1. Home
  2. Stories
  3. A WOMAN OF DESIRE
Filipino Sex Stories

A WOMAN OF DESIRE

By teddyray ·

A WOMAN OF DESIRE

Nasa aplaya siya. Pinagmamasdan nya ang paghalik ng alon sa kanyang mga paa. Pinaliliguan ng payapang alon ang kanyang mapuputing sakong ng maligamgam na bulang nabubuo at nawawasak sa mabining paghampas ng alon sa dalampasigan. Habang parang sinusuklay naman ng hanging amihan ang mahaba nyang tuwid na tuwid na buhok na umaabot sa kanyang balakang.

Hinawi ni Patricia ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nyang mukha. Tinatanaw nya ang malayong anino ng mga barko at ferry boats na naglalayag sa bahaging iyon ng karagatan na tanaw mula sa kanyang kinalakhan na isang coastal na barangay na sakop ng bayan ng Matnog, sa lalawigan ng Sorsogon.

Maganda si Patricia. Matangkad siya sa pangkaraniwan. Marahil ay dahil sa ang kanyang namayapang ina ay naanakan daw ng isang Amerikanong puti ng magtrabaho ito sa Angeles City. At ayon sa kinalakhan nyang lola, sa di nya nakilalang ama, namana ang kanyang kutis, tangkad, at tangos ng ilong. Ang iba pa ay minana na nya mula sa kanyang ina.

Sa edad nyang labing-walo ay dalagang-dalaga na siyang tingnan. Katakam-takam ang hubog ng kanyang katawan. Parang nililok ng isang dalubhasang eskultor ang kurba ng kanyang bewang at balakang. Biniyayaan din siya ng mayamang dibdib. Ang mamasa-masa at mapupulang labi nya ay parang laging nag-aanyaya na ito ay mahagkan.

Ngunit ang kanyang pang-akit ay nasa kanyang mga malalamlam na mga mata na minana nya sa kanyang ina. Parang nangungusap ang kanyang mga mata. Para itong may bato-balani na humihigop sa bawat nyang matitigan.

At bukod sa taglay nyang kariktan, si Patricia ay may isa pang katangian na hindi karaniwan. Above- average ang kanyang IQ. Matalino si Patricia. Consistent honor student siya mula ng siya ay mag-aral.

Ang tita nya, na bunsong kapatid ng namayapa nyang ina ang sumusuporta sa kanila, maging sa pag-aaral nya. Nagtrabaho din ito sa Angeles City, at maswerteng nakapag-asawa ng isang retiradong piloto na itim na Amerikano, at isinama ito sa States.

Hindi na nakaka-punta sa laot ang kanyang lolo para mangisda. May dalawang bangka sila na ginagamit para ihatid ang mga nakatira sa kanilang barangay sa bayan. Bangkang de motor pa lang ang sasakyan na ginagamit ng mga taga-roon, para makarating sa bayan ng Matnog mula sa kanilang barangay.

"Pat! " Narinig nyang tawag sa kanya ni Leonil.

Nang idako nya ang kanyang tingin sa dako ng boses nito, nakita nyang kinakawayan siya ng kababata.

Naramdaman ni Patricia ang masasal na pintig ng kanyang dibdib. Batid nyang, sa ubod ng kanyang puso, ay may pagtatangi siyang nadarama sa kanyang kababata.

Makisig si Leonil. Binagayan ang hugis puso na hawas ng mukha nito ng katamtamang tangos ng ilong, makipot na bibig, at may pagka-pilyong mga mata. Ang may pag-kakulot na buhok nito, na ang bangs ay humahangga sa malapad na noo ay nagdadagdag sa angking kakisigan nito.

Ang masasabi lang na kakulangan sa personalidad ni Leonil, ay ang height nito. Mas matangkad sa kanya si Patricia ng higit sa apat na dangkal.

Walang binabanggit si Leonil tungkol sa nadarama nya kay Patricia. Wala ring binabanggit si Patricia sa nararamdaman nya sa kababata. Pero, sa kanilang coastal na barangay, parang tanggap na silang dalawang magkababata ay may-relasyong higit pa sa magka-ibigan. Paano, mula ng mag-aral sila, lagi na silang magkasabay pumasok at umuwi, sakay ng bangka nila Patricia. Kahit pa sabihing, may sariling bangkang de motor din ang ama ni Leonil na nagba-byahe din paroo't-parito mula sa kanilang barangay, patungo sa kabayanan ng Matnog.

