1. Home
  2. Stories
  3. A CRIME OF PASSION
Filipino Sex Stories

A CRIME OF PASSION

By teddyray ·

SA BATAS NG BUHAY

PANGALAWANG LABAS: A CRIME OF PASSION

Sariwa pa sa ala-ala ni Nasser, ang trahedya na sinapit ng kanyang asawa na si Nadja. Mag-iisang taon pa lang silang nagsasama ni Nadja. Magkababata sila. Ginugol nila ang kanilang kabataan sa isang liblib na barangay sa Lanao del Sur. Pareho silang Tausug ni Nadja. Ang ama ni Nasser na si Gapur ay isang mangangalakal na nagbabagsak sa kanyang mga kalakal sa mga pamilihan at mga palengke ng Lanao at iba pang mga karatig-lugar. Nakakarating sila hang sa Lungsod ng Iligan sa paglalako ng kanilang paninda. Ang mga kalakal ay karaniwang nanggagaling sa Sabah, Malaysia, na halos dalawang oras lamang mula sa Bongao, Tawi-Tawi, gamit ang mga fast crafts. At sa Bongao, nila kinukuha ang mga kalakal nilang mga ukay-ukay, mga imitasyong relo, cell phones, at maging ang mga tunay na ginto at mga alahas.

May pwesto sila Nasser sa loob ng palengke ng Iligan. At kagagaling lang ni Nadja sa kanilang pwesto. Tinanaw pa ni Nasser ang asawa habang tumatawid ito papunta sa kabila para sumakay ng jeep. Nagpaalam si Nadja na dadalaw sa kanila sa Lanao. Kumaway pa si Nadja kay Nasser. Halos katatalikod lang ni Nasser ng gulantangin ang paligid ng malakas na pagsabog. Sa sumunod na mga sandali, habang nagpa-panic ang lahat, ang nasa isip ni Nasser ay ang kanyang asawa.

Natagpuan nya si Nadja na nakahandusay sa pavement. Ang sumabog na bus ay nagliliyab pa ang likurang bahagi nito. Ilang mga vendors na nahagip ng pagsabog ang kasamang nasawi ni Nadja.

Dalawang linggo, matapos ang malagim na insidente, ay ipinasiya ng kanyang ama na lumuwas sila ng Maynila para doon na manirahan. Ipinasiya ng kanyang ama na si Gapur na iwanan ang karahasan sa Mindanao.

Napadpad sila sa Bulacan. Tahimik ang lugar, at mababait ang mga tao sa lugar na ito, kung saan, halos ay nagkaka-ipon na rin ang mga nagmula sa ibang lugar sa bisaya, sa bandang katimugan, at tulad nila ng galing pang Mindanao.

Nangupahan sila ng isang di kalakihang pwesto para magbenta ng mga cell phones, at mga kasamang gadgets nito, tulad ng chargers, earphone, baterya, at iba pa. At dito nakilala ni Nasser si Nelya. Malakas ang naging atraksyon kay Nasser, ni Nelya. Paano ay kahawig ito ng nasira nyang asawa na si Nadja. Sa taas, pangangatawan, kutis at mga mata, parang nabuhay si Nadja sa kata-uhan ni Nelya.

"Naghahanap sana ako ng cord para sa charger ng phone ko," Naalala ni Nasser na sabi ni Nelya.

Nang ipakita nito ang dalang cellphone, ay yumuko si Nasser, at kinuha sa eskaparate ang cord na hinahanap ng babae.

"Taga-rito ka?" Tanong ni Nasser sa babae, nang iabot ang cord.

Nang ngumiti ang babae, ay lalo nyang naramdaman ang pangungulila nya sa namayapa nyang asawa. Ang sungking ngipin ng babae at ang kislap ng mga mata nito ay bumubuhay sa ala-ala ni Nadja.

"Sa may Lalakhan kami, malayo ng kaunti dito, isang sakay pa. Pero dito ako namamalengke," Sabi naman ng babae.

At ng iabot nya sa babae ang cord ay sinadya ni Nasser na hawakan ang palad ng babae.

"Ako nga pala si Nasser, pwedeng malaman ang pangalan mo?" Tanong nya at pinisil nya ang kamay nito. Wala namang pagtutol na nakita nya sa mata ng babae. Ngumiti lang ito, at magalang na binawi ang kamay, saka sumagot.

"Nelya, ang pangalan ko," Sabi nito.

