1. Home
  2. Stories
  3. Ang Pantasya Namin Ni Melissa
Filipino Sex Stories

Ang Pantasya Namin Ni Melissa

By chunlee1520 ·

Disclaimer: This is not my story. May nagrequest lang sakin na gawan/ipagpatuloy ko raw ang kanyang kwento at karanasan nilang mag jowa. Nag send siya ng mga details at ako na ang nagbago rito.

SIMULA

Ako nga pala si Gerald, 28, nagtatrabaho sa BPO as IT. Ang gf ko naman ay si Melissa, 24, sa bpo rin pero as agent. Nagkakilala kami sa company na pinapasukan niya ngayon at nagresign nang makahanap ng trabaho as IT.

2 taon na kami noon nang magka-pandemic. Hirap bumyahe noon kaya nakitira muna ako sa kaibigan ko noong college. Si gf naman ay pinag work from home muna. Nang lumipas ang mga buwan ay lumuwag na ang byahe at pinababalik na sila gf sa site.

Hatid sundo ko siya noon at mabuti na lang ay siya ang nagsabi na maghanap na lang ako ng apartment malapit sa aming pinapasukan at magsama pansamantala. Malapit lang naman ang trabaho namin, mga kinse minutos kung lalakarin.

Pumayag na rin ang magulang ni Melissa dahil nakita rin nila siguro ang kanilang anak na pagod kapag umuuwi kapag ako ay panggabi o di kaya magkaiba ang aming schedule ng pasok. Nang wala akong pasok sa trabaho ay sinubukan kong maghanap.

May nakita akong nakapaskil na "Room 4 Rent" kasama nito ang contact number ng may ari. Agad ko itong tinawagan at mabilis rin kaagad na sumagot. Naghintay ako ng limang minuto at lumabas na ang may ari ng bahay. Nanliit ang mata ko dahil pamilyar ang may edad na lalakeng lumabas.

"Ikaw ba yung tumawag sa bahay?" Tanong pa nito sakin.

"Ah opo." Nahiya akong tanungin siya kaya noong inaya niya ko sa loob ay sumunod na lamang ako. Pinaliwanag niya sakin na sa third floor ang aming kwarto habang katabi naman namin ang kanyang kwarto. May terrace ito at di niya raw ito pinapagamit sa nangungupahan dahil di naglilinis. "Ako nga pala si Roger. Ikaw? Saka taga saan ka?"

"Mang Roger!" Tawag ko rito at kumunot ang kanyang noo na tila ba ay kinikilala niya ko. "Si Gerald po ito, papa ko po si Renato na naging kasosyo niyo sa gulayan."

"Oo nga. Tanda ko na. Tagal na rin kasi nung umalis ako sa inyo. 10 years na ata, ano?" Sumang-ayon ako rito dahil 18 pa nga lang ako noon at ako ang kasama nila sa palengke. "Kamusta na si Renato?"

"Patay na po siya last year. Inatake sa puso."

"Ganun ba? Di man lang ako nakadalaw. Di bale babawi na lang ako. Sampung libo yan pero dahil kakilala naman kita, 8k na lang. Pwede mo na rin gamitin yong terrace pag maglalaba ka."

"Sige po. 8k pa rin po ba kung kasama ko na rin girlfriend ko?"

"Oo naman. Walang problema. Di ka na iba sakin." Inabot ko na ang unang bayad sa kanya at susi naman sa kanya kapalit ng aking bayad. Hinatid na niya ko sa labasan at bumalik na sa bahay ng aking kaklase.

Kinabukasan ay sinundo ko na si gf sa kanila bitbit ang kanyang mga gamit at dinaanan na lang namin ang kaklase ko para naman sa mga gamit ko. Mga tanghali na kami nakarating at kumain muna kami bago nag ayos ng gamit. Pagtapos namin mag-ayos ay nagpahinga na kami. Bandang alas sais ng hapon nang magising kami dahil sa katok. Si gf na ang nagbukas ng pinto at narinig ko ang boses ni Mang Roger.

"Naparami yata ang luto baka masayang lang." Tumayo kaagad ako para puntahan si Mang Roger. "Nagluto ako ng bopis kaso naparami yata. Mag isa lang naman ako dito." Inabot niya kay Melissa ang mangkok na kinuha naman ng aking gf.

