1. Home
  2. Stories
  3. AGUINALDO 2022 (Part 2)
Filipino Sex Stories

AGUINALDO 2022 (Part 2)

By misse ·

Napatalon si Pam nang yumakap ito sa nobyo. Di makapaniwalang naroon sa kanyang harapan ang mahal. Kay tagal ding hinintay ni Alex ang sandaling iyon na mayakap ang kanyang sinisinta, ang maikulong si Pam sa kanyang mga bisig.

Ilang sandaling nanatiling magkayakap ang dalawa saka sinelyuhan ni Alex ng isang matamis na halik sa labi ang kanilang unang pagkikita. At gumuhit ang mga luha ni Pam sa labis na kagalakan.

"I just wanna love you foreeever mooore… And I wanna hold you… juuust like befooore…"

Mapangbuskang kumakanta si Kyle habang papasok ito ng kanilang bahay. Agad namang nagkalas ang mga labi nila Pam at Alex sa pagdating ng kapatid. Inilapag na ni Alex ang dalaga ngunit kapwa di maalis ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Heh! AFAM yarn?"

Natatawa na lang si Pam habang nagpapahid ng luha. Nakangiting iniabot naman ni Alex sa kanya ang bouquet ng mga bulaklak na hawak nito saka siya muling niyakap at masuyong hinalikan sa ibabaw ng ulo.

"Hoy Kyle, kanina pa kita hinahanap ah, s'an ka ba galing?! Umaalis ka ng di ka nagpapaalam. Pa'no kung--"

"Oh bag mo." sabat ng kapatid, at inihagis nito sa kanyang ate ang hinahanap nito.

"Kita mo kuya? Ganyan magtalak 'yang jowa mo, mala-armalite. Sigurado ka ba talaga sa pinapasok mo?"

Pikon na pinaghahampas ni Pam ang braso ng kapatid, namumula ang mukha sa hiya sa kanyang nobyo.

Aliw na aliw namang pinanonood ni Alex ang asaran ng dalawa. Matagal na niyang kilala si Kyle at madalas ay nakakausap din niya ito kapag ka-video call si Pam. Noon pa niya nakikita ang asaran ng magkapatid kaya naman sanay na rin siya sa mala aso't pusang bangayan ng dalawa.

"Bakit nasa 'yo to ha, eh alam mong gagamitin ko? Teka, magkasabwat ba kayo? Ano 'to Alex, kailangan talaga mang-stress muna gano'n? Di ba pwedeng dumating na lang ng walang pasabog? Sana nagsabi ka, eh di sana nasun--"

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at sabay nagtawanan.

"You're right Kyle. Armalite nga." bumubungisngis na sambit ni Alex.

Natigilan si Pam, at maging siya ay napabulalas na lang din ng tawa kasabay ng dalawa.

Sinadya talaga ni Alex na isikreto kay Pam ang kanyang pagbabakasyon upang sorpresahin ito. Ilang beses na din niya noong binalak na makauwi ngunit dahil sa mga restrictions at pabago-bagong COVID protocols ay ngayon lamang siya natuloy sa wakas.

Di lingid sa kaalaman ng kanilang mga kaanak na may nobyo si Pam na nasa Amerika. Kahit mahigit sampung taon ang tanda nito sa kanilang pamangkin ay wala naman silang tutol. Naitimbre din ni Kyle sa mga ito na darating nga si Alex kaya naman pinaghandaan din nila ang bisita.

"Pamela… narine na nga ga ang iyong nobyo?" tawag ng kanilang tita habang papalapit ito sa kanilang bahay.

Kanina pa nag-uusyoso ang mga ito at nakasilip sa kanilang bintana nang pumasok sa bakuran nila ang isang kotse. Minasdan ang pagbaba doon ni Kyle kasama ang nobyo ng kanilang pamangkin na umuwi galing Amerika. Ang sabi kanina ni Kyle ay magkikita sila nito sa labasan upang sorpresahin ang kanyang ate.

Masayang nagkukwentuhan ang tatlo sa salas nang dumating ang tita nila Pam kasama ang mister nito. Agad naman silang napatayo, at sa pagpasok ng mga ito sa bahay ay maagap na inabot ni Alex ang kanilang kamay upang magmano.

"Kaawaan ka… Kainam na bata pala areng si Alex. Maigi naman at di ka nakakalimot sa pagmamano kahit matagal ka na sa Amerika." sambit ng kanilang tita.

Ay ineng, ari ga ang iyung boypren na taga-US? Ala'y kakisig eh. Marami-rami nga pala tayong paghuhuntahan utoy. Lika muna sa bahay at may kaunting harapan duon." paanyaya naman ng kanilang tiyuhin.

"Nako tito! Wag muna at mahaba ho ang biniyahe ni Alex eh." pag-awat ni Pam. Nag-aalalang mapasabak si Alex sa matinding inuman.

"Eto naman, kaunti la-ang naman, at nang makaliskisan na din itong si utoy."

"It's ok, Pam. Nakatulog naman ako sa flight. Ay sandali pala tito, may kukunin lang po ako ha."

Napahangos si Alex palabas ubang may kunin sa mga bagaheng nasa kotseng kanyang nirentahan. At sa pagbalik sa bahay ay tangan na ang kahon ng mamahaling alak na pasalubong nito sa tiyuhin ng nobya.

"Aba'y malalahiran na naman ng imported ang lalamunan ko ah, kainaman! Magkakasundo tayo Alex!" sambit nito habang sinisipat ang kahon ng alak na natanggap.

"Ay siya, lika muna Alex nang matikman mo naman ang sinaing na tulingang luto ko." Ani ng kanilang tiya.

Nagkatinginan ang magnobyo. Bakas sa mukha ni Pam ang pag-aalala dahil sadyang malalakas uminom ang mga kalalakihan sa kanilang lugar. Nakangiting pinisil naman ni Alex ang kanyang kamay na tila sinasabing huwag siyang mag-alala.

Hindi na tumutol pa si Pam. Natutuwa din siyang willing si Alex na pakiharapan ang kanyang mga kaanak. Sanay din naman itong uminom at tingin niya'y kaya naman nito ang sarili.

"Ay alis muna 'ko ate ha…" nagmamadaling paalam ni Kyle.

"Oh, sa'n ka punta?"

"To the moon… road trip… vroom vroom… skrr skrr…" tumatawang awit nito habang palabas ng bahay.

Napairap na lang si Pam sa kapatid nang kumaway pa ito sa kanya bago lumabas. Akala pa naman niya ay masasamahan nito si Alex sa umpukan. Kinakabahan pa din kasi siya dahil tiyak na lalasingin ito ng kanyang mga tiyuhin.

Ginabi na sa inuman ang mga kalalakihan. Sumunod din naman doon si Kyle upang samahan si Alex at nag-cellphone na lang sa isang tabi.

Maiingay na ang mga nag-iinom. Muli na naman silang nilapitan ni Pam upang ayain na si Alex magpahinga. At nangyari na nga ang kanyang inaasahan.

"Taob ang taga-US! Nako Pamela, areng iyong nobyo ay mahina pala magbarik. Bulagta eh!" bulalas ng tiyuhin kasunod ang malakas na tawanan ng mga kaumpukan nila na pawing mga lasing na rin.

Naiiling na lang si Pam habang magkatuwang sila ni Kyle na inaalalayan si Alex upang makatayo.

"No, no. One more shot! Kaya pa, kaya pa…"

Kandabulol na si Alex sa pag-awat sa kanila na akayin ito. Ayaw sumuko at gusto pa ding ituloy ang pakikipag-inuman.