"Pahiram ng cellphone mo, " Sabi pa ni Nelya kay Nasser.

Nang iabot kay Nasser ang kanyang cellphone, ay nakita nyang hinanap ni Nelya ang address book ng cellphone ni Nasser at itinipa cellphone number nya.

"May warranty ba itong cord?" Tanong pa nito habang binabayaran ang biniling cord.

"Doble ang kapalit nyan, pag di gumana," Sabi naman ni Nasser.

"Text mo ako mamaya ha?" Bulong pa ni Nelya, bago tuluyang tumalilis palayo sa tindahan ni Nasser.

Iyon ang naging simula ng kanilang relasyon.

Nalaman ni Nasser na may asawa na si Nelya. Isang tripulante sa barko na pag-aari ng isang Greek Shipping company ang asawa nito. Minsan tuwing anim na buwan ang uwi nito. Minsan, inaabot ito ng isang taon bago makauwi. Para malibang si Nelya, nagpundar sila ng patahian, kung saan may mga mananahi sila na stay-out at pakyaw ang sistema ng kanilang bayaran.

Bata pa si Nelya, nasa beinte-singko anyos pa lang ito. Dalawampung taong gulang pa lang siya ng sumama siya kay Lito. Mas matanda sa kanya ang kanyang asawa ng sampung taon.

Parang whirl-wind romance ang naganap sa kanilang dalawa. Mula sa pagtext-text ay humantong ang kanilang relasyon sa mainit na pagtatalik.

Naganap ang kanilang unang pagtatalik sa kanyang tindahan sa palengke. Katatapos nya lang magdasal sa lanilang tradisyon. Lumabas si Nasser para buksan na ang kanyang tindahan. Nagulat pa si Nasser ng mabungaran si Nelya na nakatayo sa harap ng saradong roll-up door.

Bigla itong umuklo papasok sa loob ng tindahan.

"Isara mo uli," Utos nito kay Nasser na sumunod sa kanya sa loob ng tindahan.

"May nakapansin ba sayo?" Kinakabahang tanong ni Nasser, matapos isara ang roll-up door mula sa loob.

"Wala, may tabing naman na tarpaulin ang harap saka, patay na oras, walang gaanong tao sa palengke," Pabulong na sabi ni Nelya. Naka-palda ito ng maiksi, at langhap agad ni Nasser ang mabangong amoy ng pabangong gamit nito.

Saglit na naghinang ang kanilang mga mata. Unang lumapit si Nelya kay Nasser at hinalikan ito sa bibig. Naghalikan sila habang nakatayo. Naramdaman ni Nasser ang malambot na dibdib ni Nelya na lumapat sa matipunong dibdib nya. Agad na humaplos ang kamay ni Nasser sa likod ni Nelya. Bumaba ang kanyang kamay sa laylayan ng maiksing palda ni Nelya. Nang iangat nya ang laylayan ng palda ni Nelya ay nakita ni Nasser ang maputi at maumbok na puwet nito sa repleksyon ng salaming eskaparate. Agad nyang ibinaba ang panty ni Nelya at kinabig ang harapan nito padikit sa harapan nya. Walang suot na brief si Nasser. Kaya ang malaki nyang burat ay naramdaman nyang kumiskis sa matambok na harap ni Nelya. Nagmamadali sila pareho. Nasa alanganing lugar sila. Baka may maghanap mula sa labas.

Mabilis na hinubad ni Nelya ang panty nya. Ibinababa naman ni Nasser ang manipis at maluwang na pantalon nya, at hinagilap ang isang upuan. Umupo siya. Tumambad kay Nelya ang nakatingarong malaking burat ni Nasser.

Tumingkayad si Nelya na inilapit ang kanyang hiyas sa tila bareta sa tigas na burat ni Nasser. Napangiwi si Nelya ng lumapat ang mahabang ari ni Nasser sa kanyang kaselanan. Subalit higit ang sarap na dulot ng pagsagad ng mahabang burat ni Nasser sa kanyang hiyas, kaysa sa kirot na kasamang nadama nya ng upuan nya ang matigas na ari ng lalaki. Isang taon na siyang bakante. Isang taon ng hindi nakaka-uwi ang asawa nyang si Lito. Kaya naman pakiramdam nya ay tigang na tigang siya. At parang hindi nakasanayan ng kanyang hiyas na may malaking burat na nakapasak dito. Hindi kalakihan ang burat ng kanyang asawa.

