1. Home
  2. Stories
  3. The Architect And The Janitor 12
Filipino Sex Stories

The Architect And The Janitor 12

By garyse ·

***Disclaimer: Amateur writer here so I know there's still a lot to improve.***

Paalala:

Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.

******The Architect and the Janitor******

Sequel 12: The Kidnaping

Makalipas ang ilang araw ay nag anunsiyo nga ang GHD na ikakasal na anh CEO ng companya.

Madami ang nagulat dito dahil hindi nila alam na may fiancee na pala siya dahil ni isa sa kanila ang nakakita sa Mysteriosong CEO ng kompanya.

Matapos mag anunsyo ang companya ay minasdan mabuti ng mga Death Dealers ang kampo ng dating Czarina.

Tama naman ang hinala ng Blood elders at councils dahil binalita ng Death Dealers at Guardians na may galaw na sa kampo ng dating Czarina. Nabalitaan kase nila na nag utos ang dating Czarina para alamin ang magiging asawa ni Tonio.

Mukhang hindi pa nakakaget over eto na hiwalayan siya ni Tonio.

Binalitaan naman nila si Tonio tungkol sa dating Czarina at sinabi na mag ingat ng mabuti at kailangan niya bantayan ng mabuti si Jann. Sinabi nila na si Jann ang primary target nila ngaun. Sinabi din nila sa mga nakaduty na guardians na bantayaan maigi si Jann at mga magulang niya.

At higit sa lahat at sinabihan nila si Phantom na mag ingat sa ilalabas na impormation. Kailangan na hindi nila maipalabas sa publiko ang totoong pagkatao ng magiging asawa ng CEO.

Nagdaan pa ang mga araw ay nagpatuloy sina Jann at Tonio sa kanilang trabaho. Bumalik na sila sa dati. Konti lang naman ang nakakaalam sa papalapit na kasal nilang dalawa sa companya na pinagtatratrabahuan nila at ang ama ng pagbubuntis ni Jann. Sila yung mga member din ng Moonhaven.

Nagulat naman ang mga katrabaho niya na buntis na si Jann. Hindi nila inaasahan yun dahil alam nila na wala na siyang boyfriend. Hindi nila alam na si Tonio ang ama ng anak ni Jann. At hindi nila pinagdududahan si Tonio.

Nagdecide naman ang mga magulang ni Jann na maging pribado ang kasal nilang dalawa. Sa una ay ayaw ni Jann ngunit pinaliwanag nila na mas makabuti muna iyun dahil ayaw nila na madiscriminate or mapagisipan siya ng hindi maganda sa loob ng kompanya.

Wla naman kay Jann iyun ngunit sinunod nalang niya ang desisyon ng magulang niya. Ngunit kahit papano ay may ininvite pa rin sila na nagtatrabaho sa kompanya nila. Sila yung mga tumutulong kay Jann sa loob ng kompanya at mga tinanong ng magulang niya kay Tonio na mapagkakatiwalaan nila.

Dahil na din sa pagbubuntis ni Jann ay nadagdagan ang team nila ni Sarah para hindi masyado mastress si Jann sa kanyang trabaho.

Naging regular naman ang pagbabantay ng mga Guardians at Death Dealers kay Jann at sa kanyang mga magulang.

"Ma'am Jann, hindi ko po inaasahan na pagbalik niyo ay buntis na kayu. Hindi ko alam na nagkabalikan na kau ni Klein." Ang saad ni Sarah.

"Sarah, hindi si Klein ang ama ng anak ko. Pero huwag ka mag alala, hindi sino sino ang ama nila." Ang paliwanag ni Jann.

"Ma'am, ibig mo sabihin na may bf ka na?" Ang tanong ni Sarah.

"Yes, meron na at siya ang ama ng anak ko. Hindi pa ako handa sabihin sa inyo. Sooner or later malalaman niyo din. And don't worry dahil papanagutan naman niya ako." Ang paliwanag ulit ni Jann.

"Mabuti naman po, ma'am. Kung hindi ka niya papanagutan, hahanapin ko siya at pagagalitan siya. Dapat maging responsable siya dahil magiging ama siya." Ang pahayag ni Sarah.

Natuwa naman si Jann sa pahayag ni Sarah.

"Papanagutan naman ako at magpapakasal na kame sa susunod na buwan." Ang pahayag ni Jann.

May isang buwan na ang lumipas.

Nagulat si Sarah at kasama niya dahil wala man lang sila natanggap na invitation.

"Nagdecide kase kame na gawing pribado ang kasal namin ng fiance ko. At mga malalapit lang na pamilha namin ang inbitato." Ang paliwanag ni Jann ng makita ang pagkabigla ni Sarah.