"Tsk, tumigil ka na nga! Di magpapatalo mga 'yan!" inis na bulong ni Pam dito.

Sadyang nakaugalian na ng mga tagaroon na isabak sa inuman ang mga dayong bisita. Sanay magsiinom ang mga ito at hindi titigil hangga't hindi naitataob ang mga mangangahas na humarap sa kanilang inuman.

Nang gumagabi na kanina ay sinubukan pa ni Pam na awatin na si Alex. Maaga kasi silang susunduin kinabukasan ng van na inarkila nilang magkakaibigan para bakasyon nila sa Baguio.

Matagal na iyong nakaplano at mukhang itinaon din talaga ni Alex ang bakasyon nito upang makasama din siya sa kanilang lakad. Ngunit imbis na magpaawat na sa pag-inom ay kumasa din ito sa hamon ng kanyang mga tiyuhin.

Hilong-hilo na si Alex at wala na ding nagawa kundi magpaakay na kila Pam. Kahit dalawa silang umaalalay ay hirap ang magkapatid sa bigat ng bulto ng katawan ni Alex. Halos matumba silang tatlo habang isa-isang hinahakbang ang steps papanik ng veranda hanggang sa tuluyan nilang maipasok si Alex sa loob ng bahay.

"Hep hep… hindi diyan… kwarto ni ate yan. Bawal ka dyan, baby girl pa 'yan eh. Dito tayo kuya sa kwarto ko…" sita ni Kyle nang montik pumihit si Alex papasok sa kabilang silid.

Protective si Kyle sa kanyang ate lalo't ngayon lamang ito nagkanobyo. Walang kamalay-malay sa masakit na katotohanang kahit naturingang NBSB, ay ilang lalaki na ang nagdaan sa buhay ni Pam.

Sa wakas ay naihiga na din nila si Alex sa kama. Masuyong hinaplos ni Pam ang buhok ng nobyong tuluyan nang nakatulog agad sa dami ng nainom. Tila hindi pa din siya makapaniwala na naroon at nahahawakan na niya si Alex.

"Uy matulog ka na din ate, maaga alis niyo bukas di ba?" paalala ni Kyle.

Tumango si Pam ngunit bago siya lumabas ng silid ay inasikaso muna nila si Alex. Matapos nila itong punasan at palitan ng damit ay bumalik na si Pam sa kanyang kwarto upang tapusin ang pag-iimpake ng mga gamit. Saka siya nahiga na rin at isinet ang alarm sa kanyang telepono.

Para pa din siyang nananaginip. Dalawang taon na sa chat at tawag lamang sila nagkakapag-usap, ngunit eto at nariyan lamang si Alex sa kabilang silid.

May ngiti sa labi niyang ipinikit na ang mga mata, nasasabik na makasama ang nobyo sa mga susunod pang araw.

-------------------------

Natuloy ang biyahe nilang magkakaibigan at sumama din si Alex. Madaling araw umalis ang convoy ngunit sa halip na sa van ay kay Alex na siyempre sumabay si Pam.

"Ha? La Union?!"

Gulat na gulat si Pam nang habang bumabagtas sila sa NLEX ay pakiusapan ito ng nobyo na magsabi sa mga kaibigan. Balak kasi nitong humiwalay sila ng lakad.

"C'mon Pam… please? May next time pa naman na you can join them sa ibang lakad niyo. Ako limited lang days ng bakasyon ko. Sige na please?"

"Nako kakantyawan ako tiyak ng mga yun!!"

Halata namang nalungkot si Alex sa reaksiyon niya. Biglang nawala ang excitement sa mukha nito habang nagmamaneho.

"Haay… Ok fine, sige na nga. Pero La Union? Really? Alex naman, sana sinabihan mo 'ko… eh puro pangginaw ang dala ko!"

Ngumiti si Alex at mabilisang dinukwang sa likod ang isang paperbag at iniabot iyon sa kasintahan. Nagtatakang sinilip ni Pam ang laman niyon na pawang mga swimsuit, sunblock at iba pang mga gamit pang-beach.

"Kung may kulang diyan, we could just buy along the way naman siguro."

"Grabe. You really thought of everything 'noh? You had this all planned!" naiiling na sambit ni Pam nang may halong kilig sa pag-aabala ni Alex.

"Eh paano nga, hindi naman kita maipagpaalam sa mga tito mo na tayo lang dalawa ang aalis. Baka mataga pa ako ng di oras! Kawawa ka naman… hindi mo man lang ako matitikman." pilyong tugon nito na sinagot naman ni Pam ng mga hampas sa kanyang braso.

Mahaba-haba ang biyahe mula Batangas hanggang La Union. Sa daan ay mas nagkaroon ang dalawa ng pagkakataon na magkamustahan at di halos mapatid ang kanilang kwentuhan. Halata ang labis na tuwa na sa wakas ay nagkita at nagkasama na sila.

May mga pagkakataon na di maiwasan ni Alex na mapalingon sa dalagang nasa kanyang tabi. Noon pa man ay gandang-ganda na siya kay Pam mula pa noong una niya itong masilayan sa bahay nila Diane. At kahit madalas naman niya itong nakikita kapag naka-videocall sila, mas lalo siyang nabighani ngayong kasama na niya ito.

Tila mas lalo itong gumanda sa personal. Naaaliw siyang pagmasdan ang bawat kilos nito at madinig ng malapitan ang kanyang boses. Ang paghawi nito ng buhok, facial expressions, mga mannerism at iba pang gestures. Lahat ng iyon ay kanyang kinakaaliwang masilayan.

Malambing pala si Pam, sa isip-isip ni Alex. Parang matutunaw ang kanyang puso sa tuwing ihihilig nito ang ulo sa kanyang balikat. May mga pagkakataon ding dadampi ito ng halik sa kanyang pisngi o pipisil sa kanyang kamay habang siya ay nagmamaneho.

Sa suot nitong manipis na off-shoulder sweater at shorts ay litaw na litaw ang kakinisan ng kutis nito. Nalalanghap niya ang halimuyak ni Pam sa loob ng sasakyan. Dama niya ang kinis ng balat nito sa bawat malambing nitong haplos. Maging ang malusog na dibdib na minsan ay di sinasadyang sumasagi sa kanyang braso.

Bilang isang lalaking kay tagal nasabik na makasama ang kanyang nobya ay di niya maiwasang tablan sa taglay na alindog ni Pam. Kung pwede nga lang ay gusto na niyang ihinto sa gilid ng expressway ang sasakyan upang makagawa ng move sa kanyang GF.

Ngunit nang subukan niyang himasin ang hita ng nobya ay nagulat siya sa naging reaksyon nito. Bigla itong humalukipkip, umayos ng upo mula sa pagkakahilig sa kanya, saka pumaling papalayo.

Napuno ng awkward silence ang sasakyan. Hindi malaman ni Pam ang mararamdaman sa ginawang iyon ni Alex. May bahagi niya na na-excite sa ginawa nito, ngunit naroon din ang ilang at kaba. Kumakabog ang kanyang dibdib habang sabay na nilulukuban ng pag-aasam at pangamba sa mga susunod na mangyayari sa kanila ng nobyo.

Kay tagal din niyang hinintay na makasama si Alex. Noon pa man ay nagugwapuhan siya sa features nitong lalaking-lalake. Ang mala-mulattong kulay ng balat at ang tikas ng katawan nitong hinubog ng pagsali nito sa mga triathlon sa New York.

