. Umiwas noon si Diane, ngunit heto ngayon at lumalaban din ito ng laplapan at napapakagat pa sa kanyang labi habang hinihimas niya ang suso nito.

Lalong nagpapasidhi sa pananabik ni Eric ang nakikitang reaksiyon ng nililigawan, na kinabig pa ang kanyang batok sa mariin nilang laplapan. Tila wala na itong pakialam kahit may CCTV pa na nakatutok sa kanila sa loob ng elevator na iyon.

Halos hatakin na ni Eric si Diane patungo sa kanilang silid na montik pang matapilok sa paglalakad dahil sa hilo. Pagka-tap nga ng keycard at pagpasok nila sa loob ay agad niya itong isinalya sa likod ng pinto, sinapo ng makabilang kamay ang mukha nito, at muling sinibasib ng mariing halik.

"Fuck Diane, ang sarap-sarap mo… uhmm…"

Matagal na din nang huling may nakaniig ang doktor, na iginugol na halos ang lahat ng oras sa medical practice. Tanging sa nililigawang nurse na lang natuon ang kanyang pag-aasam, at di niya inakalang sa gabing iyon pala ay maaangkin na niya ito.

Kahit nahihilo dahil sa mga nainom ay tila buhay na buhay ang dugo ni Diane. Di niya mapigilan ang katawang tumugon sa bawat galaw ni Eric na gumigising sa kanyang pagnanasang kay tagal na ding hindi nailabas.

Lasa ni Diane ang alak sa laway ni Eric na nagpapa-turn on lalo sa kanya. Higit pang tumaas ang kanyang libog nang maramdaman ang dulo ng basang dila ng doktor na nagsisimulang maglikot sa loob ng kanyang bibig.

Tinutudyo nito ang kanyang dila upang makipagsayaw. Napapulupot ang kanyang braso sa batok ng doktor at maya-maya pa nga'y nag-iiskrimahan na ang kanilang mga dila.

Kapwa habol ang kanilang paghinga. Napapasinghap sa maiigsing sandali na naghihiwalay ng kaunti ang kanilang mga labi. Saka muling magsusugpong sa laplapang puno ng pananabik.

Kanina pa nagwawala ang kahindigan ni Eric sa loob ng kanyang slacks. Habang tuloy ang kanilang halikan ay inilapat at idiniin niya iyon sa katawan ni Diane.

Tiyak niyang dama nito ang katigasan niyon dahil sa manipis na tela ng suot niyang pantalon. Kitang-kita niya ang reaksiyon ng mukha ni Diane nang kadyot-kadyutin niya ito. Napakalas sa kanyang labi at napasinghap habang ididuduldol niya dito ang nagwawala niyang tarugo.

Ramdam na ramdam nga ni Diane ang tigas ng ari ni Eric na bumubundol sa kanyang puson. Sa paggalaw ng balakang nito ay para na rin siya nitong kinakantot ng patayo habang matamang nakamasid ito sa reaksiyon ng kanyang mukha.

Nagtama ang kanilang mga matang puno ng pagnanasa. Kusang lumakbay ang kamay ni Diane pababa upang sapuhin ang bukol na iyon, saka muling sinalubong ng kanyang mga labi ang bibig ni Eric habang hinihimas ang nakabakat na titi nito.

Sarap na sarap si Eric na damhin ang kamay ng nililigawan na taas-babang humihimas sa kahabaan ng kanyang burat habang tuloy ang kanilang halikan. At nagulat na lang ang doktor nang sipsipin ni Diane ang kanyang dila. Tila tsinutsupa iyon kasabay sa ritmo ng paghagod ng kamay nito sa kanyang alaga.

Nanginginig ang balakang ni Eric sa pagkintod. Ramdam niya ang di mapigil na pamumuo ng likido sa dulo ng kanyang ari habang sige ang pag-abante ng ulo ni Diane sa pagsupsop nito sa kanyang dila.

"Dun tayo…"

Hindi na din nakapagpigil si Diane na siya pa mismong humila kay Eric papunta sa kama.

Papalapit doon ay kusa nang naghubad ng polo shirt si Eric, at nang makarating sila sa kama ay bigla itong itinulak ni Diane. Pahiga itong napabagsak sa malambot na kama, saka siya kinubabawan ni Diane at muling siniil ng halik.

Gulat na gulat si Eric sa pagiging agresibo ni Diane. Sinong mag-aakala na sa kabila ng pagiging disente at sopistikada ng kanyang nililigawan, ayun at may tinatago pala itong matinding libog.

Pumailalim sa palda ni Diane ang kanyang mga kamay. Napahimas sa makikinis nitong mga hita at piniga-piga ang magkabilang pige habang nakasakay ito sa kanyang ibabaw at tuloy pa din ang kanilang mainit na halikan.

Ramdam nya ang mga hibla ng madulas nitong buhok na tumabon sa kanyang mukha sa pagkakayukod nito habang sila'y naglalaplapan. Dama niya maging ang pagkayod ng kaselanan nito sa ibabaw ng nagngangalit niyang burat sa pagkakasaklang nito sa kanyang ibabaw.

Maya-maya'y kumalas si Diane sa kanyang mga labi at gumapang ang mga halik nito pababa sa kanyang leeg. Kay sarap damhin ng hagod ng basa nitong dila at init ng hininga nito na gumagapang sa kanyang balat.

"Ahh… Diane!"

Napasinghap si Eric nang dumako ang mga labi nito sa kanyang utong at sinipsip iyon. Di niya napigilang ipaling-paling ang ulo sa sarap habang sinusupsop ni Diane ang tigas na tigas niyang utong at kinakanti pa iyon ng dulo ng dila nito. Pumihit ito sa kabila ng kanyang dibdib at sinupsop din ang isa pang utong.

Napasapo ang kanyang kamay sa malusog nitong suso at gigil iyong nilamas habang patuloy si Diane sa salitang pagsupsop sa mga utong ng manliligaw. Tila wala na ito sa wisyo at tuluyan nang nilamon ng libog.

Di matiyak ni Eric kung dahil ba sa dami ng nainom nito kaya't ganito na lang bigla kainit si Diane. O marahil dahil matagal na din itong hiwalay sa asawa kaya naman naghahanap na rin ang katawan nito.

Lalo pa siyang nataranta nang bumaba na ang mga labi ni Diane pababa sa kanyang tiyan. Patuloy na gumapang ang mga halik papuntang puson habang kinakalas nito ang kanyang sinturon. Tuluyan iyong nabuksan at agad ibinaba ni Diane ang kanyang zipper.

Bahagyang napaahon si Eric upang masdan ang ginagawa nito. Nakatuwad sa pagitan ng kanyang mga hita habang abalang kinakalas ang kanyang damit pang-ibaba.

Pigil-hininga at kumakabog ang dibdib ng doktor nang hatakin ni Diane pababa ang garter ng kanyang brip. At agad umigkas ang tarugo niyang kanina pa naglalaway sa matinding libog.

Hinawakan iyon ni Diane at inilapit sa kanyang bibig. Mainit ang pakiramdam niyong sa kanyang palad na halos di niya mapiga sa tigas.

Sa liwanag ng silid ay kitang-kita ni Eric kung paano nito sinimulang dilaan ang kanyang titi. Malanding hinagod ng dila ang kahabaan ng kanyang burat maging ang likidong naipon sa ulo niyon.

"Ahh… Tang ina Diane, ang sarap… Subo mo 'ko…"

Napamura na ang doktor sa sensasyong dulot ng pagdila ni Diane sa kanyang ari. Agad namang tumalima si Diane at sinimulan nang ipasok ang titi ni Eric sa loob ng kanyang bibig.

