1. Home
  2. Stories
  3. Aristotle Adventures I : Introduction
Filipino Sex Stories

Aristotle Adventures I : Introduction

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

=====================================

"Let's go on adventures, have fun and have lots of sex."

"Everything in the world is about sex except sex. Sex is about power."
Oscar Wilde

"If you want to get laid, go to college. If you want an education, go to the library."
Frank Zappa

"We waste time looking for the perfect lover, instead of creating the perfect love."
Tom Robbins

"Good sex is like good bridge. If you don't have a good partner, you'd better have a good hand."
Mae West

"Physics is like sex: sure, it may give some practical results, but that's not why we do it."
Richard P. Feynman

=====================================

Salamat sa 480 pages ng google docs na kung saan ko sinulat ang ating storya na " A Family Affair" at sa 179564 words na ginamit ko. Sa 991477 characters na aking sinulat at sa mahigit na dalawang buwan na pag suporta niyo sa ating storya

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta. Suportahan din po natin sana lahat ng mga writers dito at mga gawain nila. Spread love not hate everyone.

Ang story na ito ay hango sa akin nabasang akda dito sa FSS. Hindi na siya nasundan pa kaya naman mas pinili ko na ihalintulad ang storya ko sa tema ng kanyang storya.

=====================================

Sa loob ng isang sikat na bus terminal dito sa may pampanga.

Halos hindi mahulgan ng karayom ang bus terminal na ito sa dami ng mananakay, mga tindero at mga bus na nakaparada sa loob.

Iba't ibang klase at modelo ng bus ang kasalukuyan ngayon na nakaparada na tabi tabi sa kani kanila nilang assign na pwesto.Iba't ibang kulay at kumpanya. Nandoon ang naka tingkad na kulay pink na bus na akala mo ay rosas. Nandoon din ung parang cartoon character na kasama sa looney toons. Ung bus na tunog na aklat. Mayroon din ung bus na parang tunog ng isang alyansa ng iba't ibang lugar sa isang rehiyon. Ung bus na tunog paputok ang pangalan.

" beeppppppppp" ang mga napakalakas na busina ng mga naglalakihan na bus na pilit na nag mamaniobra papasok at palabas sa loob ng busy na bus terminal. Iba't ibang destinasyon ang kanilang pupuntahan.

May mga bus na hanggang cubao, may iba naman na hanggang pasay. May iba na patungo sa avenida. Naroon din ung mga bus magtutungo sa mga probinsya tulad pangasinan, zambales, baguio, mga lugar sa dulong norte ng bansa tulad nga cagayan, aparri at dalawang ilocos., ilocos norte at ilocos sur.

May mga bus din naman na halos mapuno na ung bandang harapan nito sa may pintuan sa dami ng lugar na possible niyang daanan. Mayroon na panay led lang ang signage.

Siyempre hindi mawawala ung mga nagtitinda ng mani na kapag binili mo sa labas ng terminal sampo piso lang pero pag pumasok na sa bus ung tindero ay halagang 20 na. Ung buko pie na puro harina ang laman. Ung tubig na malamig daw pero mas malamig pa ung hininga mo.

" la… sure ka ?" ang tanong ng isang lalaki sa kanyang lola na kasalukyan niya sinasamahan ngayon dito sa tapat ng isang sikat na paradahan ng bus na papuntang norte. Ung may kulay red, yellow at orange. Tapos tunog tagumpay ang pangalan ng bus

Di mo naman aakalain na lola na ang babae dahil sa porma at sa angking kagandahan nito.. Kahit ang lalaki na kasama nito ay aakalain mo na jowa niya kung hindi mo maririnig ang usapan ng dalawa

" oo naman juan" ang sabi ng matanda habang nasa may gilid sila ng isang bus na papuntang cauyan isabela. Napangiti na lamang ang matanda dahil sa sobrang pag-aalala ng apo nito sa kanyang kalagayan.

" la… pwede naman kita pag drive " ang sabi ni juan sa kanyang lola sabay turo sa nakaparadang sasakyan sa may malapit na paradahan ng mga tricycle. Napatingin naman ang matanda at umiling na lang ito sa idea ng kanyang apo.

