1. Home
  2. Stories
  3. A Soldier's Heart S3 EP4: Lion King Unveiled
Filipino Sex Stories

A Soldier's Heart S3 EP4: Lion King Unveiled

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

===========================

" marianne…si jose" ang mahinang usal ni Tita ina sa kaibigan na kapitan ng sundalo habang nakatayo sila ngayon tapat ng itim na van na kanilang dala. Kita mo sa mukha ni tita ina ang takot na nararamdaman niya para sa kalagayan ng kanyang future son in law.

" wala tayo magagawa tita… kung hindi umasa na ligtas siya" ang sabi ni marianne sa kanyang kasamahan ngayon na nagbabantay sa labas ng van sa likod ng naglalakihan na puno malapit sa bayan ng anao, mexico pampanga.

Buti na lamang at nakalabas na sila ng bayan ng arayat ng mapansin nila na parang nakaharang na ang mga barriers sa lahat ng exit ng bayan. Mukhang pumapasok sa isang lockdown tulad noong pandemic. Ito agad ang naisip ni marianne.

" kumusta ang balikat mo?" ang tanong ni tita ina habang nakatingin ito sa duguan na kanang balikat ng babaeng sundalo. Napangiwi naman si marianne dahil sa parang tinutusok ng isang libong karayom ngayon ang balikat niya pero kailangan niya magpakatapang lalo na sa kalagayan ng mga kasamahan niya.

Simula kanina ay hindi na umiimik si julia at umiiyak lamang ito sa balikat ng kanyang lola na si donya yda. Habang si tiffany at yen naman ay tahimik lamang naglalagay ng mga bala sa mga magazine ng mga baril nila.

" kaya ko pa naman tita…….ahhhh" ang sagot ni marianne pero ramdam mo sa boses niya na nakakaramdam na talaga ito ng kakaibang sakit ng mga oras na iyon. Awang awa naman si tita ina para sa dalaga na nadamay lamang sa gulo ng kanyang pamilya.

" ano kaya ang plano ni mayor at bakit niya tayo pinapatay?" ang tanong ni tita ina sa dalaga habang napasandal na lamang ito sa hood ng sasakyan at nakatutok pa din sa harapan niya ang pistol nito in case na may kalaban na biglang lumitaw.

" ayw kong isipin ito tita… pero mukhang hindi naman talaga tayo ang target nila" ang sabi ni Marianne dahil simula noong mahiwalay sa grupo nila si jose ay parang wala ng humahabol sa kanila. Napalunok naman si tita Ina ng sumagi din sa isip niya ang posibilidad ng sinasabi ni Marianne.

" wag naman sana marianne…. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay julia kung sakali" ang nag aalalang usal ni tita ina sa dalaga habang hinihintay nila ang pagdating ng pinadalang reinforcement nila general james.

" may dumadating" ang sabi ni marianne at mabilis naman nagtago sa gilid ng van si tita ina habang si marianne naman ay nagtago sa likuran ng van. Ang kanilang mga baril ay nakaumang at handang pumutok.

Dalawang sasakyan ang tumigil hindi kalayuan sa pwesto nila. Nagsibabaan ang limang kalalakihan na hindi pamilyar kay marianne at tita ina kaya naman nakaumang ang mga baril nila sa direksyon ng lima.

" asan na kaya ang mga iyon?" ang tanong ng lalaking may dala ngayon ng isang grenade launcher habang iniilawan nila ang paligid gamit ang mga flashlight. Dito ay nagtama ang ilaw nila sa isang itim na van.

" ayun…" ang sigaw niya sa apat na kasamahan at mabilis nilang nilapitan ang van. Pero dahil sa madilim ang paligid ay hindi nila napansin na outflank na pala sila ni marianne at tita ina.

" taas ang kamay" ang sigaw ni marianne habang nakatutok ang mp5 nito sa ulo ng lalaking may grenade launcher habang si tita ina naman ay doon sa lalaking may dala ng m4a1 assault rifle.

" captain sandoval… stand down" ang sigaw naman ng isang pamilyar na boses at bigla na lamang na inilawan sila nito. Napatingin naman si marianne dito at nakita niya ang humahangos na si brett.

Binaba naman ni marianne ang baril at pati na rin si tita ina. Kaagad na nilapitan ni Brett si marianne para tignan ang tama nito habang si tita ina naman ay inakap ng mahigpit ang binatang si jack na may hawak ng flashlight.

" ayos lang po ba kayo?" ang tanong ni jack habang inutusan nito ang ibang tauhan nila na mag setup ng perimeter habang nilalabas ng iba ang mga kakabaihan sa loob ng van.

" si jose…. Jack… si jose naiwan sa lugar" ang sabi ng takot na takot na si tita ina. Napatingin naman ang dalawa sa biglang paglabas ng kanilang mga kasamahan. Kita mo sa mukha nila ang relief dahil sa pagdating ng taong alam nilang magliligtas sa kanila.

" Jack … brett…… mahirap ang pwesto natin…… fall back…… kayong apat… drive the van…. Girls.. With me" ang utos ni Capt cesar. Napatango naman si jack at brett dahil masyado silang expose. Kaya naman inalalayan na nila ang mga babae papunta sa pickup na dala ng grupo nila jr.

