1. Home
  2. Stories
  3. Eve's Forbidden Apple
Filipino Sex Stories

Eve's Forbidden Apple

By maki-baoh ·

Eve's Forbidden Apple - Part 1

"Guys, be early on Monday. May ipapakilala si OM na mga bagong SMEs."

Ito ang huli kong nabasa sa phone ko bago ako tumalikod at nagbalot ng kumot. Dalawang buwan na kaming balik sa office at masasabi kong hindi ako masaya. Nakakapagod kasing mag-maneho araw-araw.

Five o'clock ang pasok ko. Kaya as early as 3:00 AM eh gising na ako para mag-kape, poops and umalis dapat bago mag 3:30 AM. Ang aga masyado pero okay na rin atleast never akong na-late. Nasa office na ako ng 4:30 or 4:45 depende sa takbo ko.

"Top of the morning guys! Salamat at maaga kayo ngayon." opening statement ng OM namin.

"I would like to introduce you sa mga bago nating support. Ibuddy ko kayo sa mga bago natin ng isang linggo para yun na rin ang maging training nila"

Ahh fuck. Sana hindi ako mapili. Ang dami ko nang ginagawa and yung pressure sa akin ng TL ko na mag-step up na ako is nonstop.

"Nakagawa na ako ng list, so eto na sila." wika pa ni OM habang isa-isang binabanggit ang mga names na magiging buddy nila for a week.

"Lastly, Eve will be assigned kay Mark…" tumingin sa akin si OM .

"…Mark Anthony." sabi ni OM at napangiti sya sa akin dahil alam nyang ayoko.

And buti na lang di ako si Mark Anthony.

"Wag mong ipahalata na ayaw mo ng kabuddy." bulong sa akin ni Kelly mula sa likod.

"Baliw ka. Sa dami nang pinapagawa mo sa akin, paano pa ako makikipagbuddy nyan."

"Sinasanay lang kita. Eventually, ikaw naman magiging TL."

She's right. Oo, mahirap yung pinapagawa nya sa akin araw-araw pero sanay naman na ako sa trabaho and for sure, magagamit ko rin sila in the near future.

"Ayy wait Eva, halika dito bilis!"

Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Kelly ang braso ko para hindi ako makatalikod.

"Pakilala kita kay Mark. Mark oh, si Eve."

"Hello. Nice to meet you!" she extended her hand for me to shake. And I did.

"Hi. Welcome to the team! Sana tumagal ka." biro ko sa kanya.

"Huy gago, wag ka ngang manakot. Teammate kami ni Eve dati dun sa taas pa lang."

"Eh di matagal ka na pala dito? Itong si Kelly, matanda na e." tanong ko sa kanya.

"Yes. Since 2017 pa." sagot na may halong konting tawa.

"Grabe tibay mo ah. Let's go na. Para makauwi na agad."

"Mukha kang uwian." Binatukan ako ni Kelly.

Napangiti naman si Eve sa ginawa ni Kelly. Naka-mask kami pero makinang yung mga mata nyang bilugan.

Mabilis na natapos ang araw and sa nakasanayan ko, after shift ay diretso ako sa office gym. Maluwag dito kapag 2:00 PM. Madalas solo ko ang gym bago dumating yung ibang gumagamit ng 3:00 PM.

Paglabas ko galing shower room ng gym, nakita ko si Eve.

"Ngayon lang kita nakita dito ah."

"Oo nga e. 12AM kasi ako last week. Before shift ako kung mag workout." sagot nya sa akin habang nagsisimula na syang mag stretch.

"Well, atleast may kasabayan na ako dito. Boring kasi." parinig ko sa kanya.

Sinabayan ko syang magstretching at right after eh dumiretso na ako sa treadmill para magjog. Binuksan ko ang airpods ko at nakinig ako ng podcast habang nanakbo.

Halos 20 minutes na akong tumatakbo nang tapikin ako ni Eve. Di ko sta marinig kasi nakafocus ako sa pinapakinggan ko.

Itinigil ko ang treadmill saglit.

"Hmmmm, yes?"

"Papatulong lang sana ako. Di ko mabuhat yung plates e. Iniwan nila yung 35. Di man lang niligpit." nakanguso nyang reklamo.

Ang cute pala nya. Wala na syang mask.

Maliit lang syang babae, around 4'11 or 5'0. Maliit ang dibdib nya pero bilugan naman ang pwet nya. Short hair, medyo maputi and yung mga mata nya bilugan. Weird comparison, kuhang-kuha nya hitsura ni Mavis, kung pamilyar kayo sa Hotel Transylvania.

Tinulungan ko syang isetup yung machine kasi balik pala nyang mag-squats. Ako na rin ang nagbuhat nung mga kailangan nyang plates.

"All good. Balik na ako dun."

