1. Home
  2. Stories
  3. Paulita, Ang Baklang Puta (Part 8)
Filipino Sex Stories

Paulita, Ang Baklang Puta (Part 8)

By hotsluttygay ·

Paulo's point of view

"And what is this queer doing here?"tanong ni Daddy sa akin habang nakakunot ang noo at tinatapunan ako ng nakakadiring tingin.

Tatlong taon.

Tatlong taon na ang lumipas simula noong naglayas ako mula sa aming bahay at hindi na nagpakita sa aking pamilya.

Akala ko ay sa loob ng tatlong taong iyon ay kahit papaano'y matutuwa silang makita akong muli pero mukhang nagkamali ako. It is really true that even the littlest expectations can lead to a great pain and disappointment.

"Kuya kamusta ka na? It's been three years since we last met! Grabe ang laki ng ipinagbago mo. You look so fresh and free! Ang pogi pogi mo oh, este ang ganda ganda pala.hehe."masayang papuri ng bunso kong kapatid na si Pia.

Gumanti lang ako ng isang matipid at mabilis na ngiti.

"Shut up, Pia!"suway ni Daddy sa kapatid ko. "You haven't answered my question yet, anong ginagawa ng isang baklang katulad mo sa lugar na ito?"matalim na tanong sa akin ni Daddy.

"Hon please, not in this place, maraming tao nakakahiya. Tsaka that's not the right way to greet your son whom you didn't see for three years. You could've at least given him a hug. He's you son!"ani Mommy.

Hindi ako sumagot at bagkus ay kinuha ang bag ko upang umalis sa lugar na ito. Wala na akong pakielam kung hindi ko maubos ang aking pagkain o marami pa ang matira basta lamang makalayo ako sa presensya ng pamilya ko.

"Where are you going? Stay! Wang kang bastos! Hindi pa tayo tapos mag usap"mataas na boses ni Daddy.

Napakislot ako dahil sa gulat.

Hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa aking ama.

"What are we going to talk about?"tanong ko habang nakatungo at pinipigilang ang galit na nagsisimulang lumamon sa aking puso.

"I asked you a question, you need to answer it"

"Nandito lang ako para kumain. At kung alam ko lang na magkikita tayo lahat dito edi sana ay sa ibang restaurant na lang ako nagpunta at kumain. Nawalan ako bigla ng gana."sagot ko.

Tila nabigla silang lahat sa aking sagot.

"Three years have passed but you are still the same. Isa ka pa ring bastos at walang modo!"napakuyom ako ng palad sa sinabi ni Daddy."You are such a disappointment to our family. Naturingan ka pa namang panganay pero hindi ka naging mabuting halimbawa dito sa kapatid mo. Talagang lumayas ka sa bahay para lang magpakabakla? Kaya no doubt walang narating ang buhay mo compared dito sa kapatid mo. Look at her now, she's going to be a doctor soon. At dahil nakinig siya at sinunod ang lahat ng utos namin sa kanya"

Tila tinuturok ng maraming karayom ang puso ko dahil sa mga salitang binabanggit ni Daddy.

He never gets tired of comparing me with my sister.

At dahil sa sakit na nararamdaman ko ay nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata. Napagakat ako sa labi upang pigilan ang luhang gustong lumabas.

"Pero ikaw, anong nangyari sayo? Akala mo ba na hindi namin malalaman that you are just working as an Administrative Supervisor? Saan nga ba iyon? Hmmmm. I don't know. Hindi naman kasi sikat yung napasukan mo kaya it doesn't interest me. And I know that you will say that you are proud of your job… pero hindi maipagkakailang mas malayo ang narating at mararating nitong kapatid mo kaysa sayo. Kung sinunod mo lang ang gusto namin at nagpakalalaki ka eh di sana-"

Pinutol ko ang sinasabi ni Daddy at nagsalita.

"Stop!"medyo mataas kong tono. Alam kong napapatingin na sa amin ang ibang mga kumakain dito sa loob pero wala na akong pakielam dahil kailangang kong sabihin ang mga gusto kong sabihin.

