1. Home
  2. Stories
  3. Thaddeus’ Adventures I
Filipino Sex Stories

Thaddeus’ Adventures I

By frey23 ·

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Songs, book titles, and portrayers are only borrowed for the story purposes.

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

Chapter One

Ang mag-asawa na sina Raine at Jacob ay hindi nabiyayaan ng supling. Dahil sa hirap ng buhay at nasa bukid lang sila nakatira ay hindi sila nakapagkonsulta sa mga espesiyalista kung bakit hindi sila nabibiyayaan ng supling.

Si Jacob ay nasa edad na 42 anyos na habang si Raine naman 38 anyos.

Isang umaga, habang nag-aalmusal ang mag-asawa ay napag-usapan nila ang hindi pagkakaroon ng anak.

"Kailan kaya tayo pagkakalooban ng isang supling?" tanong ni Raine.

"Hayaan na lang natin ang Diyos sa atin. Magtiwala lang tayo sa Kaniya at mabibiyayaan rin tayo ng supling." sagot naman ni Jacob.

Habang kumakain ng almusal ay nakarinig sila ng katok sa pinto ng kubo na tinutuluyan nilang mag-asawa.

"Sino yan?" may kalakasang tanong ni Raine habang tinutungo ang pinto ngunit walang sumasagot.

Nang makarating si Raine sa pinto ay may narinig siyang iyak ng sanggol kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto. Nakita niya ang isang balot sa kumot na sanggol na nakalapag sa tapat ng kanilang pinto.

Agad na pinulot ni Raine ang sanggol.

"Sino kayang walang puso ang mag-iiwan ng isang sanggol?" wikang pabulong ni Raine habang hinehele ang sanggol.

"Sino ang tao sa pinto?" tanong ng papalapit na si Jacob kay Raine.

"Wala ngang tao sa pinto eh. Ngunit may nakita akong sanggol sa pinto." sagot naman niya sa asawa.

Napagpasiyahan ng mag-asawang kupkupin ang sanggol at palakihin ang batang pinangalanan nilang Thaddeus.

Mabilis na lumipas ang panahon.

Kahit hirap sa buhay ang mag-asawa ay pinipilit nilang itaguyod sa pag-aaral si Thaddeus.

Naglalakad pauwi si Thaddeus galing eskwelahan kasabay ang kababata niyang si Katelyn.

Si Katelyn ay mas matanda lang ng tatlong buwan si Katelyn kay Thaddeus. Magandang dalaga si Katelyn. Morena, malaki ang hinaharap at medyo malaman rin ang pwet.

Ngunit hindi pinalad sa tangkad si Katelyn dahil 5' flat ang ang height nito habang si Thaddeus naman ay 5'8 ang height.

Nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Thaddeus ay hinalikan siya ni Katelyn sabay takbo papasok ng bahay. Napahinto saglit si Thaddeus sa inasal na kaibigan.

Nakangiting pailing-iling siyang pumasok sa bahay nila. Nagtaka siya kung bakit madilim kaya kinapa niya ang switch malapit sa pintuan ng bahay.

Pagkabukas ng ilaw ay sabay-sabay na kumanta sina Jacob, Raine at Katelyn habang hawak ni Katelyn ang cake.

"Happy 18th birthday's Thaddeus!" bati ni Katelyn habang nilalapit sa kaniya ang bitbit nitong cake.

Nginitian niya ito bago sumagot "Nag-abala pa kayo."

"Make a wish." malambing na utos ni Katelyn sa kaniya.

Pumikit ng mariin si Thaddeus at hinipan ang kandila. Pagdilat ng kaniyang mga mata ay wala na sa harap niya ang kaniyang mga magulang at si Katelyn.

Nagpalinga-linga siya sa kaniyang paligid. Napakadilim ng bahay nila at animo'y walang tumira sa bahay nila ng ilang taon. Paglingon niya sa kaniyang likuran ay may isang matipunong lalaking nakatayo roon.

"Sino ka?! Asan ang pamilya ko?!" sunod-sunod na tanong ni Thaddeus sa lalaki. "Anong g-" itutuloy pa sana niya ang pagtatanong nang biglaang naestatwa siya.

Nagsimulang naglakad ang lalaki palapit sa kaniya. Laking gulat ni Thaddeus ng yakapin siya ng lalaki. Ngunit mas kinagulat niya ang mga sumunod na sinabi nito.

"Anak, maligayang kaarawan." anas ng lalaki bago bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "Alam kong naguguluhan ko ngunit maaari mong itanong sa iyong mga itinuturing na magulang ang katotohanan." dugtong pa nito.

