1. Home
  2. Stories
  3. Siya Si Nicole Chapter 6
Filipino Sex Stories

Siya Si Nicole Chapter 6

By songoku2200 ·

=======================================================================
All Names, characters, dates, places and incidents on this story are altered. Any resemblance to actual events and persons are purely coincidental
=======================================================================

Chapter 6

Pagkalipas nga ng ilang minuting magkayakap kami ni Nicole ay tumayo ito na walang kahit anong damit at dumiretso sa banyo. Ako naman ay nag ayos ng sarili at sinuot ko na din ang aking mga damit kahit medyo malagkit sa pakiramdam. Maliligo nalang ako sa bahay sabi ko nalang sa sarili ko. Lumabas ako sa kwarto nito at dumiretso sa kusina para mag init ng tubig at initin din ang natirang pizza kagabi para gawing pang umaga.

Bagong paligo nga si Nicole paglabas nito ng kanyang kwarto. Nagsuot na din ito ng oversized shirt at mini shorts. Pagkatimpla nya ng kape ay umupo ito sa harapan ko. Medyo seryoso ang mukha at halos ilang minuto din kaming ndi nagkikibuan. Halos di rin ito mapakali sa kinauupuan nito.

"uuhhhmm Nicole?" Seryosong tanong ko sakanya. "yung nangyari satin…"

"wag mo na isipin yun Tom." Biglang singit nito. "Ako naunang nag aya di ba" dagdag nito. Nahihiya din ito dahil di ito makatingin ng diretso sakin.

Di kasi mawala sa isip ko ang sinabi nya kaninang "may extra charge". At ayaw ko naman ito maoffend at baka mali masabi ko. Pero gusto ko din maging klaro ang lahat kung anong totoong nangyari saming dalawa.

"Pero sabi mo kasi kanina "may extra charge" diretsong tanong ko. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Sobra akong kinakabahan ng mga panahon na yun.

Bigla nya akong sinampal pero di ito malakas. Tinanggap ko naman ito pero nabigla ako ng bigla itong napa luha. Nilapitan ko sya para sana yakapin pero pinigilan nya ako.

"Sorry Tom pero need ko kasi ng pera ngaun." Sagot nito habang humihikbi.

Kumuha naman ako ng tubig at inabot sakanya. Habang hinahaplos ko ang likod nito para tumahan.

"Anong problema? Sabihin mo sakin" pag aalo ko dito.

Kinompose nito ang sarili nito. At bumalik naman ako sa upuan ko sa harapan nya.

"Tumawag lolo ko kasi nung nakaraang linggo, nag covid positive yung lola at baby ko" maluha luhang sinabi nito.
"di naman daw Malala pero ang laki na ng bills nila sa hospital dahil halos 3 weeks na silang andun" dagdag nito. Ramdam ko ang bigat ng problema nya sa tono ng kanyang boses. Hinayaan ko nalang syang magkwento para hindi tuluyang masira ang mood ni Nicole.

"Kaya di ko alam kung san ako kukuha ng pangdagdag bayad sa bills nila. Meron naman akong konting ipon at sa lolo at lola ko pero kulang pa din." Sabi nito. habang seryoso lang akong nakikinig.

"At nakakainis pa di ako maka uwi samin dahil walang byahe. Di ko na alam gagawin ko Tom" maluha luha nitong sabi

"kaya gusto kong maglasing kagabi. Pero nung narinig ko ung sinabi mo…" at di nya ito naituloy dahil napaiyak na ito

Dun ko naisip na akala ko totoo ang nangyari samin ni Nicole. Un pala ay dahil sa kailangan nito ng pera. Kahit ganun ay naawa ako sa kalagayan nito. Siguro nga ay panahon na din para sabihin ko ang nararamdaman ko sakanya.

"Nicole tahan na." pag aalo ko dito. "Okay lang naman sakin un" habang nakatingin ako sakanya

"sayo okay. Pero sakin hindi. Ayaw kong mag iba tingin mo sakin. Baka isiping mng ganun din akong babae" umiwas ito ng tingin. Kaya naman ako na ang lumapit sa kinauupuan nito at hinawakan ang kanyang mga kamay. Di naman ito tumanggi. Aamin na ako sakanya.

