1. Home
  2. Stories
  3. Endo
Filipino Sex Stories

Endo

By prince_kotaro ·

ENDO

Fictional story written by: Prince_Kotaro

**********

NAMUTLA si Bert habang kinakausap ng mga tauhan ng human resources ng kanilang kumpanya, hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.

"Hindi magsasampa ng kaso ang legal department sa iyo kung magi-immediate resignaton ka, walang severance pay, at maba-ban ang pangalan mo sa industry." litanya ng personnel ng h.r. habang kinakausap si Bert. Gross negligence ang grounds kung bakit sila ngayon ay nagkakaharap sa opisina ng admin.

Mawawalan siya ng trabaho dahil sa sobrang pagtitiwala!

"Alam namin na hindi ka nakinabang sa mga ilegal na transaksyon, pero dahil sa kapabayaan mo nagamit ang credentials mo sa anomalya ni Manlangit." tulala pa rin si Bert habang ipinapaliwanag sa kanya ang mga naganap.

"Nagtatago pa rin si Manlangit pero iniimbestigahan na ang kaso. Criminal case 'yun dahil milyon ang nakuha niya dito." paliwanag ng generalist na siyang naka-assign sa kaso.

"Pero papano po ako at ang pamilya ko?" tanong ni Bert daig pa ang basang sisiw, blanko ang utak sa nagaganap. Samantalang ang saya-saya pa niya nang pumasok sa trabaho, hanggang sa ipasundo ng H.R. papunta sa kanilang opisina.

"Sana inisip mo 'yan bago ka nagpabaya!"

Kabilang na naman si Bert sa statictics ng unemployed sa bansa. Bagsak ang balikat, tinamad nang sumakay ng jeep nang pinauwi na ito.

Naisipan na lang na maglakad-lakad.

Hindi biro ang ginastos niya para makakuha ng mga certifications. Maliban sa pera, oras, at talino na ginugol niya para mapromote sa posisyon na habol niya.

Lahat ng iyon ay natapon lang sa wala.

Naisip niya na bumalik na lang sa pagiging service crew, gaya noong binata pa siya.

Pero sa edad niyang 35 years old, malabo na siyang muling makapagtrabaho sa food service dahil minsan nang nadapuan ng tuberculosis. Kapag nagpapa pre-employment medical examination nga siya ay todo-paliwanag pa siya sa duktor mabigyan lang siya ng fit to work.

Iba na ang panahon ngayon, pamilyado na si Bert. May tatlong bibig na umaasa na sa kanya na kanyang papakainin. Ang asawa niyang si Melinda at ang dalawa nilang maliit na anak.

Papaano nga pala niya ipapaliwanag kay Melinda ang lahat?

"Papaano na 'yan?" hindi masagot ni Bert ang tanong ng kanyang asawa, ang nainvest naman nila sa crypto ay nalugi at naglaho na lang na parang bula. "Kakaunti na lang ang ipon natin, ang dami pang bayarin sa bahay."

"May nagsabi sa akin sa opisina na pababantayan ang mga galaw ko, hindi ako pwedeng kumita ng malaki dahil iisipin nila galing sa nakulimbat yung pera." tulalang nabanggit ni Bert. "Pwede pa rin naman akong magtrabaho, yun nga lang hindi na pwede sa kaparehong linya."

"Hangga't hindi nahuhuli si Manlangit, under suspicion ako."

"Kung gusto mo doon tayo sa amin sa probinsya, may bangka naman kami pwede kang sumama mamalakaya." alok ni Melinda sa asawa, sapagkat nakapagpundar ng bangkang de motor ang pamilya niya sa Mindoro na ginagamit pangkabuhayan.

"Bawal akong lumayo, maghahanap na lang ako ng pagkakakitaan 'wag kang mag-alala." aburidong nahiga na lang si Bert sa kama at itinulog na lang ang problema, baka magising pa siya sa bangungot na kinalalagyan niya.

