1. Home
  2. Stories
  3. Ang Kanilang Kapalaran 7
Filipino Sex Stories

Ang Kanilang Kapalaran 7

By mrpayatot ·

Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanukso at makulit na imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.

Ang Kanilang Kapalaran: the confession, Part 1

Dumaan ang ilang buwan ay lagi pa rin si Matthias sa pagbabantay at pag aalalay kay Trisha. Lagi rin binabantayan ni Matthias si Trisha gaya ng pangako niya kay Jacob. Hindi lang si Trisha ang binabantayan niya kundi pati na din si Leana at Linus.

Hindi naman muna pinansin ni Trisha ang sinabi sa kanya ng mommy niya. Mukhang kinalimutan din ni Trisha iyun. Ang mahalaga ngaun kay Trisha ay may umaalalaya sa kanya at ligtas sila ng mga anak niya.

Mga ilang buwan pagkatapos mamatay si Jacob ay may nagtangka sa buhay niya at nagtangkang gahasain siya. Sa tulong ni Matthias ay nakaiwas siya sa bagay na iyun.

Matagal ng napapansin ni Jenny na parang may gusto na si Matthias sa kanya ngunit binabalewala lang ni Trisha ang mga sinasabi niya. Lagi naman dinadahilan ni Trisha na dahil lang sa pangako ni Jacob kaya ginagawa ni Matthias iyun.

Lingid sa kaalaman ni Trisha ay tama ang magulang niya, matagal ng may gusto si Matthias sa kanya.

Aware si Jenny sa pangako ni Matthias kay Jacob. Aware siya sa pagiging magkaibigan ang dalawa at turingan na parang magkapatid. Ngunit para kay Jenny at ni Rodolfo ay hindi lang dahil sa pangako kay Jacob kung bakit niya ginagawa iyun. Alam nila na may pagtingin si Matthias kay Trisha. Alam niya na mahal niya si Trisha.

Nakikita ni Jenny sa mata ni Matthias kahit na hindi niya sabihin ay may pagtingin siya sa anak nila.

Kaya isang araw ng inihatid ulit ni Matthias si Trisha sa bahay nila ay bigla siya kinausap nina Rodolfo at Jenny. Nagulat si Trisha at Matthias na andun pala silang dalawa at naghihintay sa kanila.

Gusto naman sana sumama si Trisha sa usapan nila ngunit pinagsabihan siya na si Matthias lang ang gusto nila muna kausapin bago si Trisha.

Agad naman umalis si Trisha sa sala at nagpunta sa kwarto niya para magpalit ng pambahay. Inutusan din siyang huwag makinig sa pag uusapan nila.

"Matthias, napapansin ko na ang ginagawa mo. Lagi mo atang hinahatid si Trisha." Ang tanong ni Rodolfo.

"Sir, alam niyo naman pangako ko kay Jacob na lagi ko aalalayan si Trisha." Ang sagot naman ni Matthias.

"Dahil lang ba sa pangako mo kay Jacob iyan o may iba?" Ang saad ni Jenny.

Hindi naman makasagot si Matthias sa sinabi ni Jenny. Alam niya sa sarili niya kung bakit niya ginagawa iyun. Alam niya na ginagawa niya iyun dahil magal niya si Trisha.

"Alam mo Matthias matagal na namin napapansin halos araw araw mo hinahatid at sinusundo si Trisha. Alam namin na may pangako ka kay Jacob pero sa pinapakita mo ay may something eh. Parang hindi monlang ginagawa iyun dahil sa pangako mo kay Jacob." Ang pahayag ni Rodolfo.

"Kahit hindi mo sabihin at aminin ngaun sa amin. Alam namin na may gusto ka sa anak namin." Ang saad ni Jenny at tinignan ng maayos si Matthias.

"Hindi ka naman namin pipigilan kung may balak kang suyuin ang anak namin. Hindi din naman namin pipigilan si Trisha kung magkagusto siya sa iyo. Alam ko biyudo ka na din naman. Alam ko mabait kang tao at mapagkakatiwalaan din. Pero gusto lang naman namin makasiguro na hindi masasaktan si Trisha at masiguro na totoo ang hangarin mo sa kanya." Ang dagdag ni Rodolfo.

"Hindi naman namin iisipin ang agwat ng edad niyong dalawa. Gusto lang namin makasiguro na hindi masasaktan si Trisha. At gusto lang namin na maging masaya siya. At sana unawain mo at huwag mo ipilit ang sarili mo kung una ay tatanggihan ka niya. Alam mo naman na anim na buwan palang ang nakaraan ng mamatay si Jacob." At alam ko na alam mo na hindi pa masyado nakakamove on si Trisha." Ang pahayag din ni Jenny.

"Naiintindihan ko po, tama kayo mahal ko nga si Trisha. At binabantayan ko siya dahil dun at sa pangako ko kay Jacob. Hindi ko naman pinipilit sa sarili ko. At handa ako maghintay kay trisha hanggang sa ready na siya." Ang paliwanag ni Matthias.

"So, mahal mo talaga anak ko?" Ang tanong ni Jenny.

