1. Home
  2. Stories
  3. Family Love : XVII
Filipino Sex Stories

Family Love : XVII

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

James's Pov.

" excuse me…. Anong news mo regarding my mommy's health" ang sabi ko sa parang doktora na dumating at mukhang balak pang sirain ang masayang okasyon na ito. Hinawakan naman ni Kc ang aking kamay at tiyak ako na ramdam nito ang lamig mula sa aking mga palad.

Nakita ko naman sa mukha ni mommy lyka ang tila ba takot at pag-aalala. Ayaw ko man isipin pero parang may idea na ako sa mga sasabihin ng doktora na ito. Pilit ko na pinipigilan ang sarili ko na sigawan o di kaya komprontahin ang doktora.

" Donya lyka…. Can I talk to you in private?" ang tanong nitong babae sa akin. Parang nabastusan naman ako sa asal nito. Tinignan ko si mommy lyka para humingi ako ng permiso dito. Pero hindi ito nakatingin sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko. At sumagot na muli ako

" You can speak here…. Ano ba ang dapat namin malaman sa health ng mommy ko?" ang tanong ko dito na akala mo ay nakikipag away ako sa kanya. Kita ko sa mukha ng mga kasamahan namin ang takot dahil sa isang balita na ayaw na ayaw namin marinig ang maaring dala ng nasabing doktora.

" Donya lyka?" ang tanong nito sa aking mommy at hindi talaga ako nito inaaddress ng doktora na ito. Kaya naman napatingin na lamang ako kay mommy lyka at jasper. Jasper ngayon ay katulad ko. Kinabahan din at halos di makapagsalita habang naka akap sa baywang niya si jc.

" It's okay Jessa…. We can talk here in front of them" ang sabi ni mommy lyka at agad naman lumapit ito sa amin kinatatayuan. Pinaupo kami ni mommy lyka sa dining table. Ako on her right side and the doktor on her left.

" What is it jessa? I am dying today?" ang diretsong tanong ni mommy lyka sa doktor. Rinig ko ang collective gasps namin dito sa lamesa habang hinihintay ang sagot ng doktor. Ako naman ay hinawakan ko na lamang kamay ng aking mommy.

" Actually…it's quite the opposite" ang sabi ni Jessa. Napatingin naman ako dito at halos di ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Last update kasi na naalala ko kay jasper ay almost 6 mos na lang ang life expectancy ni mommy.

Kita ko sa mukha ni mommy ang pagkagulat din nito sa balita na kanyang narinig. Kahit siguro ako ay magugulat kung ganoon ang maririnig ko sa aking doktora. Ganun rin ang mukha ng mga tao na kasama namin ng mga oras na iyon.

" our lab made some critical lapse in judgement" ang sabi ni Doktora jessa na mas lalo namin kinagulat. Kaya naman hindi ko na napigilan pa sumingit na naman ako.

Gustong gusto ko sigawan ng ang doktora ng mga oras na iyon. How can they make a critical lapse in judgement kung buhay na ang pinag uusapan dito.

" What do you mean?" ang tanong ko dito na may halong pagtataka. Napatingin naman ito sa akin at seryoso itong sumagot.

" One of lab technicians made a mistake…test samples were mixed up and labels were compromised" ang sabi ni Doktora jessa at nagulat ako sa mga rebelasyon niya. Ayaw ko muna mag assume pero parang maganda ang kahihitnan nito.

Pero kung ganoon nga ang nangyari. Ay baka mapatay ko mismo ang technicians na iyon sa sobrang inis ko. Para kasing pinaglalaruan niya lang kami. Kung hindi maganda ang sasabihin ng doctora ngayon ay I would convince my mommy to press legal charges on the institutions and all persons involved would be held liable in court.

Di pwedeng mapalampas ito, dahil paano kung isang mahirap na tao ang mabiktima ng ganito eksena, paano sila lalaban sa mga palpak na hospital na tulad nito. I would make sure this time that our influences in the hospital community as well as in the local and national government would be put in great use

" He accidentally mixed up your lab samples with another patient we have that died a few weeks ago" ang sabi ni doktora jessa. Kita ko sa mukha ni mommy lyka ang gulat at sa mga kasama namin ay pagkalito. Ako naman ay tahimik lang na nagmamatyag.