"Alam mo Nicole nung una palang ay gusto na kita. Nung nasa training palang kayo nun may crush na ako sayo." Sabi ko. Tumingin ito sakin na parang matagal na nyang alam ang nararamdaman ko.

"Matagal na kitang gusto, kung alam mo lang ay naiinggit nga ako sa ibang mga lalaki na nagagawa nilang umamin at manligaw sayo, habang ako naman walang lakas ng loob para umamin kasi natatakot akong mawala pagkakaibigan natin" dagdag ko.

"At kilala ko ang pagkatao mo. Di ka ganun. Wag na wag mng isipin ang mga ganyang bagay." Pag kukumbinsi ko dito

Di ito umimik.

"Ayaw ko lang isipin mo na bayaran din akong babae kasi di ako ganun, at ayaw kong magbago tingin mo sakin bilang kaibigan" seryosong sagot nito habang nakayuko.

"Nicole, gaya ng sabi ko nga kanina mahal kita. At di ganun ang tingin ko sayo." Nakahinga na ako ng maluwag. Sa wakas ay umamin na din ako.

Pero nung mga panahon na yun ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano kaya ang sasabihin nya?

"Alam ko naman Tom. Kahit sabihin nating magkaibigan ang trato natin sa isat isa, di naman ako manhid para maramdaman un. Pero sorry di pa ako ready" simpleng tugon nito. Di ito maka tingin sakin.

Hinaplos ko nalang ang likod ng ulo nito at di naman nya ito sinaway.

"Sorry talaga Tom. Alam ko baka nag expect ka dahil sa may nangyari satin." Malungkot na tugon nito

"Okay lang yun." Sagot ko kahit na dismayado ako sa naging sagot nya. Pero wala akng magagawa para sa anak at lola nya ang nangyari.

"Magkano pa ba kulang?" pag iiba ko ng usapan
"Ha?" kunot noong tanong nito

"Ung kulang nyo sa hospital" pag klaklaro ko.
"hayyy…." Napabuntong hininga ito ng malalim. "Halos 900k. Nabayran ko na ung 550K kaya naubos ipon ko." Dagdag nito.

"ehh paano ung ex mo? Wala ba sya maitutulong?" pag uusisa ko.
"tinawagan ko din sya pero 50k lng nabigay nya wala din kasi syang trabaho ngayon dahil sa pandemic"

"Magkano pa balance?" tanong ko ulit
"Meron pang 300K" sabay pakita nito ng pic ng bill nila sa hospital.

Buti nalang may ipon din ako nasabi ko sa isip ko. Pwede ko itong ipautang sakanya. Ng mga panahon na yun ay wala akong ibang maisip kundi tulungan sya. Di ko ako sanay na nakikita syang ganito. Sa isip isip ko magaling syang magtago ng problema sa mga tao.

"Pero kumusta na lola at baby mo" tanong ko ulil. "Okay na ba sila"

"Okay naman na sila. Asymptomatic ung baby ko kaya buti nalang pero ung lola ko medyo lumala sakit nya kaya na ICU sya ng ilang araw pero sabi ng lolo ko okay na silang dalawa" sagot nito.

"Makakalabas sila sa susunod na linggo kaya need ko na isettle ung bills bills nila" dagdag nya.

"Di mo natry si Sam? Sigurado akong tutulungan ka nun"suhestyon ko sakanya.
"nahihiya kasi ako sakanya" sagot naman nito

"Kung gusto mo pwede kitang pahiramin. May ipon din naman ako kahit papano sakto pwede mng bayaran ung balance nyo sa hospital" sabi ko sakanya

Di makatingin ng diretso si Nicole sakin. Alam mng di ito mapakali kasi pinaglalaruan lang nya ang baso sa harapan nya.

"Nakakahiya naman sayo" nahihiyang sabi nito.
"Wag ka na mahiya para naman sa baby at lola mo yun tsaka utang naman un kahit wala ng interest basta bayaran mo buwan buwan" suhestyon ko sakanya

"Sure ka?" pag aalangan na tanong nito.

