1. Home
  2. Stories
  3. MAPUSOK ANG KULAYNG BAHAGHARI
Filipino Sex Stories

MAPUSOK ANG KULAYNG BAHAGHARI

By teddyray ·

MAPUSOK ANG KULAY NG BAHAGHARI

By: TEDDYRAY

Unang Aklat: " TATLONG PUGAD, ISANG IBON "

PANIMULA:

Ang buhay ng tao ay isang enigma. Isang malalim na bugtong na ang sagot ay isang lalo pang malalim na bugtong. Ayon sa pag-aaral, may tatlong pangangailangan ang tao para mabuhay; pagkain, damit at tirahan. May ika apat pa na pangailangan ang tao na mahalagang bahagi ng kanyang pakikibaka sa buhay; ang pangangailangang sekswal.

Ang kalikasan ng lahing tao, tulad ng lahat ng bagay dito sa daigdig na may buhay ay tumitiyak sa pagpatuloy ng lahing tao sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng sexual genes na pumupukaw sa pangangailang sexual ng bawat nilalang na may buhay. Subalt, higit sa mga hayop, at iba pang nilalang na may buhay, ang sekswalidad ng tao ay hindi lamang para paramihin ang lahing tao.Ito ay nag aambag din sa paghubog sa kanyang moral at societal development. Sapagkagkat, ang sekswalidad sa lahing tao ay may kaakibat na emosyon na kung hindi mapang-buo, ito ay mapang wasak. Sa pagtatalik nagaganap ang himala ng buhay. Ang kasabay na emosyon sa bawat pagtatalik, ang nagbibigay kulay sa buhay. Ang kapusukan ay isang emosyon. At ang makulay na emosyon sa bawat pagtatalik sa bawat yugto ng buhay ay bahaghari ng ating kapusukan.

Ito ang aking kasaysayan. Ang makulay na bahaghari ng aking kapusukan.

UNANG KABANATA : " PAGSASABON "

Simple lang ang buhay na nakagisnan ko. Isang payak na pamumuhay na ginugol ko sa isang barangay sa lalawigan ng Bulacan. Pang-anim ako sa walong magkakapatid na tatlong lalake at limang babae. Retiradong guro sa elementarya ang aking ama at simpleng maybahay naman ang aking ina. Ako ang pinaka-maliit sa aming magkakapatid. Namana ko daw ang height ko na 5'2" sa aking ina na halos limang talampakan lang ang taas.

Nakakapagtaka na ako ang ginawang junior ng tatay ko, gayung pang-anim ako sa aming magkakapatid. Sa akin nya ipinamana, ang kanyang hindi kabanguhang pangalan, na Teodoro. Sabi ng nanay ko, kaya daw gano'n kasi, si tatay ang parang naglihi nung ipinagbuntis nya ako. Nahilig daw sa siling labuyo si tatay ng panahong iyon, gayung takot ito sa maanghang.

Ang panganay haming kapatid ay nasa Amerika at isang US Navy Serviceman. Naroon sa kanya ang bunso namin af ang sumunod sa akin. May kanya- kanya ng pamilya ang iba pang mga kapatid ko, ng ako ay naging binatilyo.

At nag binatilyo ako sa panahong hindi pa napapasok ng lokal na ahensya ng water utilities ang aming barangay. Kaya, sa balon umaasa ang mga tao sa aming barangay, para maka-kuha ng tubig. At isa kami sa iilan sa aming barangay na mayroong sariling balon na mapagkukunan ng malinis na tubig. At naging daan at saksi ang aming balon sa pagka mulat at maagang pagka gising ng aking kamalayan sa sarap na dulot ng sex.

Naalala ko pa, madalas akong pag- usapan ng nanay ko at ni Aleng Tuding na kapit-bahay naming hilot sa aming barangay dahilan sa 'kakaiba' kong ari.

" Yang dyunyor ni Doro mo, Bebeng, " Narinig kong sabi ni Aleng Tuding kay nanay, isang araw nang ako ay nasa grade one pa lamang.

" Kung ano ang niliit- liit nyan, eh siya namang hinaba ng uten ng dyaske! " Naglalaro ako noon sa silong namin at nasa sala naghuhuntahan ang dalawa.

" Yun nga ang pinagtataka namin ni Doro," Narinig kong sambot naman ng aking ina.