" talaga ba juan….. iiwanan mo ang apat na baby mo tsaka ang dalawang buntis na asawa mo walang kasama sa bahay?" ang tanong na tila panenermon din ng matanda sa kanyang apo. Mahina lamang ito at ayaw niya na may makarinig sa pinaka tatagong lihim ng kanilang pamilya. Napakamot ulo na lamang ito dahil sa tama naman ang sinabi ng lola niya( See A Family Affair for complete story).

Kahit naman na lakasan ng dalawa ang kanilang pag-uusap ay parang wala naman din na makakarinig sa kanila dahil sa sigawan sa loob ng terminal. Para bang nag sasabayan pagbigkas ang mga conductor at mga nagtitinda sa loob ng terminal. Iba't ibang tono at lakas pero iisa lang ang gusto nilang iparating

" cauyan….. Cauyan aalis na po" ang sigaw naman ng conductor na kasalukuyan na nakatayo na malapit sa pintuan ng bus papuntang cauyan. Nagyakapan na lamang ang dalawa at mabilis na sumakay ang matanda sa bus. Inalalayan naman ito ng conductor at pinaupo niya ito sa harap. Sa likod mismo ng driver.

Naglakad na ang lalaki tungo sa nakaparada niyang sasakyan. Nakasakay na si juan sa kanyang sasakyan at palabas na ito sa kalsada ng sakto naman ang pagpasok ng isang lalaki na may dalang backpack at isang malaking duffel bag.

Pinagtitinginan ito ng mga tao dahil sa kanyang kulay at laki. May kaitiman kasi ang lalaki na akala mo ay ung mga goons sa pelikula. Tipikal na mga black american ang datingan nito. Kulot ang buhok. May kalakihan ang katawan. Tas matangkad. Ung tipong pag nakita mo o nakasalubong mo ay ikaw na ang iiwas sa kanya.

Wala halos gusto sumabay sa kanya sa paglalakad dahil sa takot nila. Pinagmasdan lamang ni juan ang lalaki habang naglalakad ito papasok ng terminal.ng makapasok na ito ay umalis na rin si juan.umaatras na ang bus na lulan ang kanyang lola.

Binagtas na ng bus ang daan tungo sa papasok ng expressway. Dumaan ito sa ibabaw dahil sa papunta itong Norte. Dumaan ito sa tila ba mala roller coaster na kurbada tungo sa toll gate. Habang sa kabilang banda naman ng expressway

Ay binabagtas ng isa pang unit ng bus ang daan patungong maynila.katabi lamang ng bus na ito ang sinasakyan ni lola carmi kanina sa terminal pero magkaiba sila ng destinasyon.

Lulan ng bus na ito ang isang taong nais tumakas sa mga mapapait niyang karasanan sa kanilang bayan.

=====================================

Sa dulong bahagi ng isang bus. Nakaupo ang isang lalaki. Tahimik lamang ito habang nakamasid sa bintana. Hawak hawak nito ang backpack niyang luma. Akala mo ay may magnanakaw sa loob ng bus dahil sa ayaw nitong bitawan ang hawak niyang bag.

" magaling ka" ang paulit ulit na tumatakbo sa aking kaisipan simula pa ng nagbiyahe ako mula sa baguio. Sunod sunod kasi ang kabiguan na aking naranasan doon sa aming bayan.

Buti na lamang at may gustong tumulong sa akin para makapamuhay ng maayos at maka angat sa buhay. Ng sinabi nito na tutulungan niya ako sa aking pag-aaral ay hindi na ako nag dalawang isip pa.

Kahit alam kong mahirap ang makipag sapalaran sa maynila ay susubukan ko na ito para sa akin pamilya.

=====================================

Ang nakaraan

Sa isang universidad dito sa baguio.

Tahimik na nakikinig ang mga estudyante sa panenermon ng isang guro sa kasamahan nila.

" Mr San Diego, another zero" ang sabi ng aking professor sa subject na Transportation. Kung kilala niyo ang ang namayapang actress na si Bela Flores, ganun ang datingan ng professor na ito. Nakasalamin at ubod ng katarayan. Ung tipong matandang dalaga sa mga pelikula na parang kaklase pa ni magellan o di kaya ang unang manliligaw nito ay si Lapu lapu.

