Family Love : II
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
+++++++++++++++++++++++++++++++
Ang nakaraan
Ang mga taong " BOSS" ang tawag sa akin noon. Pero ngayon ay " BOSABOS" na ang turing sa akin.
Tinapon lamang ako ng mga ito sa kalsada na kala mo ay masama akong tao. Tinutukan pa ako ng baril ng isa ng magtangka akong magpaliwanag. Umalis na lamang ako na may napakabigat na pakiramdam sa akin loob.
++++++++++++++++++++++++++++++++
Isang tao lang ang naiisip ko na pwede makatulong sa akin ngayon. Ito ang matalik kong kaibigan. Ang kaibigan na naging dahilan para makilala ko ang magkapatid na si Anna at Chie.
Tinangka ko rin na lapitan ang kaibigan ko na nagbibigay sa akin noon ng mga properties na kailangan ibenta. Ang kaibigan ko na binabahigaan ko noon ng mga commission ko.
Nasa parking lot ito at pasakay na siya sa kanyang sasakyan. Pero tulad din ng mga guard sa aking condo unit ay binalewala din ako nito.
" Pare….ako ito… si james ung kaibigan mo" ang sabi ko sa akin kaibigan habang nakatayo ako ngayon sa harap nito.
" Wala akong kaibigan na madumi at mabaho…ang james na kilala ko ay gwapo at malinis….alis" Kahit na nagpapakilala ako dito ay tila ba nakalimot na ito sa lahat ng " Kumisyon" na binigay ko dito. Isang malaking " Konsumisyon" na ako sa kanya ngayon.
Sinipa ako nito at napatumba na lamang ako sa parking lot. Ganito pala ang mga tao sa paligid ko. Akala ko ay maganda at mataas ang tingin nila sa akin. Pero, dahil lamang pala iyon sa pera at katayuan ko sa buhay. Hindi dahil sa kaibigan ang turing nila sa akin.
Napaluha na lamang ako ng iniwan ako nito sa parking lot. Nakaluhod ako ngayon sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung saan ako tatakbo.
Sino pa ang aking lalapitan at handa akong tulungan. Kahit ang dating trabaho ko sa firm ay pinalayas din nila ako. Ni isa ay walang nagtangkang tulungan ako. Mukhang nakarating din sa kanila ang nangyare na insidente sa resort.
Tinignan ko ng mata sa mata ang katrabaho kong babae na noong nangailangan ng pambayad sa hospital ang anak niya ay hindi ako nagdalawang isip na pahiramin ito. Wala man lang itong ka emosyon emosyon sa katawan.
Nakita ko rin na tinalikuran lamang ako ng katrabaho kong lalaki na noong isang buwan lang ay tinulungan ko ang anak niya na makapasok sa UST. Napailing na lamang ako dahil sa mga walang utang na loob ang lahat ng tao na aking tinulungan.
Lumabas na lang ako sa opisina namin ng naka bukot ang balikat at durog na durog na talaga ako ng mga oras na iyon. Kaya naman Naging palaboy ako. Naranasan ko ang buhay ng mga taong tinulungan ko noon. Ang mga taong nililimusan ko noon, ako na ang nanglilimos ngayon.
Ang mga taong inaabutan ko ng pagkain sa kalsada ay ako na ngayon ang nakapalad at handang humingi. Ang mga latang nilalagyan ko noon ng mga barya mula sa akin bulsa ay ako na ngayon ang nanghihingi ng barya ngayon.
Ang dating malinis at malamig na kwarto ng aking condo unit ay napalitan ng madumi at napakabahong kalsada na kung mamalasin ka pa ay maliligo ka sa ulan. Kung swertehin ako ay makakatulog ako sa ilalim ng tulay para maging bubong ko sa malakas na ulan.
Pero andoon din ang takot sa akin na matulad ako sa mga napapabalita na inaanod sa ilalim ng tulay kapag nagsimula ng tumaas ang tubig at magkaroon ng napakalaking pagbaha.
Tulay, parke, kalsada at ilalim ng puno. Ito ang mga nagsilbing pahingahaan ko ng panandalian. Naranasan ko na siguro ang lahat ng hindi ko naranasan noon, ang pagkalam ng sikmura mo.