"Sa loob ng tatlong taon ay hindi ako kailanman humingi ng tulong sa inyo o nanghingi ng anuman mula sa inyo. Lahat ng meron ako ay pinaghirapan ko. Pinagpaguran ko. Tinrabaho ko. At hindi lang basta basta binigay ng kung sino sino lang. Tsaka ano naman ngayon kung nagpakabakla ako? Ano naman ngayon kung magiging doctor na itong si Pia at ako ay isa lamang Administrative Supervisor? At least I can do whatever I want now. At least I am free from the jail you call home. And I am free from all of you."

"As a family ay hindi ba dapat kayo itong magtatanggol at iintindi sa akin? Pero nasaan ang tinatawag na pamilya? Nasaan yung pang-unawa? Wala! Dahil kayo pa ang unang nangutya at tumaboy sa panganay ninyong anak. So I thinkI am not the disappointment here…. but you" mariin at ma-awtoridad kong sagot sa harap ni Daddy.

"I'm sorry, but I need to go. Mom. Pia…. Dad…."paalam ko. "Tara na Mang Goryo!"

"Teka ang dami pa nitong pagakin oh tsaka hindi pa ako tapos kumain!"reklamo ng matanda.

Hindi ko ito pinansin at lumabas na ng restaurant.

Kung magtatagal pa kasi ako rito ay baka kung ano pa ang masabi ko at ayokong mawala ang natitirang respeto ko sa tatay ko.

Paglabas ko ng restaurant ay dumeretso ako sa sasakyan ni Mang Goryo. Nagtago sa may bandang likuran ng sasakyan at doon inilabas ang galit at sakit na kanina ko pa kinikimkim.

Dito tumulo ang aking luha.

Hindi lang basta luha, kundi iyak.

Hagulgol.

Kinuha ko ang aking panyo sa bulsa at itinakip iyon sa aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ako makahinga dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

Hindi ko inaasahan na muli kong mararamdaman ang ganito pagkatapos ng tatlong taon.

===

===

===

Habang nasa bayahe pauwi ng aking unit ay hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni Mang Goryo at kunwari ay may tinatanaw.

Sobrang bigat ng mata ko at alam kong namumugto ito.

Napapansin ko na paminsan minsay tumitingin sa akin si Mang Goryo at tila ba may gustong sabihin pero hindi niya matuloy. Marahil gusto niya lang respetuhin ang aking nararamdaman at hayaan akong mag-isip.

Kitang kita naman rin kasi niya ng buo ang nangyari dahil nasa harapan niya kami ng magkita kita kaming pamilya at magkasagutan ni Daddy.

Pagdating sa condo ay ipinark niya ang sasakyan. Inalis ko ang aking seatbelt at kinuha ang aking wallet.

"Eto yung napagkasunduan natin. Pang-gas mo. Tsaka dinagdagan ko na rin bilang pagpapasalamat sa pinaranas mo sa akin kagabi at sa pagsama sa akin sa Tagaytay. Gusto ko muna mapag-isa ngayong gabi kaya kung maari lang ay iwan mo muna ako"ani ko at nag-abot sa kanya ng pera.

Nanlaki at nagningnging ang kanyang mata dahil hindi niya inaasahan ang ibinigay ko sa kanya.

"Tsaka isa pa pala, ayoko ng mauulit yung pagpapatuloy mo kayna Mang Raul at Kuya Glenn sa kwarto ko. Kung mayroon magpapatuloy sa kanila ay ako yun at hindi ikaw. Ako ang may ari ng bahay ko kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang patutuluyin ko at kailan. Gusto ko lang ipaalala yan sayo dahil baka nakalimutan mo. Wag mo sanang abusuhin ang kabutihang pinapakita ko sayo"pagkasabi ko nito ay lumabas na ako ng kanyang sasakyan at nagtungo sa elevator.

Umakyat ako sa aking unit at nilock ang pinto.

Ngayong gabi ay gusto ko munang mapag-isa at ayokong may makasama.

Hinubad ko ang aking sapatos at nagpunta ng kusina upang kumuha ng dalawang bote ng alak. Natira ito kagabi mula sa inuman nina Mang Goryo. Pagkatapos ay dumeretso na ako ng aking kwarto at binuksan ang aircon.

Nilagay ko ang dalawang bote ng alak sa may side table bago tumalon pahiga ng kama. Napapikit ako dahil sa sobrang sarap at lambot ng aking unan at kama.

