1. Home
  2. Stories
  3. Paradise Island II Chp 7
Filipino Sex Stories

Paradise Island II Chp 7

By razel22 ·

Paradise Island II Chapter 7

18+

By: Razel22

Sa gitna ng kadiliman ng gubat ay habol hiningang tumatakbo si Gregory na ang pakay lamang ay ang mapatay ang taong nagdala ng labis na sakuna sa kanila. Ang taong pumatay sa kanyang mga kaibigan. Si Bryan.

Hinding hindi niya mapapatawad ang taong yun lalo na't ito rin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang bestfriend na si Steve at ang babaeng una niyang nakantot sa isla na si Nina.

At mas lalong nadagdagan ang kanyang galit ng malaman na ito rin ang dahilan ng pagkamatay ni Jade kaya gigil na gigil na siyang bogbogin ang tokmol na yun hanggang sa mamatay kaya di siya tumigil sa pagtakbo.

Sa bilis niya ay di niya na namalayang papunta na siya sa hilagang parti ng gubat hanggang sa may maaninag siyang mga naglalakad na tao.

Doon na tumigil si Gregory at pigil hiningang nagkubli sa mga puno para hindi makita.

Ang mga taong yun ay walang iba kundi ang kanilang mga kinakatakutan. Ang mga canibal.

Mahigit labinlima ang mga naglalakad patungong dereksyon pa hilaga kaya mabilis na umakyat siya sa puno at inaninag ang mga ito. Pero sa kanyang posisyon ay di niya masyado makita dahil sa dilim at sinag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid kaya dali-daling bumaba si Gregory at tumakbo papunta sa kabilang dereksyon para ikutan ang mga canibal.

"Hrraaaaaa!!! hmmm " biglang napatingin ang nasa huling canibal sa kanyang likod ng makarinig ng kaloskos kaya napahinto ang mga ito sa paglalakad.

"May naramdaman ba kayo? " tanong niya sa kasamahan kaya huminto rin ang mga ito at napatingin sa paligid. Nagbantay sila sa lugar hanggang sa may isang usa ang tumakbo palayo.

"Isang hayop lang. . Tara at baka naghihintay na sila satin" saad ng nasa unahan ng biglang may isang pamalo ang derektang tumama sa ulo nito na agad ikinatumba.

Isang katutubong babae ang may hawak nito na kung saan galit na galit at parang hindi mawari ang hitsura hanggang sa itinaas niya ang pamalo at napasigaw.

Nagulat man ang ibang canibal ay di sila nagpaapekto sapagkat ito ang alituntunin at kanilang batas.

"Prinsesa! Patawad po at wala po kaming nakuha. Meron pong isa pero bakit ayaw niyo pong katayin yan at ibigay sa panginoon" sabi ng isang canibal at naglakad ito papunta sa harap ng babae at kaagad lumuhod.

Napatingala pa siya at tinitigan ang mukha ng kanilang prinsesa. Luhaan ito at parang alalang alala sa kanilang nahuling bihag hanggang sa may naglakad papunta sa likod ng babae at inagaw ang pamalong hawak-hawak nito.

"Prinsesa Ayana! Anak! Ano bang koneksyon sayo ng dayuhang yan at ayaw mong patayin! isang hampas ko lang sa ulo niyang at wala na! Kung hindi ka lang sana kaagad nakarating ay baka doon pa lang sa lugar na nadakip namin siya ay doon na kami nag pyesta! Ha Ayana! kilala mo ba ang taong to! ha!" galit na sigaw ng lalaking nasa likod ng prinsesa hanggang sa humarap ang babae dito.

"Ama! Pakiusap kahit sa ganitong oras lang! Lahat ng sinasabi niyo at utos ginagawa ko naman! Pakiusap ama ko ayoko pong patayin natin ang taong to. huhuhu pakiusap." di na nito napigilang mapaiyak dahil kitang kita niya ang bogbog saradong mukha at katawan ng lalaking bihag na karga karga sa balikat ng kanyang ama.