" Normal naman ang titi nya. Maliit ngang tingnan, pero pag ito ay tumigas,talagang lumalaki siya."

" Nakow Bebeng, pag nagbinata yang si Ted, magki-kwintas yan ng mga babaknet. Aba'y buhay na buhay ang nunal na pula sa dulo ng uten, ng lintik! " At narinig ko ang kasunod na hagikhikan ng dalawa.

Labing walong taong gulang ako at nasa senior high school ng maramdaman ko ang unang silakbo ng aking libido. Yung tinatawag nilang, libog. At nadama ko ito sa babae na magkakaroon ng mahalagang bahagi sa buhay ko. Si Simeona.

Magka- klase kami ni Monang, palayaw ni Simeona. Maputi siya, tsinita ang mga mata at katamtaman ang tangos ng ilong. Matangkad siya sa akin ng higit sa apat na pulgada. Mahaba ang kanyang buhok na hanggang bewang. Maganda si Monang, kung hindi lang sa kanyang dalawang malalaking ngipin sa harap ng bibig. At dahil dito ay palihim siyang tinutudyo bilang babaeng Apeng. Bilang paghahalintulad sa kanya sa matagal ng namayapa na komedyanteng si Apeng Daldal.

Bukod pa dito ay madalas din siyang tawaging manang dahil sa suot nyang palda na uniporme na hanggang sakong. Sa hinuha ng marami, si Monang ay kimi, mahinhin, maka-luma at walang appeal. Na kabaliktaran sa natuklasan ko ng hapong iyon ng mapukaw ang libog namin sa bawat isa.

Intramural sa school namin ng araw na iyon. Masaya at maingay ang mga estudyante sa panonood ng mga palaro. Nakita ko si Monang na nag-iisa sa may gilid ng classroom na kung saan ay naglalaro ng chess ang mga kasali sa palaro. Nang makta nya na lumapit ako doon sa kwarto na pingdarausan ng chess tournament, napansin ko ang mabilis na paglapit ni Monang sa kinaroroonan ko.

"Akala ko kasali ka sa chess, Enrique?" Narinig kong bati nito mula sa likuran ko. Tinawag nya ako sa apelyedo ko. Kasalukuyang naka-silip ako sa bintana sa labas ng class room, na pinagdarausan ng chess games.

Nagulat ako ng tiia walang anumang malisya na dumako sa likuran ko si Monang at iniakbay ang kanang kamay sa kanang balikat ko na nakisilip din sa mga naglalaro ng chess sa loob ng classroom.

"Si Daniel ang napili na kumatawan sa section natin," Sabi ko naman, na ewan ko kung napansin ni Monang ang pag garalgal ng boses ko. Kasi ba naman, dahil mas matangkad si Monang sa akin, ay naramdaman ko ang pagsagi ng malambot na dibdib nya sa likod ko.

Bigla ay nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan, at naramdaman ko na biglang bumukol ang harapan ko. Saglit akong napalingon kay Monang, at nasamyo ko ang amoy ng baby powder na ipinulbo nya sa kanyang mukha at katawan. Pakiramdam ko ay lalong tumigas ang naka-bukol sa aking pantalon ng maramdaman kong dumaiti sa aking balakang ang mainit na harapan ni Monang.

"Sinasadya ba ni Monang na idikit ang kanyang katawan sa likuran ko?" Halos pigilin ko ang aking paghinga ng mga sandalng iyon. Tuluyan na akong nilukuban ng pagnanasa kay Monang. Pasimple kong inilagay ang kaliwa kong kamay sa aking likuran upang apuhapin ang harapan ni Monang. Pinakiramdaman ko kung bigla nitong ilalayo ang katawan sa pagkakadaiti sa aking likuran. Naramdaman kong pasimpleng luminga-linga si Monang sa mga nanonood din ng tournament, na mga naka silip din sa bintana na tulad namin. Nalugar kami, kung saan na ang wind breaker ng gusali, ay nasa kaliwang bahagi namin, kaya matatago ang pwedeng gawin ng kaliwang kamay namin.

At nang matiyak marahil na ang mga mata ng lahat ng naka miron sa nagaganap na palaro ay nakatutok sa mga laro, naramdaman ko na bahagyang umayos ng tayo si Monang at gumilid konti pakaliwa. At ng sumentro ang kanyang harap sa kaliwang palad ko na inilagay ko sa aking likuran, ay lalo akong nangaykay sa libog. Napaka tambok ng nasalat ko sa ibabaw ng palda nya. Naramdamaman kong parang nakuyente si Monang ng marahang pisilin ko ang katambukang iyon. At napayupyop siya sa balikat ko.