Para akong isang galit na galit na leon ng mga oras na iyon. Galit na galit ako na marinig na ang isang institution na inaasahan mo na magbibigay sa iyo ng 100% factual at accurate datas ay nagkaroon ng sample mixed up. Di ko tuloy alam sa sarili ko kung dapat pa ba namin paniwalaan ang mga sinasabi ng doktora na ito ay tumawag na lang kami ng police para arestuhin ito on the spot.

" He is already facing criminal charges and as well a case with PRC for possible revocation of his license" ang pagpapatuloy ni Doktora jessa. Kahit papaano ay natuwa naman ako sa sinabi ni Doktora. If hindi nila pinanagot ang nagkamali ay baka ako mismo ang pumunta doon sa hospital nila at dinala ko ang lab person nila sa pnp.

" He admitted in providing us with tampered results to cover his tracks" ang sabi ni doktora jessa sabay pakita sa hawak niyang envelope.

" Here is the correct result of your original biopsy we conducted as few weeks ago" Inabot niya ito kay mommy at manginig nginig itong kinuha ni mommy lyka. Halos hindi niya mabuksan ang brown envelope.

Daig ko pa ang nanood sa laban o bawi sa kaba. Ung tipong, nasa 1 million or 1 peso na lang choice ko at inaangat na ni vic sotto kahon para sa pwesto ng 1 million. Pikit mata na lang ako at patuloy pa din sa pahawak sa kamay ni mommy lyka.

Ramdam ko na parehas ang kamay namin na nanginginig ngayon. Nginig dahil sa gusto kong maging okay na ang lahat. At sana isang malaking pagkakamali lang ang lahat.

Binuka ko ang aking mata para tignan kung nabuksan na ni mommy ang results. Hawak na nito ang papel. Ang envelope nasa lamesa na. At halos mapatalon ako sa akin upuan ng biglang tumalon si mommy sa tuwa.

" Nak……… I'm cancer free all along" ang sigaw ni mommy lyka sa akin. Halos di naman ako maka react dahil sa sobrnag saya ko. Kita ko sa paligid na sila mama flor at tata dens ay magkayakap na ng mahigpit habang si daisy at kc ay nag apir pati na rin ang anak kong si olivia.

Si jc at jasper ay napahalik nalang sa isa't isa. Habang ako naman ay nakaupo pa rin. Kita ko na inakap ni Doktora si Mommy lyka ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko sa akin pwesto na parang nabunutan sila lahat ng tinik.

Hanggang sa naramdaman ko na niyakap ako ni mama mula sa akin likuran.

" I love you nak…….. Babawi si mommy sa iyo at kay olivia… pati na rin kay kc at sa mga magiging future apo ko" ang sabi ni mommy lyka sa akin sabay halik sa magkabilang pisngi ko na parang noong bata pa ako. Dito ay parang natauhan na ako at natuwa na lamang ako dahil sa wala ng sakit si mommy.

Parang isang malaking party naman ang nangyari dahil kahit ang mga katulong at mga security namin nagtatalon sa tuwa dahil ang amo nilang minahal at pinagsilhihan ay magaling na.

Inakap ko din si Doktora jessa at nagpasalamat ako dito. Dahil sa narinig namin na balita ay ininvite na namin ito na mag almusal kasama namin. Napakasaya at napakasarap naman ng hinandang almusal ng mga katulong namin ngayon.

Itlog na maalat, tocino, tapa, longganisa at tuyo samahan mo pa ng fried rice sa isang boodle fight setup ang nangyari. Kitang kita ko sa mukha ni mommy lyka ang tuwa dahil sa makakasama niya pa ng matagal ang apo niya at ang magiging apo pa niya.

" Extend pa kayo till monday…sagot ko na sahod at expense ng resto" ang sigaw ni mommy lyka at natuwa naman kaming lahat dahil sa matagal pa kami makakapag bakasyon dito. Kita ko sa mukha nilang lahat ang saya. Lalo na ang anak kong si olivia na ngayon ay karga karga ng lola lyka niya. Kahit hindi nito talaga naiintindihan ang sitwasyon ay parang alam nito sa puso niya kung ano ang sinasabi ng lola niya.

Matapos ang lahat ng party at kainan na nangyari ay hinila ako ni mommy lyka sa tabi at inaya ako nito na maglakad lakad muna. Naglakad lakad naman kami tabing dagat habang nag-uusap kami.