"Inuulit ko ang aking tanong prinsesa Ayana!! Kilala mo ba ang taong to! Sagot ! kung hindi ay dito mismo ay puputulan ko to ng ulo!" sigaw nito sa galit at nilaglag sa matigas na lupa ang walang malay na katawan ng bihag.

"Oo ama! Kilalang kilala ko ang bihag na yan! Siya ang lalaking napakaimportante sa akin! Siya ang dahilan kong bakit lagi akong tumatakas at umaalis satin! At siya rin ang ama ng aking ipinag bubuntis! Pakiusap ama! mahal ko po ang taong to ! At sana po huwag niyo na po akong tawaging Ayana! " Sigaw nito sa kanyang ama hanggang sa mapaluhod ang babae at niyakap ang duguang katawan ng bihag.

"Peste! Sa isang dayuhan ka pa nagkagusto! Isang pagkain natin yan! Anong lahing maiibibigay niyan sayo! ha! At anong sinasabi mong di na kita pwedeng tawaging ayana!? ha?!"

"Huhuu Ama! siya na po ngayon ang buhay ko!. . pakiusap po. . Kung papatayin niyo siya ngayon ay isama niyo na lang po ako! O kung ayaw niyo man ay sisiguraduhin kong wala na ako bukas! "

"Pinagbabantaan mo ba ako anak?! ha! Tandaan mo isa ka nang prinsesa simula nung umayaw ang kapatid mo sa tungkulin! "

"Ama . . . kahit ngayon lang po. . ito na po ang huling hiling ko. . Sana po ay maunwaan niyo ako. ." iyak na ito ng iyak at naghalo na rin ang luha at dugo sa kanyang mukha dahil isinubsob niya na ang mukha sa leeg ng bihag.

Napatitig ang Ama ng prinsesa at kitang kita ang kalagayan nito at labis na pagmamahal sa isang bihag na dayuhan kaya napabuntong hininga na lang ito at napatitig sa kanyang mga tauhan.

"Ito na ang huling pakiusap mo na pahihintulutan ko Prinsesa Ayana. " kalmadong nang sad nito kaya napatingala ang babae at agad napayakap sa kanyang ama.

"Huwag niyo na po akong tawaging Ayana ama. "

"Kung ganoon anak anong itatawag ko sayo?"

"Mia po. . . Tawagin niyo po akong Mia. . Princesa Mia!"

---------------------

Samantalang parang nabunutan ng tinik si Gregory nang makita ang katawan ni Jade na kung saan nakahandusay ito sa lupa at pinoprotektahan ng kasintahan nitong ipinakilala sa kanila ng lalaki sa dalampasigan noong buhay pa si Steve.

Dahil sa natuto na rin siya sa lengwahe ng mga katutubo ay naintindihan niya ang mga sinigaw ng dalawang canibal at doon niya nalaman na isang prinsesa pala si Mia na ang totoong pangalan ay Ayana.

"Napakaswerte mo master. Sa lahat ng panganib ay may laging nagliligtas sayo. At kahit sa bingit ng kamatayan ay may Mia na handang itaya ang buhay para sa kaligtasan mo. Mag-iingat ka lagi master Jade. " Bulong sa isip ni Gregory habang nakakubli sa mataas na talahiban di masyadong malayo sa mga canibal.

Nakita niyang lumuhod na ang malaking tao na nasa harap ni Mia na nasa tantya niya ay umabot ng 7.1 ang tangkad at mas malaki pa kay Cheska ang katawan.

Nakakasiguro man siya sa kaligtasan ni Jade ay di pa rin siya sigurado sa kanilang kaligtasan lalo na't wala nang may mamumuno sa kweba kung saan ginawa nilang kuta.

