1. Home
  2. Stories
  3. Angel's Guardian 13
Filipino Sex Stories

Angel's Guardian 13

By emiliapsl ·

Angel's POV

"Buti naman at alam mo pa kung paano umuwi rito." Nakapamaywang na sabi ni Chloe ng pumasok ako sa kusina ng makauwi ako. Nadatnan ko syang naka hilig sa kitchen isle at may hawak na tasa ng kape.

Namiss ko tuloy ang mama ko. Ganitong ganito din sya tuwing nalelate ako ng uwi noon.

Oo nga pala. I think nagtatampo na si mama at papa sakin dahil hindi ko na sila nabisita mula ng umalis kami ni Chloe. I need to go visit them. Marami akong ikukwento sakanila

"Grabe ka naman inay. Para isang gabi lang ako wala." Sabi ko. Lumapit pa ako sakanya at kinuha ang kamay nya. Akmang ilalapit ko na ang likod ng palad ni Chloe sa noo ko pero itinampal nya ito sakin

"Gaga. Sana all nalang nadiligan." Sabi nya at tinalikuran ako para hugasan ang tasa na hawak

"Nag agahan na kayo?" Tanong ko at nilapag ang take out sa isang breakfast resto na pinuntahan namin ni Gerick kanina

"Malamang hindi pa. Sinabi mong wag muna magluto e." Napairap ako sa pagiging sarcastic nya

"Mam mam! Morning!" Agad sumilay ang ngiti ko ng marinig ang boses ni Ian. Hinarap ko ang bata at sinalubong ang yakap nya

"Good morning baby! Mwa mwa mwa mwa" pinupog ko ng halik ang kanyang matatabang pisngi at tawa sya ng tawa

"Good morning ate." Bati ni Gema na dinaluhan si Chloe na abalang hinahanda ang dala ko

Patuloy kong pinanggigilan si Ian ng tumunog ang doorbell

"Ako na ate. Baka si kuya yan" Sabi ni Gema at lumabas na sa kusina. Maya maya pa ay pumasok sya na may awkward na ngiti sa labi at kasunod nya ay si Gerick na may bitbit na malaking kahon ng laruan

Naiwan ko nga pala sya sa parking lot dahil may kinausap pa sya sa telepono kanina.

"Oh! Pizza guy!" Nanlaki ang mata ni Ian at tinuro si Gerick bago nagtago saaking leeg

Sinenyasan ko syang lumapit kaya naman ay kahit nag aalangan ay lumakad parin saamin.

"Ian baby, look o. He has a toy." Sabi ko sa bata. At parang magic word ay agad na napalingon ito sa lalaki at tumitig sa hawak na box

"Hey kid, sorry if I scared you yesterday. Here. I bought you a present." Tinaas ni Gerick ang box at nilapit ito kay Ian. Kumikinang ang mga mata ng bata at wala na ang bakas ng takot

Ibinaba ni Gerick ang laruan kaya agad din nag lumikot si Ian sa pagkakabuhat ko sakanya kaya ibinaba ko na din sya

"Mommy toy!" Turo nya sa malaking box at tinignan ang ina

"Open it later anak. Breakfast muna tayo." Masuyong sabi ni Chloe. Kaagad naman sumunod si Ian at tumakbo palapit sa kanyang high chair pero tumakbo din pabalik sa box at hirap na hinila ito at tinago sa likod ng kitchen isle bago tumakbo sa ina nya na binuhat sya at iniupo sa high chair

"Tara na. Let's all eat together." Aya ko sa lalaki na kabado pa rin.

We all ate breakfast together. Nagkamustahan din si Gerick at Chloe. Magkakilala naman silang dalawa kaya hindi naging mahirap na makapag usap sila

"So anong balak mo sa kaibigan ko?" Taas kilay na tanong ni Chloe. Wala na itong pa tito kay Gerick dahil nga wierd daw dahil kalandian ko sya

"Pakakasalan ko si Angel." Walang takot na sabi ni Gerick. Nabilaukan naman si Gema bago nanlaki ang mga mata at hinugot ang telepono

"Alam ko." Walang ganang sabi ni Chloe

"Ha? Panong alam mo?" Pagtataka ko

"Tanga. Umalis ka kahapon na walang singsing sa daliri. At ngayon babalik kang may kumikinang sa daliri mo. Tanga nalang ang di makakapansin non." Nakatitig sya sa kamay ko pagkatapos ay Inikutan nya ako ng mata

"Magpapakasal ka sakanya ate Angel? Pano na si kuya? Di ba boyfriend mo si kuya?" Tanong ni Gema na nagpapanic