" Habang nasa 4th year pa lang kayo….. Magdrop na kayo…kung katulad niyo ang score nitong aristotle…….. Aristotle nga ang pangalan pero ang utak ay walang laman" Pinakita niya sa klase ang papel bilang example daw ng mga walang pag asang estudyante. Akala mo ay round pa ito na umiikot sa loob klase namin.

May mga ilang estudyante ang nakatingin lamang sa kanya. Mga halatang natatakot din sa kanya at mga ayaw madamay sa inis nito. Mayroon din na pasimple sumusulyap sa akin. Sulyap ng pagka awa at ang mas masakit ang sulyap ng pagkukutsa.Nakaduko na lamang ako sa sulok malapit sa pintuan habang hiyang hiya ako.

" Mr San Diego, get your paper" ang sigaw nito habang nakatayo na siya akin harapan. Kahit na nakaduko ako ay kita ko naman ang anino nito sa aking harapan. Kahit mabigat ang loob ko ay kinuha ko na ang test paper ko.Ito na ang pang apat kong bagsak na exam sa prelims.

" Dismissed" ang sigaw nito at halos di niya natapos ang sasabihin nito ay nauna na akong lumabas. Wala akong gustong kausapin ng mga oras na iyon. Gusto ko lamang mapag-isa. Kaagad akong pumunta sa banyo ng aming paaralan. Tiniyak ko na walang akong kasabay. Ng matiyak ko na wala akong kasabay ay sinara ko ang pintuan nito.

Pumasok ako sa isang cubicle at sinara ko ang takip ng toilet bowl. Umupo ako at kaagad na tumulo ang luha ko. Luha ng isang tao na alam mo sa sariling mong durog na durog na. Wala ng matatakbuhan pa. Wala ng mahihingan ng tulong.

" Di ko na kaya, bakit ko pa kasi naisipan na kumuha ng kursong Civil Engineer" ang hagulgol ko. Habang nakatingin lamang ako pintuan ng cubicle na puno ng mga sulat ng mga taong halatang nagbubuhos din ng sama nila ng loob.

Ako nga pala si Aristotle, 19 years old. Isang 4th year Civil Engineering student. Magaling naman ako sa math at science. Acadaemic performer naman ako dati eh, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong humina sa eskwela simula ng tumuntong ako sa kolehiyo

Isang dahilan na din siguro ay pagiging working student ko. Amuyong ako o isang utusan sa isang fastfood katapos ko sa school. Chimoy, alalay, mutsatso. Yan siguro ang mas maganda mong itawag sa akin. Mahirap lamang ako. Matagal ng wala ang aking tatay dahil sa namatay na ito sa sakit na pnenomia.

Habang ang ina at mga kapatid ko naman ay nasa Ilocos. Kaya ako lamang ang mag isa dito sa lungsod ng baguio para mag aral at makatapos. At ako naman ang magpapaaral sa aking mga kapatid.

May maliit kaming bahay dito na aking tinutuluyan. Di ko na nga alam kung matatawag mo pa iyon na bahay dahil sa mas malaki pa ang kahon ng sapatos doon. Wala halos o minsan ay wala talaga na ipapadala ang aking magulang dahil sa hirap din sila sa buhay.

Kaya naman natuto na lamang ako na mamuhay sa akin sarili. Maging independent ika nga ng mga mayayaman, pero pag dating sa tulad kong mahihirap ay isang working student.

" Magaling ka, maniwala ka lang" ang laging pumasok sa akin isip kapag nahihirapan na ako at gusto sumuko. Isa itong salita ng aking maestra sa elementarya bago ako magtapos ng pag aaral doon. Siya kasi ang nagbigay sa akin noon ng inspirasyon at nagtiyaga sa akin na turuan ng mga alam ko ngayon sa larangan.

Kaya heto ako ngayon at inayos ko ang aking sarili. Kinuha ko ang luma kong panyo sa aking bulsa pinunasan ang aking mga luha sa mukha. Inayos ko ang aking sarili at hinanda ko ito para sa isa pang laban na aking kakaharapin. Lumabas na ako ng banyo. Dire diretso lang ang lakad ko. Ayaw ko na makausap muna ang sino man.