"Mahal, kanin na lang ang kulang." Sabi ni Melissa pagbalik.

"Mang Rodel si Melissa po pala, girlfriend ko. Mahal si Mang Roger, may ari ng bahay kasama ni Papa dati sa gulayan." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Mag sasaing pa lang ako. Kung gusto niyo sabayan niyo na ko kumain." Nagkatinginan kaming dalawa ni gf dahil sa hiya dahil kakikilala ko naman si Mang Rodel ay napa oo na lang ako.

"Nakakahiya naman po yon." Saad ni Melissa sa may ari ng bahay.

"Ayos lang yon saka para makilala ko kayo ng husto at ganun din kayo sakin. Sige na magsasaing na ko." Iniwan kami ni Mang Rodel para magsaing.

"Mahal, alam mo ba parang iba siya tumingin sakin kanina? Alam mo yung tinging-manyak? Haha." Hindi ko napansin ang tingin ni Mang Roger dahil kilala ko naman siya kung totoo man ang wika ni Melissa ay maiintindihan ko si Mang Roger dahil sa ganda ba naman ng aking gf.

"Grabe ka naman. Baka nagandahan sayo." Biro ko rito.

"Buti na lang gwapo siya kahit may edad na. Haha. Bili ka na ng softdrinks doon mahal." Bumili na nga ako at pagbalik ko ay naliligo na si gf. Mabilis na natapos ito at sakto naman ang pagtawag ni Mang Roger na luto na raw ang sinaing.

Kinuha ko ang softdrinks para dalhin sa kwarto ni Mang Roger habang si Melissa naman ay dala rin ang binigay na bopis kanina lamang. Nagkwentuhan kami habang kumakain at nalaman naming patay na ang asawa ni Mang Roger na si Manang Linda pagkatapos ng isang taon ng kanilang paglipat rito. Ang kanyang tatlong anak naman ay nasa ibang bansa na at pinapadalhan na lamang siya ng mga ito.

"Sabi nga ng mga anak ko, mag asawa na raw ulit ako para may makasama ako sa pagtanda kaso wala naman akong mapili." Sabi pa nito.

"Ano po ba tipo mo sa babae?" Tanong ni gf sa kanya.

"Syempre gusto ko yung bata-bata pa, mga nasa trenta kasi kung may edad na rin baka mag alagaan pa kaming dalawa. Haha."

"Baka kapag bata napili niyo, hindi mo po masabayan lalo na at madali na kayong mapagod. Haha." Biro ni gf at napatingin ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito.

"Minamaliit ata ako ng girlfriend mo, Gerald. Haha." Sabi niya sakin. "Maniniwala ka ba sa edad kong ito, nagka syota pa ko ng bente anyos?" Umiling si Melissa at si Mang Roger naman ay may kinalikot sa kanyang cellphone. Pinakita niya ang larawan kasama ang isang dalaga na hinalikan pa siya nito sa pisnge.

"Aba, matulis ka pa rin Mang Roger." Bati ko rito. "Bakit naman kayo naghiwalay?" Pag usisa ko rito.

"Ayokong ikwento. Nandito girlfriend mo baka kung ano pa ang isipin." Natatawang sabi ng matanda.

"Ayos lang po yon. Ano po ba ang dahilan?" Pagpilit ni gf sa kanya.

"Masyado raw akong gigil sa kama. Gusto ko kasi maya't maya kami. Haha. Saka di niya kaya yung akin, masyadong malaki para sa maliit niyang butas. Mabilis raw humapdi. Haha." Tinignan ko si gf at namula ito.

"Tatanong-tanong ka pa ah." Asar ko dito. Iniba na ni Mang Roger ang kwento at naglabas siya ng prutas sa kanyang ref bilang panghimagas namin.

"Sayang. Akala ko pa naman may makakainuman na ulit ako." Inalok niya kong uminom kaso tinanggihan ko ito dahil maaga pa ang pasok namin kinabukasan. "Di bale, sa sabado na lang." Bumalik na kami sa aming kwarto para magpahinga.