Great Sex And Vengeance
"Narinig mo ba daw ba yung balita? Hiwalay na daw si Mr. Buenaventura?"
"Oo naman, sis..sinong hindi makakaalam sa storya nun eh..sikat naman din yan si"
"Oy, wag mo na ituloy, baka mawalan tayo ng trabaho sa pagkachismosa mo"
"Gaga, hindi naman yan chismis, sis pero sige maya na lang tayo mag usap. Workmode muna"
Marahil ay masyado lang akong abala sa pagtype para sa mga deadlines mamaya pero kanina pa ako nakikinig sa mga bulongan sa mga katabi kong cubicles. Masyadong mainit ang balita para di ipagkalat. Matatabil man o tahimik, lahat sila ay nagsalo salo sa balitang kaninang alas syete ng umaga sumabog.
Alas dos na ngayon. Ilang oras na lang ay makakauwi na rin ako. Masyado akong napagod kagabi buti na lang nakauwi pa ako ng buhay. Ang sakit nang likod ko. Kailangan ko na ring tanggalin ang tattoo sa likod.
"Miss Cabrera, " ani nang secretary ni Mrs. Buenaventura"
Medyo nanginig ang kalamnan ko pero hinarap ko ito.
"Tapos ka na po ba sa files, miss. Mag aalas singko na po kasi"
"Ay, My apologies. I'm about to send it in via email pero pwede ko naman ding iprint" I smiled genuinely. I'm fucking sure that she's also one of the victims of that fucker.
"I see. Kindly send it to email, miss, ako na lang bahala magprint pasensya na po sa abala." She smiled shyly and walk past by me to go ahead with her direction.
Ilang minuto na lang ay makakauwi na rin ako. Habang abala ko sa paglilinis sa desk ko ay nakarinig ako ng sigaw mula sa office ng asawa niya. Nagtinginan ang lahat ng mga empleyado sa direkyson ng office. Maririnig mo ang mga sigaw, iyak, hagulgol at mga tunog ng pagkabasag sa mga gamit.
Gulantang ang lahat. Masyadong mabait ang asawa para mag amok ng ganyan.
"Tangina ka Paolo! TANGINAAA KA!" sigaw ng asawa nito. "Gago ka, binigay ko lahat lahat sa iyo. Gaganituhin mo lang ako".
Tumaas ang kilay ko. "Nakauwi na pala ang gago, nakapasok na rin sa opisina" sa isip ko at pumila para sa biometrics. Masyadong pagod ang aking mga paa at bibig para makipag chismis.
"Grabe naman, siguro hihiwalayan na talaga ni madam si sir ano"
"I didn't know, our boss can act like that here"
Iilan lamang sa mga komentong aking narinig habang binabaktas ko ang hallway. Eto yata ang first time kong makaramdam ng nerbyos sa ginawa ko, pero nawala naman ito sa alaala ko sa kapatid kong isa sa kanyang minolestya.
I smirked and went out of the office hanggang sa nakalabas ako ng building. Masyadong masikip ang trousers sa akin. Buti na lang ay sleeveless ang aming uniform at trousers. Hindi ko kailangang lagyan ng concealer ang mga pasa ko sa braso. Punyetang gago, ang lakas ng trip. Buti na lang talaga, tapos na ako sa kanya.
Makalipas ang halos isang oras sa paghihintay at pagbyahe ay nakauwi rin naman ako ng buhay. Wala na naman si mama, nasa sugalan na naman or baka kila lola. Wala din pala si itay, baka nasa trabaho pa. Wala pa rin ang aking kapatid, buti na lang ay tinext ako na malalate dahil sa school project.
Kumain lang ako ng kanin at natitirang adobo na nireheat ko na lang at kinain. Nagshower at kinuha ang isang cellphone sa aking kabinet.
Napahagikhig ako nang todo sa mga nakikita ko. Hundreds of messages. Dozens of missed calls. Notifications from my patreon. Ah, yes and a death threat. I need to change number, instantly.
Paano nga ba ako nagsimula at bakit ko ba ito ginagawa?
Four years ago…
Nagising ako sa dahil sa isang malakas na sigaw na nanggaling sa labas. Wala sila itay at nanay noon. I can still remember how my poor sister came home crying while holding her bagpack. Pinagtitinginan na sya ng mga kapitbahay.
Dali dali akong lumabas, at inakap ito.
"Ate, ate" sabay hagulhol nito. Pinaupo ko sya sa loob ng bahay at tinanong kung anong nangyari. Gusot gusot ang uniporme ng kapatid ko. Hindi, hindi, hindi maaari.
Pinilit kong balewalain ang iniisip ko at hinintay ang sagot ng bunso namin.
"Ate, si si Jake po, si Jake po"
"Bakit? Anong ginawa niya sa iyo?" napaluha na rin ako habang hawak ang kamay ng kapatid ko.
"Nirape niya po ako, ang sabi ko po, di pa po ako handa pero pinilit niya po" ani niya at sabay yakap sa akin habang umiiyak. Hindi ko na maintindihan ang sunod na sinabi niya dahil napuno na ako ng galit at pagkamuhi. Naabutan kami ng itay at inay na magkayakap habang umiiyak.
Sinabi ko sa kanila ang lahat pero nanlumo ako matapos ang ilang araw ng paghihintay sa desisyon nilang dalawa tungkol sa pesteng ex-boyfriend ni Analyn. Nag file din ako ng LOA sa university para bantayan ang kapatid ko at samahan siya araw-araw.
"Anak, alam mo na, gusto kong patayin ang Jake na iyon, pero anong magagawa natin laban sa pamilya nila"
"Ano, nay? Hahayaan na lang ba natin na quits ang nangyari kay Analyn. Tanginang buhay naman to oh" reklamo ko sa hapag kainan.
"Yang bunganga mo Charlotte ha? Di kita pinalaki ng ganyan"
Umismid lang ako sa nanay ko.
"Yun na nga, anak, pinuntahan kami ng pamilya ni Jake kanina"
"Ah, magkano ang bigayan?" tanong ko na wala sa sarili.
Letse nga naman. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa mga magulang ko.
Nagtinginan ang dalawa.
"Anak, alam ko naman. Naiintidihan kita pero kasi maliban sa pera may alok din silang bahay at lupa sa Mindanao. Ang tagal na natin di nakabalik doon" sagot ni tatay.
Hindi na ako umimik at nilayasan ang dalawa. Kinalimutan ko na rin ang mga alaala pagkatapos ng pag uusap na iyon. Nag iba na rin ang pakilkitungo ko sa kanila. Pera, lupa at bahay lang pala ang halaga ng kapatid ko. Halos mabaliw si Analyn sa nangyari sa kanila. Huminto sa pag aaral at buti na lang, bumalik malipas ang isang taong pamamalagi sa buhay at pagkulong sa kwarto.
It took Ana, my sister, ten years to recover from that nightmare. I'm glad she's working as an office worker in our municipality in Mindanao. Nabuntis din pala siya ng hayop na Jake pero sa kasamaang palad ay nakunan siya.
Ako? Nagtake ako ng board exam sa engineering at pumasa naman. Nag abroad na rin ako sa Dubai ng dalawang taon at bumalik. Akala ng mga tao, tapos na. Kinalimutan ko na ang nangyari, ang pait ng nakaraan.
Sabi nga nila, "Mali ang maghiganti" pero walang sinabi na hindi masarap sa pakiramdam.