"Oo naman may tiwala naman ako sayo. At kung di mo man mabayaran book nalang kita ng 20x" pagbibiro ko dito.
"Gago haha" tumawa ito bigla at kinurot ang braso ko. Napalitan ng ngiti ang lungkot nya knina

"Kesa naman sa escort mapunta di ba? Pero hala paano an ung mga pang tuition nila" dagdag biro ko sakanya.
"Gago ka talaga di ako ganun noh, di na yun mauulit akala mo haa" ngiting sagot naman nito.

"Pinapatawa lang kita eto naman. Napakaseryoso mo kasi" pagpapatawa ko sakanya.
"loko pero kung sakaling di ako makabayad ng isang buwan alam mo na" balik asar naman nito sakin.

"Haha sure ka? Di ko yan tatanggihan." Sagot ko sakanya
"Napaka manyak mo talaga. Di ko alam na ganyan ka pala" pang aasar naman nito sakin.

"Lluuhhhh pag nalaman nina Christian mga kalokohan ko alam kng sayo galing yun" kunwaring galit na sabi ko sakanya.
"As if naman, safe ang sikreto mo sakin"

"di break na ulit kayo ng ex mo? Ano tawag na dun ex-ex?" pag iiba ko ng usapan
"napaka gago mo talaga hahah" lakas ng tawa nito sa biro ko.

"Wag ka magagalit ha" malambing na sabi nito. "pero sisingilin muna kita sa nangyari kagabi plus extra charge" parang bata itong naniningil.

Napatawa ako ng mahina. "sigurista, pwedeng utang muna?" biro ko.

Tumawa naman ito. "napakaloko mo talaga"

Pinag usapan pa naming ang ibang detalye ng kasunduan naming sa uutangin nya. At dinadasal ko na sana may mga buwan na di ito makabayad. Kaya naka isip ako ng rason.

"Para mabilis ka makabayad sakin kung sakali kahit 25k per month ibayad mo. At pwede na natin ibawas ung kagabi sa uutangin mo" sabi ko sakanya habang sinusulat ko ang kasunduan.

"niloloko mo na ako nyan ehh. Di ko kaya ang 25k sa isang buwan."sagot nito "gusto mo lang atang di ako makabayad para ano." Nahihiyang sabi nito. Sabay kagay nya ng labi habang nakatingin sakin.

"Di ahh pero need ko din kasi ung pera next year, kasi gusto ng lola ko dn mag open ng grocery store nya sa probinsya namin"

"actually nga ung pera na papahiram ko ipon ko yun para dun kaya need ko din na buong pera ung babalik" dagdag ko. Medyo seryoso ung tono ko para maconvince ito.

Di naman ito umimik at mukhang kumbinsido naman ito.

"Ok sige pero baka may mga buwan na di ako makabayad ng buong 25k ha pero promise every month may bayad ako kahit medyo kulang ibabawi ko sa next month" sagot nito.

May idea din kasi ako kng magkano sahod nila, at alam kng every month pumapatak sa 50-60k ang sahod nila dahil sa field namin. Balak ko din naman na di sya piliting singilin.

"Uyy walang lalabas sa usapan natin ahh kahit kina Diane." Pagkatapos naming magpirmahan.
"Oo naman. Alam ko naman na tiwala mo sakin nakasalalay dito." Paniniguro naman nito.

"uhhmmm.. Oo pala Tom pwede ba ako magrequest ng work from home din? Kakapagod din kasi pumasok sa office mas maganda sana kung dito nalang ako sa bahay magtratrabaho" Pagbabasag ni Nicole sa katahimikan. "Para na rin makatipid ako sa gastos"

"Pwede naman kaso wala ka naman internet connection dito. Need mo pa muna mag apply" Sagot ko.
"Oo tumawag na ako ng PLDT kaso wala pa daw slot dito sa brgy natin. Di ba pwede ung prepaid"

"Ahh ganun ba? Need kasi ng internect connection para ma approve. Di kasi kakayanin pag prepaid lng lalo na malalaki ung files natin"

"Ayy sayang naman. Nakapagod lng kasi araw araw gumising ng napaka aga para lng pumasok. Lalo na schedule ung mga sundo natin. Tapos ang mamahal kasi ng pagkain sa office" sabi naman nito

"Wala ehh need na LAN or Fiber ung connection di kakayanin ng prepaid lang ung apps na gamit natin." Sabi ko sakanya.