Mas ginugusto ni Leonil na kasabay si Patricia. At nakasanayan na nila ang isa't-isa.

Patakbong lumapit sa kanya si Leonil. Naka-sungaw sa labi nito ang ngiti na laging pumapasok sa mga panaginip ni Patricia.

" Maaga pa, maligamgam pa ang tubig, ligo tayo sa dagat? " Yaya sa kanya ng kababata.

Dalaga't-binata na sila. May malisya ng nararamdaman si Patricia kapag tinitingnan siya ni Leonil na parang hinahaplos ng may kapilyuhang mga mata nito ang kanyang kabuuan, lalo ang mayamang dibdib nya. Nakadarama siya ng kaka-ibang pag-iinit sa pagitan ng kanyang mga hita. At nararamdaman nya ang pamamasa ng kanyang hiyas.

"Wala akong bihisan," Sabi nya.

At wala siyang suot na bra, at naka-panty lang siya sa ilalim ng suot nyang puting bestida.

"Malapit lang naman ang sa inyo," Sabi ni Leonil.

At hindi nakatutol si Patricia ng hilahin siya nito sa kamay.

Patakbo nilang nilandas ang kulay pink na buhanginan ng dalampasigan. Kalmante ang panahon. Parang hininga lang ang ihip ng hanging amihan. Kaya naman, parang walang kaalon-alon sa dagat. Halos mabibilang mo ang pagdila ng mabining alon sa kulay pink na buhangin sa aplaya.

"Ang sarap ng tubig," Sabi ni Leonil matapos iangat ang ulo sa pagkakalubog sa tubig. Naka- manipis na boxer shorts lang ito.

Nakalubog naman ang katawan ni Patricia hanggang balikat. Parang nahihiya siyang umangat sa tubig at makita ng kababata ang mayamang nyang dibdib na bakat sa basang bestida nya.

Malayo sa sentro ng kanilang barangay ang kinaroroonan nila. Kaya naman, sila lang ang makikitang nagtatampisaw sa kaagahan ng umagang iyon, sa malinaw na tubig-alat. Pasisid-sisid si Leonil malapit sa kinatatayuan ni Patricia. At dahil napalinaw ng tubig sa dakong iyon ng karagatan, ay naaaninag pa rin ang magandang hubog ng katawan ng dalaga. lalo at lumulutang ang laylayan ng bestida nya. Aninag ang katambukan na tinatakpan ng panty nya sa ilalim ng napakalinaw na tubig na pinalilinaw ng mga pinong corral na tinatapakan nila.

"Pat," Narinig nyang bulong sa kanya ni Leonil.

Nasa harapan nya ito. Halos magdikit ang kanilang mga katawan. At naramdaman ni Patricia ang mainit na hininga ng binata habang hinahagod nito ng halik ang kanyang leeg. Inikot naman ng dalaga ang tingin sa kalawakan ng aplaya. Nangngamba siyang may makakita sa ginagawa sa kanya ng kababata.

Wala siyang madama kahit kaunting pagtutol sa ginagawa sa kanya ni Leonil. Naramdaman nya ang pagbundol ng matigas na ari nito na natatakpan ng boxer shorts na suot nito, sa kanyang harapan. Nilalamas ng isang kamay ng kababata ang mayamang suso nya. Nakaramdam siya ng kakaibang sarap sa ginagawa nitong paglamas sa kanyang suso. Parang nangngati ang tirik na tirik na mga utong nya.

"Doon tayo sa may kabatuhan," Narinig ni Patricia ang sarili nyang bumulong kay Leonil.

Darang na darang na siya. Naghahanap ng kaganapan ang napukaw na pagnanasa sa kanyang pagkababae.

Nagdudumali silang lumangoy papunta sa bahagi ng aplaya na may malalaking bato na humahantong sa kabatunang karugtong ng bundok na bato.