"Prinsesa Ayana! Ah eh Mia! Bubuhayin natin ang taong to pero sa isang kondisyon! Mamumuhay siya ng kagaya satin! Kakain tulad natin! At sa oras na magising yang lalaking yan ay ipapagawa ang ritwal ng pag-iisa! " Malakas na pagkakasabi ng matangkad na katutubo na dinig na dinig ni Gregory kaya parang di siya makapaniwala sa kapalaran ng kaibigan.

Gumapang na siya paatras ng makitang kinarga ulit sa balikat ng malaking canibal ang katawan ni Jade at nag umpisa nang maglakad ulit ang mga canibal.

Nang nasa malayo na ang mga ito ay napagdesisyunan niyang bumalik at hanapin sina Leah at Shiela para ibalita na ligtas na si Jade at nasa kamay ito ng mga canibal.

"Haaaa haaaaa kailangan nilang malaman ang balitang to!! Pero. . . . " Agad siyang napatigil sa pag hakbang nang malimutan ang isang bagay.

Kailangan niyang malaman kung saan ang kuta ng mga canibal na pagdadalhan kay Jade.

Napalingon agad si Gregory sa likuran at medyo malayo layo na rin ang mga canibal kaya hinabol niya na ang mga ito pero sa kabilang daan siya dumaan at medyo malayo sa mga ito para na rin sa kanyang kaligtasan.

Alam niyang napakadelikado ng kanyang ginagawa pero alang-alang sa kapakanan ni Jade ay susundan niya ito at kung maaari ay makuha niya ang binata.

----------------

Sa kalagitnaan ng gabi ay umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng lalaki dahil sa sakit na nadatnan ng sinaksak ni Shiela ang mata nito.

"Putaaaa kaaaaaa!!! Papatayin kitaaa Sshhiieeelaaaaaaaa!!!" sigaw ni Bryan at hinablot ang buhok ng babae gamit ang isang kamay hanggang sa sinuntok niya ang mukha nito.

"Arrggghhhh!!! Hettooo pa paraaa saaayyoo tokmoollll!!! ggrraaaahhhh!!" napasigaw na rin ang buntis na babae at sinaksak na naman nang pana ang dibdib ng lalaki hanggang sa mabitawan siya nito kaya napadapa si Shiela at sinubukang tumayo.

Kinakapa pa ni Bryan ang ugat ng kahoy kung saan siya nakaupo hanggang sa napahawak sa isang sanga at pinilit nitong makatayo at minulat ang isang mata.

Nakikita niya pa ang magandang si Shiela na nagsisimula nang tumayo at nakatukod na ang kamay sa lupa kaya nilapitan niya na ito at sinipa kaagad ang pwetan ng babae. .

KKRRRAAAKKOOMMMMMMM!!!

Biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagliwanag ng langit sa napakalakas na kidlat na sunod sunod na lumitaw sa kalangitan sa gitna ng gabi.

Kasunod nito ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya naaapektuhan nito ang mga sugat ni Bryan lalo na sa nasaksak nitong kaliwang mata.

Napaiyak na rin si Shiela sa sakit ng katawan sa ilang beses na pagsipa sa kanya ng lalaki at basang basa na rin ang katawan nito hanggang sa kumidlat na naman at nakita niya ang nakakatakot na mukha ni Bryan.

Umaagos pa ang dugo na nag mumula sa mata nito pababa sa katawan at papasuntok na naman sana sa babae ngunit kumirot ng pagkasakit sakit ang kanyang sugat sa mata kaya napaluhod ito at namilipit sa sakit.

Hawak-hawak ang nabulag na mata at nag sisisigaw na. Doon na napatayo si Shiela at nag simulang umalis sa lugar at iniwan ang lalaki.

Nakabalik na rin siya sa batis at paika-ika nang maglakad hanggang sa sumakit na naman ang tiyan ni Shiela at natumba . Napatukod pa ang isang kamay sa kahoy at inalalayang makatayo hanggang sa makarinig na naman siya ng napakalakas na sigaw.

