1. Home
  2. Stories
  3. The Walking Dead
Filipino Sex Stories

The Walking Dead

By elmergomopas ·

Babala…
giyera lamang, walang totnakan

Alas-Onse impunto nang umaga. Unang-araw ng lakad. Mabigat-bigat ang pinagsamang timbang ng bigas, de-lata at damit sa kanyang steel pack.

Gaano ba kainit sa kaharian ni Satanas? O baka malapit-lapit na ito sa pakiramdam niya habang pakyat sa kalbong kabundukan na tanging mga kogon lamang ang masisilayan.

Maski punuan na lang sana ng ipil-ipil, wala.

"Bakit dito tayo dumaan?

Ano ba naman itong si parang hindi marunong magbasa ng mapa.", mga bagulbol sa kanyang likuran.

Dinig niya ito.

Kasunod ang malawak na maisan.

Nasa bandang unahan ang gustong tumbukin na kawayanan.

Day One

Rigodon

Ibig sabihin, magkakalapit ang mga tropa, isang maling kalkulasyon sa tatahaking direksiyon, at "voila". Maaring sila-sila ang magkaputukan. "Misencounter."

"Sir halt, malayo na tayo sa 'Axis of Advance.", ang sarhento ng pulutong.

Mabuti na lamang alerto ito.

Kabaliktaran niya.

Ilang buwan na ba siyang ganito?

Wala sa sarili.

Hindi makatulog.

Hindi umiimik

Minsan hindi nakakaramdam ng gutom.

Isa? Dalawa? Tatlo?

Nagreport siya sa unit noong nakarang taon. Ibig sabihin mag-iisang taon na rin siyang wala sa sarili. Naglalakad na patay.

"Legion, Gambit,…"

Tawag ng kabilang unit.

Atubili siyang sagutin ito.

"Go Sir, sagot niya, nang maisip na wala naman siyang pagpipilian.

"Tang-ina Ryan, magmi "misencounter" tayo nakapasok ka na sa "axis" ko. Kitang-kita ko kayo dito sa location ko. Mag map-check ka nga. Huwag kang lumagpas sa "axis" mo. Dikit-dikit tayo.

Napahiya na naman siya. Sa sarili, mas masakit, sa kanyang tropa.

Okey lang, sanay na siya.

Masasamang tingin, pabulong na mga insulto at mura para sa kanya.

Okey lang sanay na siya.

Tumingala siya. Hinanap saan ang araw. Andun ang silangan. Inikot ang mapa upang isunod sa hilaga. Tinapik ang "lead scout", at tumuro sa kanluran.

Alas-Onse y medya, pinakain niya muna ang tropa.

Siya ay lumayo.

Naging ritual niya na ito.

Pahinga ng mga kasama, hahanap siya ng puwesto kung saan solo siya.

Malayo sa mapanghusgang mata ng mga kasama.

Ang bigat sa dibdib na araw-araw na dinadala, alam niya na ang gagawin upang maibsan ito.

Sanay na siya.

Sandig sa steel pack, titingin sa malayo, susunod na ang pagyugyog ng mga balikat at pagtangis.

Kung pwede lang siyang sumigaw.

Pagod na pagod na siya.

Sa totoo lang, pagod na pagod na..

"Sir."

Mauulinigan sa bandang likuran.

Mga tapik sa kanyang balikat ang susunod. Tinabihan siya. Inabutan ng sigarilyo.

Mahabang katahimikan ang susunod.

Swerte pa rin siya, hindi man siya maintindihan ng karamihan sa mga kasama, may isang taong nainiwala pa rin sa kanya.

Taong hindi siya hinusgahan.

Tropang kailanman ay hindi siya iniwan.

Sa mga oras na siya'y tinapak-tapakan kahit tumba na siya, ang taong ito'y palaging nakaagapay sa kanya.

Swerte pa rin siya.

"Kumain ka Sir, wala kang lakas niyan.", anito. Iniabot ang baunan niya.

Dalawang oras pa ng salitang lakad at mumunting pahinga.

Nasa unahan ang may kakapalang mga puno ng gemelina.