Kapwa na sila alipin ng napukaw nilang pagnanasa. Kitang-kita ni Patricia ang pamumukol ng harapan ni Leonil. At naramdaman nya naman na basang basa na ang hiyas nya.

Walang katagang namutawi sa kanilang mga labi. Nang kusa siyang humiga sa makinis at malapad na batong nakita nya, ay nanginginig namas sa libog si Leonil na naghubad ng kanyang boxer shorts. Napakagat-labi si Patricia ng ganap na tumambad sa mga mata nya ng matikas na sandata ng kanyang kababata. Kahit maliit si Leonil, higante naman ang nasa harapan nito.

Walang inaksayang panahon si Leonil. Lumuhod siya sa paanan ng dalaga at hinatak pababa ang basang panty nito. Kusa namang inangat ng dalaga ang kanyang maumbok at bilugang puwet para mabilis na mahubad ng kababata ang kanyang panty.

Napangiwi ang makipot na bibig ni Patricia ng igiit ni Leonil ang kanyang katigasan sa bibig sa ibaba ng kababata.

Pareho pa silang walang karanasan sa pagtatalik. Walang paki-alam si Leonil sa kirot na nararamdaman ni Patricia, habang marahas nyang isinagad sa basal na hiyas nito ang katigasan ng kanyang tarugo. Nahihiya namang magsabi si Patricia sa nadarama nyang kirot sa kanyang hiyas, sa pagkakawasak ng kanyang hymen. Tiniis na lang nya ang kirot ng pangahas na pagpasok ng tarugo ng kababata.

Marahas na pagbayo at pag-ulos ang ginawa ni Leonil sa nagpapaubayang hiyas ni Patricia. Nagmamadali siya na parang may hinahabol. Ang nasa isip nya ay ang sarap na idinudulot ng kasikipan ng hiyas ng kababata sa kanyang naglalatang sa tigas na tarugo.

Lalong bumilis ang ginagawa nyang pag-ulos sa hiyas ni Patricia, ng maramdaman nyang dumulas ang lagusan ng hiyas nito. Naramdaman nya ang paglaban ng hiyas ng kababata. Naramdaman nya na sinusuklian nito ang bawat ulos ng tarugo nya.

Nang maramdaman ni Patricia na nabawasan ang kirot na nararamdaman nya sa kanyang hiyas, ay nag-concentrate siya at itinuon nya ang isip sa masarap na sensasyong nararamdaman sa pagsagad ng tarugo ni Leonil sa kaibuturan ng kanyang pagkababae. Naramdaman nyang parang may madulas na likido na lumabas sa kanyang hiyas na nagpapadulas sa masikip na butas ng kanyang hiyas. At tinatalo ng sarap na inihahatid sa kanyang pandama, ang kirot ng pagkakapunit ng kanyang pagkabirhen.

Sumasabay na ang kanyang balakang sa tempo ng bawat bagsak ng pang-ibabang katawan ni Leonil sa kanyang harapan. Para nag nagsasalpukan ang kanilang mga ari. Kapwa na sila humihingal. Nanunuyo ang kanyang laway habang kagat labi nyang sinasalubong ang bawat ulos ng kababata.

Hanggang sa maramdaman nya ang pamimitig sa sentro ng kanyang puson. Kumapit siya sa tagiliran ng balakang ni Leonil ng maramdaman nyang may lumalabas na mainit na dagta sa sentro ng kanyang pagkababae. Ipinagdiinan nya ang kumikibot-kibot na hiyas nya sa harapan ni Leonil. Walang humpay naman na pagbayo at pag-ulos ang ginawa nito sa kanyang hiyas, hanggang sa maramdaman ni Patricia, ang malapot na dagta ng tarugo nito na dumilig sa kanyang pagkababae.

Masarap na sensasyon sa pagkababae nya ang dulot ng mainit at malapot na katas na ibinuga ng kahabaan ng binata sa kanyang kalaliman. At higit na masarap sa pakiramdam nya, na ang lalaking umangkin sa pagka-birhen nya, ay ang lalaking lihim nyang itinatangi.

"Sorry, natangay ako," Bulong sa kanya ni Leonil.

Masuyong isinuot nito ang basang panty nya.

