1. Home
  2. Stories
  3. My Unfaithful Heart - Chapter 2
Filipino Sex Stories

My Unfaithful Heart - Chapter 2

By van_themaster ·

Chapter 2

Kanina pa wala sa kanyang harapan ang bago nilang General Manager ay parang hindi pa din nakakabawi sa kanyang tamang wisyo si Lauren. Dahil sariwa pa sa kanyang alaala ang paraan ng pagtitig sa kanya ng lalake.

"Dios ko Lauren, 'wag ka namang assuming."

Napailing na lang ang dalaga sa kanyang sarili.

"Twelve na pala."

Nagmamadaling kinuha ni Lauren ang pangharang sa ilalim ng kanyang lamesa para ipaalam sa mga customer na sarado na ang kanyang kaha. Naglakad siya patungo sa locker room upang kunin ang kanyang pagkain na dala.

Kakaiba ang ngiti ng kanyang kaibigang si Mildred ng makita siya. Naipagpasalamat na lamang niyang may iba pa silang kasama sa locker room kung hindi ay tiyak na pinakawalan na ni Mildred ang nitong sabihin na ayaw niyang marinig. Nasaksihan kasi ng kaibigan ang sandaling laman pa din ngayon ng kanyang isipan.

"So?"

"Anong so?"

Isinarado na ni Lauren ang kanyang locker pagkatapos kunin ang kanyang balutan at saka lumakad na palabas.

"So, may share ako dyan sa baon mo ang ibig kong sabihin." Ang natatawang sabi ni Mildred sa nagmamadaling s Lauren.

"Sarilinan mo na lang kung may iba ka pang gustong sabihin kung gusto mong sumabay sa akin ng pagkain sa canteen."

"Minsan ka lang magbaon at kapag nagbaon ka naman ay panalo sa luto. Kaya, okay, fine. Sasarilinin ko na lang yung gusto kong sabihin."

Pagkatapos humati sa ulam ni Lauren ay isang malapad na ngiti ang nasa mukha ni Mildred.

"Dahil nakahati na ako, so pwede ko ng sabihin yung gusto kong sabihin."

"Tumigil ka nga."

Sumubo muna ng isa si Mildred at nagsimulang kumain.

"Bakit? Alam mo ba kung anong sasabihin ko?"

"May ideya ako sa gusto mong sabihin kaya manahimik ka na lang dyan at kumain."

"Uyyy, defensive?"

"Mildred, kapag hindi ka talaga tumigil. Lalayasan kita dito." Ang inis na tugon ni Lauren na naiinis na talaga. Ngunit mas higit iyon sa kanyang sarili kaysa sa kaibigan. Dahil nangibabaw sa kanya kanina ang pagiging natural sa isang babae kaysa sa mas dapat niyang maramdaman.

"Okay, stop na ako. Promise."

At saka silang dalawa nagpatuloy na sa pagkain.

Tumunog ang cellphone ni Lauren at binasa ang mensaheng naroon.

"salamat sa tanghalian, ang sarap mo talagang magluto"

Pasimpleng hinanap ng paningin ni Lauren ang nobyo at nang makita niya itong nakatingin din sa kanya na kasama si Reden ay mabilis siyang nagreply.

"labas tayo mamaya para makabawi ka"

Nais sanang umuwi ng maaga mamaya ni Lauren ngunit dahil sa nais na makabawi sa guilty feeling na nasa dibdib niya ay mas pinili niyang makasama na lamang ang kasintahan.

Dahil sa nabasang mensahe ay naging magaan ang pakiramdam ni Luis. Muling nanumbalik ang tiwala niya sa sarili at sa pagmamahalan nilang dalawa. Wala siyang dapat na ipag-alala dahil buo ang tiwala niya sa pag-iibigan nila.

"okay, wait na mo na lang ako mamaya sa dati"

Pagkatapos bigyan ng tipid na ngiti ang nobyo ay ipinagpatuloy na ni Lauren ang pagkain. Walang magbababago sa nararamdaman niya para kay Luis. Nagmamahalan silang dalawa at yun ang mas mahalaga sa kanya. Aminado siyang nakaramdam siya ng kakaiba kanina ngunit iyon ay natural lamang sa isang dalagang tulad niya. Sapat ng minsan siyang napahiya sa kanyang sarili at ipinangako niyang hindi na iyon mauulit pa.

"Wala si Anna ngayong araw diba? Eh di overtime ka mamaya?" Ang tanong ni Mildred na tapos ng kumain.

"May lakad ako mamaya."

"May lakad ka, o may lakad kayong dalawa?"

"Oo na, may date kami mamaya. Para matigil na yang napakalikot mong kukote sa pag-iisip ng kung ano-ano."

Pabalik na ang magkaibigan sa kanilang Locker Room ng mapansin nilang kausap ng kanilang manager ang lalakeng siyang dahilan kung bakit may guilty feeling nararamdaman si Lauren. Dahil sa direktang nasa daraanan ang mga ito ay hindi maiwasan ng dalaga na muling mapagmasdan ang kabuaan ng lalake. Mula sa elegante nitong pananamit at matikas na tindig, hanggang sa magandang pangangatawan patungo sa napakakisig talaga nitong mukha.

Tahimik silang lumampas ni Mildred at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Pagkatapos tingnan muli ang sarili sa salamin ng kanyang locker ay padabog na isinara iyon ni Lauren.

