1. Home
  2. Stories
  3. Babawiin Ko Ang Lahat (Chapter 8)
Filipino Sex Stories

Babawiin Ko Ang Lahat (Chapter 8)

By hotsluttygay ·

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.

Sophia's point of view

Hindi ko inaasahan na magiging madali at mabilis ang meeting namin nina Adonis kanina. At mas lalong hindi ko inasahan na ganon ang kakalabasan ng presentation and ideas ni Magdalena.

I felt bad for her dahil hindi siya sinuportahan ng asawa niya. I expected na kahit papaano ay ilalaban ni Adonis ang ideya ni Magdalena to invest into construction, but surprisingly, it turned out na mas nagustuhan ng lahat ang proposal ko to venture into food.

Though feeling bad for her, hindi maitago ang saya sa aking puso dahil hindi maipinta ang itsura nito kanina. Kahit kasi anong tago ang gawin niya sa kanyang nararamdaman ay kitang kita at ramdam na ramdam ko ang bulkang nagaalburoto sa kanyang kalooblooban.

Napangisi ako at napailing.

Hindi pa rin kasi talaga nagbabago si Magdalena. She's still who she was. She will do her best to prove that she's better than me, but will always end up ruining herself.

At dahil sa kapahiyaang naramdaman niya kanina, kailangan kong maging handa dahil siguradong may plano na siyang nilalatag para makaganti sa akin.

Bring it on, Magdalena!

Bring it on!

"Maam Sophia, may gusto po ba kayong puntahan bago tayo bumalik sa resthouse ni Boss King?"tanong ni Ace, ang leader ng mga tauhan ni King.

"Wala naman. Pwede na tayong umuwi"tumango ito at pinagpatuloy ang pagmamaneho."Nag-update na ba sa inyo si King?"

"Hindi pa po siya nagmemessage sa akin, Maam. Baka nagpapahinga pa po iyon mula sa byahe kaya hindi pa po niya kayo nasasabihan ng kanyang lagay"napahinga ako ng malalim."Wag po kayong mag-alala, Maam, dahil siguradong imemessage kayo nun agad kapag okay na siya. Kayo pa ba? Eh bet na bet kayo nun"

Natawa ako sa sinabi nito.

Bigla kong naalala ang nangyari sa amin sa airport- kung paano namin pinipigilan ang aming mga labi na maglapat sa isa't isa. At ang huling mensahe nito sa akin na talagang malinaw na malinaw pa sa aking puso't isipan.

Eto na ang huling beses na magkakahiwalay tayo ng matagal, dahil pagbalik ko, I will already call you mine. Hindi ko na aantayin na maging handa ka dahil aangkinin na kita.

Bigla ko tuloy muling namiss si King.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tila nilamon ako ng kyuryosidad. Sa tinatagal tagal kasi nang pagsasama namin ni King ay kokonti pa lamang ang alam ko tungkol sa kanya. Palagi kasing kumpanya nito ang aming napaguusapan, at ang aking mga plano.

"Ace, matanong ko nga pala, nakailang girlfriend na si King?"tanong ko.

Namutawi ang isang awkward na katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa biglang itong humagalpak ng tawa.

Nag-init ang aking mukha dahil sa pagkapahiya kaya naman agad ko itong tinapunan ng masamang tingin.

Bigla namang tumigil si Ace kakatawa at tumikhim.

"Ehem ehem, sa totoo po niyan ay hindi ko rin po alam kung naka-ilang girlfriend na si Boss King. Kasi minsan pass time niya lang talaga ang mga babae dahil napaka seryoso niya sa negosyo. Pero may mangilan ngilan po siyang mga babaeng niligawan noon at sineryoso" anito.

Tila nainis ako sa kanyang huling sinabi.

"Pero hindi rin naman nagtagal iyon kasi mabilis magsawa itong si Boss King eh. Ewan ko ba diyan, akala niya yata bumabata siya at ayaw pang magseryoso sa babae.hehe. Kaya siguro King ang pangalan niya dahil siya ang hari sa pagiging babaero"dagdag nito.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Pero merong isang babae na alam ko at sigurado akong sineryoso niya. At hindi lang ako ang nakaramdam nun dahil siguradong lahat kaming mga tauhan niya ay pansin iyon"napatingin ako kay Ace at inaantay ang kanyang susunod na sasabihin."Gusto niyo po ba malaman kung sino, Maam?"muli akong tumango.

