1. Home
  2. Stories
  3. Aristotle Adventures XI : Hero's Reward
Filipino Sex Stories

Aristotle Adventures XI : Hero's Reward

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

=====================================

" Isa………."

" Dalawa………."

" Tatlo………."

" Blag" ang sabay namin na pagsipa ng pintuan sa banyo at sa cubicle. Nagulat na lamang silang tatlo ng paulanan ko sila ng bala. Mabilis naman na dumapa ang mga ito habang patuloy ako sa pagbaril sa kanila.

" tara na Engr James" ang sigaw ko mula sa labas ng banyo habang pinauulanan ko pa ng bala ang tatlong nakadapa ngayon sa sahig. Pero hindi pa rin lumalabas ang guro ko.

" Tara na " ang sigaw kong muli sa kanya habang hindi pa nakakarekober ang tatlo Lumabas naman si Engr James mula sa kinatataguan nito at mabilis itong humawak sa akin habang patuloy lang ako sa pagpapatuk ng baril ko.

Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon. Hindi ko natantya ang laman ng magazine dahil sa pagkatapak namin sa labas ng banyo bigla na lang naubusan ng bala ang baril ko.

Kaya naman mabilis na hinila ni Boy Varsity ang paa ko at mabilis ako nitong pina iibabawan at pinagsusuntok. Ramdam ko ang lakas ng kamao ng lalaki na parang maso na tumatama sa aking magkabilang pisngi.

" Boys……. Ung puta natin" ang sigaw naman nito habang nakadagan sa tuhod nito sa aking mga braso ng mga oras na iyon. Kaya kahit gusto ko lumaban ay hindi ko magawa.

Nakita ko naman ang dalawang kasama ni boy varsity na ngising aso na palapit kay engr james na umaatras papasok muli ng banyo ng mga oras na iyon. Hindi ko na siya nakita pa dahil sa patuloy na pagsuntok ni boy varsity sa akin mukha.

" Aris….. Help meeeeeeee ahhhhhhhh" ang sigaw ni Engr james sa akin na may halong pagmamakaawa. Kahit hindi ko nakikita ang nangyayari sa kanya. Alam ko naman na nasa panganib ito ng mga oras na iyon. Kaya naman nilakasan ko lalo ang aking loob at pilit akong kumakawala sa mga tuhod ni Boy varsity

Pero mas lalo niya pang diniinan ang mga tuhod nito. Kaya naman kailangan ko pang umisip ng paraan paano ako makakatakas sa kanyang pagkakadagan sa aking katawan.

" warak ka sa amin ngayon…… hahahhahahahha….." ang sigaw ni boy basketball habang narinig ko na lang na parang napunit ang damit ni Engr James dahil sa tunog ng pinipilas na tela. Alam kong kailangan ko ng umaksyon dahil kung mahuli pa ako ng kilos ay tiyak na magtatagumpay ang mga ito sa kanilang mga plano.

" wow…… kahit matanda na….. Masarap pa rin ang cocomelon nito ahhhhhhh" ang ungol naman ni Boy Athletics. Kahit hindi ko nakikita ang dalawa. Alam kong tulo laway na ang mga ito kaya naman sumugal na ako. Kaya naman buong pwersa ko na binuhos ang lahat ng lakas ko para lang maka alis ako dito kay boy varsity.

" Arrghhhhhhhhhhhhhhhhh" ang sigaw ni Boy Varsity ng isang tadyak sa kanyang bayag ang tinamo nito kaya naman na out of balance of ang gago at mabilis ko itong naitulak paalis sa ibabaw ko gamit ang kamay ko na kanyang tinutukuran ng tuhod niya.

Isang malakas na suntok sa nose bridge niya ang pinakawalan ko kaya naman lalo pa itong nawalan ng balanse at napasalampak na lamang sa sahig. Ramdam ko ang pagkabasag ng kanyang ilong ng mga oras na iyon. Ang kumpol ng dugo na tumutulo sa kanyang ilong ng mga oras na iyon.

Kahit na medyo hilo pa ako at ramdam ko na may tumutulo ng dugo sa magkabilang pisngi ko ay mabilis ko naman umikot at hinarap ang dalawang manyak na ngayon ay binababoy si Engr James.

Medyo gumegewang pa ang lakad ng mga oras na iyon pero ng marinig ko muli ang palahaw ni Engr James ay parang nagkaroon naman ako ng panibagong lakas ng oras na iyon.