Iyon ang kauna-unahang karanasan at kapangahasan ko na makahipo at manghipo ng hiyas ng isang babae, kahit pa sa ibabaw lamang iyon ng palda ni Monang. Ang pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay hagdedeliryo ako sa lagnat. Pilit kong inaapuhap at inaabot ang sa tantya ko ay ang bandang biyak ng nagpapa-ubaya na katambukang iyon ni Monang, nang gulantangin kami ng sigaw ng nasa gitnang chessboard. " Checkmate!" Ang sigaw ng nagwaging manlalaro.

At biglang nabulabog at saglit nagkaingay ang mga miron na nangag-silip sa mga bintana. "Na-checkmate mo rin ako, Enrique." Bulong ni Monang sa akin. Nagitla pa ako ng bigla nyang abutin mula sa likuran ang hararapan ko na nakabukol pa. Muli, naramdaman kong para siyang napaso at nakuryente ng mahipo ang nakabukol sa harapan ko. Kinurot nya ako sa tagiliran bago mabilis na humakbang palayo. Napa-kamot na lang ako sa aking batok sabay buntung-hininga. Naramdaman ko na parang kumislot-kislot ang naka bukol sa loob ng aking pantalon Parang gusto nitong habulin ko si Monang at maganap ang dapat maganap. Subalit,nawala na ng tuluyan sa aking paningin si Monang.

Nang gabing iyon di ako mapakali. Hindi maalis sa guni-guni ko ang nasalat ko na katambukan ni Simeona. At may panty at palda pa siya noong mahipo ko yun. Parang lalong nag-ulol sa pagnanasa ang pakiramdam ko sa isiping iyon. "Paano kung yung hubad na na katambukang iyon ang ipasalat sa akin ni Monang?"

Wala sa loob na nahimas ko ang aking kaangkinan ng maisip ko ito. Napuna ko na may malagkit na likido sa butas sa ulo ng naka tingaro na ari ko. Hindi pa ako nakakaranas na mag-ejaculate sa pamamagitan ng pagpapaligaya sa sarili ng mga oras na yun.

Naisip ko na daanin sa pagligo ang sumusulak na init na aking nadarama sa mga sandaling iyon. Ganap ng ika-sampu ng gabi at maliwanag naman ang ga-suklay na buwan ng bitbitin ko ang isang balde, tabo, twalya, sabon at shampoo at tugpain ko ang daan paibaba sa amng balon. Laking gulat ko ng may nadatnan akong naliligo sa tabi ng balon. At sa mapusyaw na liwanag na isinasabog ng ga-suklay na buwan, ay naaninag ko ang isang babae na nakatapis lamang at naliligo sa dis-oras na iyon ng gabi.

"Ikaw yata si Ted ?," Pang-aarok-tanong ng babae ng ganap nang nakalapit ako sa kinaroroonan nito.

"Ako si Maring, pamangkin ako ni tito Rony…" Dugtong pa nito habang ibinababa ko ang bitbit na balde at ipinatong ko sa malapad na bato sa may di kalayuan ang dala ko pang gamit pangpaligo.

"Ikaw pala ang sinasabi ni ate na pamangkin ni kuya Rony…" Naabiso na sa amin dito na may pipisan sa ate ko na pamangkin ng asawa nito para may kawaksi sa bahay si ate pag nasa destino ang tito nl Maring. Isang seaman si kuya Rony.

Naalala ko na, nabanggit din ni ate na ulilang lubos na ito nang magkasunod na namayapa ang mga magulang nito kung saan bunsong kapatid ni bayaw ang ama nito.

