1. Home
  2. Stories
  3. A Soldier's Heart S3 EP6: Paalam Barbie
Filipino Sex Stories

A Soldier's Heart S3 EP6: Paalam Barbie

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

===========================

" General….." ang malakas na sigaw ni Buhawi habang nakaumang ang baril nito sa kanyang nakikitang eksena. Napalabas naman si Juan sa kanyang pwesto dahil sa narinig niya at tulad ni Buhawi ay mas tinutok nito maigi ang baril niya sa kanyang nakikita.

" ano ba yan buhawi?" ang tanong ni General james ng lumabas ito ng pintuan ng command center. Kahit siya ay nagulat sa kanyang nakita. Kasunod naman nito lumabas ang task force niya at lahat sila ay parehas ang naging reaksyon.

Ang kanilang mga baril ay nakatutok lamang sa dalawang lalaki ngayon na nagawang maoverpower ang dalawang sentry sa main gate ng compound. Naka strangle hold ang dalawa at nakaumang sa ulo ng mga sundalo ang kanilang mga service pistol na naagaw ng dalawa.

Parang isang grupo sila ng mga leon na pinalilibutan ngayon ang kanilang karne na gagawin hapunan. Kitang kita nila ang takot sa mga mukha ng dalawang sundalo na hawak ngayon ng dalawang invader sa kanilang kampo

" anong kailangan niyo dito?" ang sigaw naman ni Jose habang nakatutok ang baril niya sa dalawa. Kitang kita mo sa mukha ni jose ang galit dahil mukhang nasundan na sila ng mga tauhan ni Mayor garces.

Si Brett, toni at marianne naman ay naiwan sa loob para samahan ang mga miyembro ng pamilya garces. Takot na takot ang mga ito habang nakatingin sila ngayon sa nakabukas na pintuan ng command center.

" oo nga…… ang lakas ng loob niyo na pumasok dito" ang sigaw naman ni Jack habang nakaumang na din ang kanyang assault rifle. Napatitig naman si Jack doon sa lalaking isa. Parang nakikilala ito ni Jack at bigla na lamang niya na hinarang ang sarili sa tapat ng mga baril ng mga kasamahan niya.

" Jack….. Nababaliw ka na ba?" ang tanong ni buhawi sa kasama habang siya din ay nakatutok na ang baril sa harap ng kanyang kasamahan na mukhang bumaliktad na. Napatingin naman si Jack dito at mabilis na tinaas ang kanyang kamay.

" relax…… hindi sila kalaban…… this is james oliver tan…… asawa ni Kc tan….. Isa sa mga kinidnap ni mayor garces" ang sigaw ni jack. Napalingon naman ito sa dalawang lalaki na ngayon ay nakatutok pa din ang baril sa dalawang sundalo ni General james.

" James…. Ibaba niyo ang baril……… guys ibaba niyo din ung sa inyo" ang sigaw ni jack sa lalaking tinawag niyang james sabay harap din sa mga kasamahan nito para ipakiusap ang parehas na sitwasyon.

Napatingin naman ng maigi si general james doon sa lalaking sinasabi ni jack. Nakilala niya ang mga ito at sumenyas na siya na ibaba ng mga tauhan niya ang kanilang mga sandata.

" men…stand down" ang sigaw naman ni Capt cesar sa apat niyang kasama habang nakatingin ito sa general. Napatingin naman ang heneral kay Boss harry at tulad ni capt cesar. Pinababa din niya ang mga armas ng tauhan niya at tauhan ni toni.

" ayan… nakababa na mga armas nila……" ang sabi ni Jack habang nakatayo pa din ito sa pagitan ng grupo ni general james at sa dalawang lalaki na pumasok sa base nila.

" gusto namin tumulong para iligtas ang mga asawa namin" ang sigaw naman ng isa pang lalaki at tinulak na nito palayo sa kanya ang hawak niyang sundalo. Napatingin naman ito kay James at ganun rin ang ginawa ng lalaki.

