1. Home
  2. Stories
  3. Ang Aking Kwento 1
Filipino Sex Stories

Ang Aking Kwento 1

By darkcrimson77 ·

Ako si Kim Rivera, 21 taong gulang at kasalukuyang nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo. Kumuha ako ako ng coputer programming bilang aking kurso at sa wakas ay makakapagtapos na din ako. Nag-iisang anak lamang ako dahil maselan magbuntis ang aking ina noong nabubuhay pa siya. Namatay ang aking ina dahil sa cancer noong ako'y 15 taong gulang pa lamang. Si mama ang nagbigay ng liwanag sa aming tahanan dahil sa kaniyang pag-aalaga. Mahal na mahal siya ng aking ama kaya naman hindi na kailanman pa ito nag-asawa nang mamatay ang aking ina. Isang farmer ang aking ama. Hindi nito natapos ang kolehiyo dahil nag-focus siya sa pagpapalago ng kaniyang farm. Dahil sa pagsusumikap ng aking ama ay nagawa niyang payabungin ang kaniyang lupain na tanging pinamana sa kaniya ng aking lolo. Dating mayaman ang aking lolo ngunit dahil sa pagtatraydor ng kaniyang matalik na kaibigan ay tanging ang lupaing sakahan dati ng kape na ngayon ay binuhay muli ng aking ama. Hindi man nakapagtapos ay likas na matalino at magaling sa negosyo ang aking ama kaya nagawa niyang palaguhin muli ang hacienda.

Maayos naman ang relasyon naming mag-ama kahit pa kabilang ako sa ikatlong kasarian. Hindi pinaramdam sa akin na iba ako. Lumaki ako na puno ng pagmamahal at pang-unawa mula sa aking mga magulang na kahit pa iba ang landas na gusto kong tahakin ay suportado nila ako. Hindi ako kailanman kinulong sa kanilang kagustuhan at hinayaan nila akong hanapin kung ano ang nais ng aking puso.

Kasalukuyan akong nakaharap sa aking laptop dahil sa may tinatapos akong trabaho. Maya-maya pa ay nakita kong dumaan si kuya Rodel, ang isang manggagawa dito. Tatlong taon ang agwat namin ni kuya ngunit 2nd year college pa lamang ito sa kursong agriculture. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan itong tumigil sa pag-aaral at dahil pursigido itong makatapos ay si papa na ang sumagot sa kaniyang pag-aaral at maging allowance nito kapalit ng kaniyang pagtatrabaho dito sa hacienda. Masipag si kuya Rodel. Siya ang pinakamalapit kong kaibigan at tinuturing ko na rin siyang kuya.

Isang makisig na lalaki si kuya. Kulay kayumanggi ang kaniyang balat dahil sa lagi itong bilad sa araw. Isa yun sa nagpadagdag sa kaniyang karisma bilang isang lalaki. Lapitin ito ng mga babae't binabae ngunit hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan sa pagkakaalam ko.

Sa katunayan ay may gusto ako kay kuya Rodel ngunit dahil straight si kuya ay hanggang tingin lang ako sa kaniya kahit gustong gusto ko nang umamin. Ang kaso, alam kong walang patutunguhan to. Isa pa ay kakagaling lamang ni kuya sa breakup. Alam kong mahal niya pa rin ang taong iyon dahil minsan ko nang nakitang mala sa sarili si kuya na nakatingin sa larawan ng babae. Ipinagpalit si kuya sa isang mayaman. Hindi ko na alam kung ano ang buong kwento dahil hindi ko na tinanong si kuya tungkol dito. Isang buwan pa lamang kasi ang lumipas simula nang sila ay maghiwalay.

Dahil nasa veranda lang ako ay nakita agad ako ni kuya. Umakyat si kuya sa tatlong hagdan habang buhat-buhat ang isang malaking box sa kaniyang mga balikat. Nakasando at slacks lamang si kuya, marahil ay dahil kakagaling nito sa klase dahil may nakasabit na polo sa kaniyang balikat at labis ang pagpipigil kong tumingin sa kaniya dahil mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Basang-basa rin siya ng pawis at hindi ito nakakatulong sa init na nararamdaman ko ngayon.

"Bunso," tawag sa kin ni kuya Rodel kaya naman binaling ko ang aking tingin sa kaniya. Bunso ang tawag saakin ni kuya dahil para na rin niya daw akong nakababatang kapatid. Mejo d ko bet ung nakapatid-zone na talaga ako pero ganun talaga.

