1. Home
  2. Stories
  3. Siya Si Nicole Chapter 2
Filipino Sex Stories

Siya Si Nicole Chapter 2

By songoku2200 ·

All names, characters, dates, places and incidents on this story are altered. Any resemblance to actual events are purely coincidental. Also please dont post this to other websites without my permission.

======================================================================

Chapter 2

Bumalik din si Nicole sa trabaho pagkatapos ng halos dalawang buwan. Kahit papano ay bumalik naman agad ang sigla nito sa pagtratrabaho. Hatid sundo din sya ni Sam at Kim (siguro dahil nakokonsenya din sila dahil iniwan sya) tuwing papasok sila sa opisina at mamamasyal. Nung bumalik na nga din sya sa team ko ay dun ako mas napalapit saknya. Halos sya din lagi ang kasama kng kumain tuwing break time. Nagagawa na din nitong magkwento tungkol sa mga personal na bagay. Dun ko nalaman na single mother pala ito dahil hiwalay na ito sa boyfriend nya ng dalawang taon niloko daw kasi sya nito at kitang kita mo sa pananalita at sa mga mata nya kng gaano sya nasaktan. Halata mo din na nung nagkwekwento ito ay di pa ito nakaka move on kaya iniba ko nalang ang usapan.

Pagkalipas nga ng isang taon ay mas lumalim ang pagsasamahan naming dalawa dahil na din sa insidente na yun. Halos araw araw din kaming magkasama dahil sa trabaho at wala naman malisya para sakanya. Madami na ding nanliligaw sakanya lalo na nung nalaman nila na single nga ito. Wala din silang pakialam kahit na meron syang anak. Mapa ahente or higher ups ay nabitag sa ganda at charisma nito. Sanay na din kaming makitang may mga nag aabot ng mga tsokolate sakanya at minsan nga may mga bulaklak pa na inaabot ang mga guard galing sa mga secret admirer nito. Pero ang sabi nga nya ay wala pa sa priority nya ito. At di mo rin naman sila masisi. Madami na syang binasted pero pursigido talaga ang mga iba dito.

Isa na nga dito ang katrabaho ko din na manager. Tawagin nalng natin syang Ralph. Isa ito sa mga pursigidong manliligaw ni Nicole. Mayabang kasi ang datingan nung katrabaho ko. Ung tipong akala mo hulog sya ng langit para sa mga babae. Oo may itsura ito at gwapo, matipuno din ang katawan dahil sa nag gygym ito lagi. Pero dahil sa kayabangan nito kaya paulit ulit itong nababasted pero di pa din ito sumusuko. Kinausap pa nga nya ako minsan para sabihin na sa tingin nya ay ako daw ang threat sa panliligaw nya sakanya na tinawa ko nalang.

Aminado din naman ako na kahit kaibigan lang ang turing nya sakin ay minsan di mo maiaalis isipin na paano kaya lung ligawan ko sya? May pag asa kaya ako? Siguro naman meron dahil magkaibigan kami? Mga tanong na minsan di nawawala sa isipan ko. Oo magkaibigan ang turingan naming dalawa pero para sakin gusto kng mas higit pa.

"Di ko nga alam pre, gusto ko sanang manligaw kay Nicole. Matagal na akong may gusto sakanya, kaso natatakot ako baka naman masira pagkakaibigan namin kung mabasted din ako." Tanong ko sa kaibigan kng si Christian. Isa sya sa mga matalik kng kaibigan sa trabaho.

"Alam mo bro, kailangan mng maging sigurado sa gagawin mo, kagaya nga ng mga kwento mo hindi yan ang priority nya ngayon. Sure ka ba na walang mag iiba kng sakaling mabasted ka?" sagot naman ni Christian sabay inom ng beer nito. Kasalukuyan kaming nasa isang bar sa may Mandaluyong.

"Un nga pre. Baka mawala pagkakaibigan namin. Pero paano din kung maging girlfriend ko sya d ba?"
sagot ko.

"Tingnan mo pre, sa dami ng nanliligaw sakanya sa office na mas gwapo sayo, mas maappeal wala sya nagustuhan, ikaw pa kaya? hHahah" pang aasar nito.

"Langya naman pre gwapo din naman ako sabi ng nanay ko" pabiro kng sagot pero aminado din ako na may katotohanan ang mga sinabi nito.

"Pero kng wala din akong asawa baka linigawan ko na din si Nicole. Takte naman kasi sa ganda samahan mo pa ng ganung katawan at napakabait na ugali kahit sino talaga maiinlove sakanya kaya di rin kita masisisi. Pero syempre mas higit dyan ang misis ko." Pagmamayabang nito.

