1. Home
  2. Stories
  3. Anino II
Filipino Sex Stories

Anino II

By justafan ·

BIHIS NA BIHIS na bumaba si Jason mula sa kanilang silid ng kanyang asawa. Napakaganda ng tindig nito at hindi maiiwasan ng kahit na sinong babae ang mapatitig sa kakisigan ng lalaki. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mapungay na mga mata, at litaw na panga na nasasayaran ng manipis na balbas.

"Napakagwapo talaga ng asawa ko!" masayang sambit ni Alice, maybahay ni Jason. Kaagad yumakap ang babae sa kanyang asawa at lumapat ang malusog na mga suso nito sa dibdib ng lalaki.

Nasisinagan ng araw ang mala porselanang kutis ng babae habang nakayapos ng mahigpit kay Jason. "At napakaganda naman ng misis ko!" paglalambing naman ng lalaki habang hawak nito si Alice sa magkabilang pisngi habang naghahalikan ang mga pinong ilong ng mag asawa.

"Nakatulog ka ba ng maayos hon? Inumaga ka na ng uwi tapos maaga ka pa aalis ngayon," pag-aalalang tanong ni Alice.

"Honey, alam mo namang nagtatrabaho ng maigi ang asawa mo para sa mga pangarap natin," nakangiting paglalambing ni Jason sabay halik nito sa asawa.

Kaagad namang gumanti ng halik si Alice. Napasunggab kaagad ang babae sa bibig ng asawa. "Hmm! Namiss kita hon!" mainit na sambit ni Alice habang hindi magkandatuto ang mga kamay nito sa paghimas sa buong katawan ng asawa.

Hanggang sa bumaba ang kamay ni Alice at dinakma ang buong pagkalalaki ni Jason. Kaagad umiwas ang lalaki. "Sandali hon kailangan ko na umalis. Baka ma-late ako," sambit nito sa asawa.

"Talaga? Matitiis mo ba to?" tanong ni Alice sabay luhod at bukas ng zipper ng lalaki. Sa isang iglap ay nadukot at nailabas ni Alice ang titi ng lalaki sa pantalong suot nito. Hindi nag-aksaya ng oras ang babae at kaagad sinubo ang pagkalalaki ni Jason.

"Oooh hon! Shit!" ungol ni Jason habang humahagod ang dila at ngalangala ng asawa sa kahabaan ng tarugo ng lalaki. Dinagdagan pa ng mga mata ni Alice na nakatitig sa kanya ang libog na gumagapang sa kanyang katawan habang mabilis nitong chinuchupa ang kanyang burat.

Wala ng magawa si Jason kundi ang magparaya. Napahawak na lamang ito sa ulo ng asawa habang nagtataas baba ito sa kanyang pagkalalaki. Tumutulo ang laway ni Alice sa pagkamuwalan ng bibig nito dahil sa laki ng tarugo ng asawa.

"Sluurp! Sluurp!" Sarap na sarap si Alice sa ginagawang pagchupa sa asawa. Nakapikit ang kanyang mga mata habang isinasabay ang kanyang kamay sa paghagod sa katawan ng titi ni Jason ng kanyang bibig.

Nang hindi na makapagpigil ang lalaki ay kaagad nitong iniangat patayo si Alice at pinatuwad sa hapagkainan. Mabilis nitong itinaas ang laylayan ng duster na suot ni Alice at hinila pababa ang manipis na panty ng asawa.

Dinuraan ni Jason ang kanyang palad at ipinahid sa basang hiwa ng asawa. Itinutok nito ang sandata at biglaang ibinaon sa kaselanan ni Alice. "Ooooh hon!" masidhing ungol ni Alice.

Halos maglaglagan ang pagkaing nakahain sa lamesa sa bilis ng pagyugyog nito kasabay ng pag araro ng lalaki sa puke ni Alice. Tuloy tuloy ang pagragasa ng katas ng babae habang naglalabas pasok ang mataba at matigas na titi ni Jason.

"Aaahhh Jason sige pa! Kantutin mo pa ako!" malibog na sambit ni Alice habang napapakapit ito sa ulo ng asawa. Mas lalong nadagdagan ang kuryenteng gumagapang sa makinis at maputi nitong katawan habang dumadampi ang basang labi ni Jason sa kanyang leeg.

