1. Home
  2. Stories
  3. The Untitled Confessions - Chapter 16 / 1 : Questions : Scents
Filipino Sex Stories

The Untitled Confessions - Chapter 16 / 1 : Questions : Scents

By la_polla_loca ·

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.

Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.

© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved

This story was and still is posted on two websites: my wattpad profile and www.filipinosexstories.com. Please do not support any other website that reposts or steals the author's work without their permission. Reposting this story without the written consent of the author is a clear violation of the existing Intellectual Property (IP) code in the Philippines.

Please check my wattpad profile. Link's on my profile. Salamats!

___________

"Shit, late na ako."

Tiningnan nito ang wall clock niya na may display pa ni Robo-Rat. Fifteen minutes past 9 na ng umaga. Nagmamadali itong bumangon sa kaniyang kama, naligo, at dali-daling nagbihis.

"Tangina, anong oras na ako makaabot sa opisina nito?"

After 30 minutes ng kanyang pakipagbuno sa traffic, nakaabot na rin sa opisina nila si Alina. Hapong-hapo na ito, parang nakikipagkarera laban sa oras. Ni nabisita sina Eric at Tia, hindi na rin niya nagawa. Pesteng alarm kasi ng phone niya, hindi nag-ring. Biglang namatay ang battery.

"You're late, Alina" sabi ng nakasimangot na si Samantha. Isang good morning lang ang naisagot nito, sabay nanghingi ng paumanhin. Di man niya napansin ang lalakeng kanina pa kausap ng kanyang amo.

"Good morning, Ina." Si sir Jaime.

"Good morning, sir. You're back" sabi naman ni Alina sa kanyang dating amo. Matagal-tagal din bago niya nakilala ang kanyang dating amo. He was clean shaven, his hair cast on one side of his face, a new pair of spectacles. And to top it all off, he was wearing a 3 piece navy suit.

"Parang ang guwapo ni sir ngayon, ah" Alina thought, as her eyes were still gazing at Jaime. Napansin ni Samantha iyon, kaya tumayo ito at ikinaway ng pauli-ulit ang kaniyang kamay sa mukha ni Alina.

"Hoy, Alina Mirabel, baka matunaw si Jaime sa mga titig mo ano" sabi ni Samantha, sabay hawak sa kanyang mga balikat, iniyuyugyog ito na parang ginigising. "Minsan na lang magbihis tao iyan, baka dumikit pa iyan sa kisame dahil sa lagkit ng tingin mo sa kanya."

Alina blushed a little with what Samantha said, while Jaime just stood there chuckling. Umupo si Alina sa kanyang desk, dahan-dahang sinusulyapan pa rin ang lalakeng nakaupo sa harapan ni Samantha.

"Ano kaya ang nakain nito at bakit ganito ang bihis nito ngayon?" muling tanong ni Alina sa kanyang sarili.

And who wouldn't ask the same question? Jaime was impeccably dressed today - his navy suit fitted him perfectly, his ironed white shirt was decorated by a slim tie that was held by a tie bar, and his trousers moulded on to his thighs quite perfectly. Pati ang colour coordination niya was on point din. A gray waistcoat covered his white shirt, a silver wristwatch adorned his left wrist, and his burgundy coloured oxford shoes were picked straight out of a magazine. Parang may stylist pa yata na kinuha ang lalake para sa getup niya ngayon.

"By the way, Ina, I bought some pasalubong for you." May kinuha ito mula sa kanyang tagiliran. Isang Jo Malone na paperbag, na may lamang isang gift box. "Sorry kung iyan lang ang nakayanan ah, nagmamadali na kasi ako sa airport."

"Oh, you shouldn't have, sir" namumulang sabi naman ni Alina sa kanya. May 2 boxes na laman ang regalo ni Jaime na iyon - isang cologne collection saka isang English Pear and Freesia set. Nagpasalamat si Alina sa ibinigay na regalo ni Jaime na iyon, samantalang si Samantha naman ay nakangiti naman sa kanya.

"Kumusta naman pala ang naging paglipat mo sa bahay?"

"Okay lang naman po, sir Jaime. Ms. Gina guided me through the process" sagot naman ni Alina, habang inaayos ang mga regalong ibinigay sa kanya ng lalake. Jaime just nodded, then invited Samantha and Alina for a smoke.

