1. Home
  2. Stories
  3. BUKID Ay Basa ( Unang Bahagi )
Filipino Sex Stories

BUKID Ay Basa ( Unang Bahagi )

By teddyray ·

BUKID AY BASA

(Teddyray 21 July, 2023)

Mahiwaga ang buhay. Hindi tayo nakakatiyak kung ano ang darating at paano natin iuugnay ang nakalipas sa dinaranas nating ngayon. Sabi nila, tayo ay alipin lang ng tadhana. Na ang atin daw na kapalaran ay naka-guhit na sa ating mga palad bago pa man tayo isilang. Ang tadhana ang nagpapasiya, kung saan patungo ang ating kapalaran. Ang tangi lang daw nating magagawa ay buhayin ang mga sandali ng naayon sa ating kagustuhan. Subalit, ang nakatakda ay nakatakda. Tanggapin man natin o hindi ang ating kapalaran.

" Bukid ay basa,

Tag-ulan noon,

May isang mutyang sa aki'y nagtanong;

Kung nais ko raw siya ay tutulong

sa pagtatanim ng palay sa maghapon.

Ang sabi ko pa, wag na neneng ko,

At mapuputikan lamang ang bakya mo…"

Ang klasikong folk song na ito ng ating mga ninuno, ay nag-papaalala sa akin kay Lissa, at sa isang mabigat na pagsubok na dumating sa buhay ko, na nagpabago sa aking pananaw sa buhay.

Nakilala ko si Llssa sa mga panahon ng aking mga paghahanap. Nasa apat na dekada na ang aking edad. At sabi nila, sa edad ko raw na ito, saka pa lamang nagsisimula ang buhay. Isa akong Agricultural Engineer, at nagtatrabaho sa BAEX, o Bureau of Agricultural Extension. Dahil dito ay lagi akong nasa Field Works. Nakakarating ako sa iba't- ibang lugar sa kalawakan ng buong Luzon upang mamahagi ng mga kaalaman sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka. Tumutulong din kami sa pagtatayo ng mga Farmer's Cooperative, upang matulungan ang mga magsasaka para magkaroon sila ng access sa mga pribado at pampublikong financial institutions upang matugunan ang kanilang mga pinansyal na pangangailangan, sa kanilang pagsasaka.

At habang ako ay konektado sa sangay na ito ng pamahalaan, ako ay nagpapakadalubhasa sa larangan ng pagsasaka, at aking isinusulat ang aking dissertation ng mga panahong ito.

May asawa na ako noon. Isang guro sa isang pamantasan sa bayan namin sa Bulacan ang aking may-bahay na si Merhama. At dahilan sa pareho kaming abala sa aming mga propesyon, iisa pa lamang ang aming anak. Nang maliit pa si Jenny ay kumuha kami ng taga-pag alaga nya. Subalit ng mag-aral na ito, ay ipinasiya ni Merhama na sa kanyang tinuturuang paaralan na lang pag-aralin ang aming anak, para magkasabay silang mag-ina sa pagpasok at pag-uwi. Nag- iisang anak si Merhama at matagal ng balo ang kanyang ina, na naninirahan sa kalapit na bayan sa Bulacan.

Maganda si Merhama, maputi, matangos ang ilong, may magagandang mata. Maganda rin ang kanyang taas na 5'5" na binagayan ng mahabang buhok. Matalino ang aking may-bahay. Kaya naman kahit nakasal na kami ay pinayagan ko siyang mag-aral pa at tapusin ang kanyang MA sa Edukasyon. Pag-ibig sa unang pagkikita ang nangyari sa amin. Si Merhama ang una kong babae na itinangi. Siya rin ang una kong kasintahan at aking unang karanasan.

Mayroong sinasaka ang tatang ni Lissa na tatlong ektaryang lupain sa bayan ng Caranglan, sa lalawigan ng Nueva Ecija. At isa sa mga pilot projects na hinawakan ko ang sakahan ni Mang Usting, na ama ni Lissa. Ang proyekto ko na ito ay siya ring paksa at pag- aaral para sa sinusulat kong dissertation ukol sa cross breeding at soil nutrients enhancement and management.

" Ito ang bahay na sinasabi ko, Engineer, na pwede mong tirhan habang nandito ka," Sabi sa akin ni Mang Usting. Matangkad si Mang Usting at may pagka- dangkawan ang kanyang mga kamay. Palangiti siya at laging nakalitaw ang hgipin nya, na tila laging ibinibida ang kanyang isang gintong ngipin sa harapan. Sa aking palagay ay nasa mahigit sisenta na ang kanyang edad. Pero ang kanyang sigla at pangangatawan ay nasa lyebo singko lang. Ito marahil ay dahil sa pagiging batak ng kanyang katawan sa halos ay maghapong paggawa sa bukid.

" Bahay ito ng aking anak na nasa Australia, di pa pinapaayos pero pwede mong matirhan kasi, malimit naman gamitin ito ng isa ko pang anak na si Lissa, na ginagawa nyang tahian ito," Sabi pa ng matanda.