May naisip nanaman ako.

"uhhmmm May suggestion ako kung gusto mo" medyo alangan kng sabi sakanya.
"Ano yun?" sagot naman nito habang nag hihintay ng sasabihin ko.

" haa eeehh kung samin ka nalang kaya muna tumira?" suhestyon ko
"Haaa??? Seryoso ka" gulat na sagot ni Nicole

"Oo kasi may internet connection naman ako, kahit mag work from home ka nalang samin and makakatipid ka pa kasi di ka magbabayad ng rent at internet. Kahit ung kuryente at tubig paghatian natin" pagkukumbinsi ko sakanya. Sana pumayag sya sa isip isip ko.

"uuhhmmm di ko alam Tom parang di maganda tingnan" simpleng tugon nito.
"Wag ka mag alala sa office pa din ako magtratrabaho, tsaka may extrang room kami sa 2nd floor kahit dun ka tumira at first floor lang ako" sabi ko
"Wag ka mag alala di naman kita mamanyakin" pagpapatawa ko dito.

"Di naman un ung iniisip ko, pero syempre… ahh basta" sagot nito
"Para makatipid ka din at maka ipon. Sabi mo nga naubos ipon m di ba?" tanong ko.

"Hayyy siguro nga tama ka. Pero wag mo sirain tiwala ko sayo Tom" seryosong sinabi nito.
"Alam ko Nicole, alam ko kng san ang limitasyon ko" paninigurado ko naman dito. "Di ko sisirain ang tiwala mo sakin" dagdag ko.

"haayyy sige" simpleng tugon nalang nito.

=======================================================================

Nung araw din nay un ay binank transfer ko sakanya yung 300k. kinausap din namin si Sam para hiramin ang sasakyan nito. Ay pumayag naman syang ipagmaneho si Nicole para makauwi sakanila. Tuwang tuwa si Nicole ng mga panahon na yun, kaya naman sinabihan ko din sya na kahit umabsent ng ilang araw at gagamitan ko nalang ang leave credits nito para bayad pa din sya.

Kinabukasan nga ay sinundo na sya ni Sam at bumyahe na sila. Ako naman ay kinausap ang land lady ni Nicole at naintindihan naman nito ang sitwasyon. Kaya naman sinimulan ko na din ilipat ang mga gamit ni Nicole sa bahay namin. Excited ako ng mga panahon na yun, pero ayaw ko din naman ito itong itake advantage. Gusto ko pa din na kung magiging akin man si Nicole ay dahil sa gusto din nya ito.

Gabi na nga ng nakareceive ako ng text galing kay Sam nahatid na nya si Nicole at pauwi na din sya. Sinabi din nito na dadaan muna ito ng bahay dahil may pinapa abot si Nicole kaya naman sinabi kng aantayin ko nalang sya.

=======================================================================

"So dito ka pala nakatira. Malapit ka lang sa apartment ni Nicole ahh, iba na yan" pang aasar ni Sam. 10pm na ito nakarating samin.

"So kayo na?" pang aasar na tanong ulit nito.

"hindi ahh, magkaibigan lang kami, tsaka di ba need nya agad ng apartment saktong may alam akong bakante at nagustuhan naman nya" pagkukunwari ko nalang. Buti nalang naitago ko na lahat ng gamit ni Nicole sa 2nd floor bago pa dumating si Sam. Naka upo kami ngayon sa may kusina.

"Kumusta pala byahe mo? Ung lola at baby ni Nicole kumusta na din?" sunod sunod na tanong ko. Habang hinahanda ang pagkain na niluto ko kanina. Sabi din kasi ni Sam ay di pa ito kumakain dahil wala syang madaanang kainan na open kaya pinagluto ko sya saglit ng chicken nuggets at sopas.

"Her baby is okay, but her lola's health got a little complicated. Kaya binalik sya sa ICU" malungkot na tugon nito. Halata mo din ang pag aalala sa mukha ni Sam.

Bigla kng naisip na baka magkulang yung perang dala nito dahil sa nangyari at kailangan ulit nito ng pera. Imemessage ko sana sya nung nagpatuloy si Sam sa pagkwekwento.

