1. Home
  2. Stories
  3. Bihag 16
Filipino Sex Stories

Bihag 16

By eroticprince27 ·

"Fiesta sa San Vicente next week, dun tayo mag weekend."

"Wow! Sige siguradong masaya yun."

"May Gawad Parangal si Tito Gab kaya attend tayo. I already ask someone to get you an evening gown."

"Kailangan pa ba yun."

"Oo naman, para na din tayong aatend ng PROM."

"Grabe naman, na excite tuloy ako."

Hapon na ng ihatid siya sa bahay nila, halos sa kwarto lang naman ng binata sila namalagi kaya pagdating sa bahay ay pagod na pagod sa halos maghapon at magdamang na pag-kantot ni Aethan sa kanya.

Pauwi na ang lalaki pero malalim pa din ang iniisip niya, sa buong maghapon at magdamag na kasama ang kasintahan ay satisfied siya pero ng maghiwalay sila ay pumasok sa isipan ang dating nobya. Kahit na nga may pakakasalan na siya ay parang may responsibilidad parin sa babae para ipaliwanag ang sarili at magkaroon ng closure ang relasyon nila.

Sabado ng gabi, naghihintay siya sa pagbaba ni Heart para sa gabi ng parangal, all black suit at black inner long sleeves din na may metallic gray ng tie ang suot niya. Di na niya kailangang tingnan ang sariling paulit ulit sa salamin dahil lapat na lapat ito sa maskuladong katawan. Napa-angat ang tingin niya ng maramdamang may pababa sa hagdan. Kusang umawang ang labi ng makita ang napakagandang babae sa gitna ng hagdan, hapit din sa katawan nito ang bloody red gown.

Sa dami ng nakasama na niya ay iba ang ganda ni Heart, ito ang gandang alam niyang kai-iingitan ng mga lalaking makakasalamuha nila. Agad siyang tumayo para salubungin ang babae at isang halik sa pisngi ang iginawad.

"Parang ayaw ko ng umatend sa parangal, gusto nalang ikulong sa kwarto at magdamag na lahian."

"Hoy lalaki! Ngayun lang ako gumayak ng ganito kaya wag mo akong anuhin."

"Bakit pag ba inano kita ngayun ano gagawin mo?"

"Sweetheart naman eh."

"Lagot ka sakin later, magdamag kitang aanuhin."

"Okay Fine, so lets go!"

"Saan? Sa Parangal or sa kwarto?"

Hinawakan niya ang babae sa baywang pero hindi napigilang ang sariling pisilin ang naka umbok napuwet na dalaga bago naglakad patungo sa sasakyan nila.

Hindi siya nagkamali, halos lahat ng kalalakihan sa Gabi nang parangal ay nakatuon ang pansin sa kasama niya at ang mga kababaihan naman ay makikita ang inggit. Marami din ang nakipag-usap sa kanila at nagkaroon din siya ng pagkakataon para ipakilala ito sa mga kapatid. Mag aalas otso na ng simulang ang programa, inuna ang ilang raffle bago ang pagpaparangal sa ilang natatanging mamayan ng San Vicente. Ang huling parte ay ang speech ng Gobernador.

Pagtayong pagtayo ang tiyuhin niya ay masigabong palakpakan at sigawan ang umugong sa buong bulwagan na napalitan ng takot dahil sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibat ibang lugar nanggagaling. Natigilan si Aethan dahil hindi mula sa isang pelikula ang nakikita niya kundi isang nakaraan na bumalik sa isipang mahigit dalawampung taon na ang lumipas. Takbuhan ng mga tao, sigawan ng mga security detail at umu-ugong sa tainga niya ang sigaw ng tiyuhin.

"Si Aethan! Hanapin nyo si Aethan!"

Nakatayo siya sa gitna ng kaguluhan, walang lakas para umiwas at wala sa isipan ang kaligtasan. Kung hindi pa niya nakita ang kasintahan na hinatak ng isang security ng Gobernador ay hindi siya magbabalik sa kasalukuyan. Bago pa siya nakakilos ay isang bangag na ang tumama sa batok niya, sigaw nalang ni Heart ang narinig hanggang tuluyang mawalan nang malay.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nawalan ng malay, nagising siya na nakapiring ang mga mata at nakagapos ang kamay pati paa. May pasak din ang bibig niya kaya kahit anong sigaw ay hanggang
lalamunan lang. Ramdam niya na nasa sasakyan siya pero walang idea kung nasaan na. Sinubukan nalang niyang kalagin ang pagkakatali pero mahigpit kaya kahit anong pilit niya ay walang silbi hanggang huminto ang sasakyan.