"Paan-."

"Wala na akong masiyadong oras para ipaliwanag ang lahat." putol ng lalaki sa kaniya.

"Andito ako upang balaan ka sa mga dapat at hindi mo dapat gawin upang maiwasan ang mga maaaring maging bunga ng mga gagawin mo. Upang mas madali mong maintindihan ay mas madali kung first hand mo itong matututunan." mahabang paliwanag ng lalaking nagpakilala bilang tunay niyang ama.

"Hilingin mong magkaroon ng malaking alaga." utos nito sa kaniya.

"P-"

"Walang sapat na oras para maipaliwanag ang lahat." hindi pa siya nakakapagsalita ay muli na naman siyang pinutol na siya nito. "Malalaman mo ang lahat sa tamang panahon. Pumikit ka at isipin ang nais mong hilingin." dagdag pa nito.

Wala nang nagawa ang binata at pinikit na lang ang kaniyang mga mata at sinunod ang utos nito. Hiniling niyang magkaroon ng walong pulgadang pag-aari.

Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng pamimigat sa pagitan ng kaniyang mga hita. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay halos matumba siya sa gulat.

"Hayop!" bulalas niya nang makita na nasira ang kaniyang suot na slacks dahil nagmukhang tinubuan siya ng hita sa pagitan ng kaniyang mga hita.

"Ganiyan ang magiging bunga kung hihiling ka ng mga bagay na makakabuti sa'yo anak." wika nito "Ngunit kung hihiling ka o gagamitin mo ang iyong kapangyarihan para sa kapakanan ng ibang tao ay walang magiging diperensiya sa mga ginagawa mo." dagdag na paliwanag pa nito sa kaniya.

"Upang mas maunawaan mo ang aking sinasabi ay hahayaan kong maranasan mo ito." muling wika nito at ikinumpas ang kamay upang gawing walong pulgada ang kaniyang kargada, inayos rin nito ang kaniyang nasirang uniporme.

Sinisilip niya ang kalagayan ng kaniyang alaga sa loob ng suot nang muling magsalita ang lalaki.

"Makinig kang mabuti dahil ito na ang pinaka-importanteng parte ng pagkikita natin." wika nito na nagpatitig sa binata sa mukha ng lalaki. "Ikaw ay may dugong demonyo, ngunit hindi nangangahulugang ikaw ay masama. Lagi mong iisipin ang ikabubuti nang iyong kapwa at walang mangyayaring masama sa mga taong nakapaligid sa'yo." mahabang paliwanag nito sa kaniya.

"Huling paalala. Kung ikaaw ay magkakaroon ng nobya, na alam kong may naiibigan ka na, pwedeng pwede mong iputok sa loob ang iyong unang pagpapalabas sa loob ng araw na iyon. Ngunit ang pangawala at mga susunod pa ay dapat mong iputok ito sa labas kung sakaling mortal na tao ang iyong kaniig. Dahil may dugo kang demonyo ay magiging delikado ito sa isang normal na tao. Magiging sanhi ito ng kaniyang pagkamatay." mahabang paliwanag ng lalaki bago naglakad palabas ng bahay.

"Hanggang sa muli nating pagkikita, anak. Lagi kang mag-iingat at hihintayin ko ang muli nating pagkikita." pamamaalam nito bago tuluyang makalabas ng bahay.

Para siyang nahilo at napapikit ng mata nang makalabas na ng bahay ang lalaki. Maya-maya pa ay napadilat siya ng may marahang sumasampal sa kaniyang pisngi.

"Thad, nakatulog ka na ba sa paghiling?" tanong ni Katelyn na pay kasamang paghagikhik. "Hipan mo na ang kandila para makakain na tayo." dagdag pa nitong nakangiti.

Naguguluhan man ay hinipan na lamang niya ang kandilang nakatusok sa cake. Matapos mahipan ang kandila sa ibabaw cake ay nagkaroon ng munting salo-salo sa loob ng munting tahanan ng mag-asawang Raine at Jacob.

Matapos ang kasiyahan ay inihatid na niya si Katelyn. Bago ito pumasok ay muli siyang hinalikan nito sa pisngi.

Nang makauwi ay dumeretso siya sa kaniyang silid at patuloy na pinapasok ang mga impormasyong sinabi ng lalaki kanina, na hindi niya alam kung totoo o hindi. "Bukas na bukas ay tatanungin ko sina inay at itay." wika niya sa sarili bago makatulog sa kakaisip.

To be continued…

Copyright © (2023) by — Frey23
All rights reserved. No part of this story may be used or reproduced in any manner whatsoever without the author's permission.