Huminga ako ng malalim at pilit na inalis sa aking isipan ang nangyari kanina sa Tagaytay.

Binuksan ko ang isang bote ng alak at tinungga ito. Siguro ay mabilis ko itong nakalahati dahil sa tuloy tuloy kong pag-inom. Huminga lang ako saglit tapos lumaklak na uli ng alak. Tuloy tuloy ang aking paglunok kaya naman naubos ko agad ang isang bote.

Napatingin ako sa ikalawang bote sa aking tabi at agad itong sinunggaban.

Katulad ng nauna ay nilaklak ko ito na parang tubig. Halos maduwal ako pero pinilit ko itong ubusin.

Pagkatapos ay nahiga ako ng kama at hingal na hingal na tumingin sa kisame.

Naramdaman ako ng hilo at unti unti na ring bumibigat ang aking mga mata.

Hindi ko namamalayan na ilang saglit pa ay dinadalaw na ako ng antok. Pero bago pa man ako lamunin ng dilim ay may nasambit akong mga salitang hindi ko inaasahan.

"Daddy… sorry po"bulong ko.

"Anong sorry po? Puro ka na lang sorry! Hindi ka na nagtandang bata ka! Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ayokong nakikita kang nakikipaglaro sa babae!" sigaw nito at nagpakawala ng tatlong sunod sunod na latay sa aking pwet.

Nakadapa ako ngayon sa aming sofa, nakalabas ang pwet, at kasalukuyang pinaparusahan ni Daddy gamit ang kanyang sinturon. Nahuli niya kasi akong nakikipaglaro ng chinese garter sa mga kapit bahay naming babae.

Alam kong mahigpit na bilin ni Daddy sa akin na wag na wag akong makikipaglaro sa babae, pero dahil niyaya nila ako at gusto ko ring maglaro ay pumayag ako.

Pero hindi ko inaasahan na mahuhuli niya ako.

"Sinasabi ko sayo, Paulo! Kapag hindi ka nagtanda ay hindi lang latay ang ipatitikim ko sayo! Wala akong anak na bakla kaya hindi ka pwedeng babakla bakla! Nakakahiya sa mga kumpare ko!" sigaw ni Daddy at nilatayan pa ako ng dalawang beses sa pwet.

"Aray ko poooo! Tama na po! Susundin ko na po ang utos ninyo!!!! Wag niyo na po akong saktaaaannn! Please daddy!!! Tama na pooooo!!!!" pakiusap ko habang umiiyak.

Tila naman narinig ako nito kaya tinigil niya ang kanyang papaparusa.

"Isang pang beses na mahuli kitang nakikipaglaro sa babae, sinasabi ko sayo" sambit nito bago umalis.

Halos nanginginig ang aking buong katawan dahil sa takot at hapdi ng aking pwet. Patuloy pa rin ako sa paghikbi dahil sa walang tigil kong pag-iyak.

At dahil ayoko ng maparusahan uli ay nagdesisyon akong sundin ang utos ni Daddy at wag ng makipaglaro sa babae.

Naramdaman kong lumapit si Mommy sa akin at inalalayan ako.

"Ikaw naman kasi anak eh, bakit ba kasi sinuway mo ang Daddy mo. Alam mo namang ayaw na ayaw niyang nakikipaglaro ka sa babae. Tsaka ayaw niyang makikitang lalambot lambot ka. Ikaw itong panganay namin kaya hindi ka pwedeng lalamya lamya" sabi ni Mommy habang pinupunasan ang luha ko.

"Mommy fff hindi po ffff ba ako love ffff ni Daddy?" malungkot na tanong ko habang humikbi.

"Syempre naman love ka ng Daddy mo. Kaya nga pinagsasabihan at sinusuway ka niya kapag nakikita niyang may mali kang ginagawa eh. Tsaka para sayo rin ito para lumaki kang masunurin na bata" pang-aamo ni Mommy.

"Eh bakit niya po ako sinasaktan? Ffff… yung ibang mga kaklase ko po ay hindi naman sinasaktan ng Daddy nila eh. Bakit sinasaktan po ako ni Daddy?"

