1. Home
  2. Stories
  3. Ang Kanilang Kapalaran 1
Filipino Sex Stories

Ang Kanilang Kapalaran 1

By mrpayatot ·

Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanukso at makulit na imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.

Ang Kanilang Kapalaran: Ang Panaginip

Sa isang malayong bayan ay may isang lalaki ang nakatingin lang sa ilog na parang may malalim na iniisip.

"Mahal, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Anu bang ginagawa mo dito?" Ang sabi ng isang babae.

"Wala naman, nag iisip lang ako. Kung hindi mo ako nakita dito na palutang lutang at hindi mo ako iniligtas baka tuluyan na akong namatay nun." Ang sagot ng lalaki.

"Oh, yun lang ba babe? Wala yun babe. Pasalamat ka na din dahil naisipan ko pang pumunta dito sa oras na yun. Teka May naalala ka na ba, babe?" Ang tanong ng babae.

"Wala pa nga babe eh. Tsaka importante pa ba yun? Ang mahalaga kasama kita." Ang sagot ng lalake.

"Babe, anu ka ba. Importante yun noh. Pag naalala mo ba nakaraan mo iiwan mo na ako?" Ang tanong babae.

"Hindi no, hindi kita iiwan babe. Promise ko yan." Ang pangako ng lalake.

"Okay, babe. Asahan ko yan babe huh. Tara na din babe. Hinahanap na tayo nina dad." Ang sabi ng babae at tuluyan na silang umalis sa ilog.

"Salamat pala babe. Salamat pala babe sa pagliligtas mo sa akin sa araw na iyon." Ang saad ng lalaki.

Pagkatapos ng usapan nila ay nagsimula na silang bumalik sa sasakyan nila. Pero habang pabalik sila ay nagpasalamat siya sa pagliligtas sa kanya.

"Maraming salamat babe sa pagliligtas sa akin nun. Kung wala kayo baka wala na ako sa mundo." Ang saad ng lalaki.

"wala yun babe. Anu ka ba." Ang saad naman ng lalaki.

"babe, malaki pa rin ang pasasalamat ko sa inyo. Kahit nagising na ako nun at nakalabas ng hospital ay hindi pa rin ninyo ako pinabayaan. Pinatira niyo ako sa inyong bahay at binigyan pa ako ng magandang trabaho." Ang pahayag ulit ng lalaki.

"pasalamat din kame dahil binigyan ka namin ng trabaho. Hindi namin inaasahan na magaling ka din pala mas lalo na sa engineering department. Mas lumaki kaya ang kita namin mula nung nagtrabaho ka sa companya ni dad. Baka totoong engineer ka nga tlaga." Ang pahayag din ng babae.

"Baka nga, baka yun ang trabaho ko bago ako nawalan ng alaala." Ang pahayag ulit ng lalake.

"dahil din dun ay nabingwit mo ang puso ko, babe." Ang saad ng babae bago hinalikan ang kasintahang lalake at tuluyang umalis sa lugar.

nang nakarating sila sa sasakyan nila ay agad na silang umuwe sa Manila para sa gaganaping occasion.

Nang nakauwe na sila ay agad naman tinanong ng ama ng babae ang dalawa.

"Trina, may naalala na ba sa nakaraan niya si Julian?" Ang tanong ng ama ni Trina.

"Dad, wala pa nga dad eh." Ang sagot nito sa ama.

"sabi naman sa inyo. Huwag na kayong pumunta dun sa lugar na iyun. Pang sampong beses na kayo pumunta dun eh wala naman nangyayari." Ang pahayag ng ama.

"eh nagbabakasakali lang naman kame dad." Ang paliwanag ni Trina.

"Kaso wla naman nangyayari. Tama si dad, Trina. Sayang lang ang oras na pagpunta niyo sa lugar na yun. Ang mabuti pa, sumuko ka na sa paghahanap ng paraan na maalala ni Julian ang alaala niya. Isa pa, hindi naman yung lugar na yun ang pinangyarihan ng aksidente na nakadali sa kanya. At isa pa baka magsisi ka pa sa huli kung maalala niya ang nakaraan niya. Baka nga may asawa na siya eh. Mabuti pa tanggapin niyo nalang baka iniisip ng pamilya niya na patay na siya. Tatlong taon na tayu naghahanap pero wala pa ring balita." Ang paliwanag ng nakakatandang kapatid ni Trina.

magsasalita pa sana si Trina ng pinigilan siya ni Julian at sinabing tama sila. Sinabi naman niya na okay lang kung hindi niya maalala ang nakaraan niya basta kasama niya ang kanyang mahal.