"I'd like to pass muna siguro ngayon, sir Jaime. Need to fix a few things for a bit" nakangiting sabi naman ni Alina. Nagpaalam ang dalawang kasama niya sa kanilang cubicle, habang si Alina naman went back to facing her computer.

***

It was a busy day at the office today.

Abalang-abala si Alina sa paggawa ng iba't ibang mga bagay - pagtawag sa mga cliente, pagsagot sa mga emails, pagche-check ng mga deals ng mga iba niyang kasamahan, pagpirma ng iba't iba pang mga papeles. Ni hindi niya na nga namalayan na magaalas-5 na pala ng hapon noon.

"You busy, Ina?" Jaime was peeking at the half-opened door of their cubicle. Alina acknowledged his presence. She was about to stand up and ask her former boss to sit down, pero pinaupo na lang niya ang dalaga.

"No, sir. Just finishing a few documents. Is there anything I can do to help?"

"Wala naman masyado. I have a few papers I need to sign with the condo's admin. I was wondering if you're free, para mapirmahan mo na rin ang mga papeles na iyon."

"Oo nga pala, sir" sabi naman ni Alina. "It's been almost three months na since I moved. Wala pa rin akong pinipirmahan na contract."

"Did you bring your car?" asked Jaime while fetching a cup of water.

"Hindi po eh. Why?" tanong naman ni Samantha. Nag-taxi lang kasi ito kanina, dahil ayaw na niyang magmaneho papasok ng opisina.

"I see. You can help me pick up Sam's kids from school, then we can go to your condo after. Puwede ba?" sabi ni Jaime. "Or ikaw na lang ang pupunta sa eskwela ng mga bata, Sam?" tanong naman niya kay Samantha. Sobrang busy din kasi nito, tambak na nga ng mga papeles ang kanyang desk.

"Nakikita mong ang dami kong ginagawa ngayon, James. Tapos ako pa ang tatanungin mo nang ganyan?" pasupladang sagot ng babae sa kanya. "Kung ikaw na lang kaya ang gumawa ng ginagawa ko?"

"Pass" sagot naman ni Jaime sa kanya, crossing his arms on his chest. "I'll see you after 30 minutes, Ina. Ide-date ko muna ang student mo ngayon, ah, Sam?" pabirong sabi pa nito. Binato niya ng ballpen si Jaime, na maliksing naiwasan naman ng lalake.

"Bahala ka sa buhay mo, Jaime Ernesto Luis. Madapa ka sana."

"Mother fucker? That's bad po, Ma'am Sammie" sabi pa rin nang nakangiti pa ring si Jaime. Inaambahan ng isang stapler si Jaime ni Samantha, pero nagpigil na lang ito.

"Ma-da-pa-ka-sa-na. Bingi."

Natatawa namang nagpaalam na lang si Jaime sa kanilang dalawa.

"Okay lang ba, ate Sam?" awkward na tanong naman ni Alina kay Samantha nang makaalis na si Jaime sa kanilang opisina. Parang may nararamdaman kasi ito. A dark, ominous feeling. Hindi niya maipaliwanag, basta parang may mali lang siyang narararamdaman.

Tiningnan lang ni Samantha si Alina, then gave her a smile. A forced smile.

"Okay lang, Allie. You better finish your work today, para maaga kayo makaalis. I don't want my kids to wait long just for someone to fetch them."

Half an hour later, sinundo na ni Jaime si Alina sa room nila ni Samantha. Nagpaalam si Alina uli sa kanyang current boss, na sinabihan niya lang ng "ingat", her eyes not meeting her.

"Alis na po kami, Ate Samantha" pangaasar naman ni Jaime sa kanya. Tinitigan ng masama ng babae ang lalake, sabay muestra ng "fuck you" sa kanyang bibig.

"Mainit yata ang ulo ni Ate Sam ngayon, sir?" asked Alina while waiting for their lift.

"Ah, huwag mong pansinin iyon. Either busy lang iyon ngayon or may bisita" nakatawang sabi naman ni Jaime. They went down to his car at nagdrive papunta sa eskuwela ng dalawang bata. Antok na antok na rin si Alina ng mga oras na iyon, kaya nakatulog na lang ito nang wala sa oras.

***

"Ate Allie" bati sa kanya ng dalawang bata pagbaba niya ng sasakyan. Yumakap sa kanya si Cirdan, samantalang si Celeborn ay nagmano at humalik naman sa pisngi niya.