Malinis nga ang bahay. Mayroon itong isang kwarto na walang pinto at tanging isang malinis na puting kurtina lamang ang nakatabing. May maliit at malinis na palikuran sa loob, lababo at paminggalan. Mayroon din itong maliit na lamesang kainan na may apat na upuan. Sa munting salas nito ay may isang lamesita na nasa gitna ng dalawang upuang kahoy na kupas na ang varnish. At sa may dulo ng maliit na salas ay nandoon ang isang lumang Singer na de padyak.

" Pwede mo ng ilagay sa kwarto ang mga gamit mo, at pagdating ni Lissa ay ipalilinis ko ang aparador para magamit mo. Poso pa lang ang tubig dito at nasa kabilang ibayo pa lang ang mga naglalatag ng tubo ng NAWASSA, " Muling sabi ng matanda.

Kasalukuyan kong nirerepaso ang mga entries ko sa aking daily activities report sa pagkakaupo ko sa silyang kahoy sa sala ng dumating si Lissa.

" Hano, ikaw pala ang sinasabi ni Ama na pansamantalang titira dito sa bahay ni Ateng, " Ang una kong impresyon sa kanya ay hindi siya mahiyain, prangka at pala ngiti tulad ng kanyang tatang. Nagtaka lang ako at maliit siya gayong matangkad ang kanyang ama. Payak lang ang siya, hindi kagandahan, at hindi rin pangit. Morena siya at medyo chubby ang pangngatawan.

" Ako nga pala si Lissa, Annalissa ang buo kong pangalan, " Sabi nya. Naramdaman kong parang nanlalamig ang kanyang palad ng magdaup-kamay kami.

" Greg naman ako. Gregorio Silvestre," Pagpapakilala ko naman.

" Ikaw ang agriculturist na na-assign dito sa Caranglan?" Tanong nya. Napuna kong may itinatago siyang ganda habang pinagmamasdan ko siya. May mga babae na sa unang tingin pa lang ay maganda na. May mga babae namang hindi punahin ang kanilang kariktan. Subalit, kapag matagal mo na silang natitigan, saka mo lang mapapansin ang taglay nilang kagandahan. At kabilang si Lissa sa huling nabanggit ko.

" Isa akong Agricultural Engineer, at isa sa pilot projects ko ay pag-aralan ang bagong hybrid na seeds ng palay na ginawa sa lab ng IRRI sa UPLB sa Laguna. At ang bukid ng tatay mo ang napili kong control field para sa aking eksperimento," Paliwanag ko kay Lissa.

" Ngayon ko lang nalaman na may Engineering na pala na Agriculture," Tatango-tangong sabi nya.

" Dito rin ako sa Nueva Ecija nagtapos ng BSAE, dyan sa CLSU sa Munoz, " Sabi ko pa.

" Sa Wesleyan University naman ako sa Cabanatuan," Pakli nya.

" Nag- college ka? " Tanong ko. Tumango siya.

" Nagtapos ako ng BS Social Works, kaya lang, dalawang beses na akong kumuha ng licensure exam. Dalawang beses na rin akong bumagsak sa board exam. Nahihiya na nga ako kay Ateng," Malungkot nyang sabi. Naramdaman ko ang paghaplos ng awa sa kaibuturan ko, habang pinagmamasdan ko ang pagkakatungo nya habang sinisipa-sipa nya ang suot na gomang sinelas.

" Cheer up! Ako rin naka-take two, bago ako nakapasa sa board," Ewan ko kung bakit nagsinungaling ako para lang itaas ang kanyang morale. Kabilang ako sa top ten ng batch namin na pumasa sa board exam para sa Agricultural Engineers.

" Talaga? At di ka nawalan ng pag-asa? Gusto nga ni Ateng na mag take ako ng board exam this year, magpapadala daw siya ng perang pang review ko. Ikako, baka sayang lang pag bumagsak uli ako," Parang ibig maluhang sabi nya.

Nilapitan ko siya sa pagkakatayo nya sa gilid ng kanyang makinang panahi. At nanuot sa ilong ko ang mahinhing bango ni Lissa. Pumasok sa isip ko ang bango ng di pa nahihinog na palay. Masarap itong gawing pinipig.

" May ituturo ako sayong teknik para makapasa ka," Sabi ko sa kanya.

" Una wag ka magtatagal sa isang tanong. Pag di ka tiyak sa sagot mo, iwan mo muna at pumunta ka doon sa alam mo at tiyak ka sa sagot mo. Tiyakin mo na masagot mo ang kabuuan ng mga tanong. Pag may oras pa, balikan mo ang mga di mo nasagutan. Kung multiple choice, sabihin mo lto habang itinuturo ng dulo ng ballpen mo, 'a-lin di-to ang ta-ma, e-to o e-to? E-to! Kung saang letra matapat ang 'eto', yun ang bilugan mo! " Nakita kong tumawa siya.

" Ala- tsamba naman yang tinuturo mo," Nakatawang sabi nya.

" Wala namang mawawala kung gawin mo di ba?" Natatawa ring sabi ko. At nagkatawanan kami.

" Saan ka pupunta? " Tanong nya, isang tanghali yun. Dalawang linggo na ako sa Caranglan.

" Dadalaw muna ako sa amin sa Bulacan, " Sabi ko sa kanya.