Gusto ko ay makarating agad ako sa akin trabaho at para makauwi din ako agad. Ganoon ang bilin sa akin ng amo ko, pwede na ako umuwi basta tapos na lahat ang utos nito. Alam kasi niya na working student ako kaya hindi siya gaano mahigpit.

Kaya pumasok na ako agad sa restaurant. Dumiretso agad ako sa opisina ni Boss. Mukhang seryoso ito at may hawak na importanteng papel. Tahimik lamang ito na inaaral ang mga papel na nasa harapan niya. Isa pa ito sa tinuro niya sa akin. Kapag may ginagawa siya ay pagbati lang pwede ko gawin.

Kapag kasi wala itong ginagawa ay nakikipag kwentuhan pa ito sa akin. Tinuring ko na din kasi na parang ama ang amo kong ito. Madalas siya pa ang nagtuturo sa akin sa mga leksyon ko sa engineering. Frustrated engineer wanna be din kasi itong boss ko.

" Good Afternoon Boss" ang bati ko sa amo kong lalaki. Kamukha nito ang artistang si Romy Diaz. Ung laging binubugbog ni FPJ sa mga pelikula niya.Ung akala mo ay napasama at sungit sa unang tingin. Pero napakabait pala.

" Good Afternoon din Juan" ang sagot nito sa akin habang nakatingin pa rin ito sa mga papel na hawak niya. Pero hindi na ito gaanong focus doon tulad ng kanina. Kaya naman naglakas loob na ako na tanunging si boss para maaga din ako makauwi.

" Boss, ano pong task ko ngayon?" ang tanong ko dito habang nakatayo lamang ako sa harap niya. Binaba naman nito ang hawak niyang papel at tumingin ito sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil parang iniiscan ako ng aking boss.

" Juan, Iho" ang sabi nito sa akin. Ramdam ko ang pagkaseryoso nito sa kanyang boses. Kaya naman mas lalo akong kinabahan. Dahil madalang ko lang marinig na ganito ang boses niya. Madalas ko lang na marinig ito kapag may pinagsasabihan siya sa opisina.

Napaisip naman ako kung ano kaya ang nagawa kong mali. Pilit kong inaalala ang mga nakalipas na araw at kung may nagawa ba akong dapat ikagalit ni boss.

" alam mo naman na mahina ang benta natin ngayon" ang sabi ni Boss. Kita ko sa mukha nito na nag-aalala din siya sa mala spaghetti na pagbaba ng aming sales ngayon sa restaurant.

" Boss, ibig sabihin po ba nito?" ang di ko matapos na tanong sa akin boss.Dahil may idea na ako kung ano ang gusto sabihin ni boss. Mukhang isa ako sa kailangan niya tanggalin para masustain ang aming kumpanya.

" Ito na ang final pay mo iho, papatawag na lang kita kapag nakabawi na tayo. Pasensya ka na" ang sabi ni Boss sa akin sabay abot ng envelope. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni boss habang inaabot nito sa akin ang envelope. Tumayo pa ito at niyakap ako ng mahigpit. Tunay na ama na talaga si boss sa akin.

" Salamat din po" ang sabi ko dito at bumitiw na kami sa aming yakapan.umalis na ako ng tuluyan. Halos pagsakluban ako ng langit dahil sa sunod sunod na kabiguan ko. Kaya di ko alam kung paano ako nakauwi pero heto ako ngayon sa akin kwarto. Binibilang ang huling sahod ko.

" 5000 din ito" ang sabi ko sa akin sarili. Pilit ko binibilang at iniisip sa aking sarili kung paano ko pagkakasyahin ang limang libong piso na ito. Di ko alam kung aabot pa ba ako.

" tatagal din ito ng isang buwan pero kailangan ko makahanap agad ng trabaho" ang pag eencourage ko sa akin sarili. Kahit alam ko na hindi ito tatagal sa mahal ng gastusin sa pang araw araw ko dito sa baguio.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Isang unknown number pero kaagad ko sinagot ito dahil baka sila nanay eto. Madalas kasi ay nakikitawag lang sila kaya paiba iba ang numero nila.