" let's go" ang aya naman ni tita ina sa mga kasamang babae. Inaalalayan ni Donya Yda ang nagdadalang tao na si julia habang si yen at tiffany naman ay magkahawak lamang ang kamay habang sinusundan nila ang mga armadong kalakihan.

" Si marianne sa amin na ni brett" ang sabi naman ni jack at mabilis din inalalayan ni brett ang may tamang si marianne. Habang si Jr naman ay sumakay na sa driver seat ng sasakyan habang ang tatlo naman sumakay na. Inistart na ni Jr ang van at dahan dahan niya itong inabante tungo sa dalawang sasakyan na dala nila.

Ang mga sundalo naman na nasa perimeter kanina ay unti unti na rin nagfall back. Sumakay na sa pick up ang mga babaeng garces habang si capt cesar naman ay napangiti na lamang habang iniikot nito ang pickup.

Sumakay naman sa likod ng pickup ang apat na armadong lalaki habang ang ilan ay sumakay din sa loob ng suv na dala ni Jack at brett. Nilabas ni Capt cesar ang kamay nito at sumenyas siya. Nauna na ang van na umalis at sumunod ito habang nasa dulo ng convoy sila brett.

==================

Habang sa lugar na kung saan iniwan nila si Jose.

" andrea…….." ang sigaw ni jose ng makita niya ang kanyang kaibigan na si andrea habang nakatutok ang baril nito sa wala ng buhay na tauhan ni mayor garces. Napatingin naman si jose hitsura ng kaibigan. Punit punit ang suot nito habang may benda ito sa kanang ankle niya.

" anong nangyari andrea" ang tanong ni jose ng makita niya ang hitsura ng babaeng nagsilbing mata at tenga niya sa grupo ni konsehal garces. Inakap naman ng mahigpit ni jose ang dalaga na buong tapang na sinuong ang panganib para sa kanya.

" jose… kailangan natin umalis dito….. Ilalagay ni mayor garces ang buong bayan sa martial law" ang sabi ni andrea. Mabilis naman na umalis sa pagkayakap si jose at nakita mo sa mukha nito ang takot dahil sa hindi siya sigurado kung nakalabas na ng ligtas ang mag ina niya.

" hindi ako pwede umalis andrea…. Hindi ko pa sigurado kung nakaalis ng ligtas ang mag ina ko" ang sabi ni jose habang pinulot niya ang pistol ng lalaking kalaban niya kanina at kinuha nito ang mga extra magazine na nasa belt ng lalaki.

" suicide ito jose….. Makinig ka sa akin…. Ang buong rebeldeng grupo at lahat ng kapulisan sa bayan ay hawak na ni mayor" ang sabi ni andrea. Lahat ng ito ay narinig niya sa mga pinagusapan ni mayor at konsehal garces kaninang umaga.

" andrea…salamat sa lahat ng tulong mo… pero laban ko na ito….. Ako lang ang dapat tumapos dito" ang sabi ni jose habang nakahawak ito sa pisngi ng kanyang matalik na kaibigan. Bakas sa mukha ni andrea ang tindi ng sinapit nito sa kamay ni konsehal garces.

" jose…… alam kong wala na akong pag asa para sa puso mo… pero hayaan mo ako lumaban kasama ka" ang sabi ni andrea at siniil nito ng isang mainit na halik si jose. Nasa mainit na halikan ang dalawa ng bigla na lamang tumunog ang telepono ni jose.

Kaagad na nilabas ni jose ang telepono niya at isang napakagandang balita ang kanyang nakita dito.

" andrea… let's go… ligtas na ang pamilya ko" ang masayang sabi ni jose at napatingin naman si andrea sa lalaking minahal niya ng tunay. Alam niyang hindi na maaring mapasakanya ang puso nito pero handa siyang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya ng lalaking mahal niya.

" tara" ang sabi ni andrea at kahit ika ika ito ay sumakay siya sa harapan ng nakaparadang suv sa likod na nagliliyab pa din na suv. Pinulot naman ni Jose ang ilang baril at bala ng mga napatay niyang tauhan ni mayor garces para may panlaban sila ni andrea.

Hanggang sa umatras na si jose at inikutan nito ang nasusunog na sasakyan tsaka na siya nagtungo sa headquarters ni Heneral James na kung saan naghihintay na ang kanyang pamilya.

==========================

Habang sa iba't ibang sulok ng bayan ng arayat.

Lahat ng sulok ng entrance at exit points ay may pinaghalong pangkat na ng sundalo , pulis at mga rebelde na nakabantay. Walang tao o sasakyan ang nakakalampas sa kanila.

Kahit mga maliliit na kalye at eskinita ay hindi pinapalampas ng mga ito. Kaya naman lahat ng tao ay natatakot dahil kapag sinubukan mong dumaan at pinilit mo ay tiyak na bala ang isasagot ng mga ito sa iyo.

Tulad na lamang ng isang grupo ng mga kabataan na nagpumilit na lumabas ng bayan ay pinaulanan ng bala ng mga armadong grupo sa isang checkpoint sa boundary ng arayat at nueva ecija.