Hindi na nagtago ng damdamin si Matthias sa magulang ni Trisha. Inamin na niya ang nararamdaman niya sa kanila para makita nila na maganda ang hangarin niya kay Trisha.

"Mahal ko na po si Trisha. Kahit man lang sa ganitong bagay mapaligaya ko siya." Ang sabi niya.

"Hindi sa ayaw namin sa iyo, Matthias. Alam mo mabait kang tao at alam ko poprotektahan mo ang anak namin. Pero kung anu ang desisyon ni Trisha ay sana igalang mo. Alam ko na alam mo na mahal na mahal ng anak namin si Jacob. Kahit na hindi niya pinapakita sa amin, alam namin na nasasaktan pa rin siya hanggang ngaun. At kung sakaling tanggapin ka ni Trisha, sana huwag mo siya sasaktan pati na ang mga anak nila ni Jacob." Ang pahayag ni Rodolfo.

"Wala po kaung ikabahala. Wala ako balak saktan silang tatlo. Tanggap ko sina Leana at Linus. Ituturing ko sila mga anak kung sakaling tanggapin ako ni Trisha. Ngunit hindi ko papalitan si Jacob na ama nila." Ang pahayag din ni Matthias.

Natuwa naman sina Jenny at Rodolfo sa sagot ni Matthias.

Pagkatapos umalis si Matthias ay tsaka naman pinatawag ni Jenny at Rodolfo si Trisha para siya din ay kausapin.

"Anak, anu tingin mo kay Matthias?" Ang tanong ni Jenny sa anak.

"Ma, eto na naman ba tayu? Sasabihin niyo ba ulit na may gusto sa akin si Gen. Matthias? Ilang beses ko na sa iyo sasabihin na wala. Ginagawa niya lang to dahil sa pangako niya kay Jacob." Ang sagot ni Trisha.

Napansin naman ni Trisha ang pagkaseryoso ng mommy niya.

"Hindi iyan ang tinatanong ko, anak. Tinatanong kita kung anu ang nararamdaman mo kay Gen. Matthias?" Ang paglilinaw ni Jenny.

Natigilan naman si Trisha sa tanong ng ina niya. Hindi niya akalain na magtatanong siya ng ganun.

"Ma, alam niyo naman na hanggang ngaun ay hindi ko pa rin makalimutan si Jacob. Masakit pa rin sa akin ang pagkamatay niya. Hindi pa ako handa para diyan." Ang paliwanag ni Trisha.

Malungkot na sumagot si Trisha dahil naalala niya ulit ang asawa niya.

Sa ngaun ay ayaw pa ni Trisha na pumasok sa bagong relation. Gusto niya muna magfocus sa mga anak niya.

"Kung malaman mo na mahal ka ni Matthias anak. Anu gagawin mo?" Ang tanong ulit ni Jenny.

"Ma naman. Alam naman natin na…" hindi natapos ang sasabihin ni Trisha dahil pinutol siya ni Rodolfo.

"Iha, ang gusto namin malaman. Kung anu ang gagawin mo kung malaman mo na ginagawa iyun ni Matthias dahil sa mahal ka niya." Ang saad ni Rodolfo.

"Lo.."

Hindi naman makapagsalita si Trisha. Hindi niya alam ang isasagot niya sa tanong nilang dalawa. Dahil nga sa hindi pa siya handa at hindi niya alam ang isasagot niya kung sakali mang magtapat si Matthias sa kanya.

Wala naman siya pakialam kung kaseng edad ni Jacob si Matthias. Talagang hindi pa siya ready magmahal ngaun.

"Anak, hindi ka namin pipilitin. Kung ano ang magiging desisyon mo at sagot mo hindi ka namin pipilitin. Sana kung sakaling magtapat sa iyo si Matthias, huwag mo siya ipagtabuyan." Ang pahayag ni Rodolfo.

Matapos kausapin ni Rodolfo si Trisha ay nagdesisyon siyang umuwe na muna sa bahay nila. Nagpaiwan naman ulit si Jenny para alalayan ang anak niya.

--

Hindi naman makatulog si Trisha matapos marinig ang mga sinabi ni JEnny at Rodolfo. Nagsimula na rin siya malito kung ano ang nararamdaman ni Matthias sa kanya at nararamdaman niya kay Matthias.

Hindi siya galit kay matthias. Ngunit hindi niya alam kung anu talaga niyang nararamdaman sa kanya.

ngunit may konti tuwa siya ng naalala ang sinabi ng mommy niya na mahal siya ni Matthias. Napapangiti siya dun ngunit naalala niya ang asawa niyang si Jacob na namayapa na.

Iniisip na niya ngaun kung may pagtingin na ba si Matthias sa kanya. At nalilito na rin siya sa damdamin niya kay Matthias akala niya lang ay kaibigan lang siya.

Alam niya sa sarili niya na mahal pa niya si Jacob at hindi pa niya nakakalimutan ang pagkamatay ng asawa niya.

Ilang sandali ay nagdecide siyang kausapin kinabukasan para alamin ang nararamdaman sa kanya ni Matthias.