"At bakit?" Ang tanong ni Mildred.

Natigilan naman si Lauren at lalong nainis sa sarili.

"Tara na nga sa loob." Ang yakag ni Lauren sa kaibigan at hindi na sinagot ang tanong nito.

*****

Nakasandal sa kanyang upuan si Tristan habang hawak sa isang kamay ang nakabukas na folder.

"Lauren Ramirez"

Isinara ang hawak na folder at saka ipinatong iyon sa kanyang lamesa.

Nagring ang kanyang cellphone sa lamesa at bantulot na sinagot iyon.

"Hello."

"Hello to you as well." Ang tugon ng nasa kabilang linya. "Still remember my voice?"

Isang matalim na paghinga ang pinakawalan ni Tristan.

"What can I do for you Jas?"

Napangiti naman si Jasmine mula sa kabilang linya. Na kahit sa paglipas ng ilang taon ay tanda pa din ng dating nobyo ang boses niya.

"I've heard you've been back for a couple of weeks already. I just thought na at least I should give you a call."

"I can't see any reason why you have to." Ang tugon ni Tristan habang nilalaro sa lamesa ang hawak niyang panulat. Parang kailan lang sa kanya ng masaya nilang kapiling ang isa't-isa. Ngunit ngayon ay iba na ang pakiramdam niya. "How do you get this number?"

"Tristan, napakahirap ba nung alamin…, if you know the right people to ask."

"How right you are?"

"I've met a friend the other day and just found out that you're back."

"I see."

"Hm, Tristan…"

"Yes?"

"Is it possible for you and me to, you know, meet up? And don't talk like we're strangers to each other over the phone . Or asking that is still a bit too much?"

Hindi muna sinagot ni Tristan ang mga tanong ni Jasmine. Inaarok ang nararamdaman ng sarili niyang damdamin. Naroon pa din ang kirot sa kanyang dibdb sa sugat na akala niya ay tuluyan ng naghilom dahil sa paglipas ng mga taon.

"Do you really want to?"

Dahil sa narinig ay nilakasan ni Jasmine ang kanyang loob.

"How about I invite you to a friendly dinner then. Just you and me, for old time's sake Tristan."

"Okay, let's meet up."

"Are you free tonight?"

"I am."

"I know a very good place. Let's meet there."

Pagkatapos ibigay ni Jasmine ang detalye ng lugar at oras ay nagpaalam na din ang dalaga.

"See you later then."

"Yeah."

Ibinaba ni Tristan ang kanyang cellphone sa lamesa at muling tinapunan ng tingin ang folder sa harap niya. At saka siya tumayo at lumapit sa dingding na salamin. Binuksan ang blind curtain at pinagmasdan ang malawak na lugar sa malaking pamilihan na iyon. Ang karamihan ay abala at marami ding customers ang namimili sa loob. Itinuon ang pansin sa dako ng kaha ni Lauren na malayo ang distansya mula sa itaas na kinaroroonan niya.

"What are you going to do now Tristan?" Ang nasa isip niyang tanong para sa sarili. Dahil isang empleyada ang ngayon ay umaagaw sa kanyang atensyon. Ngunit may isa din naman na parang nais na ipaalala sa kanyang ang kahapong nais na niyang isara.

*****

Malayo pa lang ay nakangiti na si Luis ng masilayan ang nobyang nakatingin din sa kanya. Ngunit mas lalo pang lumago ang sayang nararamdaman ng binata ng kumapit sa kanyang braso ang kasintahang ngayon ay katabi na niya.

"Saan tayo?" Ang masayang tanong ni Luis.

"Hm. Samahan mo akong bumili ng damit." Ang nakangiting tugon naman ni Lauren.

"Tara, bumili ka ng dalawa o tatlo, ako ng magbabayad." Si Luis na ngayon ay kasabay ng naglalakad si Lauren.

"Uy, galante."

"Masaya lang ako."

"Bakit naman?"

"Kasama kita eh."

Ngumiti si Lauren sa nobyo at inilapat ang kamay mula sa braso papunta sa palad nito.

"Corny mo talaga. Pero masaya din akong kasama ka."

Nakatigil naman ang daloy ng trapiko habang nasa loob ng kanyang malamig na sasakyan si Tristan. At ng paaandarin na niyang muli ang sasakyan ay nahagip ng kanyang paningin mula sa gilid ng kalsadang dadaanan niya ang naglalakad na si Lauren at Luis. Wala siyang relasyon sa empleyada ngunit bakit parang kaybigat sa kanyang dibdib ang nakikita sa dalawa.

Pilit niyang itinuon ang mga mata sa lansangan at saka pinaandar na ng tuluyan ang sasakyan. Ngunit hindi niya napigil ang sarili na muling tingnan sa kanyang side mirror ang dalawang naglalakad na para bang kaybagal ng bawat sandali para sa kanya. Ang nakatalikod na si Lauren ay masayang kasama ng iba.

Muling ibinalik ni Tristan ang paningin sa daan at saka matulin na pinatakbo ang sasakyan. Wala siya sa lugar para magalit ngunit mainit ang pakiramdam niya.

Pagpasok ni Tristan sa loob ng isang mamahaling restaurant ay kaagad siyang nilapitan ng isang staff. Itinuro ang kinauupuan ng babaeng kakatagpuin na bahagyang nagtaas ng kamay ng nakita siya.