"Sinong kuya?" Kunot noong tamong ni Gerick. Napabuntong hininga ako

"Hindi ko naman boyfriend ang kuya mo gem." Sabi ko

"Pero nakita ko kayo sa kwarto ni kuya sa bahay namin sa cebu. Nag aano kayo. Basta ano" hindi nya masabi sabi. Nanlaki ang mata ko

"Anong nag aano?" Udyok ni Chloe

"N-nakita ko si kuya. Ano k-kinakain yung ano ni ate." Napatawa ng malakas si Chloe habang ako naman ay pulang pula ang mukha. Si Gerick naman ay di maipinta ang mukha

"Hindi kami ng kuya mo Gem. Matagal na kaming tumigil sa ganon. Ipapaliwanag ni Matthew sayo yon kapag tinanong mo sya." Sabi ko. Tumango nalang sya kahit marami pa syang gusyong itanong.

"Galit ka ba?" Tanong ko kay Gerick na kanina pa hindi umiimik. Nasa byahe kami ngayon papunta sa puntod ng aking mga magulang. Pagkatapos kasing kumain ng agahan ay nakipag laro pa si Gerick kay Ian at tinulungan itong buksan ang kahon ng laruan tsaka ko naisipan na bisitahin ang mama at papa

"Bakit nasa inyo ang kapatid nong fuck buddy mo?" Napangiwi ako

"Hindi ko fuck buddy si Matt. We don't even fuck." Sabi ko

"Edi make out buddy." Masungit nyang sabi kaya natawa ako

"Come on hon. Wag ka na magselos. Ikaw lang naman love ko e." Panunuyo ko sakanya. Niyapos ko pa ang braso nya

"Hindi ako nagseselos tsk. Ano nga? Bat nakatira sainyo yung kapatid nya?" Tanong nya ulit

"Adoptive sister nya yon sa father side. Pero namatay na kasi ang tatay ni matt at ang stepmom nya kaya si Matthew ang legal guardian nya ngayon. Taga cebu ang tatay ni Matt at bumalik na nga sya dito. E walang kasama si Gem doon at bata pa sya. Ayaw din ng bata na tumira sa mother side ng kuya nya dahil nahihiya daw sya kaya saamin muna sya nakatira." Paliwanag ko

"Edi may dahilan na yong Mark na yon para bisitahin ka sa condo mo?" Halos pagalit nyang sabi natawa ako

"Matt hindi mark. At hindi ako ang binibisita nya doon kundi ang kapatid nya."

"Pareho lang naman ang tunog non. Bat kailangan mo pang icorrect?" Taas kilay nyang sabi

"Parang tanga to. Ang sungit mo naman. Para kang naglilihi!" Kinurot ko ang pisngi ni Gerick at tumawa

Simangot sya hanggang sa makarating kami sa cementery kung nasaan sina mama at papa. Hawak kaming lumakad patungo sa museleo ng mga magulang ko

"Hi mama, papa." Bati ko at inilapag ko ang bitbit naming bulaklak. Sinisindihan naman ni Gerick ang kandila.

We talked to them. Humingi ng tawad at nag paalam na din si Gerick sa mga plano nya saamin. We asked for their blessing.

Sabi ni Gerick ay buwan buwan syang bumibisita kina mama at papa na para humingi ng tawad at para sabihin ang mga nakalap na impormasyon sa kung nasaan ako para daw hindi sila mag alala.

Once we were done talking to my Parents we went to the groceries and shopped for our dinner tonight. Inimbitahan namin si tita Lena at ang pamilya nya sa bagong bahay namin ni Gerick.

I cooked tita Lena's favorite Chop Suey and some chicken tenders for her son. Si Gerick naman ay nag ihaw din ng Rellenong Bangus na paborito din ni Tita.

"Hon are you done with the fish?" Tanong ko kay Gerick ng sumilip ako sa labas dahil doon nya inihaw ang isda

"Yes hon!" Sagot nya at inilagay ang inihaw sa isang babasagin na plato

We both set the dining table. Isinalin ko sa magandang lagayan ang mga pag kain at tinakpan muna ang mga iyon. Pawis na pawis ako sa pagluluto. I felt like a housewife

"15 minutes daw ay nandito na sila. Mag bihis na tayo ng mas maayos na damit. Amoy usok ka pa." Sabi ko at dali dali kaming umakyat saaming kwarto at mabilis na nagbihis. Si Gerick ay nagpunta pa sa shower para basain at mabilis na kuskusin ng sabon ang katawan para mawala ang amoy usok sa katawan nya