Alam niya na may pinag usapan sila ng magulang niya kaya ganun nalang ang sinasabi ng magulang niya. Gusto na niya malaman kung anu ba talaga siya sa puso ni Matthias.

Kaya kinabukasan ng sunduin siya ni Matthias ng pauwe na siya ay dito na niya eto kinausap habang nasa sasakyan sila pauwe.

"Gen. Matthias, may itatanong lang ako sa inyo. Hopefully magsabi kayu ng totoo sa akin at sana huwag po ninyo itago ang totoo." Ang pahayag ni Trisha.

Nagulat naman si Matthias nung nagsalita siya sa kalagitnaan ng biyahe nila.

"Anu tatanong mo sa akin, Trisha." Ang sagot niya.

Hindi naman nagpaligoy ligoy si Trisha dito. Gusto na niya malaman iyon at ayaw na niya magsayang ng oras.

"Gusto ko lang malaman kung anu ako sa iyo? May gusto ka ba sa akin?" Ang biglaan tanong ni Trisha.

'Nagulat naman si Matthias sa biglaan tanong ni Trisha kaya napahinto siya sa gitna ng daan. Buti naman at walang nakasunod sa likuran nila kundi madidisgrasya sila.

"Matt, sorry. iparada mo muna ang sasakyan sa tabi baka tayu madisgrasya." Ang sabi ni Trisha ng marealize niya na nagulat si Matthias sa tanong niya.

Nang naiparada na ng maayos ni Matthias ang sasakyan niya ay tinitigan niya si Trisha at nakita niya sa mga mata niya na puno ng katanungan. Gusto naman niya itago iyun dahil hindi pa siya handa ngunit wala siya magawa kundi umamin dahil sa mga katagang sinabi ni Trisha.

"Kung hindi ka magsasabi ng totoo sa akin, Gen. Matthias. Mas mabuti pang huwag ka ng magpakita sa akin. Ayoko ng sinungaling at ayoko ng pinagtataguan ako." Ang banta ni Trisha.

Medyo nasaktan si Matthias dun. Ayaw niya mawala si Trisha kaya unamin na siya.

"Will still be friends after this?" Ang tanong ni Matthias.

"Oo naman, Matt. We'll still be friends. Promised." Ang sagot naman ni Trisha.

Nakita ni Matthias na seryoso si Trisha sa sinabi niya kaya minabuti na niya na umamin.

"Oo, Trisha. May gusto ako sa iyo. Mahal na kita kaya ko to ginagawa, hindi lang dahil sa pangako ko kay Jacob." Ang pahayag ni Matthias.

Hindi masyado makatingin si Matthias kay Trisha na parang nahihiya dahil sa pag amin niya.

"Bakit? Bakit ako pa? Alam mo naman na mahal na mahal ko pa asawa ko hanggang ngaun at hindi ko pa siya nakakalimutan. Madami naman babae diyan." Ang saad ni Trisha.

"Well im attracted to you, I know it. I already had this feelings before but this is stronger than before. Araw araw, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Alam ko mahal mo si Jacob at handa ako maghintay." Ang paliwanag ni Matthias.

Alam ni Trisha ang tinutukoy ni Matthias dahil naikwento na niya ang buhay nila ng namayapa din niyang asawa.

"No, hindi kita pwede paghintayin Matt. Hindi ko kaya kalimutan si Jacob. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang ipagpalit kahit patay na siya." Ang sabi naman ni Trisha.

"I know. I know kung gaano mo siya kamahal. P…" magpapaliwanag pa sana si Matthias ngunit inunahan siya ni Trisha.

Napansin na din ni Matthias na nagsisimula ng umiyak si Trisha.

"Kung ganun bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa akin." Ang sabi ni Trisha.

"Hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa iyo Trisha. Kung hindi mo ako mahal tatanggapin ko. Handa akong maghintay sa iyo. Hindi ko rin sinasabi na kalimutan mo si Jacob at hindi ko siya papalitan sa puso mo. Sana bigyan mo lang ako ng puwang sa puso mo. Mahal kita Trisha" Ang seryosong pahayag ni Matthias sabay hawak sa kamay ni Trisha.

Nakita naman ni Trisha na seryoso si Matthias sa sinasabi niya.

Ngunit ayaw niya bigyan ng pag asa si Matthias. Ayaw niya umasa sa kanya ang kaibigan ni Jacob.

Nagpasalamat naman kahit papano si Trisha sa pagmamahal nito.

Hindi naman nagtagal ay tinanggal ni Trisha ang kamay ni Matthias mula sa pagkakahawak sa kamay niya.

"No, Matt. I can't accept your feelings for me. You know, i still love Jacob and I can't get over him yet. Hindi ko pa kayang pumasok sa bagong relation. Masakit pa rin sa akin ang pagkamatay ni Jacob." Ang paliwanag ni Trisha kay Matthias at dito tuluyang umiyak si Trisha.

Nalungkot naman si Matthias sa paliwanag ni Trisha ngunit hindi siya nagalit. Inintindi niya ang situation ni Trisha. Pupunasan naman sana ni Matthias ang luha ni Trisha pero itinaboy ni Trisha ang kamay niya.