"K-kuya," nauutal kong sabi.

"Package daw para sa iyo," sabi nito.

"A-ah, cge, salamat kuya, pakilagay nalang po jan," sagot ko naman. Inilapag ni kuya ang package sa mesa pagkatapos ay ngumiti ito sa akin habang humahangos. Napapamura na lang talaga ako sa aking isipan dahil sa alindog ng hayop na to.

"Mukhang busy ang programmer natin ah," sabi ni kuya.

"Ah opo, kailangan ko to para siguradong gagraduate ako," sabi ko naman.

"Ikaw pa," sabi nito sabay gulo sa aking buhok kaya naman napatulala nalang talaga ako.

"Uy, ayos ka lang?" sabi ni kuya nang mapansin niyang nakatulala na ako sa kaniya.

"A-ah, ano, opo.. haha" sagot ko. Gusto ko nang malamon ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

"Sigurado ka?" tanong ni kuya at sumagot lamang ako ng oo kahit na halos sumabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"O siya, kailangan ko nang umalis at may gagawin pa ako sa greenhouse," sabi nito.

"Sige po kuya, salamat po ulit," sagot ko dito.

Pagkaalis ni kuya ay nakahinga ako ng maluwag. Lumapit ako sa box at binuksan ito. Laman nito ay mga iba ibang gamit na binili ko online sa isang shop. Nang masigurado kong kumpleto at nasa maayos silang kalagayan ay pinunta ko na ito sa kwarto ko. Pagkatapos ay binalikan ko ang aking ginagawa dahil kailangan na itong mafinalize at nang maipasa ko na. Mabilis tumakbo ang oras at dahil sa pagkatutok ko sa aking ginagawa ay hindi ko na namalayan ang oras. Malapit nang magdilim nang pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa aking silid upang mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para sa hapunan. Pagkarating ko sa kusina ay si kuya Rodel pala ang nagluluto. Nakasuot ito ng puting tishirt at jogging pants na kahit ganun kasimple ang suot nito ay ang pogi pogi pa din. Medjo basa ang buhok niya tanda na kakauwi lang din nito at kakatapos mag-ayos. Dito na rin naninirahan si kuya dahil isang oras ang layo ng bahay nila sa pinapasukan niyang unibersidad.

"May maitutulong po ba ako kuya?" pagkuha ko sa atensiyon ni kuya.

"Najan ka pala bunso," sabi ni kuya, "upo ka muna jan at malapit na rin naman itong maluto."

"Nga pala bunso, sabi ni sir di muna siya makakauwi hanggang sabado kasi may aasikasuhin daw sa Batangas," sabi ni kuya. Binilin na naman ako ni papa kay kuya. Lagi kasing kapag wala si papa ay binibilin niya ako kay kuya.

"Ah sige kuya, " sagot ko saka ko tinignan ang phone ko sa bulsa ko. Binuksan ko ito at nakita ang mga messages at missed calls ni papa. Di ko alam na nakasilent pala ang phone ko kaya di ko nakita mga ito. Pagkatapos ay binulsa ko na ulit ito at lumapit nagsimulang ayusin ang hapag nang makakain na kami ni kuya.

"Ako na jan bunso," sabi ni kuya.

"Ok lang kuya, wala naman akong ginagawa eh," sabi ko habang inaayos ang mga kubyertos. Ngumiti lang si kuya sa akin at pinagpatuloy ang pagluluto. Lumipas pa ang ilang minuto ay kumain na kami ni kuya. Isa ang pagluluto sa mga talento ni kuya dahil masarap itong magluto kaya naman naparami ako ng kain. Ako na rin ang nagpresinta na maghugas ng pinggan pero hindi pumayag si kuya pero dahil sa pamimilit ko ay pareho na kami ngayong naghuhugas ng aming mga ginamit. Nagkamustahan din kami tungkol sa mga nangyari ngayong araw.

Halos ganito araw-araw ang sitwasyon dito sa bahay. Madalas ay sabay din kaming mag-aral sa gabi. Minsan nagkukulitan at nagkukwentuhan. Ngunit simula nang maghiwalay sila ng kaniyang kasintahan ay nabawasan ang mga araw at gabing iyon. Ngayon lang ulit kami naging ganito at labis akong natutuwa dahil dito.

