1. Home
  2. Stories
  3. HUSTISYA
Filipino Sex Stories

HUSTISYA

By teddyray ·

MAPUSOK ANG KULAY NG BAHAGHARI

PANGALAWANG AKLAT: SA BATAS NG BUHAY

UNANG LABAS: HUSTISYA

"Teodoro! " Nagkapanabay pa ng bigkas si Monang at si Margot ng bumungad ako sa pintuan ng kwarto ng ospital kung saan nagpa-prenatal check up ang tatlo kong misis.

Senenyasan ko ang dalawa na tumahimik sa pamamagitan ng paglalagay ko sa aking hintuturo sa aking bibig. Mabilis akong pumagitna kina Margot at Monang. Nasa loob na si Maring at nasa pribadong kwarto na ng naka-duty na OB-GYNE na doktor.

"Magpapaliwanag ako," Pabulong na sabi ko sa dalawa.

Nasa foodcourt kami sa ground floor ng Mall. Doon ko dinala ang tatlo. Nasa apatang lamesa kami. Walang kibuan ang tatlo habang inaayos ko ang mga plato na kakainan namin. Kumain muna kami, bago namin sinimulan ang deliberasyon.

Matapos kong maipaliwanag kina Margot at Monang ang aking sitwasyon, ay napagkasunduan naming apat ang schedule ko sa kanila. Lunes at Martes ay kay Margot ako. Mierkoles at Huwebes ay kay Monang ako. At Byernes at Sabado ay kay Maring naman. Pag Sunday ay paikot. Ang unang Sunday ay kay Maring muna. Pangalawa ay kay Margot. At pangatlo ay kay Monang. Pag may emergency sa alinman sa kanila, pwede akong tawagan, kahit anong oras.

Sa ganito, naayos naman namin ang pagkakaroon ko ng tatlong pugad.

Halos linggo lang ang pagitan ng manganak ang tatlo. At tabla sila. Pare-parehong babae ang amin-aming mga panganay. Sabay-sabay kong pinabinyagan ang tatlo kong panganay. At naging magkukumare ang tatlo, kasi kinuha kong mga ninang si Maring at Monang para sa anak namin ni Margot na si Ashley Margie. Mga ninang naman si Maring at si Margot sa anak namin ni Monang na si Sienna May. At mga ninang naman sina Margot at Monang sa anak namin ni Maring na si Mara Ellaine. Kaya ang tatlo kong anak sa tatlo kong misis ay hindi lang magkakapatid, kundi kinakapatid pa nila ang isa't-isa.

Sa mga unang taon ko sa pagiging abugado, ay masasabi kong parang tabla-tabla lang. Ang kinikita ko sa aking maliit na opisina ay tama lang pambayad sa upa, at sa sweldo ng aking sekretarya. Ang tatlo ang namili ng sekretarya ko. Pinili nila si Auring na sa tingin ng tatlo ay malayo kong pagnasaan.

Ang kinikita ng opisina ko ay nanggagaling lamang sa mga nagpapagawa ng mga dokumento, tulad ng Deed of Sale, Power of Attorney, at iba pang mga legal na dokumento na nangangallangan ng notaryo. May mangilan-ngilan na ring mga kaso na inilapit sa akin para sa apela sa mga kaso na natapos na sa Municipal Trial Court, at iaakyat na lang ang apela sa Court of Appeals. May ilan na rin akong nahawakan na kaso na nasa Korte Suprema na. At karamihan sa mga nabanggit na mga kasong napasa-kamay ko, ay pro bono. Gratis 'ika nga. Kasi, nagpapakilala pa lamang ako.

Minsan tuloy, naisip kong tanggapin na ang alok ng isang sikat na law office sa Makati, para naman umangat ang career ko.

Pero, ayoko lumayo dito sa Bulacan. Naisip kong, kung gagawa ako ng pangalan, bilang abugado, ay dito ko gustong magsimula.