"PAPATAYYIIINN KOOO KAYYOOONNGGG LAAAHAAATT!!! UUBUSSIINN KKOO KAAYYYOOOOOO!!! HINDING HINDI AKOOO TITIGIILLL HANGGANG DI KAYO NAUUBOSSS!!!!" isang napakalakas na sigaw ni Bryan sa gitna ng napakalakas na ulan na sinamahan pa ng kulog at kidlat sa gitna ng kadiliman.

Dahil sa sakit ng tiyan ay pinilit ni Shiela makaalis dahil sa nakadama na ito ng takot para sa kanya at sa kanyang anak ngunit napadapa siya at pinilit na makaalis hanggang sa gumapang papunta sa batis .

Dahil sa agos ng tubig ay naalis ang mga putik sa kanyang katawan at nakaramdam ng kaginhawaan ang babae sa maaligamgam na tubig batis ngunit parang mawawalan na rin siya ng malay tao kaya pinilit niyang tumayo. .

"Haaa haaa Jaadeee. . . Ma-mahall kooo.. . . Sana ay nasa maayos ka na kalagayan. . At diyos ko pakiusap pakiligtas po kami ng aking anak haaaa haaaaa sa . . . kapahamakan. " Huling salita nito at nawalan ng malay sa gitna ng batis.

Ngunit bago pa bumagsak ang kanyang katawan at maanod ng tubig ay may kamay na sumalo sa kanya pero di na nito nakilala pa ang taong nagligtas sa kanya kaya napapikit na nang tuluyan ang babae.

---------

Kinaumagahan ay nagising si Shiela at akmang tatayo sana ngunit biglang napangiwi dahil sa sakit ng katawan nito.

"Iha. . magpahinga ka muna. . Marami kang pinsala sa katawan at buti na lang at nailigtas ka ni Tisay. At salamat sa diyos dahil ligtas rin ang anak mo." sabi ni Lola na nakaupo malapit sa babae kaya napangiti si Shiela sa matanda at napabaling ang ulo sa kaliwa kung saan magkatabing nakaupo sina Leah at Pearl.

"Leah. . Pearl. . May balita ba kayo kay Jade? Saan siya?" Tanong niya pero sabay napailing ang dalawa at napaluha na lang.

Labis na sakit ang dinadamdam ng tatlong babae ng biglang makarinig ng sigaw mula sa bukana ng kweba kaya sabay sabay na napatingin ang mga katutubo at natitirang survivors doon.

"Buhay si Jadeee!! Buhay siyaaa!!!

Isang sigaw na nakapagpabago sa damdamin nila at parang nabuhayan ng loob hanggang sa pumasok ang hinihingal na si Gregory at dumeretso sa kwarto nina lola at lolo kung saan naroroon rin ang tatlong babae.

Agad napatayo sina Leah at Pearl at lumapit sa lalaki.

"Gregory magsabi ka nga. . totoo ba yung narinig namin? Paano mo nalaman na buhay si Jade?" tanong ni Pearl kaya napayuko muna si Gregory dahil sa hinahabol pa nito ang hininga.

"Iho heto tubig inom ka muna para mahimasmasan" sabi ng matandang babae at binigyan si Gregory ng tubig na nakalagay sa hinating buko ng niyog.

Agad niya rin itong ininom hanggang sa mahimasmasan at napatayo ng tuwid.

"haaaa Leah, Pearl . . Totoo ang sinabi ko sa inyo. Buhay si Jade. Kaso nasa kamay siya ng mga canibal. . " sabi nito kaya nagkatinginan ang dalawang babae

"Hey Greg! Paano mo nasabi na binuhay si Jade ng mga yun? Wala namang espesyal sa kanya ah!" sabat ng nakahigang si Shiela kaya napatingin din dito sa Gregory at napalunok ng laway.

"Ah ehh Kasiii uhhmmm. . . . Di ko alam paano sasabihin pero basta buhay siya!" nauutal na saad nito ngunit kitang kita niya sa mata ng tatlong babae ang galit kaya napaatras siya at napailing.