"Ikaw po, Maam Sophia"

Mas nag-init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Sa tinagal tagal ng pagtatrabaho ko kay Boss King ay nakita ko kung paano siya tumingin sayo. Hindi ko nakita ang ganung klase ng tingin sa mga babaeng nakasama niya noon. Sobrang iba. Tsaka iba rin niya kayo tratuhin, grabe niya kayo ingatan, proteksyonan, at respetuhin. Kahit itanong niyo pa sa ibang mga tauhan natin ay halatang halata nila na espesyal po talaga kayo kay Boss King. At alam din po namin na espesyal din po siya sa inyo." anito.

Napalingon ako sa labas ng bintana at tila nahiya.

"Pero wag po kayo mag-alala, Maam Sophia. Atin atin lang po itong pinag-usapan natin. Hinding hindi ko po sasabihin kay Boss King"ngumiti ako at nagpasalamat.

Tila sumibol ang saya sa aking puso. Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na saya dahil sa mga sinabi ni Ace.

Nagpatuloy kami sa byahe pauwi at nang makarating sa resthouse ay dumeretso ako agad sa aking kwarto. Binuksan ko ang aking laptop upang magpatuloy sa pagtatrabaho.

Unang kong chineck ang aking email kung meron ba akong emails na dapat sagutin. Nang makitang wala ay nagsend ako ng mensahe kay King upang kamustahin ito at sabihan sa napagusapan sa meeting namin nina Adonis kanina. Nagsend rin ako ng email sa mga shareholders ng Villarin Enterprises Holdings, Inc. para magbigay ng update.

Pagkatapos ay sinimulan ko ng magresearch sa pwedeng maging food business ng aming kumpanya. Kailangan kong mag-come up sa isang unique na ideya na hindi pa nagagawa ng ibang food businesses sa bansa.

Alam kong sobrang dami ng naglalabasan ng mga restaurants, food stall, at mga online food selling dito sa bansa, pero tiyak kong makakahanap ako ng bagong ideya na pwede kong ipropose kayna Adonis kapag muli kaming nagmeeting.

Nasa kalagitnaan ako ng research ng marinig kong may tumatawag sa aking cellphone. Agad ko itong tiningnan dahil baka si King ang tumatawag, ngunit unregistered number ang nasa screen.

Nagdadalawang isip man sagutin ngunit pinintod ko pa rin ang accept call sabay lagay ng cellphone sa aking tenga.

"Hello, Sophia. Kamusta?"bungad ni Magdalena.

Hindi ko inaasahan ang kanyang pagtawag.

"Hindi ko na nagawang magpaalam sayo kanina dahil bigla kang umalis. But I am calling you to say that you did a great job earlier. Napahanga mo ang lahat dahil sa suggestions mo"anito.

"Anything for the company. Besides, that's only a little portion of what I can offer"pagmamayabang ko.

Tila natahimik si Magdalena.

"Anyways, aside from congratulating you, gusto ko lang rin ipaalam sayo na we are allocating an office here in the company just for you. Based kasi sa kinalabasan ng meeting kanina, the board members and I would like to regularly communicate with you lalong lalo na sa kaunanahang business na gagawin ng ating mga kumpanya. We wanted to have an efficient and fast transaction every time. So I hope you can consider our proposal?"

"A-a-are you sure about that?"tanong ko.

"Of course. Besides, katulad ng sinabi ko kanina sa meeting ay hindi allowed ang mga personal na bagay sa business na gagawin natin. I have also talked to Adonis regarding this and of course medyo nag-alala lang siya sa akin, but I explained to him that everything is all about business. Nothing more, nothing less. Siguro naman we are matured enough para hindi idamay ang ating nakaraan sa partnership ng ating mga kumpanya… diba, Sophia?"

Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

"Of course! I will talk to King regarding this and I will give you an update ASAP. I don't want to come up with a decision without consulting him"

"Perfect! We are all hoping that you say yes! For sure mas madami pa tayong magagawa at maachieve if dito ka na sa kumpanya nagoopisina. Oh siya, I don't want to take too much of your time… so please keep us posted"

"Alright"ani ko at ibinaba ang tawag.