Tapos na akong mag-salah. Obligasyon ng isang Muslim na tulad ko ang magdasal pagkagising sa umaga bago pumutok ang araw. Ang pagiging Muslim ko, ay hindi lamang para mapakasalan ko ang tatlong mga mahal ko na mga asawa. Kaya naman bago ako nagpa-convert ay talagang pinag-aralan ko rin ang relihiyong Islam. Wala naman itong ipinagkaiba sa relihiyon na naniniwala sa iisang Diyos. Ang aral ng Islam ay kapayapaan, at pagmamahal at paglilingkod kay Allah. Ang mga Sura'h ni Propeta Mohammad ay salig sa praktikalidad sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Matapos kong maiayos ang carpet na aking niluhuran sa pagdarasal ay pinagmasdan ko ang nahihimbing na si Margot. Kay ganda-ganda pa rin ng aking valedictorian. Nang maupo ako sa gilid ng kama, naramdaman kong nagising siya. Nag-inat at malambing na yumapos sa likod ko.

"Nakapagdasal ka na?" Pabulong na tanong nya sa akin.

Nang tumango ako. Bigla siyang tumayo at bumaba sa kama.

"Magsesepilyo lang ako," Malambing na bulong nya, at ipinasok nya ang kamay nya sa loob ng pajama ko.

Alam nya wala akong panloob na brief o boxer shorts. Kasi bago ako magdasal ay naghihilamos ako ng mukha, ng mga braso at nililinis ko, at ang kabuuan ni 'liit' hanggang sa aking bayag. Ito ang tinatawag na ablution sa tradisyong Islam. At alam ni Margot na hindi ako pwedeng sumiping sa kanya kapag nakalimot ako magdasal kahit isang beses lang sa takdang pagdarasal ng isang Muslim sa isang araw.

Pagigil na pinisil nya ang ulo ni 'liit', bago nagmamadaling pumasok sa banyo.

"Fight na," Sabi nya ng magbalik mula sa banyo. Humihirit siya kasi, mamaya ay kay Monang naman ako uuwi pagkagaling ko sa opisina.

Hinubad nya ang pang itaas na pajama nya at inilapit sa bibig ko ang isang suso nya na sapo ng isa nyang kamay. Hindi nagpasuso si Margot. Bottle fed si Ashley. Kaya naman walang nabago sa matayog na dede ng aking valedictorian.

Agad kong isinubo ang dede na idinuldol nya sa bibig ko. Masarap dedehin ang mapulang utong ng dede nya na pinatingkad pa ng mapulang areola sa ituktok ng suso nya. Nilamas ko ang isang suso nya habang dumedede ako sa isa. Iniaarko nya ang kanyang katawan habang sinusupsop ko ang utong nya.

"Ang sarap mahal, parang lalong nangati," Bulong nya na iniliyad ang dibdib nya.

Pinagsalitan kong dinede at sinusop kabilaan ang dalawang suso nya.

Nang magsawa ako sa pagdede sa kanya ay humiga siya. Hinatak ko pababa ang pang-ibabang pajama nya. Tumambad sa akin ang matambok na paborito ko.

"Kakainin mo na naman ako mahal?" Sabi nya.

Isang hagod ng ilong ko sa ibabaw ng kanyang panty ang isinagot ko. Gustong-gusto ko ang amoy ng hiyas ni Margot. Amoy na amoy ko ang singaw ng kanyang pagkababae kahit natatakpan pa ito ng kanyang panty. Sinungkal ko ng bibig ko ang pundya ng panty niya. Napaangat ang puwet nya ng kainin ko ang ibaba ng panty nya na tumatabing sa bukana ng hiyas nya.