"Haist sige sige ito kasi. . May roong nakilalang babae noon si Master Jade noong nasa dalampasigan pa tayo. . Isang katutubo din. . Nagkaroon sila ng koneksyon sa isat-isa hanggang sa maging relasyon. Naikwento ni Master sakin na ilang beses na siyang maisalba ng babaeng ito. Yung sa Jaguar na dinala niya noon na akala ni Leah ay alaga niya. . Ang katutubo ang nakapatay doon.

At ikaw Pearl natatandaan mo ba yung nasa Jumbo Jet daw kayo ? Na may isang katutubong babae na nagpakantot sa mga canibal para lang makuha ang atensyon ng mga ito para makaalis kayo. . Siya din daw ang nagpapatay sa isang canibal na humahabol sa inyo. . " sabi ni Gregory kaya parang naunawaan ni Pearl ang sinasabi ng lalaki.

"So ano connect noon sa pagligtas kay Jade sa mga canibal?" Tanong ni Pearl

"Yung katutubong babaeng yun ay pinangalanan niyang Mia. . Pero sa pagkakadinig ko ay tinawag itong . . . Hmmmnn Ana?? . . . ah hindi!! Ayana! Prinsesa ng mga canibal ! Prinsesa Ayana! At siya ang nag pigil sa mga canibal sa pagpaslang kay master Jade "saad ni Gregory kaya pati ang matandang babae ay napalapit sa kanya. .

"Ginoo! Ano ulit ang sinabi mo? Ano ulit ang pangalan ng katutubong yun? Ayana ba narinig ko?" tanong ng matanda kaya napatango si Gregory at napahawak ang matanda sa kanyang puso.

"Diyos ko! Nasa kuta si Jade ng isa sa pinakamalakas na tribo ng canibal sa lugar na to! Ang tribong naninirahan sa isang parang lumang lugar. .At si Ayana ay ang unang anak ng kambal nang hari. . Pero wala na akong balita sa lugar na yun simula nung di na ako umaalis sa kweba. Basta parang makalumang syudad na gawa sa bato! Kongkreto na parang gawa mismo sa kabihasnan "

"You mean lola forgetten ruin? Yung parang pyramid?" tanong ni Pearl

"Hindi iha. . Pero gawa ito sa mga bato at hindi ko alam kong paano at sino nakagawa ng mga yun. . At parang pinaglumaang palasyo ng mga sinaunang tao. . Ang tribong yun ay ang pinag mula ng ibat ibang tribo na nagkalat sa lugar na to dahil sa maling paniniwala sa kanilang diyos diyosan!

Sumasamba sila sa isang rebulto! Noong bata pa ako ay nakarating na ako doon kasama ang dalawang survivors din ngunit naiwan yung isa. . Kaya alam ko kung nasaan yun. Pero sa edad kong ito ay baka di na ako makakapunta. . Pero para kay Jade ay susubukan ko" sabi ni lola ngunit hinawakan siya sa balikat ng kanyang asawa.

"Mahal ko huwag. . Pakiusap ayokong mawalay ka pa sakin. . Hayaan muna ang bagong heneresyon ang pumunta doon. Binata di ba Gregory ang pangalan mo? Maitanong ko lang. . Alam mo ba ang dereksyon ng lugar na yun?" tanong ng matanda kaya napatango si Gregory

"Opo lolo. Papuntang hilaga po na kung saan ay madadaanan pa ang talon. . Kulang ang kalahating araw na paglalakbay kung lalakad lng tayo kaya dapat buo ang loob natin kung pupuntahan natin at mailigtas si Jade. Nga pala lola. . Kung alam mo ang tribong yun ang pinagmulan . Ibig bang sabihin ay maraming tribu ng mga canibal ang nagkalat dito?" Tanong niya kaya napatango si Lola.

"Oo iho. Ang pinakaunang Tribu na nakilala ko na pinagmulan ng iba ay ang tribu ng Kamaligan! Sila yung mga katutubong kumakain ng kapwa tao at kung walang makuha sa isang araw ay sila mismo nagpapatayan para lang may maibigay sa kanilang diyos diyosan." sabi ng matanda kaya napatango si Gregory.