" nak… ito tatanungin kita bilang isang ina na may care anak niya… sana wag ka magalit" ang sabi nito sa akin habang nasa tapat kami ngayon ng isang napalaking buhay na bato. Napatingin naman ako dito habang nagpupulot ako ng maliit na bato at binabato ko ito sa dagat.

" ano yun mommy?" ang tanong ko dito habang patuloy pa rin ako sa akin ginagawa ngayon. Si mommy naman ay tila ba nag-iisip sa tabi ko, Kala ko tuloy ay may malaking problema na naman itong sasabihin o itanong sa akin.

" mag 4 years old na si olivia…… wala ka bang balak pakasalan si kc?" ang tanong nito sa akin. At naalala ko nga pala na hihingi dapat ako ng tulong dito pero nakalimutan ko na dahil sa biglaan pagdating ni doktora.

" meron naman mommy kaso gusto ko kasama kayong lahat" ang sabi ko dito at napatingin naman ito sa akin na puno ng ngiti. Sa lahat ng bagay ay malakas ang loob ko. Pero sa usapang tulad nito ay parang wala akong lakas ng loob.

" sabihin mo lang at ako bahala diyan" ang sabi ni mommy lyka sa akin. Kaya naman napangiti na ako dahil sa tuwa. Alam ko na kaya akong tulungan nito dahil sa gusto ko na pasabog talaga ang paghingi ko sa kamay ni Cassandra.

" magpupulong tayo ni mama flor" ang sabi ko kay mommy lyka nginitian naman ako nito.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

" Babe paliguan ko lang si olivia sa room at idlip lang din kami" ang paalam ni Kc sa akin habang nakahiga ako sa sun lounges. Tinaas ko ang sunglasses ko at tumango ako dito.

Ng matiyak ko na nakapasok na ang mag ina ko sa room namin dahil sa nagthumbs up si mommy lyka mula sa terrace ay kaagad ako tumayo sa akin kinahihigaan at lumapit ako kila mama flor. Kasama nito ang dalawang anak niya sa may dining area at tila ba kumakain sila ng meryenda ng mga oras na iyon.

" Ma…. may gusto po sana ako sabihin" ang sabi ko sa likuran ni mama flor. Napatingin naman ito sa akin at napangiti. Ako naman ay napangiti rin sa kanya.

" ano yun nak?" ang tanong nito sa akin na puno ng ngiti at saya sa mukha. Napatitig ako dito bago ako nakapagsalita ng maayos.

" Hihingin ko pa sana sa inyo ang kamay ni Kc" ang sabi ko dito ng buong galang at buong pagmamahal. Gusto ko na rin na lumagay kami ni kc sa tahimik na lugar kaya naman lakas loob na akong nagpaalam sa kanila.

" Oh myyyyy kakakilig" ang sabi ni Daisy at mabilis naman siya na sinaway ni mama flor. Napatahimik naman si daisy dahil dito. Ako naman ay kinabahan. Baka di pumayag ito at baka ungkatin niya ang past namin ni Kc.

" mapapangako mo ba na mamahalin mo ang anak ko?" ang tanong ni mama flor sa akin at napatango naman ako dito.

" Di mo sasaktan?" ang tanong nito sa akin. Napa iling naman ako sa kanya.Nakita ko sa mukha nito na parang hindi siya kumbinsido sa mga sagot ko eh. Anak ng tokwa naman kasi, bakit para nalulon ko ang dila ko sa mga tanong niya.

Mga ilang minuto rin itong nakatingin akin na akala mo ay iniscan nito ang buong katawan ko at bawat sulok. Kinakabahan tuloy ako at mukha di pa matutuloy ang balak ko.

" ano ba maitutulong namin sa iyo" ang sabi nito na nagbigay sa akin kapayapaan sa puso. Halos gusto ko na magsisigaw sa tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko at nakita ko si mommy lyka na mula sa terrace na naka thumbs up. At tinapik ko si mama flor para tignan namin si mommy sa taas.

Sumagot naman kami ng dalawang thumbs up sa kanya at napasuntok pa ito sa ere. At mabilis siyang bumaba para pag planuhan namin ang napaka especial na gabi namin ni Kc. Balak ko gawin ito kinabukasan.

