1. Home
  2. Stories
  3. Nagising Ako Sa Katawan Ng Kolehiyala
Filipino Sex Stories

Nagising Ako Sa Katawan Ng Kolehiyala

By qweewq1111 ·

I woke up in a very unusual bed, mas maliit siya sa usual kong bed and mas matigas. Iginalaw ko yung kamay ko at naginata ako nang kaunti and surprisingly wala akong masyadong sakit sa katawan today. Lumingon ako sa kaliwa ko para batiin ang asawa ko ngunit ang sumalubong sakin ay pader. Alam ko na lasing ako kahapon pero hindi ko matandaan na natulog ako somewhere or nagrenovate ba yung bahay namin.

Sinubukan ko bumangon mula sa pagkakahiga at mas lighter yung katawan ko than usual at wala rin akong hangover mula sa nangyari kagabi. Tumingin ako sa paligid at napagtanto ko na hindi ko to kwarto or kwarto naming ng asawa ko. Mas kakaunti ang gamit at mas maliit ang kama. Iba rin yung mga gamit na nasa loob ng kwarto at parang mga pambabaeng gamit yung nandito.

Nanaginip ba ako? Or baka nakitulog ako sa isa mga kasama ko opisina kagabi dahil sobrang lasing na ako. Nako patay ako kay misis neto.

Tumayo na ako mula sa kama, para sa isang galing sa inuman kagabi straight ako maglakad at walang sakit sa ulo pero parang ang gaan ng katawan ko ngayon. Ano ba yung ininom naming kahapon?

Lumingon ako ulit ako sa kama ko at sinubukan kong hanapin yung phone ko at tatawagan ko si misis at siguradong nag aalala na yun pero hindi ko makita sa kama. Sinubukan kong hanapin sa may lamesa na nasa loob ng kwarto pero wala rin.

Bigla akong napalingon sa whole body mirror na nakatabi sa lamesa at nakakita ako ng babae na nakasuot ng pajama kaya naman nagulat ako at napalingon ako sa likod ko ngunit wala naman tao sa likod ko.

Lumingon ako sa salamin at tinignan maigi yung tao sa salamin, sinubukan kong kumaway at kumaway di ito sa akin pabalik, nginitian ko rin ant ngunmiti rin siya sakin pabalik. Parang ginagaya niya kung anong ginagawa ko.

Lumapit ako sa salamin at tinignan mabuti yung babae, at parang namumukhaan ko siya, tumingin ako paibaba at tinignan yung suot kong damit parehas sa babaeng nakikita ko sa salamin.

Sandali ako ba yun? Napasigaw ako at napatingin ulit ako sa salamin pabalik balik ang tingin ko sa salamin at damit ko, kahit anong tingin ko ay parehas talaga iyon. Sinubukan kong irub yung mata ko ganun pa din nakikita ko.

Baka nanaginip nga ako, kinnurot ko sarili ko sa braso, "Array!!" napasigaw ako at nagulat ako sa boses na lumabas sa bibig ko. Pambabae iyon.

Biglang may nagring sa tabi ko at sa ilalim ng libro ay may cellphone na nagaalarm, pinatay ko yung alarm at bumalik sa pag tingin sa salamin. Gumalaw galaw ako at perpektong nagagaya talaga kung anong ginagawa ko.

Napaupo ako sa upuan na malapit sa lamesa at inisip kung paano nangyari to. Ang huli ko natatandaan ay pauwi ako galing sa welcoming party sa opisina at lasing na lasing na ako pagkatapos nuon ay wala na akong maalala.

Sinubukan kong tandaan mga nangyari pero wala pa rin talaga ako matandaan, after ng ilang minutong pagiisip ay wala parin talagang pumapasok sa isip ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumingin ulit sa salamin.

Binusisi ko mabuti yung katawan na gamit ko ngayon, mukhang bata pa ang babaeng ito, nasa 5'3 ang height niya at maputi, mahaba ang buhok at katamtaman lang ang katawn. Masasabi mo na petite ang katawan nito. Medyo may hawig din siya kay Francince Diaz na artista.

Habang pinagmamasdan ko ang aking katawan ay biglang nagring nanaman ang cellphone at this time hindi na siya alarm tawag na siya talaga. Nagpanic ako at dali-dali kong sinagot ang tawag.

"H-Hello" nauutal na sabi ko.

"Fatima nasan ka na ba?! Anong oras na nandito na si sir. Papasok ka ba?" mukhang ang pangalan ng katawan na ito ay Fatima at isa siyang student pero sa kalagayan kong ito wala akong oras para jan.

"Ah eh masama kasi pakiramdam ko ngayon" sinubukan kong magrason at baka sakaling gumana

"Huh? Eh pano tong exam? Sayang naman mga nareview natin kahapon" pasesniya na Fatima pero hindi to oras para mag exam at tsaka kahit naman pumunta ako ay hindi ko rin alam sagutan exam mo.

"Pakisabi nalang kay ma'am na may sakit ako hindi ko kayang pumasok"

"Anong ma'am? Kay Sir Fernandez ang exam ngayon" nabigla ako at kinabahan dahil mali ang nasabi ko

"Ah eh sorry kay Sir pala"

"Oh sige na magphinga ka na jan ako na bahala mag sabi kay Sir."

"Salamat" binaba ko na ang tawag at para ba akong nabunutan ng tinik sa lalamunan

Kinalkal ko ang cellphone niya at naghanap ako ng information na tungkol sa kanya para kung may maulit man na ganito ay hindi na ako magkakamali.

Matapos ang ilang minuto na pangangalap ng inpormasyon nagpagapaalaman ko na ang pangalan ng katawan na ito ay Fatima Dangue, 19 years old siya at currently 2nd year college. BS Accounting ang course niya at nakaapartment siya ngayon malapit sa university niya though parang hindi naman ganuon kalapit sa school dahil dalawang sakay pa siya mula rito bago makarating sa university niya.

Pamilyar sakin tong university na ito at meron kaming apartment na malapit sa university na ito at same lang na dalawang sakay mula rito kaya may mga estidyante rin kaming tenant.

Binuksan ko ang maps sa cellphone ni Fatima, at nilocate ko yung location ko ngayon at nagulat ako sa nakita ko. Nandito ako sa exact address ng apartment naming. Ibig sabihin ay tenant namin si Fatima.

Lumiwanag ang mata ko sa tuwa at nagsisigaw, dali-dali akong tumakbo palabas ng apartment, tumakbo ako pababa at pinuntahan yung bahay sa likod nito kung saan kami nakatira. Naabutan ko yung asawa ko na si Alice na nasal abas at may kausap na pulis.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at kinawayan ko si Alice, nung malapit na ako ay biglang humagulhol si Alice hindi ko pa siya nakikita nagkaganun. Maya't maya pa ay umalis na ang mga pulis at nakita niya akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

Tinignan niya ako at agad na niyakap na mahigpi.

"B-Bakit anong meron?" niyakap ko siya pabalik

"Si Justin… wala na…"