"You think Tita's going to like the thought of us getting married?" I asked nakatayo kami ngayon ni Gerick sa labang ng double door entrance ng bahay namin. Hinihintay ang magAnak. Nasa likod ko ito at yakap yakap ako

"Oo naman. Batukan ko sya pag di sya pumayag." Biro nya. Natawa ako at kinurot ang braso nyang nakapulupot saakin

"Bad ka daddy." Tawa ko. Hinalikan nya ako sa sintido ko kaya nilingon ko sya. Naghalikan kami habang yakap nya ako sa likod. Nakakangawit sa leeg kaya inabot ko ang ulo nya

*BEEEP BEEEP*

"Hoy Gerick layuan mo ang anak ko!" Nanlalaki ang mga matang naghiwalay kami ni Gerick. Nakita namin si Tita Lena na nakapamewang na at lumabas pa yata ng sasakyan nila bago pa man makapasok sa open space na garahe namin. Nakapasok na lagpas sa gate ang sasakyan nila tita. Iniwan nga pala naming bukas ang gate para mas mabilis silang makapasok.

Nagmamadaling lumapit saamin si tita Lena at binatukan si Gerick. Natawa naman ako habang ang lalaki ay napadaing

"Aray ko naman! Ang sakit non!" Reklamo nya. Nakita kong bumaba na ng kotse ang asawa ni tita at kinuha sa back seat ang anak

"Masasaktan ka talagang manyakis ka!" Sigaw ni tita at binatukan pa ulit si Gerick kaya gumilid ako para makaiwas sakanila at sinalubong nalang ang mag ama ni tita

"Hi baby boy!" Masaya kong bati sa bata. Namula ang pisngi nito at itinago ang mukha sa leeg ng tatay nya

"Say hi kay ate nak." Bulong ng asawa ni tita at iniharap saakin si baby dalton

"Hi ate." Nahihiya nyang bati. Napahagikhik ako sa ka cute-an nya. Napaka cute nmdin ng boses nya

"Omg! Ang cutie mo naman! Lika kay ate buhat kita." Inalok ko ang dalawang kamay ko sakanya. Kaagad namang sumama sakin si Dalton.

Pinagkakagat ko gamit ang labi ko ang pisngi nyang sobrang lambot. Tawa naman ito ng tawa dahil nakikiliti

"Nice house." Puna ni tita habang nililibot ang paningin sa aming bahay ng makapasok na kami sa loob.

"Oo naman. Para kay Angel ko to e." Tila proud na proud na sabi ni Gerick. Namula naman ako sa inasta nya dahil si Tita Lena ang kasama namin.

"Sa dinami dami naman ng lalaki hija. Sa matanda ka pa nainlove." Biglang lapit sakin ni tita at di pinansin ang sinabi ng dati nyang kasintahan. Napangiwi ako sa sinabi nya

"Pero di bale. Pag matandang hukluban na talaga ang tito mo at natigok, ikaw bata pa at pwede pang mag asawa ulit." Tuloy nya sa sinasabi nya. Tumango tango pa sya na parang magandang advice ang sinasabi nya.

"Oo nga tita. Yon nga po ang plano ko." Humagikhik ako at sinakyan nalang ang trip nya. Tumawa naman ang asawa ni tita na nasa gilid lang at nakikinig saamin

"What?! Hindi ka pwedeng mag asawa ng iba hon! Ako lang dapat!" Parang batang reklamo ni Gerick

"Hon? Yuck dugyot mo!" Nandidiring sabi ni Tita

"Inggit ka lang! Tawag siguro sayo ng asawa mo, bruha. Buti nga tinawag pa kitang mahal noon kahit pangit dapat-aray!" Binato ni tita Lena si Gerick ng tsinelas na hindi ko malaman kung saan nya kinuha. May isang pares pa sya kaya tumakbo na si Gerick at naghabulan sila.

Natapos ang habulan ng dalawa at sa wakas ay nakarating din kami sa may dining area. Parang naglakbay kami ng ilang milya sa tagal naming makarating sa hapag

"Your cooking improved a lot hija. This is really good." Maganang kumakain si tita sa tabi ng kanyang asawa na abalang sinusubuan ng kanin at gulay si Dalton na hawak naman ang chicken tender

"Thanks tita. I did a lot of cooking back in cebu that's why."