Walang kakurap-kurap si Eric habang minamasdan ang ulo ng kanyang titi nang balutin iyon ng malambot na mga labi ng babaeng kanyang sinusuyo. Sinipsip ni Diane ang ulo at nilaro-laro ng dila. Saka niya unti-unting ipinasok ang kahabaan niyon sa loob ng kanyang bibig.

Habang sumusubo ay napakislot si Diane sa pag-guhit ng mainit na katas mula sa kanyang loob. Ramdam niya ang pamamasa ng kanyang hiwa habang sarap na sarap siya sa paglalaro sa mainit na lamang nasa loob ng kanyang bibig.

Hindi makapaniwala si Eric sa namamasdan. Ang mahinhing katrabaho na matagal na din niyang nililigawan, heto ngayon at nilalapa ang kanyang burat. Sino mag-aakalang kahit may anak na ito ay ganito pa rin pala ito kalibog.

Kitang-kita niya kung paano maglabas-masok sa mapupula nitong labi ang kahabaan ng kanyang uten habang nagtataas-baba ang ulo nito sa kanyang harapan. Dumuduldol sa magandang mukha nito ang kanyang bulbol ngunit tila wala itong pakialam.

"Puta ka Diane… galing mo tsumupa!" sambit ni Eric at lalo pang idiniin ang ulo ni Diane sa kanyang batuta.

"Talaga?… Masarap ako sumubo?…"

Kahit hindi halos makapagsalita dahil sa titing nakapasak sa kanyang bibig, tila lalong ginanahan si Diane sa papuring narinig at pinagbuti pa lalo ang pagsubo. Sinabayan ng paghagod ng kamay sa batuta at paglalaro sa bayag nito habang tuloy lang ang ulo niya sa pag-ulos.

Muling nahiga si Eric sa kama habang nakahawak sa ulo ni Diane. Ninanamnam ang sarap ng paghagod ng kanyang titi sa loob ng mainit nitong bibig. Dinig din nya ang basang tunog ng laway sa bawat taas-babang paghigop nito.

Maya-maya'y nagulat si Diane nang bigla na lang siyang hatakin ni Eric, saka siya nito inihiga sa kama sa tabi nito.

Pinilit ni Eric na magpigil. Pakiramdam kasi ng doktor ay sasabog na siya ano mang sandali dahil sa sarap ni Diane sumubo. At hindi siya makakapayag na ang inipon niyang tamod ay hindi sa loob ng hiyas ni Diane maipuputok.

Yumukod si Eric patagilid kay Diane at muling nagsalubong ang kanilang mga labi habang isa-isa niyang kinakalas ang mga butones ng blusa nito. Nalasahan pa nya ang sariling ari sa laway nito ngunit wala na siyang pakialam.

Tuluyan nang nabuksan ang pang-itaas nito at natambad sa doktor ang mapuputi nitong suso na natatabingan ng skintone na bra. Nagmadaling dumukot si Eric pailalim sa katawan nito at agad niyang na-unhook ang bra sa likod.

Sa pagkatanggal sa puwesto ng munting saplot ay tumambad sa kanya ang kabuuan ng malulusog na susong iyon na noon pa niya pinagnanasaan. May magandang hubog at malaporselanang kutis. Ang namimintog na mumunting korona sa tuktok ng mga iyon ay tila nanghahalina.

Saglit na kumalas si Eric sa mga labi ni Diane upang masdan ang kabuuan nito. Mula sa maamo nitong mukha na namumungay ang mga mata, pababa sa mayamang dibdib. Hinagod ng tingin ang maalindog nitong katawan hanggang sa mga hitang nakalitaw dahil sa pagkakalilis ng palda nito.

"God, Diane… You're perfect…"

Di pa rin makapaniwala na naikama niya sa wakas ang pinakamagandang nurse sa kanilang ospital. Nakakamangha na sa kabila ng pagkakaroon na nito ng anak ay pangromansa pa din ang katawan nito. Halatang iniingatang mabuti ni Diane ang sarili kaya naman mapagkakamalan pa rin itong dalaga.

Muling inilapat ni Eric ang mga labi sa bibig ni Diane habang ang isang kamay ay nakasapo direkta na sa suso nito. Habang mariin silang naglalaplapan ay gigil niya iyong nilamas at dinama ang mabintog na utong sa kanyang mga daliri.

Kusa namang gumapang ang kamay ni Diane at hinagilap muli ang batutang kanina pa niya nilalaro. Muling dinama ang init at tikas niyon sa kanyang palad habang marahang nagtataas-baba ang kanyang kamay.

Mula sa mga labi ng babae ay pinagapang ni Eric ang kanyang mga halik pababa sa malasutlang leeg nito. Ang kamay naman niya ay dumausdos pababa sa makinis na kutis ng tiyan nito saka buong pagkasabik na dinakma ang katambukan ng kaselanan ni Diane.

Habang sinisimsim ang bango ng leeg ay gumuguhit naman ang daliri ni Eric sa nakabakat nitong hiwa. Dama niya ang lagkit ng katas na tumagos sa manipis na telang tumatabon doon.

"Fuck… You're so wet Diane!"

Tila lalong nalibugan ang doktor nang masalat ang nangangatas nitong biyak. At mula sa leeg ay biglang napasunggab ang kanyang bibig sa utong nito at gigil na gigil iyong sinuso. Salitang kakantiin ng dulo ng dila saka muling susupsupin. Tila ba nais talagang ululin ang babae sa libog.

"Ughh… Shitt!! Ang sarap!"

Di napigilan ni Diane na magpakawala ng isang masarap na ungol nang susuhin ng lalaki ang kanyang dibdib. Napakagat-labi ito habang nakapikit at ninanamnam ang kiliti. At muling gumuhit ang mainit na likido mula sa loob ng kanyang puson.

Dumako ang ulo ni Eric sa kabilang suso at sabik din iyong nilapa. Gigil na piniga-piga ang makinis na suso at dinaluhong ng bibig ang korona niyon.

Habang dinedede niya ito ay ipinasok na ng doktor ang kamay sa loob ng panty ni Diane. Nanginginig ang kamay niya habang dinadama ang katambukang iyon. Ang inaasam na hiyas ng babaeng kanyang sinusuyo, ayun at nasa kanyang palad. Mainit ang singaw at basang-basa sa katas hanggang sa mga singit.

Pinasadahan niya ng daliri ang hiwang bumabalong sa katas. Taas-babang hinagod sa pagitan ng maninipis na labing nakapaloob sa namamagang pisngi ng puke nito.

Dama ni Diane ang mainit na daliring humahagod ngayon sa kanyang hiwa. Lalo tuloy napahigpit ang hawak niya sa burat na sinasalsal. Pinaiikutan ng hinlalaki ang naglalaway na ulo saka hahagurin ang madulas na katawan niyon na basang-basa pa rin sa kanyang laway.

Tila walang kasawaan si Eric sa pagsupsop sa mga utong ni Diane. At habang patuloy niyang pinagpapala ang mga sensitibong kuntil ay isinabay din niyang kanti-kantiin ang namimintog na mani nito. Di pa nakuntento, marahang inilabas-masok ang dulo ng daliri sa bungad ng naglilibog na pwerta.

Napaarko ang likod ni Diane. Halos tumirik ang mga mata nito nang paikutan ni Eric ng daliri ang kanyang perlas habang sinususo siya nito. Sarap na sarap siya maging sa paglabas-masok niyon sa bungad ng kanyang lagusan na para bang nanunukso.