"Alisin mo na ang panty ko mahal," Daing ni Margot. Kinagat ko naman pababa ang garter ng panty nya at lumabas ang katambukan nya. Kinagat ko ang bahagi ng panty nya na nasa bandang hita at hinatak ito ng bibig ko paibaba. Gano'n din ang ginawa ko sa kabilang hita nya naman. Hanggang lumitaw ang ibabang bahagi ng kanyang katambukan.

Hinatak ko pang paibaba sa mga hita nya ang kanyang panty at sinisid ko ang bukana ng hiyas nya. Para akong uhaw na nakakita ng umaapaw na tubig sa balon. Sinisid ko ang balon ni Margot. Kandaliyad siya ng maglumikot ang dila ko sa butas na nilabasan ni Ashley.

"Ted, yan talaga ang libog ko Ted, ohhhhhh," Nanginginig ang boses na anas ni Margot.

Nanginginig ang laman nya sa tuwing kakantiin ng dila ko ang tinggil nya. Ahon na ahon na ang tinggil nya. Parang timon na nakatirik ito sa itaas ng kanyang biyak. Para akong nakikipag lips to lips sa kanyang hiyas.

Hinawakan nya ako sa ulo at ipinagdiinan sa bibig ko ang kanyang hiwa. Nalalasahan ko na ang pagkatas ng kanyang hiyas.

Sinupsop ko ng sinupsop ang butas ng kanyang hiyas na parang hinihigop ko ang madulas na likidong bumabalong na doon.

"Mahal, lalabasan na ako, di ko na mapigil mahal," Pagiling-giling ang maumbok na puwet ni Margot sa kama. Nakasaklang na ang dalawang binti nya sa batok ko. Nakasabunot ang dalawa nyang kamay sa buhok ko.

"Hayan na ako Mahal, ohhhhh, uhmmmm, ahhhhhhh," Mahaba ang ungol na pinakawalan ni Margot ng sumapit siya sa rurok ng kanyang pag-orgasmo.

Hindi ko inalis ang bibig ko sa bukana ng kanyang hiyas. Sinabayan ko ang panginginig ng kanyang laman sa pagsupsop ko sa butas ng kanyang hiyas. Kumikinyod-kinyod ang balakang nya habang inaagasan ng masaganang katas ang kanyang pagkababae. Nang makaraos na siya at humupa na ang kanyang orgasmo ay kinurot-kurot nya ang tenga ko.

Nang bumitaw ang mga binti nya sa batok ko ay hinila ko siya sa gitna ng kama. Tuluyan kong hinubad paibaba ang panty nya.

"Tuwad ka mahal, " Bulong ko sa kanya. Agad naman siyang humiga pataob at inangat ang kanyang mga tuhod paluhod sa kama habang nakatukod ang dalawang siko sa kama.

Kitang-kita ko ang biyak nya na inaagasan pa ng kanyang nektar. Naglalandas mula sa kanyang butas ang kanyang katas.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pigi at mariin kong itinarak sa kanyang madulas na hiyas ang aking tarugo.

"Ahhhh, Ted, ang sarapppp," Napaigik siya nang maisagad ko ang kahabaan ni 'liit'.

At nagsimula akong bumayo papaloob sa kanyang katambukan. Bawat bayo ko ay lalong nagpapasagad paloob sa kanyang kalaliman ang aking kahabaan. Sa una ay mabagal lang ang ritmo ng aking pagbayo. Pinapakiramdaman ko ang sensasyon ng pagpasok ng aking tarugo sa mainit at madulas na lagusan ni Margot. Naramdaman kong inilalaban nya ang kanyang balakang sa bawat suksok ko ng aking tarugo sa kanyang hiyas. Lalong nag-iinit ang aking pakiramdam sa ginagawa nya. Pinanay-panay ko ang paglabas-pasok ni 'liit' sa kanyang hiyas. Lalo naman nyang binilisan ang pag-urong sulong ng puwet nya na sinasabayan ang pagsalpak ng tarugo ko.