"Wait lola. . Kung sila nga ang nagpapatayan may alam ka pa ba sa kanilang pamumuhay?" tanong ni Pearl

"Isa sila sa pinakabrutal mamuhay iha. Walang tumatanda sa kanila sapagkat pag umabot ng sengkwenta o basta masakitin ang kasamahan nila ay yun ang inaalay nila sa diyos diyosang rebulto at pinupugutan ng ulo na kung saan pinapakain ang katawan sa mga bagong panganak o mga batang katutubo. " saad nito kaya parang nanindig ang balahibo ng apat kaya napalapit si Leah sa matanda.

"Lola. . Kung ganoon nga . . May ideya ka ba paano mabubuhay si Jade sa tribu ng Kamaligan?" tanong nito sa matanda.

"Tisay. . Saking pagkakaalam oras na sumapi ka sa tribu ng Kamaligan ay dapat katulad ka rin nilang mamuhay. Katulad ka rin nila sa lahat at ang pinakamasakit ay kakain rin ng tao si Jade para lang makaligtas. " saad nito kaya parang nandiri ang lahat.

"Iho may nakita ka bang matanda sa lugar na yun?" tanong ni Lola kay Gregory.

"Wala po lola. Halos mga binata at dalaga ang nandoon. May isang may edad na mas matangkad pa sa yumaong si Cheska. . . . " napatigil bigla si Gregory ng maalala ang bakla kaya napatingin siya sa kasamahan na agad ring nalungkot.

"Pupuntahan natin mamaya ang puntod niya Greg. Sa ngayon ay magpahinga ka muna. " saad ni Lola kaya napaupo ang binata at napapikit ang mata dahil sa sobrang pagod.

-------------

Samantala sa isang malayong lugar na kung saan naninirahan ang tribu ng Kamaligan ay nagising si Jade sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha.

"Nasaan ako. . anong lugar to? huuhhh hhuhhhh paano ako nabuhay?" mga salitang pumapasok sa kanyang isipan hanggang sa maalala ang pagtulak sa kanya ni Bryan sa itaas ng puno na kung saan siya nahulog at sunod sunod na binuogbog ng mga canibal.

Napatukod ang kamay ni Jade sa batong hinihigaan hanggang sa may nakita siyang anino sa malapit . .

Di siya muna gumalaw at pinagmasdan ang kanyang kinaroroonan.

Parang nasa isang kwarto siya na gawa sa bato. Parang lumang concrete na bahay kaya parang di siya makapaniwala kaya pinilit niyang bumangon at makatayo ngunit biglang pumasok sa kanyang silid ang isang malaking canibal kaya napaatras si Jade at natumba. .

"Ahhh huwag poo!! pakiusap huwag niyo po akong patayinn" sigaw ni Jade at napatabon na sa kanyng mukha at nagmokmok sa gilid ng silid.

Naglakad pa palapit sa kanyang ang canibal na may hawak na pamalo hanggang sa may tumakbo ng mabilis papasok sa silid. .

"Ama!!!! Huwag!!! Isa!!!!!" sigaw ng babaeng bagong dating.

Kahit nakayuko man si Jade at nakapikit ang mata ay pamilyar ang boses na kanyang narinig.

Ang boses na nagbibigay liwanag sa kanyang laging nalalapit na kamatayan.

Napasilip siya hanggang sa tinignan ang babae.

Mula sa ibaba ay nakita niya ang makinis na binti papuntang hita.

Tumaas pa at nakita niya na naman ang matambok na kalbong puke ng babae na ilang beses niya nang natikman hanggang sa mapataas pa at nakita ang tayong tayong suso na nakakapagpataas ng kanyang libog.

Hanggang sa matitigan niya ang maganda nitong mukha na labis niyang kinasasabikan.

Wala sa sariling tinawag niya ang babae sa pangalang

"Mia!"

