1. Home
  2. Stories
  3. Garden, Beasts & Angels Chapter 1
Filipino Sex Stories

Garden, Beasts & Angels Chapter 1

By yes_man ·

Garden, Beasts & Angels Chapter 1

By Yes Man

Disclaimer: Ang kwentong ito ay isang kathang isip lamang. Ang mga pangalan, character, lugar, negosyo, incidente at kaganapan ay bunga lamang ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa kathang isip na pamamaraan. Ang anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, nabubuhay o namatay, o aktwal na mga kaganapan ay pawang nagkataon lamang.

Foreword: Author Animazoo gave me the idea to write a story of his character Julian working at Aileen's Garden after the events in his own series, Dentist Angela Bautista 2. Because of this suggestion, sex scenes involving my own characters & his characters came rushing into my head that I can't help but write about. So here it is Yes Man x Animazoo characters crossover.

Chapter 1: Here Comes the Beast

Kabababa lang ni Julian mula sa jeep na kanyang sinakyan patungo sa kanyang trabaho. Nakatayo siya ngayon harap ng gate ng kanyang pinapasukan na trabaho. Napatigil at saglit napatingin sa karatula na nakapaskil sa may gate bago siya pumasok sa loob. "Aileen's Garden" Ito ang kanyang buhay ngayon.

Mahigit isang buwan na din siyang namamasukan dito. Sa rekomendasyon ni Sonnette sa kanyang pinsan na si Aileen madali siyang natanggap sa trabaho. Hindi naman pinahiya ni Julian si Sonnette. Palagi siyang maagang pumasok sa trabaho at kanya talagang sinisipagan ang kilos sa mga gawain. Sinikap niya na matutunan agad ang mga gawain dito.

"Oh pre ang aga ah" bati ni Jun. Isa sa mga stay-in workers sa Aileen's Garden, kasama niya ang kaibigan niyang si Naro na natutulog sa quarters sa mga bandang harap ng Garden.

"Oo pre kailangan eh, hehe" masayang sagot ni Julian.

"Kape muna pre" Aya naman ni Naro na nakadungaw sa may bintana ng worker's quarters.

"Salamat pre, nakapag-kape na" sagot naman ni Julian.

Parang tropa lang ang turingan nila kahit nasa 48 anyos ni Julian at nasa 28 palang sina Jun at Naro.

"Oh Julian buti nandito kana. Sunod ka sa akin sa may likod. Ituturo ko sa iyo ang mga halaman na dapat ilipat sa harap para sa delivery." Sabi ni Mang Pen. Ang 55 anyos na punong katiwala at tumatayong supervisor ng mga trabahador.

"Yes boss" pabibong sagot ni Julian. "Sige mga pre" paalam naman niya kina Jun at Naro bago sumunod kay Mang Pen.

Sinimulan na ni Julian ang paglilipat ng mga halaman na dapat i-deliver ng makita nya ang pagdating ng dalawang staff ng opisina. Sina Najia at Dharlene.

Si Najia, 21 anyos na paaral ng mga magulang ni Aileen. Ngayon na nakatapos na ng pag-aaral ay nanatiling nagtatatrabaho sa Aileen's Garden. Gusto niya kasing suklian ng pagsisilbi ang kabaitan ng mga magulang ni Aileen.

Si Dharlene, 24 anyos na dating kasama sa trabaho ni Sonnette sa isang real estate company. Isa siya sa nawalan ng trabaho ng panahon ng epidemya. Kinuha naman siya ni Sonnette dahil sa nagsisimula na muling sumigla ang negosyo ng landscaping dahil sa unti-unting pagluwag ng mga restrictions sa bansa.

Masayang nagkukwentuhan pa sina Najia at Dharlen habang papasok ng opisina. Sabay palagi silang pumasok sa trabaho dahil magkasama sila sa isang bahay na kanilang inuupahan na nasa loob ng isang subdibisyon na malapit din lang sa trabaho.

Sa una naisip ni Julian na meron pa palang iba pang chikas na puedeng tirahin dito. Pero nalaman ni Julian na syota pala ng panget na si Naro ang magandang si Najia. Minsan nga ay natiyempuhan niya na nilalapa ni Naro si Najia sa isang sulok ng garden. Todo laplapan ang dalawa. Nakasandal sa pader si Najia habang lamas-lamas ni Naro ang isang dyoga nito sa labas ng bestida ng dalaga. Nakapasok na din ang kamay ni Naro sa ilalim ng bestida ni Najia, nakapasok na sa loog panty ang kamay ng ex-adik at pandalas ang pagdaliri sa puke ng syota nya. Tinigasan nga agad si Julian ng makita yoon. Pero saglit lang ay tinulak ni Najia si Naro at mabilis na humiwalay at nagbalik sa opisina.