"Where's your tito James?" tanong naman ni Alina sa mga bata. Medyo matagal din kasi itong nakaidlip, dahil na rin siguro sa pagod niya sa opisina.

"He's there talking to Cirdan's teacher po, ate" sagot naman ni Cel, pointing at Jaime near the gate of their school. Alina saw Jaime having a discussion with Cirdan's teacher, acting like a proper father figure sa anak ni Samantha. After a few minutes, nakita niyang nagpaalam na ito sa teacher na kausap, sabay patakbong lumapit sa tatlong kasamang nag-aantay.

"Let's go, kids" sabi nito habang binubuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan.

Cirdan and Celeborn were sitting on the back, happily singing songs about buses and stars. Umupo naman si Alina sa tabi ni Jaime. The smell of his perfume was intoxicating. It was like a gentle hand trying to tease her nose, wanting it to come and smell it more.

"What perfume are you wearing, sir?" awkward na tanong ni Alina kay Jaime, trying to make a conversation.

"Ngayon? Pawis?" sagot naman nito ng pabiro. "Biro lang. Millesime Imperial." Iniliko niya ang kaniyang minamanehong sasakyan papasok sa kanto na malapit sa condo nito. He was driving very gently, out of consideration to the kids and Alina.

"Why did you ask? Masyado bang matapang?" asked Jaime, smelling his shirt.

"Ay no, sir. Ang bango lang niya. Hinuhulaan ko kanina kaso parang first time ko lang naamoy."

"I see" sagot naman nito. Matipid talaga sa salita itong si Jaime. He's too concise and precise with the words he's using. And his mannerisms are too mysterious - like a well or a cave. Di mo alam kung anong laman. Makes you think of digging more, to satisfy your curiosity.

"Ikaw ba, what's your favourite scent?"

"Sa ngayon po, iyung english pear and freesia na binili sa akin ni Ate Sam last time. Pero growing up, iyung gap dream na body mist."

"I see" maikling sagot naman ni Jaime. They stopped on a traffic light, na saktong sakto pa ang paglabas just when they were about to cross. "Gap dream, eh?"

"Yes sir, why?"

"Nothing" sagot naman ni Jaime, habang nagsasabi ng patawad sa mga taong naghihingi ng limos sa labas ng sasakyan. "Para ka lang iyung asawa ko."

Nabigla si Alina sa sudden exposition ni Jaime sa kanya. Sa tinagal-tagal na nilang magkasama sa trabaho, ni minsan ay wala itong inopen up tungkol sa kanyang buhay, let alone sa buhay nilang mag-asawa. She was about to ask more about his wife, pero na interrupt naman siya ni Jaime.

"Si Samantha ba, alam mo ang paborito niyang scent?" asked a smiling Jaime. His smile showed his perfect teeth, and it was a warm, almost welcoming smile. Na first time din lang napansin ni Alina. Mula kasi nang magumpisa itong magtrabaho sa kumpanya nila, nakilala niya si Jaime bilang seryoso at puro business lang ang nasa utak na lalake.

Alina just smiled and shook her head. Hindi niya alam kung ano kasi ang paboritong pabango ni Samantha. But she was expecting Jaime to say something created by Jean Patou, Caron, Clive Christian, or Chanel. Mga high-end brands, kung baga.

Jaime just gave out a chuckle. "Imari. Iyung nasa page 10 ng Avon catalogue" sabi nito, sabay tawa. Pati si Alina, napatawa na rin sa sinabi ni Jaime. "Nakakatawa din pala itong si sir Jaime" Alina thought to herself. He has a sense of humour that he rarely shows to anyone.

Ipinark niya ang kanyang sasakyan sa isa sa mga reserved parking areas ng condo. Inescortan pa siya ng dalawang guardia sa building na iyon, parang VIP lang.

"You guys go out and play outside for a while, okay? Don't stray too far" bilin naman niya sa mga bata, sabay kuha ng ilang mga bags na may lamang pasalubong. Sinalubong sila ng building admin na si Gina.

"Maayong gabi-i, Eva Gina Jasa"

"Uy, sir James, maayong gabi-i pud. Kumusta naman ka? Dugay-dugay na sad ta wala nagkita ah" sagot naman ni Gina sa kanya. She was smiling from ear to ear, parang nakita si Santa Claus.