Tinawag ang sarhento, tumingin sa relo , "harbor na tayo, temporary patrol base."

Pero maliwanag pa. May mas mataas pa na burol sa harapan nila.

Alanganin.

"Copy Sir.", tugon ng sarhento, imbes na barahin siya.

Dating-gawi, lalayo sa tropa, uupuan ang steel pack. Tutulo ang luha.

Gaano na siya katagal sa kinauupuan?

Isang oras? Dalawang Oras? Ang alam lang niya'y padilim na.

"Sir" mga tapik muli sa mga balikat.

Kinuha ang kanyang "hammock", ginawan siya ng silungan.

"Dito tayo sa gitna Sir."

"Hinati ko ang tropa Sir, may advance tayo sa taas, cleared na rin. Ang sector of fires nadesignate ko na. "

"Magpahinga ka na Sir, ang Sarhento."

Alas-Sais, salang ng unang relyebo ng guwardiya, madilim na.

Kailan ba siya huling nakadama ng antok? Nakatikim ng maayos na tulog?

Hinalungkat ang pack, may dalawang bagay na hinanap.

"Ako na lang mag-guwardiya muna, matulog ka na, utos sa bantay."

Kinuha ang "canteen cup", may isinalin dito, ang baon niya, ginebra.

Ang sundalo walang magawa, iiling-iling, nag-aalala sa kanilang kaligtasan, pinuntahan ang Platoon Sergeant, inabisuhan ito.

"Sir."

"Oh Sergeant, halika samahan mo ako".

Ang canteen cup na me alak inalok sa sarhento.

"Uurrrhhhhh..", ang sarhento, sa tapang ng ginebra.

Mahaba, nakakabinging katahimikan.

Tagay pa, tagay ulit, at tagay pa ng isa.

All stations, SITREP."

"Listening Post established, negative Indication.", apat na magkakasunod na tugon.

"Mahirap Sir, at masakit, pero kayang-kaya mo iyan, malalagpasan mo lahat iyan."

"At huwag kang papa-apekto sa sinasabi nila. Hindi ka magiging OFFICER kung mahina ka."

"Ipakita mo sa kanila Sir, kaya mo yan."

"Andito lang ako Sir.", aalalay sa iyo.

Mga salitang magpapatulo muli sa kanyang mga luha.

Day Two

Alas-Siyete nang umaga. Maingay ang radio.

"Legion, Supremo."

"Legion , Supremo."

Ang Tactical Command Post, ang Operation Officer ng Battalion ang may-ari ng boses.

"Legion putang-ina mo, momortarin kita diyan sige ayaw mong mag check-in ha."

aHimala, nakatulog siya. Sa harapn niya'y mga nakabihis nang tropa. Inaantay siya.

"Legion bibilang ako ng tatlo, putang-ina mo, isa, dalawa,

"Sensiya na Sir." sunggab niya sa radio.

"Walang pasensiya-paseniya sa Army, gumalaw ka na tang-ina ka hindi makagalaw ang lahat dahil sa iyo. Ano bang pinag-gagagawa mo putragis ka.."

Kasunod ang hagalpakan ng tropa.

"Copy Sir.."

"Agyam, Canyal, Espanto, at ikaw, dito nga kayo.", ang sarhento.

"Ughhhhhh, ughhhhhh, ughhhhh, ughhhh." magkakasunod na impit na ungol ng mga sundalo pagkatapos sikmuraan.

"Magsimula ngayong araw na ito, kung hindi niyo kayang respetuhin ang pagkatao ng isang tao, respetuhin niyo ang kanyang rangko.

"MALIWANAG?????"

"Yes Sergeant.."

"ANO NA BA ANG NAPATUNAYAN NIYO SA BUHAY NIYO MGA PUTANG-INA KAYO, HINDI PA NGA KAYO NAKAKAKITA NI ANINO NG KALABAN MGA ANIMAL."

May nagbago, alam niya.

Nawala ang mga bulungan, ang mga mahihinang mura, ang mga bagulbol sa likod niya.

Pero pabalik-balik pa rin, umaalingawngaw, nakakabaliw, paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang utak.