Kita ko ang isa sinasandal sa pader itong guro namin at siniil niya ng halik ang leeg nito na akala mo ay hayok na hayok ito sa laman habang ang isa naman ay panay ang lamas sa suso nito na parang dumadakma lamang ito ng bola ng basketball. Kaya naman buong pwersa ko na binawian sila.

" pare….. Mahilig ka sa bola….. Ito ang bola oh" ang sigaw ko kay boy basketball na siyang lumamalamas sa dibdib ng guro namin. Napalingon ito sa akin harapan at mabilis na pinagsusuntok ko ito sa kanyang mukha.

Matibay din ang pangangatawan nito at kayang kaya niya ang mga suntok ko. Hindi naman ako atleta pero masasabi ko naman na batak ang katawan ko dahil sa trabaho sa tindin ng akyatan namin sa baguio. Pero dahil na rin sa tama ng alak sa kanya ay hindi niya natagalan ang palitan namin ng suntok.

At bago pa ako makarekober ay nasuntok na ako ni boy athletics gamit ang kamao niya na parang bumuwelo ito ng discuss throw sa pag suntok sa akin. Medyo ininda ko ito pero dahil sa tama ng alak ay mabilis ko din itong napatumba. Isang malakas na suntok na lamang sa kanyang sikmura ang aking pinakawalan para tuluyan na itong sumuko.

Pinagmasdan ko ang kalunos lunos na hitsura ng aking guro. Ang dating matapang at napaka linis nitong hitsura ay ngayon gula gulanit na ang suot nito dahil sa sobrang pangbabastos ng mga ito sa kanya. Kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan na akong naawa dito.

" Here" ang sabi ko kay Engr James ng umiiyak itong lumapit sa akin sabay abot sa coat ko para matakpan ang kanyang dibdib na litaw na litaw ngayon. Nilabas ko ang pistol ko sa loob ng coat at pinagsisipa ko naman ang tatlong nakahandusay sa sahig ng banyo.

Palabas na kami sa banyo ng biglang lumitaw ang tatlong naka coat na guard at nakalabas ang mga pistol nila. Mabilis kong hinila palayo sa pintuan si Engr James habang pinauulanan kami ng bala ng tatlo.

" Bang!! Bang! Bang!! Bang!!" ang sunod sunod na pagpapaputok nila sa kanilang baril na parang balak ubusin ang laman ng magazine nila sa amin ni Engr James. Ito ang pagkakamali nila dahil sabay sabay silang nagreload kaya naman tatlong

" Bang!!" ang tunog ng tatlong bala na lumabas sa akin baril ng mga oras na iyon at sapul silang tatlo sa ulo ng umangat ako para gantihan sila ng putok ng mga oras na iyon. Mabilis kong hinila si Engr James palabas ng cr ng biglang lumitaw na naman ang ibang pang mga security sa lugar.

" ayun" ang sigaw ng isa sabay tutok nito sa amin ng kanyang dalang m16 rifle at nagsimula na nilang paulanan kami ng bala ng m16 rifle. Ramdam ko ang paglampas ng bala sa amin paligid. At parang may kung anong pumoprotekta sa amin kaya hindi kami tinatamaan ng bala ng oras na iyon.

" Bratatatatatatat" ang tunog ng mga m16 rifle na dumaan lamang sa ibabaw ng ulo namin ni Engr James habang patuloy kami sa pagtakbo palabas ng mansyon. Halos madapa na si Engr james sa pagtatakbo nito dahil sa suot niyang heels kaya naman sa sobrang inis niya ay hinagigs ito at sa di inaasahan pagkakataon ay sapul ang isa ulo doon mismo sa heels.

Ginamit ko ang mga design at abubot sa venue para gawin pananga namin. Ang bawat paso at lamesa na pwede kong itumba ay tinumba ko para lamang madelay ang mga humahabol sa amin hanggang sa makalabas kami sa pool area.

Kung saan may dalawang guard ang nakaabang pero bago pa sila nakabunot ng baril ay isang mag asawang sipa na ang inabot nila mula kay Engr James at mabilis naman nahulog ang dalawa sa pool na may kalaliman.

Habang busy kami ni Engr james ay hindi namin namalayan ang dalawa pang guard na palapit. Napansin na lamang namin ang mga ito ng sumigaw ang isa sa kanila.