"Naiintindihan ko po ma'am. Masaya po ako sa inyong kasal. Mukhang mahiyain ata ang fiance niyo." Ang sabi ni Sarah.

"Sinabay niyo din pala sa kasal ng misteryoso nating CEO." Ang saad ng isa sa mga kasama ni Jann.

"Hindi ko naman alam na sa susunod na buwan ikakasal ang misteryoso nating CEO ah. Hindi na pwedeng ilipat ko dahil halos nakaready na lahat." Ang pahayag ni Jann.

"Pakiusap sana huwag ninyo ipagkalat muna ang tungkol sa kasal ko." Ang pakiusap ni Jann.

"Ok po mam, hindi po namin ipagkakalat. Sabagay po ma'am Jann. Kung ililipat pa ninyo ang kasal niyo mas magastuhan pa kau." Ang saad naman ni Sarah.

Habang nag uusap sila ay hindi namalayan na may nakikinig pala ng usapan nila at yun ang dahilan bakit nalaman ng buong opisina ang kasal ni Jann na sabay sa kasal ng misteryosong CEO nila.

"Ma'am, alam niyo ba na lumipat din si Manong Tonio ng matitirhan. Nagulat nga din kame maam eh, halos kase magkasabay kayu. Ilan nga diyan maam nagiisip na may relation kayung dalawa nagtataka kase sila sa magkasabay na pagbakasyon ninyo at pagbalik ninyo mabalitaan nalang na buntis ka at lumipat bigla si Tonio ng bahay pro hindi sinabi kung saan lilipat." Ang sabi ni Sarah.

Nagulat naman si Jann sa narinig niya. Alam niya ang rason bakit lumipat si Tonio ng titirhan dahil sa pinalipat na siya ng daddy niya sa kanilang bahay para magsama na sila at maalalayan siya.

Hindi naman sinagot ni Jann ang sinabi ni Sarah dahil hindi niya alam kung anu ang isasagot sa kanya. Ayaw niya makutya si Tonio kaya mas mabuti na munang huwag ipaalam dahil ayaw niya pagisipan ng masama si Tonio.

Baka kasi isipin nila na nirape siya ni Tonio at blinackmail para lang mapakasal si Jann sa kanya.

Nagpatuloy ang trabaho ni Jann. Dahil nga sa mas marami sila ngaun ay hindi masyado nahirapan sa trabaho si Jann dahil tinutulungan at inalalayan siya ng kanyang mga kasamahan.

Pagkatapos ng trabaho niya ay palihim na umuwe na sila ni Tonio. Kasalukuyan nagddrive si Tonio ng sasakyan nila. Ilang araw pagbalik nila mula Maldives ay binilhan sila ng magulang ni Jann ng sarili nilang sasakyan.

"Mahal, mag ingat tau muna sa office mas lalo na pagkasal na tayung dalawa. May nagtataka at nagdududa kase sa atin dalawa," ang sabi ni Jann at sinabi pa niya ang mga sinabi sa kanya ni Sarah.

Naintindihan naman ni Tonio si Jann. Naintindihan niya din na para sa kanya ang ginagawa, ayaw niya mapahiya at masaktan siya. Kaya mas lalo siyang nainlove sa kanya.

"Naiintindihan kita mahal ko. Mag iingat tayu sa loob ng office mo mahal." Ang sabi niya.

"Siya nga pala, mahal. Gusto ka daw makilala ng mga anak ko." Ang dagdag ni Tonio.

"Talaga mahal, asan sila? Gusto ko sila makita." Ang excited na sabi ni Jann.

"Nasa bahay na daw sila. Hinihintay na daw tayu sabi ni Manny." Ang saad ni Tonio.

"Sige mahal. Dalian mo at gusto ko na sila makita." Ang pahayag ni Jann.

Excited na si Jann makita ang tatlong anak ni Tonio.

Pagdating nila sa bahay ay naghihintay na sina Nezuko, Kanao at Aoi. Agad naman lumapit ang tatlo at niyakap si Tonio dahil miss na nila ang daddy nila ng makita nila eto.

"Dad, miss ka na namin." Ang sabi ng tatlo

"Miss ko na din kayo mga anak." Ang sabi ni Tonio at niyakap din sila pabalik.

"Oh, tama na yan. Papakilala ko din pala sa inyo ang magiging mommy ninyo. Jann meet Trisha, Tanya at Trixie. Trisha, Tanya at Trixie meet Jann, your future mommy." Ang pagpapakilala ni Tonio sa bawat isa.

Agad naman niyakap ng tatlo si Jann ng makita nila si Jann. Natuwa si Jann dahil sobrang sweet ang tatlo.

"Hi po, tita. Pwede ko ba kau tawagin na mommy since magiging asawa na kau ni daddy?" Ang tanong ni Trisha sabay yakap sa kanya.