"Sya nga pala, nasaan ang anak mo?" Bigla akong napaubo sa tanong nya

"Ha? Po?" Naguguluhan kong tanong

"Yung batang kasama mo sa mall kasama yung dalagita hija. Binilhan pala namin sya ng regalo." Sabi ni tita. Bigla akong natawa sa sinabi nya kasabay ng pagkakaalala ko sa ginawa ni Gerick kay Ian

"Tita, hindi ko po anak si Ian. Remember My friend Chloe? Sya po ang nanay ni Ian hindi ako." Paliwanag ko na syang ikinagulat nya

"What? I thought it's your baby. But anyway you can still give him the gift we bought."

"Pareho po kayo ni Gerick, tita. Inakala din nyang anak ko si Ian." Natatawa ko paring sabi. Napasimangot naman si Gerick

"Why? What happened?" Kuryoso nyang tanong kaya naman ay ikunwento ko sakanya ang katangahan ni Gerick.

"Hahahah o my gosh you're so stupid!" Tawa ng tawa si tita matapos kong ikwento sakanya ang nangyari. Inis naman si Gerick sakanya

"Maka tanga ka e inakala mo din naman anak nya yung bata!" Asik nya

"But I just assumed, Gerick. Ikaw talagang niyakap mo pa at iniyakan!" Tumawa ulit sya

"Iniyakan ko din naman si Dalton na akala ko ay akin!" Nanlaki ang mata ko sa isiniwalat ni Gerick. Right. It might have hurt him a lot when tita told him he's not the father

"Bwisit ka nang uungkat ka pa." Napailing nalang si tita at patuloy parin ang pag aasaran nila.

"Oo nga pala, i made you your favorite cassava cake hija." Sabi ni tita ng marapos ang aming dinner at inaya ko syang mag tsaa habang si Gerick at tito Diego ay iinom daw ng kaunti.

Nasa may veranda sila. At basa sala kami ni tita. Nakikita parin namin sila dahil sa glass wall. Dinig din ang kwentuhan nila dahil bukas ang glass door.

"Really tita? Omg! I missed it so much!" Tuwang tuwa kong sabi habang nakakandong sakin si Dalton.

"Kukuha lang ako ng platito at panghiwa sa kitchen mo." Sabi nya. Nagpresinta akong ako na ang kukuha dahil bisita sya pero nag insist syang sya na

"Hmm me want!" Nagtaas ng kamay si Dalton ng makitang hinihiwa ni tita ang Cassava cake. Natawa ako sakanya sa pagkacute nya kaya niyakap ko syang mahigpit

"Share nalang tayo ng plate baby ha?" Sabi ko at pinaghahalikan ang pisngi nya

"Here you go." Inabot ni tita ang platito na may slice ng cassava cake kaya ibinaba ko sa tabi ko si Dalton para maabot ko ito. Inilapit ko sa mukha ko ito para amuyin gaya ng nakagawian ko noon ng makaamoy ako ng kakaiba

"Gwaark." I gagged and put the plate in the coffee table as i cover my mouth

"Angel! What's happening anak?" Lumapit si tita saakin at hinawakan ako sa balikat

"O-ok lang ako tita. Medjo nasusuka lang ak- hmp." Nanlaki ang mata ko at tumakbo sa banyo malapit sa sala. Napaluhod ako sa bowl at nagsuka. I heard Dalton cries from the living room. Natakot siguro sa nangyari

"Angel! Angel o my gosh!" Pumasok si tita sa toilet at inalalayan akong tumayo ng matapos ako sa pagsusuka. I washed my face and gargled

"Angel! Lena! Anong nangyayari?! Lena buksan mo ito!" Kinalampag ni tito ang pintuan kaya kinalampag ito pabalik ni tita

"Go away Gerick! She's fine!" Sigaw nya tsaka ako sinenyasan na magsalita

"I'm fine rick! Dont worry please!" I said enough for him to hear me from outsidw

"Ok hon. Sigaw ka lang pag may ginawa sayo yang babaeng yan ha?" Napairap si tita pero nadinig din namin ang papalayong yapak ni Gerick

"Now, Angel, when was the last time you had your pediod?" She asked as if i'm one of her patients. Nanlaki ang mata ko sa tanong nya

"Huh?"

"Kailan ka huling dinatnan, anak? O kung delayed ka ba nitong mga nakaraang linggo?" O my god! Unti unting nagsisink in ang gustong sabihin ni tita

"T-three weeks." Bulong ko. I only had two intercourse with Gerick since we saw each other again.

"Wait here." Sabi ni tita at pinaupo ako sa toilet. Nagmamadali syang lumabas na kaagad din namang nakabalik. Ngayon ay hawak na nya ang kanyang bag habang hinahalughog ito.

"Here. Use this." She handed me a two small boxes.