Habang sa loob naman ng bayan ay patuloy lamang ang paghahasik ng lagim ni konsehal garces. Lahat ng madaanan niyang lugar ay nag iiwan ito ng patay. Kung hindi patay ay may sinusunog itong bahay o ari arian.

Habang si mayor garces ay kasalukuyan ng nasa Kampo ng mga rebelde at nakaupo ngayon kasama ang iba't iba pang miyembro ng kilusan pati na rin ang mga resbak na galing sa mindanao lalo na ang mga international terrorist.

===========================

Sa HQ naman ni General James

" screechhhhh!!!" ang tunog ng pagtigil ng mga sasakyan na kasama sa convoy nila tita ina. Napangiti naman si General james dahil sa ligtas ang mga miyembro ng pamilya garces lalo na ang mag ina ni Jose.

" General" ang bati ni tita ina at mabilis na umakap ito sa matandang sundalo. Napatingin naman ang mga kasama nito lalo na si Julia dahil sa gulong gulo ito ngayon sa mga pangyayari sa kanilang buhay.

" Donya Yda" ang bati naman ni general james at inakap din nito ang matandang garces. Napangiti naman si donya yda at nakaramdam ito ng relief dahil sa nasa ligtas na lugar na sila.

" mom…. Sino siya at nasaan tayo?" ang tanong ni Yen sa kanyang mommy dahil sa nakaramdam muli ng takot si yen dahil parang bumalik sa alaala niya ang mga pangyayari noon na pinakidnap siya ng kanyang lolo.

" girls.. Siya ang boss ng kuya jose niyo.. Meet retired general aristotle james" ang pakilala ni tita ina sa lalaking matanda na nakatayo ngayon sa pagitan ni donya yda. Kita sa mukha ni julia ang pagtataka nito kung ano ang kinalaman ng general sa kanilang pinagdadaanan ngayon.

" mom…… si jose…… general….. Tulungan niyo ang kasintahan ko" ang sigaw ni julia habang nakahawak ito sa kanyang tiyan. Napatingin naman si General james sa dalaga at awang awa ito sa kalagayan niya. Bumalik sa alaala ng heneral ang hitsura ng anak niyang si lilly noong sinabi nito na namatay ang anak niya sa panganganak.

" iha…… i think….. Si jose is safe" ang sabi naman ni General james habang nakangiti ito. Hindi naman magawang ngumiti ni julia dahil sa parang tinutuya siya ng matandang heneral ng mga oras na iyon. Pero nagtaka si Julia ng pati si Donya Yda at ang kanyang mommy ay napangiti. Kaya naman napalingon si Julia sa kanyang likuran

" love love" ang sabi ni Jose at mabilis na tumakbo ito para puntahan ang kanyang mahal na kasintahan. Isang mainit at mahigpit na yakap ang sinagot ni Julia sa kanya. Ramdam ni jose ang pagmamahal ng kanyang kasintahan at magiging ina ng kanyang anak.

" akala ko ay iiwan mo na kami ni baby" ang maluluhang usal ni Julia habang mahigpit ang yakap nito sa kanyang kasintahan. Walang pakialam si Julia kahit na amoy pulbura ang kanyang kasintahan ng mga oras na iyon. Ang mahalaga sa kanya ay ligtas ang lalaking iniibig niya.

" hanggang sa huling hininga ko… lalaban ako para sa inyo ni baby" ang sabi ni Jose at hinalikan niya ang labi ng kanyang kasintahan. Ramdam mo sa halik nilang dalawang pagmamahalan nilang pang habang buhay.

" Si marianne?" ang tanong ni Jose dahil sa nag-aalala din ito sa babaeng handang ialay ang buhay niya para sa mission niya.

" Inaasikaso na siya ni Jumbo at toni" ang sabi ni General james at napangiti naman itong si jose dahil sa mga pangyayari pero mabilis din itong napawi ng maramdaman nila ang mga baril na nakatutok sa kanyang likuran.

Dito ay naalala ni jose ang kasama niyang si andrea na ngayon ay tinutukan ng mga baril ng mga sundalo ni General james. Kilala nila ang babaeng ito dahil sa kasama siya sa mga intel ng grupo.

" anong ginagawa ng malanding babaeng iyan dito" ang sigaw naman ni tita ina habang nakatitig ito ng masama sa babaeng sumira sa relasyon nila ng kanyang asawa na si konsehal garces.

" hey slut……….. Baka gusto mong kalbuhin kita" ang sabi naman ni yen na akala mo ay isang matapang na leon ngayon. Napatingin naman si Jose sa dalawang babae habang nakaakap pa rin sa kanya ang kasintahan na si julia.

" bring her here" ang sigaw naman ni general james at nakita ni jose na tinulak ng mga ito si andrea. Halos matumba na ang dalaga dahil sa lakas ng balya sa kanya ng sundalong babae ni general james. Dahil dito ay napabitiw si Jose sa pagkayakap niya kay Julia at mabilis na tumakbo ito tungo kay andrea.

" Anong ibig sabihin nito love love?" ang pagtatakang tanong ni Julia sa kanyang kasintahan ng tinulungan nito ang babaeng minsan ay bumastos na rin sa kanya. Kita mo sa mukha ni julia ang pagtataka at galit dahil sa kinilos ni jose.