"Hhaayyy, naawa ako sa kaibigan kng yun. I was shocked tho, to see her Ex there." Sabi nito.

Medyo napatigil ako sa ginagawa ko, pero nakabawi naman agad ako. Ayaw kng makahalata si Sam na nagselos ako bigla sa narinig ko.

"Andun ex nya?" tanong ko sabay abot ng tray ng pagkain kay Sam.
"Yeah he's there. Sabi nya gusto nya makita ung baby nila. Kahit cheater yun ex nya he seems to be a good father." Sagot nito.

"Pero you know, ang gwapo ng ex ni Nicole, mas gwapo pa sya kay Mark. And hes tall, he dwarfs me, nasa 6"4 ata yun" description ni Sam.
"Ganun ba, buti naman andun sya para may kasama din si Nicole." Malungkot na tugon ko.

"You jealous?" biglang sambit ni Sam sabay nakangiting nakatingin sakin.
"Hindi ahhh. Masaya lang akng at least may kasama sya dun di ba?" sagot ko habang pilit na nakangiti.

Nasaktan ako ng mga panahon na yun. Alam kng wala naman akong karapatang magselos dahil sa nabasted na din ako at wala naman kaming relasyon ni Nicole pero di ko maiwasang di mag isip ng mga bagay bagay.

"Are you sure di ka nagseselos?" pang iinis nito.
"Yep" simpleng sagot ko. Tinatago ko nalang ang nararamdaman ko.

"If you say so" pag suko ni Sam. Pero mukhang di ito kumbinsido. Pinagpatuloy nga nito ang pagkain.
"Oo pala, buti kung may pera pa syang natira pambayad sa hospital. Huling kwento nya sakin ubos na daw ipon nya ehh" pag iiba ko ng usapan.

"Her ex also gave her some money, he said he was able to loan some from his parents. And don't worry iniwan ko card ko sakanya. Ayaw nya kunin nung una pero nagalit ako. I told her to use it rather than malubog sila sa utang" Sagot nito.

"You're a good friend Sam." Ngiti ko naman sakanya. Medyo nag blush ito.
"sabi ko nga sakanya di ko sya papansinin kung di nya ito gagamitin." Sagot nito habang umiiwas ng tingin.

Alam kng mayaman sina Sam, pero di ko alam na mabait din pala talaga itong kaibigan. Nagpatuloy pa kami ng kwentuhan hanggang sa matapos syang kumain. Pagka hugas ko nga ng mga pinagkainan nito ay dumiretso kami sa sala para pagpatuloy ang kwentuhan namin. Parang ang natural ng galaw naming dalawa ng mga panahon na yun, na parang antagal naming magkasama.

"But you know, I really can't believe someone like that would cheat" biglang sabi nito. Habang nanonood kami ng palabas sa Netflix. Magkatabi kami sa upuan ng mga panahon na yun pero may unan sa pagitan namin.

"what do you mean?" nagtatakang tanong ko.
"You know how beautiful and sexy Nicole is right? I can't believe her ex cheated" dagdag nito.

"You know guys, minsan di sila content sa kung anong meron sila" sagot ko sakanya. "Malay mo cheater lang talaga ex nya"

"But he doesn't appear to be that way" medyo seryosong sagot nito sabay tingin sakin.
"pinagtatanggol mo talaga?" pagiwas ko naman ng tingin. Kunwari may tiningnan ako sa CP ko.

"No I mean, my first impression of him" sagot nito na parang nag iisip ng malalim
"susss baka na love at first sight ka lang" pang aasar ko naman sakanya

"Heh, selos ka? Dahil ba magkasama sila ni Nicole ngayon o dahil may iba na akong crush" ngiting sagot nito.
"ayyy wow ang bilis mag move on" sagot ko naman na astang nagtatampo

"excuse me binasted mo ako remember?" pang aasar naman nito sabay bato nung unan sakin

Napangiti nalang din ako. "haha loko"

"Don't worry you're still the person I like" nakakalokong ngiti nito sakin.

"syanga pala, what time ka uuwi?" pag iiba ko ng usapan.

Bigla itong sumimangot. "Your kicking me out in the middle of the night?" pagtatampo nito.

Pagkatingin ko nga ng orasan ay 12mn na pala. Di ko man lang napansin ang galaw ng oras.