"Hindi ako naniniwalang apektado ka",

"Parehas lang tayong nag-gamitan"

ang sakit… ang sakit-sakit…

At wala siyang magawa, kung Ala-Una ng hapon sa kanila, Ala-Una naman ng madaling araw sa ibang bansa, sa Canada.

Gusto niya ulit magtext, magmura. Subalit, kailan nga ba ito huling nagreply?

Bumabalik na naman ang sakit, ang bigat sa dibdib, nakakabaliw. Wala man lang siyang magawa.

HALT

Sandaling Pahinga,…

Pagod na pagod na siya. Sana'y dalawin ulit siya ng antok mamaya.

Sabagay, may tatlo pa siyang baong ginebra.

Bobo Walang Alam Buhaw-buhaw Lasenggo

Ganito siya nakilala. Mismong mga kaklase nga niya, nilalayuan siya.

Isa hiyang kahihiyan.

Oo tama naman sila, sapagkat ito ang mga ipinakita niya.

Alas-Singko, hit ang lahat ng objective. Clear, walang trackings ng kalaban.

Bukas ulit.

Day Three

Alas-Singko, medyo tamang agaw ng liwanag sa dilim.

Nasa harapan ang burol, ang objective

Inilabas ang mapa, at isinunod sa hilaga.

Sa unahan, mga anim na kilometro ay may kalakihang sapa, sa taas ang may kataasang burol, hill 498, ang sunod na nakalista.

RIGODON…

Ibig sabihin, salitan. Aabante ako, susunod ka. Aalis ako, pupunta ka.

Pero bakit wala yatang mga bakas ng preskong yapak.?

Napuntahan ba talaga ito ng mga kasama?

Ng taga kabilang kumpanya?

Ah, hindi niya na ito problema.

Sakit man siya sa ulo, hindi siya mandaraya.

Ang "radio patrol" ay wala sa bokabularyo niya.

Tahimik. Masukal ang napakalawak na kawayanan.

Abante. Abante pa.

Halt. Radio check nga, naisip niya.

"Supremo Legion…."

"Supremo Legion…"

"Traffic mo Legion?.."

"Radio Check lang Supremo.."

"Ay anak ti baka…"

"SAKA KA NA TUMAWAG PAG MAY IMPORTANTE KA NANG SASABIHIN, WALA KA TALAGA."

Si S3 ulit, nabulyawan na naman siya.

Hindi man lang siya sinagot, kung "Loud and Clear" ba ang signal niya.

"Teka, walang trackings kanina pa-akyat, pero may mga yapak papasok ng kawayanan."

"At makapal-kapal ito, sa tantiya niya yapak ito ng sobra trentang pares ng paa, at ang platoon ng Charlie Company, hindi ba't section lang ang mga ito?

Bente uno lang sila?"

Matagal na siyang nagdasal ng engkwentro, kung pwede nga lamang magpakamatay na siya, ayaw na niya sa pakiramdam na araw-araw ay dala- dala.

Maambush siya, wala na siyang pakialam ang gusto lang niya magpahinga na.

Total wala naman daw siyang kwenta.

Walang saysay na opisyal.

Walang engkwentro.

Hindi pa nakalanghap ng pulbura.

Hindi gaya ng mga classmates niya.

Ridgeline, magkabilaan ang pampang, pag malaglag sa alinmang gild, malamang masakit, kundi man magkabali-bali ang tadyang.

"Sir", ang Platoon Sergeant , at muling mga tapik.

"Ssssshhhhhhhhh.', anito, may kasama pa ngang senyas gamit ang hintuturo.

Sa lupa ito'y tumuro, at bumungad ang malalim na yapak ng tao,

preskong-presko.

Pinngggggggggggggggggg…….

"Blagag", tunog sa unahan niya. May bumagsak.

First Squad, ang Team Leader pa talaga.

Sa pinakamalakas niyang sigaw

CONTACT FRONT, SEEK COVER….

Sunod ay paggapang niya, sa duguang sundalo.

At sa isang iglap, nang masaksihan ang pagbulwak ng dugo mula sa sugat na tinamo, ay natauhan siya.