Habang naglalakad palapit kay Jasmine si Tristan ay naroon ang kaba at excitement na magkasama sa loob ng dalaga. Dahil kahit nasa loob na siya ng isang relasyon ay ibang lalake pa din ang pinili niyang kasama ngayon.

"As usual, I got here first." Ang may himig pagbibirong sabi ni Jasmine habang nakatitig sa mukha ni Tristan.

"Traffic." Ang kaswal na tugon naman ni Tristan at saka siya naupo na kaharap ang dalaga.

"So, how's life?" Si Jasmine.

"Doing very good, I guess."

"You guess?"

"My life is just fine Jas… How about you?"

"Hm, quite successful in my career, I guess."

Isang tipid na ngiti ang naging tugon ng binata sa parang pagbibirong sagot ni Jasmine.

Natigil sila pag-uusap ng lumapit ang waiter sa table nila at ibinigay ang menu sa kanila. Pumili sila ng kanilang kapwa gusto at pagkatapos ay iniwan na din ulit sila nito.

"Still no ring?" Ang tanong ni Tristan.

"I'm in a steady relationship right now but we're still both busy pa sa career."

"Of course you are. You love your career morethan anything." Ang malamig na sabi ni Tristan.

Natigilan naman si Jasmine dahil sa narinig at nakikita niyang ekspresyon sa mukha ng binata.

"It's my wishful thinking that our conversation will not go to that part."

"My apology then."

Napailing naman si Jasmine at saka tumingin sa labas saglit at pagkatapos ay muling hinarap si Tristan.

"What happened to us? It's entirely my fault. If someone needs to apologize, it should be me."

Nanatiling nakatingin naman si Tristan kay Jasmine.

"So, do you want it Tristan? My apology."

Umiling naman si Tristan.

"I'm done getting too attached to the past. We're living the present and that's more important."

Pilit na ngumiti si Jasmine.

"You've said that you're in a relationship. Is it the same guy? "

Napailing naman si Jasmine.

"No Tristan, it's someone new… How about you? Are you seeing someone?"

"Since we broke up, none."

"With your status and everything. I can't imagine na you're having a hard time finding a suitable replacement for me." Ang muling pagbibro ni Jasmine upang mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya.

"I've learned my lessoned Jas."

"You've changed."Si Jasmine.

Ngumiti namang muli si Tristan.

"So, how long are you gonna stay?"

"I think I'm going to settle here for good now. I have given this enormous task and it's my top priority. And my father's health is declining so I have to make sure that both him and the company are properly being taken care of."

Nang dumating ang mga ihinandang pagkain para sa kanila ay saglit silang natigil sa pag-uusap.

"How convenient for you Jas?"

"Be specific?"

"You're in a relationship with someone. But here you are, dining with me."

"Tristan, it's a friendly dinner remember."

"Some guy would have a hard time believeing that."

"I wanted this meeting, so I'll have the consequences too if there's any."

Pagkatapos nilang kumain ay hindi muna agad tumayo ang dalawa.

"Tristan."

Tiningnan naman ni Tristan si Jasmine.

"How about some wine?"

"Sure, why not?"

"I mean, not here.., but in my place."

Sumandal si Tristan sa kanyang upuan habang nilalaro ang lamesa ng kanyang ilang daliri. Inaarok sa ekspresyon ni Jasmine ang sinabi ng dalaga na nais nitong mangyari.

"Come on Tristan, there's nothing to it. Just some good wine and a proper closure na hindi natin nagawa noon."

Pinagmasdang mabuti ng binata si Jasmine na hindi nagbago ang taglay din namang ganda maging ang katawang alaga din ng dalaga. Hindi si Jasmine ang uri ng magsasabi ng ganitong paanyaya na kapwa nila alam ang maaaring kahantungan. Hindi naman siya manhid at wala sa kanya ang kawalan.

"If you insist."

"I am." Ang nakangiting tugon ni Jasmine.

*****

Kasalukuyang naghihintay ng masasakyan pauwi sina si Luis at Lauren na magkahawak pa din ang kamay na parang kapwa ayaw na nilang pakawalan. Nakapamasyal na sila sa kung saan, at nakapamili ng ilang damit, at pagkatapos ay kumain sa kainang paborito nila at ngayon ay pauwi na.

Ngunit ang kanilang kaligayahan ay mabilis na naglaho ng tumapat sa kanila ang minamanehong dyip ng ama ni Lauren na ngayon ay madilim ang mukhang nakatingin sa magkasintahan.

Mabilis na naghiwalay ang kamay ni Lauren at Luis na kapwa binalot ng takot dahil sa ama ng dalaga.

"Hindi ka pa ba sasakay?" Ang madiin na tanong ni Ramon habang galit na nakatingin sa anak.

"U-Una na ako Luis."

At saka nagmamadaling sumakay sa dyip si Lauren.

Isang matalim na tingin ang ibigay ni Ramon kay Luis at saka niya pinalayo na ang sasakyan. Naiwan naman si Luis na nag-aalala para sa nobya.

Hindi na itinuloy pa ni Ramon ang pamamasada at pinababa na ang ilang pasaherong sakay pagtapat ng sasakyan sa kanto ng papunta sa tinitirhan nila. Tuluyan ng iginarahe ang dyip sa bahay at saka galit na hinarap ang anak na dalaga.

"Sinabihan na kitang bata ka! Pero ang tigas ng ulo mo! Pumasok ka sa loob!"

Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Lauren na pilit na ihinahanda ang sarili sa alam niyang hindi pa tapos na galit ng kanyang ama.

"T-Tay, makinig muna po kayo sa akin."

"Makinig. Bakit? Kulang pa ba yung nakita kong sa kalsada ka pa lumalandi kasama ng lalaking iyon. Putang-ina naman Lauren! Hindi ako ipinanganak kahapon."

"R-Ramon, anong nangyari?" Ang tanong ni Lucila na lumabas sa kwarto nilang mag-asawa kahit nahihirapan pa.

Ang dalawang kapatid naman ni Lauren ay nahihintakutang nanatili na lamang sa kusina.

"Itong anak natin, kaya pala ginagabi ng uwi ay naglalandi na!"

"Lauren, anak…"

"I-Inay, wala naman po kaming ginagawang masama ni Luis." Ang halos naiiyak ng katwiran ni Lauren.

"Lauren, tingnan mong inay mo, tingnan mong buhay natin. Tapos papatol ka lang din sa tulad ng Luis na iyon. Wag ka namang magpakatanga!"

"T-Tay…"

Nilapitan ni Ramon ang anak na bahagyang napaatras.

"Itigil mo na yang kung ano mong relasyon sa lalaking iyon. Kung hindi, malaman ko lang, mahuli ko pa kayo ng isang beses, kahit saan? Kakaladkarin kita pauwi at itatali kita dito sa bahay. Tandaan mo yang sinabi ko. Tandaan mo!"

Pabalabag na isinarado ni Ramon ang pintuan ng bahay at saka siya nagmamadaling lumabas.

Niyakap naman ni Lucila ang lumuluha niyang panganay.

"Uhu, uhu…" Pinigil ni Lucila ang pag-ubo at saka niyakap ang anak na yumakap din naman sa kanya. "Tahan na anak, unawain mo na lang ang iyong ama."

"Alam ko naman po yun nay. Pero nahihirapan na din po ako."

Itinaas ni Lucila ang mukha ng anak.

"May karapatan kang pumili ng mamahalin anak."

"N-Nay…"

"Lumayo kayo ni Luis at mauunawaan ko."

"I-Inay…"

"Matanda na ako anak…, ayaw kong maging hadlang sa kaligayahan mo. Wala akong ibang maibibigay sayo Lauren kung hindi ang kaligayahan na nais mo."

"Uhu-Uhuh… Uhu…"

Tinakpan ni Lucila ang bibig at saka buong pagmamahal na tumingin sa magandang mukha ni Lauren. At saka hinaplos ang mahaba nitong buhok. Alam niyang kakaunti na lamang ang panahong mailalagi niya. At ang nais niyang ang huling regalo sa anak ay ang makamtam ni Lauren kaligayahang pinapangarap nito.

Niyakap naman ni Lauren ang kanyang ina. Nalilito sa kung anong dapat niyang gawin. Sino ang mas mahalaga at sino ang kanyang pipiliin.

Kahit hindi masyadong aninag dahil madilim sa parteng tinitingnan ni Luis ay alam niyang si Mang Ramon ang lalakeng nakatayo doon. Ihinanda ng binata ang sarili sa alam niyang galit pa ding ama ni Lauren na natitiyak niyang siya ang hinihintay.

"Luis, pwede ka bang makausap saglit."

"M-Maaari po Mang Ramon."

"Hindi ko na sasayangin pa ang oras mo. Isa lang ang gusto kong mangyari. Layuan mong anak ko at humanap ka ng iba."

Hindi naman magawing tugunin ni Luis ang sinabi ng matanda.

Nilapitan pang mabuti ni Ramon ang binata at matiim itong tinitigan sa mga mata.

"Hindi pa nakakatikim ng palad sa akin si Lauren, pero malaman ko lang na may relasyon pa din kayong dalawa pagkatapos nating mag-usap. Paga ang mukha na papasok sa trabaho ang anak ko."

"M-Mang Ramon." Ang nahintakutang nasabi na lamang ni Luis.

"Ngayon, kung ayaw mong makarating tayo sa puntong iyon. Layuan mo ang anak ko."

Tinalikuran na ni Ramon si Luis at saka binaybay ang daan patungo sa kanilang bahay. Hindi ang tulad lamang ni Luis ang nararapat sa kanyang anak na siyang mutya ng kanilang lugar. Dahil si Lauren ang kanyang pag-asa para maging maayos ang kondisyon ng kanyang asawa at mahango ang kanilang buhay sa kinasasadlakang kahirapan.

*****

Pagkatapos magsalin ng wine sa dalawang mataas na baso ay nagtungo na si Jasmine sa balcony kung saan naroong naghihintay sa kanya si Tristan. Habang palapit sa kinaroroonan ng nakatalikod na binata ay hindi maiwasan ni Jasmine na hindi maalala ang mga sandling yakap niya ang matipunong katawan ni Tristan. Mga sandaling kahit matagal ng tapos ay alam niyang pinanabikan pa din niya.

"Do I have your approval of this place?"

Inalis ni Tristan ang dalawang kamay na nasa barandilya at saka hinarap ang nagsalitang dalaga.

"I think no one will not aprroved of it. Just the outside scenery at night is worth the cost of this place."

"Thank you." At saka iniabot ni Jasmine kay Tristan ang dala niyang isang baso.

Lumapit din sa may tabi ng barandilya si Jasmine at tumingin sa madilim na kapaligiran na binibigyang liwanag ng mga ilaw sa daan at ng iba pang magkakatabing gusali.