Si jose naman ay wala ng pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay tulungan ang kaibigan niyang lubos ng nanghihina at ramdam mo ang pagod sa hitsura nito. Mga matatalim na titig naman ang binigay ni yen, donya yda at tita ina kay jose dahil sa mga kinilos nito.

" Don't tell me jose…… pati ikaw ay nakuha na ng haliparot na babae na yan" ang sigaw ni Tita ina at nilapitan niya si andrea para saktan ang babae pero mabilis na inakap ni jose ang dalaga para iharang ang katawan niya. Sa likod ni jose tumama ang mga hampas ni tita ina para sa babaeng kinamumuhian niya.

Napatingin naman ito kay jose nakita niya ang mata ng isang lalaking handang ipagtanggol ang babae hanggang sa kamatayan. Napapikit na lamang si tita ina dahil sa mga kinilos ni jose na sadyang dumudurog sa puso niya.

" kung may gusto manakit kay andrea……. Kailangan niyo muna dumaan sa akin" ang sigaw ni jose habang humarap na ito at tinago niya sa kanyang malapad na katawan ang dalaga. Napatingin naman ng masama si julia dahil sa mga ginawa ng kanyang kasintahan.

" love love…… anong ibig sabihin nito…….. Don't tell me….. Pinagpapalit mo ako sa haliparot na iyan" ang sabi naman ni Julia habang nakatitig lamang ito ng masama sa kanyang kasintahan. Ramdam ng lahat ang tensyon ngayon sa pagitan ni Jose at ng mga babaeng garces.

Tahimik na nagmamasid lamang ang mga tauhan ni General james. Kahit ang heneral ay hindi na nagawang umimik pa sa mga kinikilos ng kanyang best soldier. Nagtataka din ito sa mga pangyayari tulad nilang lahat.

" jose iho… explain it to me please!!!" ang maluluhang sabi ni tita ina habang nakaluhod na lamang ito sa harapan ni jose ng mga oras na iyon. Alam niyang hindi basta basta gagawin ito ni jose ng walang magandang dahilan.

" ang babaeng ito… ang babaeng tinatawag niyong malandi….. Walang kwenta…… makati….. Puta ay ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko" ang sinabi ni jose habang nakatingin ngayon ito sa kanyang mahal na kasintahan na si julia. Mata sa mata na nakatitig ang dalawa sa isa't isa.

" Pagmasdan niyo ang kanyang dinanas na hirap para sa mga pinag uutos ko sa kanya" ang sigaw ni Jose habang pinakita nito sa kanyang mga kasamahan ang kalunos lunos na hitsura ni andrea. Napangiwi naman si Yen dahil sa kalagayan ng babaeng kinasusuklaman din niya.

" Pasa… bugbog… pilay… ang kanyang sinapit sa kamay ni konsehal garces….. Bakit……… dahil she stayed loyal sa mission niya na maging spy ko sa buhay ni konsehal at ng malaman ko kung gaano kabulok ang lalaking iyon" ang sabi ni Jose habang nakatingin ito ngayon sa kanyang mga kasamahan. Ang kaninang galit na nararamdaman nila sa babae ay unti unti ng nawala at napalitan ng awa dahil sa mga sinabi ni jose.

" kaya kung may gusto sa inyo na saktan siya……….. Dadaan muna kayo sa ibabaw ng bangkay ko" ang sabi ni jose habang maluha luha na rin ito sa dami ng pinagdaanan ni andrea para sa mission niya. Napapikit na lamang si jose dahil sa pagod na pagod na ito.

Ilang minutong katahimikan ang naranasan ni jose na kanyang kailangan ng mga oras na iyon. Pero naramdaman niya na parang may lumalapit lapit sa kanya pero hindi tungo sa kanya kung hindi sa babaeng nasa likuran niya.

Minulat ni jose ang mata niya at nakita nito na nakaakap si tita Ina kay andrea. Ang mga palad nito ay hinahawakan ang pisngi ng kaibigan ni jose.

" iha…. Patawarin mo ako…… halika at gamutin natin yan sugat mo" ang sabi ni tita ina habang inakay nito si andrea tungo sa loob ng command center habang sumunod naman lahat ng babaeng garces. Hindi man nila pinansin si jose ngayon na tahimik lamang pumasok sa isang parte ng command center kung saan nandoon ang mga barracks.

=====================

Habang sa kampo ng mga rebelde sa paanan ng bundok arayat sa bahagi na malapit sa bayan ng magalang.

Nakaupo ngayon si Mayor garces sa harap ng isang camera na akala mo ay nagbabasa ito ng balita sa tv. Nakatayo naman sa gilid niya ang dalawang lalaki. Isang tila ba international terrorist habang ang isa naman ay ang lalaking nakasalakot.

" Sa minamahal kong nasasakupan……. Andito ako ngayon sa harap ni niyo… si mayor Eduardo garces………… Buong tapang na pinagtatapat sa inyo ang aking tunay na pagkatao" ang sabi ni mayor garces habang nakatingin lamang ito sa camera na patuloy lamang ang pagkuha. Napangiti naman ito ng bahagya na akala mo ay nasa isang political rally lang ito.