" Hello?" ang bati ko dito. Ang magalang na bati ko sa kausap ko sa kabilang linya. Ilang sandali rin na tahimik ang nasa kabilang linya. Kaya naman medyo nagtataka na ako. Dahil kung sila nanay ito ay tiyak kanina pa sila nagsasalita.

" Magaling ka, maniwala ka lang" ang sabi ng kausap ko sa telepono. Pamilyar ang boses ng babae na nagsasalita sa kabilang linya. Ilang segundo ko din iniisip kung sino ito dahil sa parang kilala ko ang boses. Hanggang sa

" Mrs Santos?" ang tanong ko agad sa babae sa kabilang linya. Siya lang ang kakilala ko na magsasabi sa akin ng ganun. Ang babae kong guro noon nung elementarya ako

" Ako nga anak" ang pagsagot nito sa akin tanong. Kaya naman halos makaramdam ako ng tuwa dahil matagal ko na ng huling makausap. Simula pa ata nung nag graduate ako ay hindi ko na siya nakausap pa.

" Kumusta po?" ang tanong ko dito na punong excitement.

" Ayos lang ako anak, ikaw?" ang tanong naman nito sa akin.ramdam ko sa boses nito na tuwang tuwa din siya na marinig ang boses ko.

" Ayos lang din po" ang sabi ko dito.

Nagkwentuhan pa kami ni Mrs Santos tungkol sa mga nangyari sa amin buhay simula ng nag graduate ako ng elementary. Nasabi rin ni mrs santos na nakuha niya kay nanay ang number ko nung minsan na napadaan ito sa amin sa ilocos. Naging masaya ang aming kwentuhan hanggang sa may nasabi ito na biglang naging seryoso ang aming usapan.

" Anak, gusto mo mag trabaho?" ang seryosong tanong nito sa akin. Para talagang hulog ng langit itong si Mrs santos dahil sa sakto lagi siya sa mga problema ko.

" Oo naman po, pero may problema" ang sabi ko dito. Medyo narinig ko ang malakas na paghinga nito. Nahiya tuloy ako dahil siya na mismo ang mag offer sa akin pero heto ako at tumatangi.

" Anong problema yun anak?" ang tanong nito sa akin. Ramdam ko sa boses nito ang pag-aalala niya dahil sa mga sinabi ko.

" Andiyan kayo sa ilocos habang ako ay nandito sa lungsod ng baguio" ang sabi ko naman dito. Narinig ko na medyo napatawa itong si Mrs Santos sa akin sinabi. Para tuloy nakakaloko itong dati kong guro.

" Yun lang ba anak, di problema yun" ang sabi nito sa akin. Napaka confident ng bawat salita na lumalabas kay mrs santos. Mukhang handa ito.

" Bakit naman po?" ang pagtataka kong tanong dito. Ang boses ko naman ay may halong pagkalito dahil sa mga ginagawa ni mrs santos.

" Andito ako sa maynila ngayon…. Alam kong nasa baguio ka nak….pero sasagutin ko ang pamasahe mo at ang tuition mo dito……. Oppppssss…. Alam ko na struggling ka career mo diyan " ang sabi nito sa akin. Napangiti naman ako dahil sa mga sinabi ni mrs santos sa akin. Mukhang up to date na din ito. Mukhang hindi lang number ko ang binigay ni nanay sa kanya ah.

" Nakakahiya po" ang sabi ko naman sa kanya dahil parang nahiya naman ako kung sakali na pati tuition ko ay sasagutin niya kung sakali na magtransfer ako sa maynila.

" Sige…. Ung sahod mo dito….. Part nun sa tuition mo…. Tas part nun ibibigay ko sa iyo" ang sabi ni mrs santos sa akin. Napaisip din ako ng ilang minuto kung tatanggapin ko ang alok nito. Hanggang sa nagdecide na ako.

" Kelan niyo po ako gusto magsimula" ang tanong ko dito. Tinanggap ko na ang offer niya. Atleast makakawala ako sa nakaka stress na hitsura ng guro ko dito sa baguio

" Isend ko sa iyo requirements para sa transfer mo dito sa FEU….. para maayos mo agad diyan.. Siya nga pala engineer na din ako anak at prof ako dito… so ayusin mo ah" ang sabi nito sa akin. Napangiti naman ako lalo dahil sa natupad na rin ni mrs santos ang pangarap niya.

