1. Home
  2. Stories
  3. Ang Tirador: Huling Yugto
Filipino Sex Stories

Ang Tirador: Huling Yugto

By landotirador ·

Ang larangan ng pagtutudla, o marksmanship, ay pinaghalong art at science.

Marami ang isinasaalang-alang: Stance, Grip, Sight Alignment. Kasama ang wastong paraan ng paghinga at maging ang tamang pagkalabit sa gatilyo.

Subalit ang higit na mahalaga sa akin ay yung tinatawag na Follow Through.

Pagkalabit, isa pa ulit. At isa pa. At isa pa ulit.

Bang! BANG! BANG!

Nire-review ko sa isip ang basics habang naghihintay ng oras. Tatlumpong minuto na akong nakaabang sa dadaanan ng target ko ngayong araw.

Hindi ito trabaho.

Personal na lakad ito.

Dalawang buwan na ang nakalipas ng muntik na akong mapuruhan ng mga players ng kalaban.

Pagkatapos ng ambush nila, sumibat na rin ako at iniwan na ang bangkay ni Ella. Bahala na.

Nagpalamig.

Nag off grid.

Kumalap ng intel.

Na identify ko mga targets sa mga tip ng tropa. Sindikato ng droga ang kalaban. Napagkamalan daw akong PDEA asset kaya nagtangkang bumira.

Nabiktima lang pala ng mistaken identity.

Pero yun na ang huling pagkakamali nila.

Pumarada na ang mga motor sa kainan na madalas na madalas nilang dinadaanan.

Dalawang motorsiklo, tig dalawang sakay. Apat na confirmed targets. Wala pang sampung metro mula sa akin.

Amateurs.

Mga tambay na pinahawak ng bakal na laruan.

Walang situational awareness, di marunong kumilos. Nakatalikod sa mga possible avenues of approach. Pakaang-kaang. Mukhang mga bagito. Mayayabang.

Pumusisyon ako ng maayos na stance. Checked blind spots. Good coverage. Good angle.

Bumunot. Natural and solid grip. Automatic ang alignment.

Good sight picture, Target One. Leftmost, 10 o'clock. 5 meters away.

Inhale, exhale.

Kalabit.

BANG! BANG!

Target Two, sight picture. Kalabit.

BANG! BANG!

Target Three, naka-react. Pero hindi alam saan galing ang putok.

Kalabit.

BANG!

Nakabunot si Target Four, adjust aim. Kalabit.

BANG!

Bulagta ang tatlo. Tatakbo Target Three. Follow through.

BANG! BANG!

Palit magazine.

Double check targets. Finishing.

BANG!

BANG!

BANG!

BANG!

Four targets down. 29 seconds total. Decent timing.

Sibat na.

Nakasusi pa ang isang motor nila. Kinuha ko. Harurot pa exit route.

Pre-planned na saan ang dadaanan kong mga kalye. Sa wala gaanong mga cctv. Double back ng ilang kalsada. Labas ng ganitong barangay. Daan sa ganitong munisipyo. Pumasok sa isang talipapa.

Naghubad ng helmet. Nag-alis ng jacket. Nagpalit ng facemask.

Tawid ng kabilang kalsada.

Lipat ng ibang sasakyan.

Sibat na tungong karatig bayan.

Malinis.

Pero, palagay ko, huling lakad ko na to.

Hindi ako makapaniwalang muntik-muntikan na ako ng mga bagitong players. Mukhang kinakalawang na ako.

Tama na.

Ayoko na.

Malalaki na rin ang mga anak ko. May sapat na rin namang naipon para mainegosyo namin para sa kanila.

Oras na para balikan ang pamilya.

Dalawang araw matapos ang huling proyekto ko, nasa bus na ako pauwi ng probinsya namin.

Maintain ang contact sa tropa, pero di na ako maglalaro. Huling pasada na.

Bagong buhay na.

FIN