Halos isang buwan na rin akong di nakaka-uwi sa amin. Kailangan ko kasing matapos ang mga nasimulan kong mga pag-aaral sa mga cross breeds na palay para sa aking dissertation.

" Nami-miss mo si misis mo, ano? " Sabi nyang nakatawa at parang nanunudyo.

" Syempre pa," Pag-amin ko naman.

" Eh siya, sige, pagbutihan mo, hane? At akong bahala dito sa tirahan mo habang wala ka," Sabi pa nya. Di ko nakuha agad ang ibig sabihin nya sa sinabi nyang pagbutihan ko. Naging malinaw lang sa akin yun ng naka sakay na ako sa bus. Parang ang ibig nyang sabihin ay pagbutihan ko ang pagsiping kay misis!

Madilim na ng dumating ako sa aming bahay sa Bulacan. Nakasarado ang bahay at parang walang tao. Bigla akong kinutuban. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinahagilap ko ang duplicate ko na susi para sa pinto ng bahay. Walang tao sa sala. Wala ang anak ko sa sala at wala rin si Mer. Nakita kong may nakakalat na sapatos ng lalaki sa may pintuan ng kwarto namin.

Itinulak ko ang bahagyang naka- awang na pinto ng kwarto namin. At nangilo ako sa bumulagang tagpo na nagaganap sa aming kama. Nakahiga si Mer sa kama, walang saplot ang pang ibaba at nakalabas ang mayamang suso nya sa nakalilis na pang itaas.

Nakapikit ang maganda kong asawa, habang marahas na kumakayog sa kanyang ibabaw ang lalaki na nakababa lang ang pantalon hanggang tuhod.

Kagyat na natigil ang mainit na pagtatalik na nadatnan ko. Napadilat si Mer at nakatalon agad sa kama ang lalaki. Itinulak ako nito patabi sa gilid ng pinto at kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Naiwan ang sapatos at damit pang itaas ng lalaki sa pagmamadali nitong makalabas ng bahay.

Naka bihis na si Merhama ng lapitan nya ako sa pagkakatayo ko sa may pintuan. Blangko ang isip ko sa mga sandaling iyon. Iyon ang mabisang defense mechanism ng utak ng tao, kapag nakaka-kita ng tagpo na hindi katanggap-tanggap sa kanyang pag-iisip.

" Greg, patawarin mo ako, dinahas nya ako, natukso ako," Umiiyak na sabi ng asawa ko.

" Sabi nya hihiramin nya lang yung minutes ng meeting kanina. Pero ng makita nyang nag-iisa ako, bigla nya akong niyakap at hinalikan, tapos, yun na," Sabi pa ni Mer na pilit niyayakap ako, habang iwinawaksi ko ang kanyang mga kamay na iniyayapos nya sa akin.

" Sino siya, at gaano na katagal ang relasyon ninyo, yung totoo," Tiimbagang na sabi ko. Pinipilit kong pakalmahin ang nagpupuyos na kalooban ko.

" Hindi. Wala kaming relasyon. Isang semester pa lang yun sa pinagtuturuan ko. Pareho ang subjects at mga asignaturang hawak namin kaya, kami ang unang nagka-palagayan ng loob. Pero hindi ko alam na pinagnanasaan nya ako. Kanina lang ng mangyari iyon," Umiiyak pa ring sabi ni Merhama.

" Patawarin mo na ako, Greg. Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Naging marupok ako. Kay dali kong bumigay. Fertile siguro ako, at matagal ka na ring di na uwi," Sabi pa nya na muling isinisiksik ang katawan nya sa akin.

" Nasaan pala ang anak mo? Nasaan si Jenny? " Tanong ko sa kanya, humuhupa na ang pagpupuyos ng aking kalooban. Mahal ko talaga si Merhama. At isa sa mga kahinaan ko ay ayoko nakikita na iniiyakan ako ng isang babae. Ayokong nakakakita ng umiiyak na babae.

" Nagpunta ang nanay dito kanina, inabangan ang pag-uwi namin ni Jenny. Pagkatapos ay isinama si Jenny, at Sabado naman daw bukas. Ibabalik naman daw nya sa Linggo," Sabi nya, na hinila ako na maupo sa gilid ng kama.

" Pinasama mo naman, para malaya kayong magtalik nung kalaguyo mo? " Sabi ko sa kanya. Kalmante na ang boses ko. At hinayaan ko ng yakapin ako ng asawa ko. Parang nananaig na ang nadarama kong pananabik sa kanya sa isang butwan naming pagkakawalay.

" Walang gano'n Greg, saksi ang Diyos, wala akong kalaguyo, at hindi ko sinadya ang naabutan mo, please Greg," Nagsimula na namang tumulo ang luha ni Merhama.

" Magbihis ka, pupunta tayo sa mga nanay, " Sabi ko.

" Isusumbong mo ako kay Mama? " Nag-aalalang tanong ni Merhama sa akin, habang binabagtas namin ang daan papunta sa tinitirhan ng byenan ko, sakay ng minamaneho kong owner type na jeep. Marunong din magmaneho si Merhama. Service namin ito sa bahay.

Hindi ako kumibo. Hinayaan ko siyang hulaan kung ano ang iniisip ko.