Kitang-kita ng doktor ang reaksyon ng katawan ni Diane, at lalo pa nitong pinagbuti ang pagpapaligaya dito. Di na din siya nakapagpigil at tuluyan nang ipinasok ng sagad ang kanyang daliri sa loob ng puke nito.

Damang-dama niya ang init sa loob ng yungib ni Diane na alam niyang matagal nang natigang sa kantot. Inilabas-masok niya ang kanyang daliri, saka ikinaskas sa hita ang titi niyang tila di na makapaghintay na mapasok din ang lagusan ng langit.

"Ugghh… fuuckk!"

Kandaliyad si Diane nang maramdaman ang paghagod ng daliri sa loob ng kanyang lagusan. Kay tagal na ding nasabik ng kanyang pagkababae at di maitatangging nasasabik na iyon na muling makantot.

Namangha si Eric nang mapaliyad si Diane. Kagat-labi itong nakapikit habang sinususo niya at naglalabas-masok ang kanyang daliri sa kiki nito. Ramdam niya ang panginginig ng mga hita dahil sa libog. Napakalandi nitong tignan habang nilalamon ang katawan nito ng matinding pagnanasa.

"Tang ina ang sarap-sarap mo! Ughmm… Akin ka na lang Diane!" bulalas ni Eric habang tuloy sa pagsuso, at lalo pang binilisan ang paglabas-masok ng kanyang daliri.

"Oo… Sa'yo lang ako Dennis!"

Kapwa sila natigilan sa nasambit ni Diane. Biglang bumagal ang ritmo ng paggalaw ng kamay ni Eric. Saglit ding napaangat ang kanyang bibig mula sa suso nito.

Ngunit sayang ang pagkakataon. Nasaktan man ang kanyang ego sa nadinig ay pinili niyang isantabi iyon. Kahit bahagyang nanlambot ang kanyang alaga ay muli siyang sumubsob sa suso ni Diane at ipinagpatuloy lang ang pagromansa dito.

"Ughh Eric… Sorry, sorry…"

Kahit nahihilo ay akmang tatalilis ito upang bumangon nang maagap itong hatakin pahiga ni Eric at muling siniil ng halik.

"Shhh… Just go with it Diane… Masarap na 'di ba?…" desperadong sambit nito sa pagitan ng mariring halik sa labi.

"No Eric, sorry… Hindi ko kaya."

Wala nang nagawa si Eric nang itulak siya ni Diane sa dibdib at tuluyan na itong bumangon mula sa kama at nagmadaling ayusin ang sarili.

Napasapo na lang si Eric sa kanyang noo sa kanyang pagkakahiga. Di makapaniwala sa nangyari. Halos maangkin na niya ang babaeng inaasam ngunit ayun at nasayang lang ang pagkakataon.

Saglit na naglaban ang kanyang isip. Alam niyang kung gugustuhin niya ay kaya niyang tuluyang ilugso ang puri ni Diane. Ngunit sa huli ay mas nangibabaw pa din sa kanya na gawin ang tama.

"S-Sorry talaga Eric. Hindi ko sinasadya… I'm so sorry." abot-abot na pagpapaumanhin ni Diane saka ito nangabay sa dingding at lumakad na patungo sa pinto kahit nahihilo.

"Diane wait… Bihis lang ako. Ihahatid na kita."

Masakit man ang puson sa labis na pagkabitin ay nag-ayos na din si Eric. Mahal niya si Diane at lubos ang respeto niya dito. Ngunit lalaki lamang siya at kapwa sila nadarang sa saglit na bugso ng pagnanasa.

Willing siya maghintay. At patuloy siyang umaasa na matanggap na ni Diane ang natapos na yugto ng pagiging mag-asawa nila ni Dennis. Na tanggapin siya ni Diane sa buhay nito ng higit sa isang kaibigan.

-------------------------

Abril, Sabado ng hapon, ika-43 na kaarawan ni Dennis. Naisipan nila Diane at JR na mag-bake ng cake at idinaan nila iyon sa apartment nito. Dahil wala naman siyang inaasahang bisita ay nagpadeliver na lang si Dennis ng pagkain at inanyayahan ang mag-ina na doon na lang maghapunan.

Kung noong nakaraang taon ay tanging si JR ang kanyang kasama sa bahay upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, masayang-masaya si Dennis na kahit magkaibigan na lamang sila ay nakasama din niya si Diane.

"Kamusta pala sila Pam at Kyle? Sa Batangas na nag-aral si Pam di ba?"

"Ha? Ah oo, ang alam ko Dean's Lister siya nung nakaraang sem. Malamang may klase yun ngayon, full load daw at naghahabol ng units eh." sagot ni Dennis na kanina pa abalang nagta-type sa kanyang cellphone.

Kahit di niya inaasahan ang tanong na iyon ay masaya siya sa pangangamusta ni Diane sa magkapatid. Matagal na panahon ding tila kapwa nila iniwasang mabanggit si Pam sa takot na muli iyong pagmumulan ng kanilang pagtatalo.

"Huminto nga pala siya nung pandemic noh? Eh si Kyle naman, kamusta?" muling tanong ni Diane mula sa kusina habang karga si JR at abala ang mag-inang naghahanap ng chocolate syrup sa cabinet.

"Ah si Kyle? Ayun ang tangkad na! Nalampasan na nga ate niya. Buti at nahihilig na magbasketball kesa naman dati na panay cellphone."

"That's good to hear! Pagbutihin nila kamo pag-aaral nila para matuwa Mama at Papa nila."

Maging si Diane man ay nagulat dahil wala na siyang naramdamang bigat sa dibdib nang kamustahin sila Pam. Na sinsero niyang ninanais na maging maayos ang mga naulilang anak nila Elsa at Greg.

Hindi makakalimutan ang mga nangyari. Ngunit naroon man ang pilat, sa paglipas ng panahon ay napapawi din ang sakit gaano man kalalim ang sugat. Afterall, kundi dahil kay Pam, kung hindi nito naagapan ang naging aksidente noon kay JR, baka hindi na nila kasama ngayon ang kanilang anak.

"Eh sila ate mo pala, kamusta na?"

Wala siyang nadinig na tugon mula kay Dennis. Kanina pa niya napapansin na tunog ng tunog ang cellphone nito at delayed kung tumugon sa kanyang mga tinatanong at sinasabi. At nang lingunin nga niya ay kapansin-pansing napapangiti pa ito habang nagta-type.

Di niya maiwasang maisip na marahil ay ang nobya nito ang ka-chat ng dating asawa. Ipinagtataka nga niya kung bakit hindi magkasama ang mga ito ngayong birthday ni Dennis. Marahil ay may trabaho. O kaya ay out-of-town. O baka naman nag-away ang mga ito at ngayon lang nagkabati.

Ang totoo, kasalukuyan noong inuulan ng mga pagbati at kantyaw si Dennis sa GC ng mga kabatch nito nung highschool. Inaaya siya ng mga ito na umuwi ng Batangas kinabukasan at magkaroon sila ng mini reunion. Siya daw dapat ang gumastos bilang blowout dahil kaarawan niya.

Kahit masasabing mabuti pa din silang magkaibigan ay hindi sila nagtatanungan ng mga personal na bagay. Kaya naman gumagawa na ng sariling mga haka-haka ang isip ni Diane. Mga hinalang nabubuo ng dahil sa selos. Selos na nararamdaman lamang dahil sadyang mahal pa rin niya ang dating kabiyak.