"Thanks, Mark." she said sabay hawak sa braso ko.

Parang naramdaman ko pa ngang medyo pinisil nya ito ng konti.

Di na ako bumalik sa treadmill. Nag jumprope na lang ako pero sinigurado kong nakatalikod ako sa kanya. Ayokong sabihin nya na pinapanood ko syang mag-squats. Although I can sit all day and watch her do her things. Ang ganda ng behind nya. And sinasabi ko ito not in a sexual way but with true admiration. Malakas ang dating sa akin mga babaeng pawisan, yung tipong astig na tignan.

Natapos na akong mag jump rope at dumiretso naman ako sa weights para magbuhat ng kaunti. Nandun pa rin sya sa machine and katatapos lang nyang mag squat. Ngayon naman e deadlift ang ginagawa nya.

Nagkatinginan kami mula sa salamin and she gave me a smile.

You need help? I asked.

She smiled back and shook her head. Balik ako sa workout ko.

Natapos ko na yung ginagawa ko, nang biglang dumami ang tao sa gym. Maximum of 8 pax lang kami sa gym kaya nung naging anim na ang tao eh medyo mahirap nang kumilos. Tinapos ko ang workout ko and Eve was nowhere to be found.

I think lumabas na sya. Lalabas na rin sana ako. Di na ako makapagbihis sa shower area kasi may tao at ang tagal nyang lumabas.

Pag open ko ng pinto palabas ng gym, nakasalubong ko si Eve.

"Tapos ka na rin? Sabay na tayo bumaba." aya nya sa akin.

"Sige. Magbihis lang ako."

"Dun lang ako sa may pinto mag-antay."

After kong magbihis, sabay kaming bumaba ng hagdan. Casual na kwentuhan lang and tinanong nya ako kung magworkout ako ulit tomorrow, I said yes.

"Dito na ako. Mag LRT ako pa-Masinag. Ikaw, saan ka?" tanong nya sa akin.

"Ahh Baras pa ako."

"Hala. Ang layo mo!"

"Sakto lang. Sanay na rin naman. May motor naman ako."

"Sige. Dito na ako.. Bye! Bukas ulit." She waved and tumakbo na syang paakyat ng station.

Teka, dapat ba inalok ko sya na sumabay sa akin pauwi? Napakamot na lang ako ng ulo.

Dumaan ang mga araw e naging ganito ang routine ko sa office. Papasok - gym after shift - uwi. Kasabay ko palagi si Eve sa gym four times a week. Friday and Saturday ang rest day nya kaya every Friday, hindi kami nagkikita.

Same routine for the next three weeks. Nagkakapalagayan na kami ng loob ni Eve at pinepeste na rin ako ni Kelly kung ano daw ang score.

Nakatanggap ako ng tawag kay Kelly gabi ng Linggo.

"Mark! Agahan mo tomorrow. Magbreakfast tayo. Daan ka sa pandesalan saka bili ka rin ng palaman." utos sa akin ni Kelly.

"Ako na naman nakita neto!"

"Ehh sino pa nga ba?" wag ka na umangal.

"Ano ba dadalhin? May siomai ba sina tita? Penge."

"Yun lang. Magdadala ako ng egg and hotdog. Walang gawa si mama na siomai." sagot sa akin ni Kelly.

"Oh sige na. Bukas na lang."

Binaba ko na ang telepono at nadesisyon akong matulog ng maaga.

The next day, maaga akong umalis para makabili agad ng pandesal. Pagpasok ko ng Masinag, napailing ako dahil saktong Red Light. Tumingala ako.

Pagtingin ko sa overpass, nakita ko si Eve. Naglalakad. Naka-black syang skirt, green na shirt at tote bag. Pinapanood ko sya from afar. At saktong baba nya ng overpass, may dumaan na na jeep. Nakasakay din sya agad.

Nakarating na rin ako sa office and nakita ko syang bumababa ng jeep. Nagkunwari akong bumibili ng taho pero ang totoo eh inaantay ko sya.

"Huy Mark!" panggugulat nya sa akin.

"Aga mo ngayon ah!"

"Oo nga e. Si TL kasi, team breakfast daw kami."

"Number one pala kayo. Deserve nyo yan. Gagaling nyo." papuri nya sa akin.

"Wala yun. Puro tenured yung teammates namin. Kaya mga sanay na. Gusto mong taho?"

"Libre mo ako? hihi" she giggled.

"Oo naman."

Bumili kaming taho and instead na mag elevator, inaya nya ako na maghagdan. And pumayag naman ako.

Balik sa usual na routine. Mas inaagahan ko na ang pasok kasi nagugustuhan ko nang panoorin syang mag-akyat-baba ng overpass sa umaga. Alam ko na yung oras ng pasok nya. I feel like I'm stalking her na nga.