Hindi na malaman ni Alice ang kanyang gagawin. Halos mabaliw ang babae sa nalalapit na pagsabog ng kanyang katas. Pakiramdam nito ay bumabaligtad ang kanyang sinapupunan sa bilis ng ulos ng burat ng asawa.

"Uuugh! Malapit na ako Alice! Saluhin mo ang lahat ng tamod ko tangina mo ka!" nanggigigil na sambit ni Jason sa asawa sabay hawak sa leeg nito.

"Iputok mo lang sa loob ko honey! Iyong iyo yan!" sambit nito habang hinahabol ang kanyang hininga. Unti unting humihigpit ang kapit ng asawa sa kanyang leeg. Ilang ulos pa ay nagsimula ng magdoble ang paningin ni Alice dahil nahihirapan na itong huminga.

Makalipas ang ilang sandali ay sumabog ang mainit at malapot na tamod ni Jason sa puke ni Alice. Kasabay naman nito ang pagragasa ng kanyang katas. Parehong nanginig ang mga katawan ng mag-asawa.

"Grabe ka ginusot mo ang suot ko honey," nakangiting sambit ni Jason sa asawa. Napangiti lamang si Alice habang nag-aayos ng kanyang damit.

Mabilis na nag-ayos ng suot si Jason. "Halika hon breakfast muna tayo," pag-aanyaya ni Alice sa asawa ngunit tumanggi ito.

"Hindi na hon. Late na talaga ako. Sa daan na lang ako kakain. Sige na hon. Bye!" nagmamadaling sambit ni Jason sabay halik sa pisngi ng asawa.

Pagbukas ng pinto ng bahay ni Jason ay laking gulat nito ng salubungin siya ng dalawang pulis na nakabihis ng pang sibilyan. Nakalahad kaagad ang chapa ng babae upang maiging makita ni Jason.

"Jason Dela Cruz?"

"Oo ako nga. Bakit po?"

"Detective Layla Ramirez, iniimbitahan ka namin sa presinto. Suspek ka sa pagpatay kay Shiela Ruiz."

Biglang nagwala si Jason ng damputin siya sa balikat ni Rob. "Sandali sir, wala akong kasalanan!" naghuhurumintadong sambit ng lalaki.

"Sandali bakit! Saan niyo dadalin ang asawa ko! Walang kasalanan ang asawa ko!" nagsusumigaw na sambit naman ni Alice.

"Huwag ka ng pumalag! May mga itatanong lang naman kami sa'yo. Sige dalin na yan!" utos ni Rob sa mga kasamang pulis matapos lagyan ng posas ang mga kamay ni Jason.

Nakapalibot ang madaming sasakyan ng pulis sa bahay ng mag-asawa. Ang mga kapitbahay naman ay hindi mapigilang maki-isyoso habang pinaguusapan ang pagdakip kay Jason.

"Hon, sasama na ako dito para ma-kwestiyon na. Ikaw na ang bahala dito?" tanong ni Layla kay Rob. Tumango lang naman ang asawa bilang pagsang-ayon nito.

"Halika misis, doon tayo sa loob at may mga katanungan din ako sa inyo," malumanay na sambit ni Rob kay Alice na patuloy pa din sa pag-iyak.

"Nagkamali kayo! Hindi masamang tao ang asawa ko!" mariing sambit ni Alice.

"Huminahon ka muna misis. Halika doon tayo sa sofa," sambit naman ni Rob sabay sarado ng pinto ng bahay.

Inakay ng lalaki si Alice patungo sa sala ng bahay at iniupo ito. Matapos ay nagtungo si Rob sa kusina ng bahay at kumuha ng baso ng tubig.

"Uminom muna kayo misis," kalmadong sambit ni Rob habang iniaabot ang baso ng tubig. Ayaw pa sanang tanggapin ni Alice ang alok na tubig ng lalaki ngunit nahihilo na din ito sa kaiiyak.

Naupo sa tapat na sofa si Rob at nagsalita. "Misis Dela Cruz, anong oras na nakauwi si Jason kagabi?" tanong ni Rob.