Tanggal ang panga nito, bagamat buhay pa, hawak-hawak nito ang sugat,

"Sir, ayaw kong mamatay, ang mga anak ko Sir maliliit pa" lumuluha ito

Mga katagang tila ba bubukas ng tuluyan sa nagsarado niyang utak.

Samantalang siya, ayaw ng mabuhay, ito ngayon sa harap niya ang isang tao, tinatawag ang panginoon, mabuhay lamang.

"Piinggggg, pinnng, pinggggg.", sunod-sunod na asinta ng kalaban sa posisyon niya.

Dinapaan niya ang tropa.

"Hindi ka mamamatay, huminga ka huwag na huwag kang pipikit."

At tila ba bumalik lahat sa kanya ang natutunan.

"NEEEEEEEARRRRRRRRR AMBUSHHHHHHHHHHHH…"

"SECOND SQUUUAAAAD, MANEUVER TO THE RIGHT", napakalakas niyang command.

"FIRST SQUUUAAAAD, SUPPRESIVE FIRE."

Habang unti-unti niyang hinihila ang sugatan papunta sa posisyon ng Radio Man.

Ang handset, hinablot nang buong pagmamadali.

"Supremo Legion"

"Supremo Legion"

"Legion Supremo go ahead"

"Near Ambush at my location.

Grid Coordinate 55x698y5

Suspected Enemy Encampment

man down,

Neck and Left Jaw Injury Requesting Close Air Support and Immediate CASEVAC (casualty evacuation)

Over…"

Kinuha ang dogtag ng wounded, sinipat.

At idinagdag.

"Supremo advice prepare Blood Type O Plus for transfusion, over.''

Buhay ang loob ng lahat.

Si pakaang-kang, tila ba ibang tao sa ngayon.

"Legion putang-ina lasing ka ba? Encampment bakit CAS ang hihingin mo Fire Mission dapat umayos ka nga. "

Si pakaang-kaang, napuno na.

Hindi siya tanga.

Hindi siya bobo.

Hindi siya gago.

Isalang siyang "patay na naglalakad" kaya siya naging lasenggo.

"SIR PUTANG-INA MO RIN, IKAW ANG GAGO PUTANG-INA MO",

sagot niya sa radyo.

Laglag lahat ang panga ng buong tropa sa sinabi ni lasenggo.

"RIGODON ANG GINAWA MONG SISTEMA PUTANG-INA MO BOBO TINGNAN MO NGA SA MAPA KUNG GAANO KAMI KALALAPIT. ANG BRAVO AT ANG RECKON NASA LINE OF FIRE PUTANG-INA MO GAGO FIRE MISSION? PAANO KA NAGING OPERATIONS EH TANGA KA? TARANTADO KA SIR, IKAW ANG BOBO. HINTAYIN MO AKO DIYAN SIR MAGSUNTUKAN NA LANG TAYO, MAGPATAYAN TAYO PUTANG-INA MO."

"Platoon Leader namin yan wooooooohhhhhhhhhhhhhh", ang mga kunsintidor na tropa.

Sa mga nadinig tuloy-tuloy ang pagkabuhay ng loob ng buong kasundaluhan.

SI S3, BUTATA.

"SUPREMO I-ALERT MO ANG TOG (tactical operations group/ air force) Request for CAS give me ETA (expected time of arrival) OVER."

"Co---p---y, co—py, Sir, kabilang linya ito, wala na ang napahiyang S3, tropa na lang ang sumagot.

"Legion Supremo Sir"

"Legion Supremo Sir"

Oh himala, may "Sir" na si Supremo.

"Two Fire Birds inbound maximum 20 mikes out. Sir."

Putukan na,..

Humihinga pa ang sugatan.

"Legion Gambit"

"Legion Gambit"

"Bok Ryan, malapit kami sa iyo mag sabi ka lang."

"ISA KA PANG GAGO KA SIR, HINDI MO PINUNTAHAN ITONG OBJECTIVE, PUTANG-INA MO KA IKAW ANG WALANG HIYA, RADIO PATROL PA MORE.."

"Ulllkkkkk,ullllkkk, sunod sunod na lunok ni Gambit.