Huminga ako ng malalim.

As expected. Everything is going as planned.

Muli kong minessage si King upang sabihin ang mga napagusapan namin ni Magdalena. At pagkatapos ay ibinalik kong muli ang aking atensyon sa pagreresearch.

Mabilis na lumipas ang oras… at hindi ko namamalayang alas sais na pala ng gabi.

Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina upang magluto ng hapunan. Nang matapos ay tinawag ko agad ang mga tauhan ni King upang sabay sabay kaming kumain. Katulad ng nakagawian ay pagkatapos kumain ay sila na ang magaayos at maghuhugas ng pinagkainan naming lahat.

Bumalik ako sa aking kwarto upang maligo at magayos, ngunit hindi para matulog kundi para puntahan ang isang napakahalagang tao sa buhay ko.

Nang matapos akong mag-ayos ay para akong batang maingat at patagong pumuslit patungo sa aking sasakyan. Gusto ko kasing mapag-isa muna sa aking pupuntahan. Tiyak ko kasing sasamahan ako ni Ace kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pag-alis ko ngayong gabi. Kabilinbilinan daw kasi ni King na huwag na huwag akong hahayaang mag-isa saan man ako magpunta.

Nagtagumpay naman akong makapasok sa aking sasakyan at makaalis ng resthouse mag-isa.

Pero yung ang akala ko.

Hindi pa man kasi ako nakakalayo ay nakita ko nang may sasakyan na sumusunod sa akin, sasakyan iyon ni Ace. Natawa na lang talaga ako. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit ito ang napili ni King na maging leader ng kanyang mga tauhan at siya ring tinoka na magbantay sa akin.

Wala talaga akong takas sa kanya.

Matapos ang mahabahabang pagdadrive ay nakarating na ako sa aking destinasyon…sa puntod ni Lola Tessa.Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Ace upang sabihan na hayaan akong mag-isa at wag muna akong lalapitan. Sumang-ayon naman ito at ipinangakong hindi ako iistorbohin.

Nakatayo ako ngayon sa puntod ng aking lola. Huminga akong ng malalim at pumikit upang damhin at alalahanin ang kanyang presensya.

"Lola Tessa"bulong ko.

"Lola Tessa… pasensya na po kung medyo natagalan ako bago ko kayo bisitahin uli. Naghanda kasi ako ng maigi para sa pagbabalik ko. Tsaka kailangan ko rin pong maging maingat para isipin ng lahat na tuluyan na akong nawala"panimula ko."At nagtagumpay naman ako, Lola Tessa. Tingnan niyo po ako ngayon oh, ibang iba na po ang itsura ng apo niyo. Ang ganda ganda na po uli… manang mana po sa inyo.hehe. At kung makikita niyo rin ang itsura ni Magdalena noong nagbalik ako, halos humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa pagkabigla"

"Lola, eto na ang simula. Unti unti ko nang pagbabayarin si Magdalena sa lahat ng ginawa niya sa atin, lalong lalo na sa pagpatay niya sa inyo. Kaya humihingi po ako ng paumanhin kung kailangan kong dumihan ang aking mga kamay para makaganti. Hindi kasi sapat ang parusang ibibigay ng batas para pagbayaran niya ang mga ginawa niya sa atin. Sa atin sila nagkasala ng malaki, kaya ako ang madedesisyon kung anong parusa ang ipapataw ko sa kanila. At kung hindi sila naawa sa atin noon, wala ring kaawaan ang parusang ipaparanas ko sa kanilang lahat"mariin kong sambit."At hindi lamang si Magdalena ang makakatikim ng ganti ko, dahil pati sina Adonis at ang pamilya niya ay hindi abswelto sa mga plano ko."

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang pero tila nakaramdam ako ng kakaibang init na yumapos sa akin.

Pakiramdam ko ay naririnig ako ni Lola Tessa at sinusubukan niyang pagaanin ang aking loob. Ganitong ganito kasi ang ginagawa niya sa akin noong nabubuhay pa siya. Kapag alam niyang hindi maayos ang aking pakiramdam o may bumabagabag sa akin, walang pagaatubili niya akong yayakapin at sasabihang magiging maayos rin ang lahat.

Dito tumulo ang luha ko."Lola Tessa…"ani ko.