Iyon nga marahil ang dahilan kaya't hindi natuloy ang dapat na mangyayari sana sa kanila ni Eric. Di kasi tulad noon kay Greg na minahal din niya kahit papano, sadyang wala siyang feelings para sa doktor bukod sa bilang isang kaibigan. At kaya lamang niyang ibigay ang sarili sa taong kanyang minamahal.

Lumalalim na ang gabi. Panay ang tawanan at kwentuhan ng dalawa habang nakasalampak sa carpet at umiinom. Di na napapansin ang paglipas ng oras dahil sa pag-eenjoy sa company ng isa't isa.

"Nako Dennis gumagabi na… Sige na, uwi na kami…" sambit ni Diane matapos i-check ang oras sa kanyang telepono.

Nakakadalawang bote na sila ni Dennis. Inubos na ni Diane ang laman ng kanyang baso at inilapag na sa lamesita ang tangan na wine glass. Saka ito bumwelo upang tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig.

"Uuwi pa kayo eh nakainom ka… Mamaya makabangga ka pa, Letty Toretto. Mahimbing na tulog ni JR sa sofa oh… bukas na kayo umuwi." pigil naman ni Dennis dito.

Patayo na si Diane upang gisingin si JR nang hablutin ni Dennis ang kanyang kamay at hatakin siya pabalik. Natigilan naman si Diane sa pag-ahon at napatumba sa ibabaw ni Dennis.

Nagkatapat ang kanilang mga mukha. Namumula ang mga pisngi ni Diane dahil sa nainom. Ngayon na lang sila muling nagkalapit ng ganoon. Ngayon na lang ulit namasdan ni Dennis ang kagandahan ni Diane ng malapitan.

Tinitigan ni Dennis ang namumungay na mga mata ng dating kabiyak, pababa sa ilong nito at dumapo ang kanyang tingin sa mapupula nitong labi. Hindi na niya napigilan ang sariling lumapit upang hagkan iyon.

Marahil bunga lamang ng kanilang nainom o dala din ng mga damdaming matagal nasabik sa isa't isa, kusang nagpaubaya ang kanilang isip sa kanilang mga katawan. At agad namang gumanti ang mga labi ni Diane sa maalab na halik ni Dennis.

Mainit at puno ng pagkasabik. Tila pinupunan ang matagal na pangungulila sa isa't isa.

Saglit silang nagkalas at habol-hiningang tinitigan ang mga mata ng bawat isa. Tingin na tila kapwa nagtatanong ngunit hindi na kailangan pa ng kasagutan.

Sa muling paghihinang ng kanilang mga labi ay tuluyan na silang nagpatangay sa agos. Kapwa natataranta habang nagtatanggal ng mga saplot. Magkahinang pa din ang mga labi habang humahakbang patungo sa kama ni Dennis.

Parang sinisilaban si Diane habang dinarama ang bawat haplos ni Dennis sa kanyang katawan. Ang bawat hagod ng mga kamay nito sa kanyang balat. Ang bawat galaw ng mga labi nitong muling naglalakbay sa kanyang kabuuan.

Bumaybay ang mga halik nito mula sa kanyang leeg. Pinagpala ang magkabila niyang suso at nilaro-laro ang kanyang tirik na mga utong. Ninamnam ni Dennis ng husto ang mga bundok na iyon na kay tagal din niyang inasam na matikmang muli.

Kita ni Diane ang pangigigil sa pagromansa ni Dennis na pumawi sa selos at insecurity na kanyang nararamdaman. Kahit mas bata ang bago nitong nobya ay ramdam niyang nasasarapan pa din sa kanya ang dating kabiyak.

Patuloy na gumapang ang mga halik ni Dennis pababa sa kanyang tiyan, patungo sa hiyas na naglalawa. Sabik na madiligan matapos ang napakatagal na pagkatigang.

Ramdam ni Dennis ang panginginig ng katawan ni Diane. Tila musika sa kanyang pandinig ang bawat ungol at halinghing nito. Kahit may kirot ay parang tropeyo ang bawat sabunot at kalmot nito sa kanya nang agad itong makaabot sa rurok ng sarap sa kanya pa lang pagromansa.

"Pasok mo, Dennis… God, miss na miss ko na makantot!"

Wala nang alinlangan si Diane sa mga salitang sinasambit habang hinahagod nito ng kamay ang tigas na tigas na burat ni Dennis. Mahigit isang taon na mula nang huli nilang pagniniig at wala pang ibang lalaking nakaangkin sa kanya ng lubusan.

"Tangina namiss kita ng husto, Diane… miss na miss ko 'tong puke mo!"

Kapwa nanginginig ang kanilang mga katawan sa libog at pagkasabik. Napasinghap si Diane nang itutok na ni Dennis ang kargada nito sa bungad ng kanyang pagkababae. Ramdam niya ang init at tigas ng tubong iyon na bumubundol sa kanyang laman. Panauhing kay tagal nang hindi dumalaw.

"Ahhh… Fuck me, Dennis! Pasok mo na…" pakiusap nito nang namumungay ang mga mata.

Sa biglang pag-ulos ni Dennis ay tumulo ang luha ni Diane sa di malirip na sarap. Kahit nahihilo mula sa nainom ay ramdam na ramdam niya ang hagod ng lamang iyon na kumakayod sa kanyang loob. Kinakamot ang kati ng pagkasabik at pinapawi ang kirot ng naipong libog.

Sa tagal na ay parang nanibago muli ang kanyang puke. Namumuwalan iyon at banat na banat sa paglabas-masok ng tarugo ni Dennis. Kahit basang-basa ang kanyang kweba ay may bahagyang kirot ng pagkabanat ng laman. Kirot na lalong nagpapatindi sa sarap na kanyang nararamdaman.

Ipinihit ni Dennis si Diane patuwad. Alam niyang paborito nito na iniiyot sa ganoong posisyon. Sa bawat hampas ng kanyang balakang na nagpapaalog sa matambok nitong puwet ay palakas ng palakas ang mga ungol nito. Maya-maya lang ay napapamura na ito sa sarap habang muling nilalabasan.

Mariing napalamukos si Diane sa kobre-kama at kumikintod-kintod ang balakang habang niraragasa ng orgasmo. Hapong-hapo itong napahandusay padapa sa kutson at muli siyang itinihaya ni Dennis saka pinatungan.

"Nakakadalawa ka na ha… Ang sarap mo Diane… tangina namiss kita…" sambit ni Dennis habang hinahalikan ang leeg at tainga nito.

Muling itinuloy ni Dennis ang pagkasta. Titig na titig siya sa mukha ni Diane na nangingiwi habang sagad-sagaran niya itong binabayo. Maging si Diane ay napatingala sa kanya at muling naglapat ang kanilang mga labi.

Sa muling pagsusugpong ng kanilang laman ay tila may damdaming muling nabuhay. Para bang hindi lamang mga katawan nila ang magkalapat, ngunit maging ang kanilang mga puso.

Malakas ang tunog ng kanilang salpukan. Pakiramdam ni Dennis ay mas sumikip si Diane, lawang-lawa din ang lagusan nito. Pati singit ni Diane at maging ang kanyang bayag ay basang-basa sa katas. Hindi maitanggi ang pagkasabik nito sa kantot.

Kusang sumasalubong ang balakang nito habang nakapulupot ang mga hita sa kanyang balakang. Panay ang halik ni Diane sa kanyang leeg at nilalapirot ang magkabila niyang utong habang pinipiga-piga ng laman nito ang kanyang burat sa loob.

"Puta malapit na'ko! Saan ko ipuputok?!"

"Sa loob! Safe ako ngayon, sa loob mo putok! Sige pa Den, malapit na din ako!"

