1. Home
  2. Stories
  3. Dekada- End
Filipino Sex Stories

Dekada- End

By starst1949 ·

2000-2010

Ilang taon pa ang mabilis na nagdaan.

Mula ng mamatay ang asawang si Ricky, ibinuhos na lang ni Soraya ang sarili sa pamamahala ng SinagPagasa. Tanggap na niyang malabo ng matupad ang pangarap na makapagpatayo ng bagong center para sa lumalaking bilang ng mga kababaihang nangangailangan ng kanlugan. Pilit na lang nilang pinagaari ang kasalukuyang mga gamit at pasilidad.

Maganda pa rin si Soraya, mukha siyang kagalang-galang sa suot na salamin. Marami pa ring manliligaw. Bahagya lamang kasing nagbago ang pangangatawan. Hindi mo sasabihing 53 years old na big boss ng SinagPagasa.

Pero wala na sa loob ni Soraya ang magasawang muli. Kay, naman nagsawa na sa pangungulet ang kaibigang si Aida na muli siyang mag asawa . Kung sino-sino na ang mga lalaking pinakikilala nito kay Soraya. Pero, sadyang sarado na yata ang puso ng biyuda mula ng manirahan dun ang kaisaisang lalaking minahal.

Sa Ameika na naninirahan si Aida at malalaki na ang dalawa nitong anak sa asawang Amerikano na nakilala niya sa Brazil. Isa rin itong social worker duon.

----------------

Patuloy ang paglipas ng panahon.

Isang araw, nagulat na lang si Soraya ng makatanggap ng E-Mail mula sa isang foundation. Humihingi ng presentation tungkol sa SinagPagasa.

Eksperto dito si Soraya sa tagal at lawak ng eksperyensa. Mahusay niyang pinirisenta ang lahat ng aspeto tungkol sa SinagPagasa. At tulad ng palagi niyang ginagawa tuwing darating ang ganitong pagkakataon, idiniin niya ang matinding pangangailan ng lupa para sa bagong center.

Hindi naman na lubos na umaasa si Soraya. Sa dami ng nagawang presentation, madalang lamang ang talagang nagbigay ng malaking tulong.

Kaya laking gulat niya ng makatanggap ng tawag mula sa nasabing foundation.

Hindi siya makapaniwala na ganun lang kadali na maayos ang transaksyon para sa lupang donasyon pagkatapos lamang ng ilang meeting. Isang hektaryang lupa sa isang bayan sa Laguna. Maganda ang lugar, marami ng subdivision ang sinisumulan na sa paligid.

Naiyak sa tuwa si Soraya. Hulog ng langit ang nasabing foundation!.

-----------------

Excited si Soraya habang hinihintay ang pagdating ang donor ng lupa para sa shelter.
Ngayon ang groundbreaking ng project. Masaya siya dahil tinanggap ng donor ang imbitasyon niya upang ito na mismo ang maghatag ng "corner stone". Ngayon lang din makikila ni Soraya ang espesyal na panauhin dahil foundation to foundation lang ang naging transaction. Pagkakataon niya rin upang personal na makapagpasalamat.

Hindi naman nagtagal, dumating na kanayang hinihintay, sakay ito ng isang luxury vehicle na angkop lamang sa estado ng pasahero nito.

Kumilos si Soraya upang salubungin ang bagong dating na nuon naman ay palapit na rin sa kanyang kinaroronan. Biglang siyang natigilan, lumakas ang kaba ng dibdib ng makilala ang panauhin. Iisang tao lamang ang nagpapatibok ng ganito sa kanyang puso.

"Mam Soraya Garcia, this is Sir Gerard Montesser." Pakilala ng kasamang assistant ni Gerard.

Matipid ang ngiti ni Soraya, makahulugan naman ang kay Gerard.

"Raya" Anang tinig na kay tagal ng inaasam na marinig ni Soraya.

"Gerard"

Nagkamayan. Mahigpit na nagdaop ang mga palad…

Dama pa rin ang hiwaga, ang haplos ng nakaraan sa init ng kanilang mga palad. Sa kanilang mga mata ay ang pagtanggap sa katotohanang habang buhay silang bilanggo ng takda nilang kapalaran

Tulad ng kanilang naramdaman nuong una silang nagka-daupang palad, tatlong dekada na ang nakaraan.