"Un nga ehh alam ko naman na di talaga ang magka BF ang priority nito pero nahulog na din talaga ang loob ko sakanya." sagot ko naman habang nilalaro ang ubos na bote ng beer.

"Ikaw pre kung ano talaga desisyon mo, pero isipin mo paano pag nabasted ka baka mawala ang pagkakaibigan nyong dalawa. At isa pa ahente mo sya, bawal na gnyan na may pakiramdam ka saknya. Bias un para sa ibang mga ahente mo alam mo yan baka ma HR ka"

"Di naman pre pantay pantay naman trato ko sa mga ahente ko" Depensa ko sa sarili ko.

"Un sa tingin mo, kasi mahal mo yung tao. Pero sa mga kagaya ko iba mga nakikita namin, iba din talaga ang trato mo sakanya kumpara sa iba kaya nga ilang beses na din akong tinanong ng mga higher ups kung gusto mo sya at bawal un" sagot naman ni Christian habang sumesenyas sa isa sa mga waiter ng isa pang round ng beer.

"Di ko alam pre. Pero sa pakiramdam ko may pag asa ako dahil na din naman sa pakikitungo nya sakin."

"Ikaw lang yan pre. Dahil sa kaibigan ang turing nya sayo kaya ganyan. Pero para sayo may ibang ibig sabihin ang pakikitungo nya dahil sa gusto mo sya."

"Hindi ehh iba ang pakiramdam ko." Pagpipilit ko.

"Hayyyyyy" Nagpakawala si sya ng buntong hininga, halatang tutol sya sa gagawin ko.

"Ikaw bahala pre, pero sinabihan na kita." Sinabi nalang nito tanda ng pagsuko.

Natapos na nga ang gabi at nakapag desisyon na akong manligaw kay Nicole. Bahala na kng anong mangyayari.

=======================================================================
Natapos ulit ang isang linggo sa trabaho. Pagdating ng day off namin ay napagpasyahan kng imbitahan sa labas si Nicole. Susubukan ko ng magtapat sakanya.

"Busy ka ba? Tara kain tayo sa labas" pm ko sakanya sa messenger. Habang naghihintay ako ng sagot ni Nicole ay nararamdaman ko ang magkahalong kaba at excitement.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakareceive na ako ng reply.

"Libre mo?" reply nito.
"Pwede naman. Tara samg."
"Sino kasama?"

Kinabahan at nalungkot ako sa reply nyang iyon. Nagdalawang isip ako kung paano ko siya sasagutin. Sa totoo lang gusto kng kaming dalawa lang sana para makapag tapat na din ako sakanya.

"Ikaw palang nasasabihan ko ehh" reply ko sabay send.
"Ayy, sige check ko kung pwede sina Diane para mas masaya" Reply nito.
Simpleng "Sige sabihan mo agad ako" ang nireply ko dito.

Dito ko napag isip isip na sa buong taon nga ng pagkakaibigan namin ni Nicole ay di nga kami lumabas na kaming dalawa lang. Laging meron kaming kasama o kaibigan. At usually tuwing work days lang ito. Bilang lang ata sa isang kamay ko ang paglabas naming tuwing day off. Mukhang tama nga ata si Christian. Pero di ko na ito inisip dahil tumunog na ulit ang phone ko.

"Busy daw sina Dianne ehh. Next time nalang?" mga katagang nagpabigat sa kalooban ko.
"Sayang naman, sige pero di ko na libre" reply ko nalang sakanya.
"Andaya, sabihan ko sina Diane sa sahod samg tayo."

Nag thumbs up nalang ako sa reply nito. Ngunit ang totoo ay malungkot ako. Tama nga ata si Christian. Mukhang pagiging kaibigan lang ang turing nya sakin.

=======================================================================

Dec. ng 2020 nung napagdesisyunan naming ng team ko na mag team building. At sa isang Villa resort nga sa Laguna ang napuntahan naming. 13 kming lahat ako ung kaibigan kng trainer na tawagin nalang natin sa pangalang Mark at si Christian. At ung 10 ahenteng hawak ko 7 na babae at 3 na lalaki. Sila sina Nicole, Diane, Kim, Sam, Alyssa at ang dalawang nanay ng team sina Irene at Joyce. Ang pinakabata sa team na si Paul at ang tatay tatayan namin na si Steve at ang bakla ng team na si Art (ewan pero lahat ata ng team sa BPO laging merong isang LGBTQ). Excited silang lahat pagkababa palang namin ng van. Malawak ang resort, maraming public pools pero marami din namang Villa na may private pool. Buti nalang ung villa na kinuha namin ay may isang malaking infinity pool na nakaharap sa beach. Mataas din ang mga bakod nito kaya pribado pa rin ito, at kahit nasa labas ka ng villa ay mahihirapan kng makita ang loob unless akyatin mo ang bakod. Buti nalang ay meron din kaming mga naipong team incentives kaya halos wala din kaming nilabas na pera kaya lahat ng ahente ko nakasama.