Magsasalita na sana si Matthias ng inunahan siya ni Trisha. Ayaw na ni Trisha pahabain pa ang usapan nila. Para sa kanya mas lalo lang kokomplikado ang situation kung patatagalin pa niya.

"Matt, I'm sorry to tell you this but I do not have feelings for you. So, you don't have to do your promise to Jacob anymore. Eto na din ang huli natin pagkikita Matt. Sorry." Ang pahayag ni Trisha at tuluyan na niyang pinutol ang ugnayan nila.

Ayaw naman sana ni Trisha na putulin na ang ugnayan nila ay wala siya magawa. Ayaw niya mas lumalim ang nararamdaman ni Matthias sa kanya. Eto lang ang naisip niyang paraan.

Isa pa nalilito na rin siya sa nararamdaman niya kay Matthias sa oras na iyun.

Sobrang nasaktan si Matthias sa sinabi sa kanya ni Trisha. Gusto niya ngaun magwala sa oras na iyun dahil sa sakit na nararamdaman niya dahil hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon.

"Is that it…" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya dahil sa ayaw niya masaktan si Trisha.

Kaya lumabas nalang siya ng sasakyan niya at dun siya naglabas ng sakit ng loob.

Nakita naman ni Trisha ang ginawa ni Matthias. Nagulat din siya dahil nakita niya na sinusuntok niya ang pader hanggang sa magdugo ang kamay niya.

Dito niya napagtanto na malalim na ang nararamdaman ni Matthias sa kanya. Ngunit desisdido siya na putilin na ang ugnayan nila para hindi na mas mahulog si Matthias sa kanya.

Lumabas siya sa sasakyan para kausapin si Matthias para ipaliwanag ang nais niya.

Medyo nasasaktan din siya sa nakikita niya. Aminin man niya o hindi ay ayaw niya na nasasaktan si Matthias dahil sa kanya.

"Matt, please. Listen to me. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo sa akin. Ayaw kita makitang nasasaktan." Ang sabi niya.

Magpapaliwanag pa sana siya ngunit umalis ulit si Matthias sa harapan niya at pinagpatuloy ni Matthias ang ginagawa. Mas lalo dumugo ang kamay ni Matthias. Pinanood lang ni Trisha ang ginagawa ni Matthias, hindi niya eto mapigilan hanggang sa huminahon na siya. Pumasok nalang si Trisha sa loob ng sasakyan niya at hinintay kumalma si Matthias.

Naluluha naman si Trisha habang pinapanood ang ginagawa ni Matthias sa sarili. Mas lalo nalito si Trisha sa nararamdaman niya sa kanya.

"Mahal na ba kita. Huhuhu!! Jacob, please tulungan mo ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko." Ang nasa isip niya at tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya.

Nang pumasok siya ay kitang kita ni Trisha ang kamay ni Matthias. Sobrang duguan ang kamay niya.

bigla naman inabuton ni Trisha ang kamay niya para punasan man lang ngunit bigla nalang binawi ni Matthias ang kamay niya. Dahil sa ginawa ni Matthias ay naoffend si Trisha. Gusto lang naman niya icheck kung okay lang ba ang kamay niya.

Ilang sandali pa ay hinatid na ni Matthias sa bahay niya. Magpapaliwanag pa sana si Matthias ngunit pinigilan siya ni Trisha.

"Since you already calm now. Please Matt, intindihin mo ako. Akala ko ba tatanggapin mo desisyon ko? Alam ko nasasaktan ka pero sinabi ko sa iyo. Hindi pa ako handa para pumasok sa bagong relation." Ang pahayag ni Trisha.

Pilit naman niya itinatago ang nararamdaman niya sa kanya.

"Maghihinta…"

"Hindi pwede, gaya ng sinabi ko sa iyo. Wala ako nararamdaman sa iyo. Kaya hindi kita kayang paghintayin. So, this will be the last time na ihatid mo ako at sunduin. So please matt, goodbye." Ang sabi niya tsaka lumabas ng sasakyan niya at umalis.

Hindi naman muna umalis si Matt sa harap ng bahay ni Trisha at hindi siya lumabas ng sasakyan. Naiwan lang siyang tulala.

Ilang oras pa ay hindi pa umaalis si Matthias sa harap ng bahay nila.

"Iha, mas mabuti siguro kung kausapin mo ulit si sir Matt. Hanggang ngaun kasi hindi pa siya umaalis sa harap ng bahay." Ang sabi ni Manang Glory.

"Ha? Tatlong oras na mula ng ihatid niya ako ah. Sige kausapin ko siya." Ang sabi ni Trisha.

Lumabas na siya ng bahay at nagtungo sa sasakyan ni Matt.

Paglabas niya ng bahay ay nakita niya na nakatulala lang si Matt sa loob ng sasakyan niya. Napansin din niya na umiyak ng matagal si Matt.