Napalingon ako sa aking likuran ng may marinig akong papalapit na yapak. Napakunot ang noo ko ng makita kung sino ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?"tanong nito.

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at kita ang deteminasyon rito na tipong hindi siya tatanggap ng anumang pagtanggi sa kanyang imbitasyon.

Seryoso akong tumingin sa kanyang mga mata bago tumango.

===

Magdalena's point of view

Pagkatapos ng trabaho namin ni Adonis ay niyaya ako nitong lumabas. Pakiramdam ko ay gusto nitong bumawi sa akin dahil sa kinalabasan ng meeting namin kanina with Sophia. Pero tumanggi ako at sinabing mas gusto kong magpahinga na lamang sa bahay dahil pakiramdam ko ay masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito.

"So kamusta ang meeting ninyo kanina? Hindi ba nanggulo si Sophia?"medyo inis na tanong ni Tita Olivia.

Nandito kami ngayon sa dining area at kasalukuyang naghahapunan.

"Everything went well naman po. Actually the board decided to allocate an office for her sa company natin"sagot ko.

"What? Are they insane? I want to talk to the board members!"inis na sambit ni Tita Olivia.

"Mom calm down"saway ni Adonis.

"How can I calm down? Sophia is a dirty woman. Ayokong marumihan ang loob ng kumpanya ko ng dahil sa kanya. I already agreed to do business with her, hindi naman na ako makakapayag na bigyan pa ng opisina ang babaeng iyon sa kumpanya natin!"mataas na boses nito.

"Mom it's fine. Hindi lang naman ang mga board members ang nagdecide about it… pati ako and Adonis. Because if you'll think about it, we can already keep an eye on her kapag sa opisina na siya nagtatrabaho. Ayaw niyo nun? Bawat kilos niya ay malalaman natin. Besides, she's already weak by now because King is already out of the country. No one's gonna back her up. Mas magagawa natin ang gusto natin sa kanya. We can easily get rid of her"

Huminga ng malalim si Tita Olivia bago tumango tanda ng pagsang-ayon.

"Okay. But please make sure na hindi magkakalat ang babaeng yun sa loob ng opisina. Baka kung sino sino ang kalantariin niyan dun. Baka ultimo janitor ng kumpanya ay landiin niya kapag hindi niya napigilan ang kati. I don't want our company to be associated with that disgusting and disgraceful woman"napangisi ako sa sagot ni Tita Olvia.

"Mom! We're in the dining table"muling saway ni Adonis.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan ang emosyon ko kapag pinag-uusapan si Sophia. Anyways, let's just enjoy our dinner"ani Tita Olivia.

Nagpatuloy kaming lahat sa pagkain.

"So I haven't heard any updates regarding the meeting earlier? What did you come up with?"ani Tito Romano.

Nagkatinginan kami ni Adonis at tila inaantay kung sino ang sasagot sa tanong. Tumango naman ako bilang hudyat na siya na ang magsabi ng mga napag-usapan kanina sa meeting.

Tumikhim si Adonis bago nagsalita.

"We actually came up with an idea to venture into food business"panimula ni Adonis.

"Hmmmmm. Food? Isn't it too common already? Tell me more about it"ani Tito Romano.

"At first we were thinking of putting up a construction firm since San Alcantara is planning to build a lot of condo and hotels by next year. But that plan is too risky for now since there a lot of competitions out there, so everyone agreed do a food business instead. It is a good move for us since we are just starting our partnership with Villarin Enterprises Holdings, hindi ganun kalaki ang ilalabas natin na pera pero kapag nag boom ay malaki ang balik"

"Smart"positibong sagot ni Tito Romano."Who's idea is that?"tanong nito.

Napatingin kami ni Adonis sa isa't isa.

Nangungusap ang aming mga mata kung sasagutin ba namin ang tanong ng kanyan ama.

Ngumiti ako at nagboluntaryo ng sumagot.

"It was actually MY idea"kita ang pagkagulat sa mukha ni Adonis dahil sa aking sinabi."Sophia insisted to venture into construction dahil malaki raw ang kita but I disagree with her. Everyone disagreed with her. That's why I suggested na bakit hindi tayo pumasok sa food industry? There might be a lot more competition out there pero I'm sure we can find a way to be on top of the game. And that would be the agenda of our next meeting, provide a workplan and a value proposition for this proposal"

Kita ang pagkamangha sa itsura ng mga magulang ni Adonis.