Halata mng masaya silang lahat pagkapasok palang namin sa villa. At kahit kagagaling lng naming sa trabaho (pagkatapos pa lang namin ng trabaho ng umaga ay dumiretso na kami dito) sobrang taas naman ng mga energy nila pagkakita nila ng infinity pool. Ung iba parang gusto na agad mag swimming pero dahil sa taas ng init ng araw ay napagdesisyunan muna naming lahat na magpahinga. Meron din itong 5 na kwarto. 3 dito ay para sa mga babae at 2 naman para saming mga lalaki. Pagka ayos nga namin ng mga gamit at mga iluluto ay natulog muna ako dahil na din sa pagod at dahil sa ako na din ang driver.

Nagising nga ako dahil sa ingay sa labas. Halatang nagkakasayahan na sila. Pagkatingin ko nga ng oras ay halos 4pm na pala. Halos 6 hrs akong nakatulog. Nagpalit na din ako ng sando at shorts at pumunta na din sa pool area. Nadatnan ko sina Diane, Kim at Sam na nagtatawanan at nagkwekwentuhan habang naglalaro sa tubig. Palubog na din kasi ang araw at di na ito ganun kainit kaya siguro nagswimming na sila. Naka bikini na din ang mga ito. Sa kanilang magkakaibigan di rin sila talaga pahuhuli kay Nicole pagdating sa kasexyhan at kagandahan. Kumbaga kung si Nicole ay 10/10 masasabi mo na sila ay nasa 8-9/10. Ngumiti ako at kumaway sakanila nung nakita nila ako. Si Alyssa, Paul, Steve at Christan naman ay nasa may gazeebo sa gilid ng villa nagkwekwentuhan. Naka pang swimming attire na din sila. Habang sina Joyce at Irene ay nasa may bandang dirty kitchen inaayos na ang mga lulutuin na pang hapunan. Luminga linga pa ako sa paligid pero di ko mahanap si Nicole kaya lumapit ako kina Joyce.

"Mommy Joyce wala po ata si Nicole?" Tanong ko.
"Ay oo kasama nya si Mark may mga nakalimutan kasi tayong mga ingredients para sa pang hapunan natin at mga ilulutong bbq mamaya kaya lumabas sila." Sagot ni Joyce.

"Ganun ba. Anong oras po sila umalis?"
"Siguro mga 2pm. Malayo daw kasi ung palengke dito sabi nung reception"
"Ganun ba. Tulungan ko na kayo maghanda mommy habang inaantay sila" ngumiti nalang ako ng pilit para di halatang may selos akong naramdaman

"Sige iho ayusin simulan na nating iluto tong mga to pero pabalik na daw sila message ni Nicole sakin knina."

Medyo di ako mapakali ng mga oras na yun. Isa din kasi si Mark sa mga nanliligaw kay Nicole. Gwapo din kasi si Mark. Idagdag mo pa na napakalinis at bango nitong tingnan kaya mga babae na din minsan ang lumalapit sakanya. Magaling din itong magdala ng mga damit, kahit na ang mga nabibili sa ukay ukay ay nagagawa nitong gawing mamahalin kung sya ang nagsusuot. Kaya sa office laging silang dalawa ang inaasar na bagay sa isat isa. Ang chismis nga ng mga marites sa office ay baka silang dalawa na daw, pero sigurado akong hindi totoo dahil wala naman sinasabi sakin si Nicole o sina Diane. Pero nung team building namin ay nagpaalam ito kung pwedeng sumama, dahil sa inimbitahan din sya nina Nicole kaya sinama ko na din si Christian. Di na rin ako makatanggi dahil sina Nicole na ang nag imbita sakanya.

Pagkalipas nga ng halos 30min ay dumating na din sina Nicole at Mark. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso nung makita ko silang magkasama. Sa isip iisip ko, mahal ko na nga ata talaga si Nicole kaya ako nagkakaganito. Pinilit ko nalang na magpanggap na busy akong habang nagluluto.