++++++++++++++++++++++++++++++

Naging tahimik lang ang araw namin. Kaunting swimming at kantahan dito. Tas nagkayayaan ng mahjong ang magbalae. Sumali naman si tata dens at daisy sa kanila. Kami kami lang naman ang nandito kaya okay lang ang lahat.

Hindi ko naman pinapahalata kay Kc ang mga paghahanda na ginagawa namin. Lahat ay may toka. Si Jasper at tata dens ang bahala sa man power na kailangan. Si Daisy at Jc sa mga props. At si mama flor naman bahala sa pagkain after. At siyempre si mommy lyka daw ang bahala sa budget ko.

Kaya naman kinabukasan ng umaga, sa tulong ng mga connection ni mommy lyka ay napapunta niya ang isang jewelry seller dito. Kami ni mama flor ang kasalukuyan na nagtitingin ngayon kasama si mommy lyka para engagement ring.

Inutusan ko muna si jasper na ipasyal ang mag ina ko kasama sila daisy at jc sa mga magagandang lugar dito sa calatagan. Habang si tata dens ay nasa isang special mission.

Napaka dami ng singsing na nasa harap ko ngayon. Marami rin ang sina suggest nila mommy at mama sa akin na ring pero isang ring lang talaga ang pumukaw sa attensyon ko.

Simple lang ito na singsing. Ang kanyang design ay dalawang infinity sa both side na nagtouch sa gitna. May maliit na diamonds ito sa paligid ng infinity pero ang pumukaw sa akin attention ay ang napaka crystal clear na emerald shape diamond sa center nito.

" Ito po ang gusto ko" ang sabi ko sa kanila at tinuro ko sa jeweller ito. Nakita ko sa mukha nito ang ngiti at ningning.

" Magaling pumili ang anak mo donya lyka. Isa itong VVS diamond cut…. At isa mga pinakamagandang cut ng diamonds sa collection ko" ang sabi ng jeweller. Tumango naman si mommy lyka at hinayaan ko na lamang sila na mag usap doon sa tungkol sa presyo.

Si mommy naman daw ang bahala at pambawi daw niya ito sa akin at sa kasintahan ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng mga oras na iyon. Alam ko na sanay na dapat ako sa mga ganitong sitwasyon pero parang dinadaga ako.

" Nak…. relax… kasama mo kami ni balaeng lyka dito" ang sabi ni mama flor sa akin. At ako naman ay napatingin dito. Alam ko kasi na kahit siya ay kinakabahan para sa anak niya pero ito siya at inencourage pa niya kami ngayon.

++++++++++++++++++++++++++++++

At dumating na ang pinaka aantay kong oras. Kasalukuyan ng nagprepare kami dahil sa sabi ni mommy lyka ay may surprise daw ito sa amin. Kaya hindi na rin siya nagpaluto ng dinner namin.

" Babe…ano kaya ang surprise ni mommy sa atin?" ang tanong ni Kc sa akin habang naka upo kami ngayon sa isang sun lounge. Napaka ganda nito sa suot niya dress na light pink. Habang ako naman ay naka white polo with open top plus shorts lang na white.

Ang anak namin ay naka pink dress din like her mom.

" don't know babe" ang sagot ko dito para hindi niya mahalata na pinagplaplanuhan namin siya. Ng bigla lumabas si mommy lyka na naka white dress. Super ganda at elegante niya tignan sa kanyang suot. Ngayon.

" Tonight…. I'll show you around sa aming yate" ang sabi ni mommy lyka sabay turo nito sa dagat at nandoon nga sa di kalayuan ang may kaliitan na yate na palapit sa amin lokasyon. Tuwang tuwa naman si Olivia na tinuturo ito sa amin.

Kahit sila mama flor ay napatitig sa napaka gandang sasakyan dagat na palapit sa amin ng mga oras na iyon.

" Tita… Capt Fernandez… called and he is saying na need natin mag speed boat at jet ski na lang sa location nila dahil baka mabalahaw daw siya" ang sabi ni Jasper sa amin kaya naman agad na kami naglakad tungo sa beach line.

Nandoon na ang Isang speed boat at dalawang jet ski. Inalalayan ko na paakyat sa speed boat sila mama flor, daisy, kc at mommy lyka kasama ang anak namin. Nagsabi ako na doon na lang ako sasakay sa jetski. Kaya naman pinaandar na ni mommy lyka ang speed boat.