Lalo pa siyang humanga dito ngayong kasama na niya ito. Inaasam din niya ang sandaling magkasarinlan sila ni Alex ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang mga pag-aalinlangan. Lalo pa't alam ng nobyo ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan.

Tila nababasa naman ni Alex ang tumatakbo sa isip ni Pam. Upang hindi na masira ang mood nito sa kanilang biyahe ay iniwasan na muna ni Alex na gumawa pa ng ganoong hakbang. Nakuntento na lamang siya sa paghawak sa kamay ng nobya at ipinaramdam dito na ang presensya ni Pam ang mahalaga sa kanya.

Nang makarating sila sa La Union ay inuna muna nilang mamasyal sa mga tourist spots na naroon. Kahit araw ng Lunes ay madaming tao kahit saan sila magpunta. Dama ang sigla ng turismo at makikitang naka-revenge travel mode ang mga tao matapos ang dalawang taon ng mga lockdown at restrictions.

Hapon na nang makapag-check in sila sa isang magandang resort. Kahit walang bagyo ay malalaki ang mga alon dahil sa hanging habagat, kaya naman dinarayo talaga ang La Union ng mga mahihilig mag-surfing.

Magaganda ang facilities ng resort ngunit hindi na muna sila naglibot at minabuting dumeretso muna sa kanilang kwarto. Nasa mismong beach front ang kinuhang accomodation ni Alex.

Tamang-tama lamang ang laki ng silid na may glass wall at sliding door na nakaharap sa dagat. Kaya naman tanaw na tanaw ang magandang view mula sa king size na kama.

"Ahh finally… Hay, what a long day! Kapagod!" bulalas ni Alex nang mailapag ang kanilang mga bag saka patihayang bumagsak sa gitna ng kama.

"Ayaw mo naman kasing mag-sub ako sa'yo mag drive. Marunong naman ako, may lisensya na nga ako eh… 10 years ang validity!"

Akmang kukunin nito ang ID sa loob ng kanyang bag upang ipakita kay Alex nang hatakin nito ang kanyang kamay. Tuluyang natumba si Pam sa ibabaw ni Alex, at sa pagkakatapat ng kanilang mga mukha, hinawi ni Alex ang kanyang buhok, saka siya nito hinalikan sa labi.

"I love you, Pam. You have no idea how happy I am right now… na magkasama tayo." bulong nito sa pagitan ng mga dampi ng halik sa labi ng nobyang yapos niya sa kanyang ibabaw.

Hindi na nagawang sumagot ni Pam, ngunit tumutugon sa bawat dampi ng masuyong halik ng nobyo. Mga halik na sinabayan na ng paghaplos ni Alex sa kanyang katawan habang nakaibabaw siya dito. Mga halik na unti-unting lumalalim.

Ngunit parang napaso si Pam nang maramdaman ang pamumukol sa gitna ng mga hita ni Alex at agad siyang kumalas sa mga labi nito.

"Ahh… Tara Alex, swimming tayo. Ganda ng waves oh, parang ang sarap magswimming. Palit na muna 'ko ha."

Napatuon si Pam sa dibdib ni Alex at dagling bumangon. Muli nitong hinalungkat ang mga damit na pinamili ni Alex para sa kanya saka nagmadaling pumunta sa banyo upang magbihis.

Napapikit at buntong-hininga na lang si Alex sa pagkabitin. Mukhang magpasahanggang ngayon ay madami pa ding baggage na dala sa dibdib ang kanyang mahal. Tila patuloy pa din itong binabagabag ng alaala ng mga sinapit nito.

Nauunawan ni Alex ang nararamdaman ni Pam. Ngunit paano ka nga namang hindi tatablan sa alindog ng dalaga. Natigalgal na lamang siya nang lumabas ito ng banyo.

Kahit natatabunan ng puting cover up ay mababakas ang suot nitong kulay puti ring 2-piece bikini. Habang nakahiga siya sa kama, sa paningin niya'y parang nag-slowmo ang paglakad ng nobya sa silid.

Sa pagtapat nito sa salaming dingding ay tumatagos mula sa kanyang likuran ang mga sinag ng araw. Lumulusot ang liwanag sa mga hibla ng kanyang damit kaya't maaaninag ang magandang hubog ng katawan nito. Napakaganda. Tila anghel na bumaba sa lupa.

"Huy."

Tinapik ni Pam ang nobyo na tila napatulala.

"Di ka pa ba magbibihis? Halika na, swimming na tayo!"

Nangingiting napailing naman si Alex na tila nagising.

"Alright, alright, just give me a sec."

Masayang ginugol ng dalawa ang hapong iyon sa may dagat. Swimming, kwentuhan, harutan. Tila binabawi ang napakahabang panahon na kinasabikan nilang makasama ang isa't isa.

Halatang nag-uumapaw ang pag-ibig sa magkasintahan. Sa bawat kilos, bawat haplos, at kung paano nila tignan ang isa't isa. Kay gandang pagmasdan ng dalawang taong lubos na nagmamahalan. Kahit ang ibang turistang naroon ay napapangiti na lang sa pagiging sweet ng dalawa. Sanaol, ika nga.

Hawak-kamay silang naglakad-lakad sa may pampang. Humahampas ang mga alon sa kanilang mga paa habang naglalakad sa buhangin at minamalas ang ganda ng paligid.

May nadaanan silang mga kainan at nagpasya silang maghapunan na upang maaga silang makapagpahinga. Dalangin na lang ni Pam na sana nga ay singilin ng pagod si Alex upang huwag munang maulit ang tagpo kanina na kanyang iniwasan.

Pagkakain ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad. Gusto sana ni Alex na pag-usapan nila ni Pam ang mga agam-agam nito, ngunit nararamdaman din niya na iniiwasan iyon ni Pam kaya't hindi na lamang niya ipinilit.

Sa kanilang patuloy na pagbaybay sa dalampasigan ay namasdan nila ang pagbabago ng kulay ng langit habang unti-unting lumulubog ang araw.

"May stars na oh." sambit ni Alex habang nakadantay ang kamay sa bewang ni Pam at nakatingala sa nagdidilim nang kalangitan.

"O-oo nga. Gabi na pala." tipid niyang tugon.

"Laging magkaiba ang tinitingala natin sa langit… but now we're looking at the same stars."

Dahil nasa magkabilang panig ng mundo ay laging baligtad ang oras nila. Malaking hamon man ang pagiging LDR ay nagawa naman nilang mag-adjust sa isa't isa. At ngayon nga, kahit panandalian lamang, ay sabay silang nakatingin sa mga bituin sa langit.

Hindi na nagawa pang sumagot ni Pam. Mula nang magsimulang dumilim ay parang may namuong kaba sa kanyang dibdib. Matinding takot sa bagay na alam niyang hindi naman niya maiiwasan.

"Tara, balik na tayo?"

Tumango na lang siya sa paanyaya ni Alex.

Napalayo na pala sila kanina sa kanilang paglalakad. Madilim na nang makabalik sila sa kanilang resort. Gabay ang mumunting ilaw na nakasabit sa mga puno sa paligid at flashlight ng kanilang mga cellphone ay natunton din nila sa wakas ang kanilang kwarto.

"Ahh… Alex… Una ka na sa loob ha… magpapahangin na muna ako dito." wika ni Pam at saka ito sumakay sa duyan na nakasabit sa labas ng kanilang silid.

Nabasa na agad ng binata ang kinikilos ni Pam. Hinayaan na muna niya itong mapag-isa at nauna na nga siyang pumasok sa loob.

Kahit giniginaw sa dampi ng malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat, tiniis na lang muna iyon ni Pam. Sa bawat ugoy ng duyan ay pilit niyang pinakakalma ang sarili.

