Tayo Lang Dalawa
Mahal Kita Ate at ikaw ang gusto kong pakasalan, Natatandaan ko pang sinabi ko yan sa ate ko bata pa lang ako..
Ako nga pala si Eman,22 yrs.old at ang ate ko naman ay si Evelyn 24 yrs old,dalawa lang kaming magkapatid.Wala na kaming tatay dahil namatay sya sa atake sa puso bata pa lang kami.Dahil sa hirap ng buhay hindi kinaya ni inay na mapagtapos kami ng ate ko ng kolehiyo hanggang high school lang ang inabot namin at dahil dun napilitan ang ate ko na lumuwas ng maynila para makahanap ng trabaho,at nakahanap naman sya bilang kahera sa isang restaurant..Samantalang ako eh minsan umi extra sa pagiging construction worker o di kaya naman ay helper sa talyer nung may ari nung bahay na inuupahan namin.
Hanggang isang araw!
Eman: Hello ate si inay
Evelyn: Hello,Eman anong nangyari sa inay?
Eman: Ate, (umiiyak habang nagsasalita) si Inay,si inay wala na
Evelyn: Huh? Anong ibig mong sabihin na wala na? wag kang magbiro ng ganyan di magandang biro yan,
Eman: Ate,huhuhu akala ko kasi normal na high blood lang kasi ganun naman lagi sya tapos bigla na lang sya nahimatay,tapos sabi ng doctor aneurysm daw,may pumutok daw na ugat sa utak ni inay,ate paano na tayo?
Nagpaalam si evelyn sa kanyang amo at sinabi nya na namatay ay nanay nya at kailangan sya ng kapatid nya ngayon..dahil mabait naman ang naging amo ay pumayag naman ito na makauwi.
Isang linggo matapos mailibing ang nanay nila ay may nabuong desisyon si evelyn..hahanap sya ng trabaho sa maynila para sa nakababata nyang kapatid na si Eman..
Sigurado ka ba ate sa binabalak mo?Parang di pa ako ready na umalis at iwan itong bahay natin..
Alam kong mahirap para sayo 'to ganun din naman sa akin,pero inaalala lang kita paano ka pag umalis ako.Bukas babalik na ako ng maynila paano ka?at saka hindi sa atin itong bahay alam mo naman na inuupahan lang natin ito.
Hindi kasi lihitimong taga dun ang mga magulang nila(isang lugar sa parteng quezon) kung saan nagkakilala ang mga magulang nila..parehong ulilang lubos ang mga magulang nila kung kaya madali silang nagkapalagayan ng loob at bumuo ng isang pamilya..malayo rin ang mga kamag anak nila at isa pa hindi naman sila close
Alam ko naman yun,pero paano mga gamit natin,.Halos dito na tayo lumaki at nagka isip..mga masasayang alaala nila inay at itay..
Hindi naman natin sila kakalimutan eh,Lagi pa rin naman sila sa mga puso't isip natin,at kung tungkol naman sa mga gamit..pwede naman natin ibenta yan,para may magamit tayo na pera habang hinahanapan kita ng trabaho sa maynila
Ewan ko ate..pero parang di ko pa talaga kaya..di pa ako ready pwede ba pag isipan ko muna..wag mo ako alalahanin siguro naman makakaya ko..andiyan naman mga kaibagan ko at saka syempre ikaw..lagi naman tayo mag tatawagan diba?
Kung yan ang desisyon mo sige papayag ako pero sa isang kundisyon,,Kapag may nahanap ako na trabaho sayo dun..susunod ka na sa akin para naman magkasama na tayo…
Wala ng nagawa si Eman kundi sumang ayon na lang sa ate nya..para hindi na humaba pa ang usapan..
Lumipas ang isang taon matapos makababang luksa sa ina ng magkapatid heto sila ngayon nag uusap sa telepono..
Ano na Eman..nakapagpasya ka na ba…pinagbigyan na kita sa ilang beses mong pagtanggi..Sabi mo hintayin mo muna na mag isang taon ng kamatayan ang inay bago ka sumunod dito..ngayon..baka naman?
Wag kang mag alala ate pupunta na ako jan..yung mga gamit natin binenta ko sa may ari nung bahay para wala na tayong isipin…
mabuti naman kung ganun,,sakto at yung driver namin dito sa resto eh umalis na umuwi na ng probinsya..ipapasok kita..ok lang ba sayo yun kahit pansamantala? marunong ka nmn mag drive diba?
Ok lang ate,ang importante magkasama na tayo jan..
Salamat naman..at saka miss na din kita bunso..
Abangan ang kasunod..pasensya na first time lang gumawa ng kwento,,pagbigyan nyo na..