"Mga…hik! bandang alas…hik! kwatro na po," pahikbi hikbing tugon ni Alice.

"Pero mabuting tao po si Jason…hik! Hindi po totoo ang mga bintang niyo sa kanya!" paghuhurumintadong sambit muli ng babae.

"Misis kumalma lang kayo," pag-awat na sambit ni Rob kay Alice.

"Hindi naman naming sinasabing siya na ang gumawa. Suspek lang siya dahil nakita sa CCTV na lumabas ng motel ang asawa mo kasama ang biktima," paliwanag ni Rob.

***

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo!" humahagulgol na sambit ni Jason. Nababalot ng usok ng sigarilyo ang loob ng silid habang patuloy sa paghitit ng yosi si Layla.

Tanging sila lamang dalawa ang nasa loob ng silid na madilim at isang ilaw lamang na nakatapat sa ulo ni Jason ang nagsisilbing liwanag. May malaking salamin sa pader ng silid.

"Pero kasama mo ang biktima kagabi diba?" pagsusuri ni Layla.

"Hindi ko nga kilala yang taong yan!" mariing tugon ni Jason.

"Talaga? Eh diba ikaw to?" tanong muli ni Layla sa lalaki habang ipinapakita ang kuha sa CCTV.

Natahimik bigla si Jason matapos makita ang sarili at si Shiela na magkasabay lumabas ng motel. Magkahawak ang kamay at humalik pa sa kanyang pisngi ang babae bago tuluyang nawala sa anggulo ng kuha.

"Tatanungin kita ulit. Bakit mo pinatay ang biktima?" mariing tanong ni Layla sabay hitit ng sigarilyo at buga sa mukha ng lalaki.

Inubo ng bahagya si Jason matapos malanghap ang usok. "Oo na inaamin ko na kasama ko yang babae na yan. Pero nakilala ko lang yan sa bar kagabi. Ni hindi ko nga natatandaan na Shiela pala ang pangalan niyan!" paliwanag ni Jason.

"Parang awa niyo na, nakikiusap po ako. Huwag niyo po ipaalam sa asawa ko na may kasama akong babae kagabi. Oo nambababae ako pero hindi ako mamamatay tao!" pagmamakaawa ni Jason.

"Kung hindi ikaw ang pumatay kay Shiela, paano kayo naghiwalay kagabi?" pagsusuring tanong ni Layla.

"Pagdating namin sa highway naghiwalay na kami. Sumakay ako ng taxi tapos ang sabi niya maglalakad na lang daw siya at malapit na daw ang bahay niya dun sa motel," paliwanag ni Jason.

"Tangina ka kinana mo tapos pinabayaan mo sa kalsada ng ganun ganun na lang ng madaling araw?" pagtataas ng boses ni Layla.

"So kung hindi ikaw ang pumatay sa biktima, bakit lumabas ang finger prints mo sa leeg ng biktima na ang kinamatay ay sakal?" tanong muli ng babae.

***

Hindi makapaniwala si Alice na nangangaliwa ang asawa matapos marinig ang sinambit ni Rob.

"Misis alam kong mahirap paniwalaan pero hindi talaga maitanggi na ang asawa mo ang nakita sa CCTV na may kasamang babae. I'm sorry na sa ganitong paraan mo pa kailangang malaman na niloloko ka ng asawa mo," sambit ni Rob.

Mas lalong bumuhos ang luha ni Alice. Pakiramdam nito ay sinasaksak ang kanyang puso sa sakit na nararamdaman nito. Umiikot na ang kanyang paningin at hindi malaman kung paano pa sasagot sa lalaki.

"Misis, itong itatanong ko sa'yo ay medyo maselan. Masasabi mo bang marahas ang asawa mo kapag nagtatalik kayo? May mga pagkakataon bang sinasakal ka niya habang nagtatalik kayo?" pag-uusisang tanong ni Rob na ikinagulat ni Alice.

Nagdilim ang paningin nito matapos tanungin siya ng lalaki ng isang napaka pribadong bagay. "Anong klaseng tanong yan! Umalis ka na! Bastos kang pulis ka! Hayop ka!" pagwawala ni Alice.