Puno siya ng agam-agam at pangamba. Halong hiya at pandidiri sa sarili ang nararamdaman na ibibigay niya ang kanyang sarili kay Alex, gayong alam nito ang lahat sa kanyang nakaraan.

"Haaay, bahala na. Go ghorl." pabiro nitong bulong sa sarili kahit kumakabog ang kanyang dibdib.

Napabuntong-hininga ang dalaga saka bumaba sa duyan at tumuloy na sa loob, umaasang sana ay nakatulog na ang nobyo.

"Ohh… G-Gising ka pa pala."

Hindi na kumibo si Alex, sa halip ay tumayo ito upang i-secure ang lock ng kanilang pinto at isinara ang mga kurtinang tumatabon sa salaming dingding.

Nakapaligo na si Alex at tanging boxer shorts lamang ang suot. Gaya kanina sa beach, di ulit napigilan ni Pam na mapatitig sa matipunong pangangatawan ng kanyang nobyo habang nakataas ang mga braso nito at inaayos ang mga kurtina.

Ramdam ang tensiyon sa silid. Wala silang imikan na tila ba parehas nakikiramdam sa isa't isa. Tahimik na dinampot na lang ni Pam ang isang tuwalya at nagtungo na sa banyo.

Habang nakatapat siya sa daloy ng mainit na tubig ng shower, nakapikit si Pam at pilit pinakakalma ang isip kahit napakaraming bagay ang doon ay gumugulo.

First boyfriend niya si Alex pero hindi na siya virgin… Baka iniisip nitong imoral siya dahil sa naging ugnayan niya sa ninong niyang pamilyado… Siguro ay narurumihan ito sa kanya dahil sa nagahasa siya ni Kaloy… O marahil ay iniisip nitong easy girl siya na basta nagpapakama kung kanino.

Sari-saring bagay na tiwala siyang hindi naman naiisip ni Alex base sa pagkakakilala niya sa nobyo. Gayon pa man ay pilit pa ring sumisiksik sa kanyang isipan.

Nanibago ang mga mata niya sa dilim ng silid sa paglabas niya ng banyo. Nakapatay na kasi ang mga ilaw at isang bedside lamp lamang ang iniwan ni Alex na nakasindi. Nakaupo ito sa paanan ng kama at hinahaplos ang mga gusot na bahagi ng sapin habang naghihintay ito.

Nakatapis lamang si Pam nang lumabas ng banyo. Mahigpit na nakakapit ang kamay sa bahagi ng twalyang nakaipit sa kanyang dibdib upang hindi iyon makalas.

Isinalubong ni Alex ang kamay nito sa kanya at nagmuwestra na maupo siya sa tabi nito. Kahit may pag-aalinlangan ay inabot naman niya iyon at tumabi sa kanyang nobyo. Langhap ni Alex ang bango ng kasintahan. Bahagyang tumutulo pa ang mga dulo ng buhok nito.

Ilang saglit na napuno ng katahimikan ang silid. Kapwa nakikiramdam.

Hanggang sa hinawakan ni Alex ang kamay ni Pam at inilapit sa kanyang labi upang dampian ng halik. Saka nito hinaplos ang mukha ng nobya at tiningnan ito ng diretso sa mga mata.

"Pam…"

Saglit na napatigil si Alex sa paghahanap ng tamang salita.

"Pam… I'm your best friend. Bago pa naging tayo… I was your best friend. I was Dre 'di ba?" bungad ni Alex. Napangiti naman si Pam sa naalala at tumango ng pagsang-ayon.

"That's why even if you don't tell me… alam ko ang mga nasa isip mo ngayon. Your fears… your doubts… lahat yan… alam ko. I know you too well."

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Pam. Nangangatal ang baba sa pagpipigil nitong maiyak.

"Since Day 1, you told me everything. And I told you everything as well. All my failed relationships… fuccboi days ko… drugs… heck, pati yung ninakaw kong panty ng GF ni 'insan alam mo eh. Lahat!"

Tahimik na nakikinig si Pam. Pilit inuunawa ang gustong sabihin ni Alex.

"But am I bothered? No. Kasi tapos na yun eh, at alam kong tanggap mo 'ko. At tanggap din kita."

Mahigpit pa rin itong nakakapit sa sugpungan ng twalyang nakabalot sa kanyang katawan. At napayuko na lang si Pam upang ikubli kay Alex ang pagtulo ng mga luhang hindi na niya napigil.

"Pam… it doesn't matter kung sino ang una… or kung ilan pa ang dumaan sa buhay natin… Tandaan mo, ang importante lang… kung sino ang huli."

Tuluyan nang napahagulgol ang dalaga. Lumapit si Alex at niyakap ito. Muling niyang iniangat ang ulo ni Pam at pinahid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Tapos na yun… tanggap ko lahat Pam." sambit nito saka dinampian ng masuyong halik ang mga labi ng kasintahan.

Napatingala ang dalaga upang tanggapin ang mga halik ni Alex habang sapo nito ang kanyang mukha. Bawat paglapat ng mga labi ay puno ng pagmamahal at sinisikap na ipanatag ang sinisinta.

Unti-unting napawi ng mga halik na iyon ang mga agam-agam ni Pam, at nang lumaon ay tumutugon na din ito sa mga halik ni Alex.

Gano'n na lang ang tuwa nito nang sa wakas ay naramdaman din niya ang pagtugon ni Pam. Tila kay sarap lalong namnamin ng malambot nitong mga labi na kay tagal din niyang inasam na mahagkan.

Ang mga padampi-damping halik ay naging mas malalim. Unti-unting naging mapusok. At kusa nang bumitiw si Pam mula sa mahigpit nitong pagkakakapit sa tuwalyang nakabalot sa kanyang kahubdan.

Nagkalas ang kanilang mga labi at nagtama ang mga mata. Kahit sa mapanglaw na liwanag ng silid ay nakikita ni Alex na wala nang alinlangan sa mga matang iyon.

Dahan-dahan niyang kinalas ang twalya mula sa pagkakaipit. Sa pagkatanggal ng tapis ay tumambad sa kanya ang kabuuan ng kanyang nobya. Tila isang diwata ang nasa kanyang tabi at di niya mapigilang humanga sa kagandahan nitong taglay.

Si Pam pa mismo ang kumuha sa kamay ni Alex at inilapat iyon sa kanyang malusog na dibdib, saka ito buong pagsusumamong bumulong.

"I want you Alex. Kung talagang tanggap mo 'ko… paramdam mo sa'kin…"

Muling siniil ni Alex ng halik si Pam habang niyayapos ng palad ang suso nito. Halik na walang paninimbang. Halik na malalim at nangangailangan.

Inihiga niya ito sa kama at tuluyan na ngang nagpaubaya si Pam sa kanyang mahal. Sa unang pagkakataon ay mabubuklod ang dalawang pusong kay tagal nag-asam sa isa't isa.

Puno ng pagtatangi ang bawat halik na bumaybay mula sa mga labi patungo sa mayamang dibdib. Pinagpala ng dila ang mga rosas na utong sa tuktok ng tayung-tayong mga suso.

Tila bagang gumapang sa kanyang katawan ang mga labi ni Alex. Di mapigilan ni Pam ang mga daing sa bawat hagod ng dila nito sa kanyang katawan, lalo pa nang marating nito ang kanyang pagkababae.