"Ma, eto na mga ingredients na pinapabili mo" Si Art. Di ko napansin na nasa likod na pala namin ni Joyce ito.
"Kumpleto na ba to?" tanong ni Irene.
"Yes Ma. Ung change iniwan ko nalang dun sa lamesa"

"Hala, palitan ko nalang mamaya ung binayad nyo Irene may funds pang naiwan sakin. Magkano ba lahat Art?" Di ko alam ka kasama ka pala namili." Sunod sunod na sinabi ko. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko si Mark at Nicole lang ang magkasama.

"Oo ako ginawang driver nung dalawa ehh, di sana ako sasama pero di pala sila marunong magdrive. Andun na din resibo sa may lamesa" sagot nito sabay abot ng susi ng van.

"Naging thirdwheel pa ako" sabi nito na di nakaligtas sa aking pandinig.
"Ayy ganun ba sige magpahinga ka na" sagot ko dito habang pilit na nakangiti.

Nagpatuloy nga kami nina Joyce, Irene sa pagluluto. Sa buong panahon nga na iyon ay di pa kami nakakapag usap ni Nicole. Nagkakatinginan kami minsan pero umiiwas agad ito ng tingin at minsan nagpapanggap nalang ako na kuwnari pinagmamasdan silang lahat. Mga bandang 5:30pm na nga nung tapos na kaming makapag luto. At naghanda na kami para sa hapunan.

Nang matapos ang hapunan ay naghanda na kami para sa mga team building games na hinanda namin nina Christian at Alyssa. Ng ang lahat kami ay napatahimik nung lumabas si Nicole sa kwarto nila. Papalapit si Nicole samin, pero lahat kami ay di mapigilan ang mga mata na tumingin sakanya at sa kanyang kasuotan. Naka two piece bikini ito na sumisilip ang ganda ng kanyang katawan. Hapit na hapit ang boobs at pwet nito pero kagaya ng dati ay di rin ito bastos tingnan. Malinaw na pinapakita nya ang kanyang kaseksihan na di mo naman maitatangging totoo.

"Ganda mo naman bes parang modelo ang datingan" bulalas ni Diane na pati ito ay di napigilang tingnan mula ulo hanggang paa si Nicole nung nasa may pool side na ito.
"Oo nga mukhang pinaghandaan" Pangangantyaw naman ni Kim.

Hindi maiwasang mag blush si Nicole sa malakas na reaksyon ng kanyang mga kaibigan. Kaming mga lalaki rin ay di maka-imik sa pagkabigla.
"Uyy wala noh, pinilit lang ako ni Sam na magsuot ng ganito" nahihiyang sagot nito.
"Sus kunwari ka pa, if I know" Pang aasar pa lalo ni Diane.

Di nakaligtas sakin ang sulyap ni Diane kay Mark. Medyo nainis ako ng mga panahong iyon.

"Wow, idol na talaga kita Nicole" pagbabasag ni Christian sa katahimikan naming mga lalaki. "Ikaw na po" pang aasar pa nito sabay luhod at nagbabow ito sa harapan nya. Sa ginawa nyang yun ay parang natauhan kami at umastang normal para di halatang lahat kami ay tinamaan init dahil sakanya.

"Uyy ginagawa mo Christian hahaha" ang nasabi lng ni Nicole.
"idolllll, idoolllllll, idooollll" sagot lng nito habang nakabow pa din sa harapan nya.
"Huy umayos ka na nga magpapalaro pa tayo." Sinabi ko nalang sakanya habang tinutulungan itong tumayo.

Nagpatuloy nga kami sa aming bonding activities. Naglaro kami ng mga team-building games at nagkakasayahan sa pool. Nilabas na din nina Steve at Christian ang mga pinamili nilang alak. May beer, girl drinks at hard drinks. Kanya kanya nalang kaming kuha ng aming mga inumin. At habang nagkakasayahan nga kami ay di ko rin maiwasang mahalata na laging magkasama si Nicole at Mark. Mahahalata mo din talaga ito dahil laging nasa malayo sina Diane Kim at Sam na normally kasama nito. Hindi ko maiwasang maipansin na sa tuwing nagtatawanan at nagbibiruan sina Nicole at Mark ay may kung anong emosyon na kumakalat sa aking dibdib. Di rin ako makalapit or makasingit sakanila kaya nagpakabusy nalang ako sa pakikipag kwentuhan sa iba. Naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib kaya sinubukan kong magpahinga muna at lumabas ng villa at maglakad-lakad sa paligid ng resort. Malawak ito at marami ding public pools. At kahit halos 9pm na din ng gabi ay marami pa ding taong naliligo at nakakasiyahan.