" ayun" ang sigaw naman ng dalawang security na may dalang pump action shotgun. Kaya naman mabilis kong hinila papunta sa isang malaking lamesa si engr james na kung nandoon ang mga alak at pagkain na sineserve kanina mga waiter. Mabilis kami nagkubli sa ilalim nito habang ang dalawa pinuputukan ang mga lalagyan sa ibabaw namin

" Bang!!. Krik Krik!! Bang!!" ang tunog ng pagpapaputok ng mga ito at kasunod na pagkasa nila sa mga dala nilang shotgun. Magaling ang dalawa dahil hindi sila sabay na nagpapaputok at naglalagay ng bala pero mas magaling ako dahil mula sa mantel na pinagtataguan namin ay pinutukan ko silang dalawa sapul sa kanilang mga maseselan na bahagi.

" ayun ang gagong si aris at ang puta natin" ang sigaw ni Boy varsity na mukhang nakarekober na ito mula sa mga suntok na inabot niya sa akin at mabilis na pinaulanan kami ni Engr James ng bala gamit ang m16 niyang dala ngayon.

" tara na engr ahhh" ang sabi ko sa aking kasama na pilit kong pinoprotektahan sa mga bala na tumatama sa paligid namin habang nakikipagpalitan din ako ng putok sa mga ito.

" Bratatatatatatat"

" Bratatatatatatat"

" Bratatatatatatat"

" Bratatatatatatat" ang sunod sunod na pagpakawala ng m16 ng apat na magkakaibigan pero ng tumigil sila ay ito na ang hinihintay kong pagkakataon para gumanti.

" Bang" sapul sa balikat niya si Boy Basketball at napatumba na lamang ito. Kaya naman mabilis kong hinila paalis si Engr James. Ilang guard pa ang humarang sa amin pero determinado akong makaalis sa lugar na ito ng ligtas at kasama ang babaeng balak nilang babuyin.

Kaya tig iisang bala sila mula sa aking baril ang tumapos sa mga buhay ng mga ito. Pinatakbo ko naman papunta sa sasakyan namin ni tita reagan itong si engr james tsaka ako naiwan ng kaunti para ikober siya.

" Sakay…ikaw ang mag drive" ang sigaw ko kay Engr James kaya naman sumakay na ito sa sasakyan na dala ko at mabilis kong nireload ang dala kong pistol tsaka ako naglakad na papunta sa aming sasakyan paalis.

" bratatatat" ang tunog ng mga m16 rifle nila na pinauulanan kami ng bala ni Engr James.

" sakay na aris" ang sabi nito sa akin habang naka duko ito at pilit na pinaliit ang kanyang sarili. kaya naman umangat ako para makipagsabayan ng putok sa kanila pero imbes na sa direksyon nila ang putok ko ay sa mga gulong ng sasakyan na malapit sa kanila.

" sheeeeshhhhhhhhh" ang tunog ng kumakawalang hangin sa mga sasakyan ng mga loko. Habang Sumakay na ako sa tabi ni Engr James at mabilis itong nagpatakbo palayo habang kita naman sa mga mukha ng mga ito na naloko na nautakan ko sila.

Inis na inis sila dahil lahat ng pwede nilang gamitin para habulin kami ay wala ng hangin ang gulong. Kaya naman medyo napanatag na ako ng loob ng kaunti pero may kailangan pa din ako gawin para masigurado ko ang kaligtasan ng aking kasamang babae ng mga oras na iyon.

" ano ba hinahanap mo diyan?" ang tanong ni Engr james sa akin habang parang may kinakalkal ako sa glove box sa harap ko. Hindi ko ito pinansin at patuloy lang ako sa paghahanap sa loob hanggang sa nilabas ko ang isang lumang de keypad na selpon.

" ano number ng ate mo?" ang tanong ko sa kanya. Nagets naman nito ang gusto kong iparating kaya naman mabilis niyang binigay sa akin ang numero ng kanyang ate na dean ng campus namin.

" Hello Dean James, aris San Diego po ito… ung scholar ni Prof Reagan…. Kasama ko ang kapatid niyo…… tumawag po kayo ng pulis papuntahin niyo sa address na ito" ang sabi ko sa kausap kong dean namin ngayon. Di normal sa akin na kausapin siya dahil alam sa buong campus ang pagiging strict nito pero isa siyang tapat na guro.