"Maayo ra. Ito nga pala iyung ibinilin mo sa akin noong huli tayong nag-usap" he said, giving Gina one of the bags. "Tapos itong mga chocolate, bigyan mo na lang sina mga kasama mo diyan ah. Dapat lahat sila mabigyan, okay?"

"Ay, daghang salamat, sir. Unya ang bayad ani, sir?" tanong naman ni Gina habang binubuksan ang pasalubong ni Jaime sa kanya. Mga lotion at pabango ng Victoria's Secret ang laman ng bag na iyon, and it seems that she was quite pleased with his gifts.

"Pabayaan mo na. Basta atimana lang si Ina diri, okay na ko ana" a smiling Jaime said to Gina.

"Ay oo, sir ah. Ayaw kabalaka, atimado si Ms. Ina diri. Mao man imo gitugon" replied Gina, habang gina-guide naman sila sa loob ng opisina niya.

Mabilis lang natapos ang kanilang contract signing. It was done in less than 10 minutes. Mas matagal pa nga ang naging kuwentuhan nina Gina at Jaime, habang si Alina naman ay tahimik na nakatanga lang sa kanila. Hindi niya kasi maintindihan ang salitang ginagamit ng dalawa, add the fact na sa totoo lang, wala din siyang pakialam dapat sa kanilang usapan.

"O, sige na sir ah, morag kanahanglan na ka mo-uli. Ganiha ra na sige'g vibrate ang imong selpon" sabi ng nakangiti pa ring si Gina, sabay turo sa kanyang phone. Kanina pa nga naman vibrate ng vibrate ang mobile ni Jaime, pero hindi niya pinapansin.

"Pasagda-i lang, day. Karon pa gani ta nagka-estorya balik" sabi naman ni Jaime, while turning off his phone's vibration.

"Tag-anon nako, sir. Si ma'am Samantha na no?" Jaime just smiled and nodded.

"Da, ingon bitaw ko. Nagselos siya ano?" pabirong sabi ni Gina sa kanya, sabay kurot sa kaniyang braso.

"Ay, dili ah. Mangita ra siguro na sa mga bata. I picked her kids up from school. Miss niya lang siguro."

"Selos? Samantha?" sabi naman ni Alina sa sarili nito. Hindi man niya naiintindihan ang pinagsasabi nilang dalawa, pero naintindihan naman niya ang salitang selos, at kilala niya si Samantha. "Nagseselos ba sa akin si Ate Sam?"

Nagpaalam na si Jaime after a few more minutes. Abot-abot pa rin ang pasasalamat ni Gina sa kanya, habang tina-try ang bago niyang pabango. Jaime just smiled at her, then proceeded to his car.

Nahihiyang nag-offer ng maiinom si Alina kay Jaime sa kanyang unit. Ang dami na rin kasing ginawa ng tao na ito para sa kanya. For him to take the time just to sign her tenancy agreement, kahit pa kakalapag lang niya from his travel, simply takes the cake.

"Huwag na Ina. Samantha's been pestering me about her kids. Next time na lang" he said. Tinawag niya ang dalawang bata, then off they went. Si Alina naman, umakyat na lang sa kaniyang kuwarto para makapagpahinga.

***

"Good morning, Ate Sam"

Maagang pumasok si Alina sa opisina kinabukasan. Mas maaga pa kaysa kay Samantha. Normally kasi, nakikita na niya sa kanyang desk first thing in the morning, pagkapasok nito.

"Good morning, Allie," said Samantha, placing her bright pink bag onto her desk. She was wearing a white button up shirt accessorised by a silver colour necklace, a matching dark grey blazer and skirt, and a pair of silver pumps. Simple lang ang kanyang kasuotan, parang everyday work wear lang. "But god above, may naisusuot ba ito na hindi niya napapaganda?" sabi sa sarili ng dalaga sa sarili.

"Ang aga natin today ah."

"Bumabawi lang ako sa late ko kahapon, ate."

Samantha searched for something in her bag, then tried tapping her pockets. Nang mahanap niya ang kaha ng kanyang sigarilyo, nakangiti itong nag-imbita na magyosi muna sila sa ibaba.