Wala nang nagawa si Trina kundi tanggapin ang mga sinabi ng daddy at kuya niya. pagkatapos ng usapan nila ay tsaka lang sila kumaen at nagpahinga.

--

Makalipas ng tatlong taon mula ng maaksidente si Anthony ay namuhay siya bilang si Julian. Bagamat malungkot siya dahil hindi niya maalala ang totoo niyang pagkatao ay masaya pa rin siya dahil sa pamilyang tumulong sa kanya.

Wala naman kaalam alam sina Princess na buhay pa rin si Anthony at nasa Manila lang siya. Ang buong akala nila ay patay na siya kaya patuloy siya sa relation niya kay Jacob.

--

Sa paglipas ng araw ay hindi na nga nagpumilit si Trina na pumunta sa lugar kung saan niya nakita si Julian. Tinanggap naman ni Julian ang kanyang pangyayari. Nasa isip ni Julian na hindi pa napapanahon na bumalik ang alaala niya.

Hindi naman siya nagmamadali na tuluyan siyang gumaling dahil sa suporta ng minamahal niyang si Trina.

Isa pa, iniisip niya na masaktan ang babae kung maalala niyang may asawa na eto. Napamahal na ng sobra sa kanya ang babae kaya ayaw niya masaktan eto.

Maganda si Trina, kung tutuusin ay kaya niyang tapatan ang isang modelo. Kung naalala niya si Trisha ay maaari niya etong ipagkumpara.

Naging masaya naman ang bawat araw ni Anthony kay Trina. Wala siyang problema sa kanilang pagsasama. Kahit nagaaway sila minsan ay nagagawan naman nila ng paraan at nagkakabati sila kinagabihan.

Dahil nga sa nakita ni Julian na mahal na mahal siya ni Trina ay naisipan na niya etong magpropose sa kanya. Kaya nag isip to ng paraan para sa gagawing proposal.

gusto niyo memorable eto para sa minamahal. Kaya inisip niya ng maayos ang gagawin. Nagpatulong na din siya sa kanyang kaibigan sa trabaho para sa gagawing proposal nito.

Dahil na din sa naisip na proposal ay minsan ay nalalate siya ng uwi sa kanilang bahay. At kadalasan ay hindi niya kasama si Trina umuwe na siyang pinagtaka ng babae. Gumawa nlang ng kwento si Julian para hindi mabisto ang ginagawa niyang proposal.

Nang matapos na ang kanyang planong proposal sa kasintahan ay umuwe na siya para magpahinga. Ngunit sa hindi niya inaasahan habang binabagtas niya ang C5 ay may nakasalubong siyang isang 10 wheeler truck na biglaan nalang nawalan ng control at lumiko sa kanyang linya.

Biglaan nataranta si Julian sa nangyari kaya nakabig niya ang kanyang sasakyan pakaliwa at nawalan din siya ng control. Sinubukan naman niya kontrolin ang sasakyan niya ngunit biglaan nalang may nagflash na isang litrato sa kanyang harapan at tuluyan na siyang nabunggo sa isang poste ng kuryente at tuluyan nawalan ng malay.

--

Pagkatapos mabangga ng sasakyan ay bigla nalang sumabog eto at dito na siya biglang nagkamalay. Nagtaka naman siya dahil naramdaman niya na wala siyang sakit na nararamdaman mula sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan. Tinignan niya mabuti ang sarili at akala nga niya nasa langit na siya. Sinubukan niya minulat mulat ang kanyang mata at nakita niya ang isang pamilyar na kwarto.

"Teka asan ako? Teka parang pamilyar to ah" Ang tanong niya sa sarili at tinignan ang paligid.

habang nagtitingin siya ay nakita niya ang picture nila ni Princess nang sila ay kinasal at dito niya naalala lahat.

"Panaginip lang pala iyon. Akala ko na totoo. Kwarto namin to ni Princess." Ang sabi niya sa sarili niya.

Habang iniisip niya iyong panaginip niya ay hindi niya inakala na andun din sina Trisha at Jacob. At mas masakit pa ay sa panaginip niya ay may relation sina Jacob at Princess.

Inilapag na niya ang litrato nila ni Princess at lalabas na sana siya ng kwarto ng biglaan may narinig siyang iyak. Nang lingunin niya ang kanilang silid ay nakita niya si Levi na umiiyak. Dito niya naalala ang DNA test at fertility test niya.

Bumalik din sa alaala niya ang panloloko ng asawa niya sa kanya at ginawa pa niyang ipaako sa kanya ang anak ng iba. Dahil nga sa naiisip niya ay hindi niya narinig ang tawag ni Princess na tignan si Levi kaya nagulat nalang siya ng makita na nasa harapan na niya eto at nakasimangot sa kanya.