Sa oras na iyun, parang mas lumala ang sakit na naramdaman niya sa kanyang dibdib. Ngunit binalewala lang niya iyun at kinatok ang bintana ni Matt. Agad naman siya pinagbuksan ni Matt.

Nakita naman agad ni Trisha ang duguan kamay ni Matthias na puno pa rin ng sugat. Niyaya naman niya si Matthias na pumasok para magamot ang sugat ngunit hindi nagsasalita si Matthias at hindi rin tumutingin sa kanya.

Nakatitig lang si Matthias sa kanyang harapan.

"Ano ba problema mo, Matt. Sinabi ko na wala ako pagtingin sa iyo. Bakit hindi mo matanggap, na hindi kita mahal. Matt, please. Intindihin mo ako." Ang pahayag ni Trisha

"Hindi mo ba ako bibigyan lang ng isang chance." Ang tanong ni Matthias.

"no, wala rin naman mangyayari. Mabuti pa umalis ka na. Wala na tayu pag uusapan pa. Tsaka gabi na. Pwede ba umalis ka na kung wla ka din naman gagawin dito sa bahay. Hindi mo ba alam na tinatakot mo mga kasama ko sa bahay. Kung ayaw mo umalis ng kusa ay magtatawag na ako ng security guard para paalisin ka at huwag ka na din bumalik dito. Huwag mo hintayin na ipaban kita sa subdivision." Ang sabi ni Trisha na walang kaemoemotion ngunit sa loob niya ay nasasaktan siya.

Nasaktan lalo si Matthias sa sinabi ni Trisha. Parang wala lang siya sa kanya ngaun.

"Hehehe!!" Ang tawa ni Matthias na parang nababaliw ng marinig niya ang sinabi ni Trisha.

"Ganito na lang pala ang kinahahantungan ng pagamin ko sa kanya. Pati pagkakaibigan namin nawala akala ko ba hindi ako itataboy gaya ng sabi niya." Ang sabi niya.

Hindi malakas ang sinabi niya ngunit rinig pa rin ni Trisha ang sinabi niya.

Hindi naman na ulit nagsalita si Matthias at pinaandar na niya ang sasakyan niya at umalis nalang siya ng hindi din tinignan si Trisha.

Medyo nasaktan na naman si Trisha sa sinabi niya at ginawa ni Matthias na hindi man lang siya kinausap at umalis nalang siya. Medyo nakonsensya naman siya dahil hindi niya tinupad ang pangako niya bago siya nagconfess. Ngunit naisip niya na sinaktan din niya si Matthias kaya hindi na lang niya inisip masyado iyun.

"Mabuti ng ganito bago maging komplikado ang lahat. Ayaw kitang saktan Matt at aaminin ko hindi ko alam kung mahal kita o hindi pero ayaw ko muna pumasok sa bagong relation." Ang naisip ni Trisha.

"Pasensya ka na hindi ko tinupad ang pangako sa iyo. Hopefully pagmagkita tayo ulit. Sana maging magkaibigan pa rin tayo." Ang dagdag pa niya.

Alam niya na magkikita pa rin sila. Ninong siya ng dalawa niyang anak at ninang naman siya ni Serenity, ang bunsong anak ni Matthias sa namayapa niyang asawa.

Nang matutulog na si Trisha ay hindi siya makatulog dahil naiisip niya ang pag amin sa kanya ni Matthias. Hindi siya makapaniwala na tama ang magulang niya.

Ngunit ng maisip niya ang nangyari kanina ay dito na bumuhos ang buong emotion niya.

"Bakit ako nasasaktan sa ginawa niya kanina. Anu ka ba sa puso ko Matt." Ang nasa isip niya.

Nagsimula ng mas tumindi ang pagkalito ni Trisha sa nararamdaman niya kay Matthias. Habang nalilito siya ay bigla pumasok sa isipan niya ang lahat ng ginawa ni Matthias sa kanya for the past 6 months pagkatapos mamatay si Jacob.

Nakita niya sa alala niya kung paano siya pahalagaan ni Matthias, kung paano siya alagaan pati ng kanyang mga anak. Nakikita din ni Trisha na masaya ang mga anak nila ni Jacob sa kanya at nakikita niya na tinuturing din ni Matthias na anak niya ang dalawa niyang anak.

Naiisip niya din panu siya protektahan lalong lalo na nung may magtangkang gayumahin siya at gahasain. Kitang kita niya sa mata niya na sobra ang pagpapahalaga nito sa kanya.

"Matt, anu ka ba sa akin? Bakit ako nasasaktan ngaun sa ginagawa mo." Ang nasa isip ni Trisha.

Dahil sa hindi makatulog si Trisha dahil sa pagiisip kay Matthias ay pinagpasyahan nalang niya magbasa ng reports galing sa conpanya niya para mawala sa isipan niya si Matthias.

Sa dako naman ni Matthias ay walang kaalam alam si Trisha na sobrang nalulungkot siyang nagdamdam. Halos sirain lahat ni Matthias ang lahat ng gamit niya sa loob ng kanyang kwarto.

Dahil sa nangyayari ay hindi makalapit sa kanya ang bunso niyang anak at mga katulong nila para awatin siya. Wala din sila kaalam alam kung ano ang naging dahilan bakit nagkaganun si Matrhias.