"But all of what I have now comes with a price."

Uminom ng bahagya si Jasmine at saka hinarap ang katabi na ngayong binata.

"Hindi ko sinasabing pinagsisisihan ko ang decision na pinili ko. But everytime that moment comes to my mind, when you found out what I'm hiding to you. I have this uneasy feeling, about what happened to us."

Uminom din ng bahagya si Tristan habang nakatingin sa dalagang ngayon ay nanatiling nakataas ang paningin sa kanya.

"Did you love him?"

"No Tristan. I never did."

"But you did enjoy every moment of it?"

"It's already too late for us kung ngayon pa ako magsisinungaling sayo. So, yes, I do enjoy every moment of it."

"Then what about us that time? Laro lang din sayo?"

"The moment I've spent with you comes with a special feeling. It's more real…, you might not believe it Tristan but I'd love you. But…, when I'm with him, it's a different but with the same passion. I can get what I desires in my own way and pleasures is just a natural part of it."

Alam ni Jasmine ang hatid ng kanyang mga salita kay Tristan ngunit nais niyang maging totoo sa binata.

"And you're thinking na hindi ko kayang ibigay sayo ang lahat ng gusto mo?" Iba ang tono ngayon ni Tristan.

"You can, but I want to have it on my own. To know what I'm capable of just to achieved my dreams is sure enough to disappoint you. Or rather, you might hate me for that."

Gumuhit ang pait sa dibdib ni Tristan ngunit tinanggap ang kabuuan ng pag-amin ng dalaga.

"It's all in the past now Jas, and I appreciate the honesty."

Inubos ni Jasmine ang laman ng kanyang baso at saka niya iyon ipinatong sa may barandilya.

"Alam kong mahirap sayo ang patawarin ako Tristan, but I'm hopeful na you'll find it in your heart to do so."

"Time will tell Jas."

Ngumiti naman si Jasmine at nilapit ang sarili sa binatang nakatingin pa din sa kanya.

"Now Tristan, I want our closure to be in my terms too. You already have it played in your mind, don't you? You, here in my place and being alone with me."

Kinuha ng Jasmine ang may laman pang baso ni Tristan at ipinatong din niya iyon sa may barandilya.

"Do you want it?"

"Are you sure about this Jas?"

Idinantay ni Jasmine ang isang palad sa matigas na dibdib ni Tristan, habang ang isang kamay naman niya ay inilagay sa may batok ng binata.

"Why asked a question that you already know the answer."

Marahang kinabig ni Jasmine ang batok ng binata palapit sa kanya. Pinagmamasdang mabuti ang napakakisig nitong mukha na minsan ding naging kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka buong pananabik na tinanggap ang halik na kaytagal din niyang inasam na muling malasahan.

Ngayon ay kapwa sila nakayakap sa isa't-isa habang mainit na magkahinang ang kanilang labi. Nagsimulang gumawi ang dalawa papasok sa loob habang patuloy sa kanilang ginagawa. Pagkapasok pa lang sa loob ng condo ni Jasmine ay mabilis na ibinaba ni Tristan ang magkabilang strap sa bestidang suot ni Jasmine habang ang dalaga naman ay nagmamadali ding inaalis ang bawat butones sa polo ng binata.

Kapwa lalong uminit ang pakiramdam ng dalawa ng unti-unting nasisilayan ang kahubaran ng bawat-isa.

Alam ni Jasmine na mali dahil nasa isang relasyon siya. Nalalaman din niyang walang pangako ng bukas ang lalakeng nais niyang makapiling ngayong gabi. Ngunit hindi niya kayang dayain ang kanyang sarili. Dahil sa lahat ng lalakeng dumaan sa kanyang buhay ay si Tristan ang nag-iisang espesyal na sadyang hinahanap-hanap pa din niya.

Isa-isang nahulog sa sahig ang bawat saplot na nahuhubad sa kanila. At ng ganap ng tumambad kay Tristan ang mayamang dibdib ni Jasmine ay saglit siyang tumigil sa ginagawa.

"Still as beautiful as ever Jas…"

At saka buong sarap na isinubo ni Tristan ang isang brownish na utong habang yakap naman ng isa niyang kamay ang likuran ng dalaga.

"Ahhh…, ahhh…."

Ang mga masasarap na daing ni Jasmine na ngayon ay dinadama naman sa kanyang isang dibdib ang masarap na pagsupsop doon ng binata.

"Tristannn….."

Mahigpit na ang pagkahawak ni Jasmine sa buhok ng binata ng sinimulan nitong kagat-kagatin ang isa niyang nipple. At saka naman susupsupin ulit at didila-dilaan ng paulit.

"Hmm-mmm", "hm-mmmm"

Muling bumalik ang labi ni Tristan sa labi ni Jasmine na ngayon ay magkahinang na naman. At ng nagsimula ng ipasok ni Tristan ang kanyang dila sa loob ng bibig ng dalaga ay kaagad naman itong tumugon.

Buong sarap na nilulunok ni Jasmine ang bawat magkahalong laway na pumapasok sa kanyang lalamunan. Inilalaban ang kanyang dila sa bawat paghaplos doon ng binata.

"Hmm-mmm"

Gumawi pa sila papunta sa direksyon ng kwarto ng hindi tumitigil sa palitan nila ng laway. Binuksan ni Tristan ang pinto at saka isindal doon ang dalagang buong pananabik na nakatingin sa kanya.