Dumaan ang mga araw na ganito ang aming sitwasyon. Halos bumabalik na ulit sa dati ang sigla ni kuya. Lumipas pa ang mga araw ay dumating na ang araw ng aking pagtatapos. Ang bilis talaga ng panahon kaya nga sabi nila, live in the moment dahil maikli lamang ang buhay sa mundo kaya gawin mo ang lahat ng magpapasaya sayo para masabi mong kuntento ka sa naging buhay mo rito. Pero ang pangarap at kasiyahan ko ay mahirap maabot at tila walang pag-asang makuha.

Nagsaya ang lahat dahil sa pagtatapos ng mga studyante at dahil bakasyon na. Pagkauwi namin ng bahay galing sa school ay sinalubong ako ng mga manggagawa dito sa farm na talaga namang tinuring na naming pamilya. Naging masaya ang lahat sa pagdiriwang sa aking pagtatapos hanggang sa unti-unting nababawasan ang mga tao. Ang naiwan na lamang ngayon ay sila papa na nag-iinuman. Sumama na din ako sa inuman at nakipagkwentuhan sa aking mga tito at mga pinsan. Kasama na din si kuya Rodel at iba pang mga trabahador na naiwan.

"Ano nang plano mo pamangkin?" tanong ni tito Dante, kapatid ni mama.

"Hindi ko pa po alam tito, sa ngayon ay baka magpapahinga pa po muna ako," sagot ko.

"Maganda yan nang hindi ka masyadong mastress dahil realidad na ang kakaharapin mo pagkatapos. Hindi ako makapaniwala na malaki ka na at handa nang tumayo sa sarili mong mga paa. Sigurado akong proud na proud sa yo ang mommy mo," sabi ni tito. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang nabanggit niya si mama ngunit alam ko naman na buhay na buhay si mama aming mga puso at isipan.

"Kaya naman dapat magsaya tayo ngayon, inom pa!" sigaw ni Mang Mando, isang magsasaka na kaibigan ni papa. Lahat naman ay naghiyawan at pinagpatuloy ang inuman at kasiyahan. Ala-una na ng madaling araw nang matapos ang inuman. Lahat ay bagsak na dahil sa kalasingan maliban kay kuya Rodel na kahit lasing ay kaya pa rin niya ang kaniyang sarili. Maging ako ay tila napasobra sa inom kaya parang wala na rin ako sa sarili.

Tila mas lumakas ang loob ko ngayong nakainom ako. Nakaupo lang ako habang si kuya ay isa-isang pinunta sa mas maayos na tulugan ang mga natira sa inuman. Pinunta niya si papa sa kwarto nito at pagkatapos ay bumalik siya sa kinaroroonan ko.

"Bunso," tawag sa akin ni kuya kaya tumingin ako sa kaniya,"halika na, hatid kita sa kwarto mo."

"Ayoko pa kuya…Inom pa tayo," wala na sa katinuan kong sabi na ikinatawa ni kuya. Sumimangot naman ako dahil dun.

"Bakit mo ako pinagtatawanan?" maktol ko. Muli lang tumawa si kuya saka umupo sa tabi ko. Naglagay siya ng alak sa kaniyang baso at uminom. Kapwa kami nakatingin sa kawalan.

"Congrats ulit bunso ah," sabi ni kuya.

"Salamat kuya. Napakasaya ko ngayong araw, sana ganito lagi," sagot ko.

"Nako baka mapuno na ng alak mga dugo natin kung ganiyan," biro nito kaya pabiro ko itong tinignan ng masama. Nagpatuloy ang aming kwentuhan at kulitan habang inuubos namin ang natitirang alak sa bote. Hanggang sa muling namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang mga oras na yon pero bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob-lakas ng loob na aminin ang aking tunay na nararamdaman.

"Kuya.." tawag ko sa kaniya. Halata na ang kalasingan sa aking boses at pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa ere.

"Hmm?" sagot ni kuya. Tumingin ako sa kaniya.

"Alam mo bang matagal na kitang gusto kuya?" deretsong sabi ko. Kahit lasing ako ay naaalala ko pa rin ang reaksiyon niya nang nasabi ko iyon. Nakatingin lang ang mga mata nito sa akin na para bang alam na niya ang nararamdaman ko. Para bang hindi na ito nagulat.