Nagkunwari nalang siyang tulog para pakiramdaman ang gagawin ng mga ito, nalaman niya na nasa trunk siya dahil sa pagbukas. Hinila siya na parang sako at ibinagsak sa lupa na walang paki-alam kung masaktan siya. Akala siguro ay tulog siya kaya namang sinabuyan siya ng tubig bago tinanggal ang piring sa mata.

"Gising mahal na Prinsipe! Naghihintay na si Satanas sayo!"

Nasilaw pa siya sa araw, ibig sabihin ay ganoon sila katagal nag biyahe. Iniikot niya ang paningin dahil pamilyar siya sa lugar kung saan siya dinala ng mga kumidnap sa kanya. Hindi siya maaring magkamali, dito din siya dinala nung unang kinidnap siya pitong taon palang siya nuon. Kinaladkad siya papasok ng bahay, ilang taon din buhat ng huli siyang mapunta dito.

"Welcome back Gani!"

"Ka Mando! Ano ang kailangan mo!"

"Bwahahaha! Ano ang kailangan ko? Marami! Marami kang utang sa akin, Marami kang utang sa kilusan!"

"Wala akong utang sa inyo! Kayo ang maraming nagawang kasalanan sa akin na dapat siningil ko pero hinayaan ko nalang!"

"Yan ang napala mo gago ka! Sana siningil mo kami nuon para hindi mo maranasan ang mala impiernong buhay sa kamay ko!"

Napatingin siya sa paligid, kilala niya ang ilan sa mga ito dahil matagal na nakasama pero dalawang tao ang hinahanap niya na wala dito.

"Sige itali yan sa puno at maya maya aalis na tayo. Baka masundan tayo dito."

Ilang oras din siyang nakatali lang sa puno ng manga bago muling kinaladkad at alam na niya kung saan siya dadalin. Tinahak ang pamilyar ng daan, nilusong ang mga ilog at inakyat ang mga bangin. Pagod napagod na siya at gutom na gutom pero wala siyang magawa, ayaw niyang magreklamo dahil hindi niya gustong makita ng mga ito na mahina siya. Madilim na ng makarating sila sa kuta, ang karamihan ay abala kaya hindi niya makita ang mga dating kasamahan na maaring makatulong sa kanya.

Pero ang ikinagulat niya ay ang pagharap sa kanya ang babaeng naging laman din ng isipan nitong mganakaraang mga araw.

"Tay bakit nandito si Aethan!"

"Para magbayad sa mga nawala sa kilusan dahil sa kagaguhan niya."

"Tay tama na!"

"Wag mo akong pakia-alaman, pumasok ka na dun at asikasuhin mo ang anak mo."

Napatingin siya sa babae, ang alam niya ay may asawa na ito ayon na din sa kwento ni Heart nadalawang taon na daw. Pero hindi nito nasabi na may anak pala ang dating kasintahan.

Gusto niya itong kausapin pero tumalikod na ito habang ang ama naman ng babae ay inutusan ang mga tauhan nito na ilagay sa kulungan na dati pang ginagamit kapag may nahuling mga sundalo o militar. Katulad kanina ay halos pagtulakan siya bago kinalag ang tali at saka ikinandado ang pinto.

Hinabol pa niya ang mga ito pero mabilis na naka-alis at naiwan siya na nagwawala. Ng mapagod ay naupo nalang sa isang sulok at hintayin kung ano ang parusa at pagpapahirap na gagawin sa kanya ni Ka Mando. Ngunit madilim na ay walang lumalapit sa kulungan niya, tahimik na ang paligid ng makarinignang pamilyar na tunog.

"Enteng!"

"Tol wag kang maingay!"

"Shit andito ka pa din!"

"Gago wala akong ibang pupuntahan!"