Napatingin pa ito sa bandera ng rebeldeng grupo na nakasabit sa kanyang likuran. Kita mo sa mukha ni mayor garces ang kakaibang lakas ng loob na kanyang taglay ng mga oras na iyon.

" Ako ang pinuno ng pinaka malaking rebeldeng grupo dito sa buong luzon… ako si leon…… dahil diyan… idinedeklara ko na ang bayan ng arayat ay akin…. Sino man ang nagtangkang umalis sa aking kaharian ay papatayin" ang sabi ni mayor garces at bigla na lamang na pinalabas ang mga kuha mula sa iba't ibang entry at exit points ng bayan na kung saan ay may mga armadong grupo na nakabantay.

" Sa sandatahan lakas ng pilipinas… huwag niyo ng tangkain na bawiin ang bayan na ito…….hawak ko ngayon ang ilan sa mga asawa ng mga malalaking tao sa bansa at sa probinsya ng pampanga" ang kalmadong usal ni mayor garces at bigla na lamang na nagpan out ang camera sa kanan na kung saan ay nakaupo ngayon ang ilang mga kababaihan

" Siya si Catherine Kho Serrano… ang asawa ng business tycoon ng bayan ng florida na si Eros Serrano" ang sabi ni Mayor garces sabay pinatayo naman ng isang armadong lalaki ang babaeng nakaupo sa kaliwa na kung saan ay nakabusal ang bibig nito.

" Sa kanan naman ay si Kristina Cassandra San Isidro Tan ng bayan ng apalit…… ang asawa ng business tycoon na si Engr James Oliver tan……… Siya ang babaeng naging dahilan para mapatay ang pinaka malaking exporter namin ng pinagbabawal na gamot" ang sunod sunod naman na usal ni Mayor garces habang nakatingin ito ngayon sa babaeng nakabusal din.

" Bukod pa riyan ay papatay kami ng mga inosenteng sibilyan sa bawat pagtangka niyo na iligtas ang mga ito" ang sabi ni mayor garces sabay pakita ng eksena kanina sa barrio na minassacre ng anak niyang si tonton at ng kasama nitong si marco.

" pero tao naman ako…….. Kaya Capt Jose diaz…….. Kung ikaw ay magaling na sundalo talaga…….. Puntahan mo ako… alam mo kung saan ako hahanapin…. Magkita tayo makalipas ang isang linggo " ang sigaw naman ni mayor garces at natapos na ang recording na kanyang ginawa. Tumayo naman ito at nilapitan ang mga babaeng bihag niya.

" tanginang suso yan" ang sabi ni Mayor garces sabay dakot nito sa may medyo nakaumbok na bundok ni kc. Nanlaki naman ang mata ng ginang dahil sa ginawang pambabastos sa kanya ng matandang mayor.

" wow magatas" ang sabi ni mayor ng bigla nagleak ang suso ng ginang dahil sa ginawa nitong pagpiga sa malaka papayang dibdib ng asawa ni james. Napangiti naman si mayor at pinalo palo niya pa ito ng ilang beses bago niya tinigilan ang dibdib ng babae.

Lumabas na ito ng kubo na kanyang tinutuluyan at doon niya nakita ang mahigit sa isang daan na sundalo na handang proteksyonan ang kampo niya bukod pa dito ang mga nakakalat sa paligid na handang harangan ang mga magtatangka na pasukin ang bayan.

==============

Sa Command center ng grupo ni General james.

" hayop talaga ang asawa ko" ang sigaw ni donya yda ng matapos nilang panoorin ang recording na pinalabas sa lahat ng estasyon sa buong bayan at pati na rin sa buong bansa.

Kitang kita mo sa mukha ni donya yda ang galit at inis dahil sa mga pinag gagawa ng kanyang asawa na tuluyan ng nilamon ng kanyang kasakiman sa kapangyarihan. Habang si tita ina naman ay napapikit na lamang habang inaasikaso nito ang sugatan na si andrea.

" hayop ka konsehal" ang sigaw naman ni andrea habang inaalala nito ang mga nangyari sa kanya sa kamay ng hayok at demonyong konsehal ng bayan. Napatingin naman si Julia sa dalaga at mabilis na nilapitan niya ito.

Kinuha ni julia ang bulak na hawak ng kanyang ina at siya na ang naglagay ng gamot sa mga pasa at bugbog ni andrea. Nakaramdam ng guilt si julia sa inasal niya kanina. Hindi niya muna pinagkatiwalaan ang kanyang kasintahan at mas nanaig ang galit nito.

" andrea…. Patawarin mo ako" ang sabi ni Julia habang nilalagyan niya ng gamot ang sugat at pasa ni andrea. Napatingin naman si andrea sa babaeng mahal ng taong mahal niya.

" ako nga ang dapat humingi ng tawad sa inyo eh… sa pagsira ko sa buhay niyo" ang sabi ni andrea habang nakatingin lamang ito ngayon kay Julia na ngayon ay ginagampanan na ang pagiging doktor ng pamilya garces.