"Nadala lang si Daddy mo ng galit dahil sinuway mo siya. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na niya love. Yung ibang mga bata nga diyan ay hindi sinasaktan ng Daddy nila pero hindi naman sila love. Pero si Daddy mo love na love ka nun" ani Mommy habang pinupunasan ang aking luha at pawis.

Tumango lang ako at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Mommy, kayo po ba love niyo po ako?" tanong ko.

"Oo naman, anak. Bakit mo naman natanong yan?"

"Papaluin niyo rin po ba ako kapag nakita niyo akong makipaglaro sa mga bababe? Paano kung sabihin ko po sa inyo na gusto ko rin pong maging babae?" pagkatanong ko nito ay isang sampal ang ginawad sa akin ni Mommy.

"Wag na wag mong sasabihin yan uli, naiintindihan mo ba? Kapag narinig yan ng Daddy mo siguradong mapaparusahan ka niya uli. Tsaka ayokong maririnig sayo na gusto mong maging babae dahil lalake ka! At kailanman ay walang bakla dito sa pamilya natin"mariing sambit ni Mommy.

"Sige na magpunta ka na sa kwarto mo at tatawagin kita kapag kakain na" utos nito.

Halos ika ika akong nagtungo sa aking kwarto dahil sa sakit ng aking pwet. Nakahawak din ako sa aking pisngi dahil sa sakit ng pagkakasampal sa akin ni Mommy.

Pagpasok ko ng kwarto ay nagtungo na lang ako sa aking higaan at nahiga. Totoo ang sinabi ko kay Mommy kanina na gusto kong maging babae. Gusto kong naglalaro ng chinese garter, ng piko, ng jackstone, at anumang larong pambabae. Gusto ko rin magkaroon ng barbie na manika at sailormoon. Naiinggit nga ako sa ibang mga kapitbahay naming babae dahil malaya silang nakakapaglaro ng mga laruan na gusto ko. Habang ako ay eto, puro pag-aaral ang pinapagawa nina Mommy sa akin at puro laruang robot, kotse, at bola ng basketball ang nireregalo nila.

Minsan nakita ko ang mga kapitbahay naming babae na nagbabahay bahayan at naglalaro ng make-up. Dahil sobrang gusto ko ang kanilang ginagawa ay hindi ko namalayang napasali na ako sa kanila. Tinanggap naman nila ako at sinali sa kanilang ginagawa. Sinuklayan nila ang buhok ko kahit maiksi, tapos inipitan. Naglagay din sila ng flower crown sa aking ulo at sinabing mukha akong prinsesa.

Doon ako unang beses na nahuli ni Daddy at napalo ng sinturon.

Kahit na nine years old pa lang ako ay alam ko nang hindi ako lalake, at tanggap ko na iyon. Hindi ko lang talaga maintindihan bakit ayaw na ayaw ni Daddy ang aking gusto.

Ilang sandali ay kumatok si Mommy at sinabing handa na ang aming hapunan. Kaya naman lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa aming hapag kainan.

Kita ko ang fried chicken at hotdog na nakalagay sa aming lamesa.

Ngayon ay sama sama kaming lahat dito- si Daddy, si Mommy, at ang aking kapatid na si Pia.

"Pia, say grace" utos ni Daddy sa kapatid ko.

Lahat kami ay pumikit at sinimulan na nitong magdasal. Nang matapos ay nagsimula na kaming kumain.

Kukuha na dapat ako ng fried chicken ng suwayin ako ni Daddy.

"Hindi ka pwedeng kumain ng fried chicken. Punishment mo yan dahil hindi mo sinunod ang utos ko sayo. Ngayong gabi ay kanin lang ang kakainin mo at wala kang ulam"

"Pero gusto ko rin po ng chicken"

"I said no! Matuto kang makinig, Paulo! When I say no chicken, no chicken! When I say no hotdog, no hotdog!" mataas na boses ni Daddy.

Wala na akong nagawa kundi ang makinig na lamang at sumunod.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano kasarap kumain ng fried chicken si Pia at sina Mommy and Daddy, habang ako ay kanin lang ang nakalagay sa aking plato.

Ngayon ako nakaramdam na marahil ay hindi talaga ako mahal nila Daddy and Mommy. Siguro ay nagsisinungaling lang si Mommy kanina at ang totoo ay galit sila sa akin.