Isinuot din nito ang hinubad na boxer shorts at hinila siya sa kamay patayo. Masuyo siyang niyakap at hinalikan sa labi ng kababata.

"Magtatapos muna ako ng pag-aaral, bago ko pangatawanan ang nangyari," Sabi pa ni Leonil.

May gusto siyang marinig mula sa labi ng kababata. Subalit, hindi nya narinig ito. At hindi na nya maririnig.

Magmula ng maganap sa kanilang dalawa ang pagtatalik na iyon, lalo silang nagkalapit ni Leonil. Lalong naging maasikaso ito sa kanya. Naramdaman ni Patricia, ang paghahangad ni Leonil na protektahan siya, at maipadama ang pagmamahal nito na hindi binibigkas sa kababata. Hindi na naulit ang kanilang pagtatalik. Naging matimpi si Leonil. Nagkasya na lamang ito sa paghawak kamay at pagyakap-yakap sa kanya.

" Kailangan nating maka-ahon sa kahirapan ng buhay dito sa barangay," Sabi ni Leonil kay Patricia.

"Ipangako mo sa akin na aahon ka, at aalis sa miserableng pamumuhay dito. Sa abot ng makakaya ko, kung makapaghihintay ka, iaahon ko ang mga magulang ko, kasama ka, sa kahirapan. Ilalayo ko kayo sa lugar na ito,"Naaalala pa ni Patricia na sabi ng kababata.

Ngunit, ang lahat ng iyon, ay pangarap na lamang.

Katatapos lang ng kanilang graduation sa senior high. Naka-suot pa sila ng damit pang-graduation. Kay kisig-kisig ni Leonil sa suot na barong. Hindi pa nito inaalis ang graduation ribbon at bulaklak na naka-pin sa dibdib.

"Gusto kong maging abugado," Sabi pa nito, na inaayos ang pagkaka-upo ni Patricia sa gilid ng bangka.

Punong-puno ang bangka. Halos ay sampung dangkal na lang ang taas ng nakalutang na bahagi ng bangka sa dagat. Makulimlim ang panahon. Bukod sa mga pasahero ay puno rin ang bangka ng ilang sako ng bigas at mga kahon-kahong mga grocery na pinamili ng mga pasahero. Ito ang isa sa mga bangka na pag-aari nina Patricia. Pero hindi ang lolo nya ang nagtitimon nito. Naka-bihis din ito dahil nga graduation ng kanilang apo.

Sanay na ang mga taga-barangay na sumakay sa over-loaded na mga bangka. Tatlo lang kasi ang bangka na regular na bumabyahe sa kanilang barangay. Dalawang oras din takbuhin ng isang regular na byahe ng bangkang de motor mula sa bayan ng Matnog, hanggang sa kanilang barangay.

"Mukhang may bagyo, tata," Sigaw ni Leonil sa nagtitimon. Paspas naman ang paglimas ng kasama nito na nasa gitna ng bangka. Ang mga pasahero ay naka-upo sa magkabilang katig ang ilan, nasa gitna ng bangka ang karamihan. At dahil makulmilim ang panahon nakababa ang bubong na trapal.

"Sana nasa Lipata na tayo, kung bubuhos man ang ulan," Ganting sigaw nito. Sumisibad na ang bangka sa umaalon-alon ng dagat.

Bagyo ang nagpapahirap sa pamumuhay sa liblib na coastal na barangay. Para ka ring nasa isang Isla. Nagmamahal ang bilihin, at hindi makaluwas ng bayan. Ito ang nais takasan ni Leonil.

Halos isang oras na silang namamaybay sa gilid na mababatong kabundukan na nakayungyong sa dagat ng bumuhos ang ulan. Kalalagay palang nila ng trapal ng biglang lumaki ang mga alon. Biglang paghampas ng malakas na hangin.

Mabilis ang mga mata ni Leonil. Nakita nito ang walang lamang galon na sisidlan ng gasolina. Inabot nya ito at ibinigay kay Patricia.

"Kahit anong mangyari, wag mong bibitawan ito, " Bulong nya sa kababata, habang hinuhubad nya ang sapatos nito.

Kasabay ng pagkamatay ng makina ng bangka ang paghampas na ga-bahay sa laki ng alon.