Alam kong siya lang ang pwede tumulong sa amin ni Engr James ng mga oras na iyon. Di ko alam kung sino pa ang pwede namin pagkatiwalaan. Alam ko na malalaking tao ang miyembro ng frat na nakatapat namin ni Engr James. Kaya naman siya lang ang naisip kong tao na pwede tumapat sa kanilang lahat.

" Wat? Asan ang kapatid ko?" ang sigaw ni dean james mula sa kabilang linya. Kaya naman nilagay ko sa speaker ang telepono. Napatingin naman si Engr james sa akin tsaka ito nagsalita sa kanyang nakakatandang kapatid niya.

" ate….listen to him…. Remember ung party ng frat sa campus…. I went in there at tinangka nila akong pagsamantalahan….. Buti at nailigtas niya ako" ang sigaw ni engr james sa kanyang kapatid habang patuloy itong nagdrive. Nagulat itong si dean hames sa mga sinabi ng kanyang kapatid. Rinig ko naman sa kabilang linya na sumisigaw itong si dean james at parang may inuutusan na tumawag ng pulis.

" Papunta na sila…. Just drive and aris… make sure na ligtas ang kapatid ko" ang huling natatandaan ko dahil sa parang nanghihina ako at naramdaman ko na sumakit ang tagiliran ko. Kaya naman kinapa ko ito at inangat ko. Nakita ko ang dugo na dumadaloy mula sa aking tagiliran at unti unti ng umikot ang aking paninigin tsaka na ako tuluyan na nawalan ng malay.

========================

Lilly's Pov.

" aris…wake up….. Ano ka ba wag ka ganyan" ang sigaw ko naman sa aking estudyante na nagsilbing knight in shining armor ko ng mga oras na iyon . Kung noon ay sinisigawan ko ito sa klase para matuto siya pero ngayon ang sigaw na nagmumula sa aking bibig ay para magising ito at hindi ito tuluyan na mawalan ng ulirat. Kinakabahan ako ng mga oras na iyon dahil sa mukhang nanganganib na ang buhay nito.

" aris…don't do this……. I hate people leaving me alone…. Please…wake up" ang sigaw ko naman sa aking estudyante habang patuloy ako sa pag alog sa balikat niya pero wala pa din itong kibo.kahit na hirap na hirap ako na pagsabayin ang pag gising sa kanya at ang pagmamaneho ko ay pilit ko itong ginawa

Pero hindi pa rin ito natitinag sa kanyang pagtulog Kaya naman mas lalo ko na lamang na binilisan ang pag mamaneho ko at nagfocus ako dito hanggang sa makarating kami sa isang hospital

" Guard… tulungan niyo ako… may tama ang kasama ko" ang hysterical kong pagsisigaw sa guard na nasa lobby kababa ko sa sasakyan na aming dala dala.

Mabilis naman itong kumilos at nilapitan ang sasakyan ko at mabilis niya binuhat si aris patungo sa isang stretcher habang ako naman ay sinamahan ng isang nurse para matsek up din kung sakali.

" nurse…kumusta po kasama ko?" ang tanong ko sa nurse na naglilinis ngayon ng mga tinamo kung galos at maliliit na sugat habang nakikipag bakbakan si Aris kanina sa mga frat member na gustong gumahasa sa akin.

" nasa operating room pa po…pero wag kayo mag alalala dahil sa mga magagaling at mga doktor namin dito" ang sabi ng nurse sa akin habang nilalagyan na niya ng betadine solution ang aking sugat ko. Napatingin na lamang ako sa kanya at di ko maiwasan na maluha.

Dahil ang taong nung una ko pa lang nakita ay wala na akong ginawa kung hindi ipahiya ito sa klase namin, siya pa pala ang maliligtas sa akin sa tiyak na kapahamakan. Kaya parang sobrang inaatake ako ng aking konsensya ng mga oras na iyon.

Matapos na malinisan ako ng sugat ay lumabas muna ako sa emergency room tsaka umupo ako sa tapat ng operating room sa di kalayuan. Malalim ang hininga ko ng mga oras na iyon dahil sa kinakabahan ako kung ano ang magiging resulta ng operation ni aris.

Tsaka ko tinawagan ang aking ate para sabihin kung nasaan kami at kung anong kalagayan ni aris. Sinabi naman nito sa akin na papunta na daw siya dito at wag na ako mag alalala dahil tatawag din siya ng pulis para masigurado ang safety namin ni aris.