" sige po mam…salamat po talaga ng marami sa tulong niyo" ang sabi ko dito habang nakangiti lamang ako na iniisip ang magiging buhay ko sa maynila. Atleast doon tao talaga ang magiging kasama ko sa skul at hindi bakulaw na tulad ng guro ko dito.

" Osige na anak, gabi na at baka mapuyat ka pa" ang sabi nito sa akin sabay pinatay ang telepono. Napaka maalahanin pa rin talaga ni Mrs santos. Kaya naman sa lahat ng guro ko. Siya ang pinaka naging ka close ko.

Kahit di ko pa alam ang magiging trabaho ko kay Mrs Santos, ay kaagad ko na tinanggap ang offer nito. Ang importante ay magkatrabaho ako, para di na ako iisipan pa nila nanay. Wala pang sampong minuto ay nareceive ko na ang text message mula kay Mrs Santos. Natulog na ako at tiyak na mahabang araw pa ang kakaharapin ko bukas.

Kaya naman kinabukasan ay inasikaso ko agad ang transfer ko. Pwede pa naman mag drop sa school dahil wala pang isang buwan ang klase namin habang sa FEU naman ay on going pa ang enrollment ayon kay Mrs Santos.

Kita ko sa mukha ng bakulaw kong guro ang pagkagulat nito ng makita niya kung saan ako mag transfer. Halos hindi mapinta ang mukha nito habang ako naman ay ngiting aso na pinagmamasdan ang pagkainggit sa mukha nito.

Matapos na makuha ko na lahat ng dapat kunin na dokumento ay tinawagan ko agad si Mrs Santos. Nagpadala naman ito kaagad sa akin ng pamasahe papuntang maynila para daw kinabukasan ay makaluwas na ako.

Kaya naman kauwi ko sa aking tinutuluyan ay nagsabi na ako sa aking kasera na aalis na ako. Kaunti lang naman ang gamit ko kaya naman isang lumang backpack lang at maleta ang aking dala ng umalis ako kinabukasan at pumunta sa terminal ng victory para sumakay ng pa sampaloc nilang bus.

==================================

Sa tapat ng PRC sa may P paredes st, Manila

Isang sikat na eskwelahan ang nakatayo. Eskwelahan na kung saan ay may isang napakagandang propesora ang kasalukuyan na pababa sa hagdan tungo sa labasan. Tinginan ang mga nadadaanan nito dahil sa angking kagandahan at kasexyhan ng naturang propesora.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ayos niya ngayon. Nakasuot ito ng sleeveless na polo na sky blue. May nakapatong naman na itim na blazer dito kaya ayos lang. Pero kapansin pansin pa din ang naglalakihan nitong dibdib na may sukat na 34F.

Kaya halos pumutok din ang suot nitong polo dahil sa gustong kumawala ng dalawang naglalakihan na pakwan sa kanyang damit. Dagdag mo pa ang napaka puti nitong kutis na lalong bumagay sa suot niyang pencil skirt na itim.

Naka stockings din ito kaya naman halos lumuwa na lahat ng mata ng mga kalalakihan na dinadaanan niya habang bumaba ito sa hagdan. Ang pag indayog ng naglalakihan nitong dibdib at nakalimutan ko din sabihin ang napakalaking pwet din nito na sumasabay sa pag alog ng kanyang dibdib sa hagdan.

May taas lamang ang propesora na 5'6 pero dahil sa suot nitong itim na stilleto heels ay halos madagdagan ito ng dalawa hanggang tatlong pulgada sa taas niya. Siya ay walang iba kung hindi si Mrs Reagan Santos.

" Good day mam" ang bati ng gwardya dito habang palabas siya ng eskwelahan. Di man niya pinansin ang gwardya pero halos humaba ang leeg nito kakasunod sa guro habang naglalakad ito palayo.

Kahit na sabihin natin na halos triple ng edad ng kabataan ngayon ang kanyang edad ay patuloy pa rin ang mga ito sa paghanga sa nasabing guro.