Naramdaman ni Nasser ang panginginig ng laman ni Nelya ng pabiglang upuan nito ang mahaba nyang burat. Itinaas nya ang blusa nito at sinisid ang malalim na cleavage ni Nelya. Inangat nya ang bra nito at hinagod ng bibig ang suso nito, habang nagsimulang mag-urong sulong ang harap ni Nelya sa nakasalpak nyang katigasan.

Ramdam ni Nasser ang pananabik ni Nelya. Parang uhaw na uhaw ito sa sex. Pagiling-giling ang balakang nito sa katigasan ng kanyang burat. Nilamas na lang nya ang mga suso nito ng magsimula itong umindayog sa kanyang kandungan. Ang mainit na lagusan nito ay humahakab sa kahabaan ng kanyang burat. Mabilis itong nagbaba taas sa nakatingaro nyang burat. Minsan ay paurong ang ginagawang bagsak nito, minsan naman ay pasulong.

"Malapit na ako, Nasser," Bulong ni Nelya.

At lalo nitong binilisan ang pag-indayog sa harapan ni Nasser. Naramdaman naman ni Nasser ang pamumuo ng init sa ibaba ng kanyang puson.

"Malapit na rin ako Nelya," Bulong din ni Nasser. At pinaspasan pa lalo ni Nelya ang pagbaba at taas ng kanyang hiyas sa nag-uumigting na sa tigas na burat ni Nasser.

"Hayan na akoooohhhhh, uhhhhhh, " Pasalpak na ipinirmi ni Nelya ang hiyas nya sa pagkakahugpong sa burat ni Nasser.

Naramdaman ni Nasser ang mainit na dagta ni Nelya sa kahabaan ng kanyang burat na nakasalpak sa hiyas nito. Agad nyang pinatayo ito at pinatalikod sa kanya na pinahawak nya sa silya.

Kitang kita ni Nasser ang hiyas ni Nelya na dinadaluyan ng masaganang katas. Lalong nagpaulol ito sa libog na nararamdaman ni Nasser.

Mabilis nyang ipinasok ang naglalatang sa tigas nyang burat sa madulas na lagusan ni Nelya. At kinayog ng kinayog ni Nasser ang lagusan ni Nelya.

"Nakikiliti pa ako, Nasser,"Anas ni Nelya. Pero inarko nito ang katawan sa pagkakatuwad para higit na mabigyang laya ang pagbayo ni Nasser sa kanyang hiyas mula sa likuran.

Bayo at ulos na walang patlang ang kanyang ginawa sa hiyas ni Nelya. Kapwa pawisan na ang dalawa. Nagpapanabay na ang kanilang paghingal. Bawat salpak ng matigas na burat ni Nasser sa mainit na hiyas ni Nelya ay sinusuklian naman nito ng pagganting urong-sulong ng kanyang balakang.

"Hayan na ako Nelya, ohhhhhhhh," Pinakawalan ni Nasser ang naipong init sa ibaba ng kanyang puson sa pagkababae ni Nelya. Naramdaman nyang nanginig ang laman ng katalik ng dumilig ang masagana nyang dagta sa loob ng hiyas nito. Naramdaman ni Nasser na nilabasan si Nelya sa pangalawang pagkakataon.

Naulit pa ang kanilang pagniniig na iyon ng maraming beses. Kapag nakakagawa si Nelya ng paraan na makaalis sa kanila,ay lihim silang nagtatagpo. Inihahatid nya si Nelya sa kanyang motorsiklo na ipinaparada nya sa itaas ng tulay sa wawa. Mula doon ay naglalakad na ito patungo sa kanilang patahian.

Subalit, naging madalang ang kanilang pagkikita kinalaunan.

"Naghihinala na ang bayaw ko na may katagpo ako pag umaalis ako ng bahay," Parang pagsusumbong na sabi ni Nelya kay Nasser.

"Saka, nararamdaman kong parang gusto akong manyakin ng bayaw ko, sabi pa nito.

" Ka Nelya, namalengke ka rin pala," Narinig ni Nasser na binati si Nelya ng babae na medyo may edad na. Isang araw ng Linggo yun.

"Oo, saka bibili rin ako ng charger, di na gumagana ang charger ko sa bahay, " Sabi ni Nelya sa kausap.

"Ay, gusto ko rin palang bumili ng earphone, " Sabi naman ng kasama nitong mas bata ang edad na babae.

"Magkano ba ang earphone na yun, pogi? " Tanong pa ng mas batang babae kay Nasser, na itinuro ang earphone na nasa eskaparate.