Marahas na ang pagbayo ko sa hiyas nya. Nasa headboard na ng kama ang ulo nya. Todo na ang lakas na ibinubuhos ko sa aking maririing bayo sa hiyas nya. Parang rapido na ang pagkayog ko. Kapwa na kami humihingal. Nasa sentro na sa ibaba ng puson ko ang init na nakatakda ng sumabog.

"Mahal lalabasan na ako," Babala ko kay Margot.

"Sige Mahal wag mo ng pigilin at malapit na malapit na rin ako," Tugon ni Margot na gumagaralgal na ang boses.

Muli akong umulos ng umulos sa kanyang hiyas. At nang isagad ko pabaon sa kanyang hiyas ang nagngangalit na tarugo ko ay hindi ko napigil ang pagsabog ng aking katas sa loob ng kanyang pagkababae.

"Hayan na rin ako Mahaaalll, ohhhhhhh," Ang panaghoy ni Margot ay sinabayan ng pagsumpit ng kanyang katas mula sa loob ng kanyang hiyas. Naghalo ang mainit na katas ng aming sumabog na dagta sa kanyang pagkababae. Kapwa nanginginig ang aming kalamnan sa pagragasa ng aming orgasmo. Ilang sandali ding nanatili kami sa ganoong ayos. Inabot ko ang mga suso nya ng aking dalawang kamay habang nakasalpak ang aking tarugo sa kanyang hiyas.

Nagulat ako ng bumalikwas si Margot ng higa. Kagyat na nahugot ang matigas ko pang tarugo sa kanyang hiyas.

Itinulak nya ako patihaya, at sinakyan nya ang nakatingarong tarugo ko. Itinukod nya patalikod ang dalawa nyang kamay ng paliyad siyang umindayog sa pagkakasakay sa ibabaw ko. Para siyang walang kapaguran. Para siyang walang kasawaan. Pagiling-giling siya sa ibabaw ko. Paikot-ikot ang kanyang puwet habang nagbababa taas sa katigasan ko. Muli kong naramdaman ang pag ahon ng libog ko. Sinabayan ko ang paggiling ng balakang nya. Sinuklian ko ng pagkayog paitaas ang bawat bagsak at pagsalpak ng kanyang lalong dumulas na hiyas, sa katigasan ng tarugo ko. Malamig ang aircon sa kwarto namin, pero pawisan na kami.

Walang humpay ang pagbaba at pagtaas ng balakang nya. Kitang kita ko ang malaki at mahaba kong tarugo na parang nilalamon ng hiyas nya. Pabilis ng pabilis ang pag-indaayog nya sa ibabaw ko. At naramdaman ko ang muling pamumuo ng init sa sentro ng pagkalalaki ko.

"Hayan na naman ako Mahal, lalabasan na uli akooohhhh," Muli nyang panaghoy.

Ilang maririin na pagsalpak ng hiyas nya sa tarugo ko ang ginawa ni Margot, bago nya padiin na ipinirmi ang kanyang hiyas sa pagkakahugpong sa katigasan ko.

Nagkukumahog naman akong umulos ng umulos paitaas sa nakapirmi nyang hiyas. At pinasabog ko rin ang naipong init sa ibaba ng aking puson.

Naramdaman kong higit na mas maraming dagta ang lumabas sa aming mga ari sa pagkakataong ito.

Dumapa si Margot sa ibabaw ko at naghinang ang aming mga labi.

"Tingnan ko kung may makatas pa si Monang dyan sa manoy mo," Pahagikgik na sabi ni Margot matapos magkalas ang aming mga labi. At naramdaman kong kumislot-kislot pa ang kanyang hiyas na parang pinipiga pa ang huling katas ni 'liit'.

"Salam alaikum, attorney," Bungad sa akin ng aking bisita. Sa ayos at kasuotan nya ay mahihinuha na isa siyang Muslim.