Di ko maiwasan na isipin kung paano ako babawi sa taong nadamay lang naman sa inis ko sa kanyang kasama sa buhay. Hindi naman talaga ako galit sa taong ito pero galit ako kay Reagan.

Isa pa iyon, paano ko sasabihin sa babaeng kinaiinisan ko ng higit pa sa aking buong buhay. Pinasawalang bahala ko na lang muna ito. Ang importante ay maging ligtas muna itong si aris.

Kung tutuusin, isa si aris sa mga pinaka magaling at matalinong estudyante na nahawakan ko. Dahil halos every exam nito ay siya ang top sa klase niya kahit noong nasa kamay pa sila ng professor na aking pansamantalang pinalitan.

" Aris san diego… one bright kid ka…. Di ko alam kung paano kita pasasalamatan…… " ang sabi ko sa aking sarili habang napasandal na lamang ako sa upuan na plastic habang hinihintay ko ang pagdating ng aking ate. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata hindi tuluyan tumulo ang luha ko.

Ayaw ko kasing ipakita sa mga tao sa paligid na mahina ako at kaya nila akong kayan kayanin lang basta basta.

============================

Habang sa resort naman na kung saan na naganap ang barilan kanina.

" boys bilisan niyo… maglinis ng kalat" ang sigaw ni boy varsity sa mga kasama nilang mga security habang pilit nilang tinatago ang mga bangkay ng mga namatay na security detail kanina sa engkwentro nila ni aris at engr james.

Bitbit ng mga ilang tauhan nila ang kanilang mga kasamahan na namatay sa engkwentro at sinasakay nila ang mga ito sa likod ng pickup truck na bagong palit na ang gulong. Balak nilang ilibing ang mga ito sa mga iba't ibang lugar para hindi sila mahuli agad.

" hayop na aris na yan….. Sharp shooter pala" ang sabi ni boy basketball habang hawak nito ang kanang balikat niya na tinamaan ni aris kanina ng baril nito. Kakatapos lang siya gamutin ng kasamahan nilang nurse at ka brad din.

Bakas pa sa mukha nilang dalawa ang mga suntok na inabot nila kay aris kanina lang. Ayun din sa brad nilang nurse ay baka may broken nose itong si boy varsity dahil sa medyo bumaliko na ang nose bridge nito.

Kaya naman hindi na masyado nagkikilos itong si boy varsity at baka lumala pa ang damage na natanggap niya mula sa suntok na iniwan sa kanya ni aris kanina lang.

" Wang Wang!! Wang !! Wang!!" ang tunog ng mga sirena ng pulis na huminto sa labas ng resort. Napatingin naman sila boy varsity at boy basketball sa isa't isa. Di nila ang gagawin nila dahil sa mukhang sukol na sila.

Mabilis na pinasok ng mga pulis ang nasabing resort. Mga may dala din ang mga ito na mahahabang baril at kaya naman wala ng nagawa ang grupo nila kung hindi sumuko. Hindi man lang nila nagawang kuhanin ang mga sandata nila. Sobrang bilis ng mga pangyayari at wala man lang naka react sa mga miyembro ng mga fraternity.

Sinakay ang mga ito sa apat na back to back at ang iba naman ay sa mga patrol car. At diniretso sila sa presinto para kunan ng salaysay.napatingin na lamang sa isa't isa ang apat na magkakaibigan dahil mukhang wala na talaga sila.

Alam nila na kaya naman silang ilabas ng mga ka brad nila at ng mga elders ng fraternity pero mukhang mahihirapan ang mga ito. Dahil ang babaeng kinursunada nila ay kapatid lamang ni Dean James.

Ang dean ng college of engineering at isang member ng board ng nasabing paaralan. Tiyak na kung makalusot man sila sa kaso ay kick out na sila sa mga varsity teams na kanilang kinabibilangan at pati na rin sa paaralan.

Bukod pa na pwedeng ipa ban sila ng nasabing paaralan sa lahat ng UAAP schools at sa iba pang skwela na pwede nilang pag enrollan dahil sa nasangkutan nilang gulo. Sirang sira na ang buhay ng mga ito kaya naman mas pinili na lamang nila tapusin ito ng mas madali at walang kahirap hirap pa.

Hindi nila kayang harapin ang kahihiyan ng pagpunta sa loob ng presinto at ipresinta sila sa mga tao bilang mga manyak at mga rapist at alam nilang pag dumating ang ganitong oras ay malabo na nilang asahan ang tulong ng mga elders nila.