" gaano mo kakilala si jose?" ang tanong ni julia sa dalaga. Napangiti naman si Andrea at naalala niya ang lahat ng bagay na sinabi sa kanya ni jose. Alam ni andrea na dapat ng malaman ng mga garces kung sino talaga si jose.

" julia… pangako mo… huwag sana magbabago ang pagtingin mo kay jose" ang sabi ni andrea sa buntis na dalaga. Napatingin naman si Julia dito at nagtaka siya sa mga pinagsasabi ng kaibigan ng kanyang kasintahan. Tumango naman si julia at dito ay nagsimula ng magkwento si andrea.

Lahat ng nasa command center ay nakikinig lamang ngayon sa mga kwento ni andrea. Kahit na si general james ay nagulat sa mga sunod sunod na rebelasyon ni andrea sa tunay na pagkatao ni jose.

" ang ibig sabihin mo andrea? Ang batang nakatakas noon sa raid ng mga rebelde ay si jose?" ang tanong ni General james sa dalaga dahil isang malaking lihim ito ng mga militar noon. Ayaw nilang lumabas ito sa media dahil sa kasagsagan ito ng laban ng pamahalaan sa mga makakaliwang grupo na sinimulan noong magdeklara ang dating pangulong estrada ng all out war laban sa mga ito.

" tama ang lahat ng sinabi ni andrea" ang biglang singit ni donya yda. Nagtaka naman ang mga kasama nito dahil sa alam din pala ng matandang garces ang lihim na pagkatao ni jose.

" paano niyo nalaman ang lahat ng ito lola?" ang tanong ni Julia sa kanyang lola na ngayon ay nakaupo sa tabi ng dalawang apo nito na kasalukuyan na humihigop ng mainit na kape para mapawi ang pagod nilang dalawa.

" ako mismo ang nag alaga sa nanay ni jose … at kitang kita mismo ng dalawang mata ko kung paano pinatay ng aking asawa ang ina ni jose… o mas dapat natin siya tawagin na Francisco Dela Cruz o joko" ang pagpapatuloy ni donya yda. Napailing na lamang si tita ina sa kanyang mga narinig.

Kaya pala ganun na lamang ang galit ni Jose sa mag amang garces. Ang puot na kanyang nararamdaman ay sukdulan na pala. Kahit si Tita Ina ay mas lalong nakaramdam ng kakaibang galit sa mag ama dahil sa ginawa nila sa pamilya ni jose.

" sa lahat ng kasinungalingan na ginawa ni jose…. Isang bagay lang ang tunay…… iyon ang pagmamahal niya sa inyo ng anak mo" ang sabi ni andrea habang hawak nito ang kamay ng babaeng gumagamot sa kanya ng mga oras na iyon.

" Kitang kita ko kanina kung paano mag alalala si jose para sa kaligtasan niyo kahit na ang sariling buhay niya mismo ay nasa panganib" ang sabi ni andrea habang napapikit na lamang ito at di niya napigilan ang sarili niya na mapaluha dahil sa mga pangyayari.

Tanggap na ni Andrea na wala na talaga siyang pagasa sa pagmamahal ng binata. Kaya mabuti na lamang na tulungan niya ito sa kanyang mission na maipaghiganti ang pamilya niya mula sa kamay ng hayop na si mayor garces.

" general……. Anong balak natin?" ang tanong ni tita ina sa matandang heneral. Napaupo naman ito sa kanyang pwesto na tila ba nagiisip siya ng susunod niyang hakbang. Nakatingin lamang ang matandang heneral sa kanyang mga tauhan.

" oras na para ibuhos natin ang lahat ng ating pwersa" ang sabi ni general james sa mga kasama niya sa command center at inabot nito ang telepono niya. Kailangan na niyang pabalikin ang dalawa pa niyang tauhan.

==============================

Sa bahay ni Juan sa may Clark Freeport zone.

" anak… alam kong delikado ang mission mo…. Mag ingat ka" ang bilin ni mama sunshine sa anak nitong si juan na ngayon ay nakatayo na sa labas ng kanyang sasakyan.

Nakatingin si Juan sa lahat ng babaeng mahalaga sa buhay niya. Ang asawa niya at kapatid na si Pam ay nakatayo sa gilid ng kanyang mama sunshine. Ang bunsong kapatid nitong si dambie ay nasa kabilang side Mama Sunshine. Ang mag anak na si Tita yayo, ate camille at Xyriel naman ay nasa kabilang gilid.

Nakaramdam ng kakaibang lungkot si Juan dahil alam niyang ang papasukin niyang mission ay walang kasiguraduhan na makakalabas siya ng buhay. Kaya naman hindi na niya napigilan pa ang sarili at tumakbo ito pabalik sa kanilang anim at inakap niya ng mahigpit ang mga ito.

" mahal na mahal ko kayo… alagaan niyo ang bawat isa" ang bilin ni juan sa kanyang pamilya habang hinalikan niya isa isa ang bawat pisngi nila. Habang pinipigilan niya ang sarili niya na huwag maluha dahil sa pag papaalam niya sa kanyang pamilya.

Habang sa bahay naman ni Marina

Kasalukuyan na hinalikan ni buhawi ang kanyang ninang sa labi nito habang hawak ng binata ang helmet nito. Kitang kita mo sa mukha ni marina ang takot na hindi na makakabalik pa ang kanyang mahal.

