1. Home
  2. Stories
  3. Kapalaran 6
Filipino Sex Stories

Kapalaran 6

By juano9 ·

WARNING!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong iito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mang pagkakahalintulad, ito pp'y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

page 6: sa pagpapatuloy

At nangyari nga, sa mga sumunod na mga araw pagkaraang may maganap sa dalawa nina Rochelle at Jasper. Dito ay napansin ni Diego na parang kay gaan pagmasdan ng asawa at may mga pagkakataon pa kumakanta-kanta pa ito. Subalit pagdating sa pakikitungo sa kaniya ay biglang mag-iiba ang mood nito at bigla-biglang magsusungit. Doon ay madalas ding umuwi sa bayan si Rochelle na isa sa napansin ni Diego. Ibig man niyang usisain ang asawa subalit hindi niya ito magawa dahil alam niyang magsusungit lamang ito.

At isang araw, mula sa bayan sa pag-uwi ni Diego dala ang ilang pinamili nito na kailangan sa bahay ay nadatnan niya ang asawa na bagong ligo at ito rin naman ay nakapustura.

Diego: may lakad ka ata?! (agad na tanong nito sa asawa)

Rochelle: oo at huwag mo na akong antayin dahil gagabohjn ako… (sagot naman nito)

Diego: saan ba punta mo? at ayos na ayos ka?!

Rochelle: (dito ay nagsimulana naman itong magsungit) bakit ba ang dami mong tanong?! (at kinuha na nito ang kaniyang shoulder bag)

Sa akmang papalabas na ang babae nang muling magsalita si Diego.

Diego: oo nga pala, binilhan nga pala kita ng damit mo at alam kong magugustuhan mo to! (ang may saya niyang tinuran)

Rochelle: (nilingon ang asawa habang kinukuha sa palstic ang damit na nasabi) o siya sige, bukas ko na lang titingnan yan at nagmamadali ako! o sige na, alis na ko… (yun lang at nagtuloy na itong lumabas ng bahay)

Dahil doon ay naiwang waring nakatulalang nakamasid sa may pintuan si Diego, na sa puntong iyon ay lalo itong napapa-isip kung bakit at ano ang nangyayari sa kanilang pagsasama? Ramdam nito ang lalong panlalamig sa kaniya ni Rochelle, ngunit magkagayon man ay ayaw niyang isipin na baka may lalake ito.

At kinahapunan ay inaya ni Diego ang kaibigan nitong si Jimbo na uminon at agad naman siyang pinagbigyan ng kaibigan. Sa inumang iyon nang dalawa ay naglabas ng kaniyang saloobin si Diego tungkol sa nangyayari sa kanila ng asawa.

Diego: ewan ko pre, parang nag-ibang bigla si Rochelle! pag hindi ako napapansin, nakikita kong ang saya niya pero kapag nakita na ako, bigla-bigla na lang nagsusungit! (aniya nga nito)

Jimbo: pansin ko nga rin pre madalas umuwi nang bayan yang asawa mo! dati-dati naman halos hindi lumalabas ng bahay yun… (turan naman nito)

Diego: pansin ko nga, buhat nang mag-birthday si Camille.. (makikita sa mga mata nito ang lungkot niyang nadarama)

Jimbo: pero bakit di mo subukang ligawan ulit?! suyuin mong muli, baka kulang lang sa lambing yun pre… subukan mo, wala namang mawawala diba?! (suhestiyon naman nito)

At doon ay naisip ni Diego na baka nga kulang lang ang asawa sa lambing kung kaya't ibig niyang aubukan ang suhestiyon ng kaibigan. At sa gitna nga nang kanilang pagtagay-tagaya ay tumunog ang phone ni Jimbo at saglit niya itong sinagot. Bahagya pa itong lumayo sa pakikipag-usap at agad na bumalik pagkatapos.

Jimbo: pre ubusin na natin to may pupuntahan pa ko e! si kapitana kasi pinatatawag ako.. (saad nito)

Diego: (napailing ito) pre, tigilan mo na yan… delikado yang ginagawa mo! (aniya naman nito)

Jimbo: nag-iingat naman ako, isa pa ok na to kesa gumawa pa ko ng mas hogit na di kanais-nais! at isa pa, masaya na ako kumikita pa ko hehehe…

Diego: bahala ka, o siya sige na ubusin na natin to tutal kokonti na rin naman to!

At gayon nga ang nangyari, na pagkaraan nilang maubos ang kanilang iniinom ay agad na nagpaalam si Jimbo sa kaibigan at naiwang iling-iling si Diego. Samantala, sa kabayanan naman ay tahimik na nag-uusap ang dalawa nina Jasper at Rochelle at napag-usapan nila ang nangyari sa kanila at kung ano ang plano ng lalake kung sakaling makabuo sila.

Jasper: gaya nang sabi ko sayo Chelle, pananagutan kita!

Rochelle: hanhal ka ba?! papaano? nakakalimutan mo atang kasal na ko kay Diego? (usal nito sa binata)

Jasper: kasal nga kayo pero sa papel lang.. Chelle, hanggang ngayon mahal pa rin kita! at kung papayag ka… magsama na tayo, lumayo na tayo rito?! wala na rin namang magagawa si Diego don… pinapangako ko sayo ibibigay ko sayo ang hindi kayang ibigay ni Diego pangako!!!

Napatingin naman si Rochelle kay Jasper na waring napapa-isip ito sa mga nadinig niya dito.

Rochelle: ibig mong sabihin, iwan ko na si Diego…?

Jasper: hindi lang siya maging ang naging buhay mo sa kaniya…

At doon ay napahinga nang malalim si Rochelle habang iniisip ang mga sinabi ni Jasper. Sa loob niya, mahal niya si Diego subalit para sa kaniya ay hindi sapat dahil sa hindi nga maibigay ni Diego ang buhay na nais nito. Kaya hindi niya maiwasang masabi sa kaniyang sarili na, nagkamali ito ng desisyong pakasalan si Diego.

itutuloy….