Ang matulog ng walang laman ang tiyan.Araw, linggo at buwan na walang ligo. Ang dating well groomed look ko ay naging ermitanyo na.
Pero doon ko lang talaga naintindihan na hindi lahat ng tao sa mundo ay katulad ko na handang tumulong sa mga kagaya nila. Naranasan ko na masipa, mabato, mahampas, mamura ng mga taong hinihingian ko ng tulong.
Tila ba nawalan na din ako ng dahilan para mabuhay. Kahit malaki ang aking katawan ay hinahayaan ko lang na kayan kayanin ako ng mga tao sa akin paligid. Mga batang hamog, mga badjao at ung mga bully na pulubi.
Alam ko sa sarili ko na kaya ko ipagtanggol ang aking sarili pero hinahayaan ko na lang sila. Sana nga ay may isang makaisip sa kanila na saksakin ako para matapos na lang ang buhay ko.
Dito ko rin maranasan na tumakbo palayo mula sa mga kinauukulan. Dswd, mmda, police at iba't iba pang sangay ng gobyerno na handa akong tulungan pero heto ako. Ayaw ko ng magpatulong pa sa kanila.
Gusto ko na lang talaga, mawala sa mundong ito. Tutal iniwan na din naman ako ng mga taong natulungan ko noon. Si Kc, ang anak namin, mga inakala kong mga kaibigan
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Manang. Isang mangangalakal ito. Kahit na may edad ito ay pilit niya pa rin lumalaban sa buhay ng patas. Mayroon itong bike na may sidecar na puno ng kalakal mula sa karton, bote, at mga sira sirang gamit.
" Iho, kumain ka muna oh" ang sabi ni Manang sa akin. Isang umaga na tirik na tirik ang araw. Naka sandal lamang ako sa isang puno ng acacia. Ang katawan ko ay bugbog sarado na naman.
Kakatapos lamang ng pangbubugbog sa akin ng mga batang kalye. May nag-abot sa akin kanina ng isang takeout mula sa isang fastfood. At parang mga bangaw naman sa bilis ang mga batang kalye na inagaw sa akin ang pagkain at binubogbog ako.
" wag na po manang…. Ayos lang po ako….. Grrrrrrr" ang sabi ko kay manang habang hawak hawak ko ang aking tagiliran. Dahil sa sobrang sakit ng mga bugbog ko pero bigla naman kumulo ang tiyan ko.
" Nako iho…kain ka na" ang sabi ni manang sa akin. Hindi na ako nahiya at kinuha ko na ang binibigay nitong pagkain sa akin. Kinuha ko ang paper cup na may laman lugaw.
Tinabihan ako nito at umupo din siya habang kinain niya rin ang isa pang cup na may laman lugaw.
" Iho…tawagin mo na lang akong manang…ikaw ano pangalan mo?" ang tanong ni Manang sa akin.
" james po" ang sabi ko kay Manang. Napatingin naman sa akin ang matanda tsaka ito nagsalita muli.
" nakita ko ung mga ginawa sa iyo nung mga bata…bakit di ka lumaban?" ang tanong ni Manang sa akin. Napatigil naman ako sa pagkain ko at hindi ko malaman kung bakit ako naluha at nag open up ako dito.
" gusto ko na mamatay manang" ang sabi nito sa akin at napalunok naman ito sa kanyang narinig.
" iho… bakit naman?" ang tanong nito sa akin.
" manang…di ako naging mabuting… kasintahan….ama… wala na gusto tumanggap sa katulad ko…. Mabaho…. Madumi….. makasalanan…. kaya di ko deserve mabuhay" ang sabi ko dito.
" iho…. Sumama ka akin….. Ako tanggap kita kahit ano ka pa….. Kahit man lang sa iyo ay makabawi ako sa akin anak" ang sabi ni Manang sa akin at siya naman ang nagsimula magkwento.
" Napano po ba ang anak niyo manang?" ang tanong ko dito.
" Tulad mo….. Hindi rin siya naging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-ina. Nilalayasan siya nito at huli na ng malaman ko na nagpakamatay na pala ito" ang sabi ni Manang habang pinupunasan niya ang kanyang luha.