"Leonil!!!" Ang tili nya at ang pagtilapon ni Leonil sa kinauupuan nito ang huling naalala ni Patricia sa naganap na sakuna sa dagat.

Natagpuan siyang palutang-lutang sa dagat na nakayakap sa galon. Isang linggo pa ang nakalipas bago natagpuan ang bangkay ni Leonil.

Nasa puntod siya ni Leonil. Hilam sa luha ang kanyang mga mata. Hindi nya narinig sa mga labi nito na sinabi nitong mahal siya.

Subalit, ipinadama naman nito ang pagmamahal nito sa kanya, hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

"Bubuhayin ko ang ala-ala mo, Leonil," Sumpa nya sa puntod ng kababata.

"Aahon ako sa kahirapan. Tatapusin ko ang kurso na gusto mo. Magtatapos ako ng abugasya,"

Hindi rin nakaligtas sa sakuna na iyon ang kanyang lolo. Kaya ipinasiya nilang iwan ang kinalakhang coastal na barangay. Kasama nya ang kanyang lola ay lumipat sila sa Sorsogon City, kung saan kumuha siya ng kursong AB Political Science. Naka graduate na siya ng kanyang kurso, at naka pag enrol na siya para sa Law Proper ng huminto sa pagpapadala ng suporta ang tita nya. Sa punto ring ito ay binawian ng buhay ng kanyang lola. Kung anu-anong trabaho ang pinasok nya para ma-suportahan nya ang kanyang pag-aaral. Nasa ikalawang taon na siya ng Law Proper, ng maging kaklase nya si Trina.

Noong una, akala nya ay anak-mayaman ito. Hatid-sundo ito ng isang limousine. At puro mamahaling damit ang suot nito na may katernong mamahaling alahas.

"If you want to be successful, act like one, think as one, and live as one," Sabi nito, ng isinama siya nito sa tinitirhan nitong condo.

"Regalo sa akin ang condo na ito ng dating kinakasama kong 'oldie'," Pagtatapat sa kanya ni Trina.

"I realize, I have the merchandize na kinababaliwan ng mga madafatung na mga pulitiko," Sabi pa nito.

"Maganda ka, may katawang kaakit-akit, at matalino, malaking puhunan yan para makabingwit ka ng isang nasa corridor ng kapangyarihan at kadatungan. Marami sa mga nasa matataas na pwesto sa pulitika ang mga walang utak, pero malilibog at matakaw sa kapangyarihan. At attracted sila sa mga beauty and brains na tulad natin," Dugtong nya.

"Pag graduate ko, at nakapasa ako sa board, bukod sa may koneksyon na ako, nasa laylayan na ako ng kapangyarihan," Pagwawakasa na sabi nito.

At sa pamamagitan ni Trina ay nakilala nya si Bogz. Anak ito ng isang kilalang political clan sa kabisayaan. Magandang lalaki si Bogz. Pero, kabilang si Bogz sa mga tinatawag na ng pinag-aaral ay namamayabas lamang. Pero, kung ano ang hina ng kukote nito sa pag-aaral, ay siya namang galing nito sa pagnenegosyo. At pinakasalan nito ang isang ubod ng yaman na matandang dalaga na nagmamay-ari naman ng malalawak na lupain sa karatig na lunsod ng Metro-Manila. Dati itong pulitiko sa kabisayaan, pero naunsyami ng tumakbo sa national level. Kaya ipinasiya na lang nitong maging kingmaker, at nag-concentrate sa real state development. Ang real state company ni Bogz ay nasa halos lahat ng sulok ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

"Tama ang sabi ni Trina, maganda ka, bukod pa sa matalino," Sabi sa kanya ni Bogz. Matanda sa kanya ang lalaki ng tatlumpung-taon. Pero dahil sa status nito, ay parang mas bata itong tingnan kaysa sa tunay na edad nito.

Niligawan siya nito, at hindi naman si Patricia nagpakipot. At matapos ang dalawang beses nilang date, ay sinagot na nya ito.

"Napakaganda mo Trisha," Sabi ni Bogz, habang hinahagod ng tingin ang kahubaran ni Patricia. Si Trina ang nagbigay sa kanya ng bago nyang palayaw.