"Your going to let a young woman like me go out and drive at 12mn in the evening?" dagdag nito. "And after a whole day of driving as well" Para itong batang nagtatampo.

"Young woman? Who? You?' pang iinis ko dito lalo.

"excuse me?" napataas ang kilay nito. pinipilit maging suplada.

"di mo bagay magsuplada, your too beautiful para maging masungit" pambobola ko sakanya

Napangiti si Sam tsaka ako inirapan. "Tigilan mo nga ako. Dapat galit ako sayo ehh"

"Wag ka ng magalit please?" sagot ko na may halong lambing sa aking boses.

Napatawa ito ng mahina. "Can I stay the night instead? Pagod na din kasi ako bukas na ako uuwi"

"Sure don't worry, dun ka nalang sa kwarto ko matulog at dun ako sa kwarto nina lola" sagot ko sakanya.

"Di mo ako tatabihan?" sagot nito na may halong pang aakit sa boses nya.
"Loko. Pagod ka na nga tapos papagurin pa kita?" panghahamon ko sakanya.

"May lakas pa ako noh" sagot naman nito habang pinapakita ang muscles nito sa braso.
"Loko, itulog mo nalang yan" sagot ko naman.

" Sus.." sagot nalang nito pero halata mo din kasi na pagod na din ito at inaantok. Kaya naman sinamahan ko sya papunta sa kwarto ko para ihanda na din ang tutulugan nya.

"Di mo talaga ako tatabihan" parang bata itong naglalambing sakin.

"You need rest Sam. And thank you for today. Wag ka mag alala babawi ako sayo soon." Sagot ko sakanya. Di ko alam pero parang lolokohin ko si Nicole kng may mangyari man samin ni Sam.

"Soon? You need to record it" sabay tutok ng CP nito sa mukha ko. Parang sinasabi nito na irecord ko ang sinabi ko kanina.
"Okay, basta matulog ka na after nito" sagot ko sabay kuha ng CP nito at pinindot ang record video. "Ako si Tom and promise kng bumawi kay Sam sa mga ginawa nya ngayong araw"

Parang batang nakangiti si Sam nung binalik ko sakanya ang kanyang CP. Masaya itong humiga kahit andun pa ako sa kwarto nag aayos ng mga gamit. Maya maya pa nga ay napansin kng tulog na ito. Pagod na pagod siguro talaga sya kasi nakatulog ito agad.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan syang natutulog. Parang mas lalo itong gumaganda sa paningin ko. Kundi lang dahil sa may gusto ako kay Nicole ay di malabong baka nagustuhan ko si Sam.

=======================================================================

Kinabukasan nga ay umuwi na din si Sam sakanila. Halos isang linggo din na di pumapasok si Nicole sa trabaho pero araw araw naman itong nag uupdate sakin. Umabot daw sa halos isang milyon ang total bill nila sa hospital pero salamat daw kay Sam at sa ex ay nabayaran naman daw nya ito. Kalahati nga lang daw ang nagalaw nito sa pinahiram ko sakanya dahil alam nyang may pang gagamitan ako nung pera. Nagpaalam din ito na sa susunod na linggo na ito papasok at aalagaan pa nya ng ilang araw ang lola at anak nito. Di ko na tinanong kung kasama pa din nya ang ex nya ng mga panahon na yun.

Sinundo nga sya ni Sam pagkaraan ng ilang araw. Sasama sana ako kaso kinailangan ako sa opisina dahil sa project na ginawa naming kaya wala akong magawa. Kaya naman bago ako pumasok sa trabaho ay naglinis ako at nag ayos sa bahay dahil alam kng dun na titira si Nicole at gabi na sila makakarating kung kelan nasa trabaho ako.

Makalipas nga ang ilang oras ay nagmessage si Nicole sakin na nakauwi na daw bahay at kasama nga daw nya si Sam dun at ang ex nya. Sumama daw kasi ang ex nya pabyahe ng Manila para magtrabaho na din ito.