Hindi nagsalita si kuya at tumingin lang muli sa kawalan.

"Ang sabi ko, may gusto ako sa yo kuya," muling sabi ko.

"Alam ko," sagot ni kuya sa akin at muling uminom mula sa kaniyang baso.

"Matagal ko nang napansin bunso. Madalas kong nahuhuli ang mga titig mo sa akin. Siyempre hindi ako nag-assume agad dahil lang sa mga titig at mga galaw mo. Minsan mo na kasing naiwang bukas ang diary mo at aksidente kong nakita ang larawan natin dun na may kung ano anong disenyo na may mga puso," napatawa si kuya dahil sa huling sinabi niya. Ako naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi niya.

"Simula noon, ay nakakaramdam na ako na may pagtingin ka nga sa akin." sabi ni kuya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil naghalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, kahihiyan ngunit mas nangingibabaw ang pag-asa na kahit konti ay masuklian ang nararamdaman ko. Walang nagsalita ni isa sa amin. Inaantay ko kung may sasabihin pa siya sa akin ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi na ito nagsalita.

Mukhang alam ko na ang sagot sa katanungan ko.

Wala talaga akong pag-asa kay kuya. Hinanda ko na ang sarili ko para sa magiging resulta ng nararamdaman kong ito pero ang sakit pa rin pala talaga.

"Yun lang naman gusto kong sabihin kuya. Ano, wag niyo na pong alalahanin lahat ng sinabi ko, hahaha," sabi ko saka at pekeng tumawa.

"Mauna na po ako sa taas, pagod na rin po kasi ako eh," sabi ko saka tumayo. Tumayo din si kuya at inalalayan ako dahil muntik akong matumba.

"Hatid na kita," sabi ni kuya.

"Kaya ko na po kuya, salamat," sabi ko saka ngumiti sa kaniya. Tinitigan lang ako ni kuya at kinuha ko ang chance na yun para umalis. Nang makarating ako sa kwarto ko ay dun ko na binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Alam ko na na ganito ang mangyayari pero umasa pa rin ako. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ko.

"Bunso," tawag ni kuya sa akin mula sa labas. Pero hindi ako sumagot dahil sa tindi ng aking pag-iyak.

"Mag-usap tayo bunso," muli niyang sabi," please," pagmamakaawa niya. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at inayos ang aking sarili saka ko binuksan ang pinto at pinapasok si kuya. Kita sa ekspresiyon ni kuya ang awa at lungkot. Iyan ang ayokong maramdaman niya sa akin, awa. Hinila ako ni kuya at ikinulong sa isang mahigpit na yakap. Dahil dun ay mas lalo akong umiyak ngunit ngayon ay sa kaniyang dibdib na. Inilabas ko lahat ng luha ko sa kaniya.

Ilang minuto din ang lumipas bago ako tuluyang tumahan mula sa aking pagtangis. Ngayon ay nakaupo na kami sa aking kama. Walang nagsasalita sa amin. Nakayakap lang ako kay kuya habang hinahaplos niya ang aking buhok. Kung pwede lang sana na ganito nalang kami palagi eh.

"Bunso," pagbasag ni kuya sa katahimikan.

"Hmm?" sagot ko. Bumitaw si kuya sa pagkakayakap at hinarap ako. Nagkatitigan kami ni kuya.

"Mahal kita bunso. Pero mahal kita bilang kapatid. Patawad pero hanggang dun lang ang maibibigay ni kuya," sabi ni kuya.

As expected.

"Naiintindihan ko po kuya," sabi ko.

"Pero ang sakit pala…" muli kong sabi.

"Sorry bunso," sabi ni kuya. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin.

"Wala ka namang kasalanan kuya. Ako ang nahulog at hindi mo responsibilidad na suklian ang nararamdaman ko," sagot ko. Sa totoo lang, proud ako sa sarili ko dahil nagawa kong umamin. Masakit man ang naging resulta pero sobrang nakakagaan din ng loob dahil atleast makakapag move on ako sa nararamdaman ko para kay kuya.

Muli akong niyakap nila. Napaka-comforting ng mga yakap niya. Hanggang sa di ko inaasahan ang aking biglang nasabi kay kuya.

"Kuya, hihingi po sana ako ng pabor," sabi ko.

"Kahit ano bunso, gagawin ko para sa yo," sagot naman ni kuya.

itutuloy…