" buhawi… mangako sa amin ng anak mo… babalik ka dito" ang sabi naman ni marina habang mahigpit ang akap nito sa kanyang inaanak. Napahaplos naman si buhawi sa pisngi ng kanyang ninang. Ramdam mo sa bawat haplos ni buhawi ang tunay na pagmamahal nito sa ginang.

" babalik ako para sa inyo" ang sabi ni buhawi at isang mainit na halik pa ang kanyang binigay sa kanyang ninang tsaka na ito tuluyan sumakay sa motor niya. Napalingon pa si buhawi dito habang sinusuot niya ang kanyang helmet.

Habang sa sikat na condo naman malapit sa ust ay kasalukuyan na sinusuot ni juan ang kanyang jacket at dahan dahan itong lumapit sa natutulog niyang asawa na si Janelle.

" Hon…. alagaan mo si kobe… mahal na mahal ko kayo dalawa" ang sabi ni Juan habang hinalikan nito sa labi ang natutulog niyang asawa. Dahan dahan na lumabas ng kanilang kwarto si Juan at kinuha nito ang susi ng kanyang motor at pati na rin ang helmet na nakapatong sa ibabaw ng shoe rack malapit sa pintuan.

" Mayor garces.. Oras na para tapusin ang kasamaan mo" ang sabi ni Juan habang dahan dahan nitong binuksan ang pintuan ng unit nila tsaka ito lumabas. Kinuha niya ang tarheta ng kaibigan at sa likod nito ay nakalagay ang address ng lugar na kung saan niya makikita ito.

=============================

Habang sa labas naman ng isang sikat na mall sa may san fernando pampanga.

Nakatayo ngayon sa tapat ng kanyang raptor si Eros serrano habang hinihintay nito ang kaibigan ng kanyang kapatid na si James tan. Tulad ni eros ay naging biktima din ng mga garces ang asawa nito.

Hindi na rin matagal pa ang paghihintay ni eros ng isang bus ang huminto sa harapan niya at bumaba naman dito ang isang lalaking nakasuot ng leather na jacket. Kamukha kamukha ito ng larawan na pinadala ni AJ sa kanya.

" James tan?" ang matikas na bati ni eros sa lalaki habang kinamayan naman siya nito.

" eros Serrano?" ang sagutan nila ng tanong sa pangalan ng isa't isa. Napatingin naman sila sa isa't isa at tumango ang mga ito. Kita mo sa mukha nila ang determinasyon para mabawi ang kanilang mga asawa kamay ng hayop na si mayor garces.

" Ang sabi ni aj… kailangan daw natin puntahan ang taong ito.. Siya daw ang makakatulong sa atin" ang sabi naman ni James sabay abot nito kay eros ng isang larawan na binigay sa kanya ni aj sa kanya bago nito iniwan sa dalaga ang dalawang anak nila ni kc.

" Retired Gen Aristotle James" ang sabi ni Eros ng makita nito ang larawan at pangalan ng tao sa ibaba. Napangiti naman siya dahil alam niya ang lugar na ito.

" tara… alam ko ito" ang sabi naman ni Eros at sumakay na ito sa driver seat ng raptor. Ganun din naman si James sa tabi ng driver seat.

===================

ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY KC AT CATHY?

AABOT KAYA ANG ASAWA NILA BAGO PA SUMUGOD SILA GENERAL JAMES?

ANO KAYA ANG MAGIGING EPEKTO NG REBELASYON NI JOSE TUNGKOL KAY ANDREA SA RELASYON NILA NI JULIA?

==================

SPECIAL THANKS SA REAL LIFE BOSSING KO FOR ALLOWING HER CHARACTER TO APPEAR HERE

=================

SAME DRILL TAYO MGA TROPA.

75 hearts and 75 likes lang muna para maunlock ang next update or the next update will be uploaded after 72 hours. PLUS 75 COMMENTS TAYO

==============================

KUNG AKO SA INYO, BASAHIN NIYO NA LAHAT NG AKDA KO HEHEHE PARA MAKASUNOD KAYO SA MGA SUSUNOD NA EPISODES.

==========================

SA MGA NAGHAHANAP PO SA AKIN.ANDITO PO AKO NGAYON SA VIETNAM. MAY INAASIKASO LANG NA MGA IMPORTANTENG BAGAY

============================

PREVIEW NG MGA SUSUNOD NATIN NA EKSENA

===========================

" General….." ang malakas na sigaw ni Buhawi habang nakaumang ang baril nito sa kanyang nakikitang eksena. Napalabas naman si Juan sa kanyang pwesto dahil sa narinig niya at tulad ni Buhawi ay mas tinutok nito maigi ang baril niya sa kanyang nakikita.

" ano ba yan buhawi?" ang tanong ni General james ng lumabas ito ng pintuan ng command center. Kahit siya ay nagulat sa kanyang nakita. Kasunod naman nito lumabas ang task force niya at lahat sila ay parehas ang naging reaksyon.