"Bakit, bakit hindi mo man lang ako bigyan ng pagkakataon. Dahil ba matanda na din ako. Bakit?" Ang nasa isip ni Matthias.

Dahil sa pagwawala ni Matthias ay mas dumugo ang kamay ni Matthias.

Nagawa lang linisin ng mga katulong ni Matthias ang kanyang kamay ng makatulog eto.

Kinabukasan ay pumasok pa rin si Trisha sa opisina niya. Ngunit sa pagkakataon iyun ay wala pa rin siya sa sarili niya. Iniisip pa rin niya si Matthias. Hindi pa rin matanggal sa isip niya si Matthias.

"Hindi kaya nagkagusto na din ako kay Matt? … no.. no.. hindi maaari yun. Tama ang ginawa ko. Tama lang na pinutol ko na ang ugnayan namin. Ayaw ko mahulog ako ng tuluyan." Ang sigaw niya sa isipan niya.

Iniisip pa rin kasi niya ang namayapang asawa.

Dahil sa pagiisip niya kay Matthias ay hindi siya makafocus sa trabaho niya kaya nagdecide siya na umuwe nalang sa bahay nila. Nagsabi siya na magpapahinga na muna siya at naiisip niya na maaayos din ang lahat at mawawala sa isip niya si Matthias.

Kaya tinext na niya ang driver ng mommy niya para sunduin siya sa opisina niya.

Pagbaba naman niya sa labas ng building ay hindi niya inaasahan na makita niya si Matthias at may hawak hawak pa na bulaklak. Nagulat siya na magpapakita pa rin si Matthias sa kanya at hindi nakikinig sa sinabi niya kagabi. Hindi naman tinanggap ni Trisha ang bulaklak na binigay sa kanya ni Matthias.

"Matt, di ba sinabihan na kita kahapon na hindi na dapat tayo magkita pa. Please Matt. Sa iba mo nalang ialay ang mga bulaklak at pagmamahal mo. Hindi kita mahal." Ang sabi ni Trisha at umalis na lang siya sa harapan ni Matt.

Ayaw niya ulit makita ang malungkot na mukha nito at at makitang umiyak ito.

Dahil baka maiyak din siya kagabi ng maalala niya ang ginawa ni Matthias.

Napilitan na magsabi ng kasinungalingan si Trisha. Hindi sa hindi niya mahal si Matt, kundi sa nalilito lang talaga siya at ayaw niya magkamali. Gusto niya malinawan muna bago pumasok sa relation.

Nagpatuloy naman si Matthias sa panliligaw kay Trisha at patuloy pa rin siya tinataboy kung minsan nga ay hindi siya pinapansin ni Trisha.

Wla naman magawa si Trisha sa huli kundi hindi pansinin at hindi kausapin si Matthias. Hindi na rin niya sinasagot ang tawag at text nito.

Napansin din ni Trisha na sinusundan siya ni Matthias hanggang makauwe siya sa kaniyang bahay.

Nung una ay hinahayaan na din niya si Matt na sundan lang siya. Alam naman niya na hindi siya sasaktan ni Matthias. Ngunit sa huli ay pinagsabihan din siya at sinabing irereport siya sa pulis dahil sa pagsunod sa kanya.

--

Isang araw ay bigla siya binisita ni Anthony sa kanyang opisina.

"Anthony, kumusta na, napabisita ka ata? Mukhang ang laki na ng pinagbago mo ah. Gwapo na ang kapatid ko." Ang saad ni Trisha.

"Eto okay lang naman. May business meeting kase ako bukas sa MLM kaya naisip ko na bisitahin ka na din. Dati naman ng gwapo ang kapatid mo, tita." Ang saad naman ni Anthony.

"Makatita ka diyan. Tsaka lakas ng hangin ah, buti hindi natutumba etong building." Ang pangaasara naman ni Trisha.

Natawa nalang si Anthony sa sinabi ni Trisha.

"Balita ko nanliligaw sa iyo si Gen. Matt." Ang biglang pahayag ni Anthony.

Hindi naman nakasagot si Trisha sa tanong ni Anthony kaya naisip ni Anthony na hindi maganda ang ugnayan nila ngaun ng general kaya minabuti nalang niya na iwasan ang usapin tungkol sa kanya.

Iniba naman agad ni Anthony ang usapan nila at kwinento nalang ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Princess. Tumagal ang kwaentuhan nila ni Anthony at lahat ginawa ni Anthony para hindi mapag usapan ang tungkol kay Gen. Matthias.

Sa napansin kanina ni Anthony ay madaming katanungan si Anthony ngunit hindi pa napapanahon para tanungin ang bagay na iyun. Alam niya sa kanila na may problema ang dalawa.

Nang pauwe na sila ay hindi niya ulit inaasahan si Matthias na makasalubong sa labas ng opisina niya. Nang makita ni Trisha si Matthias ay nawala ang ngiti niya sa kanyang labi.