Sumakay na kami sa mga jetski. Doon na ako sa likod ni tata dens sumakay pinuntahan namin ang location ng yate ni mommy. Di naman malayo ito at buti na lang at hindi maalon.

Kitang kita ko sa side ng yate ang pangalan na olivia. Natuwa naman ako dahil pinangalan talaga ni mommy ang yate sa apo nya. Ayun kay jasper ay halos kakabili lang daw nila sa yate.

Nakaabang na sa amin ang kapitan ng yate. Inalalayan kami nito ang mga babae paakyat dito. Kami naman ang sumunod. Napakaganda ng yate. May maliit na room ito sa 1st deck na kung saan nandoon din ang captain's room.

May mga maliit na couch dito. Todo picture naman sila mama flor at pati na rin ang kasintahan ko dahil sa first time nila na makasakay sa ganitong kamahal na barko. Napangiti na lang ako dahil kitang kita ko ang malaking smile sa mukha ni Kc.

" Tara sa taas" ang aya ni mommy lyka at sumunod naman sila mala hagdan sa taas kung saan nandoon ang mas maganda features ng yate. Kita mo sa ibabaw nito ang napakagandang view ng dagat at langit. May mga parang sofa din ito na parang sa mga restaurant. At may tables din.

Kaya naman agad kami umupo. Habang busy silang lahat ay ako naman ay nakatingin sa dagat sa baba namin at kita ko ang isang speed boat na lulan ang mga staff ni mommy. May dala silang mga basket. Pinasa nila ito sa kapitan at kay tata dens na naiwan sa baba.

Ito ang pagkain namin dahil nakita ko si tata dens na dala dala ang mga basket ng paakyat na ito kasunod ang kapitan may dalang basket din.

Kaagad nila hinain ito at mga napakasarap na sandwiches at barbeques pala ang dala ng mga staff ni mommy. Masaya pinapakain ni Kc si olivia ang ham sandwich at orange ito.

" Babe kain na….." aya ni Kc sa akin kumuha naman ako ng isang stick ng barbeque pero hindi ko talaga halos malulon ito dahil sa kaba na nadadama ko. Parang same ito noong kaba na naramdaman ko noong una kami magkita muli ni Kc.

Napakadaming negative thoughts ang tumatakbo sa isip ko. Paano kung ireject ako ni kc at sabihin niya na hindi pa siya handa. Paano kung sabihin ni kc na ayaw niya ng marriage at masaya na siya sa ganito.

" Inom ka para may lakas ka later" ang sabi ni Tata dens sa akin sabay abot sa canned beer na hawak niya. Napangiti naman ako dahil lagi talaga nandito ang matanda pa sa akin.

" thanks ta" ang sabi ko dito sabay kuha sa beer na inabot niya. Pumunta naman kami dalawa sa railings ng yate. Pinagmasdan namin ang mga isla sa di kalayuan. Mga maliit na isla na nasa gitna ng karagatan.

" relax…. Mahal ka nun…. At tiyak oo ang sagot noon" ang sabi ni Tata dens sa akin ng pabulong para hindi kami marinig ni Kc na nag-uusap. Ng bigla na lang lumapit si Kc sa akin at inakap ako nito sa aking baywang.

" I love you babe……." ang sabi ni Kc sa akin. Pasimple ko naman tinaas ang kamay ko sa likuran sabay thumbs up. Ito ang signal na amin pinag-usapan kanina.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Kc's Pov.

" I love you babe……." ang paglalambing ko sa aking kasintahan na si james habang nasa may railings kami. Nakatingin naman kami ngayon sa kalangitan at pinagmamasdan nag mga bituin sa langit.

" Boom Boom Boom" ang sunod sunod na tunog na amin na rinig at nakita ko ang mga papuputok na galing kung saan. Napakaganda ng mga paputok. Iba't ibang kulay at shape. Parang noong nasa early stages lang kami ng aming relasyon. Madalas kami manood ng fireworks display noon sa manila bay.

Kaya naman mas lalo kong inakap si james sa kanyang baywang para mas romantic ang dating namin. Nandoon ung paputok na akala mo ay maliit na bilog lang tas biglang sasabog muli sa taas at magiging parang riffle effect.