Nag ikot ikot nga ako at sa aking paglalakad, hindi ko inasahang makasalubong sina Nicole at Mark na magkasamang naglalakad at linilibot din ang resort. Nakita ko sa mga mata ni Nicole ang bahagyang pagkabahala at pagkabigla nang makita niya ako. Hindi kami nagpapansinan ni Nicole pero pinansin ako ni Mark. Kumaway lang ako sakanila, at agad na tumuloy ang mga ito palayo.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad, ngunit hindi ko mapigilan ang mga katanungang sumagi sa aking isipan. Bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol kay Mark? Ano ang tunay na relasyon nila? Pinilit kong pigilan ang aking mga emosyon at isipin na hindi ako dapat magpaka-seloso dahil wala naman akong karapatan. Ngunit hindi ko maiwasan ang sakit na nadarama ko sa aking puso.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagbalik na ako sa Villa at dumiretso sa pool kung san nandun ang iba nagkakasiyahan. Sinubukan kong ipakita ang aking kasiyahan at mag-focus sa mga ibang bagay. Binigyan ko ng pansin ang aking ibang mga ahente at napuno naman ng biruan tawanan. Sa tulong nila, unti-unting napalitan ang lungkot at pag-aalinlangan sa aking puso ng pasasalamat at kasiyahan dahil sakanila.

Nung napagod ako ay tumambay ako sa may gazeebo ng lumapit si Christian.

"Ano pre kumusta, kanina pa kita napaghahalataan" tanong nito sakin.
"Ha? Okay lang naman ako. Sinasabi mo?" sagot ko.
"Wag ka nang magpanggap pre kanina pa kita pinagmamasdan"
"Ahhh.. Wala to pre ganun talaga hayaan mo na"
"Alam mo, para di ka nagmumukhang parang kawawa bat di ka nalang magtapat sakanya or umamin?"

"Di ko alam ehh parang natatakot na ako bigla. Sa nakikita ko palang ngayon nasasaktan na ako ehh paano pa kaya pag nabasted ako di ba?"

"Tutol ako na ligawan mo sya nung una, pero kung ganyan naman nakikita ko sayo di sabihin mo na. Para tapos." May pagkaka diin ang pagkakasabi nito sabay inom ng beer.

"Parang masaya naman na sya pre"

"Di mo alam un, wag nating pangunahan hanggat wala namang nang gagaling sakanilang dalawa, malay mo close lang din sila di ba?"

Tahimik lng ako

"Hindi mo ba naiisip na baka mali lang ang pagka-interpret natin? Maaring may ibang dahilan kung bakit sila magkasama," dagdag ni Christian habang ipinapakita niya ang suporta at pagkakaibigan.

"Tsaka kaibigan natin si Mark. Tingin mo ba di nya sasabihin satin pag silang dalawa na" dagdag nito.

"Sabagay, pero ewan. Ganito pala pakiramdam pag nagseselos" na tinawa ko nalang.

"Huyyy sinong nagseselos?" biglang sabi ni Sam. Di naming napansin na nasa likod lang pala namin sya.

Sa pagkabigla naming at di agad kami makapagsalita. Kinabahan ako at baka narinig nya ang pinag usapan naming dalawa.

"Haa… Ehhhh si Christian may pinagseselosan sya na katrabaho ng asawa nya" bigla kong nasabi.

"Takte naman pre ehhh, sabi kng wag mng sabihin ehhh nak ng…" pakunwaring galit nito. Buti nalang nasakyan nya agad ang ibig kng sabihin.

"Kuhhhhh…… mukhang personal yang usapan nyo ahh" sagot ni Sam na mukhang kumbinsido.

"Sabihin mo pag tapos na kayong mag heart to heart at Tom need kitang kausapin mamaya" Dagdag nito.

"Ako? Bakit?" tanong ko.
"Ahhh basta importante to" sagot nito habang nakatayo sa tabi namin.

"Tungkol ba sa trabaho yan? Bukas nalang."

"Ahh basta may sasabihin lang ako sayo please. Meet mo nalang ako sa labas ng Villa ppm kita sa phone mo pag andun na ako kaya lumabas ka." Pag uutos nito.
"ahhh okay?" tanong sagot ko.

Sabay alis nito. Nagkatinginan nalang kami ni Christian.

"Ano yun?" tanong nito.
"Aba malay ko" sagot ko naman na nalilito.

=======================================================================

Pasensya na po sa short update. Mahirap po kasing idetalye ung mga bagay bagay habang pinapalitan ung mga scenario at pangyayari. Feedbacks are welcome din po kung ano pa pwedeng gawing improvement sa pagsusulat.