"Sounds great! I'm already excited to hear what are you going to come up with sa next meeting ninyo"ani Tito Romano.

"Sabi na nga ba magkakalat itong si Sophia eh. Buti na lang nandyan si Magdalena to shut her up. Masyado siyang nagmamarunong akala mo kung sino ng matagal sa business. Good job on that, Magdalena! Put her in her place!"natatawang sambit ni Tita Olivia.

Ngumiti lang ako at tumango.

Tumingin ako kay Adonis na tahimik na kumakain.

===

Pagkatapos maghapunan ay ako na ang nagpresintang mag-asikaso kay Addy. Sinabihan ko si Veronica na magpahinga na dahil gusto kong ako ang magpapaligo at magpapatulog sa aking anak.

Agad naman itong pumayag at sinabing tawagin ko lang siya kapag may kailangan ako.

Naging masaya ang pagpapaligo ko kay Addy dahil napuno ng tawanan ang bath tub. Nagkwento ang anak ko kung ano ang ginawa niya maghapon at sinabing tinuruan siya ni Veronica na kumanta.

Nag-sample pa ito at ang kinanta niya ayYou Got A Friend In Me.

Pagkatapos maligo ay tinabihan ko ang anak ko sa kanyang kama at binasahan ng bed time story. Hindi ko pa man natatapos ang aking binabasa ay agad na itong nakatulog.

Nang masiguradong mahimbing na ang tulog nito ay marahan akong tumayo at lumabas ng kanyang silid upang magtungo na sa kwarto naming mag-asawa.

Siguradong inaantay na ako ni Adonis.

Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakitang tao. Pumunta ako sa CR upang tingnan kung naliligo ito ngunit wala rin siya roon.

Kinuha ko ang phone ko upang tawagan ito ngunit nakita kong may text message mula sa kanya.

Will be gone for an hour or more. I just need to talk to someone. Sorry if I wasn't able to inform you earlier, ayaw ko na kasing istorbohin kayo ni Addy.

Kumabog bigla ang aking puso. Tila binaha ang aking isipan ng maraming katanungan – saan siya nagpunta? Sino ang kakausapin niya? Ano ang pag-uusapan nila? Si Sophia ba ang kikitain niya? Dahil ba ito sa pagsisinungaling ko kanina na ako ang may ideya na magventure sa food business? Saan nagpunta ang asawa ko?

Napadiin ang aking hawak sa cellphone at binagabag ng kung ano anong mga bagay. Ilang sandali pa ay tila may mga mumunting bulong akong naririnig. Napalingon ako sa ibat ibat direksyon upang hanapin kung saan nanggagaling ang mga bulong ngunit walang ibang tao sa loob ng kwarto kundi ako lamang.

Nagsimulang lumakas ang mga bulong hanggang sa tila sumisigaw na sila. Wala akong maintindihan sa kanilang mga sinasabi dahil sabay sabay silang nagsasalita.

Napahawak ako sa aking ulo at tinakpan ang aking tainga.

"Uuuuhhmmmmmmmmm!"impit kong ungol dahil sumasakit na ang aking ulo sa lakas ng boses na aking naririnig.

Hanggang sa tumigil ito dahil biglang tumunog ang aking cellphone.

Tumatawag si Simon.

Agad ko itong sinagot dahil baka may importante itong ibabalita."Bakit ka napatawag?"hingal kong tanong.

"Oh bakit hinihingal ka? Anong nangyare?"sagot nito.

"Wala ka ng pake roon. Bakit ka nga napatawag?"

"Hulaan mo kung nasaan ang asawa mo?"mapang-asar na tanong nito.

Nagulat naman ako sa kanyang tanong.

"Nasaan?"iritable kong sagot.

"Kasama niya si Sophia ngayon dito sa puntod ng lola niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero mukhang seryoso sila. Kanina ay nagyakapan yung dalawa, hmmmmm siguro ay nagkakaayos na sila?"nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang binalita.

"I don't believe you. Hindi magagawa ni Adonis sa akin yan. Sinasabi niya sa akin lahat ng plano niya lalo pa't kung may kinalaman doon si Sophia"

"To see is to believe ba ang gusto mo? Wait I'll send you something"

Muling tumunog ang aking cellphone at nakitang may sinend na picture si Simon. Binuksan ko ito at nanlaki ang aking mga mata ng makitang magkayakap sina Sophia at Adonis.