"Mas may dating, mas may misteryo, at mas bagay sa bago mong status," Sabi ni Trina.

Kaya magmula ng araw na iyon, Trisha na ang kanyang pangalan.

Iyon pa lang uli ang pagkakataong may aangkin sa kanyang pagkababae.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata ng magsimulang gumapang ang dila ng kanyang katalik sa kanyang leeg. Naalala nya si Leonil. Ang paghalik nito sa leeg nya ng sila ay nasa dagat.

May kilabot na inihahatid ang halik ng kanyang katalik sa kanyang pagkababae. Pinupukaw nito ang libog na kay tagal nyang kinimkim sa kanyang katawan. Umaahon ang libog na iyon. Nagsasa-alon, at pataas ng pataas. Nag-iinit ang sentro ng kanyang pagkababae.

Nang bumaba ang halik nito sa kanyang dibdib, ay lalong nadagdagan ang kilabot na nanunulay sa buo nyang katawan, subalit sumesentro sa hiyas nya. Naramdaman nya ang pamamasa ng kanyang hiyas.

Hindi nya napigilang mapa-ungol ng dedehin nito ang isang utong ng mayaman nyang dibdib. May libog siya doon. Isa sa erogenous zone nya ang kanyang suso. At napapakinyod siya ng magsimulang susuhin ni Bogz ang suso nya. Para itong sanggol na hayok na hayok sa pagsuso kabilaan sa malambot na mga suso nya. At lalong ginanahan ang lalaki ng haplos-haplusin nya ang ulo nito at ipagduldulan sa bibig nito ang kanyang dede.

Nang magsawa ito sa pagdede sa suso nya ay dumausdos ito sa kanyang katambukan. Hinawi nito ang makapal na gubat na tumatabing sa bukana ng kanyang masarap na lungga.

Mas mahaba ang pag-ungol ni Trisha ng sumayad ang bibig ng kanyang katalik sa kanyang hiyas. Pasabunot na ang dating paghaplos nya sa ulo ng kanyang katalik habang nagpapasasa ito sa labi ng kanyang hiyas. Hindi ginawa ito sa kanya ni Leonil. Napakasarap ng pakiramdam nya na nilalantakan ng kanyang katalik ang kanyang hiyas na parang masarap ito na pagkain. Paulit-ulit ang ginawa nitong pagkain sa kanyang hiyas. Pakiramdam ni Trisha ay parang nalulunod siya sa sarap.

At tulad ng unang pagtatalik na naranasan nya kay Leonil, naramdaman ni Trisha, ang pamimitig sa sentro ng kanyang pagkababae. May init na gustong umalpas mula doon. Dalawang kamay na hinawakan nya ang ulo ng kanyang katalik at iginiling giling nya ang bukana ng kanyang hiyas sa bibig nito. Naramdaman nya ang pagsambulat ng kanyang pagnanasa sa loob ng kanyang hiyas.

Humihingal pa si Trisha, at kumikibot-kibot pa ang sentro ng kanyang pagkababae, nang makita nyang umangat ang kanyang katalik.

Napagmasdan nya ang nakatirik sa tigas na ari ni Bogz. Kung ano ang laki ni Bogz, ay siya namang liit ng ari nito. Kalahati lang sa higante ni Leonil ang sandata nito. Pero ga-bakal naman ito sa katigasan.

"Uminom ako ng blue pill, hindi ka mabibitin Sweetie Pie," Nakangising sabi nito.

At marahas nitong itinarak ang katigasan ng kanyang ari. Walang humpay na binayo nito ng binayo ang naglalawang hiyas ni Trisha. Damang-dama ni Trisha ang katigasan nito na naglulunoy sa sabik nyang puke. Nang maramdaman ni Trisha ang muling pag-ahon ng libog nya, ay sinabayan nya ang pag-indayog ng kanyang katalik sa kanyang ibabaw. Inilalaban nya ng salpukan ang kanyang hiyas. Sinasabayan nya ng pagkanyod paitaas ang bawat ulos nito. Pabilis ng pabilis ang tempo ng pagsasalpukan ng kanilang mga ari.