" ikaw si eros serrano… ang asawa ni cathy serrano?" ang tanong naman ni General james sa lalaki. Napatango naman ito at mabilis na lumapit ito sa dalawang lalaki na parehas na hawak ni mayor garces ang mga asawa nila

" wag kayo mag alalala…. Ibubuhos ko lahat ng resource ko para lang maligtas ang mga asawa niyo" ang sabi ni general james sa dalawa at inabot nito ang magkabilang kamay niya. Kinamayan naman siya ng dalawa. Niyaya niya na pumasok na sila sa command center.

" ang grupo mo….. Check the perimeter… baka may nakasunod sa kanila" ang utos naman ni boss harry sa isang grupo ng mga tauhan niya para mag rounds ang mga ito sa periter. Kaagad naman na tumango ang mga ito habang papasok na muli sa loob ang mga kasama niya.

" kayo…tighten security" ang panghuling utos nito bago siya sumunod sa mga kasama sa loob ng command center.

" James…….." ang medyo gulat pero natutuwang tawag ni Tita Ina ng makita niya ang pamilyar na lalaki na kasama ni general james. Kaagad niya nilapitan ito at inakap ng mahigpit ang ginang.

" kinuha nila si kc" ang usal ni james habang akap akap niya ng mahigpit ang client nila. Napatingin naman si Jose dito at tila ba naawa siya sa kalagayan ng lalaki. Alam niya ang pakiramdam ng malagay sa alanganin ang buhay ng mga mahal niya.

" seat down gentleman" ang utos naman ni general james habang nakatingin ito ngayon sa dalawang bagong tutulong sa kanya para pabagsakin ang kasamaan ng pamilya garces. Umupo naman si James at eros sa tabi ni Tita Ina habang si Jose naman ay umupo sa pagitan ni Yen at julia.

=================

Habang sa lahat ng main entry and exit point ng bayan ng arayat. Nagsimula ng dumating ang mga miyembro ng sandatahan lakas ng pilipinas. Mukhang handang na din ang mga ito para pulbusin ang grupo ni mayor garces.

Dalawang m939 army truck ang tumigil ngayon sa harapan ng barikada na nilagay ng pwersa ni mayor garces sa boundary ng arayat at sta ana pampanga. Dalawampung sundalo na puro heavy armed ang bumaba ang nagset up ng defensive position habang nakaharap sa mga kalaban.

Ang kanilang mga kalaban naman ay nakahanda din. Sundalo laban sa kapwa, rebelde laban sa sundalo. Kita mo ang mga mukha nila na handang makipagpatayan para sa mga pinaglalabanan nila.

Habang sa magkatapat na gusali sa di kalayuan ay nakasetup naman ang dalawang sniper's nest ng mga sundalo. Dalawang experts markmans ang nakapwesto doon gamit ang kanilang Barrett 50 Cal/M82 sniper rifle.

Galing ang dalawampung army na ito mula sa Northern Luzon command sa Camp Servillano Aquino, tarlac city. Sila ang pinadala ng pamahalaan para huwag hayaan na makalabas ang mga miyembro ng grupo ni mayor garces.

Kung hindi sila makakapasok doon ay hindi rin nila hahayaan na makalabas ang mga ito. Isa lamang ito sa mga maraming nakasetup na na defensive perimeter ng army. Kahit na maliit na eskinita na pwedeng gamitin na labasan ng mga tauhan ni mayor garces ay hinarangan nila.

Tulad ng sa boundary ng arayat at candaba. Dalawang Humvee naman na may machine gun sa taas ang nakaharang dito sa boundary. Sinusuportahan naman ito ng dalawampung sundalo din na nagkalat sa paligid.

May dalawang snipers nest din na naka set up. Ang dalawang gunners naman ay nakahanda lamang. Hinihintay ang kanilang pagkakataon na pulbusin ang mga tauhan ni mayor garces.

Dito naman ay dalawang lumang bus ang hinarang ng mga tauhan ni mayor. Ang mga bintana ng bus ay basag na at naka umang sa mga ito ang rifle ng mga tauhan ni mayor. Tulad din ng mga sundalo ay may dalawang sniper naman na nakatago sa teritoryo na hawak nila.

May dalawang machine gun din na nakalagay sa ibabaw ng bus. Habang sa di kalayuan na pampanga river ay may ganito na pangyayari. Nasa magkabilang river bank na sakop ng arayat ang mga tauhan ni mayor.