Musika sa pandinig ni Alex ang mga ungol ng nobya. Habang nasa pagitan siya ng makikinis nitong hita ay namamasdan niya ang pag-arko ng katawan nito sa paghagod ng kanyang bibig sa naglalawa nitong hiyas. Lalo pa nang pumuwesto siya at itinutok na ang kanyang kahindigan sa bukana ng paraisong iyon.

"Fuck me Alex… Angkinin mo 'ko!"

Isang madiing ulos ang nagpasinghap sa dalaga. Muling naglapat ang kanilang mga labi at napapulupot ang kanyang mga hita sa balakang ng nobyo na nagsimula nang umulos. Banayad sa simula na tila sumasabay sa hampas ng mga alon sa dalampasigan.

Ang pagsusugpong ay unti-unting bumilis. Sagad sa diin ang bawat ulos, sumasalubong ang balakang sa bawat kadyot.

Nagbubutil ang pawis sa pagitan ng mga suso. Kapwa humihingal habang palapit nang palapit sa sukdulan. Dinig sa silid ang mga ungol at daing. Bakas sa likuran ang pagbaon ng mga kuko.

"Malapit na 'ko Alex!"

"Eto na din ako Pam!"

Ilang malalakas na ulos pa at sabay nilang narating ang langit. Kapwa sumabog ang di malirip na sarap habang magkasugpong at nanginginig ang kanilang mga katawan. At nang humupa ay sinelyuhan ang kanilang pag-iisa ng isang halik na ubod ng tamis.

Hindi iyon ang unang beses na may nakatalik ang dalaga. Ngunit sa unang pagkakataon ay ibinigay niya ang sarili sa isang lalaki dahil sa kanilang pagmamahalan.

"A-Alex…?" bulong nito sa nobyong tila nakatulog na habang nakahilig ang kanyang ulo sa dibdib nito.

"Mmm?" tugon naman ni Alex, at dinampian nito ng halik ang ulo ni Pam habang nakapikit pa din ang mga mata.

"Hindi mo… hindi mo winithdraw? Possible kasi na fertile ako ngayon…" nag-aalalang wika ni Pam.

Saka nagmulat ng mga mata si Alex, iniangat ang mukha ni Pam, at tinitigan ang mga mata nitong puno ng pangamba.

"Oh edi pananagutan kita. I'm ready to be a dad, Pam. Noon ko pa gustong magkapamilya na 'di ba? And I'm so ready to build my future… with you."

Agad na dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata, at niyakap siya ni Alex ng ubod ng higpit. Sa kahubdan ng kanilang mga katawan ay damang-dama ni Pam ang bawat pintig ng puso nito.

"Hindi ko alam kung deserve kita Alex… matapos lahat ng mga nagawa ko… lahat ng nangyari sa'kin… Pero mahal kita… at eto ako… umaasang matatanggap mo ako…" wika nito sa pagitan ng mga hikbi.

"I will never get tired of telling you Pam… Tanggap kita… ng buong-buo. At mahaaal na mahal din kita…"

I was down… my dreams were wearing thin When you're lost… where do you begin? My heart… always seemed to drift from day to day Looking for the love… that never came my way

Then you smiled… and I reached out to you I could tell… you were lonely too One look… then it all began for you and me The moment that we touched… I knew that there would be…

Two less lonely people in the world… and it's gonna be fine Out of all the people in the world… I just can't believe you're mine In my life where everything was wrong… something finally went right
Now there's two less lonely people in the world… tonight…

Tonight I fell in love with you… and all the things I never knew… Seemed to come to me somehow… Baby, love is here… and… now… there's…

Two less lonely people in the world… and it's gonna be fine Out of all the people in the world… I just can't believe you're mine In my life where everything was wrong… something finally went right
Now there's two less lonely people… two less lonely people…
Two less lonely people in the world… tonight…

Dalawang pusong ligaw ang dumaan sa sari-saring pagsubok at kabiguan. Kapwa nanggaling sa madilim na nakaraan. Ngunit sa huli ay natagpuan ang isa't isa at natanggap ng buong-buo. At magkasama nilang haharapin ang maliwanag na bukas.

-------------------------

Kinabukasan ay nanatili na lamang sila sa resort upang doon mag-relax. Tuloy ang masayang bonding ng magnobyo at naisingit din nilang mag-basic surfing lessons.

Pagkatapos mananghalian ay nagcheck-out na sila at bumyahe naman pa-Ilocos. Mahigit dalawang oras din ang itinakbo nila upang dalawin naman ang mga kamag-anak ni Alex sa side ng ina nito.

"Alex! Apay a dimo imbaga nga agawidka!"

"Lola! Malakas pa din ah! Nako tagalog na lang po ha? Nosebleed kami pag Ilokano!" bati ni Alex sa matanda saka nagmano at umakap dito.

Ipinakilala ni Alex si Pam sa lola nito maging sa iba pa nilang kaanak. Malugod naman nilang tinanggap ang dalaga. Nagbiro pa nga ang lola ni Alex na mas boto siya kay Pam kaysa sa unang napangasawa ng apo sa Amerika.

Ginugol na ang hapong iyon sa kamustahan at kwentuhan. Nagpumilit ang lola ni Alex na doon na sila magpalipas ng gabi sa halip na mag-hotel. Sa isang silid na sila pinagsamang matulog ng mga kaanak at nagpahaging pa ang lola ni Alex na nais nitong magkaroon na sana ng apo sa tuhod.

Kinabukasan ay maaga silang lumakad upang mamasyal sa Vigan. Magbubukang-liwayway pa lamang ay nakarating na sila sa Heritage Village kung saan dinarayo ang mga lumang bahay at istruktura na itinayo noon pang panahon ng mga Kastila.

Ilang oras ding lumagi doon ang dalawa. Wiling-wili ang magkasintahan sa pagkuha ng kanilang mga litrato sa Calle Crisologo. Kay ganda kasing gawing background ang mga lumang gusali at sumakay din sila ng kalesa. May kapwa turista pang nagbiro sa kanila na tila pang-prenup pictorial na ang ginagawa ng dalawa dahil sa pose ng mga ito.

Sunod naman ay pinasyalan nila ang sikat na Bantay Church. Nakapag-almusal na sila at may kataasan na din ang araw ng makarating sila doon. Kahit pasado alas otso pa lamang ay madami na ding turista sa lugar.

"Ano Pam, akyatin natin mamaya?" tanong ni Alex habang sinisipat ang tuktok ng tore sa gilid ng simbahan.

"Tara! Di naman gaanong mataas eh. Baka naman ikaw ang susuko ha?" kantyaw naman nito sa nobyo.

"Kahit buhatin pa kita eh!"

Matapos magdasal sa simbahan at pagkakuha ng ilang litrato ay tumungo na sila sa tore. Inakyat nga ng magkasintahan ang bell tower at namangha sa magandang tanawin mula sa itaas. Tanaw na tanaw ang buong paligid kaya naman dati itong ginamit noong panahon ng Kastila upang bantayan ang pagdating ng mga pirata sa bayang iyon.

Matapos ang ilang sandali ay nagpasya na din silang bumaba upang tumungo na sa susunod nilang itinerary. Pasakay na sana sila ng kotse nang maramdaman nila ang napakalakas na pagyanig ng lupa.

Agad napayakap sa isa't isa ang magkasintahan, napatalungko habang tinatakpan ang kanilang ulo. Hiyawan ang mga tao dahil sa malakas na paglindol na nagpatunog pa sa alarma ng mga sasakyang naroon.

At ganoon na lang ang kanilang panlulumo nang matanaw ang tore na nagkakabitakbitak at nahuhulog ang mga piraso ng bato mula dito dahil sa lakas ng pagyanig.