Ang kanilang mga baril ay nakatutok lamang sa dalawang lalaki ngayon na nagawang maoverpower ang dalawang sentry sa main gate ng compound. Naka strangle hold ang dalawa at nakaumang sa ulo ng mga sundalo ang kanilang mga service pistol na naagaw ng dalawa.

Parang isang grupo sila ng mga leon na pinalilibutan ngayon ang kanilang karne na gagawin hapunan. Kitang kita nila ang takot sa mga mukha ng dalawang sundalo na hawak ngayon ng dalawang invader sa kanilang kampo

" anong kailangan niyo dito?" ang sigaw naman ni Jose habang nakatutok ang baril niya sa dalawa. Kitang kita mo sa mukha ni jose ang galit dahil mukhang nasundan na sila ng mga tauhan ni Mayor garces.

Si Brett, toni at marianne naman ay naiwan sa loob para samahan ang mga miyembro ng pamilya garces. Takot na takot ang mga ito habang nakatingin sila ngayon sa nakabukas na pintuan ng command center.

" oo nga…… ang lakas ng loob niyo na pumasok dito" ang sigaw naman ni Jack habang nakaumang na din ang kanyang assault rifle. Napatitig naman si Jack doon sa lalaking isa. Parang nakikilala ito ni Jack at bigla na lamang niya na hinarang ang sarili sa tapat ng mga baril ng mga kasamahan niya.

====================

Sa isang bakanteng kwarto ng command center. Kasalukuyan ngayon na nakatayo ang dalawang sundalo ni general james sa tapat ng isang maputi at malinis na pader na akala mo ay may babarilin sila ng firing squad.

Pero imbes na ang kanilang standard issue na m16 rifle ang kanilang hawak ay dalawang camera ngayon ang nakapatong sa kanilang balikat. Kanina pa nila sinipat ng maigi ang lente ng camera para sakto ang angle nito.

Nakasetup na din ang ilang lights at ilang mga cable na nakaconnect sa isang lamesa na may apat na tv na nakaconnect ngayon. Kitang kita naman sa apat na tv ang bawat angulo ng kinukuhanan ng camera pati na rin ang possible angles nito.

" perfect…… camera set….. Kuya pedro? All set na ba ang broadcast natin?" ang tuwang tuwa na usal ni yen habang kausap din nito si pedro na ngayon ay nakaupo sa isang lamesa sa gilid habang nakatapat ito sa kanyang laptop.

Napatingin naman si pedro sa dalaga at ngumiti na lamang ito tsaka ni tinignan ang laptop niya. Sinipat sipat nito ang camera niya na nakaconnect ngayon sa youtube at sa iba pang social media platform

======================

" Men… let's move" ang sigaw ni General james ng makita niya na mag aalas tres na ng hapon at mabilis na inayos ng mga ito ang kanilang mga dala. Ang kanilang mga backpack at baril ay handa na at pumila na sila sa labas.

" Team Jumbo….Your chopper is waiting" ang sabi ni General james sabay turo nito sa isang black hawk na nagsisimula pa lamang ang pag ikot ng blades nito. Mabilis naman na sumakay ang tatlo sa black hawk at tsaka na sila lumipad tungo sa drop off point.

" Team Harry…. Get ready" ang sabi naman ni General James at mabilis naman na tinungo ng grupo ni Boss harry ang hilera ng pick up trucks at sumakay na ang mga ito doon. Si Boss harry ay nasa lead vehicle.

" Move" ang sigaw naman ni General james at mabilis na umalis ang convoy ng grupo ni Boss harry palabas ng kampo. Napangiti naman ang heneral dahil marami ang nagtataka dahil hindi sabay sabay ang pag alis ng grupo niya. Parte talaga ito ng plano niya para hindi makapag prepare ang grupo ni mayor garces.

" Cesar… Jr Move" ang sigaw ni General James at mabilis din na sumakay sa loob ng mga Humveee nila ang grupo nila Jr. Si Jr at cesar sa isang humvee habang si Richard at tonton naman sa isa.

=======================

" anong pinagsasabi mo" ang tanong ni mayor garces habang nakatingin ito ngayon sa kanyang kalaban. Ang duguan at sugatan na si jose laban sa kanya na may hawak ngayon na isang balisong.

" sabagay….. Sa dami ng pamilya na sinira mo… tiyak nakalimutan mo na ang ginawa mo noong Aug 16, 2005…….. Exactly 18 years ago" ang sabi ni jose at napaisip naman silang lahat sa sinabi ni jose. Sa sobrang busy nila ay hindi nila namalayan ang ang araw ngayon ay aug 16 na.

" bakit… isa ka ba doon sa mga pamilya na aking pinarausan ng araw na iyon" ang sigaw ni mayor garces dahil tandang tanda niya ang araw na iyon dahil doon niya natikman ang mga pinakamasasarap na babae sa buhay niya

" mayabang ka talaga mayor……ako lang naman ang batang pinahabol mo noon… anak ni paquito at zsa zsa" ang sabi ni jose at kita mo sa mukha ni mayor garces ang gulat nito dahil sa alam niya ay patay na ang batang iyon.

" patay ka na di ba?" ang tanong ni mayor garces kay jose habang inaalala niya ang report sa kanya ng kanyang mga tauhan ng araw na yon na patay na daw ang bata.