Nakasetup naman ang dalawang mortar doon kasama ang dalawang machine gun emplacement. Nakatago naman sa mga puno ang mga kasama nilang may dalang mga assault rifles.

Sa panig naman ng mga sundalo ay may mga nakatago din sa mga puno. Nakatutok ang mga ito sa kabilang panig ng river bank. Ang mga sundalo sa kanan ay target ung sa kaliwa. Habang sa kaliwa naman ay target ung sa kanan.

Habang sa malapit na bank naman ay nakahanda ang dalawang motorized banca na may sakay din nga ilang sundalo na nakaumang ang mga sandata nila sa mga tauhan ni mayor garces.

Habang sa boundary naman ng arayat at cabiao nueva ecija. Tapatan ng tangke ang nagaganap dahil sa dito nakapwesto ang dalawang tangke na matagal ng tinatago ni Mayor garces sa kanyang armoury para sa ganitong pagkakataon.

Katapat naman ng tangke ang sariling tangke ng afp na pinadala naman na reinforcement mula sa fort magsaysay, Nueva Ecija. Nakapwesto naman sa likod ng tangke ang ilang sundalo na may dala din na mga assault rifle at mga light machine guns.

Mukhang impossible na mapasok ng grupo ni General james ang arayat ng hindi sila nakikita at natutunugan ng mga tauhan ni mayor garces. Bukod pa sa mga ito ay may mga ilang helicopter na umiikot sa paligid pero wala silang magawa kahit na nakakapasok sila sa loob ng teritoryo ni mayor garces.

Mabilis naman na nakaabot ang balita ng pagpapadala ng mga reinforcements ng sandatahang lakas sa kampo ni mayor garces.

" Ano ang akala nila… matatakot ako basta basta sa mga pinadala nila" ang sigaw ni mayor garces habang nakaupo ito ngayon sa loob ng isang kubo sa kampo. Kasama niya ang international terrorist na galing sa paksyon nila mindano.

Sa tapat nito ay ang lalaking nakasuot ng salakot at sa magkabilang tabi nila ay si konsehal garces at marco.

" lion… we should make them pay then" ang sabi ng lalaki habang nakatingin ito sa galit na galit na mayor ng bayan. Napahawak naman si mayor sa kanyang pistol at tsaka niya ito tinutok sa larawan ni Jose na nakasabit sa pader.

" Sino ang pwede natin gamitin para gantihan si jose?" ang tanong ni mayor garces sa kanyang mga kasamahan. Napatingin naman ito sa lalaking nakasalakot at pati na rin doon sa international terrorist pero umiling lang ang mga ito.

" may kilala ako pa…. Tiyak hindi matitiis ni jose na makita niya ang taong iyon na nasasaktan" ang sabi naman ni Konsehal garces at napatingin ito kay marco. Tumatango tango naman si Mayor garces sa sinabi ng anak niya.

" sino ang tinutukoy mo anak?" ang tanong ni mayor garces habang unti unti na itong napapangiti dahil sa mukhang may utak din naman pala ang anak niya at hindi puro libog ang pinapairal nito.

" well…. Handa ka na ba maglaro ng isang barbie pa hahahaha" ang nakangising sagot ni konsehal garces habang si mayor naman ay mas lalong lumaki ang ngiti nito.

========================

Habang sa loob naman ng mismong bayan ng arayat ay takot at pangamba ang bumabalot sa mga residente. Ang dating maingay at mataong mga kalsada ay tila ba naging isang ghost town bigla ang bayan.

Ang mga ito ay napalitan ng mga tauhan ni mayor garces na patuloy ang pag ikot sa bayan habang dala dala nila ang kanilang mga mahahabang armas. May mga mangilan ngilan na naglalakas loob na lumabas pero kapag nakikita nila ang mga tauhan ni mayor ay mabilis silang bumalik sa kanilang mga bahay.

Pinutol rin ng mga tauhan ni mayor ang linya ng internet at naglagay din sila ng mga signal jammers para hindi makapag usap ang mga ito sa mga tao sa labas. Hindi nila akalain na ang dating maganda at tahimik na bayan nila ay bigla na lamang na magiging isang magulo at nakakatakot na lugar.

====================

Habang sa HQ ni General James. Kakatapos lamang ng tanghalian nila pero kaagad na nagpatawag ng meeting ang heneral.