Maya-maya'y humupa na din ang panginginig ng lupa. Kapwa nagitla sila Alex at Pam na isiping kanina lang ay nasa taas sila ng toreng iyon. Laking pasasalamat na lamang nila na nakababa na sila at naligtas sa kapahamakan.

Mabuti at ligtas din ang mga kaibigan ni Pam na nasa Baguio. Dahil sa nangyari ay minabuti na lamang ng lahat na i-cancel na ang kanilang biyahe at umuwi na sa Batangas.

Dahil nasa Amerika na din ang pamilya at malalapit na kaanak ni Alex ay kila Pam na siya namalagi. Doon na niya ginugol ang ilang linggong bakasyon at sinulit ang panahong magkasama sila habang wala pa ding pasok sila Pam at Kyle sa eskwela.

Tila kay bilis ng panahon, at dumating na ang araw ng pag-alis ni Alex upang bumalik na sa New York. Sa sandaling panahon na nakasama niya si Alex ay parang tuluyan na nitong napaghilom ang lahat ng sugat sa kanyang pagkatao, kaya naman masakit sa kanyang magkakawalay na silang muli.

"I can't tell kung kailan ako ulit makakauwi Pam, but we'll make it work ha?" malungkot na sambit ni Alex habang yakap-yakap si Pam sa labas ng airport.

Kahit pigilan ni Pam ay umagos pa din ang mga luha. Malungkot man sa kanilang muling pagkakalayo ay pinanghahawakan ng dalaga ang kanilang pangako sa isa't isa.

"Pam, remember… you're my last."

"Ikaw din ang huli, Alex. Ikaw na."

-------------------------

Agosto nang magbalik na sa face-to-face classes ang mga paaralan. Dalawang taon ding nahimpil sa bahay ang mga estudyante upang mag-modules at online classes dahil sa pandemya kaya naman excited ang karamihan na pumasok na sa eskwela.

Kabilang na sa kanila si JR na papasok na sa Nursery. Minabuti na nila Diane na i-enroll na ang anak upang lalo itong matuto at para na rin sa social development ng bata.

Kahit hindi pa din nagbabakuna ng mga batang below 5 years old ay kampante naman silang papasukin na si JR sa eskwela. Nananatili naman kasing mababa ang mga kaso ng COVID bunga ng herd immunity dahil karamihan naman sa mga Pilipino ay nabakunahan na.

Ilang araw bago magpasukan ay kapwa dumalo sila Diane at Dennis ng orientation kasama ang iba pang mga magulang. Excited ang lahat dahil sa darating na Lunes ay magsisimula na ang klase ng kanilang mga anak.

"Parang tumataba ka ah…" bungisngis na bulong ni Dennis kay Diane habang pinanonood nila ang presentation na ipinalalabas sa screen sa harapan ng silid.

Hinatak at pinag-overlap ni Diane ang edges ng cardigan sa kanyang harapan, na siyang ipinantabon niya sa loose na bestidang suot. Saka ito napahalukipkip at naiilang na ngumiti kay Dennis.

"O-oo nga eh." tipid nitong sagot.

Apat na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis ngunit hanggang ngayon ay itinatago pa rin iyon ni Diane sa ama ng bata. Sa nakalipas na mga buwan, tuwing dadalaw si Dennis kay JR ay itinataon ni Diane na wala siya sa bahay. O kung mataong magkita sila doon ay saglit lamang dahil agad naman siyang nagkukulong sa kanyang silid.

Wala pa rin siyang lakas ng loob na sabihin sa dating kabiyak na magkakaroon na sila ng isa pang anak lalo pa't alam niyang may nobya na si Dennis at isang pagtataksil dito ang nangyari sa kanila. Ayaw ni Diane na makapanakit o makasira pa ng relasyon.

Mahabang proseso din bago naging maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't isa kaya naman iniiwasan niyang maging rason pa ang ipinagbubuntis upang maging kumplikado ang sitwasyon at masira muli ang lahat.

Maging kay JR ay walang sinasabi si Diane dahil tiyak niyang mababanggit nito sa kanyang daddy. Sa pakiusap niya ay nanatiling tikom ang kanyang mga magulang at hinayaan na lamang siya sa kanyang pasya na itago kay Dennis ang kanyang kalagayan.

Iniingatan namang mabuti ni Diane ang kanyang pagbubuntis. Regular siyang nagpapacheck-up sa doktor at iniinom ang lahat ng mga bitamina at supplements na inirereseta sa kanya. Nag-umpisa na nga din siyang mamili ng mga gender-neutral na mga damit.

Alam niyang hindi naman habambuhay na maitatago niya iyon kay Dennis. Ipapaalam din niya dito ang totoo. Ngunit habang nag-iipon siya ng lakas ng loob at iniisip niya ang nararapat na gawin ay minabuting ilihim na muna niya ang kanyang kalagayan.

-------------------------

Manhid na lang si Dennis kung hindi pa niya mahahalata ang pag-iwas ni Diane. Nami-miss na din niya kasi itong makausap at makakwentuhan kapag dumadalaw siya kay JR. Ngunit sa di malamang kadahilanan ay tila iniiwasan siya nito.

Ayaw naman niyang magtanong sa mga magulang ni Diane dahil baka hindi rin niya kayanin kung makumpirma ang kanyang hinala. Napakasakit isipin na baka kaya iniiwasan na siya ni Diane ay dahil seryoso na ang relasyon nito duon sa doktor. Mukhang nakahanap na nga ito ng magiging pangalawang ama ng kanilang anak.

"Ma, wag na tayong maghanda ha, mapapagod ka lang. Parang masama din pakiramdam ko… gusto ko lang matulog maghapon."

Sumapit ang ika-32 na kaarawan ni Diane ngunit minabuti niyang wala na lamang selebrasyon. Wala din kasi siya sa mood na lumabas o mangumbida ng mga bisita.

Kahit walang imbitasyon ay naisipan ni Dennis na surpresahin si Diane gaya ng ginawa din nito noong nakaraang birthday niya. Kahit may posibilidad na wala ito sa bahay at baka may lakad sila ng doktor ay sumugal na lang din siya.

"Pa, magandang umaga po… Andyan ho si DJ?"

Natigilan ang ama ni Diane habang nagwawalis ito sa hardin. Kasusundo lang ng school service kay JR nang biglang bumungad sa bukas nilang gate ang manugang bitbit ang kahon ng cake at paperbag ng regalo.

Kabilin-bilinan ng anak na kung may maghahanap sa kanya ay sabihing wala ito. Ngunit naisip niyang panahon na nga siguro upang malaman ni Dennis ang totoo.

"Nariyan sa loob, sige tuloy ka."

Dumeretso na nga si Dennis sa loob ng bahay.

"Ma, good morning. Si Diane ho… gising na ba ang birthday girl?"

Nasalubong niya sa salas ang mama ni Diane na natigilan at tila nakakita ng multo sa kanyang pagdating. Di na ito nakapagsalita at napalingon na lamang sa may kusina kung saan naroon pala si Diane.

Nakasedang pantulog pa ito na nakatalikod habang may kinukuha sa ref. Saka ito napalingon nang madinig ang kanyang boses.

Nagtama ang kanilang paningin. Kapwa gulat na gulat sa kanilang nasumpungan. Saka nagmamadaling tumalilis si Diane paakyat sa silid nito.

Agad namang inilapag ni Dennis sa lamesa ang mga dala at nagmadaling sundan si Diane sa taas. Akma na sanang isasara ni Diane ang pinto nang maawat ng kamay ni Dennis ang paglapat niyon.