Kahit na nakaposas sa kanilang likuran ay tumalon ang apat mabilis na tumatakbong back to back at huli na ng mapansin ito ng mga kapulisan at wala na rin silang nagawa para iligtas ang apat.

Katama pa lang nila sa sementadong kalsada ay basag na ang bungo ng apat dahil sa bilis ng takbo at lakas ng impact ng kanilang pagtama sa sementadong kalsada. Habang ang mga pulis naman ay napatigil na lamang at tumawag na sila ng responde sa headquarters nila.

Pinulsuhan ng mga pulis ang apat pero wala na silang buhay. Kaya naman sinara na lamang nila ang mga mata ng mga nakamulat pang mga mata nila habang tuluyan na nilang iniwan ang mga kasalanan na kanilang ginawa sa guro at kaklase.

Hindi man lang nila ito pinanagutan sa mga ng batas at sa mata ng lipunan. Mas pinili nila ang maging duwag sa oras na iyon. Taliwas sa kanilang macho at matapang na imahe na kanilang pinakikita sa campus.

======================

Lilly's Pov

"lilly….. Gising na" ang pamilyar na boses sa akin habang naramdaman ko na may tumatapik sa akin balikat. Kaya kahit kusot kusot pa ang aking mga mata ay minulat ko ito at nakita ko ang ate Andrea na naka upo na sa aking tabi.

Mahigpit ko itong niyakap at dito ay di ko na napigilan na tumulo ang luha ko dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan ko sa magdamag na ito. Ramdam ko naman ang mainit na pagtanggap ni ate andrea sa akin kaya napapanatag na ang loob ko.

" relax lilly….. Wala na ang mga lokong gumawa noon sa iyo… at lahat ng mga nasa party ay iniimbestigahan na nila" ang sabi ni ate andrea sa akin habang hinahaplos haplos nito ang aking buhok. Napatingin na lamang ako dito at pinunasan ko ang aking luha.

" Muntikan na nila akong babuyin ate…. Buti dumating si Aris" ang sabi ko kay ate andrea habang patuloy lang ako na nakayakap sa aking nakakatandang kapatid. Napatingin na lamang ito sa akin at siya na mismo ang nagpunas sa akin luha.ramdam ko ang palad ni ate andrea na sobrang lambing at pilit akong pinapakalma ito.

" tahan na lilly… we will take care aris… while reagan is abroad" ang sabi ni ate andrea sa akin kaya naman lumakas na ang loob ko. Napatingin na lang ako sa kanya. Sobrang laking luwang nito sa nararamdaman ko. Kaya naman pilit ko din pinipigilan ang aking sarili na lumuha pa.

" doc…kumusta po si aris" ang tanong ko sa doctor ng lumabas na sa operating room. Kita ko ang butil butil na pawis nito sa kanyang noo kaya alam kong matindi ang pinagdaanan na operasyon ni aris. Napatingin naman ito sa amin ng aking kapatid bago siya tuluyan nagsalita

" okay na siya……. Buti na lang at daplis lang tama niya" ang sabi naman ng doctor sa akin kaya naman tuluyan na akong napangiti. Ito ang mga salita na talagang gusto ko marinig ay nasabi niya.

Alam kong ligtas na ang lalaking nagligtas sa akin. Kaya naman nangako ako na pagsisilbihan ko ito at magbabago na ako ng pakikitungo sa kanya. Ibigay ko ang lahat para lang makabawi ako kay aris. Kahit na ang hilingin niya pa ay patawarin ko ang boss niyang si Reagan.

" he would be transfer na room niya after a few minutes……" ang sabi nito sa amin ni ate andrea. Kaya naman inayos na namin ni ate andrea ang room nitong si Aris. Sinabi ni ate andrea na siya na ang mag aasikaso dito at magpahinga na lamang daw ako.

Pero pinilit ko siya na ako ang dapat mag asikaso sa pangangailangan ng lalaking nagligtas sa akin. Naintindihan naman niya ito at inalalayan na lamang ako. Matapos ito ay nakakuha na kami ng double bed room ni ate andrea.

Sinabi ni ate andrea na mahiga na daw ako sa kabilang kama at siya na lamang ang maghihintay kay aris na pumasok sa room. Sinunod ko na ito dahil sa ramdam ko na ang pagod at alam ko naman na safe na si aris.