Gabi na ng nakarating kami sa bahay ng byenan ko. Tulog na si Jenny sa kwarto ng lola nya ng maka akyat kami sa kabahayan.

" Naku eh hiniram ko muna kay Mer ang apo ko kanina ng mapunta ako sa inyo, Greg," Malumanay na sabi ng byenan ko.

" Ayaw nga sana ng asawa mo, at wala daw siya kasama sa bahay at saka baka dumating ka nga," Paliwanag pa nito.

" Eh nalimutan ko naman na ipagbilin itong bahay kaya di ako nagpalipas ng gabi sa inyo, balak ko kasi sa inyo muna ako at parang gusto ko naman makasama ang anak ko at apo," Dugtong pa nito.

" Yun nga po ang naisip ko Ma, baka mas magandang pumisan na kayo sa amin, para may kasama ang mag-ina ko," Sabi ko naman. Naramdaman ko ang pagyapos ni Merhama sa akin mula sa likuran.

" Yun din nga sana ang ipapakiusap ko Greg, tumatanda na ako, gusto kong makapiling ang anak ko at ang aking apo," Nabasa ko ang katapatan sa sinasabi ng aking byenan sa kanyang mga mata.

" Salamat Greg at di mo ako isinumbong kay Mama," Sabi ni Merhama ng nakahiga na kami sa loob ng kwarto nya nung dalaga pa siya.

"Tama ng sa akin ka nasasakdal," Sabi ko sa kanya.

" Kaya naman, kapatawaran ang hinihingi ko, Greg. Hindi na mauulit yun. Itataas ko ang dangal mo," Sabi nya. Nanununuot sa ilong ko ang preskong amoy ng bagong paligong si Merhama. At napansin kong nakakamison lang siya. Ito marahil ay kamison nya sa dresser na naririto sa kwarto nya.

" Doon na si Mama mo sa atin, at kukuha ulit tayo ng katulong," Sabi ko. Habang pinakikiramdaman ko ang pagdantay ng hita ni Merhama sa hita ko.

" Pinatatawad mo na ako? " Bulong nya sa akin, na alam kong sinasadya nyang idikit ang malambot na labi nya sa tenga ko. Ang mainit na hininga nya sa tenga ko ay pumupukaw sa pananabik ko sa kanya.

Bigla siyang humagulgol ng iyak ng hawakan ko ang ulo nya at halikan ko siya sa labi. Naiyak din ako.

" Salamat Greg, napaka-buti mo," Sabi nya at siya naman ang humalik sa labi ko. Naghalikan kami na parang tulad noong bago pa lang kami. Mapusok, mainit at puno ng pagnanasang halik. Pero halik na puno rin ng pagmamahal.

Hinubad nya ang pantalon ko. Hindi pa ako naligo, kaya sinansala ko siya sa ginagawa nya.

" Maligo muna ako," Bulong ko sa kanya.

" Umisa muna tayo, saka tayo maligo ng sabay mamaya," Malambing na bulong nya sa akin.

Tuluyan nyang nahubad ang pantalon ko. At nang mahubad nya ang brief ko ay naramdaman kong pagigil na hinawakan nya sa dalawang kamay ang kahabaan ko.

" Anong gagawin mo," Tanong ko sa kanya habang inaabot ko naman ang laylayan ng maikling kamison nya.

" Matagal mo ng sinasabi na gusto mong subukan ko na isubo ito, at bilang pagtitika ay gusto kong gawin ito, gusto kong paligayahin ka ngayong gabi," Sabi nya na biglang isinubo ang burat ko. Namuwalan ang makipot na bibig nya sa malaking ulo ng burat ko. Kaya dinila-dilaan na lang muna ang ulo nito. Ang mainit na hininga nya at ang init ng dila nya na lumalaro sa kaangkinan ko ay lalong nagpapatigas dito.

Sinimulan nya uling isubo ang burat ko. Sa pangalawang pagtatangka nya ay nagawa nyang isubo ang kalahati ng kahabaan ko. At kahit parang hirap siya ay pikit-mata nyang inilabas pasok ito sa kanyang bibig. Napapaigtad ang balakang ko sa sarap ng sensasyon na dulot ng paghagod ng bibig nya sa katawan at ulo ng burat ko. Ilang sandali din nyang ginawa ito, bago pinaayos nya ako ng higa at tuluyang hinubad ang kanyang kamison. Wala na siyang panty at bra.

Sa liwanag ng ilaw sa kwarto na hindi namin pinatay ay tumambad sa akin ang katakam-takam pa ring alindog ng aking asawa. Tayong tayo pa rin ang dalawa nyang tila nagyayabang na mga suso. Ang mamula-mulang areola nito na nakapalibot sa tuktok ng malambot na suso ay parang napakasarap halikan at supsupin. Gayon din ang matigas na mga utong nito na parang masarap dedehin.

Ang kanyang malantik na bewang ay tila inukit ng isang mahusay na eskultor ang kurba patungo sa tama lang na lapad at kurba ng balakang na binagayan ng maumbok na puwet at mahabang biyas at makinis na hita at mga binti. Si Merhama ang naiisip ko kapag nababanggit ang sinasabing kutis-porselana.

Sapagkat parang isang mamahaling porselana ang kanyang kaputian.