Nakaupo ngayon sa isang mahabang conference table ang lahat ng miyembro ng grupo ni General James. Nakaupo sa tabi ni gen james si Jose sa kanan at donya yda naman sa kaliwa.

Sa tabi ni Jose ay si Julia, Tiffany , andrea, Jack, brett, james, eros, pedro habang sa tabi naman ni Donya yda ay si tita ina, yen, boss harry, juan, marianne, toni, jumbo at si cesar. Nakatayo naman sa gilid sila jr, richard, tonton, berto at buhawi

" jose, ano ang plano niyo?" ang tanong ni general james sa kapitan na kanyang katabi. Napatingin naman si Jose sa kanyang mga kasama. Napahawak ito sa palad ng kanyang kasintahan na si Julia. Ramdam mo sa palad ni julia ang kaba dahil sa panlalamig nito.

" kailangan natin buwagin ang depensa nila ng sabay sabay……." ang sabi ni jose habang nakatingin ito sa matandang heneral. Napatango naman ang matanda sa plano ng kanyang kapitan.

" paano natin magagawa yan kapitan? Ang sabi ni mayor ay papatayin niya ang lahat ng hostage nila kung susugod tayo" ang medyo nanginginig na boses ni James habang nakatingin ito sa lalaking nagsasabi ng kanyang plano para iligtas ang mahal niyang asawa.

" tama ka james…. Pero kaya nga tayo nagtipon tipon lahat dito para gamitin ang lahat ng ating galing" ang sabi ni Capt cesar para suportahan si Jose sa kanyang plano para mailigtas ang lahat ng hostage at matapos na ang kasamaan ng mag amang garces.

" General…… i would like to remind you kung gaano kainfluential ang pamilya ko……. If something bad happens to my wife……. Alam kong black ops itong lakad mo" ang pagbabanta ni James sa general dahil nagkakaroon ito ng pagdududa sa mga sinasabi ng grupo ng matanda.

Bigla naman sumama lahat ang tingin ng mga kasama nila sa loob ng command center dahil sa pinakitang kayabangan ng lalaking ngayon lamang nila nakita at nakilala. Medyo maangas ang dating nito at nakita naman na biglang nag flex ng kanilang mga braso si juan at jumbo na akala mo ay gusto na nilang durugin ang pretty boy na ito.

Napansin naman ito ni toni kaya naman hinawakan niya ang braso ng pamangkin para kumalma ito. Alam niyang baka sumabog na naman sa galit ang kanyang pamangkin.

" You don't have to remind me that james……. We have the best men and women for the job" ang sabi ni general habang kalmado nitong tinitignan ang lalaki. Kilala niya ang pamilya ni James. Alam niya kung gaano kalakas ang influence ni Donya Lyka tan. Kahit si General james ay hindi kayang tapatan ang lakas ng ginang.

========================

Habang sa isang kweba naman malapit sa loob ng kampo ni Mayor Garces.

Kasalukuyan na nakakulong isang malaking hawla na gawa sa bakal ang dalawang ginang na kanyang kinidnap. Kita mo sa mukha ng dalawa ang takot dahil sa pabalik balik ang pagdaan ng mga armadong tauhan ng mga lalaking nagpadukot sa kanila.

" kc tama? Cathy" ang sabi ng magandang asawa ni eros habang inabot nito ang kanyang palad sa takot na takot na kasama niya sa hawla. Napatango naman ang kasama niya inabot nito ang kanyang kamay.

Lumapit sa tabi ni cathy si kc at magkahawak kamay nilang tinignan ang kanilang sitwasyon. Nakaramdam naman ng kaunting ginhawa si kc dahil sa miss na miss na niya ang dalawang anak nito.

" wag ka mag alalala… alam ko may magliligtas sa atin" ang sabi ni cathy habang hinahawak nito ng maigi ang palad ni kc. Napatingin naman si kc sa kasama. Kita niya sa mga mata nito na puno din siya ng takot pero pilit niyang pinalalakas ang kanyang loob.

Alam ni cathy na hindi hahayaan ng asawa niyang si eros na mapahamak siya. Sarili niya pamilya noon ay sinuway niya para sa relasyon nilang dalawa. Alam niyang maraming kaibigan na malalaking tao ang asawa niya.