Totoo nga ang sinasabi ni Simon.

"See? I told you. Kung ako sayo ay pumunta ka na dito agad. Sophia is putting up a fight with you. Magpapatalo ka ba? Nagsisimula na siyang agawin ang asawa mo!"binaba ko ang tawag at nagmadaling pumunta sa aking sasakyan.

Agad kong binuksan ang makina at paglabas ng gate ay agad itong hinarurot.

Mariin ang hawak ko sa manibela habang nagmamaneho. Siguro ay kung may buhay lang ang steering wheel ay kanina pa ito patay dahil sa higpit ng aking pagkakahawak.

Habang tinatahak ang daan ay muli akong nakarinig ang mga bulong. Sinubukan kong intindihin ang kanilang mga sinasabi ngunit wala talaga akong maintindihan.

Huminga ako ng malalim at itinuon ang aking atensyon sa daan ngunit mas lumakas pa ang mga bulong.

"Tama na! Tamaaaaa naaaaa!!!"sigaw ko at agad silang tumigil.

Agad akong nakarating sa puntod ni Lola Tessa. Hindi muna ako bumaba ng sasakyan upang magmasid. Tumingin ako sa paligid upang hanapin sina Adonis at Sophia ngunit wala akong nakita.

Kahit sasakyan ng dalawa ay wala sa paligid.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Simon.

"Wala sila dito? Nasaan na sila?"tanong ko.

"Tingin ko ay umuwi na sila. Pagkatapos kasi kitang tawagan ay umalis na sila agad at naghiwalay"

Tumalim ang aking tingin.

"Hayop na Sophia na yan! Napaka hayooooooooooopppppp talaga niya!"sigaw ko.

"Calm down, Magdalena. Antayin mo na lang ang sasabihin ni Adonis kapag nagkita kayo mamaya. Baka naman may magandang pakay siya kung bakit sila nagkita ni Sophia. Malay mo gusto niyang makipag ayos upang wala ng gulo ang mamagitan sa inyong lahat lalo nga ngayong business pa-"hindi ko ito pinakinggan at ibinaba na lamang ang tawag.

Naglakad ako papunta sa puntod ni Lola Tessa.

"Napakahayop niyo talagang mag lola kayo, hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin talaga ako tinatantanan"gigil kong sabit."Kailan niyo ba balak patahimikin ang buhay ko ha?!"dagdag ko.

"Kung inaakala ng apo mo na mababawi niya ang lahat sa akin, nagkakamali siya! Dahil hindi ako papayag na mawala sa akin ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Akin si Adonis! Akin ang lahat ng meron siya! Akin lang siya! Akin lang!!!"sigaw ko.

"Kaya ihanda mo ang sarili mo, Lola Tessa, dahil makikipagpatayan ako para lang mawala sa landas ko ang malandi mong apo! Pero wag kang mag-alala dahil itatabi ko naman siya sayo kapag patay na siya. Yun nga lang ay papahirapan ko siya ng husto. Kung noon ay ipinagahasa ko lang siya sa kay Tatay Tyago at sa mga kumpare nito, pwes mas dodoblehen ko ang pagpapahirap ko sa kanya! Tandaan mo yan, Lola Tessa! Tandaaaaaan moooo yaaaannn!"galit kong sambit bago umalis.

Bumalik ako sa aking sasakyan nagmaneho papalayo.

Tinawagan ko si Simon at sinabing magkita kami sa kanyang tinutuluyan.

Mayroon kaming kailangang pag-usapan.

===

Adonis' point of view

Alas dos na ng madaling araw ngunit wala pa rin ang aking asawa.

Nakahiga ako ngayon sa aming kama at nakatingin sa kisame habang hawak ang aking cellphone. Inaantay ko kung tatawag o magtetext muli si Magdalena.

Pagdating ko kasi sa bahay ay wala ito at tanging isang text message lang ang aking natanggap mula sa kanya na nagsasabing mawawala siya ng ilang oras dahil mayroon siyang mahalagang taong kikitain.

Nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niyang mahalagang tao.