"Okay, Trish. Kung yan ang gusto niyong tatlo." Ang sagot ni Trisha na nakangiti.

"Yehey, ang sagot ng kambal na si Trisha at Trixie at niyakap ulit si Jann

"Tawagin nalang kita na tita po. Andyan pa kasi si mommy." Ang sabi naman ni Tanya

"Naunawaan kita Tanya. Halika nga." Ang sabi naman ni Jann at niyakap din.

Tuwang tuwa naman ang tatlo dahil sa mabait at super sweet din ang magiging mommy nila. Kahit na magkalapit lang ang agwat ng edad nila ay wala silang pakialam.

Makalipas ang ilang sandali ay umupo na sila para makapagpahinga na si Jann.

Ipinakilala ni Tonio ang tatlo gamit ang totoo nilang pangalan. Si Trisha ay si Nezuko, si Trixie ay si Kanao at si Tanya ay si Aoi. Sina Trisha at Trixie ay magkakambal.

Matagal sila nag usap at nagkwentuhan. Sa bahay na din sila kumain ng hapunan. Habang naguusap sila ay sinabi nila na bumili sila ng bahay sa tabi lang nila. Natuwa naman si Jann dahil magkalapit lang sila kaya mabibisita niya ang tatlo. Mababait kasi sila kaya natuwa siya sa kanila.

"Mommy, unti unti ng lumalaki tiyan mo. Kailan kaya namin malalaman kung babae ba or lalaki ang kapatid namin." Ang sabi ni Trixie.

"Hintay muna kau diyan. Sa susunod na balik namin sa doctor tsaka namin malalaman kung anu ang gender ng kapatid niyo. Hayaan niyo isasama namin kayong tatlo pagpunta namin sa doctor." Ang sabi ni Jann.

Natuwa naman ang tatlo nang malaman iyun. Dahil mas mababantayan nila si Jann.

Dahil nga sa banta ng dating czarina ay mas pinaigting pa nila ang pagbabantay sa kanya. Kilala nila ang czarina, mas lalo na ang kambal. Malupit eto sa kanila kaya ayaw na ayw nila eto sa kanya.

--

Lumipas pa ang araw ay malapit na kasal nila ni Tonio.

Napansin namn ni Jann ang paghihigpit ng office nila. Hindi naman masyado inintindi ni Jann iyun dahil alam niya na ikakasal din ang misteryoso nilang CEO. Walang kaalam alam si Jann na siya ang prinoprotektahan nila.

Dahil din sa paghihigpit nila ay walang makuhang impormation ang dating czarina tungkol sa pakakasalan ni Tonio.

Hindi din nila makita si Tonio para sundan nila. Kahit na sa labas na tumitira si Tonio ay sobrang maingat eto at laging sa loob ng parking area ng building siya lagi nagpapark, nagpasalamat na din siya dahil sa biniling sasakyan ng mga magulang ni Jann para sa kanila.

Isang gabi habang matiyagang nagmamatyag sa labas ng GHD ang mga tauhan ng dating Czarina ay hindi nila inaasahan na makita sila ng mga Death Dealers. Mabuti nlng at medyo alerto ang leader nila kaya nakatakas sila ngunit nalagasan sila ng dalawang kasama at alanganin pa sila dahil ang nahuli ng Death Dealers ay isa sa mga importanteng miyembro ng team nila.

Hindi sila makakabalik sa base nila hanggang sa hindi nila maililigtas ang taong iyun.

Agad naman dinala ng mga Death Dealers ang nahuli nila sa isang lihim na kwarto at dun inenterogate at tinorture ng mga Death Dealers.

Medyo matigas naman at ayaw magsalita ang tao kaya nahirapan sila. Alam na nila bakit sila nagmamanman ngunit gusto nila malaman kung saan maaaring nagtatago ang dating Czarina at anu pa ang mga plano nila kay Jann.

Maingat naman sila na magbigay ng impor.asyon sa taong ito dahil baka makatakas siya.

Dahil sa katigasan ng ulo ng tao ay napilitan ang mga Desth Dealers na gumawa ng ivang paraan. Dito sila nagsimula imbistigahan ang pagkatao niya mismo.

Nang malaman ng tao na nahuli nila naiimbistigahan siya ay natakot siya. Alam niya ganu kalupit ang mga death dealers sa target nila. Kung malaman nila na may pamilya siya ay maaaring pagbuntungan nila eto. Kaya wala siya nagawa kundi kumanta, gusto niya protektahan ang iniwang pamilya.

"Boss, kakanta na po ako. Huwag niyo lang idamay ang pamilya ko." Ang sigaw niya.

Natuwa sila ng marinig na kakanta na siya.