Maingat nyang itinutok sa lagusan nya ang ulo ng burat ko habang nakahiga ako at nasa ibabaw ko siya na nakaupo patalikod sa akin, kaya kitang-kita ko na nilagom ng kanyang hiyas ang kahabaan ko. Ang makita ang nakatalikod na katakam-takam na katawan ng asawa ko na nakaupo sa kandungan ko ay nagpapa-ulol sa nadarama kong libog.

Nag-urong sulong muna siya sa ibabaw ko. Naramdaman ko ang pagsagad ng kahabaan ng burat ko sa kasuluk-sulukan ng kanyang puke. Parang may nasasanggi sa bukana ng kanyang matris ang kahabaan ko sa pag-urong sulong nya. Nauulinigan ko ang impit na ungol nya sa tuwing masasagi ng dulo ng burat ko ang bukana ng matris nya. Naghahatid naman iyon ng ibayong init at katigasan sa burat ko.

Maya-maya pa ay nagsimula na siyang magbaba taas sa kahabaan ng burat ko. Kitang- kita ko ang malaking burat ko na naglalabas pasok sa kanyang hiyas. Sinasabayan ko ang bawat bagsak ng kanyang sumasapaw ng hiyas sa katigasan ko. At Ilang sandali pa ay bumilis ang ritmo ng kanyang pagbaba at taas sa ibabaw ko. Para siyang nangangabayo. Humahagok siya, habang pabilis ng pabilis ang pagsalpak ng kanyang hiyas sa kandungan ko.

" Greg, malapit na ako," Sabi nya.

Nang sa pakiramdam nya ay sasabog na ang kanyang katas ay umikot siya paharap sa akin na hindi naalis ang pagkakasalpak ng kanyang hiyas sa burat ko. yumupyop siya sa dibdib ko at ginagap ng labi nya ang labi ko.

" I love you Greg," Sabi nya at muli siyang umindayog sa ibabaw ko. Napahawak ako sa kanyang balakang habang para siyang umiindak habang nagbababa-taas sa ibabaw ko.

" Hayan na ako Greg, ohhhhhhh, ohhhh, ahhhhh," Pinakawalan nya ang dagta ng kanyang pagnanasa habang nakadapa sa ibabaw ko at magkalapat ang aming mga labi. Kinagat nya ang labi ko habang sumusumpit ang kanyang katas.

Bumalikwas maman ako at siya naman ang pinahiga ko at kinubabawan. Inulos ko ng inulos ang kanyang hiyas na inaagasan pa ng kanyang malapot na nektar. Bumayo ako ng bumayo sa kanyang masarap na katambukan.

" Lalabasan na ako Mer," Sabi ko na lalo kong binilisan ang paglabas pasok ng aking matigas na burat sa naglalawa na nyang puke.

Napadilat ang naka pikit nyang mga mata at humawak siya sa balakang ko para salubungin ang bawat ulos ko sa kanyang puke. At kasabay sa panginginig ng kalamnan ko ay naramdaman kong kumapit ang kanyang mga kuko sa balakang ko.

Halos sabay kaming nilabasan. Dinapaan ko siya habang naghahalo ang aming katas sa loob ng kanyang pagkababae.

" Masaya ka ba? Napaligaya ba kita? " Tanong nya sa akin habang nagpapahinga kami, matapos ang unang bugso ng aming pagnanasa.

" Alam mong ikaw lang ang nagpapaligaya sa akin," Sabi ko sa kanya. Hindi iyon panunumbat. Naglalahad ako ng katotohanan.

" Hindi naman ako nilabasan doon, tama lang ang pagdating mo, hindi rin naka-isa yun, nakasuksok lang," Sabi nya rin na para ding naglalahad ng katotohanan.

" Alin sa amin ang masarap," Ulok ko sa kanya.

Hinawakan nya ang naka lungayngay na na burat ko at buong panggigigil na pinisil.

" Wala sa kalingkingan ng burat mo ang nota nya," Sabi ni Merhama.

" Wag na nga nating pag-usapan yun, isipin natin na bangungot lang yun, at maganda at ako ay nagising," Papiksing sabi nya, at muli siyang bumaba sa pagitan ng mga hita ko at muling sinimulan ang kanyang 'pagtitika'. At nang mapatayo nya muli ang aking sandata ay muli kaming 'umisa'.

At tinapos namin ang buong magdamag na yun sa pagpapaalpas ng aming pananabik sa bawat isa.

Sumama ako sa paaralang pinagtuturuan ni Merhama. Gusto kong komprontahin ang lalaki. Kami lang tatlo ang nakakaalam sa nangyari at ayoko na madagdagan pa ang nakakaalam nito.

" Kaalis lang ni Mr. Gonzales. Nag file siya ng resignation nung Monday. Mabuti naman yun kasi,bago pa lamang siya eh marami ng complaints sa kanya," Sabi ng admin ng mag inquire ako tungkol sa lalaki.

Tiniyak ko na maayos ang lahat sa bahay bago ako bumalik sa Caranglan. Nandoon na sa amin ang byenan ko at kumuha ako ng kasambahay para may kawaksi si Merhama.

" Every weekend nasa bahay ka," Bulong sa akin ng aking asawa habang inaayos at inihahanda nya ang mga gamit ko.