"Diane?? Buntis ka?!"

Hindi makapaniwala si Dennis sa namamasdan. Nagkita pa sila ni Diane noong dumalo sila sa Parents' Orientation sa school ni JR. Kinantyawan pa niya si Diane na medyo tumataba. Wala siyang kaalam-alam na nagdadalang-tao pala ito.

Hindi na nakakibo si Diane at naupo na lang sa kanyang kama. Isinara ni Dennis ang pinto saka niya ito tinabihan.

"Sino ang ama? Ako, tama ba?!"

Kahit ramdam ni Dennis sa lukso ng kanyang dugo na anak din niya ang dinadala ni Diane ay minabuti pa din niyang magtanong. Lalo pa't wala siyang ideya sa status nila Diane at Eric.

Isang tango ang itinugon ni Diane sa kanyang tanong. Tama nga. Magkaka-anak siyang muli dito.

"Diane naman! Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?! Wala ba 'kong karapatang malaman?"

"My mistake… namali ako ng kalkula. I thought I was safe no'n eh."

"Hindi 'yan mistake, ok? Anak natin 'yan eh! Baka nga sign na 'yan na--"

"No! This doesn't change anything. Gano'n pa din… we will co-parent both of them."

Hindi na naituloy ni Dennis ang sasabihin nito dahil sa pagsabat ni Diane.

"Hay Diane…" naiiling na lang na sagot ni Dennis.

"Ayokong makagulo sa inyo ng girlfriend mo. I'll be fine. Kapag nakapanganak na 'ko, edi dalawa na sila ni JR na dadalawin mo dito."

"Huh? Girlfriend? Anong girlfriend? Eh wala naman akong girlfriend?… Kung saan mo man nakuha 'yan, mali ka ng iniisip."

Marahil nga ay nag-assume lamang si Diane na nobya ni Dennis ang nakita niya noon na kasama nito. Or maaaring nag-break na sila. Ngunit hindi na rin naman iyon mahalaga.

"Diane… Wala naman nang makakapalit sa'yo sa buhay ko."

Tila naantig naman si Diane sa nadinig ngunit nanatili pa din siyang firm sa kanyang pasya.

Hinawakan ni Dennis ang magkabilang kamay ni Diane at tinitigan ang mga mata nito.

"Look Diane… Gusto ko kayong alagaan… kayong tatlo. Please, kahit 'wag na para sa akin, para na lang sa mga bata."

Nalaman man ni Diane na wala talagang kasintahan si Dennis ay hindi pa rin niyon nabago ang kanyang pasya.

Maayos na sila ngayon. Ayaw na niyang isugal pa ulit ang matiwasay nilang ugnayan sa pangambang baka maulit na naman ang lahat. Kung kailan naghihilom na ang kanilang mga sugat, baka manariwa lamang iyon ulit kung muli silang magsasama.

"Hindi rason ang mga bata para magkabalikan tayo Dennis eh… Can't you see, mas ok tayo na magkaibigan… Mas magiging mabuti tayong magulang sa kanila kapag ganitong maayos tayong dalawa."

Yumuko na lamang si Dennis at napabuntong-hininga. Pinoproseso ang bigat ng sitwasyon. Iniisip ang dapat niyang gawin.

"Fine. Kung 'yan talaga ang gusto mo Diane. Pero sana, 'wag mo lang ipagkait sa akin ang maging ama sa magiging anak ko."

Tumango naman si Diane ng pagsang-ayon at hinipo ni Dennis ang kanyang tiyan upang damhin ang galaw ng kanilang bagong supling.

"Tsk. Isinikreto mo sa'kin… eh sarap na sarap ka naman nung ginawa natin 'yan."

Umirap at napailing na lang si Diane kahit nanlalaki naman ang butas ng ilong sa pagpipigil ng tawa.

Pinili man ni Diane na hindi sila magbalikan ni Dennis dahil sa batang kanyang dinadala, tinitiyak niyang dalawa silang magiging magkatuwang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Unconventional man ang ganoong set-up, ang mahalaga ay magkasundo sila at wala nang magiging ungkatan pa ng nakaraan.

-------------------------

"I'm gonna have a baby brother!"

Tuwang-tuwa si JR nang ibalita ng kanyang mommy at daddy ang kasarian ng magiging kapatid nito. Excited na tinipon ng paslit ang mga paborito nitong laruan na sabi niya'y ishe-share niya sa baby.

Hindi pumayag si Dennis na hindi masamahan si Diane sa sumunod nitong check-up. Ilang buwan na ang lumipas na dinaanan nito ang kanyang pagbubuntis ng mag-isa, kaya naman gusto ni Dennis na makabawi.

"May magdadala na naman ng apelido ko." masayang sambit ni Dennis habang pinagmamasdan muli ang print out ng resulta ng ultrasound.

Bukod sa pagsama sa doktor ay mas napadalas ang pagdalaw nito sa bahay nila Diane. Basta alam niyang hindi ito nakaduty ay tiyak na maglalaan ito ng oras upang bisitahin ang mag-ina dala ang kung ano-anong pagkain at gamit para sa magiging baby.

"Gano'n talaga pre, mataas kasi angkat ngayon eh… Nako wala ka nang mahahanap na mas mura. Sinagad ko na nga presyo sa'yo… Ah sige sige pre, balikan mo na lang ako kung itutuloy mo order."

Naiiling na inend na ni Dennis ang tawag.

"May problema sa shop?" nag-aalalang tanong ni Diane habang nagbabalat ng orange mula sa basket ng mga prutas na dala ni Dennis.

"Taas kasi ng dollar eh, kaya apektado na mga presyo. Nagdadalawang-isip tuloy umorder yung iba dahil sa mahal."

Ilang buwan nang pahina ng pahina ang piso at kalagitnaan ng Oktubre nang pumalo na sa 59 ang kada isang dolyar. Malaki ang epekto nito sa mga negosyanteng nag-iimport ng mga produkto kagaya ni Dennis. Maging krudo at iba pang bilihin ay patuloy ang pagtaas ng presyo sa merkado dahil dito.

"Nako yang si mama naman, tuwang-tuwa. Kasi mataas ang palit ng pinapadala sa kanya ni ate."

Sa kabilang banda, nakikinabang naman sa paghina ng piso ang mga pamilya ng mga OFW dahil sa mataas na palitan. Maging mga negosyanteng nag-eexport ng produkto sa ibang bansa ay mas malaki ang kinikita.

"Hay sana mag-stabilize na ang piso. May magdadiaper na ulit oh!" pabirong wika nito habang sinasalat ang tiyan ni Diane.

-------------------------

Patapos na halos ang buwan ng Obtubre nang gawin nang optional ang pagsusuot ng mask di lamang sa labas, kundi maging sa loob ng mga establisyimento. Tanging sa mga ospital at iba pang health care facilities at mga public transport na lamang iyon nire-require na isuot.

Gayon pa man, karamihan sa mga Pinoy ay pinipili pa ding magsusot palagi ng mask. Marahil upang patuloy na mag-ingat sa virus na nananatiling nasa ating paligid, o dahil nakasanayan na din ng tao kaya tila naging bahagi na talaga iyon ng kanilang pang-araw-araw na pananamit.

Dahil sa wala nang limitasyon sa dami ng mga dadalaw ay dinagsa ng tao ang mga sementeryo pagsapit ng Undas. Nagkita-kita ang magkakamag-anak at nagmistulang family reunion muli ang puntod ng mga yumao.