Naroon ung parang kwitis lang tas pagbaba bigla na lang ito maging parang shower effect.

" Ang ganda nila babe……. San kaya galing ang mga yan" ang sabi ko kay James ng bigla pang sunod sunod na naman putok na nareceive namin sa taas ng langit.

Iba't ibang kulay na paputok ang nag fo form ng letter sa langit. Kahit mahirap ay pilit kong binasa ang letra na nabubuo ng fireworks.

" W…… I …….. L …….. L…….. Y………… O……… U ……….. M……. A…….. R……….. R………. Y …………. M …………. E…………." ang pagbasa ko sa mga letra na naform sa kalangitan. Inulit ko ito sa akin kaisipan tsaka ko ito sinabi.

" will you marry me?" ang sabi ko kay james pero dahil busy ko sa kakabasa letra ay hindi ko namalayan na nawala na pala ito sa akin tabi. At napalingon ako sa aking likuran para hanapin ito

At napaluha naman ako sa aking nakita. Tulad ng mga normal na babae, ang aking reaksyon ngayon ay halos di mo mapinta. Nakatakip sa akin bibig ang kamay ko. Nakaluhod si James ngayon. Hawak hawak niya ang isang kamay ng anak namin na si Olivia. Alam na alam ko ito. Kaya naman lumapit ako sa kanya at sobrang kilig nararamdaman ko ngayon.

" Kristina Cassandra san isidro…….. Will you marry me?" ang tanong ni James na tila ba nagpabigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam ko ay napaka importante ko at mahal na mahal ako nito.

Pero bago pa ako makapagsalita ay bigla na lang nagsalita si Daisy. Napatingin ako sa aking kapatid at sa lahat ng tao na kasama namin. Nakapalibot sila sa likuran at sa side ni james. Si daisy ay nasa right side nito.

" Kolehiyala na barista naging crush ang customer nito" ang sabi ni Daisy tsaka nakita ko ito na nagbabasa siya sa isang libro.at natawa naman ako sa mga sinabi niya.

" Customer nainlove sa barista" ang pagpapatuloy nito.

" Nagkainlove ang dalawa at nagbunga ng isang makulit na isda" ang pagpapatuloy nito. Kahit na tawang tawa ako ay parang kami yata ni James ang dinedescribe nito ah.

" Customer naloko sa iba…… barista….. Iniwan siya……. Nakahanap ng durugista……" kwento nga namin ni James ang binabasa nito. Mula sa panahon na nalaman ko ang mga side chick ni james hanggang sa iniwan ko siya at nakahanap ako ng bagong pagmamahal kay gerard.

" Customer nagbabalik….. Barista at anak binawi…. Durugista…durog" ang sabi ni Daisy at naalala ko ang panahon na bumalik si james sa buhay namin ni Olivia. At ang unti unti nitong pagbawi sa akin puso hanggang sa panahon na binuwis niya ang sariling buhay niya para lang matapos ang kalbaryo kay gerard.

" Pamilya ni Customer nagbabalik….. Relasyon nila na nagulo na naman" ang sabi ni Daisy at bumalik sa akin isipan ang panahon na unang dumating si Jasper sa loob ng bahay namin para sabihin ang kalagayan ng aking mother in law. Up to the point na pati kami ni james ay nagkatampuhan dahil doon.

" Pamilya ni Customer at si Customer nagkabati" ang pagatapos ni Daisy. It perfectly sums up our relationship ni James. As she closes the book na binabasa niya. It symbolize the end of a chapter sa buhay namin ni james.

At ang lalaking nakaluhod sa akin harapan ngayon ay ang magbubukas ng bagong chapter sa aming storya. Ang bagong chapter na handa na akong tahakin kasama siya

" James Oliver tan…. Yes…willing ako na makasama ka pang habang buhay as your MRS tan" ang sabi ko dito at binuksan niya ang box ng singsing na hawak pala ng anak namin. Isang napakagandang diamond ring ito.

Nilabas niya ito at sinuot sa akin ring finger.Tumayo si James at hinalikan ako nito sa labi. Isang maint na halik na nagsisimbolo na ang pamilya namin na binubuo ay handa na.

" Boom !! Boom !! Boom!!" ang tatlong sunod sunod na putok na aming nangyari mula sa langit at nagsipalakpakan na silang lahat. Kinarga ni james anak namin at inakap ko naman silang dalawa. Magkaakap namin na haharapin ang lahat ng paparating pang hamon.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Two months after.