"Paano, bakit" Tanong ni Soraya ng sila na lang dalawa ang palapit sa groundbreaking site. Para siyang baliw na tumatawa habang umiiyak.

"Later, I'll explain it to you later. Come on let's break the ground."

Matapos ang seremonya. Dinala ni Gerard si Soraya sa Tagaytay.

Hapon na ng pumasok sila sa isang magandang restaurant. Tanaw mula dito ang Taal Lake.

"Gard, paano mo nalamang…." Hindi na tinapos ni Soraya ang sasabihin. May naalala…, alam na niya kung bakit at paano.

"Si Aida, si Aida ang nagsabi sa iyo" Bulalas niya.

"You guessed right, si Aida nga. Pinagalitan ko nga dahil bakit matagal bago niya ito sinabi sa akin."

"Hindi ko rin naman nasabi agad nuon kay Aida. Ayokong dagdagan pa ang mga problema niya nuon sa trabaho. Alam mo naman si Aida, magpipilit yung tulungan ako."

"Gard I can't thank you enough" Buong pakumbabang wika ni Soraya

"Raya, no, don't thank me. It makes me feel so guilty, so selfish, knowing I did it for you."

"Salamat na rin, Ha ha ha, but I don't believe you, alam kong matulungin ka. Kaya nga meron ka ring foundation para sa mga street children dito."

"Its just my way of giving back something in return sa mga maraming blessings sa buhay ko" Seyosong salita ni Gerard.

"So, how's life been treating you?" tanong ni Gerard habang hindi inaalis ang tingin kay Soraya.

"I am good, especially now that we can start with the construction of a new center. Ikaw kamusta ka na…ang family mo. Balita ko super successful ka na sa Amerika"

."Hindi naman Raya, medyo sinuwerte lamang. Maayos naman ang buhay. Malaki na ang anak namin, may sarli ng buhay. Alam mo naman sa Amerika." Kwento ni Gerard.

Natigilan si Gerard, alam niyang awkward pagusapan ang tungkol sa anak, knowing ang nangyari sa anak ni Soraya.

"Oh God, how I've missed you." Malalim ang buntong hininga ni Gerard habang mahigpit na hawak ang kamay ni Soraya.

"Same here Gard, same here" mahigpit din ang hawak ni Soraya.

----------------------

Sa isang hotel overlooking Taal Lake nag overnight ang dalawa.
Sa loob ng kwarto. Magkarahap na nakatayo ang dalawa habang magkahawak ang dalawa nilang mga kamay Walang maririnig kung hindi ang malalim nilang paghinga habang hindi inalis ang tingin sa isat isa. Waring isinasa memorya ang bawat detalye ng hubad nilang katawan. Ang mga pagbabago mula ng una nilang masilayan ang kanilang kahubdan.

Si Gerard, bahagya ng malaki ang tiyan, manipis na rin sa tuktok ng dating mala-Kristong buhok, may ilang na ring mga guhit na lumilinya sa mukha nito.

Si Soraya, medyo malaki na ang puson, bahagya ring bumagsak ang dibdib. May ilan na ring mga guhit sa gilid ng mga mata at sa noo.

Pero ang hindi kayang baguhin ng panahon ay ang kanilang damdamin, dama pa ng isa't isa…ang alab ng pagibig na sing init ng tag-araw nuong dekada 70.

Sa paningin ni Soraya si Gerard ay yun pa ring mala-hippie na teenager na kumarga sa kanya papalayo sa kaguluhan. Ang simpatikong lalaking kanyang minahal at patuloy na minamahal habang may tag araw sa kanyang buhay. .

Para kay Gerard, si Soraya ay ang napakaganda at napakatapang na aktibistang una niyang nasilayan sa gitna ng kaguluhan. Ang tanging babaeng minahal niya ng higit sa lahat.

Anduon pa rin ang init ng mga haplos, ang tamis ng halik ang masidhing pagnanasa na pag isahin ng katawan at damdamin.

---------------------

Masayang masaya si Soraya. Higit sa inaasahan niya ang mga bisitang nagsidalo sa pasinaya ng bagong center ng SinagPagasa. Marami din mga politiko at mga kilalang mga tao ang nag pledge ng tulong para sa center. Maraming nag padala ng bulaklak at pagbati. Pero iisa ang para kay Soraya ay katangi-tangi at pinakamahalaga:

Isang long-stem American red rose, kalakip ay isang maikling mensahe:

Raya,

Makibaka!!

Always,
Gard

end