Nakaramdam siya ng pagtatampo sa boses ng dating kaibigan kasabay ang guilt dahil parang may pagkukulang siya at hindi binalikan para ito ay tulungan.

"Pinapunta ako ni Amyah dito para bigyan ka ng pagkain at eto."

Kasama ng pagkain ang isang maliit na bag na may lamang toiletries, maliit na tuwalya at sarong nakatulad ng gamit niya nuon. Naka tayo lang ang kaibigan sa may pintuan at titig na titig sa kanya na
parang may gustong sabihin.

"Ang laki ng ipinagbago mo! Lalo kang gumuwapo!"

"Enteng!"

"Na miss ko ang kaibigan ko!"

"Na miss din kita!"

"Wala na akong ka partner sa kalokohan, wala na din akong nabobosohan kay Ate Ligaya."

"Ligaya! Nasaan na siya?"

"Matagal ng umalis. Nag Amerika na."

"Si Amyah abogado na."

"Oo, si Flora nasa Maynila na din."

"Kasama si Tatay Delphin, nagkita na kami."

"Hayst ang layo nyo na din pala."

"Si Flora ang pakakasalan ko sana."

"Huh!"

"Bakit?"

"Wala nagulat lang ako."

"Kaya lang nadito ako ngayun at hindi ko alam kung makakatakas pa ako dito."

"Para ano pa at naging si Gani ka kung di ka makaka-alis dito. Eto ang side kick mo oh!"

"Salamat, pero ayokong mapahamak ka!"

"Aalis na ako, ayokong mapansin nila ako dito. Basta wag kang mawalan ng pag-asa tol!"

Tumango nalang siya at napatingin sa kamay nang kaibigan bago ibinigay ang usual na handshake nila nuong magkasama pa sila.

Nuon niya napagtuonan nang pansin ang hawak na mga gamit, ganitong ganito ata ang dala niya nuong unang angkinin niya si Amyah sa tabing ilog. Sarong na pinagsaluhan nila, de lata at saka toothbrush na ginamit din nito matapos siya. Muli ay bumalik sa sulok at kinain ang tinapay kasama ang sardinas naipinadala ng babae sa kanya. Nuon lang din niya naramdaman ang gutom kaya halos naubos niya ang isang supot na tinapay.

Kinabukasan ay duon niya nalaman ang gustong gawin ni Ka Mando, ginawa siyang manok na panabong para gawing libangan. Ang mga bagong salta ay inalaban sa kanya at karamihan ay mga bata pa kaya ayaw sana niyang labanan pero sa huli ay napikon na din siya kaya pinatulan na din. Madalas ay napapatulog niya ang mga ito pero kalaunan ay ang mga batikan ang inilalaban sa kanya. Sa isang araw ay dalawa hanggang tatlo ang kalaban kaya madalas ay may pasa at dugo ang mga labi.

Isang hapon na nagpapahinga siya ay nakita niya si Ka Mando na may kasamang batang lalaki na tantiya niya ay nasa anim o pitong na taon ang edad, pero ang pumukaw sa atensyon niya ay ang itsura nito na hindi malalayo kay Cody. Kumabog ang dibdib niya, nanduon ang pag nanais na mahawakan ang batang lalaki. Ito ba ang anak ni Amyah? Ito ba ay anak niya sa babae?

Gusto niyang kausapin si Amyah, kumuha siya nang pagkakataon nang dalin siya ng mga bantay niya para maligo sa ilog. Sinabihan niya si Enteng na puntahan siya ng babae, sinabi niya na kailangan nilang pag usapan ang tungkol sa anak nila. Gumuhit ang pagkabigla sa mukha ng lalaki.

"Paano mo nalaman?"

"Gago ka ba? Parang biniyak na bunga sakin yung bata. Ako lang ang pwedeng lumahi ng ganoong ka guwapo."

"Yabang nito!"

"Sabihin mo pag hindi niya ako pinuntahan magpapakamatay ako sa ilog."

"Gago ka talaga!"

"Seryoso ako."

---
Salamat sa mga nag comments! 30 ulit para mabilis ang update.

Ang susunod na update ay para sa mga mabubuti kong kaibigan. Add me as a freiend to read.