Lumipas ang araw. Linggo. Buwan. Kung makakuha man ng mapapagkakitaan si Bert ay hindi ito sapat sa kanyang pamilya. Napilitan na silang lumipat sa isang maliit na paupahan para lang makatipid sa renta at gastusin.

Pero kapos pa rin.

"Mahal, yung kapitbahay natin sinabi sa akin na may hiring sa malapit na pabrika, kaya lang babae ang hinahanap, sa tingin mo pwede pa ako doon?" umakbay pa si Melinda kay Bert, habang ang lalaki ay abala sa pagluluto ng squidballs na ititinda sa labas ng kanilang bahay.

"Kaya mo ba?" tanong ni Bert kay Melinda. Hindi sanay si Bert na makitang magtrabaho ang asawa. Mas gusto niyang inaalagaan lamang nito ang kanilang dalawang anak, pero dahil sa kakapusan ng pera ay parang naoobliga na rin siyang sundin kung nais ng babae na magkatrabaho para makatulong sa kanila.

"Bakit hindi, 30 pa lang naman ako ah!" hindi maiwasan ni Bert na matingnan ang kanyang misis. Kung tutuusin mas bata itong tingnan kaysa ka edad niya, at dahil sa maalaga sa katawan aakalain mong dalaga pa ito, sa taas na 5'6", nagkaroon lang ng kaunting taba dahil sa panganganak. Masasabing hindi kumupas ang taglay nitong kaseksihan at kagandahan magmula noong nakilala niya ito.

Swerte naman na natanggap sa pabrika si Melinda. Mabilis na inasikaso ang mga requirements at sa darating na lunes ay umpisa na ito ng trabaho.

"Ganda naman talaga oh!" hindi makapaniwala si Bert habang kalong ang kanilang bunsong anak, tinitingnan si Melinda na nagsusukat ng kanyang uniporme. Nakaharap ito sa salamin at suot ang tshirt na may tatak ng logo ng kumpanya. "Baka ma-starstruck sa 'yo mga tao doon!"

"Magsawa sila kakatingin, hihihi!" nakapameywang pa si Melinda at nagpo-pose sa salamin. Kitang-kita ang kakaibang ningning sa mga mata nito, excited na muling makabangon sa hirap na pinagdaraanan.

Kinabukasan maagang nagreport si Melinda sa trabaho at nang mailibot kasama ng ilang kasabay niyang baguhan sa buong factory, ay itinuro na sa kanila ang magiging station na kung saan sila naka-assign.

Sa puwesto ni Melinda, madali lang ang trabaho. Punas-punas lang ang kanilang ginagawa, kaya malaya silang nakakapagkwentuhan ng ibang babeng kasama niya sa trabaho.

"Swerte si Kathy ano, naregular na." sabi ni Patrice, nasa 40 years old na kasama ni Melinda na nagpupunas ng produkto at pagkatapos ay ilalagay sa karton bago ipasa sa susunod na department.

"Syempre malakas yun, pamangkin ng taga admin eh," singit naman ni Bernice regular na empleyado, at kilalang tsismosa.

"Kaya ikaw Melinda kung gusto mong magtagal dito dapat gagalingan mo," payo ni Patrice kay Melinda, na nakikinig lang sa usapan nila. Malapit na kasing ma-endo si Patrice, at araw na lang ang hinihintay niya, nakahanda naman siyang lumipat sa ibang pabrikang papasukan.

"Naku wala sa galing 'yan!" kontra ni Bernice na tuloy-tuloy lang ang galaw ng kamay sa pagpupunas. "Matagal na ako dito kaya alam ko ang mga galawan dito."

"Aber, sabihin mo nga," hirit ni Patrice.

"Etong si Patrice lang ayaw maniwala sa akin eh," inilapit pa ni Bernice ang kanyang mukha at umaktong pabulong sa kanyang mga kausap. "Kung gusto mo talagang magtagal dito, isa lang ang gagawin mo…"

"…magpakantot ka!"

<<>>