Pagkabasa ko nga ng message nya na un ay pinagpawisan ako ng sobra. Di dahil kasama nila Nicole ang ex nya kundi dahil diko sinabi kay Nicole na sa bahay natulog si Sam. Sigurado akong buking na kami ni Nicole. Wala pang isang araw na dun sya nakatira ay nabisto na agad kami. Hinihintay ko kung may ibang sasabihin si Nicole pero ang huling message nito ay hinatid ni Sam ang ex nya sa inuupuhan nitong apartment bago umuwi sakanila. Wala naman akong nareceive na kahit anong message galing kay Sam. Kaya buong trabaho ko ay di ako mapakali.

Pagkaout nga namin ay dali dali akong lumabas ng trabaho. Didiretso sana ako sa nag hihintay na shuttle ng company nung makita ko ang sasakyan ni Sam sa parking lot. Parang binagsakan ako ng langit at lupa ng mga panahon na yun. Baka nagsumbong na yun sa HR or sa management. Kaya naman bigla akong nanghina at di mapakali ng mga panahon na yun. Kaya di muna ako umuwi at napagdesisyunan na pumunta muna sa katabing Caf para magpakalma at makapag isip isip.

Pagkapasok ko nga ay umorder na ako ng kape at umupo sa dulo ng Caf. Medyo malayo sa mga tao para makapag isip isip kng anong gagawin o irarason ko pag pinatawag na ako ng management. Ang inaalala ko ay baka masira si Nicole sa kumpanya or worst masisante kami sa trabaho. Pero sana wag naman. Nasa ganun akong pag iisip ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Huyyyyy parang ang seryoso mo" pangugulat ni Sam sakin.

Pinagpawisan ako bigla at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nahihiya akong natatakot na nanliliit na di ko maexplain.

"Tom are you okay?" alalang tanong nito. "Ang putla ng mukha mo, are you sick?" dagdag nito sabay salat sa noo ko. "Bat ang init ng noo mo"

"haaa eeehh ooo—kay lang ak-ooo" utal na sagot ko. Di ako mapakali ng mga panahon na yun.

"Sure ka? Ang init ng katawan mo" pag aalala pa din nito.
"Oo okay lang ako" sagot ko habang kinocompose ko ang sarili ko.

"hmmmm.. Sure ka ha.. I just woke up, I still don't have the energy to bring you to the hospital" sagot nito at umupo sya sa harapan ko. May dala na din itong kape at tinapay.

"Oo, ikaw naman kasi ginulat mo ako humiwalay tuloy kaluluwa ko sakin" pagbibiro ko dito pero ang totoo ay sobrang kinakabahan ako ng mga oras nay un.

"uhhhmm oo pala Sam, anong ginagawa mo dito?" kinakabahan kng tanong. Di ako makatingin sakanya kaya yumuko nalang ako.

"I like their breads here, and coffee. And I like driving around Manila at the moment. Theres no traffic" sabi nito sabay kain ng tinapay at inom ng kape. "It only took me 15minutes from here to our house, which normally takes me an hour before, can you believe that?" excited na dagdag nito.

"uhhhmmm Sam, isusumbong mo ba kami?" seryoso kong tanong sakanya. Di pa rin ako makatingin dito.
"Huuuhh? What do you mean?" takang tanong nito.

Napatingin ako sakanya dahil sa sagot nya.

"You know…. Uhhmmmm" di ko matuloy ang gusto kng sabihin sa sobrang kaba.
"Ahhh Nicole living in your house?" mahinang bulong nito.

Tumango lang ako. Nahihiya akong harapin sya ng mga panahon na yun.

"Don't worry about it Tom, what friend do you think I am." Ngiting sagot nito. "Besides I know her situation. And alam ko need nya magtipid sa mga panahon na to" casual lang na sagot nito.

"hhaaaaaaaayyyyyyy" mahabang buntong hininga ko. "salamat Sam"

"Were you seriously thinking I will rat you both out? Gosh Tom do you think I'm that kind of person?" Medyo tumaas ang boses ni Sam. May galit ang pananalita nito.

"Its not that Sam. Sorry, I wasn't thinking straight" sagot ko. "Kinabahan lang kasi ako akala ko talaga susumbong mo kami." Dagdag ko.

"My God Tom did you really think na isusumbong ko kayo?" galit na sagot nito.

Tumango lang ako. Isang napakalaking pagkakamali.