" Shit…. Kamukha niya talaga ung pornstar na si reagan foxx" ang sabi na lamang ng gwardya habang unti unti ng naglalaho sa kanyang paningin ang magandang propesora. Hindi niya maiwasan na pasimple hawakan ang alaga nito habang nakatayo siya sa parang desk na kung saan may mga nakalagay na visitors pass at ang log book nito.

Isa ang gwardya na ito sa maraming fans ng propesora sa loob ng campus o mas dapat kung sabihin ay isa siya sa mga kalalakihan doon sa campus na gustong tikman ang propesora.

Habang propesora naman ay kaagad nitong tinungo ang kanyang sasakyan. Isang itim na chevrolet suburban. Kayang kaya naman ito ni Mrs santos, dahil bukod sa pagiging propesora nito sa nasabing paaralan. Nag mamay ari din naman siya ng isang construction firm.

Kasakay nito sa sasakyan ay kaagad niya na nilock ang pintuan at hinubad nito ang suot niyang stilleto heels tsaka niya ito nilagay sa upuan sa likod.

" Iba na tumatanda…. I'm not a spring chicken anymore at 52" ang sabi ni mrs santos habang minamasahe nito ang ankle niya na sobrang sakit dahil sa ilang oras niya na pag suot sa mga heels na iyon. Kinuha naman niya ang flat shoes na nasa gilid at sinuot na niya ito.

Ang hindi alam ng propesora ay parang spring naman ang mga alaga ng mga lalaking dinaanan niya kanina sa sobrang pagnanasa nila sa kanya.

Tumingin siya sa orasan ng sasakyan na nasa dashboard. Napangiti naman siya dahil mag alas kwatro pa lang. May isang oras pa siya bago ang pagdating ng kanyang dating estudyante na kinuha niya para maging katuwang niya sa bahay.

Binuksan muna ng guro ang pintuan ng sasakyan niya at ilang beses muna ito humithit sa sigarilyo niya. Matapos siya makaubos ng dalawang stick ay sinarado na nito ang pintuan ng sasakyan niya at sinindihan na niya ang makina.

Kumuha muna ito ng pabango sa kanyang bag at nag spray ito. Inabante na nito ang kanyang sasakyan at binaba ang bintana sabay abot ng 20 pesos sa parking attendant.

Tsaka na nito binagtas ang P. Paredes st at kumaliwa sa SH. LOYOLA St. tas kumanan ito sa Cayco st. Kumaliwa naman ito sa earnshaw at tuloy tuloy na ito sa terminal. Pumarada lamang ito sa harapan at hindi na muna siya bumaba.

Tinext na lang muna nito si Aris para magtanong kung saan na ito.

===========================

Sa loob ng terminal ng victory sa sampaloc

" asan na kaya si mrs santos?" ang tanong ko sa aking sarili habang nililibot ko ang aking mga mata sa paligid. Dala ko na ang mga gamit ko kakababa ko lamang sa bus. Ayaw ko naman na masyado ilibot ang aking paningin dahil sa baka isipin ng mga tao ay masamang tao ako.

Lumang damit. Lumang sapatos tas medyo tastas na bag at mukhang pinaglumaan pa ni magellan na maleta.

At heto na nga ang kinakatakutan ko. Dahil nakita ko na palapit na ang dalawang security guard. Isa na may naka sukbit lamang na kwarenta y singko sa kanyang baywang habang ang isa naman ay may naka sabit na shotgun.

" pare…. Ikaw na kumausap sa Pulubi " ang sabi ng gwardya na may pistol sa kasama nito. Napatingin naman sila sa akin. Akala siguro ng dalawang ito ay hindi ko sila naririnig. Maingay kasi sa terminal kaya hindi man lang nila hinihinaan ang pagsasalita nila.

" ikaw na pare…kakahilamos ko lang eh" ang sabi naman nito sa kanyang kasamahan. Napakamot ulo na lamang itong gwardya na may pistol at lumapit sa akin.

" hello sir" ang bati pa lamang nito. Napangisi na lamang ako dahil tama naman ang sinabi ng gwardya na may shotgun kanina. Malinis naman ang katawan nito pero hindi malinis ang pag uugali nito.