Itinodo na ni Dennis ang pagbayo. Kayog na kayog at namumula na ang puke ni Diane sa sunod-sunod na madidiing ulos. Hanggang sa naramdaman niya ang lalong pagsikip ng lagusan nitong nakakapit sa kanyang laman at ang pagbalot doon ng mainit nitong katas.

Habang nangingisay si Diane sa kanyang ilalim at naninigas ang mga binti ay tuluyan na ding sumirit ang kanyang tamod. Ilang bugso iyong pumulandit sa kaibuturan ng sinapupunan nito. Kahit nakakatikim siya ng ibang babae ay wala pa ring kasing sarap ang pagniniig nilang dalawa ni Diane.

Hingal na hingal na bumagsak ang katawan ni Dennis at muling naglapat ang kanilang mga labing sabik sa isa't isa. Kapwa mabilis ang tibok ng mga pusong matagal na nangulila.

"No Dennis, mali. Hindi 'yon dapat nangyari." sambit ni Diane habang nagbibihis ito.

Maagang nagising si Diane kinabukasan. Di na niya namalayang nakatulog na silang magkatabi at kapwa walang saplot sa ilalim ng kumot.

Tila siya natauhan matapos ang kanilang pinagsaluhan nang nakaraang gabi. Gayon na lang ang kanyang pagsisisi. Kahit aminado siyang nasarapan siya sa nangyari at namiss din niya si Dennis, batid niyang mali iyon. Dahil mayroon itong nobya.

Hindi na lang kumibo si Dennis. Matagal na panahon ang lumipas bago bumuti ang pakikitungo nila ni Diane sa isa't isa at ayaw niyang muli na naman iyong masira dahil sa nangyari.

Marahil nga ay nakapagmove-on na ito. Marahil nga ay pisikal lang kay Diane ang nangyari. Kahit na sa parte niya ay tila may damdaming muling nabuhay, hindi niya maaaring asahan na ganoon din ang nararamdaman ng dating asawa.

Sa kabilang banda, dahil sa labis na pagkakunsensiya ay ipinapakita ni Diane kay Dennis na wala lang sa kanya ang nangyari. Kahit na ang totoo, ay may damdaming nabuhay dahil sa kanilang muling pagniniig. Ngunit sadyang hindi na sila pupwede dahil may bago na itong pag-ibig.

Nagbihis na din si Dennis. Ginising naman ni Diane si JR upang magpaalam na sa daddy nito.

"Dennis kalimutan mo na lang yung nangyari ha… Mas ok na tayo ngayon na ganito."

Tumango na lang si Dennis.

-------------------------

Dumaan si Diane sa gasolinahan para magpakarga bago siya tumungo ng school upang bumoto. Pumalo na sa all time high ang presyo ng krudo na epekto ng lumalalang gera ng Russia at Ukraine. Naging mas mahal pa nga ang per litro ng diesel kaysa gasolina kaya't dumadaing na ang public transport sector dahil sila ang lubos na apektado sa krisis.

Sa kabila ng hindi mapigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ipinagpapasalamat ni Diane na kahit papaano ay nakakaraos silang mag-ina at kumportable ang kanilang pamumuhay. Mayroon siyang stable na trabaho at nariyan din ang suporta ni Dennis sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Pinaplano na nga nila ang nalalapit na ika-apat na kaarawan ni JR sa huling linggo ng buwan na iyon. Isang simpleng selebrasyon sa bahay na lamang ang napagkasunduan nilang gawin bilang pag-iingat na rin lalo pa't hinti pa din nababakunahan ang mga maliliit na bata.

Nataong off duty si Diane nang Lunes na iyon, at upang masulit ang araw ay naisipan niyang isingit na din ang pagdaan sa derma clinic pagkatapos niyang bumoto. Pahabol na Mother's Day treat na din niya sa kanyang sarili.

"Hi Grace. May patient si Doc Kath?" masayang bati niya sa nasalubong na staff sa loob ng clinic.

"Ah oo Ms. Diane, pero patapos na ata. Yung usual treatments ba? I'm free. If you want, ako na gagawa sa'yo para hindi ka na maghintay."

"No ok lang, kasi ka-chat ko si Doc kanina, and sabi siya daw maghahandle sa'kin. Baka gustong makipag catch up."

"Ay oh sige, wait mo na lang si Doc ha."

Tumango si Diane at nagtungo na muna sa waiting area at naupo. Muli na naman siyang napatitig sa abstract painting sa likod ng reception desk ng clinic. Sari-saring kulay, iba't ibang guhit at strokes. Kung titignan ay tila ba walang kahulugan ngunit para ding punong-puno ng damdamin.

Noon pa siya gandang-ganda sa larawang iyon at talaga namang hanga siya sa talento ng puminta. Kaya naman sinubukan pa niyang kontakin ang artist na kaibigan ni Doc Kath upang magpagawa sana sila ng family portrait dito. Ngunit hindi naman iyon natuloy, at nang lumaon ay nabalitaan niya sa doktor na pumanaw na pala ang pintor.

"Ms. Diane… alam mo ba, celebrity yung patient ni Doc sa loob!" excited ngunit pabulong na wika ni Grace.

Di namalayan ni Diane ang pagtabi nito sa kanya. Nagulat pa siya sa pagbulong nito na siyang pumukaw sa pagkakatitig niya sa painting sa dingding. Sadyang makwento talaga ito at laging may dalang bali-balita.

"Oh… talaga? Sino? Ang galing naman!"

"Oo noh, kaya nga si Doc ang nag-handle eh. Tsk, kaso nakalimutan ko name eh. Basta yung magandang vlogger. Yung nagko-costume-costume?"

Panay ang bulungan ng dalawa habang kapwa sumusulyap-sulyap sa pinto ng cubicle kung saan naroon si Doc Kath at ang pasyente nito.

"Ah vlogger ba, akala ko naman artista. Nako malamang hindi ko kilala 'yan." bulong din ni Diane.

"Ano ka ba! More than 1 million na ang followers nun. For sure napanood mo na siya. Ay teka nag-picture kami kanina eh… Wait, tignan mo oh…"

Nagmamadaling inilabas ni Grace ang telepono nito upang ipakita sana ang kanilang selfie. Ngunit maya-maya lang ay kapwa sila napalingon dahil sa pagbukas ng accordion door ng cubicle.

Dali-dali nang tumayo si Grace at lumapit sa kanilang receptionist at nag-busy-busyhan habang papalabas ang doktor kasama ang pasyente nito. At naiwan si Diane na tila napatulala nang makita kung sino pala ang tinutukoy na pasyente.

"Thank you ulit Doc ha. Dito ko na lang sa reception hintayin yung sundo ko. Ewan ko ba, hindi nagrereply eh."

"Oo naman, no problem. Baka on the way na din naman 'yon."

" Ah Diane… Kanina ka pa ba? Give me a minute ha, ipapa-restock ko lang yung supplies." bati ng doktor sa kanya habang nagtatanggal ito ng suot na gloves.

"S-Sure, Doc."

Halos hindi makalabas ang mga salita sa lalamunan ni Diane dahil sa pagkagitla. Lumakad ang babae papunta mismo sa kanyang harapan, naupo at nguniti pa sa kanya nang magtama ang kanilang tingin. Pagkaupo'y agad naman itong naging abala sa pag-swipe sa kanyang telepono.

Kumakabog ang dibdib ni Diane. Sa itsura, sa kilos, natitiyak niyang tama ang kanyang hinuha. At hindi rin niya malilimutan ang tattoo ng bulaklak na nasa bukong-bukong nito.