" Iniisip ko nga pagbigyan na kita, sa hinihiling mong pangalawang anak," Sabi pa nya na hinalikan ako sa labi.

" Kaya lang parang natatakot na akong manganak, " Sabi pa niya.

Kulang sa dalawang Linggo din akong nasa bahay sa Bulacan. Kaya naman ng dumating ako sa Caranglan ay parang tuwang-tuwa ang mag ama. Mataas na ang palay na ipinunla namin sa bukid ni Mang Usting.

" Naipalinang ko na ang kabuuan ng bukid na pagtatamnan natin ng palay, Engineer, " Pagbabalita ng matanda.

" Nakita ko nga po na malulusog ang ating mga punla," Sambot ko naman.

" Manu-mano ba ang gagawin nating pagtatanim? " Muling tanong ng tatay ni Lissa.

" Gagamit tayo ng rice planter, para makita hyo at ng mga kalapit na bayan na iimbitahan namin na mga may saka, para mai-demonstrate na rin ang kagandahan ng mechanized farming. Yung bayad na lang sa operator ang pagtulung-tulungan nyo at sagot na ng BAEX ang equipment at krudo," Sabi ko pa.

" Ipapasagot ko namas sa anak ko na nasa Australia ang tanghalian at merienda, Engineer," Saad naman ng butihing matanda.

At ginugol ko ang linggo na yun sa paggawa sa bukid at pag aayos ng tubig sa tinitirhan kong bahay.

" Anong ginagawa mo? " Tanong ni Lissa habang ikinakabit namin ang stainless na pressure tank. Pinabunot ko rin ang mechanical na poso at pinapalitan ko ng submersible pump. Naglagay kami ng solar panel sa bubong ng bahay nina Lissa, na siyang magpapatakbo ng submersible pump. Isang set na solar power generator ang pinabili ko sa kapatid ni Lissa na nasa Australia. At makalipas lang ang dalawang linggp ay may running water na sa dalawang bahay.

" Hulog ka raw sa amin ng langit, sabi ni Ama, bilib na bilib na bilib siya sayo. Sana raw makatagpo ako ng katulad mo para maging manugang nya," Pagbibida sa akin ni Lissa.

" Nakakapaligo na kami kahit kailan namin gusto, magaang na ang paglalaba, at pangungusina. Magaang na rin ang pagdidilig ng halaman, mula ng ayusin mo ang poso namin," Sabi pa ni Lissa.

" Napapa-ibig mo ako, Greg," Sabi pa nya na hindi ko binigyan ng pansin.

" O, naka bihis ang magandang dalaga ni Mang Usting ah?! " Sabi ko ng mapagmasdan si Lissa na nakabihis at parang paluwas sa Manila.

" Maganda ka dyan? Kukuha ako ng board exam bukas. Doon ako matutulog sa kamag-anak namin sa Sampaloc; Manila." Sabi ni Lissa na parang bumata sa suot hyang bestida.

" Pwedeng umamot ng pampa-swerte para makapasa ako? " Tanong nya.

" Anong pampa-swerte naman yun," Naka-kunot ang noo ko na tanong sa kanya.

Nabigla ako ng tumingkayad siya at halikan ako sa labi. Matagal at maapoy ang halik na yun. At may naramdaman akong init na gumuhit sa nasa pagitan ng aking mga hita.

" Nalunok ko ang laway mo, kaya may bahagi na ng pagka henyo mo sa katawan ko, tiyak papasa na ako," Sabi nyang nakatawa.

" Puro ka kalokohan," Sabi ko, at tinampal ko ng palad ko ang malapad na noo nya.

" Ang wag mong kakalimutan ay ang itinuro ko sa'yong teknik, yung 'alin dito ang tama, eto o eto, ito', " Sabi kong nakatawa.

Nag flying kiss pa ito sa akin bago tuluyang nawala sa paningin ko.

Tulad ng usapan namin ni Merhama, umuuwi ako sa Bulacan tuwing weekend. Saturdays at Sundays ay nasa bahay ako. Nang semestral break ay humiling si Merhama na sa Caranglan silang mag-ina mag stay sa duration ng semestral break. Gusto daw nya maranasan ang buhay sa bukid.

Kaya, sakay mga gamit namin, dinala ko ang owner type jeep namin at isinama ko ang aking mag- ina sa Caranglan.

Gulat na gulat si Lissa ng makita ang mag-ina ko.

" Naku Ma'am, ang ganda ganda mo pala, para kang si Bea Alonzo," Sabi ni Lissa, na napapalatak pa.

" Kaya naman pala itong si Sir Greg eh, laging nagmamadaling umuwi sa inyo tuwing weekend," Nagtaka ako at nilagyan nya ng 'sir' ang unahan ng pangalan ko.

" Wag naman Ma'am at Sir, masyado namang pormal yun. Ate na lang at Kuya, " Sabi ni Mer kay Lissa. Kaya habang naroroon si Mer ay kuya ang tawag sa akin ni Lissa.

" Ang ganda pala dito Greg," Sabi ni Mer ng isama ko silang mag-ina sa bukid. Naka denims si Mer at naka t-shirt na puti. Lalong lumutang ang kaputian ng asawa ko. Nang akmang hahakbang kami sa isang bahagj ng pilapil na sadyang nilagyan ng awang para makapasok ang tubig, ay kinarga ko si Mer patawid sa pilapil. Nakabuntot naman sa likuran namin ang anak naming si Jenny na hawak ang sinelas na goma sa magkabilang kamay, ay lumusong sa putik para makatawid sa kabila ng pilapil.

" Ay si Mommy ang laki na, nagpa karga pa kay Daddy," Kantyaw ng aming pitong taong gulang na anak sa kanyang ina.

Tumawa lang si Mer at sa may lilim na ng punong mangga ko siya ibinaba. Iyon ang pinaka pahingahan namin sa bahaging iyon ng bukid nina Lissa.

" Tita, ano pong ginagawa mo? " Narinig kong tanong ni Jenny na lumusong sa putikan na nililimas ni Lissa.

" Nanghuhuli ako ng hIto at bulig, ulam natin mamaya," Narinig namin ni Mer na sabi naman ni Lissa.

Nakatawa si Mer na pinapanood si Jenny na tumulong kay Lissa mangapkap ng mga hito at dalag sa nilimas nya na bahaging iyon ng bukid.

" Jenny wag kang humawak sa hito may pantusok yan," Babala ni Mer sa anak.

Natutuwa akong pagmasdan ang anak namin na laki sa syudad, pero heto at tila niyayakap ang maputik na bukid na daigdig ko.

Nang matapos sila manghuli doon ay lumipat naman sila sa ibang pilapil at nanguha naman sila ng kuhol.

Nang dumating si Mang Usting ay may dala- dala itong mga gulay at bigas para isaing. At nagtulong- tulong na kami para ihanda ang isang masarap na tanghalian sa gitna ng bukid. Natutuwa akong pagmasdan na ang magandang may bahay ko ay puro uling ang kamay, at maging ang magandang mukha. Masayang pinagmamasdan ko ang aking pinakamamahal na propesora ay pawis na pawis sa kaiihip sa kalang kahoy ang panggatong. At natutuwa din akong pagmasdan ang aming si Jenny na may natuyong putik sa kanyang magandang mukha na pinilas sa kanyang ina, at maging sa kanyang buhok.

Nakakatuwang pagmasdan ang mag-ina kong nasanay sa maalwang pamumuhay sa lungsod, ay makaranas kung paano ang pamumuhay sa isang kapaligirang wala ang mga convenience na hatid ng makabagong mga teknolohiya na nagpapagaan sa ating pamumuhay, ngunit, nagpapalimot naman sa ating kamalayan sa pag apprecite natin sa ating kalikasan.

" O. kumain na tayo," Sabi ni Mer, habang pinipigaan ng kalamansi ang bagoong na isda na sawsawan ng inihaw na hito at bulig.

Naka hain din ang ginataang kuhol, bulanglang na sitaw, at inihaw na talong. At naroon din ang mabangong bagong saing na bigas na milagrosa, at yung mapulang bigas na tinatawag nilang kabudit. Ang kabudit ay isang uri ng palay na itinatanim sa lugar na tuyo at walang patubig. Tinatawag din itong upland rice.

" O, gagamit tayo ng ating likas na kutsara ha? " Sabi ko kay Jenny at ini- abot ko kay Mer ang isang Caltex ng malinis na tubig para maghugas sila ng kamay, mag kakamay kami sa pagsasalu-salo namin sa payak ngunit masaganang pananghalian sa ilalim ng lilim ng punong mangga.

" Saan ka kumuha ng gata, para dito sa ginataang kuhol? " Tanong ko kay Lissa.

" Kasama pa yan sa package na ipinadala ni Ateng mula Australia. Powder yan, kinanaw ko lang sa mainit na tubig bago namin ipinanggata ni Ate dito sa kuhol," Sabi ni Lissa.

Natatawa akong pinagmamasdan si Mer na sumisipsip ng kuhol na ginagaya naman ni Jenny.

" Mahusay ka na palang sumipsip ng kuhol Mommy," Tudyo ko kay Mer.

" Ikaw dyan ang napaka sarap sumipsip ng kuhol, " Ganti naman nito na tinitigan ako ng maharot. Napuna kong parang itinago ni Lissa ang kiming ngiti, habang sinisipsip din ang isang piraso ng kuhol.

" Daddy gusto ko pa ng inihaw na hito," Hiling ni Jenny. Kinuha ko ang isang hito na naka- tusok pa sa stick na kawayan at inilagay ko sa tabi ng umuusok na kanin sa kanyang harapan. Naglatag lang kami ng dalawang malapad na dahon ng saging, at matapos linisin ay doon inihain nina Mer at Lissa ang mga niluto nila. Matataba ang mga bulig at hito na nakapkap ni Lissa at Jenny. Nagmamantika ang mga hito, nang maihaw ang mga ito.

" Grabe ang busog ko, Greg," Sabi ni Mer matapos ang aming pananghalian.

" Mas masarap pa sa mga putahe na kinain natin sa mga restaurant sa atin, madadagdagan ang timbang ko dito," Sabi pa nya ng naimis na namin ang aming pinagkainan.

" Nasaan pala ang anak mo? " Tanong ni Mer.