"Mukhang hindi ako titigilan nito. Mabuti pa kausapin ko nalang eto para matapos na ang lahat. Ayoko ng tumagal ang situationg ito." Ang nasa isip niya.

Nakita din ni Anthony si Matthias na naghihintay sa kanila. At nakita niya ang tingin niya sa kanila. Napansin niya ang namumuong tension sa kanilang dalawa.

Nang tignan niya ay napansin niya na nakahawak pala sa bisig niya si Trisha kaya nagets niya na yun ang dahilan bakit ganun ang titig niya sa kanila.

Para hindi lumala ang situation at minabuti nalang ni Anthony na tanggalin muna ang pagkakahawak ni Trisha sa bisig niya at dumeretso si Anthony na pumasok sa loob ng sasakyan na sumundo kay Trisha.

"Trisha, its better for you to talk. Huwag mo na itong patagalin pa. Ayusin mo ng maayos ang problema ninyo." Ang sabi ni Anthony at tsaka umalis.

Samantala, habang naghihintay si Matthias na lumabas si Trisha ay nagulat siya ng may makitang kasakasama si Trisha na lumabas ng opisina niya.

Nagulat din siya na makitang maging masaya si Trisha. Kaya nakaramdam siya ng selos. Nasasaktan siya ngaun sa nakikita. Hindi pa niya nakikita si Anthony kaya hindi niya kilala ang kasama ni Trisha.

Nakita naman sila ng dalawa at nakita din niya na bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak kay Trisha at dumiretso eto sa sasakyan ni Trisha. Ang ginawa ng lalaki ay mas nagpasakit sa kalooban ni Matthias.

Mag sasalita na sana si Matthias ng inunahan na siya magpaliwanag ni Trisha. Dito na naisip ni Trisha na gamitin ang situation para tuluyan na siyang tigilan ni Matthias. Para kay Trisha pinapalaya niya sa oras na ito si Matthias.

"Matt, ngaun nakita mo na. Hindi ko na itatago sa iyo." Ang sabi ni Trisha.

"May mahal na akong iba at siya iyun. Ayaw ko masaktan ka kaya ko yun ginagawa. Kaya ako nagsinungaling dahil ayaw kitang saktan. Kaya mabuti pa tigilan mo na ako. Hindi kita mahal. Hindi ko na kasalanan ang nangyayari sa iyo." Ang dagdag pa nia.

"Yan ba ang dahilan? Tingin mo hindi ako nasaktan nung nagsinungaling ka sa akin? At Lahat ba ng nangyayaring eto ay isisi mo sa akin bakit ako nasasaktan? Ako ba lahat ng may kasalanan bakit nangyayaring to? Gusto kita kausapin ng maayos ngunit lagi mo nalang akong hindi pinapansin at tinataboy ng parang isang pulubi sa daan na may nakakadiring sakit. Tapos lahat ng ito isisisi mo sa akin? Ano bang ginawa ko sa iyo para ganituhin mo ako." Ang pahayag ni Matthias

Napaiyak si Matt sa sinabi niya at hindi siya pinili nito. Aalis na sana si Trisha sa harapan niya ng bigla siya hinawakan ng mahigpit.

Hindi naman makapagsalita si Trisha sa sinabi ni Matthias. Tama si Matthias, hindi niya dapat isisi lahat sa kanya dapat kinausap at pinaliwanagan na niya dati si Matthias.

"Patawad kung ganun. Patawad kung nasaktan kita. Pero may mahal na akong iba. Kaya hindi tayo nababagay sa isa't isa." Ang pahayag niya.

Hindi naman makatingin si Trisha sa mata ni Matthias dahil ayaw niya makita ang mata nito. Ayaw niya makita na nalulungkot at nasasaktan si Matthias dahil baka malaman niya na may nararamdaman din siya. Ayaw niya umiyak sa harapan niya.

"Tell me, bakit hindi mo ako kayang mahalin? Look at me Trisha." Ang tanong ni Matthias.

"Mabait ka, maaasahan pero hindi kita kayang mahalin dahil napangakuhan ko na siya ng kasal.. kaya hindi kita pwedeng mahalin, Matt. Sana huli na nating pagkikita eto." Ang paliwanag nia.

Natigilan naman si Matthias at nabitawan na niya ng kusa ang kamay ni Trisha ng marinig niya ang sinabi niya.

"Matt, I will announce our marriage sa kaarawan ko. Kung gusto mo magpunta hindi kita pipigilan. Alam ko mabilis pero wala ka nang pakialam dun. Tinatanggap ko lang ang tulong mo dahil kay Jacob., kung wala si Jacob ni minsan hindi ka makakalapit sa akin kahit presidente ka pa. Kung iniisip mo na ginamit lang kita, oo tama ka. Ginamit lang kita" Ang pagsisinungaling pa niya.

Sinabi niya iyun para kahit papano ay hindi na umasa si Matthias sa kanya at tigilan siya.

Alam niya masakit iyun. Nasasaktan din siya dahil nakikita na sobrang nasasaktan si Matthias ngunit alam niya na mas masasaktan pa si Matthias kung ipagpatuloy pa niya. Hindi niya na isip na umabot na siya sa hangganan ni Matthias.