"Kiss me more, damn it." Ang sabi ni Jasmine at saka kinabig na muli ang batok ni Christine.

Pagkatapos ng isang mainit na paghihinang ng kanilang labi ay muling bumaba ang labi ni Tristan papunta sa leeg na kanyang dinidilaan ngayon. Habang ang isa niyang kamay ay nilalamas ng mariin ang isang dibdib na wala siyang pakialam mamaga man ng husto.

"Tristannn…."

Ramdam ni Jasmine ang mariing paglamas at paglalaro ni Tristan sa kanyang magkabilang dibdib. Ngunit ang sensayong dulot naman niyon ay masarap sa kanyang mainit ng katawan.

Hindi tinigilan ni Tristan ang dalawang mayamang dibdib ni Jasmine hanggang hindi iyon namumula at puno na ng laway niya. Alam niyang sensitibo doon ang dalaga at natitiyak niyang naglalawa na ito ng husto.

Pinasadahan ni Tristan ng halik ang tyan pababa at ng ganap na siyang nakaluhod ay walang paalam niyang hinila pababa ang panty na tumatakip sa itinatagong basang hiwa ni Jasmine.

Kapwa lalong uminit ang pakiramdam nila habang nasa ganung ayos silang dalawa. Si Tristan ay nagliliyab ang pakiramdam habang nakatingin sa katambukang napapalibutan ng may kakapalan ding mga bulbol. Ang bawat mainit na paghinga naman ni Tristan na nararamdaman niya sa kanyang pagkababae ay ibayong pananabik ang ibinibigay kay Jasmine.

"Ahh…"

Napaungol na lang si Jasmine ng salatin ng isang daliri ni Tristan ang kanyang mainit na naglalawa ng lagusan. Ganap na siyang ipinagkanulo ng sarili niyang katawan at matagal na niyang kinalimutan ang salitang moralidad.

A napasabunot sa buhok ng binata si Jasmine ng maramdamam niya sa kanyang hiwa ang bibig nitong ngayon ay kumakain sa kanya.

"Ahhh…"

Ang bawat hagod ng dila ni Tristan sa kanyang lagusan paakyat sa kanyang tinggel ay napakasarap na kiliti para sa dalaga.

Ilang ulit ding pinasadahan ng dila ni Tristan ang buong hiwa ni Jasmine. Nais na ganap na pakatasin iyon bago niya tigilan. At ng nagsimula ng magpakawala ng mainit na nektar si Jasmine ay labis siyang nasiyahan.

Itinayo ni Tristan ang kanyang katawan at muling hinalikan sa labi ang dalaga.

"Let's go to bed Tristan…"

Hinila ni Tristan palapit sa kama si Jasmine at saka itinulak ang dalaga doon. Habang ibinababa ni Tristan ang kanyang katawan upang tabihan si Jasmine ay inaayos nila ang pwesto nila sa kama. Muling naghinang ang kanilang labi habang dakot ng isang kamay ni Tristan ang makapal na mga bulbol sa kayamanan ni Jasmine.

"Ah!"

"Tell me Jas?" Ang madiin na tanong na Tristan.

"W-What?"

"How many men you have slept with?" At saka ipinasok ni Tristan ang kanyang gitnang daliri sa basang lagusang dakot niya.

"Ahh…"

"What's the point of lying to you now Tristan…, youre my third at alam mo na yan. Then him, and after him-"

"You can say his name now Jas, what difference it could make?" Si Tristan habang patuloy na dinadaliri ang pagkababaeng alam niyang nagmamakaawa ng pasukin niya.

"A-After ni Sir Mike, I have another t-two.., f-fuckk… threee.."

"Seven cocks? But it suits you Jas…, I'm not even surprised anymore."

"Ahhh…, ahh.. Does it turn you on Tristan? To be aware of the fact how slutty I am?"

"It does Jas…" Ang tugon ni Christine na lalong binilisan ang ginagawang pagsundot sa loob ng lagusang nilalaro niya.

Muling siniiil ng halik ni Tristan si Jasmine habang patuloy na nilalaro ang hiwa ng dalaga. Mainit na palitan ng laway habang nag-eespadahan ang kanilang dila.

"Hmm-mmm…."

At muling bumaba ang mga halik ni Tristan at ngayon ay nilalamas na naman ang dalawang mayamang dibdib habang salitang nilalawayan at sinusupsop ang mga iyon.

"Ohhh… Fuckk…"

Ang mga impit na daing ni Jasmine na ngayon ay ganap ng nakabukaka ang dalawang hita. At sa pagitan niyon ay naroon na naman si Tristan na dalawang daliri na ang nakapasok sa loob ng kanyang lagusan habang dinidilaan na naman ng pauli-ulit ang kanyang tinggel.

"Ahhh…., ahhhh.."

Basang-basa na ang bibig at dalawang daliri ni Tristan ng tumigil na siya sa pagbibigay ligaya sa nakabuyangyang na mabulbol na pagkababae ni Jasmine.

Umalis si Tristan mula sa kama at saka tumayo sa may gilid nito. At hindi inaalis ang paningin sa kahubaran ni Jasmine habang hinuhubad naman ang kanyang pantalon. At ng ganap ng nakalaya ang kanyang ipinagmamalaking sandata ay inilapit iyon sa bibig ng nakahigang dalaga.