"Alaikum salam," Ganting bati ko na inilagay ko ang kanang kamay ko sa tapat ng aking dibdib, at tumayo ako bilang pagpupugay sa aking bisita.

Yumuko ito at inilagay din ang kanang-kamay sa dibdib bilang pagtanggap sa pagsalubong ko.

"Ako nga pala si Abdul Gapur, ako ang pangulo ng Muslim Vendors dito sa palengke," Pagpapakilala nya.

"Nabasa ko ang karatula mo sa labas, natuwa ako na may abugado dito na converted na Muslim, sabi pa nya ng nakaupo na.

"At parang sinadya ni Allah, na nandito ka, para sa kaso ng anak ko," Malungkot, ngunit malumanay na sabi ng kaharap ko.

"Purihin si Allah," Sagot ko naman sa kanya.

"Paano ba ako makakatulong sa anak mo? " Tanong ko sa kanya.

Inilapag nito ang isang tabloid sa ibabaw ng mesa ko. Itinuro nya ang isang news item sa ibaba ng headline.

"ISANG BABAE, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY…"

Sabi ng news item. Pahapyaw kong binasa ang balita.

"Ang anak kong si Nasser ang pinagbibintangang gumawa ng krimen na yan. Nakakulong siya ngayon, sa kasong rape with homecide," Sabi nya na naka-tingin sa mga mata ko.

"Alam mo naman ang prejudice at discriminasyon sa mga Muslim," Mapait na sabi nya.

"Naayos nyo na ba ang pyansa nya? " Tanong ko.

"Kaya nga ako naririto, attorney. Wala akong alam tungkol dyan," Malungkot na sabi nito.

May kinuha ito na makapal na sobre sa kanyang bulsa, at iniabot sa akin.

"Isang Daahg Libong Piso yan. Kung kulang pa, magsabi ka lang attorney, gusto ko lang malinis ang pangalan ni Nasser. Hindi magagawa iyon ng anak ko," Pagtatapos pa nito.

Tinawag ko si Auring para resibuhan ang perang inabot sa akin ni Gapur.

Nangako akong lalakarin ko ang pyansa ng kanyang anak kinabukasan. Pinaiwan ko sa kanya ang diaryo na dala nya.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko. May hunch ako na ito ang magiging unang high profile na kaso ko. Pero, may agam-agam ako. Paano kung talagang ang anak nya ang gumawa ng krimen? Ipagtatanggol ko rin ba ito? Gagawin ko ba ang lahat ng palusot sa batas para maipanalo ko ang unang kaso ko?

Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng lumapit si Auring.

"Attorney, nagpunta po pala dito ang may-ari ng bahay na ito na inuupahan natin, pinapasabi na maghanap na raw tayo ng mauupahan at ipapagiba na raw ito, para tayuan ng bagong building," Sabi ni Auring.

Napakamot ako sa ulo ko. Halos dalawang taon na rin kaming umuupa dito.

"May bagong tayo dyan sa tabi ng Mcdo, Limang palapag yata yun, baka pwede tayo mag-rent doon, " Sabi ni Auring.

Ang inaalala ko ay ang upa. Nakakahiyang manghiram na naman ako kay Margot. Saka syempre, bago ang building, baka i-require din na bago ang office fixtures.

"Sige, bukas, mag inquire ka doon at kung kelan tayo pwede lumipat," Sabi ko kay Auring.

Nang gabing iyon ay sa aking Volleybelle ako natulog. Naka labi siya ng humalik ako. Karga nya si Sienna. Kinuha ko sa kanya ang anak namin at pinupog ko ng halik. Carbon copy ni Monang ang isang taong gulang na naming anak.

"Anong ulam natin? Tanong ko sa kanya. At muli kong ibinigay sa kanya si Sienna.

"Nagluto si inang ng paborito mong sinigang sa bayabas," Sabi nya.