Hindi naman makapaniwala si Matthias ng marinig pa ulit iyun.

"So, pinaglaruan mo lang pala ako mula simula pa lang. Wala ka palang puso. Prinotektahan kita sa mga taong may masamang balak sa iyo pero isa lang pala ako laruan sa iyo. Pinaikot mo lang pala ako. Inalagaan kita pero wala lang pala ako sa iyo kundi isang laruan lamang. Sana maging masaya ka sa ginagawa mo ngaun. Simula ngaun kakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa iyo. Lahat ng pinakaayaw ko sa lahat at ang ginagamit lang ako. Simula ngaun kaaway na ang trato ko sa iyo. Huwag kang mag aalala hindi ko pa rin hahayaan makaalis sa kulungan ang tatlong dati mong kasosyo sa business na nagtangkang manghalay sa iyo. Paalam sa iyo. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita at minahal." Ang pahayag niya at umalis na sa harapan ni Trisha ng hindi tumitingin pabalik.

Ramdam ni Trisha ang sakit sa sinabi ni Matthias at hindi lang sakit kundi punong puno din ng galit. Dito lang tumingin si Trisha sa mga mata ni Matthias.

"Huwag ka na din magpakita sa harap ko. Ayoko makita ang mga taong tingin sa akin ay laruan lamang. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa iyo kung makita kita sa harapan ko. Simula ngaun, mawawala na ako sa buhay mo." Ang dagdag pa niya bago tuluyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.

Sobrang nasaktan si Trisha sa sinabi ni Matthias. Nakita din kase niya ang namumuong galit sa mukha ni Matthias. Dito tuluyang bumagsak ang mga luha. Dito niya napagtanto na sobra sobra na niyang nasaktan si Matthias. Dito siya nagsisi sa ginawa niyang pagsisinungaling at sa oras na iyun ay gusto na niyang itama ang pagsisinungaling niya.

Alam niya sa oras na iyun ay todo todo yung ginawa niya dahil kilala niya si Gen. Matthias. Magagawa niya magtiis para sa minamahal niya pero ayaw niya lang na ginagamit lang siya.

"Matt, wait!" Ang sigaw ni Trisha at hinabol si Matt na nakapasok na ng kanyang sasakyan.

Sa oras na iyon Dapat maging masaya sana si Trisha dahil titigil na si Matthias sa pagsuyo sa kanya at maging maligaya siya. Ngunit ng naramdaman na niyang may galit na siya sa kanya ay sobra siya naman ang nasaktan sa nangyari.

hindi niya din inaasahan na hindi naayon sa kanyang kagustuhan ang lahat. Akala niya na titigil si Matthias sa pagsuyo sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na may mamuong siyang galit sa kanya.

ayaw niya mangyari iyun.

Dito niya naramdaman ang nararamdaman niya kay Matthias. Sa oras na aalis si Matthias sa buhay niya ng tuluyan ay siya naman niya narealize ang nararamdaman niya. Ayaw niya mawala si Matthias.

ang masasayang pagsasama nilang dalawa ay napapalitan ng kalungkutan.

Sa oras na iyun ay sinubukan niya habulin si Matthias at humingi ng tawad sa sinabi niya at aminin na lahat ng nararamdaman niya. Ngunit nahuli siya dahil umalis agad si Matthias at nawala agad sa paningin nila ang sasakyan niya.

Kahit na iutos niya ang driver nila na habulin si Matthias ay hindi niya magawang magagawang habulin dahil sa hindi nila alam san nagtungo si Matthias.

Pagbalik niya sa sasakyan ay dito lang siya pinagsabihan ni Anthony.

"Trisha, bakit mo naman sinabi na may relation tayu at ikakasal na. At higit sa lahat bakit mo sinabi na ginagamit mo lang siya. Hindi mo ba alam gaano kasakit ang ginawa mo sa kanya ngaun. Mahal na mahal ka ni Gen. Matthias pero ganito lang ang ginawa mo sa kanya." Ang pangangaral ni Anthony.

"Kahit anung paliwanag mo, hindi pa rin tama. Nakikita ko naman na hindi ka sinasaktan ni Matthias pero bakit mo siya sinaktan ng sobra. Alam mo ba na lahat ng tao may limitation. At ang sinabi mo, nasaktan mo na siya ng todo." Ang dagdag pa niya.

Rinig na rinig ni Anthony ang usapan nilang dalawa dahil malapit lang ang sasakyan ni Trisha.

Hindi naman makapagsalita si Trisha. Umiyak nalang siya ng todo sa harap ni Anthony. Sa oras na iyun ay alam na niya na mahal na niya si Matthias. Sising sisi siya bakit niya sinabi iyun.

"Matt, I'm so sorry. Nalilito lang ako sa nararamdaman ko sa iyo. Natatakot lang ako na pumasoknsa relation dahil hindi ko pa alam ang nararamdaman ko. Sorry mahal ko kung nasaktan kita ngaun." Ang saad niya sa sarili niya.

Itutuloy…