" Kaya…. Kahit sa iyo man lang ay makabawi ako iho" ang sabi ni Manang. At hinawakan nito ang aking kamay. Sumakay ako sa likod ng bike niya. Kahit madumi at mabaho ako ay hindi inalintana ng matanda ang lahat ng iyon.
At ito na ang naging simula ng akala ko ay bagong buhay ko na. Sinama ako ni manang sa bahay niya sa baseco. Kita ko na medyo sira sira na ito. Walang pintuan na maayos. Walang bintana na maayos. Literal na bahay na tagpi tagpi ito at isang pako na lang ang kailangan mawala ay tiyak na guguho ito.
Tinulungan ko ito at ayusin ang bahay niya. Gamit ang mga kaalaman ko ay naitayo namin muli ang bahay niya na medyo sira sira na talaga. Kinuha ko ang mga tinapon na tarpaulin ng mga politiko noong eletion sa gilid.
Ginawa ko itong pintuan at ang mga bintana niya ay pinako ko muli sa mga bisagra nito gamit ang mga luma at kalawangin na pako na nasa gilid.
Sa sahig lamang ako natutulog dahil sa maliit at sira sirang sofa lamang nahihiga si manang. Binihisan ako nito gamit ang mga lumang damit ng namayapa niyang anak.
Pumasok ako bilang taga igib ng tubig nila sa looban. Limang piso para sa isang timba na kasing sukat noong lalagyan ng pintura. Tas sampo naman kung drum. Gamit ung isang lumang kariton ay kumuha ako ng mga order mula sa loob.
Maswerte na ako kung kumita ng dalawang daan piso. Dalawang daan piso na parang barya lamang sa akin noon. Pero ngayon ay tila ba ginto na ang halaga nito. Ito ang ginagamit namin ni Manang para pambili ng pang araw araw namin.
Unti unti na akong nakakabawi sa buhay pero ang kalibugan ko talaga ang magpapahamak sa akin. Dahil isang araw ay may isang magandang babae ang nagpatulong sa akin na magpasok ng inorder nitong tubig tungo sa banyo nila.
Nakatapis lang ito ng tuwalya kaya naman kitang kita ko ang alindog nito. Dahil sa matagal na akong walang sex ay tila ba nabaliw ako at hinila ko ito sa loob ng banyo. Halikan at lamasan kami at papunta na kami sa exciting part ng biglang dumating ang asawa nito.
Pinagbubogbog ako nito at ng mga taong bayan. Nahiya akong bumalik kay manang kaya naman nagpakalayo layo ako. Hanggang sa umabot ako sa pier.
Pinilit kong mamasukan sa pier bilang estibador o yung bang mga tauhan ng pier na nagkakarga at nagbaba ng mga kargamento. Pero tulad din ng dati naging pahamak na naman ang pagiging lapitin ko sa babae.
Nagkagusto sa akin ang isang babaeng manager doon. Inakit ako nito hanggang sa isang araw ay pinapasok ako nito sa kwarto niya. Nasa kainitan na kami ng halikan namin ng biglang dumating ang asawa nitong pulis. Hinabol ako nito at pinagbabaril kaya naman napilitan akong tumalon sa dagat at magtago muna.
Makalipas ang ilang oras ay nawala na sila kaya naman umahon na ako. Pero tulad ng dati ay wala na akong babalikan pang trabaho. Kaya naman muli na akong naging palaboy sa kalsada.
Naging tambayan ko ang talyer na kung saan ay una daw ako nakita ng ate Jc mo. Lumipat ako ng lugar pero parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.
Doon ako nagtambay hanggang sa nagkita kami ng ate mo sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Doon ay nailigtas ko siya sa mga masamang loob. Nakipag barilan ako sa apat na holdaper na noon ay nagtangkang kunin ung mga droga ng hayop na si gerard.
Dumi talaga ang tingin sa akin ng mga mapagmalinis na tao sa lipunan. Ako na nga ang tumulong sa ate mo, parang ako pa ang masama tulad na lang noong naging asal ng mga pulis na rumesponde.