"It's your turn now?"

Walang alinlangang ibinuka ng maluwang ni Jasmine ang kanyang bibig at saka ipinasok sa loob niyon ang pinakamalaking ari na kanyang natikman.

"Hmm-mmm-mmm…."

Dahil sa nakikitang masarap na ekspresyon mukhan ni Tristan ay lalo pang pinagbuti ni Jasmine ang ginagawa niyang pagsubo. Ngayon ay hawak na banayad na hinihimas ng kanyang isang palad ang bayag ni Tristan habang sumusupsop siya.

Lahat ng lalakeng nakatalik niya ay nakatikim na din naman ng ganito sa kanya. Ngunit ibang sadya ang mataba at malaking kargada ni Tristan. Na ang pinakamalapit niyang maaaring ihalintulad ay ang dati niyang may edad na nakarelasyon na boss niyang si Sir Mike.

"Hahh… mmm…."

"Ahh!!!"

Natigil sa pagsubo si Jasmine ng magsimulang ilabas-pasok na naman ni Tristan ang dalawa nitong daliri sa kanyang naglalawang pagkababae.

"Jas, don't stop…" Ang utos ni Tristan.

Muling isinubo ni Jasmine ang nagbabagang ari ng binata na parang bakal sa tigas habang buong sarap ding nilalasap ng kanyang lagusan ang ginagawa ni Tristan.

"Ahhh!! Tristann…"

Muling nakalaya sa bibig ni Jasmine ang pagkalalake ni Tristan dahil sa mabilis na ngayong pagdaliri doong nararamdaman niya.

Sa isang bisig na ngayon ni Tristan nakahawak si Jasmine habang nakapikit. Dahil mas mabilis na ngayon ang ginagawang pagdaliri sa kanya. Walang tigil at marahas ngunit sadyang napakasarap naman sa pakiramdam.

"I'm cummingg…." "AHH!!!" "Ahhhh!!!"

Abot ang paghingal ni Jasmine na nanatiling nakabukaka ng bahagya.

Si Tristan naman ay nilasahan sa kanyang bibig ang dalawang daliring ginamit sa lagusan ng dalaga. Pumwesto si Tristan sa bandang ibaba ni Jasmine at muling ibinuka ng maluwang ang dalawa nitong hita. Hawak ang kanyang matigas na pagkalalake habang pinagmamasdan ang kapwa alipin na ng libog na si Jasmine.

Kahit katatapos lamang ni Jasmine na marating ang sukdulan ay ibayong pananabik ang kanyang muling naramdaman. Dahil sa tapat ng kanyang basang-basang lagusan ay matikas na naghuhumindig ang galit na galit na sandata ni Tristan. Ilang taon din siyang nanabik at may mga gabing kahit ibang lalake ang kasiping niya ay si Tristan naman ang laman ng kanyang isipan. At ngayon ay narito ng kasama niyang nakahubo't-hubad ding binata at muli naman silang ganap na makakainig ang isa't-isa.

"Tristan, please…."

Itinukod ni Tristan ang isang kamay sa kama malapit sa tyan ni Jasmine at saka itinutok ang kanyang basa na din pagkalalake sa lagusang lalamugin niya ngayong gabi.

"Ahh.." "Ohhh…"

Ang masasarap na patuloy na pagdaing ni Jasmine habang nilalamon ng kanyang lagusan ang ari ng binata.

"Damn Jas.. hahh, ah…"

"Hmm, go deeper…, i-isagad mo na…"

Ilang ulit pang naghugot-baon ang binata hanggang sa tuluyang maglapat ang bulbol nilang dalawa.

Niyakap ni Tristan si Jasmine na ngayon ay nakayakap din sa kanya. Magkadikit ang kanilang kapwa nag-aapoy na katawan habang nakatitig sa isa't-isa.

Nilaro ni Jasmine ang buhok ni Tristan at saka hinaplos ang pisngi nito.

"I miss you a lot Tristan…" Ang buong sinseridad na sabi Jasmine, hindi nagawang idugtong ang salitang nais niya talagang sabihin. Mahal pa din niya ang binata ngunit matagal ng wala sa kanya ang karapatang sabihin ang mga katagang iyon. "Did you miss me too?"

Sa halip na sagutin ang tanong ni Jasmine ay buong pagsuyong hinalikan ni Tristan sa labi ang dalaga. Mainit na halik na buong init din namang tinugunan ni Jasmine. At ng magsimula ng gumalaw ang balakang ni Tristan ay napaliyad sa sarap ang dalaga.

"Ahhh…, ahh…. Fucckkk!!!"

Hindi maaaring ikumpara ni Jasmine ang sarap ng pagkakahugpong nila ni Tristan sa kanyang nobyo ngayong si Nathan. Iba talaga ang sarap sa loob ng kanyang lagusan ng mas mataba at mas mahabang kargada ni Tristan.

"Hahh… Ahhh…."

Paulit-ulit ang ginawang pag-ulos ni Tristan habang magkahinang ang kanilang labing naghihiwalay lamang upang sumagap sila ng hangin.

"Hmm-mmmm"

"Tristannn…."

Nasa isang tuktok na naman ngayon ng dibdib ni Jasmine ang bibig ni Tristan at sinusupsop iyon. Ngunit kahit abala ang kanyang bibig at isang kamay sa pagpapasarap sa magkabilang dibdib ni Jasmine ay hindi naman siya tumitigil sa pag-ulos.