Lumipas ang mga araw at buwan na sinunod ko ang utos ni Daddy at Mommy. Grumaduate ako ng elementary at ngayon ay highschool na. Lumaki akong tahimik at hindi masyadong nakikipag usap dahil mas gustong mapag-isa. May mangilan ngilan akong kaibigan pero kahit sila ay hindi ko masyado kinekwentuhan.

Tsaka umiiwas rin ako sa mga pang-aasar ng mga kaklase ko dahil madalas nila akong tuksuhin na bakla. Minsan ay binubully rin nila ako at kinakantahan ng "Di ako bakla."

Isang araw habang naglalakad mag-isa sa mall ay nakakita ako ng magazine kung saan may hubad na lalake. Binili ko iyon at inuwi sa bahay upang basahin at …. pagpantasyahan. Ngunit sa kasamaang palad ay noong naglinis si Mommy ay nakita niya ang magazine sa aking kwarto at nasumbong niya ako kay Daddy.

Doon ko naranasan ang muling malatayan ng sinturon sa pwet.

At katulad noon ay walang nagawa si Mommy at ang kapatid kong si Pia.

Dumating ang college year. Sa panahong ito ay uso na ang maging totoo sa sarili kaya naman ginawa ko ang aking gusto. Sa bahay ay lalake ako kumilos pero pagdating sa labas at sa mga barkada ko ay tila isa akong babae.

Naging masaya naman ang aking buhay hanggang sa muli akong mahuli ni Daddy.

Dito ay inabot ako ng bugbog.

Pero alam ninyo kung ano ang mas masakit? Ang mga latay at sugat ay tiyak na gagaling, pero ang mga pangungutya at masasakit na salitang lumalabas sa bibig ng sarili kong ama ang tumatatak at tumatanim sa aking puso.

"Nakakadiri ka, Paulo! Ikinahihiya kita bilang anak ko! Wala akong anak na baklang katulad mo!" sigaw nito habang sinusuntok ang aking sikmura. Nakatali ang aking mga kamay kaya wala akong magawa.

"Please Daddy! Tama na pooooo. Wala naman po akong magagawa kung bakla po ako" pagkasabi ko nito ay muli akong sinikmuraan ni Daddy.

"Ah ganun ha? Tingnan natin kung masasabi mo pa yan dito sa gagawin ko sayo" sinabunutan niya ang aking ulo at dinala sa aming CR. Pinuno niya ng tubig ang isa sa aming balde at doon niya nilublob ang aking ulo.

"Tama na pooooooo! Nasasaktan ak-----ummmmmmmmppppppp" muling nilublob ni Daddy ang aking mukha sa balde.

Halos malunod ako sa kanyang ginagawa at hindi ko na maintindihan ang kanyang sinabi.

"Kung magpapakabakla ka ay lumayas ka na dito sa pamamahay ko. Nakakahiya ka! Hindi kita anak! Wala akong anak na katulad mo! Nagsisisi akong ipinanganak ka pa sa mundong ito!!!!" galit na galit na sigaw ni Daddy.

Naririnig kong umiiyak si Mama at Pia di kalayuan pero wala silang magawa.

"Tama na po ……" hingal kong sambit. "Tama na pooooo. Parang awa niyo na Daddy tama na po…." dagdag ko habang habol ang hininga.

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo, Paulo. Wala akong anak na bakla. At kung gusto mong magpakabakla ay kalimutan mo nang may pamilya ka at lumayas ka dito sa bahay ko. Bukas na bukas ang pintuan para sa pag-alis mo! Kuntento na kami na si Pia ang anak namin dahil kailanman ay hindi niya kami sinuway! Mas ipinagmamalaki pa namin ang kapatid mo kaysa sayo!" ani Daddy bago ako iniwan sa CR.

Patuloy sa pag-iyak nina Mommy at Pia, pero ako ay nakakaramdam ng inis dahil wala man lang silang ginawa.

Wala silang ginawa kundi ang umiyak habang pinapanood ako.

Napamulat ako ng mata ng bigla akong dalawin ng mga ala-alang iyon.

Muling bumigat ang aking puso at nangilid ang luha sa aking mga mata.

At dahil wala akong kasama, ay kinuha ko ang unan sa aking tabi at isiniksik ang aking mukha roon.

At muling umiyak.

Itutuloy…