"Babe, bakit nakatingin ka lang diyan. Ilang beses ko na sinabi sa iyo na tignan mo anak natin." Ang pahayag ni Princess.

hindi naman umimik si Anthony kundi sumimangot lang to na napansin naman ni Princess. Napansin din niya na galit ang asawa niya kaya nagtaka eto.

Habang buhat buhat ni Princess ang anak niya ay nakita niya ang test result sa may nightstand sa tabi ng kama nila kaya nalaman na niya ang kinakagalit ni Anthony.

"Let's talk later Anthony. I will explain everything to you. Dadalhin ko muna si Levi kina Trish, para may magbantay sa kanya habang nag uusap tayo ng masinsinan tungkol diyan sa test na yan." Ang saad ni Princess.

napansin naman ni Princess na parang hindi nakikinig si Anthony.

"if you really want to know the truth, then better listen. Let me explain my part, then do whatever you want to do right after. If you don't want to listen, then you will not know the truth." Ang matigas na saad ni Princess.

"Bumaba ka na para kumaen, nakaready na ang kakainin natin. Mauna ka na. Magusap tau pagbalik ko." Ang dagdag pa ni Princess.

Kinuha naman ni Princess ang result ng Fertility test at DNA test na nakay Anthony at nabasa. Napansin niya kung sinong doctor ang may gawa nun kaya nagkaroon na siya ng idea.

"Anthony, please think carefully. Hope hindi pa nabubulag ang mata mo ng poot." Ang dasal ni Princess.

ilang sandali pa ay nadala na ni Princess si Levi kina Trisha para mabantayan habang sila ay nag uusap ni Anthony. Sa una ay nagtaka si Trisha ngunit sinabi lang ni Princess na may mahalaga lang sila pag uusapan at baka hindi nila mabantayan si Levi ng maayos.

Hindi nagtagal si Princess kina Trisha at bumalik agad eto. nang dumating na si Princess ay nagtanong agad si Anthony.

"so niloloko mo ako? Sino ang tunay na ama ng bata, sabihin mo? Si dad ba ang ama niyan.?" Ang banggit ni Anthony.

Nagulat si Princess sa sunod sunod na tanong ni Anthony sa kanya. Hindi siya makapaniwala aa tanong niya. Medyo naiyak din siya.

"Ano niloloko mo ba ako? Niloloko niyo ba akong dalawa. Malandi ka din palang babae ka." Ang dahdag pa ni Anthony ngunit ng mabanggit niya iyon ay bigla siya sinampal ni Princess.

"hindi kita niloloko, at hindi ako malandi. Dahil lang sa nakita mo at sa test na yan, magkakaganyan ka." Ang sabi ni Anthony.

"hindi mo ba alam na peke ang mga result na yan?" Ang dagdag pa niya.

"you're saying that this test is fake. Pwes nagkakamali ka dahil totoong doctor mismo galing yan." Ang paliwanag ni Anthony.

sa oras na ito, naisip ni Princess ang mga chat ng ex niya sa kanya. Gusto siya makipagbalikan pero ayaw niya at nagpakasal na siya kay Anthony.

hindi matanggap ng ex ni Princess na may mahal na siyang iba at may Anak na din kaya nagbantang gagawa siya ng paraan para paghiwalayin silang dalawa.

Naisip naman ni Princess na hindi basta basta maniniwala si Anthony dahil sa hawak niya kaya ipapakita nalang niya ang chat ng ex niya. Nagpapasalamat siya na hindi niya binura eto.

"well, if i told this fake. Would you believe me?" Ang sabi ni Princess habang hawak hawak niya ang test.

"impossible yan, bakit sila magbibigay ng fake na test result sa akin. Sabihin mo lang na niloloko mo ako. Niloloko niyo akong lahat." Ang sigaw ni Anthony.

naiisip din kase ni Anthony ung panaginip niya na nagkaamnesia siya at nakita niyang karelation ni Princess si Jacob at nagkaroon pa sila ng mga anak.

Natawa naman si Princess at kinuha ang phone niya. Binuksan niya ang messenger niya at ipinakita kay Anthony.

"Babe, tignan mo. Basahin mo yan. Baka makapg isip isip ka." Ang sabi niya sabay bigay kay Anthony ang phone niya.

ayaw man ni Anthony abutin ang phone ngunit nang makita niya ang pangalan ng ex ni Princess ay agad niya to kinuha at binasa ang mensahe.

nabasa niya na nagbantang paghiwalayin silang dalawa. Isa pa napansin niya ang apelyido ng doctor na nagsuri sa kanya at apelyido ng ex niya ay magkapareho. Dito din niya naisip na ba mka magkaanak din sila.