Sa sobrang hiya ko ay umalis na lamang ako habang hindi pa ako nakikilala ng ate mo. Pero naghintay ako baka sakali na dumating kayo. Natupad naman ang hiling ko kaso mukhang di talaga boto sa akin ang tadhana
nakita kitang muli pero kasama mo si gerard ng mga oras na iyon. Sweet na sweet kayo sa isa't isa. Tila ba pinagsakluban ako ng langit ng mga oras na iyon.
Dahil sa akin nakita ay nawalan muli ako ng pag-asa sa buhay kaya naman pinagsusuntok ko ang puno ng acacia. Gusto ko na lang din sumuko ng mga oras na iyon. Mukha kasing masaya ka na sa piling niya.
Dahil doon ay nawalan ako ng malay. Nagising na lamang ako sa isang hospital at doon kami ulit nagkita at nagkausap ng ate jc mo. Tinulungan niya ako magpagaling at nakahingi rin ako ng kapatawaran kay mama flor at sa kapatid mong si daisy.
Un rin ung first time ko na makita si Olivia. Doon sinabi sa akin lahat ni Jc ang duda nila kay Gerard. Kaya yun ang naging motivation ko para magpalakas. Sa tulong ng mga suporta nila Jc at daisy, ang luto ni mama flor ay naging mabilis ang recovery ko.
Planado namin lahat yung pagkikita natin sa restaurant dahil sa gusto nila na iligtas kita kay Gerard.
+++++++++++++++++++++++++++++++++
Balik sa kasalukuyan.
" Grabe naman pala pinagdaanan ng babe ko" ang sabi ni Kc sa akin habang nakaupo kami ngayon sa tapat ng isang tindahan. May hawak na softdrink na nakalagay sa plastic.
" and dahil doon ay tiyak ako na ayaw ko na balikan ang dati kong buhay na isang babaero" ang sabi ko kay Kc ng tumayo na kami at humilig ito sa akin balikat habang magkahawak kami ng kamay.
" salamat na lang talaga at naliwanagan sila mama flor kaya napadali ang lahat sa atin" ang sabi nito sa akin habang papasok na kami sasakyan.
" Babe…… gusto ko tulungan si manang" ang sabi ko kay Kc habang nakatingin kami sa saradong pintuan ng matanda. Napangiti naman sa akin si Kc. Gets nito kung ano ang gusto ko sabihin.
" We will…. We will" ang sabi nito sa akin at pinaandar ko na ang sasakyan namin. Nakahawak ang kamay nito sa kamay ko na nakapatong ngayon sa ibabaw ng manibela.
Dumaan muna kami sa isang malaking mall. Binili namin ni kc ng pasalubong ang anak namin na si Olivia.
Binilhan ko ito ng malaking teddy bear. Nagpipilit si Kc na siya ang magbabayad pero sinabi ko na ako na. Sakto naman at may naiwan pa kaunti sa sinahod para pambayad dito.
Ngumiti naman si Kc sa akin. Kadating namin sa bahay ay nakahiga sa sofa ang anak namin. At excited naman itong tumayo at lumapit sa amin ng makita nito ang malaking teddy bear na dala ko.
" Daddy bear!!! Daddy Bear" ang sabi ni Olivia pero mas nagulat kami ng imbes na sa teddy bear ito pumunta ay sa akin ito tumakbo at yumakap. Napatingin naman si Kc sa akin at napangiti.
Siguro ay nalito ang anak ko sa amin ng teddy bear dahil magkasing katawan kami nito at halos kamukha ng tshirt ko ang suot nito.
" Teddy bear yun babe… kaso di niya mabigkas.. Kaya daddy bear tawag niya" ang bulong ni Kc sa akin habang karga karga ko ngayon ang anak namin na si Olivia.
Kakaibang ngiti naman ang naidulot nito sa akin dahil sa isang napakagandang pakiramdam ang matawag akong daddy ng anak ko kahit pagkakamali lang ito. Simula kasi ng bumalik ako sa buhay nila ay hindi pa ako tinatawag ng anak ko ng kahit ano man lang na magsasabi na daddy niya ako.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Kc's Pov
Kasalukuyan ng nakahiga ang anak kong si Olivia sa higaan namin. Habang si james naman ay tulog na tulog na ito sa sofa bed namin. Nakahiga na rin ako sa kama pero di ako makatulog.