"Matatakot ka din pala. Huwag kang mag alala hindi sila madadamay kung totoo ang sasabihin mo sa amin. Pero siguraduhin mo na totoo ang sadabihin mo dahil sa konting pagkakamali mo lang, alam mo na ang kakahinatnan ng vuing pamilya mo" Ang sabi ng isang death dealer na si Giyuu.

Si Giyuu ay isang Death Dealer na pinakamalupit sa pagtotorture at pagkuha ng impormation sa mga nahuhuli nilang kalaban.

"Boss, totoo po ang sasabihin ko sa inyo. Alang alang sa buo kong pamilya" Ang sabi niya na puno ng takot.

"Now, anu ang sasabihin mo. Siguraduhin mo lang na panay katotohanan ang sasabihin mo kundi patay ka sa amin pati na din ang pamilya mo." Ang sabi ni Giyuu.

Pansin naman ni Giyuu ang takot niya.

"Opo, una, ang pangalan ko ay Troy at inutusan po kami na hanapin ang pakakasalan ng dating asawa ni Ma'am Wenda na si Lucio. At kung mahanap namin siya ay patayin namin siya agad para hindi matuloy ang kasal nila." Ang pag amin ni Troy.

Hindi na niya alintana na magagalit sa kanya ang kasamaan niya. Ang kanya lang ay mailigtas niya ang kanyang pamilya. Alam niya na hindi titigil ang death dealers, hindi naman alam ng kampo ni Wenda na may pamilya siya. Kaya ligtas siya sa kanila ngunit natatakot siya sa mga death dealers.

Lucio ang alam na pangalan ni Troy dahil hindi alam ni Wenda na nagpalit eto ng codename at hindi din alam ni Wenda ang totoo niyang pangalan. Wenda naman ang pangalan ng dating Czarina.

"Well, asan naman nagtatago si Wenda? Alam namin saan kau nakabase at alam namin na wala siya dun." Ang tanong ni Giyuu.

"Tama po kyu. Wala po siya dun, nagtatago siya sa mga isang bayan sa Mindanao. Alam ko po sa Davao pero hindi ko alam kung saan banda. Pero maituturo ko sa inyo kung sino ang maaaring makapagturo sa lugar." Ang pahayag ni Troy.

"Okay, sino? At sabihin mo kung saan sila nagtatago?" Ang tanong ni Giyuu.

"Ang pangalan ng kasama ko ay Harry. Isa siya sa pinagkakatiwalaan at nasa mataas na ranko sa lugar namin. Nasa mataas din na ranko ako ngunit hindi kasing taas niya at alam ko na gagawa sila ng paraan para iligtas ako. Hindi sila maaaring umalis at bumalik kung wala ako. Ipapatay sila ni ma'am Wenda kung mangyari man iyun." Ang sagot ni Troy.

"Saan namin maaaring matagpuan si Harry?" Ang tanong ni Giyuu.

"Wala siyang bahay dito, nasa probinsya ang pamilya niya at bihira lang siya umuwe dun. Kaya gagawa yun ng paraan para malaman kung asan ako." Ang pag amin ni Troy.

"Pasensya na Harry, buhay na ng pamilya ko ang nakasalalay dito at hindi ko hahayaan mapahamak sila." Ang saad sa isip ni Troy.

Inilahad naman ni Troy kay Giyuu ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa kaibigan.

Sa narinig ni Giyuu ay maaari niyang gamitin si Troy para matrap si Harry kaya agad niya tinawagan si Tanjiro para sabihin ang nalaman.

--

"Master Tanjiro, nagsalita na ang nahuli nila Viktor na nagmamanman sa atin." Ang pahayag ni Giyuu.

"Mabuti naman Giyuu. Anu mga sinabi niya?" Ang tanong ni Tanjiro

"Master Tanjiro, ayun sa kanila inutusan sila na alamin ang tunay na pagkatao ng bagong Czarina natin at patayin para hindi matuloy ang kasal ni Master. Nalaman ko din na hindi nila alam na nagpalit ng codename si Master kaya nahihirapan sila hanapin kung sino ang hinahanap niya." Ang pahayag ni Giyuu.

"Shit, I need to tell that to elders and the council. We need also to look for Wenda para maunahan natin ang binabalak niya. Nalaman mo ba sa kanya ang location niya." Ang pahayag ni Tanjiro.

"Nasabi niya lang master Tanjiro na nasa mindanao maaaring nagtatago si Wenda at hindi niya alam kung saan exactong lugar. Pero may kilala siyang maaaring makapagsabi kung saan lugar siya nagtatago. Kung madakip din natin siya mas mapapabilis ang paghahanap natin sa kanya." Ang pahayag ni Giyuu.