Hindi siya maaaring magkamali. Ang babae sa kanyang harapan ay siyang nakita niya noon sa mall na kasama ni Dennis. Ang babaeng iyon ang bagong girlfriend ng dati niyang asawa.

Hindi nga siya nagkamali na maganda ang babae ngayong nakita na niya ang kabuuan ng mukha nito ng walang suot na mask. Nasa early 20s ito sa kaniyang tantiya. Maganda ang hubog ng katawan at tila kumikinang sa kaputian ang makinis na kutis. Kahit sinong lalaki ay tiyak na magkakainteres.

"Hello babe? Sa'n ka na ba?… Ah may client ka?… Hay, sana pala nagdala na lang ako ng kotse. Sige, I'll just book a ride then… It's ok babe… Alright… Love you too babe… Bye."

Parang kinukurot ang puso niya habang nadidinig kung paano sila mag-usap ni Dennis. Babe. Iyon pala ang tawagan nilang dalawa, sa isip-isip ni Diane.

Halong selos, panibugho, at pagkaguilty ang nararamdaman ni Diane sa mga sandaling iyon. Masakit isipin na may iba na ngang mahal si Dennis. At kahit dati silang mag-asawa, sadyang mali na hinayaan niyang may mangyari pa sa kanilang dalawa noong karawan nito lalo't alam niyang mayroon na itong nobya.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ang babae at nagpaalam na sa mga staff ng clinic. Maging sa kanya ay nagpaalam din ito.

"I'll go ahead." nahihiyang paalam ni Kate kay Diane kasabay ng kiming ngiti dito.

Nagsuot na si Kate ng mask at lumakad na patungo sa pinto ng clinic.

Kanina pa siya naiilang sa pagkakatitig sa kanya ng magandang babaeng naghihintay sa reception. Kahit sa kanyang cellphone siya nakatingin, dama niyang pinagmamasdan siya ng kaharap mula ulo hanggang paa.

Pakiramdam ni Kate ay para bang gusto siya nitong lapitan at kausapin ngunit hindi naman nito ginawa. Hindi na lamang niya iyon masyadong inintindi. Marahil ay narecognize lamang siya nito o nahihiyang magpa-picture kaya ganoon na lang siya kung titigan.

Sa paglabas ng babae sa clinic ay sinundan pa din ito ni Diane ng masid. Siya namang muling pagtabi sa kanya ni Grace habang nakatanaw silang dalawa sa pagsakay ng babae sa kotseng nag-aabang dito.

"Sabi sa'yo Ms. Diane eh… di ba kilala mo s'ya? Ganda noh!"

"Oo nga pala… Kilala ko nga siya."

-------------------------

Sumapit na ang kaarawan ng kanilang anak. Kahit sila-sila lamang dapat ang magsasalo sa bahay nila Diane ay nagpa-cater pa si Dennis upang hindi na sila maabala pa sa paghahanda. Kaya't nakapag-aya din sila ng ilang kalaro ni JR.

Noong una ay naisip ni Diane na imbitahan sana si Eric lalo't naging malapit na din ito sa kanyang anak. Ngunit hindi na niya iyon itinuloy upang hindi na maging awkward pa kay Dennis. Lalo pa't gusto din niya sana itong makausap tungkol sa kanyang kalagayan.

Magdadalawang linggo na kasing delayed ang kanyang buwanang dalaw. Hindi pa siya nakakapagpatingin sa doktor at ni home pregnancy test ay hindi pa niya nagagawa dahil sa kaba.

Tanda niyang tinanong pa siya ni Dennis noong may nangyari sa kanila. Batid niyang nag-iingat ito na siya'y mabuntis, at sinabi niyang safe siya nang panahong iyon. Kaya naman nang hindi dinatnan ay ganoon na lang ang kanyang takot. Dahil baka nagbunga ang bagay na ni hindi dapat nangyari.

"Uy Diane, naririnig mo ba 'ko?" wika ni Dennis at niyugyog pa ang kanyang balikat.

"H-Ha? May sinabi ka?"

"Hay nako Dennis, ganyan lately 'yang si DJ. Laging lutang. Hindi pa ata matanggap ang resulta ng eleksiyon hahahaha!" pambubuska ng papa ni Diane.

Pumaling naman si Diane at inirapan ang pang-aasar ng kanyang ama.

"Ha. Ha. Wala naman sa Top 2 ang binoto ko noh." pikon na sagot nito, saka muling bumaling kay Dennis.

"Sorry, ano na nga yung sinasabi mo?" kunot-noo niyang sambit.

"Sabi ko… Baka gusto niyo namang mag out of the country tayo. Noon pa natin balak dalin sa Disneyland si JR di ba? Kaso-"

Biglang natigilan si Dennis. Sumagi kasi sa kanyang isip ang naging napakakumplikadong pagsasama nila ni Diane dalawang taon na ang nakalipas. Nang halos isumpa na nila ang isa't isa noon dahil sa labis na pagkamuhi.

Ngunit malayo na ang narating nila at maayos na ngayon kahit magkaibigan na lang. Kaya't iniwasan niyang mabanggit pa ang tungkol doon. Maging ang nangyari nga sa kanila noong kaarawan niya ay hindi na nila napag-usapan pa marahil sa takot na masira pa ang kanilang magandang pakikitungo sa isa't isa.

"Kaso ano… nag-pandemic naman. Baka ngayon kako eh safe na ulit mag-travel."

"Ahh… Sige, tignan." blangkong tugon ni Diane.

Kanina pa din napapansin ni Dennis ang pagkabalisa ni Diane. Madalas itong matigilan na para bang may malalim na iniisip. May mga pagkakataon din na tila may gusto itong sabihin na hindi naman itinutuloy.

"Diane, ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Dennis.

"May gusto ka bang pag-usapan?"

"W-wala naman. Medyo pagod lang ako."

"Sure ka? Kung may problema, magsabi ka lang ha."

Tumango na lamang si Diane. Sadyang wala siyang lakas ng loob na sabihin kay Dennis ang kanyang pinangangambahan.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya lubos na napapatawad ang sarili sa naging pagtataksil nila ni Greg kay Elsa. Pa-consuelo na lang sigurong maituturing na pumanaw ito ng hindi nalalaman ang tungkol sa kanilang relasyon kaya't hindi na ito nasaktan pa. Ngunit heto at sa nobya naman ni Dennis siya nagkasala.

Alam niya ang pakiramdam ng mapagtaksilan. Matinding sakit ang ininda niya noon at halos gumuho ang kanyang mundo nang malaman niya ang tungkol sa naging ugnayan ni Dennis kay Pam. Kaya naman ayaw niya sanang may babae pang masasaktan ng dahil sa kanya. Ngunit nangyari na ang nangyari.

Isa na namang babaeng lubos na nagmamahal ang masasaktan kapag malaman nito ang namagitan sa kanila ng dati niyang kabiyak. Lalo na kung tama ang kanyang kutob tungkol sa kanyang kalagayan.

-------------------------

Lumipas ang mga araw at nagpalit na ang buwan. Alam niyang kailangan nang mabigyan ng sagot ang kanyang mga pangamba. Wala pa din siyang lakas ng loob na mag-test sa bahay kaya naman minabuti na niyang kumonsulta na sa isang OB-GYN.

At doon na nga na-confirm ang kanyang hinala. Buntis nga siya.

Hati ang damdamin niya nang makumpirma ang pagdadalang-tao. Napuno siya ng pangamba, ngunit hindi dahil sa ayaw niyang mabuntis. Sa katunayan ay masayang-masaya siya na magkakaroon na ng kapatid si JR.