Ganun din naman si kc, alam niya kung gaano kalakas ang pamilya tan. Lalo na ang mother in law niya. Di rin siya papabayaan ni james na ilang beses ng napatunayan kung gaano siya nito kamahal.

Pero hindi mo rin naman masisi ang ginang kung makaramdam ito ng kaunting takot dahil alam niya kung gaano mawalay sa mga taong mahal niya sa buhay.

" hayop na mayor yan… akala siguro ng mga boto sa kanya… tupa ang loko…. Un pala puta" ang matapang na sabi ni cathy. Alam niyang kailangan na palakasin nito ang loob ng kasama niya. Hindi sila pwede parehas ng panghinaan ng loob kung hindi ay baka masiraan na lamang sila ng bait.

" kaya ako… hindi ako bumuboto sa election eh" ang sabi ni kc habang nakangiti na ito ng kaunti. Napatingin naman si cathy dito at napangiti siya dahil alam niya nabubuhayan na naman ng dugo ang kanyang kasama.

" aray!! Ano ba" ang malakas na sigaw ng isang beki na nagmula sa malapit. Napatayo naman ang dalawang at lumapit doon sa pinangggalingan ng ingay. Dinig na dinig nila ang malakas na palahaw nito habang parang palakas ito ng palakas.

Nakita na lamang nila ang isang beki na tinutulak tulak ng dalawang armadong lalaki habang nakatayo sa likod nito si mayor garces. Nakasunod sa kanya ang apat na lalaki na kasama ni mayor noong dalhin sila dito sa loob ng kulungan.

" ano ba…. Masakit!!!!!!!!!!!" ang sigaw ng beki habang tinutulak pa din ito ng armadong tauhan ni mayor garces palapit sa pwesto nila Cathy at kc. Kitang kita nilang dalawa ang takot sa mukha ng beki. Nakaramdam naman sila ng awa dito dahil mukhang may isang kidnap victim naman ang hayop na mayor.

" masakit…. Ito masakit" ang sigaw ng armadong tauhan ni mayor garces at isang malakas na sipa ang pinakawalan nito sa sikmura ng beki. Napatingin naman ito sa pwesto nila cathy at tila ba naghihingi ito ng tulong sa kanilang dalawa. Kaagad naman namilipit sa sakit ang beki.

" barbie…….. Matagal ka naging kaibigan ng anak ko…. Pero oras na para patunayan mo kung saan ang loyalty mo" ang sigaw naman ni konsehal garces sabay lakad nito palapit sa beki na namimilipit na ng sakit ng oras na iyon.

Kitang kita nila cathy ang yabang sa mukha ng lalaki. Habang tila ba tinutuya tuya nito si barbie na ngayon ay namimilipit lamang sa lupa. Napatingin naman si Konsehal garces sa kanila at ngumiti ito na akala mo ay nagpapagwapo siya sa dalawa.

" mukha ka pala talagang barbie" ang sigaw ni konsehal garces at bigla nitong hinaltak ang buhok ni barbie na parang manika lang na pinatayo nila ito. Napatingin naman si barbie sa lalaki. Kitang kita sa mukha ni barbie ang takot pero hindi niya hinayaan na tuluyan siyang masakop nito.

" Kung ako barbie…… kayong mag ama…… si chaka doll" ang sigaw ni barbie habang hawak pa din ni konsehal garces ang kanyang buhok na tila ba isang laruang papel lamang ito. Napatingin naman si konsehal garces sa beking assistant ng anak niya.

" chaka doll pala ah….." ang sabi ni konsehal garces tsaka niya binigyan ng malakas na suntok ang tiyan ni barbie. Napasigaw na lamang ng malakas si barbie dahil sa sobrang sakit ng inabot na suntok nito.

" yan lang ba kaya mo……. Umamin ka na kasi konsehal…. Pwede naman kita isali sa federasyon" ang patuloy na pagtutuya ni barbie sa ama ni julia. Alam nito kung paano mapikon ang ginoo kaya naman patuloy lamang si barbie sa kanyang ginagawa.