"Mabuti naman kung ganun. Nalaman mo ba sa kanya kung sino siya. At saan maaaring mahanap ang taong tinutukoy niya?" Ang tanong ni Tanjiro.

"Well, ayun sa kanya ay hindi niya alam kung saan maaari natin matagpuan si Harry. Pero alam namin na hindi sila makakabalik sa base nila dahil nadakip natin siya. Kaya maaari nilang tangkang iligtas. Maaari taung gumawa ng trap sa kanila para madakip siya." Ang saad ni Giyuu.

"Mabuti pa nga. Papuntahin ko ulit diyan ang grupo ni Viktor para gawin ang naturang plano. At sila na ang bahala sa Harry na yan." Ang saad ni Tanjiro.

Matapos mag usap nina Tanjiro at Giyuu ay tumawag na si Tanjiro sa blood elders at council at ipinahag na sa kanila ang nalaman nila.

Natakot naman agad ang mga elders at council sa nalaman nila.

--

Dahil sa nakafocus ang attention ng mga Guardians at Death Dealers sa iba ay hindi nila namamalayan na nasa tabi tabi lang pala ang kanilang hinahanap. Hindi nila mapansin at nakita na nasa tabi tabi laang ang babaeng hinahanap nila. Nagbalat kayu kase ang dating Czarina para hindi siya mapansin.

Medyo natatagalan kase si Wenda dahil sa katangahan ng mga tauhan niya kaya siya na mismo ang gagalaw para kumalap ng impormasyong kailangan niya.

Kaya mas minabuti niya na siya nalang ang gagalaw dahil sa katangahan nila.

Una niyang ginawa ay kumuha ng impormasyon tungkol sa mga trabahador na pauwe na at dito niya nalaman na aside sa CEO ang isa pa sa ikakasal ay si Jann.

Nung una ay hindi siya naniniwala na eto ung babaeng hinahanap niya ngunit dahil misteryoso din ung groom ay minabuti ni Wenda na imbestigahan ng mabuti ang dalaga.

Sa kanyang pag iimbestiga ay nalaman niya na ikakasal siya sa isang misteryosong lalaki dahil sa buntis na siya. Ilang beses niya din inimbistigahan ang dalaga at ang mapapangasawa nito ngunit kahit anung gawin niya ay wala siyang makuhang data tungkol dito maliban kang sa parehas na buwan ang kasal nila.

Habang nangangalap siya ng impormasyon ay hindi niya inaasahang mahuli ang isa sa mga tauhan niya. kitang kita pa niya ang pagkahuli ng isa sa kanyang mahalagang tauhan kaya mas lalo siya nabuwisit sa kanila.

"Hindi talaga kau maasahan. Hindi na nga kau mkakuha ng impormasyon nagpahuli pa kayo." Ang nasaad ni Wenda sa sarili.

"Panu kaya eto. Siya ba ang hinahanap ko o hindi. Nagkataon lang ba na siya ang babaeng tinutukoy ng mga elders at council?" Ang pahayag niya sa sarili.

Dahil sa pagkalito niya ay minabuti niya na imbestigahan pa ng mabuti si Jann. Dahil alam na niya ang buong pangalan ni Jann ay madali niya nahanap lung saan nakatira ang dalaga at nalaman niya din na hindi ka makakapasok sa subdi kung saan nkatira si Jann kung hundi ka nakatira dun.

Wala naman naging problema si Wenda dun dahil may naisip na siyang paraan para makapasok.

Nang makapasok siya agad ay agad niya hinanap ang bahay nina Jann. Hindi naman siya agad lumapit dahil alam niya na maaaring may nagbabantay sa kanilya kung sakaling siya ang hinahanap niya.

Hindi napansin ng mga Guardians ang sasakyan niya dahil nasa may kalayuan eto nakaparada at minamasdan niya ang bahay nina Jann gamit ang isang binacular.

Habang nagmamasid siya ay napansin niya ang dalawang baabae, kambal sila. Napansin niya sina Trisha at Trixie, ang kambal na inampon ni Tonio nun mag asawa pa sila. Kasama ni Jann sina Trisha at Trixie kasama pa ang isang babae na hindi na niya kilala.

Dito niya napagtanto na tama ang hinala niya at hindi lang coincidence na sabay ang kasal nilang dalawa dahil siya na mismo yun.

Agad naman tumawag si Wenda sa iba niyang tauhan para sabihin na natagpuan na niya ang babaeng hinahanap nila. Umalis na muna si Wenda sa bahay ni Jann baka mapansin siya ng mga tauhan ni Tonio na nakabantay sa bahay nila.

Bago muna umalis si Wenda ay inalam niya muna ang sasakyan nila Jann. Hindi siya nahirapan dahil dalawa lang ang sasakyan na nakaparada sa bahay nila.