"babe, wala ka bang napapansin sa kanila? Parehas sila apelyido diba?" Ang sabi ni Princess.

"Don't tell me…" may sasabihin sana si Anthony ngunit tinuloy ni Princess.

"magkamaganak silang dalawa Anthony. Ang ex ko at ang doctor na may gawa sa iyo ay magkamak anak. At sino ang nagsent sa iyo ng email ng fertility test galing sa pinuntahan natin nun?" Ang pahayag ni Princess.

nagulat si Anthony sa binanggit ni Princess.

"don't tell me that was also fake. Kamag anak din ba ng ex mo ang may gawa nun." Ang tanong ni Anthony.

"No, binayaran ng ex ko ung may gawa ng test result mo. Binago nila ang result. Pinakitang baog ka. Sino ang nagrefer sa iyo sa doctor na iyon? Di ba, sita din." Ang sabi ni Princess.

dito natauhan si Anthony. Nalaman niya na may naglalaro sa kanilang dalawa.

"Eto, tignan mo ang email sa akin galing sa clinic na napuntahan nating dalawa." Ang sabi pa niya sabay pakita ng isang email.

dito nabasa ni Anthony na humihingi ng paumanhin ang admin ng clinic na napuntahan nila dahil fake result ang binigay. Nakasaad din na binayaran ung doctor na nagbasa ng resulta at sinabing inulit nila ang pagbasa ng result na ginawa. At nakaattached ang tunay na result. Ng buksan ni Anthony yun ay laking tuwa niya na hindi siya baog.

"that's mean, Levi is my son. My real son." Ang sambit ni Anthony.

"yes, Babe. Levi is your son. Here is the result." Ang sabi naman ni Princess at pakita ng tunay na DNA test ni Levi at Anthony.

"If you don't believe it. Let's repeat again. But to different doctor." Ang dagdag ni Princess.

"it's not needed anymore, babe. I believe you. Levi is my son and I see that." Ang sambit niya.

"sorry for what i said. I've been blinded by my anger." Ang sabi naman ni Anthony.

"wala iyun, babe. Next time, wag ka magagalit huh. Hindi naman kita iiwan at sasaktan." Ang saad ni Princess at bigla sila naghalikan.

Ngaun nalaman na niya ang katotohanan ay malinaw na sa kanya na walang pagkakahawig kay Jacob ang bata, dulot lang ng iniisip niya eto.

ganun din nun si Princess. Dahil sa pag aalala niya ay iba ang nakikita niya. Buti nalang ay naisip niya nun ipadna ang tatlo, pero ng lumabas ang DNA result ay laking tuwa niya na si Anthony ang tunay na ama ng bata.

sobrang tuwa niya at laking pasasalamat dahil si Anthony nga talaga ang ama nito.

ilang saglit lang ay tinawagan ni Anthony si Trisha at pinakiusapan niya na dalhin si Levi sa kanila. pagdating ni Trisha at Jacob kasama si Levi ay agad agad kinuha ni Anthony si Levi at hinele eto.

kitang kita naman nila ang tuwa ni Anthony at dito nila napagtanto na naayos na ng dalawa ang problema nilang dalawa.

Ilang saglit ay dinala na ni Anthony si Levi sa kwarto nila para matulog. At pagbaba niya ay nag usap sila at nangako na tutulong sina Jacob na mapanagot ang doctor na ngbigay ng pekeng resulta.

Pagkatapos nun ay nagkwento si Anthony at kwinento ang kanyang napanaginipan. Laking tawa naman ni Trisha dahil hindi niya hahayaan na magkaroon ng panibagong karelation si Jacob.

Natuwa naman si Jacob dahil hindi pa rin niya alam na talagang may nangyari na sa kanilang dalawa ni Princess. Ganun din si Princess, laking tuwa niya dahil naniwala agad si Anthony na kagagawan yun lahat ng ex niya at hindi pa din alam ni Anthony ang nakaraan nila ni Jacob. Sa isip niya yun na ung una't huling magtataksil siya sa asawa.

ilang buwan pa ang lumipas ay napatunayan nga nina Princess at Anthony na pineke ang resulta ng dna at fertility test ni Anthony. Kaya dun ay natanggalan ng licensya ang doctor na may gawa nun at nakulong pa. Nakulong din ang ex ni Princess dahil sa tangkang pagpatay kay Anthony.

Naging masaya naman silang lahat pagkatapos ng pangyayaring yun.

--itutuloy--