Agad itong lumapit sa kanya at inalalayang tumayo at pinabalik sa higaan. Di makapagsalita si Jade sapagkat nakatitig ang nanlilisik na mata nang lalaking canibal sa kanya hanggang sa nilingon ni Mia ang lalaki.

"Ama! Pakiusap umalis ka muna. Tinatakot mo si Jade!. . at sana huwag na huwag mo siyang sasaktan! alam na alam mo naman kung ano ang mangyayari pag nasaktan ang mahal ko!" sabi ni Mia dito kaya napangisi ang kanyang ama.

"Masusunod mahal na Prinsesa Ayana"

"Mia po Ama! Mia!"

"Sige masusunod. . . Prinsesa . . .MIA" huling salita ng lalaking canibal bago lumabas sa silid.

Napabaling ang tingin ni Mia kay Jade at kitang kita ang pagkamangha sa mukha ng lalaki.

"Prinsesa? Ayana? . . Mia anong nangyari at paano ako nabuhay? at naasan ako?" tanong niya kaya napangiti muna si Mia at hinalikan ang kanyang labi hanggang sa mapayakap ng mahigpit ito sa kanya na damang dama ni Jade ang lambot ng suso nito at kinis ng katawan.

Nang bumitaw sila sa halikan ay ang nakangiting mukha ni Mia ang nasisilayan ni Jade "Oo mahal ko. Ako ang bagong prinsesa simula nang bumitaw ang nakababata kong kapatid. At mula noong namatay ang kambal ni Ama ay nawalan na ang dating prinsesa ng ganang mamuno kaya kahit ayaw ko man tanggapin ay wala kaong magawa.

At Ayana ang tunay kong pangalan pero simula noong pinangalanan mo akong Mia ay Mia na ang itatawag sakin ng lahat mula ngayon" sabi nito kaya parang di makapaniwala si Jade at bumangon ulit.

"Asan ako Mia? At anong lugar to" tanong niya sa babae

"Dito ka sa lugar namin. Sentro ng isla. Ang lugar nang mga katutubong pinamumunuan ko. Ang mga katutubong kasapi ng tribu na tinatawag na Kamaligan." sabi ni Mia kaya napatayo si Jade at naglakad papunta sa labasan.

Sa unang tingin pa lang ay kaagad namangha si Jade sa nakita. Isang napakagandang lugar parang lumang bayan ang kanyang kinaroroonan. Di siya makapaniwala sa ganda ng paligid hanggang sa makita ang napakaraming nag gagandahang katutubo na kasa kasama rin ng mga kalalakihan.

Malapit lang ito sa dagat na kung saan natatanaw niya rin ang mataas na talon hanggang sa mapatingin si Jade sa isang lugar na kung saan maraming nakaluhod dito.

Parang nagsasamba sa isang rebulto. Ang bato na inukit na parang isang malaking tigre.

Napangiti siya at naisip ang tigreng si Bogart.

Naglakad pa si Jade at halos nahihiwagaan sa ganda ng lugar. Isang napakagandang paraiso sa lugar ng mga canibal. Isang lugar na ni sa panaginip ay di niya naisip.

Napupuno ng magagandang bulaklak at kung ano-ano pang nagpapaganda sa lugar kaya nakangiting nilingon ni Jade ang magandang mukha ni Mia hanggang sa napayakap ang babae sa kanya.

"Dito sa lugar na to ay titira tayo ng matiwasay mahal kong Jade. At dito isisilang ang ating anak" saad ng babae kaya nagulat si Jade sa sinabi ni Mia hanggang sa mapatingin siya sa tiyan nito.

"Magiging ama na ako?"

"Oo mahal ko. At mas higit pa riyan ang mangyayari dahil."

"Ako si Prinsesa Mia ang mamumuno sa lugar na to na magiging reyna at ikaw na aking magiging asawa ang gagawin kong. . . .

"HARI"

Add me on FB

"Sting Jade" ( jollibee Picture )