Hindi naman siya bumalik sa kampo nila dshil alam niya na binabantayan din eto. Nagtawag lang siya ng mga piling tauhan niya para magplano sa tangkang pagkidnap sa magiging asawa ni Tonio.

Nang makita siya ng mga tauhan niya ay nagulat sila dahil alam nila ay nasa probinsya siya.

Agad naman sana sasabihan niya ang mga katropa nila na sumunod ngunit sinabihan niya sila na huwag pasunudin baka malaman ng mga Death Dealers na nakabantay sa kanila kaya wala nagawa ang mga tauhan niya na sumunod dahil sinabi ni Wenda na pupuntahan na lugar na hindi alam ng mga Death Dealers.

Ang alam din ni Wenda ay hindi alam eto ng nahuli nilang tauhan niya ngunit hindi niya alam niya alam na siya mismo ang naghanap dito.

Nang makarating sila agad sa vagong kuta nila ay nagulat sila dahil may ibang dala si Wenda na bagong tauhan at madami din mga baril. Dito nila narealize na mahirap kalabanin ang kalaban nila.

Ilang sandali naman ay nagsimula na silang magplano. Sinabi ni Wenda na manmanan nila ang subdi kung saan nakatira si Jann at sinabi niya din ang mga sasakyang gamit nila at pag nakahanap sila ng magandang pagkakataon ay dukutin nila si Jann.

--

Wala naman kaalam alam si Jann na alam na ng dsting asawa ni Tonio na ikakasal na siya sa kanya at may planong masama sa kanya.

Nalaman din nina Nezuko ang pagkahuli ng isa sa kalaban nila kaya mas pinaigting pa nila ang pagbabantay sa kanya.

Isang araw ay nag aya lumabas si Jann. Niyaya ni Jann sina Trisha, Trixie at Tanya. Hindi niya niyaya si Tonio dahil sa may bibilhin siyang surpresa para kay Tonio.

Sa una ay ayaw pumayag si Trisha dahil alam niya delikado para kay Jann na lumabas ngunit hindi nila alam panu sabihin sa kanya. Hindi naman nila mapiglan dahil sa si Jann mismo ang gusto bumili at pumili ng regalo para kay Tonio dahil malapit na ang kanilang anniversary mula nung sinagot niya eto.

Nakita naman nila kung gaano kasaya si Jann kaya wala sila nagawa kaya pinagbigyan nila eto.

Bago sila pumunta sa mall ay pinasuot nila muna si Jann ng isang disguise para hindi nila basta makikilala.

Habang papunta sila sa mall ay inaalala ni Jann ang mga masasayang alaala nila ni Tonio. Hindi niya inaakala na sa isang taon palang nila ay andami nang nangyari sa kanilang dalawa.

Nang mapansin naman ng mga tauhan ni Wenda na palabas ang isang sasakyan nila Jann ay agad nila itinawag sa iba nilang kasamahan at agad nila eto sinundan.

Dahil nakatuon naman ang attention ng tatlo kay Jann kaya hindi nila namamalayan na may sumusunod na sa kanila habang papunta sa mall.

Balak naman sana na tambangan ng mga tauhan ni Wanda ang sasakyan nila Jann ngunit hindi sila makakuha ng magandang tiyempo kaya minabuti nalang nila na sundan kung saan sila pupunta. Hindi din kase nila alam kung sino nasa loob ng sasakyan at mahirap na kung mabisto pa sila.

Nang makarating sina Jann sa mall tsaka lang nila nalaman na tama nga ang sinundan nila.

Kahit na nakadisguise si Jann ay alam nila na siya iyun dahil kilala na nila ang tatlo.

Habang nagshoshopping sila ay nagpaalam sina Trisha at Trixie na magCR lang muna dahil kanina pa sila naiihi kaya naiwang mag isa si Aoi sa pgbabantay kay Jann.

Dahil sa pagod din nila sa pagshoshopping ay napahdesisyunan ni Tanya na magpahinga muna at kumaen.

Habang naghihintay sila ay napagdesisyunan ni Jann na magorder muna ng makakain nila. Hinayaan naman ni Aoi si Jann na mag order.

Habang naghihintay si Aoi kay Jann ay may napansin siya. Napansin niya ang isang lalaking nakaitim na kanina pang nakatingin sa kanya. Nang lumingon siya sa likod niya ay may napansin din siya na lalaking nakaitim din.

Dahil dun ay kinutuban na siya tsaka niya naalala na kanina pa pala sila nakabuntot sa kanila.

"Shit, this is bad. Nalaman na nila na si tita ang pakakasalan ni daddy." Ang nasabi niya sa sarili.

Agad naman niya pinindot ang SOS button sa kanyang relo para magpasaklolo sa iba.

Agad namn niya pinuntahan si Jann at hinila nalang niya agad eto.