"Naku, eh kasarap nyan," Sabi ko na pumasok ako sa kabahayan. Nagmano ako sa dalawang matanda. Hindi na nagsasaka ang byenan kong lalaki. May binili akong maliit na farm na may namumunga ng mga kalamansi, chico at mga mangga. Iyon na iang ang pinagkakaabalahan nya. May kinuha akong katulong nya doon na sinasahuran ko kada buwan. Ang kita ng farm ay ibinibigay ko sa dalawang matanda. Na alam ko naman pagdating sa dulo ay sa anak at apo din nila mapupunta.

"Maaga ka yata ngayon, Ted," Puna ng byenan kong lalaki.

"Tara munang mag hinyebra," Sabi nya na hindi ko napunang tumatagay pala mag-isa.
"Naku, eh tigilan mo na yan at kakain na tayo, naghanda na ng hapunan ang anak mo," Sansala naman ng byenan kong babae.

"Hindi tayo pwedeng mag best of seven ngayon," Matamlay na sabi ni Monang, ng makitang lumabas ako sa banyo.

"May red flag ako," Sabi nya. Kaya naman pala naka-labi siya kanina.

"Lamang na naman sa akin ang dalawa," Himutok nya.

"Wag ka mag-alala, pag wala ka ng regla, kahit di mo schedule, mag cheat tayo," Pang-aalo ko sa kanya,

"Paano?" Parang excited na tanong nya.

"Sunduin kita sa school, mag hotel tayo, saka lang ako uuwi doon," Sabi ko at kinabig ko siya at hinalikan.

"Gagawin mo yan ha?" Sabi nya na yumakap sa akin at hinalikan ako. Kumalas siya sa akin ng umingit si Sienna.

Binabasa ko ang kabuuan ng news item sa dyaryo ng tumabi sa akin si Monang,

"Ano ba yang binabasa mo? " Tanong nya.

"Tungkol dito sa babaeng natagpuang patay sa ilalim ng tulay, dito sa atin," Sabi ko sa kanya. Hindi ko sinabi na hahawakan ko ang kasong ito.

"Bago lang yan. Usap-usapan pa yan sa school namin," Sabi nya.

At naikwento ni Monang ang usap-usapan tungkol sa pangyayari.

May-asawa daw ang babae na isang seaman. Sila ang nagmamay-ari ng isang patahian malapit sa Wawa, na napuntahan na namin ni Monang noong senior high pa kami.

Maganda raw ang babae, at nasa mahigit bente anyos lang ang edad nito. At ayon sa bulong-bulungan ay may kalaguyo ang babae. Bago maganap ang malagim na sinapit ng babae, ay may naka-puna daw na umaali-aligid sa patahian na isang lalaki. At ng gabing mangyari ang krimen ay nakita at namukhaan ng dalawang mananahi sa patahian, na ang lalaki na aali-aligid sa patahian ay ang isang Muslim na may pwesto sa palengke. At ito rin daw ang huling nakita na kasama ng babae papunta sa Wawa, ng gabing mangyari ang krimen.

"Anak daw yata ng presidente ng Muslim Vendors dyan sa palengke yung suspect," Pagtatapos pa na sabi ni Monang.

Sa kwento ni Monang, parang malaki ang circumstancial evidence na nag-uugnay sa anak ni Gapur sa krimen.

Kailangan kong marinig ang kwento ni Nasser. At kailangan kong makita ang report ng SOCO at ang forensic findings.

Ang itinatanong ko sa sarili ko, kung malaman ko ba na may kinalaman talaga ang kliyente ko sa krimen, ano ang magiging tayo ko? At ano ang magiging estratehiya ko para sa kliyente ko?

Minsan kasi, sa paghahanap natin ng katarungan, ay nakagagawa naman tayo ng kawalang katarungan sa iba.

Sa alalahaning ito, nakatulog akong kayakap si Monang na yakap naman ang anak namin na si Sienna.

SUNDAN ANG SUSUNOD NA LABAS…