" kakaligo ko lang dahil hindi ako pulubi….. Ano ba gusto niyo sabihin sa akin?" ang madiin kong tanong sa gwardya. Napatingin naman ito sa kanyang kasamahan. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat dahil sa pagsasalita ko ng paraan nila.

" Boss…sasakay po ba kayo ng bus? Anong oras po biyahe niyo?" ang tanong nito sa akin. Halata sa boses nito ang takot at panginginig. Alam ko din naman na hindi naman talaga yun ang gusto nila sabihin sa akin. Dahil mukhang sa asta nila kanina ay paalisin nila ako sa terminal.

" kakababa ko lang doon oh…. Hinihintay ko lang ang tita ko" ang sabi ko naman sa dalawa sabay nguso sa bus na nasa gilid namin. Napatingin na lamang ang dalawa sa bus at parang binuhusan ng malamig na yelo ang mga ito.

" excuse me…. May problema ba dito?" ang boses ng isang babae mula sa aking likuran. Napalingon naman kaming tatlo at halos mapanganga kami dahil sa aming nakita. Isang napakagandang babae ang nasa harapan namin ngayon.

" aris… ginugulo ka ba ng mga ito?" ang tanong ng babae sa akin. Napaisip na lamang ako dahil sa paano ako nakilala ng babae. Hanggang sa pumasok sa aking isip muli na kikitain ko nga pala si mrs santos ngayon.

Kahit kasi nakausap ko na ito sa telepono ay hindi ko pa ito muli nakita simula ng magtapos ako ng elementarya. At kaboses nga naman niya ang babae na aking nakausap noon.

" Slight mam… parang gusto nila akong paalisin kanina pa" ang sabi ko naman kay mrs santos. Napatingin naman ang dalawa sa akin tas papunta kay mrs santos. Kita mo sa mukha nila ang takot at kaba dahil sa maaring maging resulta ng ginawa nila. Tinitigan naman sila ng masama ni mrs santos.

" Tinatanong lang po namin sisisi sir kung ano oras trip niya" ang mautal utal na sagot ng gwardya na pistol habang tahimik lamang at naka duko itong si boy shotgun. Nakangisi naman ako dahil biglang nawala ang angas ng dalawa. Naalala ko tuloy ang eksena kapag may sinesermunan si mrs santos noon sa klase namin. Ganito ang eksena.

" Well…. Aalis na kami…. Wag kayo mag-aalala.. Di ko kayo isusumbong sa manager niyo….pero mag ingat kayo…. Let's go Aris" ang sabi ni mrs santos sa dalawang gwardya na parang nabahag ang buntot sa sobrang tahimik ngayon. Lumakad naman ako at kaagad ako inakap tsaka hinalikan ni mrs santos sa pisngi.

" sorry Aris… kanina pa ako doon and I was waiting for your … Buti na lang at bumaba ako para bumili ng smoke at nakita kita" ang sabi naman ni mrs santos sa akin habang nakatayo lamang kami at hinihintay na umalis ang dalawang asungot. Umalis naman agad ang mga ito dahil sa pinakitaan sila ng matalim na titig ng aking dating guro.

" ayos lang mam… sanay na ako sa stereotyping nila" ang sabi ko naman kay mrs santos habang naisipan muna namin umupo sa tabi dahil mukhang pagod at hinihingal pa itong si mrs santos

==============================

ANG MALIBOG NIYONG AUTHOR AY NAGBABALIK MATAPOS ANG ILANG ARAW NA PAHINGA.

ANO NAMAN KAYA ANG KALOKOHAN NG STORYA NI AUTHOR?

MUKHANG MAGANDA AT SEXY ANG DATING PROF NI ARIS?

PATI BA ITO AY MABIBIGHANI SA PROF NIYA?

ABANGAN ANG PAGPAPATULOY NG STORYA NATIN

===============================

SIYEMPRE, AYUDA NI PEDRO IS STILL ON GOING

PM LANG O COMMENTS YOUR TELEGRAM USERNAME PARA MAG USAP TAYO TUNGKOL SA AYUDA MO.

============================

YOU KNOW THE DRILL GUYS,

100 LIKES AND 100 HEARTS ANG SUSI PARA MABILIS NA UPDATE. ENJOY