Pilit na pumapasok sa akin alaala ung mga kwento ni James sa kanyang mga pinagdaanan sa loob ng halos apat na taon na pagkawala nito sa amin buhay.
" Mukhang andami ko talaga utang sa inyong pamilya ko" ang sabi ko sa akin sarili. Nahihiya tuloy ako dahil si ate jc pala ang gumawa ng paraan para magkita kami muli ni james.
Ang alam ko lang kasi ay sila ang naghire kay james sa restaurant bilang security. Hindi ko alam na mas malaki pa pala ang naiambag nila sa amin ni james.
" James oliver tan……. Kaya minahal kita eh…. Resilient ka" ang sabi ko kay James habang pinagmamasdan ko ang pagtaas baba ng dibdib nito kasabay ang paghilik nito.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
James's Pov.
Nagising nalang ako ng may dumagang na maliit na katawan pero may kabigatan sa aking ibabaw. Kaya agad akong napamulat ng aking mata at napahawak sa anak kong dinapaan ako ng higa.
Kitang kita ko ang mukha nito habang nakahiga siya sa akin dibdib at nasa tabi naman ang kasintahan kong si Kc na hawak hawak ang likuran ng anak namin.
" Look baby…. Ginising mo si daddy bear" ang sabi ni kc sa anak namin. Nakangiti naman si Olivia habang hinahawakan nito ang aking pisngi.
" Daddy bear!!!!" ang sabi ni Olivia at bigla nalang ako nito inakap ng mahigpit na akala mo talaga ay ako ung laruan niya. Ganun kasi si olivia sa mga teddy bear at stuff toys nito. Dadapa siya ibabaw nila at aakapin niya ito.
"Hmmn. kung ako daddy bear? Ikaw mama bear?" Tanong ko kay Kc na may tunog ng bagong gising. Napangiti naman si Kc at pinalo ako nito sa akin braso.
" Okay lang basta hindi ako magiging katawan oso" ang sabi ni Kc sa akin at napatawa naman ako sa sinabi nito.
" Katawan oso ka man o hindi… mamahalin kita" ang sabi ko kay Kc at tumayo naman ito tsaka niya ako hinalikan sa labi tas si olivia naman sa pisngi.
"Ikaw muna magbantay kay Olivia babe.. sasamahan ko si mama flor na magluto sa labas at umuwi kasi ung katulong natin sa probinsya" nakangiting sabi naman ni Kc sa akin. Napatitig naman ako kay olivia ngayon na tuwang tuwa pa rin na nakayakap sa kanyang daddy.
Pumayag naman ako sa kanyang hiling. Tutal ay literal na ginagawang teddy bear naman ako ng aming anak at bago kami nito iniwan sa silid namin ay binigyan ako nito ng mainit na halik sa labi. Premyo daw sa pagtulong ko sa pag-aalaga.
"Uhhmn slurrpp slurp uhhm aahh slurrp uhhm aah" Nag-eeskrimihan ang mga dila namin ni Kc habang papalit palit kami ng pagsipsip ng mga laway namin na nasa dilang nakaipon.
Hanggang sa tuluyan ng lumabas itong si Kc sa kwarto namin. Naiwan na lamang kami ni olivia dito. Enjoy na enjoy si Olivia sa akin dahil bukod pa sa paggawa niya sa akin bilang teddy bear ay pinaupo ko pa ito sa akin tiyan.
Tas papagalawin ko ito na tila ba nasa roller coaster ito. Kaya naman panay ang hagikgik nito. Kahit ako ay napapahagikgik na din dahil sa nakakahawang tawa nito.
Halos trenta minutos din ang nakalipas ng pumasok na muli si Kc sa amin kwarto at sinabi na kakain na daw kami. Kaya naman tumayo na ako habang karga karga ko ang anak namin at sabay kaming lumabas tatlo sa kwarto.
Naabutan namin si Mama Flor, Jc at daisy na nakaupo na sa hapagkainan. Tulad ng dati ay pumwesto na kami sa amin upuan dito. Sumalo na rin si tata dens sa amin.
Pasimula pa lamang kami sa aming pagkain ng biglang tumunog ang doorbell ng gamit namin.
" Ding Dong!! Ding Dong!!"
===================
SINO KAYA ANG KUMAKATOK?