***

"Ang ganda ng panahon ngayon, ano?" sabi ni Samantha habang nagsisindi ng kanyang sigarilyo. The sun cast a luminescent glow on Samantha, highlighting her almost perfect skin. The weather outside was balmy, a slight breeze blowing over her straight, black hair. Alina just nodded at Samantha's comment, agreeing to what she said as she continued to gander at Samantha's appearance.

"Oo nga pala, Allie. Sorry for being bitchy kahapon ah. Ang dami ko lang kasi inaasikaso."

"It's fine, ate. Nakita ko naman kung gaano karami ang trabaho mo kahapon" sabi ni Samantha, smiling in the process.

"So, how was yesterday pala? Kumusta ang pagsundo ninyo sa mga bata?" Samantha was puffing on while talking. "Tuwang-tuwa pa nga si Cel sa pagsundo ninyo. Napaamin ko siya na crush ka raw niya kahapon."

Namula ng kaunti si Alina sa sinabi ni Samantha. "At bakit ka naman nagba-blush babae ka?" natatawang pagbibiro nito sa kanya. "Inosente iyan?"

Nakitawa na rin lang si Alina sa kanyang ate. She really knows how to make things comfortable. Kahit sinong kausapin ng babaeng ito, kaya niya talaga pagaanin ang loob.

"So, ano nga? Kumusta ang biyahe ninyo ni Jaime kahapon?" tanong na naman ni Samantha, na parang may kinukuhang kung ano mang impormasyon.

"It was okay, I guess. Nakatulog lang ako noong biyahe papunta sa school nina Cel saka ni Cirdan, then kuwentuhan lang papunta sa condo" said Alina, matter of factly.

"I see. At ano namang chismis ang ibinahagi niya sa iyo?"

"Wala naman ate, I just asked him what scent he was wearing kasi I'm trying to remember kung naamoy ko ba iyon o hindi." Alina took another cigarette, then gently placed it on her lips.

"Tapos ayon, scent talk. He asked me about my favourite scent lang tapos sinabi niya rin iyung favourite scent mo din daw" sabi naman ni Alina habang nagcha-chuckle.

"Hayop talaga iyang si Jaime, ang lakas mangbagsak. Ano naman ang sinabi niyang paborito kong pabango? Chanel no. 5?"

"Imari daw, iyung nasa page 10 ng Avon catalogue" Alina said, laughing.

"Putangina" sabi naman ni Samantha, sabay bunghalit ng tawa. Ang cute ding tumawa ng ate Sam niya, lalo na kapag palagay na ang loob niya sa iyo. Para lang siyang kaklase or upperclassman sa kanyang eskwelehan, tipong game sa lahat ng kalokohan ng mga kabarkada niya.

"Oo nga pala, ate Sam, I've got a question" sabi ni Alina habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata. Samantha just said "ano iyon" habang hinahanap ang kanyang panyo.

"Kasi when he asked me about my fave scent, I told him na sa ngayon iyung english pear and freesia na ang favourite ko. But growing up …"

"Let me guess. Gap Dream?" interrupted Samantha. Alina just sat there, bewildered.

"Paano mo nalaman?"

"It's just a hunch. Either Gap Dream lang iyan or D&G Light Blue" sagot naman ni Samantha, a bit serious this time around. She took another stick, lit it up, then continued "Did he open up about his wife?"

"Not necessarily opened up, ate. Sinabi niya lang na para lang daw ako iyung asawa niya."

"Aba, himala. Naipasok bigla si she-who-shall-not-be-named."

Hindi pa rin nakakabawi si Alina sa sinabi, sinasabi, at mga posibleng sabihin pa ni Samantha. Hundreds of questions were now flooding her head. Parang gusto niyang magpalabas ng maraming tanong kay Samantha para mabawasan naman ang pagbaha sa utak niya ngayon. Napansin naman iyon ni Samantha, kaya seryosong hinarap niya si Alina, sabay nagsabing;

"Alam kong marami kang tanong. Saka mo na lang iyan itanong kapag nalasing mo na ako or si Jaime."

Alina just smiled and stayed quiet at her statement. Ayaw na ayaw nga naman nilang dalawa ang pinagtsi-chismisan. Kahit na curious na curious na ito sa kagustuhang makilala pa ng lubos ang kanyang dating amo. The point is, wala pa rin siyang karapatang malaman ang mga bagay-bagay sa buhay nito.