Si Dharlene naman ay nalaman niya na dinidiskartehan ni Jun. Kung sa ibang pagkakataon lang ay bale wala ito kay Julian. Kahit may syota o asawa pa ang babae ay wala siyang pakialam. Pero bago palang siya dito at ayaw niya gumawa ng kaaway. Maayos naman ang pakikitungo ng mga tao dito sa kanya at ayaw niyang masira ang pagtitiwala nila sa kanya. At ang lalo pa niya na ayaw mangyari ay mapahiya si Sonnette na nagrekomenda sa kanya.

Ilang saglit naman ay dumating na ang 24 anyos na si Sonnette gamit ang kanyang kotse. Si Sonnette na ngayon ang tumatayong Operations Manager ng Aileen's Garden dahil sa pagiging abala ni Aileen sa iba pang negosyo ng kanyang mayaman na asawa. Katunayan ay bihira na lamang pumasyal si Aileen dito.

"Magandang umaga, Sonnette!!!" malakas na bati ni Julian dahil medyo may kalayuan siya kay Sonnette na kalalabasan lang ng kanyang sasakyan.

"Good morning, Mang Julian, see yaaahhh!!!" Masayang bati ni Sonnette kay Julian na may kasama pang pagkaway bago tumungo sa kanyang opisina.

Ang lapad ng ngiti ni Julian, puno ng galak ang kanyang puso at puno ng libido ang kanyang tarugo ng makita niya ang maganda at seksi na si Sonnette. Sinusundan pa ng tingin ni Julian ang paglalakad ni Sonnette na ang seksi tignan sa kanyang corporate attire na maroon long sleeve fitted buttoned shirt at black fitted skirt.

"Tsk, tsk, tsk, akalain mo nga naman, natira ko yan, hehehe" laman lang ng utak ni Julian.

Sa itsura ni Julian na hindi nabigyan ng kagwapuhan at magandang pangangatawan. Oo na panget ang pagmumukha ni Julian pati na rin ang kanyang pangangatawan na animo lasingero sa kanto. Malakas din naman kasi uminom ng alak itong si Julian na kanya lamang libangan. Pero ang mga babaeng nababanatan nya puro mga tipong pang modelo o artistahin ang dating.

"Haaaayyyss" napabuntong hininga nalang si Julian nang ipagpatuloy niya ang kanyang trabaho.

Matapos maikarga sa trak ang mga halaman, katulong ang iba pang trabahador, nagsisakayan na ang mga ito sa trak kasama si Jun at Naro para mapabilis ang diskarga ng mga ito.

"Oh ano pre, ikaw na bahala dito. Alis na muna kami" Sabi ni Jun.

"Ok pre ako na bahala dito." Sagot naman ni Julian.

Tumulong pa si Julian sa pagtingin sa traffic sa labas ng garden habang papalabas ang trak.

Sa paglabas ng trak na may kargang halaman ay siya naman ang pagpasok ng isang kotseng silver Mercedes-Benz. Alam ni Julian kung sino ang sakay nito kaya sinundan niya ito kung saan ito paparada.

"Good Morning Ma'am Aileen!!!" bati ni Julian ng lumabas ng sasakyan ang 28 anyos na business owner ng Aileen's Garden.

"Good morning Mang Julian!!! Kamusta na kayo? Ano, nagugustuhan nyo ba ang trabaho dito?" bati naman ni Aileen na merong napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Opo ma'am, marami pong salamat sa inyong pagtanggap sa akin. Malaking tulong po sa akin ang trabahong ito." masayang sagot naman ni Julian

"Walang anuman po. Basta pagbutihin nyo lang po ang trabaho nyo ha. Oh paano dito muna ako." masayang tugon naman ni Aileen sabay paalam.

"Sige po" sagot naman ni Julian. "Potah naman!!! Pamatay talaga wankata nitong si Aileen at ang kinis pa, nakoooo!!! Balang araw matitikman din kita" sa utak lang ng manyak ni Julian habang tinitignan ang naglalakad papalayo na si Aileen. Nakatutok ang tingin ng mokong sa pwetan ng boss nya. Yari sa stretchable material ang palda ni Aileen kaya hubog na hubog ang pwet niya dito at halatang naka t-back panties siya.

"Julain!!!" nadining na tawag sa kanya ni Mang Pen.

"Opo, nandyan na po!!!" sagot naman ni Julian sabay lakad sa kinaroroonan ni Mang Pen.

Hindi naman nagtatagal si Aileen sa garden dahil kailangan pa nyan bumisita sa iba pang negosyo nilang mag asawa. Wala pa nga isang oras ay nakita na ni Julian na umalis na si Aileen.