Piyesta ang Radio Net,

Buong Battalion.

Dinig na dinig si "pakaang-kaang, si gago, si walang alam.

"Sir", mga tapik sa balikat, ang kanyang nag- iisang kakampi.

"Hehehehe kalma lang Sir, ayos na, baka atakehin ka sa puso niyan.",

Nakadapa ito, subalit ginawaran siya ng pagkatikas-tikas na saludo….

At niyakap siya nito.

"Alam kong snappy ka Sir, Alam kong Snappy ka, madamdamin ito.

Kailangan niyang umayos, tama na, baka umiyak na naman siya.

Tug tutu tututututg tug tug tug tuggggg madidinig ang papalapit na dalawang units ng MG 520 sa himpapawid.

Fire Bird this is Legion confirming Visual I am at your 3 O'clock Sir.

"Requesting Close Air Support.

Suspected Enemy Encampment armed with M14, AK47, proceed with caution over."

"Well done, Copy and Tango Legion", ang piloto.

"Firebird Legion Taly Hoc, acknowledge, over."

"Legion I see orange panel."

"Firebird confirming visual."

"Repeating target acquisition, enemy encampment, 50 meters, 180 deg azimuth, additional description, bamboo treeline .

"Firebird adding one squad at danger close range, popping smoke, request ID over."

"Legion, I see yellow smoke."

"Firebird this is legion confirming, you may proceed over."

"Wshhhhhhhhhhhhwssssss, tuguuuuuuummmmmm.

Wssshhhhhhhhhhhh, tuguuuuuuuuummmmm

Wshhhhhhhhhhhhh, tugummmmmmmmmm."

Naunang tatlong bala ng unang tutubi sa kawayanan.

Ang pangalawa, tila ba maninisid, ang ngusoy agresibo, at inisprayhan ang kawayanan ng machine gunner nito.

Bag abag abag bag bag bag ba bag bag bag bag bag bag bag bag bag bg bag bag bagbag bag bag bag bag bag bag bag bag bag bg bag bag bag bag bag bag

Ang kaninay masukal na punuan ng kawayan, tila ba kinaingin, dumagdag pa ang kabilang putok ng Squad Automatic Weapons ng magkabilaang-grupo.

Rrrrrrrrttt rrrrttrtrrttr rtrttttttttttt rrrrrrrrrttttttttttttttttttttt

Rrrrrrrrtttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttt…

Paisa isa, may mga putok pa rin sa kampo.

Ang tindi ng kalaban, humihinga pa.

Kaya pala.

Bunkers, sementado ito.

"SECOND SQUAD SUPPRESSIVE FIRE."

"First Squad on me.", dahan-dahang gapang papunta sa nalalabing armado.

"SECOND SQUAD SHIFT FIRE"

Nang makalapit,

Magkabilaan sila ng sarhento.

Dalawang granada, tinanggal ang pin.

"Fire in the hole…"

Waaaaagaaaaammmmmmmmmmmmmmmm…..

Tahimik na, may mga nakatakbo, gaya ng inaasahan.

"Panther Legion", para sa nag-aabang na platoon ng Reckon ng Headquarters.

"Recommending establishment of ambush position, enemy withdrawal is towards your location."

"Legion Panther, will comply bok.."

Oh ha, senior na din ngayon ang nag-cocomply sa under-class.

Sa siyudad, sa loob ng isang KTV bar, lasing na naman siya.

Hindi pala lasing na lasing. Medyo nakainom lang pala.

Pero hindi siya nag-iisa.

Sa tabi niya'y isangmagandang dilag na nakilala.

Sa gilid naman niya'y ang Platoon Sergeant.

Matapos ang matagumpay na operation.

Nagbago ang lahat sa kanya.

Wala na din siya sa kumpanya, silang dalawa, kinuha ng batalyon para turuan ang ibang mga opisyal at mga tropa.

Pauwi na sila, akbay niya ng magandang si Andi.

Sa dingding ng KTV nagawi ang paningin, may nakapaskil ditong humuli sa kanyang mata.

You Only Live Once, Enjoy Life. Davao, Life is Here……..

Likha ni elmergomopas All Rights Reserved…