Ngunit nangangamba siya sa kumplikado nilang sitwasyon. Hindi niya alam kung ano maaaring mabago at mangyari dahil sa kanyang pagbubuntis.

Ano ang sasabihin ni Dennis? Ng mga magulang niya? Matatanggap ba ni Dennis ang dinadala niya? Pagdududahan ba niyang siya ang tatay? Makakaapekto ba ito sa annulment ng kasal nila? Paano ang girlfriend ni Dennis? Paano si Eric?

Napakaraming katanungan. Halo-halong emosyon na ang kanyang dinadala kaya naman minabuti na niyang kausapin ang kanyang ina.

"Oh ano bang gusto mong pag-usapan… Buntis ka 'no?"

Tumango na lang si Diane habang kaharap ang kanyang mama sa loob ng kanyang silid.

"Sabi ko na nga ba eh. Sino ang tatay? Si Dennis?"

Muling tumango si Diane. Napayuko na lang nang tuluyang dumaloy ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang tumulo. Niyakap naman siya ng kanyang ina upang aluin.

"Alam na ba niya?" malumanay na tanong nito habang hinahagod ang kanyang likod. Siya namang iling ng ulo ni Diane.

"Hindi niya dapat malaman 'to, Ma."

"Ha? Eh bakit, eh siya ang tatay. Magkakaanak na kayo ulit, bakit hindi sasabihin?"

"Basta Ma."

"Nako hinde! Kailangan malaman niya ang kalagayan mo…"

Akmang dadamputin na nito ang cellphone upang tawagan si Dennis nang pigilan ni Diane ang braso nito.

"May girlfriend si Dennis, Ma! Kaya mali yung nangyari sa'min! Ang sama-sama ko!"

Napasapo na lang ang mga kamay ni Diane sa kanyang mukha habang patuloy na humahagulgol.

"DJ, anak… he deserves to know, anak din niya 'yan eh. Then siya na ang mag-decide kung ano ang dapat gawin."

Panay lamang ang iling ni Diane habang nakasubsob sa mga palad at patuloy sa pag-iyak.

"At kahit hindi natin sabihin, hindi mo rin naman 'yan maitatago sa kanya di ba? Mahahalata at malalaman din niya."

"Ma litong-lito ko ngayon! Basta please, sabihan mo din si papa ha. Wag niyo sasabihin kay Dennis please! Huhuhu!"

Napabuntong-hininga na lamang at muling niyakap si Diane ng kanyang mama.

"S'ya, s'ya… Ikaw ang bahala. Basta andito lang kami lagi ng papa mo ha… Congratulations anak… Magiging nanay ka na ulit."

-------------------------

Nadadalas na ang mga pag-ulan mula nang pumasok ang buwang iyon ng Hunyo. Kapaparada lang ng sasakyan ni Eric sa tapat ng bahay nila Diane. Gaya ng dati ay isinabay niya ito upang ihatid pauwi pagkatapos ng kanilang shift. May kalakasan ang buhos ng ulan kaya't nagpasya silang magpatila na muna ng kaunti sa loob ng sasakyan.

Tuloy pa rin sa panunuyo ang walang kamalay-malay na doktor. Walang ideya sa maselan nang kondisyon ni Diane. Kaya naman minabuti na niyang magtapat na dito.

"Oh? Bakit mo binabalik sa'kin 'to Diane?" pagtataka ng doktor habang tangan ang maliit na kahon na iniabot ng nililigawan. Laman niyon ang bracelet na iniregalo ni Eric dito noong nakaraang Mother's Day.

"Eric, hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to sa'yo… Pero siguro mas makakabuting stop mo na ang panliligaw mo sa akin."

"Sabi ko naman sa'yo Diane di ba… Hindi naman ako nagmama--"

"Buntis ako Eric."

Minabuti na ni Diane na diretsahin na ang doktor. Sa kalagayan niya ngayon, sa tingin niya ay nararapat lamang siguro na tigilan na nila ni Eric ang pagkikita. Lalo pa't dadating ang panahong mahahalata na ng mga tao ang kanyang tiyan.

"Paanong…? Sino'ng…?"

"Si Dennis. Hindi kami nagkabalikan or anything. Nangyari lang."

"I… I don't know what to say."

Napasapo na lang ang kamay ng doktor sa noo nito habang sinusubukang iproseso ang mga sinasabi ni Diane.

"I'm really sorry Eric ha. Ayokong saktan ka, pero mas mali kung itatago ko 'to sa'yo at patuloy kang paaasahin. Sana maintindihan mo ako."

Ilang sandali pa silang nag-usap at naunawaan din naman ng doktor ang sitwasyon. At labag man sa kalooban ay wala na din itong magawa kundi umayon sa pakiusap ni Diane na itigil na niya ang panunuyo. Umaasa na lamang si Eric na magiging maayos sila Diane at JR pati ang kanyang dinadala.

-------------------------

Marami nang naging pagbabago sa pamumuhay ng magkapatid na Pam at Kyle.

Mga tiyahin sa side nila Greg ang nagsilbi nang guardian ng magkapatid mula ng maging ulila silang lubos. Nang lumaon, sa kagustuhan na din ni Pam ay ipinagpatayo sila ng mga ito ng isang 2-bedroom elevated bungalow katabi lang ng bahay ng kanilang tita.

Dahil nasa iisang malawak na compound lang sila ay nagagabayan pa din ng mga kaanak ang dalawang magkapatid. Ngunit sa pagkakaroon ng mga ito ng sariling tirahan ay mas natuto sila sa mga gawain at mas naging independent.

Wala silang kasambahay kaya't napilitan sila Pam at Kyle na matuto sa mga gawaing-bahay. Kahit sa panonood lang ng videos online ay unti-unti na silang natuto magluto. Pati pagba-budget para sa kanilang mga bills at iba pang gastusin ay kanila na ding nakasanayan.

Naging mas malapit sa isa't isa ang magkapatid kahit na madalas pa din silang mag-asaran. Binatilyo na si Kyle ngayon, at kahit na pasaway ang mga teenagers ay nakikinig pa rin naman ito at sumusunod sa kanyang ate gaya ng habilin noon ng kailang papa.

Ang dati nilang bahay ay nagsilbi na lamang annex facility ng kanilang farm para sa storage ng ibang produkto. Wala na din doon ang maliit na kubo kung saan ginahasa si Pam ng kanilang matandang katiwala.

Nasira na ang kubong iyon nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng niyog sa mga nakalipas na bagyo. Ngunit sa tuwing nakikita ni Pam ay di maiwasang magbalik sa alaala niya ang kahayupang ginawa sa kanya ni Kaloy.

Sa pagsisikap na tuluyan na iyong mabura sa kanyang isip ay ipinasunog na ni Pam ang kubo. Habang pinanonood niya iyong nilalamon ng apoy ay umaasa siyang tuluyan nang makakalaya sa bangungot na kanyang sinapit.

Sa Batangas na ipinagpatuloy ni Pam ang kolehiyo. Dadalawa na lang sila sa buhay ni Kyle kaya bilang ate ay nais niyang magabayan ang kapatid. Bukod doon, sa tulong ng mga kaanak ay sinisikap din niyang matutunan ang pamamalakad sa naiwang negosyo ng kanilang mga magulang.

Bagaman huminto siya sa pag-aaral noong kasagsagan ng pandemya at iginugol muna ang oras bilang online English tutor, hindi nawala ang hilig niya sa pag-aaral. Katunayan ay matataas ang mga grado nito. Sinisikap niyang habulin ang mga kailangang units at desididong tapusin ang kanyang kursong Nursing.