Malapit na mag tanghalian, habang nagdidilig ng mga halaman si Julian ay dumating naman si Ivy gamit din ang kanyang sariling sasakyan. 21 anyos na si Ivy at graduate na ng kolehiyo. Nagtrabaho saglit sa isang malaking pribadong kumpanya sa Makati. Hindi niya nagustuhan ang experience nya sa corporate world kaya siya nag resign.

Hindi naman nya akalain na magiging popular sya sa mga social media apps tulad ng Instagram at Tiktok dahil para sa kanya, ay mga ordinaryong post lamang naman ang inilalagay niya dito. Sa dami ng kanyang mga followers ay nilapitan sya ng mga malalaking kumpanya para maging kanilang product endorser.

Dahil dito ay nakabili siya ng sarili niyang sasakyan at pati na din ang sarili niyang condo na pareho kasalukuyan niyang hinuhulugan. Mainam ang pagkuha niya ng sarili niyang condo dahil doon malaya siyang nakakapag live stream at iba pang content creation.

Meron si Ivy naging boyfriends pero wala na ngayon. Sinasagot nya ang kanyang mga naging boyfriends dahil sa mga gwapo at cute ang mga ito. Pero sa huli ay nagsasawa din sya. Saka puro mga good boys ang mga huling boyfriends ni Ivy. Itinuturing siyang parang prinsesa. Maingat ang bawat kilos sa takot na ma offend siya. Wala nga ni isa dito ang nagtangka na ayain siya na makipag sex. Para kay Ivy ay ang boring ng mga lalaking ito. Hindi ito talaga ang tipo niya sa lalaki.

"Hi Ivy!!!" bati ni Julian kay Ivy sabay hagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kahit naka plain white t-shirt lang si Ivy at maikling tattered maong shorts, lakas ng dating. Labas ang makikinis na hita ng dalaga at halata sa suot niyang t-shirt ang kanyang mga pinagpalang mga suso.

"Hi po…" maigsing bati lang ni Ivy at tuloy lang ang lakad papunta sa opisina ng kanyang pinsan.

Naaalibadbaran kasi si Ivy sa malalagkit na tingin sa kanya ni Julian kaya kinaiinisan niya ito.

"Rapsa naman ng batang ire. Iyak siguro ito kapag nakantot ko ng matinde hahaha" laman ng utak ng malibog na Julian.

Dahil free time naman ang income source ni Ivy paminsan-minsan ay pumupunta siya sa Aileen's Garden para ayain ang mga girls na mag tanghalian sa kalapit na mall sa oras ng lunch break nila.

Ilang minuto lang nga ay lumabas na mga girls at sumakay ang mga ito sa kotse ni Ivy. Nakamasid lang sa malayo si Julian habang tuloy lang sa pagdidilig ng halaman.

"Ang creepy talaga nyan si Mang Julian" Inis na sabi ni Ivy ng paandarin na niya ang kanyang sasakyan.

"Malaswa ba makatingin sa iyo sis? Hahaha" pagbubuyo ni Dharlene.

"Baka crush ka nya, hahahaha" gatong naman ni Najia.

"Hoy, huwag nyo ganyanin si Mang Julian, mabait yan" Pagtatanggol naman ni Sonnette kay Julian.

"Basta kainis" sabi naman ni Ivy.

Lumisan na nga ang mga dalaga para nga lunch sa kalapit na mall. Matapos kumain ay hinatid lang ni Ivy sina Sonnette, Naji at Dharlene sa garden at hindi na sya bumaba. Agad na bumalik na din si Ivy sa kanyang condo para gumawa ng kanyang mga content para kanyang mga sponsors.

Makatanghalian na ng nakabalik sina Jun at Naro sa garden. Naging busy ang lahat sa kanilang mga gawain kaya mabilis lumipas ang oras.

Matapos ang kanyang trabaho ay naglinis na muna ng kanyang katawan si Julian sa shower area na para sa mga trabahador. Pinagawa talaga ito dahil talagang madungis ang katawan ng mga trabahador dahil lupa ang kanilang hinahawakan at talagang pawisan sila dahil madalas nasa arawan. Kaya naman palagi may baon na damit si Julian pampalit bago umuwi.

"Mga pre una na ako" paalam pa ni Julian kina na Jun at Naro.

"Sige pre ingat…" "ingat sila sa iyo pre hahaha" mga sagot ni Jun at Naro.

Papaalis na si Julian ng makita niya sina Najia at Dharlene na palabas na ng gate. Naglakad na sya patungo sa gate ng napansin ni Julian na nandoon pa ang kotse ni Sonnette. Tumingin siya sa direksyon ng opisina at nakita niya na bukas ang ilaw doon.

"Tang-ina" sambit ni Julian. Lumingon-lingon sa paligid at saka naglakad patungo sa opisina.

To be continued

Update will be once a week, either Friday or Saturday, depending on how busy the week is, because you know real life things comes first. Cheers.