Inuna ni Nasser na asikasuhin ito.

"Sino ba ang mga yun? " Tanong ni Nasser kay Nelya ng makaalis na ang dalawa.

"Mga mananahi ko ang mga yun. Yung isa, ang mas bata ay pamangkin ng bayaw ko," Sabi pa ni Nelya.

"Natatakot ako Nasser, parang hindi na ako tatagal sa bahay namin," Sabi ni Nelya ng magtagpo sila.

"Bina-blackmail ako ng bayaw ko, nandidiri ako sa kanya," Sabi pa nito.

"Paanong pamba-blackmail?" Nag-aalalang tanong ni Nasser.

"Basta, kung mahal mo ako, ilayo mo na ako. Sasama ako sayo, kahit saan," Sabi pa ni Nelya.

Naipasiya ni Nasser na isama na si Nelya, pabalik sa kanila sa probinsya sa Lanao del Sur. Pero kailangan muna nyang hingin ang pahintulot ng kanyang ama.

"Bigyan mo ako ng kaunting panahon, at isasama na kita sa amin sa Mindanao," Pangako nya kay Nelya. Subalit hindi na nakakapunta si Nelya sa kanilang tindahan.

"Laging nakabantay ang bayaw ko, at kung umaalis man ito ay pinababantayan ako sa pamangkin nya," Pagsusumbong nito kay Nasser sa text.

Ipinasiya ni Nasser na puntahan ito sa kanilang bahay sa Wawa.

Nagtityaga si Nasser sa labas ng bakuran ng bahay ni Nelya.

"Hindi ako makalabas nasa gate ng bahay ang bayaw ko," Text ni Nelya. Nang lumapit si Nasser sa may gate ay siya namang labas ng dalawang babae na nakita nya sa kanilang tindahan. Nagkatitigan silang tatlo. Mabilis na tinungo ni Nasser ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa di kalayuan. Nagtext siya kay Nelya na aalis na siya. Nakita nyang nagliwanag ang isang silid sa itaas ng patahian.

"Umalis ang bayaw ko, punta ka dito," Sabi ng text ni Nelya. Dapit-hapon na noon. Nagmamadali si Nasser na isinara ang kanyang tindahan. At pinaharurot ang kanyang motorsiklo. Sa ibaba na ng tulay sa Wawa nya ipinarada ang kanyang motorsiklo. Naglakad na lang siya sa konkretong embankment ng ilog papunta sa bahay ni Nelya,palabas na si Nelya ng gate ng patahian ng dumating si Nasser. Pero, ng eksaktong nasa labas na ito ng gate at magkasabay na silang naglalakad patungo sa may tulay ay nasalubong naman nila ang isang may edad ng babae na tumingin lang sa kanila. Nagmamadali si Nelya sa kanyang paglalakad patungo sa Wawa.

"Napansin ba na magkasabay tayo?" Bulong ni Nelya kay Nasser.

"Hindi siguro, medyo madilim na eh," Sagot naman ni Nasser.

Tulad ng una nilang pagtatalik, parang uhaw na uhaw si Nelya.

"Kailan mo ba ako isasama sa probinsya nyo?" Tanong nito habang naka-upo ito ng patingkayad at binubuksan ang siper ng pantalon ni Nasser. Nakaupo si Nasser sa gilid ng bangka. Walang panloob si Nasser. Kaya ng makalas ang butones ng sinturera nito at maibaba ang siper ay umigkas ang malaki nyang burat.

"Sa Linggo, pumunta ka sa palengke at pupunta muna tayo sa Taguig, bago tayo umuwi ng Lanao," Pangako ni Nasser kay Nelya.

Agad na isinubo ni Nelya ang malaking burat ni Nasser. Ginawa nya itong parang lollipop. Sabik na sabik na ipinaloob sa kanyang bibig ang malaking ulo ng burat ni Nasser. Napapaangat ang puwet ni Nasser sa tuwing lalaruin ng dila ni Nelya ang maliit na butas sa ulo ng burat nito. Naroroon ang sentro ng libog ni Masser.

Lalong naghumindig sa katigasan ang burat ni Nasser ng marahang salsalin ito ni Nelya habang sinusupsop ang ulo ng kanyang burat.

Nang maramdaman ni Nasser ang pag-igting katigasan nya ay pinatayo nya si Nelya, at pumasok sila sa loob ng malapad na bangka. Inihiga nya ito at hinubad ang suot na panty. Ang isang bahagi lang ang nahubad nya, at naiwan ang isang bahagi ng panty nito na nakasuot pa sa isang binti nito.