"Ako nga at dito na ako titira at mag-aaral…" Sabi nito sabay abot sa akin ng balde na pangsalok sa balon. Kapwa di namin napansin na mahaba ang pagkakaladlad ng lubid na tali ng baldeng panalok. Kaya ng mauyot ako at nabitawan ko ang balde, at tuloy-tuloy itong bumulusok sa kailaliman ng balon ay pumitik ang lubid na kinawit ang tapis na naka balabal sa katawan ng nabiglang si Maring. Mabilis ang naging pangyayari. Natangay ng lubid ang tapis ni Maring. Nahatak ko siya paiwas sa bunganga ng balon. Pero nabuwal kami. Patihaya akong unang bumagsak sa lapag sa may tabi ng balon. Patihaya ding bumagsak si Maring sa akin. Isinanggalang ko ang aking katawan para di siya masaktan pagbagsak nya. Ilang saglit din na nanatili kami sa posisyon na naka dagan ang hubad at basang katawan ni Maring sa akin.

Nang marahan siyang umalis sa pagkakadagan sa akin ay walang kibo akong tumayo at sinilip ko ang loob ng balon habang sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko na nagpupunas na ng dala nyang twalya si Maring. Sinubukan ko na iahon na ang bumulusok na baldeng pang-salok. Nasa kalagitnaan na ang balde ng naramdaman ko ang paglapit ni Maring. Naka bihis na ito ng ternong maikling short at blusa na bulaklakin.

"Hindi ba nasira ang balde?" Tanong nito na tumayo sa bandang likod ko. Naramdaman kong nanunuot sa aking ilong ang preskong amoy ng ginamit nyang sabon. Laking gulat at tuwa namin ng pag angat ko ng balde ay tumambad sa aming paningin ang nalaglag na tapis ni Maring na nakapulupot sa tali ng balde.

Mabilis na naalis ni Maring sa pagkakapulupot sa lubid ang nahulog na tapis. Napamulagat ako ng bigla nya akong hinagkan sa pisngi. Iglap lang ang halik na 'yun. Subalit nag iwan 'yun sa akin ng kakaibang init sa lbaba ng aking puson. Lalo pa at sumagi din ang malambot at mayamang dibdib ni Maring sa balikat ko ng dampian nya ng halik ang pisngi ko.

"Thanks Ted at 'night na!" Pagkasabi nito ay mabilis nyang binitbit ang isang timba at walang lingon-likod na umahon patungo sa dako ng bahay ni ate Rina. Naiwan ako sa balon na nagugulumihanan. Muli akong napa-buntong-hinininga habang isinasalin ko ang tubig sa dala kong balde. Akmang huhubarin ko na ang suot kong t-shirt, ng mapuna ko na naka sungaw pala kanina pa ang ulo ng aking kaangkinan sa manipis na short na suot ko.

" Napansin kaya ito ni Maring kanina ? " Tanong ko sa sarili ko.

Malamang ! Kasi,bakit parang sinadya nito na ibagsak ang nahubarang katawan nito sa kandungan ko at saglit na tumagal ang pagkakadagan nya sa kandungan ko ? Parang lalong nag init ang pakiramdam ko sa isiping iyon. Kinuha ko ang tabo at binuhusan ko ang aking katawan. Maligamgam ang tubig mula sa balon. Sa bawat buhos ay presko sa pakiramdam. Sinasabon ko ang ari ko ng maisip ko, " Ano kaya kung alin kay Monang at kay Maring ang nagsasabon sa ari ko ngayon, ano kaya ang pakiramdam? "

Naisip kong paganahin ang aking Imahinasyon sa oras na iyon. Sinabon ko ang ulo ng ari ko at inimadyin ko na sabay kaming naliligo ng nakahubad na si Maring st siya ang nagsasabon dito.

" Ooohh nakikili ako Maring, aahh uhh oohhh…" Ang bulong ko daw Kay Maring habang lalo pa raw binilisan ni Maring ang salitang pagsasabon sa ulo at katawan ng halos ay naka tirik na sa katigasan na ari ko.

" Monaaang ooohhh uhhmm…" Nagulat ako ng nalipat bigla kay Monang ang pag-iimadyin ko kasabay ang pag pulandit ng mainit at malagkit na likido mula sa butas sa ulo ng ari ko. At tumalsik hanggang pusod ko. Pakiramdam ko ay guminhawa ang namimigat sa ibaba ng puson ko. Naka-ramdam ako ng parang pag-kilig ng buong katawan ko. Iyon pala ang tinatawag na orgasmo. Iyon ang una kong karanasan na labasan.

At sa 'pagsasabon' una kong naranasan ito. At natitiyak ko, mapadalas ang 'pagsasabon' ko maisip ko lang ang katambukan ni Monang at ang kahubaran ni Maring.

SUBAYBAYAN…