Kamusta po Ma, Pa? Wag kayo mag-alala sa'min ni Kyle ha, maayos naman kami. Kinakamusta din pala kayo ni Alex.

Matapos mag-alay ng mga bulaklak ay taimtim na kinausap ni Pam ang mga magulang sa kanyang isip. Tahimik silang nagtulos ni Kyle ng kandila sa lapida ng mga ito, maging sa kanilang bunsong kapatid.

Huling dalaw nila sa sementeryo ay noon pang nakabakasyon si Alex nang nag-aya itong puntahan ang himlayan ng mga magulang ni Pam.

Kahit mga ulila nang lubos, sa tulong ng mga nagmamalasakit na kaanak, ninong, at maging ni Alex, ay sinisikap ng magkapatid na ipagpatuloy ang kanilang buhay.

Miss na miss na namin kayo… Guide niyo pa din kami lagi ha… At sana mailapit niyo sa Kanya na lagi ding maging safe doon si Alex.

Kinagabihan, gaya ng dati ay magkasamang nanonood ng isang period drama na palabas sa telebisyon ang magkapatid. Wiling-wili si Pam sa panonood dahil bukod sa historical significance ng programa ay madami din kasing eksena ang kinunan sa Calle Crisologo na pinasyalan nila noon ni Alex.

"Kyle! Ayun, nakita mo yung pinto na yun sa likod nila? Nagpicture kami dun!" bulalas ng dalaga, saka nagmamadaling hinanap sa kanyang telepono ang larawang tinutukoy.

"Oh 'di ba? Yan yun di ba?!"

Tatango-tango naman ang kapatid habang pabalik-balik ang tingin nito sa cellphone at sa TV upang ikumpara ang mga kuha.

"Oo nga 'noh! Galing naman, napuntahan niyo pala yung pinagshootingan. Daya niyo 'di niyo ko sinama! Ayan nilindol tuloy kayo ng honeymoon nila Hidilyn hehehe"

Nang-iinggit na pilyang dumila si Pam sa kapatid, nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Nagmessage pala sa kanya si Alex.

Pam, how about ikaw naman ang magbakasyon dito next year? What do you think?

-------------------------

Tila mas malamig ang pasok ng Disyembre ng taong ito. Maaga na kung dumilim at damang-dama ang lamig ng simoy ng hangin lalo na sa gabi at madaling-araw. Gayon pa man ay hindi iyon hadlang sa paghahanda ng mga tao sa nalalapit na kapaskuhan.

Puno ng tao ang mga pamilihan. Bumalik na din ang matinding trapik. Sa dalawang Paskong nakalipas ay limitado lamang ang mga selebrasyon at pagtitipon. Kaya naman sa taong ito, hindi magkamayaw ang mga tao sa paghahanda at excited ang lahat na muling ipagdiwang ang Pasko kagaya ng dati.

Balik na ang pangangarolling ng mga batang namamasko sa mga kabahayan. Ngayong taon ay ibinalik na din sa full capacity ang mga misa sa simbahan kaya naman dumog ang mga tao sa unang araw ng simbang gabi.

"Maraming salamat Greg. At Elsa… muli, patawad sa lahat ha."

Nangingilid ang luha ni Diane na taimtim na nag-alay ng panalangin habang minamasdan ang kandilang itinirik niya sa kanilang bakuran. Dalawang taon na din mula nang pumanaw si Greg sa kamay ng matandang si Kaloy.

Inaya siya ni Dennis na sumama sa Batangas para sa death anniversary ng kumpare. Gusto rin sana niyang sumama ngunit nataong may duty siya nang araw na iyon. Maging si JR ay hindi din nabitbit ng daddy nito dahil Christmas party naman nila sa eskwela.

Bagaman malaki ang naging pagkakasala nila noon ni Greg, utang ni Dennis ang buhay nito sa matalik na kaibigan. Dahil sa pagbubuwis nito ng buhay ay nariyan pa din ang daddy ni JR upang gabayan ang paglaki nito, at ayun nga at madadagdagan pa sila ng isa pang supling.

"Hello Dennis?!… Si Diane! Isinugod ng papa niya, manganganak na ata!"

Abala maghapon si Diane at ang mama nito sa paghahanda para sa Noche Buena. Maggagabi na nang nakaramdam siya ng paninigas ng kanyang tiyan na nung una ay inakala lamang niyang simpleng contractions lamang na normal naman sa isang buntis.

Ngunit habang lumilipas ang mga oras ay hindi iyon nawala at mas tumitindi pa ang pagsakit. Namumutla na din ang anak kaya nagpasya na ang papa ni Diane na isugod na ito sa ospital.

"Pero sa January pa ho siya due 'di ba?! Sige Ma, papunta na po ako!"

Agad nagmadali si Dennis na puntahan si Diane. Sige ng busina at pihit ng manibela upang makalusot sa ibang mga motorista. Halos paliparin na ang sasakyan makarating lamang ng pinakamabilis sa ospital.

Tila nanumbalik ang kaba at pagkasabik na una niyang naramdaman noong ipapanganak si JR. Ngunit di din niya maiwasang mag-alala dahil sa Enero pa dapat magsisilang si Diane. Pag nagkataon ay mukhang preterm ulit ang magiging baby nila.

Nang makarating sa ospital ay agad siyang humangos papasok ng ER. Doon niya nalamang dinala na si Diane sa Delivery Room. Talagang manganganak na ito at preterm nga din kagaya ng kanilang panganay.

Palinga-linga si Dennis sa mga pasilyo sa paghahanap sa Delivery Room. Nadaanan niya ang papa ni Diane sa waiting area na sumenyas sa kanya kung saan pupuntahan ang anak. At sa wakas ay natunton din niya ito.

"Kaya mo 'yan, Diane! Andito lang ako ha…"

"Haaa… Haaah… UUGHMM!!!"

Habang ang buong bansa ay abalang naghahanda na para sa Noche Buena pagsapit ng hating gabi, buong pwersa naman ang pag-ire ni Diane upang iluwal ang ikalawang anak. Kahit pawis na pawis sa hirap at matinding kirot ng pagle-labor, naroon si Dennis sa kanyang tabi upang hawakan ang kanyang kamay.

Parang musika sa kanilang pandinig ang iyak ng kanilang munting anghel nang sa wakas ay mailuwal na ito niya ito. Di maiwasan ng ina na maiyak sa pagod at sa nag-uumapaw na kaligayahan nang iabot na ng doktora sa kanya ang kanilang baby.

"He's beautiful, Diane! I'm so proud of you! Mahal ko kayo!" maluha-luhang sambit ni Dennis habang nakabalot ang mga braso sa kanyang mag-ina.

Isang munting anghel ang dumating sa mga Aguinaldo. Isang bagong simula na may dalang pag-asa na maaaring maging susi sa tuluyan nilang paghilom.

Sa kabila ng mga selebrasyon, handaan at regalo, si Hesus ang tunay na kahulugan ng Pasko. At ang makapiling ang ating pamilya, ang pinakamagandang… Aguinaldo.

(Itutuloy… sa 2023…)

-------------------------

Authors' Note:

Sana ay nagustuhan ninyo ang munti naming aguinaldo para sa inyo. Again, natapos na po ang story sa Chapter 44 nung Dec 2020 ha. Dito sa yearly Christmas updates natin until 2025, nakiki-Marites na lang tayo sa mga never-before-seen events.

Hanggang sa muli nating pagbabaliktanaw.

Kita-kits ulit sa Christmas 2023 ha… Happy Holidays sa lahat!

Wishing you all a Joyful Christmas and a Blessed New Year

~ Authors MissE and Paradoxxxx