Sinanay ni Nasser ang kanyang mata sa dilim at iniatang nya sa kanyang mga balikat ang binti ni Nelya. Mariin nyang itinarak ang kanyang matigas na burat. Pigil na pigil ang kanilang pag-ungol. Tanging ang ingay ng pagsasalpukan ng kanilang mga ari ang sumasabay sa ingay ng mga rumaragasang sasakyan sa ibabaw ng tulay.

Sabik na sabik sila sa isa't-isa. Marahas at mariin ang salpukan ng kanilang mga ari. Naghahanap ng kaganapan ang init na lumulukob sa kanilang katawan.

Pa-rapido na ang walang humpay na pag-ulos ni Nasser sa hiyas ni Nelya. Nasa dulo na sila ng bangka. Walang humpay din ang pagsukli ng hiyas ni Nelya sa bawat bayo ng burat ni Nasser.

"Lalabasan na ako Nasser," Mahinang bulong ni Nelya.

Lalong pinagbuti ni Nasser ang pagbayo. Paikot ang ginagawa nyang bagsak at pagsalpak ng kanyang burat sa napaka-init na hiyas ni Nelya.

"Hayan na ako Nelya, lalabasan na akooooohhhhh, ahhhhhhh," Nilunod ang Impit na daing ni Nasser ng ingay ng mga sasakyan sa ibabaw ng tulay. At lunod din sa galak ang hiyas ni Nelya ng sumabog ang masaganang katas ni Nasser sa hiyas ni Nelya. Halos sabay ang pagsabog ng kanilang mga katas.

Nagpahinga lang sandali ang dalawa, at muli nilang inulit ang kanilang pagtatalik. Paulit-ulit nilang nilasap ang luwalhati ng pag-iisa ng kanilang katawan. Nagtalik sila ng gabing iyon na para bang wala ng bukas.

Ito ang kwento ni Nasser. Na-aprubahan naman ang request ko na makapag pyansa siya. Circumstancial pa lang ang ebidensya laban sa kanya. May testigo lang na nagsabing siya ang kasama ni Nelya ng huling makitang buhay ito. Hindi pa lumalabas ang forensic result. Pag nagmatch ang semen na nakuha sa ari ni Nelya sa semen ni Nasser, baka makulong siya uli.

Isinama ko si Nasser sa pinangyarihan ng krimen. Itinuro nya ang bangka na kung saan sila nagtalik. Halos mga sampung hakbang iyon kung saan natagpuan ang nakahandusay na bangkay ni Nelya. Nasa akin na ang kopya ng ulat ng SOCO. Ang forensic findings na lang saka ang report ng medico-legal sa sanhi ng pagkamatay at kung paano namatay ang biktima, ang wala akong kopya.

"Alhamdullilah, attorney, hindi ko magagawa ang ibinibintang sa akin, di ko magagawang patayin ang panglawang babae na minahal ko," Nakayuko si Nasser sa pagkakaupo nya sa gilid ng bangka.

Nabaghan ako sa anyo nya. Naniniwala akong inosente siya. Pero, parang ang mga ebidensya at mga pangyayari ay nagdiriin sa kanya.

Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng may mapansin ako sa ilalim ng bangka. Pinalayo ko si Nasser at kinunan ko ng dala kong digital camera ang bagay na nakita ko. Kinuha ko mula sa dala kong bag ang isang plastic pouch. Humanap ako ng isang patpat at sinungkit ko ang bagay na nakita ko at inilagay ko ang bagay na iyon sa loob ng plastic pouch, at ipinasok ko sa bag ko.

Pumunta kami sa malapit sa bahay ni Nelia at mula doon ay kinunan ko ang tulay. Pati ang ilog. Muli kaming bumalik sa pinangyarihan ng krimen. At mula doon ay kinunan ko naman ng retrato ang bahay ni Nelya na tanaw na mula sa tulay.

Pagkatapos kong matiyak na kumpleto na yung datos ko sa pinangyarihan ng krimen, ay ipinasiya kong bumalik na ako sa opisina ko, matapos ko ihatid si Nasser sa kanyang tindahan. Pabalik na ako sa opisina ng maalala kong puntahan si Maring sa ospital na pinaglilingkuran nito. Hindi pa ako nanananghalian, at parang gusto ko siyang makasabay maglunch, kasi schedule nya naman simula mamayang gabi.