====================================

Aris's Pov.

" ah aray ang liwanag" ang sigaw ko ng maimulat ko ang aking mata at isang nakaksilaw na liwanag ang bumungad agad sa akin. Napapikit na lamang muli ako pero dalawang pamilyar na boses ang aking naririnig ng mga oras na iyon.

" Doc gising na siya" ang sigaw ng isang babae mula sa aking kaliwa kaya dahan dahan kong minulat muli ang aking mga mata at nakita si Engr James na nakatayo na sa gilid ko. Parang isa itong anghel sa suot niyang puting damit pero ang pinagtataka ko ay nakaputi rin na lalaking kasama niya.

" Sir… naririnig mo ako" ang tanong sa akin ng lalaki kaya naman napatingin ako dito at sumagot sa kanya.

" Oo narinig kita….. Asan ba ako at anong nangyari?" ang litong lito kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan ko lang si Engr James na patuloy lang ang paghawak sa aking kamay.

" nasa hospital ka aris….Sinugod ka dito matapos kang mabaril" ang sabi ng lalaking sa tingin ko ay isang doktor. At doon mabilis na pumasok sa aking alaala kung ano ang mga pinagdaanan ko.

Ang tangkang pang gagahasa nila kay Engr James at pagligtas ko dito hanggang sa nakatakas na kami at tinawagan namin si dean james para humingi ng tulong dito. At ang pananakit ng aking tagiliran at ang bulwak ng dugo na ng nagmula dito hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

" Engr James…… ayos ka lang ba?" ang tanong ko dito habang nakatingin lamang siya sa akin at hinawakan nito ang aking palad. Ramdam ko ang malamig niya palad ng mga oras na iyon.

" Ayos lang ako aris" ang sabi ni engr james at nagtaka naman ako dito dahil ang boses niya ngayon ay puno ng lambing. Malayo ito sa boses niya noon na puno ng tapang at galit.

Iniwan na kami ng doctor at nakita ko na lamang sa gilid ng aking mga mata na kausap niya si Dean James at parang pinag uusapan nila kung ano ang magiging kalagayan ko.

" Engr James….. Ung mga frat members ba… nahuli na?" ang tanong ko sa kanya. Pilit ko pa rin na binibigyan ito ng respeto kahit na parang nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Ayaw ko na lamang na maging kompyansa at baka bandang huli ay nagbabalat kayo lamang ito.

" Drop the Engineer james … you earned the right to call me by my name….. Call Tita Lilly" ang sabi ni engr james sa akin habang hinawakan nito ng dalawang kamay niya ang aking kanan kamay parang gusto niya itong halik halikan ng mga oras na iyon.

" Tita Lilly….. Nahuli na ba sila? We can't relax…. Alam mo naman kung gaano sila kaimpluwensya sa lipunan" ang pag aalala ko sa kaligtasan naming tatlo ngayon na nandito sa loob ng apat na sulok ng kwarto ng hospital.

" Relax aris…….. No one can hurt my sister and get away with it……. Right now hinuhuli na sila ng mga kaibigan ko sa NBI at PNP even ung mga elders na kasama sa party" ang sabi ni Dean James sa akin at napatingin na lamang ako dito. Confident siya sa mga sinabi niya at alam ko naman kung ano ang kakayahan nito kaya napanatag na din ang loob ko.

" aris…. Just rest…." ang sabi ni Engr james sa akin at hinawakan nito ang aking pisngi. Ramdam ko ngayon ang isang babae na tumatanaw lamang ng utang na loob niya sa pagkakaligtas ko sa kanyang buhay.

======================

MUKHANG NAPALAMBOT NA NI ARIS ANG PUSO NI ENGR JAMES

ANO NAMAN KAYA ANG MAPAPATIGAS NI ENGR JAMES?

=====================

KAILANGAN MA REACH ANG 100 LIKES AT 100 HEARTS. ONCE NA REACH NATIN ITO. MAG UPLOAD NA AKO AGAD AS SOON AS PWEDE NA (1 post per 24 hours lang kasi eh). SO KUNG WITHIN DA DAY NA REACH. UPLOAD NA AGAD AKO KAPAG PWEDE NA OR KAPAG DI NA REACH IS EVERY 72 HOURS ANG UPDATE NATIN. SO ENJOY AND HAVE FUN

====================

AYUDA NI PEDRO IS LIVE