Nagulat naman si Jann ng bigla siya hilahin papalayo ni Tanya.

"Tanya, anu ba nangyayari. Bakit hinila mo nalang ako bigla." Ang saad niya.

"Tita, no time to explain sumunod ka na lang sa akin. Your life is in danger. We need to find Trisha and Trixie before its to late." Ang saad naman ni Tanya.

Nagulat naman si Jann ng marinig niya eto. Hindi niya inaakala na nanganganib ang kanyang buhay. Ilang sandali lang ay may mga lalaking biglang humarang sa kanila ngunit agad naman pinatumba ni Tanya ang mga iyun.

"This guys want you dead, tita. Come now, bago tayu mahuli." Ang saad ni Tanya.

Sumunod nalang si Jann kay Tanya at hinayaan nalang niha ang mga pinamili niya. Dahil din sa nangyati ay nagkaroon ng malaking kaguluhan kaya medyo hirap makalapit ang mga lalaking nakaitim na nasa likuran nila.

"Shit, ang dami nila. Dito na tau tita." Ang sabi ni Tanya.

Pupuntahan sana nila kung saan nagtungo sina Trisha at Trixie ngunit naharangan sila kaya da ibang direksyon sila nagtungo.

Meron pa rin namn humaharang sa kanila ngunit agad namn pinapatumba ni Tanya ang mga iyun. Gusto naman sana tumulong ni Jann ngunit dahil sa buntis siya ay hindi niya magawa.

"Habulin niyo si Jann. Siya yung nakadisguise. Huwag niyo hayaang makatakas." Ang sigaw ng isang humahabol sa kanila.

Nung una naguguluhan si Jann baka napagkamalan lang sila ngunit ng marinig niya iyung sigaw ng humahabol sa kanila ay napagtanto niya na siya nga ang pakay nila.

Habang tumatakbo sila ay may naisip si Tanya.

--

Nang napindot na ni Tanya ang sos button ay agad naman natrack ni Sonja na may SOS button ng tignan niya eto ay galing eto kay Aoi.

Kaya napagtanto niya na nasa panganib sila. Agad naman niya trinack eto at nakita niya na hindi kasama ni Aoi si Nezuko at Kanao kaya agad agad niya sila kinontact.

"Nez, kanao. Aoi is in danger. Ngaun ngaun lang ay nakatanggap ako ng sos call galing kay Aoi." Ang sabi ni Sonja sa kanila.

Nagulat naman ang dalawa sa nabalitaan nila. Buti nalang at nakaihi na sila kaya agad sila lumabas.

Agad naman nila tinanong kung saan na sila.

"Aoi is on the 2nd floor already at papunta sila sa isang department store. Bilisan ninyo bago mahuli aang lahat." Ang sabi ni Sonja.

Hindi nanagpatumpik tumpik ang dalawa at agad tinungo nina Nezuko at Kanao ang sinabi ni Sonja. Nasa 4th floor sila kaya minadali nila ang pagtakbo.

Pagkatapos na sinabihan ni Sonja sina Nezuko at Kanao ay agad siya tumawag kay Viktor at sinabi niya ang nangyayari.

Nagulat naman si Viktor dahil naunahan sila. Papunta ngaun si Viktor kung saan nila itatrap si Harry ng malaman nila iyun. Hindi nila pwede idelay iyun. Kaya ang ginawa ni Viktor ay inutusan niya sina Lucian at Selena na puntahan ngaun kung saan sina Jann at Aoi.

Nagmadali naman sina Selena at Lucian at nagsam lang sila ng dalawang kasama nila. Hindi nila pwedeng damihan since hindi nila alam kung gaano kadami ang kalaban nila.

Tumawag din si Sonja sa mga Guardians malapit sa bahauy ni Jann para sumaklolo.

Dahil sa kaguluhan ay nalaman ni Tonio ang nangyayari at todo siya sa pag aalala.

--

Nang makarating naman sina Tanya at Jann sa Department store ay agad sila nakapagtago kaya hindi sila natagpuan agad. Dito dahan dahan kumuha si Tanya ng mga damit na isusuot at tsaka niya dahan dahan hinihila si Jann papunta sa isang fitting room.

Sumunod naman si Jann sa kanya at naging maingat naman siya para hindi sila makita.

Nang makita nila ang isamg fitting room ay agad sila pumasok. Nagpasalamat naman sila dahil kasya silang dalawa.

"Tita, tanggalin mo disguise mo at mga damkt mo ngaun din." Ang sabi ni Tanya nang makapasok sila sa fitting room.

"Huh? Bakit? Anung gagawin mo." Ang tanong ni Jann.

"Tita, basta tanggalin mo nalang at isuot mo ito. Bago mahuli ang lahat." Ang pagpilit ni Tanya.