Bilang pangalawang magulang ay hindi naman nagkukulang sa paggabay ang kanyang Ninong Dennis. Sa tuwing umuuwi ito ng Batangas ay dumadaan ito upang kamustahin sila ni Kyle. Minsan ay naisasama din nito si JR. Anumang mali na namagitan sa kanila noon ay tuluyan na nilang naibaon sa limot.

Start of shift in a bit. Grabe ang heat sa labas kanina!

Summer nga pala dyan noh? Nako dito naman ang lakas ng ulan ngayon

Hay how I wish I was there! Grrr

Haha sira! Sige na sleep na ko ha. Sana hindi toxic ang shift mo

Alrighty. Good night mi amor

Kahit na magkabaligtad ang kanilang oras, sa kabila ng pagiging magkalayo ay patuloy pa din ang ugnayan nila Pam at Alex.

Nagsimula lang sa una nilang pagkikita nang dumalaw ito noon sa bahay ng kanyang ninong habang nakabakasyon sa Pinas. Wala siyang kaalam-alam noon na dati pala itong kaklase at kasintahan ng misis ng kanyang Ninong Dennis.

Hanggang sa kinontact siya nito sa social media bilang si Dre, na inakala niyang isang black American. Kahit magka-chat lamang noon ay nagkapalagayan sila ng loob hanggang sa ilahad na din ni Alex ang totoo niyang katauhan.

Naging confidant na ito ni Pam. Lahat ng kanyang mga pinagdaanan at itinatagong lihim ay tanging kay Alex lamang niya naihihinga. Maging mga bagay na di niya mailahad kahit sa pinakamalalapit na kaibigan sa Batangas ay tanging kay Alex lamang niya lahat nasasabi.

Ang naging ugnayan nila ng kanyang Ninong Dennis, paggahasa sa kanya ni Tata Kaloy, ang montik nang paglapastangan sa kanya ng sarili niyang papa, maging yung mga panahong napariwara siya sa mga nakilala online… lahat ng iyon ay alam at natanggap ni Alex.

Lalo pa ngang tumibay ang ugnayan nila nang dumaan sila sa matinding pagsubok. Montik na kasing pumanaw si Alex nang tamaan ito noon ng COVID. Kahit magkalayo ay si Pam ang naging karamay niya habang naka quarantine at siyang pinaghugutan nito ng lakas.

Si Alex ang naging katuwang ni Pam upang tuluyang makabangon mula sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Naging lakas nila ang isa't isa sa panahon ng kadiliman. At kahit na hindi sila magkasama ngayon, magkatuwang silang bumubuo ng mga plano at pangarap para sa kanilang maliwanag na kinabukasan.

-------------------------

"Kyle, lakasan mo nga!" natatarantang utos ni Pam sa kapatid sabay hampas sa braso nito.

Kasalukuyang nasa dining ang mag-ate at naghahapunan habang nakatanaw sa TV sa may sala at nanonood ng balita. Itinigil ni Kyle ang pagsubo at itinutok ang remote control upang lakasan ang audio ng telebisyon.

Natigalgal si Pam sa balitang nasaksihan.

Isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga otoridad kung saan nahuli ang tatlong lalaking gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Sa kuta kung saan nakabili ng droga ang mga nagpanggap na buyer ay may nai-rescue pang dalawang babae ang mga pulis.

"Pinagbantaan po kami! Pilit po kaming pinagamit… saka po kami binaboy ng mga hayup na 'yan! Huhuhu!" umiiyak na pahayag ng isa sa dalawang nakatalukbong na biktima nang mailigtas sila ng mga operatiba.

Napag-alamang makikipagkita lamang sana ang dalawang babae sa kanilang naka-chat online nang buyuhin sila nito na sumama sa bahay ng lalaki, kung saan naroon pala ang mga kasama nito. Doon sila pinainom, dinroga, at halinhinang pinagsamantalahan.

Kuha sa video ng news report ang mga mukha ng tatlong lalaking nakaposas habang inilalabas ito ng mga pulis sa kanilang hideout. Bago maisakay sa mobil ay isang galit na galit na kaanak ng biktima ang nagpawala ng malakas na suntok sa mukha ng itinuturong lider ng tatlo na isa pa namang dating pulis.

"Boom daserv! Hahaha! Yanig ulo ni gagu!" sambit ni Kyle habang matamang pinanonood din ang balita.

Wala itong kaalam-alam na maging ang ate niya ay dumaan din sa kamay ng mga lalaking iyon at montik nang mapariwara.

Tila isang malaking tinik ang nabunot sa dibdib ni Pam habang pinanonood na isinasakay sa mobil si Hepe at ang mga kasama nito. Justice has been served. Masaya siya na wala nang mabibiktima pa ang mga ito, at tuluyan na din niyang maibabaon sa limot ang parteng iyon ng kanyang buhay.

-------------------------

Nakasalansan sa kama ang mga damit na inilabas ni Pam mula sa closet. Maingat na pinili at pinlano ang mga OOTD at iba pang gamit na kanyang dadalhin sa ilang araw na bakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan. Hulyo na noon at sa susunod na buwan ay muli na namang magsisimula ang mga klase.

"Asan na ba kasi yun? Dito ko lang nilagay yun eh!" inis na bulong niya sa sarili.

"Kyle!! Halika nga muna rito!"

Panay ang bukas at sara ni Pam ng mga cabinet at drawers habang tulirong naghahagilap. Kanina pa niya hinahalughog ang kanyang silid ngunit hindi makita ang hinahanap.

"Kyle! Halika sabi eh! Ginamit mo yung duffel bag ko noh? Di ka na naman nagpaalam!"

Mainit na ang ulo ng dalaga at kanina pa tinatawag ang kapatid ngunit wala itong sagot. Saka naalala ni Pam na linggo nga pala ng hapon kaya't malamang ay naaya na naman si Kyle ng mga kabarkada nito na magbasketball sa kabilang sitio.

Napabuntong-hininga na lang si Pam. Banas nitong ipinusod ang kanyang buhok at nang masiguro na wala sa kanyang silid ang hinahanap ay lumipat naman sa kwarto ni Kyle upang doon maghalungkat.

Padabog niyang binuksan ang isang cabinet, ngunit napangiti rin nang makitang maayos ang mga damit ng kapatid na nasa loob niyon. Mukhang kahit papaano ay nagmature na ito sa kanyang sarili.

Isa-isa niyang binuksan ang mga cabinet at ipinagpatuloy ang paghahanap, umaasang makikita doon ang bag na nais dalhin sa kanilang byahe. Nang maya-maya'y narinig niyang humampas ang paglapat ng aluminum screen ng kanilang pinto.

Dumating na pala si Kyle. Dali-dali siyang lumabas ng silid ng kapatid upang tanungin ito.

"Kyle… Nakita mo ba yung--?"

Sa pagpihit niya palabas ng silid ay natigilan na lang si Pam sa kanyang nadatnan sa may sala.

"Hi Pam… Ako ba hinahanap mo?"

Ilang saglit na natigilan at hindi makapaniwala si Pam sa kanyang nasumpungan.

Ang ngiting iyon, nangungusap na mga mata, at mga brasong nakalahad upang siya'y salubungin. Nangilid ang mga luha ni Pam. Tila isa lamang panaginip ang kanyang nakikita.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, saka siya napatakbo upang salubungin ito ng isang napakahigpit na yakap.

"ALEX!!! You're here!!"

(Itutuloy…)

-------------------------

Authors' Note:

Sobrang haba na kaya cut muna natin ha. Merry Christmas guys!

~ Authors MissE and Paradoxxxx