"Pregnancy Test Kit." Basa ko sa nakasulat at awang ang labi kong napatingin kay tita

"Sige na, hija. Drop a enough amount of your pee here and then we'll wait till the result show." Sya na ang nagbukas nito at tinuruan ako kung paano ang gagawin.

Kahit hindi ako naiihi kanina ay napaihi nalang ako dahil na din sa kaba.

"Sa labas nalang tayo maghintay." Sabi ni tita ng matapos ako sa paghuhugas. Inilapag nya ang test kit sa may lababo at naghugas din sya. We went out together. Nakita ko ang dalawang lalaki na nasa sala na. Kalong kalong ni tito Diego si Dalton na mukhang tulog na

"What happened? Bakit ang tagal nyo doon?" Nag aalalang tanong ni Gerick at lumapit sakin

"I'm fine hon. Napadami lang ang kain ko." I asured him. Naupo kami sa sofa kaharap ang mag asawa. Si tita lena ay hinaplos haplos ang noo ng anak na tulog na.

Makaraan ang ilang sandali ay tumayo ako at bumalik sa banyo para tignan ang pregnancy kit

May dalawang pulang guhit doon pero ang isa ay hindi masyadong malinaw hindi kagaya nung isa na matingkad.

Naguluhat tuloy ako kung ano ba ang ibig sabihin non kaya lumabas ako at tinignan si tita na inaabangan ang paglabas ko

"Patingin." Kinuha nya mula sa kamay ko ang hawak ko at napasinghap sya

"Tita ano pong resulta?" Kabado kong tanong

"Anong resulta? Para saan yan?" Lalapit na sana si Gerick pero hinila na ako ni tita palapit sakanila.

"Two lines. Possitive." Deklara ni tita. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa tyan ko. Nakita ko pa ang pag ngiti ni tito Diego sa gilid at si Gerick ay naguguluhan parin

"Possitive of what?" Litong tanong ng lalaki

"Bobo! Possitive! Angel's pregnant!" Mahina pero halos pasigaw na sabi ni tita. Si Gerick naman ngayon ang nanlaki ang mata at nagulat

"W-what? B-buntis ka? Totoo ba? Baka pinaprank nyo ako ha?" Lumuluha na sya ngayon. Gusto ko din sanang maluha kaso natawa ako sa mga tanong nya

"It's not a joke." I said in a small voice. Inatake nya ako ng yakap at umiyak sa balikat ko

"Base on the weeks na delayed ka. It's safe to say that you're three weeks pregnant already. But to be sure, you should visit your OB." Sabi ni tita.

We talked and just ate the cassava cake. Hindi nga lang ako nakakain dahil ayaw tanggapin ng katawan ko kaya naman ay kumuha nalang ako ng ibang biscuit sa kusina.

"Congrats pare, Angel. Mauna na kami." Paalam ni tito Diego buhat buhat si Dalton na mahimbing ang tulog.

"Bye po. Ingat kayo pauwi." I said. Lumapit ako sakanya at hinaplos ang buhok ni Dalton

"Salamat pare." Tinapik ni Gerick ang balikat ni tito

"Sige na anak. Mag iingat ka ha. Call me kapag nasa Hospital ka na para masamahan kita." Tita kissed my sheek and hugged me

"Opo tita. Thank you po."

"Ikaw, pag may nangyaring masama kay Angel, sisiguraduhin kong hindi anghel ang makikita mo kundi demonyo!" Pagbabanta nya kay Gerick.

"Oo na po. Sige na. Umuwi na kayo at gabi na. Kawawa naman si Dalton." Lumapit si Gerick kay tita at hinalikan ito sa noo. We watched as they drive away from our home.

"I'm so happy." Bulong ni Gerick habang nakayakap saaking likuran. Niyakap ko naman ang braso nyang nakapulupot saakin at isinandal ang ulo ko sa dibdib nya

The way how Gerick and Tita Lena interact made me realized how much they meant for each other. Na kahit pa nakagawa ng mali si Gerick at nagkahiwalay sila ay naroon parin ang pagkakaibigan nila.

Noon pa man ay kwela na sila sa isat isa noon. Sabagay, walong taon din ang relasyon nila. At sa walong taon na yon ay magkasama sila sa iisang bahay. They probably know each other more than anyone. Pero wala naman saakin yon, wala akong madamang selos. Kasi alam kong secured na sila sa kani kanilang buhay, si Tita sakanyang asawa't anak. At si Gerick, saakin, at sa bubuuin naming pamilya.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Next chapter will be the last <3

Though I don't know when will I able to update.

Thank you