Sa harap ng altar sa punong punong manila cathedral, Kasalukuyan na nakatayo sa harap ng pare ang dalawang taong nag iibigan na sinubok ng Kung sandamakmak na problema.

Problema sa pera at sa tawag ng mundo .Problema sa kanya kanya nilang pamilya at syempre, problema sa kanilang relasyon.

Pero ito na sila ngayon. Handa na nilang iclaim ang reward nila sa dalawang sagot sa dalawang parehas na tanong. Napakaganda ni Kc ngayon araw na pinaka importante sa buhay ng isang babae. Ang araw na pinangarap nito simula ng bata pa siya.

Naka suot ito ngayon ng simple pero eleganteng gown na puti. Ang puting na nagsisilbing imahe ng isang bagong umaga na haharapin niya kasama ang lalaking pinatunayan sa kanya na a dream man does really exist.

Habang si james naman ay naka white coat and tie din. Kaya naman litaw na litaw ngayon ang napaka natural nitong kaputian. Ang kaputian na sagisag ng isang bagong lalaki na haharap sa hamon ng buhay kasama si kc.

" Ikaw james oliver … tinatanggap mo ba na maging asawa mo sa panghabang buhay si Kristina Cassandra? Ang tanong ng pari kay james. Napalingon naman si james kanyang likuran. Kitang kita nito si Tata dens at jasper na nakatingin lamang sa kanya. Parehas na naka puting coat ang dalawa. Tumango tango lamang ang mga ito.

" opo" ang sagot ni James sa pari. Nilipit naman ng pari ang tingin niya kay Kc.

" Ikaw Kristina Cassandra … tinatanggap mo ba na maging asawa mo sa panghabang buhay si james oliver?" Ang tanong ng pari kay kc. Tulad ni james nilingon rin nito ang likuran at nakita niya ang mga babaeng naging parte ng journey nilang magkasintahan.

Si jc na tumulong na mahanap si james, si Daisy na tumulong makumbinse siya na masama ang dating kasintahan niyang si Gerard , si mama flor na isa sa mga tumulong para malinawan siya sa tunay na pagbabago ni James at si mommy lyka na naging daan para marealize niya na ang lalaking nasa tabi niya ngayon. Ang kanyang dream man na matagal na niyang hinihintay.

At siyempre naman ang pinaka magandang bata sa paningin niya ngayon. Si olivia, ang naging bunga ng matamis na pagmamahalan nila. Ang isang buhay na halimbawa ng mga magagandang pinagdaanan nila tungo sa kinaroroonan nila ngayon.

Lahat ng mga ito ay naging parte ng buhay magkasintahan, magkaaway at magkasintahan muli. Ang mga ito ang nagsilbi gabay niya sa madilim na daan tungo sa liwanag.

" opo padre" ang sagot ni Kc sa pari kaya naman masayang sinabi ng pare ang matagal ng hinihintay ng lahat. Napangiti naman ang pari sa sagot ni Kc.

" Kung gayon, idinideklara ko na kayong dalawa bilang mag- asawa. Maari mo ng halikan ang iyong asawa" ang sabi ng pari at tinaas ni james ang belo sa mukha ni Kc sabay isang mainit na halik ang binigay nito kay Kc.

Habang nagsisimula na ang mag asawa sa bagong journey nila ay hindi alam ni Kc na isang bagong buhay na pala ang nasa sinapupunan niya at nagsisimula na din ito sa kanyang journey palabas ng mundong ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sabi nga sa isang quote.

"His love roared louder than her demons." pinatunayan ni Kc at James na kapag mahal niyo ang isa't isa, walang mahirap na problema na hindi kayang solusyonan. Sosolusyonan niyo ito ng magkasama. At tulad din ng isang quotes

"True love never fades, real love is for all ages." ang tunay na pagmamahalan nila sa isa't isa ay hindi mamawala, hindi matitinag ng kahit anong problema na kanilang pagdadaanan.

Gaano man kadami beses madapa, dapat ganun rin beses kadami tumatayo at harapin muli ang buhay.

++++++++++++++++++++++++++++++

ABANGAN ANG SIDE STORY NG LOVE STORY NI JC AT JASPER

SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMUPORTA