1. Home
  2. Stories
  3. LARO SA PARAISONG PARISUKAT (Ang Katapusan)
Filipino Sex Stories

LARO SA PARAISONG PARISUKAT (Ang Katapusan)

By teddyray ·

CHAPTER 13 IN MEMORIAM

" Ikaw si Cherry? " Pamanghang tanong ko.

Tumango siya, lumapit, at niyakap ako. Hindi ko siya matandaan. Pangalawang pagkakataon pa lang naming magkita ni Nurena Almihassan. Pero, ang yakap nya, naghahatid ng mga nagbabangong ala-ala. Si Fateh, bakit biglang sumagi sa ala-ala ko si Fateh.

" Sumama ka sa akin sa condo sa Mckinley, marami akong isisiwalat sa'yo," Sabi ni Cherry.

Natitilihan ako na sumunod sa parking lot ng mall kay Cherry. Isang modelong BMW ang bumukas ang pinto ng pindutin ni Cherry ang hawak na gadget sa kamay. Ibinigay nya sa akin ang susi ng sasakyan.

" Will you drive for me? " Sabi nya at pumunta sa passenger side sa unahan. Automatic ang transmission ng sasakyan. May navigator na ito sa dashboard. At matapos kong ilagay sa drive ang kambyo nito at tapakan ang silinyador, tinugpa na namin ang daan patungo sa condo ni Ms. Nurena Almihassan, o ni Cherry.

" Alin ang tunay mong pangalan? Tanong ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya sa salamin. Nakatingin naman siya sa akin.

" Nurena. Yan ang legal name ko. Ang Cherry, ikaw lang ang nakakaalam na ako rin yun," Malumanay nyang sabi.

Maya-maya lang ay pumasok kami sa underground parking lot ng isang bagong gusali sa Mckinley Road. Sumaludo pa ang dalawang gwardya na bantay sa pintuan, ng makita ang sticker na naka dikit sa kanang bahagi ng windshield ng BMW.

Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 8th Floor, ay sumaludo rin ang duty guard doon. Tumapat kami sa main door at inilagay ni Nurena ang kanyang palad sa screen na nasa gilid ng pinto. At ng bumukas ang sliding door na pinto ay sumalubong sa amin, ang mabangong amoy ng airconditioned na kwarto.

" Sa akin ang buong 8th Floor na ito ng condo," Sabi ni Nurena.

Mas maliit lang ito ng kaunti sa penthouse ni Carmen dela Real. Pero higit na moderno.

" Dalawa ang receiving room ko dito," Sabi nya, na binuksan ang unang pinto. Tumambad sa akin ang isang maluwang na kwarto na wall to wall carpet ang disenyo, at middle eastern ang motiff at walang upuan kundi malalambot na built-in na sandalan at ottoman seats.

" Pag kapwa ko Moslem ang bisita ko, dito ko sila iniistima," Sabi nya.

" At pag mga business associates naman, ay lto ang kwarto na para sa kanila," Ibinukas nya ang pangalawang kwarto na kasing luwang ng nauna. Mayroon itong standard na sofa, may mini bar na may naka display na mamahaling alak. Western style naman ang ambience ng kwarto.

" Pero, ikaw, sa kwarto ko ka diretso," Nakangiting sabi nya, na parang matagal na nya akong kilala, at nagkaroon na kami ng relasyon.

Malaki ang kwarto nya. Halos doble sa pinagsamang luwang ng dalawang kwarto sa labas na ipinakita nya sa akin. May ante-room ito na may malaking sala set, at modernong home entertainment na ang centerpiece ay isang malaking screen sa dingding na tinatamaan ng isang projector para sa television o cinema viewing. Mayroon din itong terrace na tanaw ang Bahagi ng Makati at Bonifacio Global City o BGC.

Mayroon din itong dalawang kwarto, na Mas malaki ang isa at mas maliit ang isa. Ang mas malaking kwarto ay ang master's bedroom na tulugan ni Nurena. At ang maliit na kwarto ay ang guest room nya. Bawat kwarto ay may sariling banyo at palikuran. May isang study room din ito na may maliit na library at isang study table.

Sa study room nya ako pina upo sa isa sa mga silya doon at pinaghintay.

Pinagmasdan ko ang mga paintings na naka frame at nakasabit sa mga dinding ng study room. Pare-pareho ang istilo ng pagkakapinta ng mga ito. Parang iisang pintor ang gumawa. Ng nilapitan ko ang isang painting, parang pareho ng initial ng painting ni Fateh na ipinadala ni Cherry sa akin. At muli na namang sumagi sa ala-ala ko si Fateh.

Nasa ganito akong pag-iisip ng bumukas ang pinto ng study room. Bigla akong nakadama ng kilabot sa buo kong katawan. Para akong tuod na itinulos sa aking pagkakatayo.

Si Fateh ang nakita ko na bumungad sa pinto ng study room. Tulad noong bumungad siya sa harapan ko, labing pitong taon na ang nakakaraan, sa Riyadh, sa Siteen St, sa Al Malaz, sa opisina na pinagtrabahuan ko sa Saudi Arabia.

Parang naririnig ko pa ang pag alingaw ng panawagan sa Mosque. " Ya sallah, ya sallah! "

At ang kanilang pagdakila kay Allah, "Allahu Akhbar, Allahu Akhbar!"

" Taal, Teddy ya habibi," Sabi ni Nurena na naka abaya at tanging ang mga mata lang nya ang nakalitaw.

Nalilito ako, paanong nangyari na si Fateh ay naririto, at si Nurena, si Cherry? Hindi ko mapagtagni-tagni ang mga pangyayari na bumubulaga sa akin sa mga sandaling ito.

" Halika na Ted, angkinin mo ako, kainin mo ang hiyas ko,tulad ng pagkain mo sa hiyas ni Fateh noon, saka na ako magpapaliwanag," Sabi ni Nurena, na umupo sa isang silya na nasa harapan ng study table. Ibinukaka nya ang dalawang paa at inililis ang laylayan ng suot na abaya.

Tumambad sa akin ang maputing hita nya at ang katambukan ng nasa pagitan ng mga hita nya na natatakpan ng suot nyang kulay flesh na panty.

Tulad ng tagpo sa Riyadh, ang nakita ko ay naghatid sa akin ng pag-iinit sa ibaba ng aking puson at nagpa-tingaro kay manoy.

Tulad din noon sa Riyadh, ay wala akong inaksayang panahon. Nilapitan ko siya at naupo akong patingkayad sa harapan nya. Kusa naman nyang hinubad ang suot nyang panty, at maingat na inilapag ito sa ibabaw ng study table.

Tumambad sa akin ang di ko malilimutang hiyas ni Fateh. Naroon ang pulang birthmark nya. Naroon ang balat na nagpapatunay na ang aangkinin kong hiyas sa mga sandaling ito, ay ang hiyas ding inangkin ko sa Riyadh, labing-pitong taon na ang nakakaraan.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Nurena ng hawiin ko ng dila ang labia na tumatakip sa mahabang biyak ng hiyas nya. Binaybay ng pinatigas na dila ko, pababa at pataas ang biyak na iyon. At sa paghagod ko pataas ay nasasanggi ko ang tila kuntil ng mani sa dulo ng biyak nya. Naramdaman ko ang panginginig ng laman nya sa tuwing masasagi ko ito.

At ipinaloob ko sa bibig ko ang kuntil na yun at hinigop-higop ko na para akong humihigop ng tahong.

" Ohhhh, Ted, yan ang hinahanap-hanap ko sa mga nagdaang taon na ito, yan at ang sarap na idinulot nyan ang lagi kong binabalik-balikan sa isip ko, ohhhh ang sarap talaga nyan, ahhhh," Panaghoy ni Nurena.

At habang sinisipsip ko at hinihigop-higop ang lalo namang naninigas na tinggil ni Nurena ay ipinasok ko ang panggitnang daliri ko sa inaagasan na ng malagkit na tubig na makipot pang butas ng kanyang hiyas.

Napaliyad siya at humawak sa aking braso ang isa nyang kamay. Hinawakan naman ng isa pa nyang kamay ang aking ulo at ipinagdiinaan ang bibig ko sa kanyang hiyas. Ilang labas pasok lang ng daliri ko sa kanyang masikip pang butas ay nilabasan na siya.

" Ted, ohhhh, " Kinagat nya ang labi nya, at halos bumaon ang kanyang kuko sa braso ko ng pakawalan nya ang unang bugso ng kanyang orgasmo. Nang alisin ko ang aking daliri sa butas ng kanyang hiyas ay nakita kong naglandas ang kanyang katas sa maputing hita nya.

Tumayo ako at agad na naghubad ng pantalon. Pagkahubad ko sa aking boxer shorts ay agad na umalagwa ang naghuhumundig sa katigasan na si manoy. Inalis ko ang nakatabing sa kanyang mukha. Masuyo kong hinalikan sa labi si Nurena. Nadama kong iyon din ang labi na nagmamadaling inihalik nya sa akin matapos ang aming madaliang pagtatalik labing pitong taon na ang nakakaraan.

Gumanti siya ng halik, halata ang pananabik sa kanyang halik. halos ay hindi na ako makahinga ng tumigil siya sa pagngabngab sa labi ko.

"Kay tagal kong hinintay ito Ted. Matagal akong naghintay na muli mo akong sipingan," Bulong nya sa akin.

Binuhat ko siya at iniupo ko sa ibabaw ng study table. Hinila ko siya sa gilid ng lamesa. Pumwesto ako sa pagitan ng mga hita niya. Tamang tama lang na abot ni manoy ang hiyas ni Nurena. Napapikit siya ng itarak ko ang katigasan ni manoy. Masikip pa rin siya. Damang dama ko ang init ng kanyang lagusan na nakahakab sa kahabaan ni manoy.

Napayakap siya sa akin ng magsimula akong umulos. Hinawakan ko ang kanyang balakang at dahan dahan ko sinimulang baguhin ang ritmo ng aking pagsalpak kay manoy sa kanyang hiyas. Napaliyad siya at itinukod ang dalawang kamay sa mesa ng magsimulang bumilis ang aking pagbayo sa kanyang hiyas. Pabiling biling ang magandang mukha ni Nurena habang tinatanggap ng naglalawa na nyang hiyas ang bawat bayo ko. Hugot-baon ang ginawa ko. Para akong nagbabareta sa kanyang kandungan. Pabilis ng pabilis ang pagkayog ko. Nararamdaman ko na ang pagsapit ko sa sukdulan. Namimitig na ang pakiramdan ko sa sentro ng aking katigasan. Kailangan ko itong ikiskis ng ikiskis sa loob ng mainit at madulas na lagusan ni Nurena. Para itong masidhing pangangati na malulunasan lamang sa pamamagitan ng pagkamot sa loob ng hiyas ni Nurena.

At siya man ay gayundin ang nararamdaman. Sinasalubong nya ang bawat ulos ko para ikamot nya ang pangngati ng kanyang pagkababae sa pagkalalaki ko. Urong sulong din ang kanyang balakang sa paghapit sa bumabaretang katigasan ko sa naglalawa na nyang lagusan.

" Ted, ohhhhh," Isang mahaba at masuyong panaghoy ang pinakawalan ni Nurena habang binubukalan ang kanyang hiyas ng masaganang katas. Kumibot-kibot ang kanyang kalamnan sa loob ng kanyang hiyas, na nagdulot naman ng libo-libong kilabot na lumukob sa katigasan ko, na sapat upang sumabog ang naipong init sa ibaba ng aking puson at mabigyang laya ang katas na nagdadala ng aking punlay. Magkalapat ang aming mga ari, ay inilapat ko rin ang bibig ko sa bibig nya. Sinipsip ko ang dila nya habang naghahalo ang aming katas sa loob ng hiyas nya.

Abot-abot ang aming paghingal ng magkalas ang aming bibig. Nakasalikop ang kanyang mga paa sa likod ko, at nakayapos ang dalawa nyang kamay sa aking leeg.

" I love you, Ted, kay tagal kong pinangarap ang sandaling ito," Bulong nya sa akin.
Nagtataka ako, gayon din ang nadarama ko sa kanya!

Nang humupa ang bugso ng aming orgasmo, ay bumaba siya sa ibabaw ng study table. Hindi lumambot si manoy.

Umupo ako sa silya at kinandong ko siya paharap sa akin. Naintindihan nya naman agad ang gusto kong mangyari. Inayos niya ang pagkakasalpak ng kanyang hiyas sa lalo pang tumirik sa katigasan na sandata ko, Libog na libog ako ng mga oras na yun. Ang kakaibang bango ni Nurena, ang pananabik nya sa akin, ay pumupukaw ng nag- aalimpuyong init sa aking pagkalalaki.

Nararamdaman kong si Nurena man ay gayon din. Nagsimula siyang magbaba-taas sa kandungan ko. Ang mahaba at mabango nyang buhok ay sumasagi sa mukha ko. Kay ganda ganda ni Nurenang pagmasadan habang kagat-labi siyang umiindayog sa kandungan ko. Bawat salpak ng kanyang hiyas sa katigasan ni manoy ay may nadudunggol ang ulo nito na parang malambot na buto sa kanyang kalaliman. Humawak siya sa balikat ko at para siyang tumatalbog-talbog sa kandungan ko. Pabilis ng pabilis ang pagtalbog-talbog nya sa kandungan ko. Hanggang sa naging marahas ang pagbaba taas nya.

" Lalabasan na ako Ted," Bulong nya sa akin. At para na siyang nangngabayo na pumaspas ng pumaspas sa pagbaba-taas sa kandungan ko.

" Hayan na ako Tedddd, ohhhhhhh," Inilapat nya ang labi nya sa labi ko at banayad nyang kinagat ang labi ko habang halos bumaon ang kanyang kuko sa balikat ko ng matamdaman ko ang pagsumpit ng mainit na katas sa loob ng kanyang hiyas.

Niyakap ko naman ang malambot nyang katawan at inulos ko pataas ang nakapirmi nyang hiyas, upang pakawalan ko rin ang aking katas na humalo sa katas nya. Matagal kami sa ganoong ayos, habang ninanamnam namin ang rurok ng aming pagtatalik.

Isang beses pa kaming nagtalik sa loob ng kanyang study room, bago kami lumipat sa kanyang kwarto. Pinahawak ko siya sa silya, at pinasok ko siya mula sa likuran. Muli ay sabay kaming nilabasan.

" Ako ang inangkin mo doon sa Al Malaz," Sabi ni Nurena.

Isang envoy sa Saudi embassy ang ama ni Fateh na na siyang nangasiwa sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng mga rebeldeng Muslim sa Mindanao. Sampung taon pa lang si Fateh at gayun din si Nurena, na anak naman ng isa sa mga myembro ng peace panel sa bahagi naman ng rebeldeng grupo. Nang bumalik ang pamilya ni Fateh sa Saudi, hiniling ni Fateh sa kanyang ama na isama si Nurena bilang personal nyang kahdama.

Sakitin na si Fateh mula ng pagkabata nito. Pero kahit gayon ay masayahin si Fateh at mahilig itong mag guhit ng kung anu-ano.

Labing pitong taon na ang edad ni Fateh at Nurena, ng makita nila ako na laging nag-iisa sa pagkaka-upo ko sa bangketa sa harapang ng opisina na pinagtatrabahuan ko doon sa Siteen St. At nagka gusto nga raw sa akin si Fateh na kinuha ang numero ng telepono ng opisina na naka-paskil sa signboard namin.

" Na diagnosed na na terminal na ang kanser sa buto ni Fateh noon," Pagpapatuloy na salaysay ni Nurena. Nakahiga kaming magkatabi sa kanyang kama. Naka negligee na lang siya at naka-boxer shorts naman ako.

" Ipina check up din nila ako dahil sa paninikip ng dibdib ko, at sabi nila ay mayroon daw akong congenital heart disease. Nang malaman ito ni Fateh. sabi nya, para daw magkatali ang aming kapalaran," Sabi ni Nurena na nahihilam na ang mata habang nagkwe-kwento.

At nang maganap ang pagpapaangkin sa akin ni Nurena bilang si Fateh, ay hindi na nakakalakad si Fateh at nakatali na sa wheelchair. Matapos yun ay pinahirapan na ng kanser sa kanyang buto si Fateh. At si Nurena naman ay sinabihan na ng mga doktor na ang magsasalba lang ng kanyang buhay ay kung magkakaroon siya ng matagumpay na heart transplant.

" Noong huli mong makausap si Fateh sa telepono ay naka schedule ang kanyang euthenasia. Nasa tabi nya ako habang kausap ka nya sa telepono, hanga ako sa pagmamahal nya sayo, at sa tapang ni Fateh, hindi mo alam yun Ted," Yumupyop sa balikat ko si Nurena at umiyak ng umiyak. Sa pagitan ng pag-iyak ay naisalaysay nya ang nangyari kay Fateh.

Kahit bawal sa kanilang relihiyon ay nakiusap si Fateh na tapusin ang kanyang paghihirap. Subalit nakiusap ito na isalin kay Nurena ang puso nito bago tuluyang lagutin ang kanyang hininga. Gusto ni Fateh na madugtungan ang buhay ni Nurena, kapalit ng paglisan nya sa mundo.

Hinubad ni Nurena ang kanyang negligee, at ipinakita ang mahabang pilat sa ilalim ng kanyang kaliwang suso.

" Narito sa katawan ko si Fateh, at alam kong mahal na mahal ka nya," Luhaang sabi ni Nurena. Ang katawan kong inangkin mo ay nananabik sayo. Ang puso naman ni Fateh ay patuloy na nagmamahal sayo," Iniyapos ni Nurena ang kahubaran nya sa akin. Naramdaman kong pumatak ang luha sa aking mga mata sa pangungulila ko kay Fateh.

" Babalik ka? Magkikita uli tayo? " Bulong sa akin ni Nurena.

Tumango ako. Hinagkan ko siya sa labi. Yumakap sa akin si Nurena. Kakaiba ang yakap nya. Parang yakap ng isang baguntao, ng isang nagdafalaga, na nasasabik sa kanyang unang pag-ibig. Parang si Fateh ang yumakap sa akin.

" Ahub akh," Paramg narihig kong binigkas ni Nurena ang huling katagang sinabi sa akin ni Fateh sa telepono.

" I love you," Sabi ko. Totoo ito. Ito ang sinasabi ng puso ko.

" Nang gumaling ako mula sa maselang operasyon na yun, ay nag migrate ang pamilya ni Fateh sa Switzerland. Umuwi na ako sa Zamboanga. Ipinakasal naman ako ng tatay ko sa pinsan ko na isang mayamang negosyante," Kwento pa ni Nurena. Nasa tabing dagat kaml, inaalis ko ang mga talulot ng pumpon ng mga puting rosas na hawak ko, at isinabog ko sa dagat. Pinanonood namin ni Nurena habang tinatangay ito ng hangin at ng alon palayo sa amin. Alay ko ito sa ala-ala ni Fateh.

" May mga iba pang asawa si Omar. Pinakasalan nya ako dahil sa kapangyarihan at kayamanan na rin ng angkan nang ama ko. At naisipan kong pumunta sa Malaysia. Nagtagal ako doon. Nang mauso ang Facebook, naisipan kong hanapin ka. Nang araw na dapat ay magkita tayo, ay inambush si Omar ng mga kalaban nya sa negosyo at pulitika," Sabi nya na inakbayan ako.

"Malaya na akong sundin ang itinitibok ng puso ni Fateh at ang isinisigaw ng katawan ko. At hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito," Makahulugang sabi ni Nurena.

" Simulan mo ang mansion natin sa Zamboanga, iyon ang dowry ko sayo. Magpa convert ka sa Islam. Magpakasal tayo sa tradisyon namin. Payag akong maging isa lang sa mga asawa mo," Sabi ni Nurena. Magkatabi kami sa silid sa kanyang condo. Katatapos lang naming magtalik.

" Bumayad ako ng private detective at inalam ko ang mga detalye sa buhay mo. Kaya naisip kong magpatayo ng tatlong palapag na mansion sa lupa na minana ko sa Zamboanga. Legal mo kaming magiging asawa lahat ng mga babae sa buhay mo ngayon. Ang misis mo, ang sekretarya mo, at ang anak ng byuda mo. I've done my homework," Sabi nya na nakayapos sa akin.

" Mag-usap-usap kami. Although yung may isla eh I doubt kung papayag yun na tumira sa itatayo mong mansion," Sabi pa nya. Muli nya akong kinuyumos ng halik, at muli kaming nagsalo sa isang masarap at maiinit na pagsisiping.

Sa ngayon, on going na ang project sa isla ni Patty. At parang naka buo na kami ng makakasama nya sa isla.

Si Aileen naman ay regular pa rin ang kanyang buwanang regla. Ang aking misis naman ay nagsimula na sa kanyang money lending business. Nagtayo siya ng kumpanya na nagpapautang sa mga magsasaka at mga mangingisda sa Batangas.

At inihahanda ko na ang mga dokumento para sa pagtatayo ng mansion sa Zamboanga. Hindi pa ako nakatitiyak kong magpapa convert ako. Ang alam ko, maliban kay Carmen, mahal ko ang apat na babae sa buhay ko. At sa kanila ko tinatapos ang aking laro sa paraisong parisukat. Sapagkat sa piling nila, ang bawat pagniniig namin sa paraisong parisukat ay hindi laro, kundi bahagi ng pagsasalo namin sa aming pag-iibigan.

WAKAS…