Nang magsawa sa pulang-pula ng dibdib ni Jasmine ay muling ibinalik ni Tristan ang kanyang labi sa labi ni Jasmine. Pinaghinang ang mga iyon at saka muling nakipagpalitan ng laway sa dalaga.

"Hahh… hahh…"

"Ahhh…., ahhh…."

Pinagsawa nina Tristan at Jasmine ang kanilang sarili sa maiinit na halik at mahigpit na yakap sa kapwa darang nilang katawan.

"You love fucking me right, Tristan?"

Malalakas na pagbayo sa katambukan ng dalaga ang naging tugon ni Tristan.

"Ahh…, ahhh…., ahhh!!!!"

At saka pinatahimik ni Tristan ang mga pag-ungol ni Jasmine sa isa namang mainit na halik.

Sa bawat halik na iginaganti ni Jasmine kay Tristan ay naroon ang damdaming sadyang inilalaan niya para sa binata. Umaasang makarating sa alam niyang nag-aapoy na damdamin ni Tristan ang kanyang tunay na nararamdaman.

Tumigil si Tristan sa kanyang pag-ulos at hinugot ang kanyang namumuting ari mula sa lagusang ngayon ay napapalibutan na ng katas. Pinagmasdan ang may pagka morenang katawan ni Jasmine na buong init ding nakatingin sa kanya.

"Bend over Jas."

Mula sa kanyang pagkakahiga ay ibinangon ni Jasmine ang katawan. Humarap sa ulunan habang nakatukod ang dalawang kamay sa ibabaw ng kama.

Hinawakan ni Tristan sa may balakang ang nakatuwad na dalaga at saka itinutok ang kanyang pagkalalake sa lagusang namumula na din.

"AH!"

Ang nasambit ni Jasmine ng madiin dahil sa ginawang mabilis na pagpasok ng malaking panauhin niya ngayong gabi.

Dalawang kamay na ngayon ni Tristan ang nakahawak sa magkabilang tagiliran ni Jasmine habang mabilis siyang bumabayo.

"Ahh! Ahh! Ahh!"

Sa bawat maingay na salpukan ng kanilang katawan ay sinasabayan din ng mga daing ni Jasmine.

Nilikom ni Tristan ang mahabang buhok ni Jasmine at saka hinawakan iyon ng mahigpit. Napapihit naman ang mukha ng dalaga at saka napatingin sa larawang nasa tabi ng kanyang kama. Naroon ang larawan nila ni Nathan na magkasama ngunit narito naman siya ngayong inaangkin ng iba.

"Hah…, hah…, you love this position right, don't you Jas?"

"Ahh!! I do…, ahhh…, ahhh…."

Buong pangigigil na binayo ng binayo ni Tristan mula sa likuran si Jasmine. Mas mabilis na ngayon ang kanyang ginagawang pag-ulos habang hawak ng mariin ang mahabang buhok ni Jasmine.

"Hah, ahh…, hahh.."

"Ahh!!!" Ahh!! AH!"

Sa bawat paglabas-pasok naman ng malaking kargada sa posisyong paborito ng dalaga ay hindi mapantayan ang sarap na nararamdaman niya.

"Faster Tristan! Fuck me more!!!"

Binitawan ni Tristan ni hawak niyang buhok at ngayon ay muling nakahawak sa tagiliran ng dalaga. Pabilis ng pabilis ang marahas niyang pag-ulos at lalong napakapit ng mahigpit si Jasmine sa kumot na nasa ilalim niya. Dahil nararamdaman niya mula sa loob ng kanyang pagkakabae ang nalalapit na namang pagdating ng isang abot langit na sarap na pakiramdam.

"Don't stop…, AHHH!!!"

"AHHh!!! Ahhhhh"

Naging sunod-sunod ang mahahabang pagdaing at ungol ni Jasmine habang bumabaha palabas sa malaking kargada ni Tristan ang mainit niyang nektar.

"Tristannn, ahhh, ahhh…."

Pilit na hinabol ni Tristan ang sarap na umaalipin kay Jasmine. Nais na magpang-abot ang sarap na dulot ng kanyang namumuti ng pagkalalake sa lagusang pinasuko niya ngayong gabi.

"I'm about to cum too. Tell me Jas. Where do you want it?"

"Inside! Tristan, cum inside me…, ahhh…"

"Ngh.., nghhh…"

Ilang ulit na pumulandit sa kaloob-looban ng pagkababae ni Jasmine ang mainit na tamod ni Tristan. At saka sila napabagsak na dalawa sa ibabaw ng kama. Nakapatong pa din sa likuran ni Jasmine si Tristan at nananatiling nasa loob ang kanyang sandata. Magkalapat din ang kanilang palad habang magkahinang na naman ang kanilang labi.

Kapwa nila nalalaman na ang katatapos lamang nilang pagtatalik ay muli pang masusundan sa gabing iyon. Dahil para kay Jasmine ay hindi kayang tapusin ng isang paghuhugpong lamang ang kanyang pananabik sa binata. Ngunit ang nag-aapoy na pakiramdam ni Tristan ay may dalawang dahilan.

"It's my turn now Jas, so just enjoy every moment of it." Ito ang mga salitang nasa isipan ni Tristan na hindi na niya kailangan pang sabihin sa katalik na dalaga.

(Ipagpapatuloy…)

Please visit my FB Page or send me a PM for support. Thank you.