Biglang tumayo si Sam at dirediretso itong pumunta pintuan at lumabas sa Caf. Sa bilis ng pangyayari ay di ako naka react agad. Kaya naman mabilis ko itong sinundan. Paglabas ko ay direction ng kumpanya namin ang tinakbo ko agad. Nung makarating ako sa lobby ay sinubukan ko syang hanapin, pero di ko ito nakita. Kaya naman sigurado akong wala sya dito. Kaya ang sunod na pinuntahan ko ay ang sasakayan nya.

Nakita kng nakatayo ito sa labas ng sasakyan nito. At nang makita ko sya ay nakayuko akong naglalakad papalapit sakanya.

"I can't believe that's the first place you went to. I'm so disappointed in you Tom. I won't rat you both out, because Nicole is one of my best friends. But you?… goddd" galit nitong sabi sakin ng makalapit ako sakanya.

Di ako makatingin o makasagot sa sinabi nito. Aminado ako sa sarili ko na mali mali ang mga naging desisyon ko ng umagang yun.

"I don't have excuse Sam. I wasn't thinking straight" nakayukong sagot ko sakanya

"You've let me down Tom. And I never thought of you this way" halata moa ng pagkadismaya sat ono ng boses nito

Nung mga panahon nay un di ko maexplain sa sarili ko pero bawat binibitawang salita ni Sam ay sobrang sakit ng dating sakin. Yung sakit na parang may dinismaya kang tao.

"I'm sorry I don't have any excuses" sagot ko habang nakayuko.

"Get in the car. Let's talk inside mainit dito sa labas" utos nito

Tahimik lng kaming naka upo sa loob ng sasakyan. Nag aantay kung sino ang unang magsasalita. Ilang beses mo din na maririnig si Sam na napapabuntong hininga, parang pinapakalma nito ang sarili.

"I'm really sorry Sam." Mahinang sagot ko.

Naiinis na inihilamos ni Sam ang isang kamay nito sa kanyang mukha.

"grrrrrrrrr……. Is that all your going to say? Your sorry?" galit na sagot nito.
"pasensya ka na, natakot ako kaya di ko alam pinag iisip ko."

"My god Tom, my feelings are real. Di porket di ko pinapakitang nasasaktan ako, ay di ito nangyayari." Medyo naiiyak na sabi nito habang nakatingin sakin. "Don't you know how hurt I felt nung binasted mo ako? Nung nalaman kng si Nicole ang gusto mo? Nung nalaman kng dun titira si Nicole sa bahay nyo?" Itinuro pa ni Sam and kaliwang bahagi ng kanyang dibdib habang pigil na pigil nito ang pagluha. Halata mng pinipilit nyang di umiyak.

"And despite those, it never crossed my mind na isumbong kayo. I thought you trusted me enough. I guess I was wrong." Dirediretso nitong sinabi.

Hiyang hiya ako kay Sam nung mga panahon na yun. Parang ang liit liit ko sa paningin nya kaya di ako makatingin ng diretso dito.

"Look at -- me" pumiyok na sabi nito dahil sa pinipigilan nitong luha.

Tumingin nga ako sakanya at ng mga oras na yun ay sobrang nasaktan ako sa itsura nito. Di ko alam sa sarili ko pero parang pinipiga ang puso ko ng mga panahon na yun. Makikita mo sa itsura nito ang sobrang sakit ang nararamdaman nya.

"Sam, I don't have any excuses and all I can say is I'm sorry. And that's sincere."

"Right now I'm furious and angry at you to listen to what you're saying." Galit na sagot nito "but don't worry, di ko kayo isusumbong. Di ako ganun" seryosong dagdag nito.

"Thank you Sam" tanging sagot ko.
"Get out" matigas na utos nito pagkatapos. Kaya lumabas ako ng sasakyan nito.

Wala pang isang minuto ay pinaharurot na nito ang sasakyan nito palabas sa parking. Kaya naman sinimulan ko na din maglakad papunta sa shuttle area para makauwi na din samin. Ang bigat ng bawat hakbang ko habang naglalakad. Ang pakiramdam ko ay parang may mas Malaki akong problema ng mga panahon na yun.

=======================================================================

Salamat po ng marami sa mga mensahe at suporta. 4 Chapters left nalang po.