May operasyon daw siya ng dumating ako. Kaya naghintay ako sa lobby.

"O,Boss, kanina ka pa?" Bungad sa akin ng aking doktora.

Umiling ako.

"Halos kararating ko lang. May operasyon ka raw kaya sabi ko sa lobby na lang ako maghintay, sabi ko sa front desk nyo," Sabi ko sa kanya.

" May camera na pala ang bawat bahagi ng ospital nyo, " Dugtong ko pa na itinuro ko ang camera sa hallway.

"24/7 ang security dito, lahat ng pumapasok at lumalabas ay fully recorded," Sabi ni Maring.

"May record ba kayo ng lahat ng nagpapagamot pati sa infirmary? " Tanong ko pa sa kanya.

"Oo, fully digital na ang mga records dito, may website na ang ospital. Bakit mo naitanong? " Tanong nya bigla.

"Wala naman, baka kailanganin ko ang serbisyo ng ospital ninyo, sa legal cases ko," Sabi ko.

"Abugado nga pala ang mister ko," Sabi nya na inakbayan ako.

"Lunchbreak na, mag-out ka na at kakain tayo sa labas," Sabi ko sa kanya.

Pumunta kami sa Mall at humanap kami ng restaurant na hindi dinudumog.

"Wag mo na ako sunduin mamaya at mamalengke ako" Sabi ni Maring ng kumakain na kami.

" Magluluto ako ng soup number five. Baka naubos na ni Monang ang katas mo," Sabi nya. Di nya alam wala kaming score ni Monang dahil may regla ito.

"Mukhang mapapalaban si 'liit' mamayang gabi ah? " Sabi ko na tinitigan si Maring.

" Talagang mapapalaban yan, apat na araw akong bakante," At tinitigan nya rin ako. Nakikita ko sa kanyang mata ang naiisip na kapilyahan.

"Agahan mo ang uwi mamaya ha? " Bulong nya ng ibaba ko siya sa ospital.

"Yes, boss, nanginginig pa," Sabi ko sa kanya.

"I love you, boss," Sabi nya matapos humalik sa labi ko.

"Likewise,boss," Sabi ko at kinabig ko siya at hinalikan.

"Attorney, good news," Sabi ni Auring ng bumungad pa lang ako sa pinto.

"Naka-usap ko ang may-ari ng bagong tayong building dyan sa may Mcdo. Super yaman pala siya. Siya rin pala ang nakabili ng bahay na ito na inuupahan natin!" Sabi pa ni Auring na sumunod sa akin sa lamesa ko.

"Alin ang good news doon? " Tanong ko sa kanya.

"Sabi nya pauupahan nya sa atin ang buong second floor, fully furnished, kung papayag ka raw maging corporate lawyer ng kanyang kumpanya!" Nangingislap ang mga matang sabi ni Auring.

Napasandal ako sa aking second hand na upuan. Corporate lawyer? Ibig sabihin regular na ang magiging income ko. At pwede na akong mag-hire ng addition na staff. Magkakaroon na ako ng mga legal researchers. Magkakaroon na ako ng bupete. Magiging abogado-de-campanilla na ako?

"Attorney, sabi nya, kung available ka raw pagdating mo dito sa office pasyalan mo siya para mapag-usapan nyo ang detalye, " Sabi pa ni Auring.

Isang bloke lang ang layo ng sinasabi ni Auring na bagong building. Mabilis ang sikdo ng dibdib ko habang naglalakad ako papunta doon. Ito na ba ang swerteng hinihintay ko? May hatid ba na swerte ang kaso ni Nasser? Magiging totoo ba ang kasabihang, kapag umulan, ito ay bumubuhos?

Magalang akong nagtanong sa gwardiya kung saan ang opisina ng admin ng building. Magalang ding itinuro nya ang isang malaking kwarto sa ground floor matapos nyang itawag sa hawak nyang twio way radio ang pangalan ko. Ibinigay ko sa guard ang isa kong tarheta,

May kaba sa dibdib ko ng pihitin ko ang seradura ng tinted glass na pinto ng admin.

Ilang sandaling itinulos ako sa pagkakatayo ko sa likuran ng automatikong nagsara na pinto.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap nya ako at hinalikan.

"Missed na miss kita, Ted, sobra." Humahagulgol na sabi nya.

SINO ANG BABAE SA ADMIN? SUBAYBAYAN…