Wala naman nagawa si Jann at tinanggal lahat pati damit at pantalon niya at isinuot ang damit na bigay ni Tanya sa kanya. Nang matanggal ni Jann ang damit niya ay napansin niya na isinuot ni Tanya ang damit niya pati ng disguise niya kanina.

Agad naman nagets ni Jann ang plano ni Tanya.

"Tanya, anu ginagawa mo. Mappahamak ka kung magpapanggap kang ako." Ang pag aalala ni Jann.

"Tita, mas mabuti ako kesa ikaw. Tandaan mo dalawa kau mapapahamak kung matagpuan ka nila. Ikaw ang pakay nila at wala sila pakialam kung buntis ka o hindi." Ang paliwanag ni Tanya.

Nagets naman ni Jann ang paliwanag ni Tanya ngunit ayaw niya maphamak eto dahil sa kanya.

"Tita, please. Ilalayo ko lang sila dito. Huwag kang mag alala sa akin." Ang sabi ni Tanya.

Pinaliwanagan pa ng mabuti ni Tanya si Jann bago siya umalis. Si Jann naman ay nagstay lang sa lugar na iyun hanggang hindi humuhupa ang kaguluhan sa labas.

Nang makalabas si tanya ay nagpasalamat siya dahil hindi sila nasundan ng mga humahabol sa kanila. Nanatili siya sa fitting room at patuloy na nagdarasal.

Nang pamalabas na siya ng department store ay napansin niya sina Nezuko at Kanao na may kalaban din. Mukhang napaghandaan nila ang araw na iyun dahil ang dami nila.

Hindi naman nagtagal ay napansin siya ng isa sa mga lalaking nakaitim.

"Iyun si Jann. Dalian niyo bago makatakas ulit." Amg sigaw nila.

Agad na tumakbo si Tanya na nakadisguise bilang Jann. Hindi naman nila napansin na si Tanya ang hinahabol nila ngaun at hindi si Jann. Hindi namn makausad sina Nezuko at Kanao dahil pinipigilan sila ng mga kalaban nila.

Patuloy pa rin si Aoi sa pagtakbo. Nagdarasal siya na may ibang dumating at hindi nila malaman na nagdusguise lng siya.

Ngunit nang nasa parking lot na siya ay nacorner na siya kaya hindi siya makatakas. Madami ang nakapalibot sa kaniya. Dahil dun ay kusa na siyang sumuko.

Dinala naman siya agad sa van ng mga tauhan ni Wenda at agad sila umalis. Tunawag na din sila sa ibang kasamahan nila na tagumpay sila. Dito lang tumigil ang mga lalking nakaitim sa pagpigil kina Nezuko at Kanao.

Ngunit bago sila makaalis ay nagawang makahuli ng limang kalaban sina Nezuko at Kanao.

Nang dumating sina Selene at Lucian at mga Guardians ay nakatakas na ang mga tauhan ni Wenda dala dala si Aoi.

"Where is Jann? Where is our Czarina and Aoi?" Ang tanong ni Selena pagkakita kina Nezuko at Kanao.

"We don't know. Baka nahuli sila. Sorry po. Umihi lang naman kame hindi namin napansin na nasundan kame." Ang paghingi ng paumanhin nina Nezuko at Kanao.

"Don't blame yourselves. Walang nakakaalam na malalaman nila eto. Mukhang napagplanuhan nila ang lahat. At nakita namin na ginawa niyo ang lahat." Ang sabi naman ni Lucian.

Ilang sandali ay kinuha na nila ang limang nahuli nila at dinala kay Giyuu para iinterogate.

Wala naman nakakaalam na ang nahuli nila ay si Aoi at hindi si Jann at nagtatago lang si Jann sa idang fitting room.

Hindi naman muna umalis si Jann sa fitting room kahit na nawala na ang kaguluhan sa labas. Nagstsy siya dun sa fitting room ng isa pang oras para masiguro niya na wla na ang humahabol sa kanila.

Umuwe naman agad sina Trisha at Trixie at ibinalita nila ang nanagyari kay Tonio at sa mga magulang ni Jann.

Agad naman nawalan ng malay ang ina ni Jann dahil sa nabalitaan. Halos magwala naman sa galit ang daddy ni Jann ng marinig niya iyun pero pinapakalma siya ni Tonio.

Tumatawag naman si Trisha kay Tanya ngunit hindi siya sumasagot kaya alam nila na baka silang dalawa ang nahuli.

Pagkatapos ng isang oras ay nakatanggap sila ng tawag sa isang di kilalang numero. Agad namn sila nagtinginan dahil dun. At walang gustong sumagot.

Kring!!! Kring!!! Kring!!!

Itutuloy….