Ilang beses ko itong tinawagan ngunit hindi naman ito sumasagot.

Medyo nag-alala ako.

Nalaman niya ba na nakipagkita ako kay Sophia? O gumaganti lamang ito dahil sa aking biglaan pagkawala at hindi pagpapaalam sa kanya?

Kung yung una ang kanyang rason ay sino naman ang nagsabi sa kanya? Wala namang ibang nakakaalam ng aking pakikipagkita kay Sophia kundi ako lang.

At kung yung ikalawa naman ay sino ang kinita niya? May ibang lalake ba ang asawa ko? Ito ba yung biniro niya sa akin noon na may isang investor na nagpakita ng motibo sa kanya?

Napakuyom ang palad ko.

Tila ba naging magulo ang buong araw para sa aming dalawa. Simula kasi ng matapos ang meeting kanina ay may nag-iba na sa kinikilos ni Magdalena. Pilit man niyang itago ang nararamdaman ngunit alam ko na masama ang kanyang loob dahil hindi ko naipaglaban o nasuportahan ang kanyang ideya kanina.

Hindi ko rin inaasahan ang kanyang pagsisinungaling sa aking mga magulang na sa kanya nanggaling ang ideyang mula naman talaga kay Sophia.

Alam kong pinoprotektahan lamang nito ang kanyang imahe, pero tila ibang Magdalena ang nakita ko kanina.

Napahinga ako ng malalim dahil mukhang nagsisimula nang gumulo ang lahat dahil kay Sophia. At iyon ang dahilan kung bakit ako nagpasyang makipagkita kay Sophia. Upang makiusap na anumang plano ang kanyang binabalak ay wag na niyang ituloy. At anumang kasalanan ang tingin niyang nagawa namin sa kanya ay patawarin na niya kami.

Humingi na rin ako ng tawad sa lahat ng aking nasabi sa kanya noong contract signing namin with King.

Duwag na kung duwag pero bilang isang ama ay hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin ang pamilya ko. Kung kinakailangang ako na ang magpakumbaba ay gagawin ko upang maging maayos ang lahat.

Hindi ko naman inaasahan ang pagsang-ayon ni Sophia.

At ang mas ikinagulat ko ay ang pagyakap nito sa akin. Tila ba ang yakap na iyon ay hudyat ng kanyang pakikipag-ayos sa akin at maging sa aking asawa.

Yumakap rin ako pabalik.

Aaminin ko na sa yakap na iyon ay nanumbalik ang aking ala-ala sa kung anong meron kami noon. Pero magkaganun man ay alam ko sa sarili kong wala na akong nararamdamang anuman para sa kanya. Tanging business partners na lamang ang relasyon naming dalawa.

Pagkatapos naming mag-usap ay naghiwalay na kami ng landas at dumeretso na dito sa bahay. Gusto ko sanang kausapin agad ang aking asawa ngunit umalis ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

Muli ko sana itong tatawagan ngunit biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Magdalena.

"Babe"ani ko at lumapit sa kanya."Babe, where have you been? Pinag-alala mo ako"tanong ko.

Hindi ako nito pinansin bagkus ay isang malakas na sampal ang ginawad niya sa akin. Mukhang alam ko na kung para saan ang sampal na iyon.

"Babe, it's not what you think. I will expl-"hindi na niya pinatapos ang aking sasabihin at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

Hindi na niya inantay ang aking reaksyon bagkus ay hinawakan na niya ang aking magkabilang pisngi at siniil ng halik. Sinigurado niyang hindi maghihiwalay ang aming mga labi.

Naglakad kami patungo sa kama at doon ay itinulak niya ako pahiga.

"Babe, what's happening? I know you're mad at me pero can we just talk first? I really want to explain everything to you"hindi ako nito pinakinggan bagkus ay mabilis nitong hinubad ang kanyang damit at pumatong sa akin.

"Akin ka lang, Adonis. Akin ka lang!"bulong nito at muli akong hinalikan sa aking labi.

Itutuloy…

P.S. Thank you for reading this update. I would also like to tell you that I am taking a break from writing and this might be my last update for the mean time. Pero wala po kayong dapat ipag-alala dahil tatapusin ko ang story na ito… need ko lang talaga mag break. :) Salamat sa patuloy na pagsuporta and I hope nagustuhan ninyo ang update na ito.