" Nakita kong kasama ni Lissa sa may gubat, o ayun na yung dalawa," Sabi ko ng makita si Jenny na kabuntot sa likuran si Lissa.

" Naghanap ng palikuran, " Nakatawang sabi ni Lissa. Nakatawa naman si Jenny na hinihimas pa ang tiyan.

" Naghugas ka ba?" Tanong naman ng ina.

" May maliit na batis doon, naghugas ako," Sabi naman ni Jenny.

" Tara, manguha tayo ng hinog na bayabas at atis," Yaya ni Lissa kay Jenny. Tumingin muna ito sa ina, at ng makitang nakangiti si Mer ay masaya itong tumalikod at humabol kay Lissa. Si Mang Usting naman ay nakita kong puma kabilang bukid na at marahil ay doon magpapahinga para palipasin ang katanghaliang araw na nakasilip sa walang ulap na kalangitan.

Inilabas ko ang dala kong duyan at itinali sa magkabilang sanga ng punong mangga. Nang matantya kong kakayanin ng duyan ang bigat naming mag asawa, masuyo kong inakay papunta sa duyan si Mer.

" Parang, ngayon ko lang na realize na marami akong di pa alam sayo, Greg," Sabi sa akin ni Mer. Tatlong taon ang pagitan ng edad naming mag-asawa.

Naka-higa na ako sa duyan, at nakakandong siya sa akin at nakatukod ang isang paa sa damuhan sa paanan ng duyan. Itinutulak nya ang kanyang paa para banayad na umugoy ang duyan.

" Bakit mo naman nasabi yan? " Tanong ko sa kanya habang masuyo kong sinusuklay-suklay ang kanyang mahabang buhok ng mga daliri ng aking kaliwang kamay.

" Kasi, ang kilala ko lang na Greg, ay ang mapagmahal na asawa ko, na laging wala sa bahay, at kung nasa bahay naman ay abala sa kanyang pagsusulat. Ang akala ko ay isang tipikal na inhenyero ka lang. Hindi ko alam na may iba ka pang mundo, na parang mas masarap kesa sa mundo na nakagisnan ko at ng anak mo," Sabi nya na umangat at inalatag na rin ang buong katawan sa loob ng duyan na nakayakap sa tagiliran ko.

" Mahilig ako sa bukid, sa pagtatanim, sa paglilinang at pag-aaarato ng bukid, kaya ito ang engineering na pinili ko," Sabi ko na hinalik-halikan ang kanyang mabangong buhok.

" Akala ko ang bukid ko lang ang kaya mong araruhin," Maharot na sabi sa akin ni Mer.

Nagpalinga-linga ako at hinanap ng mga mata ko ang tatlo, at ng matiyak ko na dalawa lang kami ng mga sandaling iyon sa dakong iyon ng bukid, ay kinapa ko ang harapan ng pantalon ng aking asawa. Bumaling naman ito sa akin at hinalikan ako.

" Igagawa kita mamayang gabi ng junior mo," Malambing na bulong ni Mer, na nagpakislot sa alaga ko na nasa ilalim ng pantalon ko.

Naudlot lang ang aming paglalambingang mag asawa, ng makita namin ns papalapit sa aming kinarotoonan si Jenny na nakatawa at habak-habak sa laylayan ng damit ang mga hinog na bayabas.

" Mommy o, ang dami-daming guavas doon, ang sarap mamitas. Marami din kaming nakuhang atis, " Masayang kwento ni Jenny sa kanyang ina.

" Baka puro mantsa na yang damit at shorts mo? Sabi naman ni Mer habang pinagmamasgdan namin ang dalawa na inilapag sa dulang na kawayan na kinainan namin kanina, ang mga prutas na napitas nila. Binigyan kami ni Lissa ng tig isang atis. Matamis at malalaki ang mga atis.

" May hinog na rin ang wonder papaya na tanim ni Ama, mag-uwi tayo mamaya kuya Greg, para maka tikim si Ate, " Sabi pa ni Lissa.

Kinagabihan ng araw na iyon, kanin na lang ang sinaing namin. Marami pa ng tira na inihaw na bulig at hito sa pananghalian namin sa bukid. Naghati si Lissa at si Mer sa mga natirang ulam. Nagdagdag lang si Mer ng piniritong talong. Masarap kasi itong isawsaw sa bagoong na nilagyan ng siling labuyo at pinatakan ng kalamansi.

" Ang talong mo naman ang lalantakan ko mamaya," Bulong sa akin ng maganda kong propesora, ng lapitan ko siya habang nagpiprito ng talong sa gas stove na gamit ay gasul.

" At sisipsipin ko naman ang kuhol mo," Sabi ko naman. Palihim na pinisil nya ang nakabukol ng alaga ko sa ibabaw ng aking pantalon. Niyakap ko siya at ikiniskis ko ang bukol ko sa loob ng aking pantalon, kanyang puwet at kinapa ko ang kanyang harapan.

Naghihintay sa amin ang gabi at ang kama, para pagsaluhan ang isa pang masarap na ritwal ng aming pagmamahalan. Na lingid sa amin ay may dalawang mata na nag aabang at sabik na sisilipan kami sa aming pagniniig.

SUBAYBAYAN…