"Ang sarap-sarap ng bilat mo Trisha, super ang saraaaaappp," Nanginginig sa libog na sabi ni Bogz.

"Lalabasan na ako Trishaaaaaa, ohhhhhhh, ahhhhhhhhh," Pumilig-pilig ang katawan ni Bogz habang pumupuslit-puslit ang masaganang dagta nito sa bilat ni Trisha.

Sumabay naman si Trisha sa pagpapasabog ng sariling katas nito, habang iniakap nito ang dalawang paa sa likuran ng katalik. Nakapikit si Trisha. Ang nasa isip nya ay ang luwalhating nadama nya sa namayapa nyang kababata.

At magmula noon, nagsama na sila ni Bogz. Halos dalawang araw lang sa isang linggo ito kung puntahan siya sa kanyang condo na iniregalo nito sa kanya. Nang tumakbo sa national level ang asawa nito ay inilipay siya nito sa Pulong Buhangin, sa Bulacan. Tahimik doon. At isa iyon sa mga subdivisions na pag-aari ng realty company nito.

Nang makatapos si Trisha ng abugasya at makapasa sa board, ipinasiya ni Bogz na ipasok siya bilang corporate lawyer sa buong Luzon.

Nasa HLURB si Trisha, ng makita nyang pumasok ang lalaki. Kakaiba ang naging pakiramdam ni Trisha. Ang damdaming pumuno sa puso at isipan nya ay tulad ng naramdaman nya sa kanyang namayapang kababata. Kakaiba ang sikdo ng kanyang dibdib ng mapansin nya ang pagkakatitig nito sa kanyang kabuuan. Nang mapansin nyang hinahaplos ng tingin nito ang kanyang dibdib, ay wala siyang nadamang pagka-inis sa lantarang ka-preskuhan nito. Parang nasisiyahan pa ang kanyang kalooban na pinagnanasahan nito ang kanyang katawan. At naramdaman nya ang pamamasa ng oanyang hiyas.

Kaya siya ang gumawa ng paraan. Nagmessage siya sa driver ng service nya na uuwi na lang siya mag-isa at may dadaanan pa siya. Naiihi na siya ng pababa pa lang sila ng hagdan. Sinadya nyang sa NLEX siya manubig. At sinadya nyang ipakita dito ang kanyang maputing puwetan habang umiihi.

At hindi siya nabigo. Sa Drive-In Hotel na pinasok nila, natuklasan nya, parang nabuhay si Leonil sa katauhan ni Attorney M. Teodoro A. Enrique. Converted Muslim ito. Nakakaramdam ba siya ng pag-asa na magkaroon ng katuparan ang umuusbong na pagtatangi nya?

Kailangan nyang maging magandang-maganda sa pagkikita nilang muli. Kailangan nyang matiyak na mahahaling sa kanyang taglay na alindog si Ted. Taglay nya ang merchandize na kinababaliwan ng mga kalalakihan.

Nasa loob na sila ng Drive-In Hotel. Nakatayo siya paharap sa Malaking salamin sa built-in na tokador. Pinagmamasdan ni Trisha ang sarili sa salamin. Ang nakikita nya sa sariling repleksyon ay isang kaibig-ibig na babae.

Naramdaman nyang tumabi sa kanya si Ted.

Mas matangkad siya sa abugado. Muling pumasok sa isip nya si Leonil. Tulad ng namayapa nyang kababata, kung ano ang niliit-liit nito, ay siya namang laki ng ari nito. Humarap siya dito, nagtama ang kanilang tingin. Nang maglapat ang kanilang mga labi, ay halos sabay na bumaba ang kanilang mga kamay. Ang kamay ni Trisha ay dumaklot sa namumukol na harapan ni Ted, samantalang ang kamay naman nito ay kinapa ang namamasang hiyas ni Trisha. Nasa isip ni Trisha, na sana ay marinig nya sa labi nito ang gusto nyang marinig kay Leonil.

MAY KASUNOD, SUBAYBAYAN…

MAPUSOK ANG KULAY NG BAHAGHARI

BOOK 2: SA BATAS NG BUHAY

IKA-ANIM NA LABAS- "A Woman Of Desire

c.2023 Teddyray – All Rights Reserve