Napilitan namang tumayo si Rob habang ipinagtatabuyan siya ng maybahay ni Jason. "Umalis ka na! Putangina mo bastos ka!" patuloy na pagwawala ni Alice.

"Namatay sa sakal ang biktima misis! Pasensya ka na kung naitanong ko sa inyo yun. Dahil may kaugnayan yun sa kaso," mariing sambit ni Rob sa babae.

Napahawak naman si Alice sa kanyang leeg matapos marinig ang sinabi ng pulis. Biglang pumasok sa kanya ang mga gabing nagtatalik silang mag-asawa. Ang mga pagkakataong sinasakal siya nito sa tuwing malapit na itong labasan na kanina lamang ay ginawa sa kanya.

Dumukot ng card si Rob mula sa kanyang wallet. "Alam ko hindi ka pa handang makipag-usap misis. Iiwan ko ang card ko. Ito ipapatong ko sa lamesa. Tawagan mo ako kung sakaling handa ka na makipag usap ulit," sambit ng lalaki sabay labas ng bahay.

***

PAULIT ULIT na pinagmamasdan ni Layla ang mga kuha ng biktima. Pinag-aaralan ang bawat anggulo. Iniisip ang mga salaysay ni Jason na kasalukuyang naka detain habang ipinoproseso ang kaso nito.

"Hmm kape ka muna hon," sambit ni Rob sabay lapag ng isang baso ng Starbucks sa lamesa ng asawa. Humalik ito sa pisngi at humila ng isang silya upang maupo sa tabi ni Layla.

"Thanks hon!" nakangiting sambit ni Layla.

Bigla namang pumasok ang kapitan sa opisina ni Layla. "Ano na? Isang linggo na ang kaso wala pa din tayong lead!" galit na sambit ng kapitan.

"Teka Kap, cool ka lang. Hindi ba't may suspek na nga tayong nakakulong? May probable cause nga diba kaya nga hindi makapag bail?" paliwanag naman ni Layla.

"Eh yun naman pala eh! Bakit hindi mo pa isara ang kaso? Dumadagdag pa yan sa bucket ng opisina ko!" iritadong sambit ng kapitan.

Bigla namang may pumasok na lalaki at naantala ang paguusap ng tatlo. "Ah Kap, Ma'am, Sir, sorry may tawag kasi. May natagpuan daw na patay sa may Sct. area," sambit nito.

Kaagad namang dinampot ni Layla ang kanyang blazer na nakasampay sa sandalan ng upuan. "Yan kap. Yan ang dahilan kung bakit hindi ko pa isinasara ang kaso," nakangiting sambit ni Layla sa kapitan.

"Sige sunod na kami!" sambit naman ni Layla sa lalaki.

"Tara Hon!" tawag naman nito kay Rob.

"Cool ka lang kasi kap!" pang-aasar ni Rob habang sumusunod sa asawa palabas ng opisina.

***

Napailing na lamang si Layla habang tinatanggal ang gwantes sa kamay. Nakadapa ang isang babae sa damuhan na natatakpan ng isang malaking puno ng balete.

Dilat ang mata. Nakalabas ang dila. May marka ng wire ang leeg at puro pasa ang braso at hita. Nakaangat ang skirt nito at nakalitaw ang puwet. Nakahubad ang panty gayon din ang mga sapatos nito.

Tumayo si Layla mula sa kanyang puwesto at lumapit kay Rob. "May kaugnayan ba ito sa kaso natin?" tanong ng lalaki.

Inabot naman ni Layla ang isang pink card na nakuha nito sa bulsa ng damit ng babae. Kaagad namang kinuha ni Rob ang card at binasa ang nakasulat.

Huwag nating ibalik ang mundo ng sOdoma,

Ang mga nilalang na nababalot ng kamunduhan

Ay hindi dapat mamalagi sa mundong ibabaw.

Dumating na ang paghuhukom!

"Odessa ang pangalan naman nito. Bank Teller. Same ang paraan ng pagkamatay. Pati ang marks sa katawan pareho. Pati yang note. I think we have a serial killer!" sambit ni Layla.

…ITUTULOY

DISCLAIMER: HINDI PO SA AKIN ANG KWENTONG ITO