This is bad. Sabi ko sa sarili ko.

Sinubukan kong dumistansya ng kaunti sa kanya pero ending palagi ay nagtatagpo kami sa gym after shift. Sinubukan ko ring umalis ng medyo late para hindi ko na sya makita sa Masinag. Pero napaglaruan na naman ng tadhana.

Isang Huwebes, sinadya kong umalis ng late than usual. Dumating ako ng Masinag ng 4:30 AM na. Sa oras ko, sakto lamang ito kasi mga 10 minutes na lang naman office na. Pero nakita ko si Eve nandun pa rin sa sakayan ng jeep. Walang dumadaan. Kung meron man, puno na sila.

Tinigilan ko sya.

"Eve! Late ka na. Sabay ka na sa akin." sigaw ko sa kanya.

"Uy! Hala. Buti nadaan ka, walang jeep jusko."

Isinuot ko sa kanya ang extra helmet na dala ko at inalalayan sya noong sumasakay sya sa motor ko. Ang gaan nya, para akong walang angkas sa likod.

Pagdating namin sa office, 4:45 AM. Maaga pa. Dumiretso na ako ng parking. Ayokong ibaba sya sa harap ng building. Gusto kong kasabay sya pag-akyat.

"Thanks talaga Mark. Akala ko male-late ako ee."

"Wala yun. Same naman tayo ng daan e."

"Daanan mo na kaya ako palagi? Tapos bayaran na lang kita."

"Pag-isipan ko." balik ko sa kanya.

"Dali na. Bigyan kitang 50 pesos."

"Pag-usapan natin mamaya sa gym. Baka mahuli pa tayo."

Mabilis natapos ang shift namin and syempre diretso ako sa gym pero wala si Eve. Di na ako nagtanong, itinuloy ko na lang ang pagwoworkout ko and tinapos ko ito ng bandang 4:30 PM.

Paglabas ko ng gym, nakita ko si Kelly sa pantry, kumakain.

"Mark, Mark, Mark!"

"Alam mo para kang tanga. Narinig kita!" sabay kaming tumawa.

Umupo muna ako sa tabi ni Kelly and nakikain na rin ako sa kanya. Di ko pala nakain yung baon ko.

"Nasaan si Eve?" tanong ni Kelly.

Thank you! Buti sya ang nagtanong dahil kung hindi nya tinanong eh baka ako na ang nagopen up.

"Ahh, hindi ko alam. Wala sya sa gym today." sagot ko.

Hindi ko tinignan si Kelly. Alam kong nakafocus ang mata nya sa akin.

"Bet mo ba?" tanong sa akin ni Kelly.

Parang may gayuma yung tanong nya. Umangat ang ulo ko at pagtingin ko, nakatitig sa akin si Kelly. Masama ang ngiti nya. '

"Sira ulo ka ba? Syempre hindi no."

"Kilala kita. Sa lahat ng tao dito, alam na alam ko galawan mo."

"Anong galawan sinasabi mo dyan?" natatawang tugon ko sa kanya.

"Ginamit mo rin sa akin yan dati kaya alam mo na hahhahaa"

"Boses mo huy. Mawalan pa tayo ng trabaho pareho."

"Push mo na. Single yun. Marami ring nanliligaw, bahala ka."

"Ewan ko sayo. Bahala ka dyan, uuwi na ako."

"Sabay mo na ako, wait."

Sabay na kaming umuwi ni Kelly and excited ako kasi weekend na. Wala akong planong maggym tomorrow, maaga akong uuwi at magbaba nung bagong librong nabili ko. Bago ako matulog, binuksan ko muna yung libro at sinilip ito, inamoy-amoy.

Eleven Minutes, Paulo Coelho.

**ding**

Narinig ko tumunog ang phone ko. Text? Sino pang nagtetext sa panahon na ito.

"Mark, Eve here."

"Heyy. Saan mo nakuha number ko?"

"Nasa email signature mo yung number mo."

Ahh oo nga pala. Pinalagay nila yung sa email signature namin.

"Napatext ka? anong meron?"

"Wala lang. Busy ka ba tomorrow after shift?"

"No. Wala naman akong gagawin."

"Can you meet me tomorrow, sa SM Masinag? Libre kitang Macao."

"Sure. See you there maybe 3:00 PM?"

"Yep. See you. Goodnight, Mark."

Di ko na sya nireplayan. That night, di ako nakatulog. Anong gagawin ko? When was the last time na nakipagdate ako? Date ba ang gagawin namin? O baka naman overthinking lang ako.

***************************

Maraming salamat sa mga nagbasa ng Sagada Series ko dito sa FSS -- may kasunod pa iyon pero bibitinin ko muna kayo. Sana subaybayan nyo rin itong kwento namin ni Eve. :)