" gusto mo ng laro ah…. Itali niyo siya diyan sa upuan" ang sigaw ni konsehal garces mabilis naman na lumapit ang dalawang armadong lalaki na may hawak kay barbie kanina. Binitbit nila ito tungo sa isang upuan na pang hari pero gawa sa bato.

" wow…. Sabi ko na eh…. Bakla ka din katulad ko" ang sabi ni barbie habang tinatalian ng dalawang armadong lalaki ang kanyang mga kamay at paa doon sa batong upuan. Napatingin naman ito kay konsehal garces na ngayon ay nakatayo na lamang at hinihintay na matapos ang dalawang tauhan nila.

" bakla pala……… sige mani at pedi ang gagawin namin sa iyo" ang nakakalokong tawa ni konsehal garces habang palapit ito kay barbie. Kitang kita mo sa mukha ni barbie ang takot dahil mukhang may masamang balak itong si konsehal garces sa kanya.

" sige……. Tanggalan ng kuko yan sa paa" ang utos ni konsehal garces at bigla naman lumapit muli ang dalawang tauhan nila. May dala na ito ngayon na pliers. Nakangisi pa ang dalawa na lumapit kay barbie.

" wag ka malikot… baka daliri mo matanggal ko" ang sabi ng lalaki habang nakaluhod na ito ngayon malapit sa kaliwang paa ni barbie. Ang pliers na hawak niya ay nakatapat na hinlalaki ng beki

" arrggggggggghhhhhhhhh arrrrraaaaaayyyyyyyy" ang malakas na palahaw ni barbie at napapikit na lamang si cathy at kc dahil sa ayaw nilang makita ang ginagawang pagtorture kay barbie. Kitang kita na ngayon nila mayor kung paano magdugo ang daliri sa paa ni barbie dahil sa inalisan nila ito ng kuku.

" ano barbie…… isang tanong isang sagot….. Alam mo ba kung asan ang magiina ko at ang hayop na si jose" ang sigaw naman ni konsehal garces habang nakatayo ito ngayon sa tapat ng maluluha ng si barbie.

" hindi ko alam!!" ang matigas na sagot ni barbie kay konsehal. Napangiti naman si konsehal sa sagot ni barbie at tinaas niya muli ang isang kamay nito. Lumapit ang isa pang tauhan nila at may inabot itong parang isang maliit na bote kay konsehal.

" ganun pala eh… dapat pala natin lagyan ng kulay ang kuku mo eh" ang sabi ni konsehal garces habang binuksan nito ang bote at bigla na lamang niya pinatakan ang daliri ni barbie na nagdudugo.

" tangggiinnnnaaaaa kaaaaaaaaaaaaa" ang malakas na sigaw ni barbie ng maramdaman niya ang hapdi na dulot ng pinatak ni konsehal sa kanyang sugatan na daliri. Bilang isang nurse. Alam ni barbie na alcohol ang pinatak sa kanya ni konsehal.

" ano? Sasagot ka na ba?" ang tanong ni konsehal garces pero umiiling iling pa din si barbie sa kanya. Alam ni konsehal na matapat na kaibigan talaga itong si barbie. Kaya naman hindi na niya sinubukan pa na makipagmabutihan dito.

" tutal ayaw mo naman magsalita…….. Pahihirapan ka na lang namin" ang sigaw ni konsehal garces habang lumapit naman muli ang dalawang tauhan niya. Kinabitan nila ng alligator clip ang bawat daliri sa paa at kamay ni barbie.

Tsaka nila kinabit ang dalawang pinakaulo ng alligator clip sa isang batterya ng sasakyan at hinayaan nilang makuryente ang kaibigan ni julia. Alam nilang hindi talaga aamin ang beki na ito.

Pero hindi lang iyon ang nakaplano nila. Nakarecord ang lahat ng ito at pinapalabas nila ito sa internet ngayon para mapanood ng lahat ng tao at kaya nilang gawin. Para mas lalong matakot ang mga sundalo na pasukin sila ng basta basta.

====================

Sa HQ ni general james.

" General… you have to see this" ang sabi ni pedro at mabilis niyang kinuha ang remote ng tv sa loob ng command center. Kitang kita nila ngayon ang live video feed mula sa isang kweba.

" Babe!!!!!!" ang sigaw ni james ng makita niya ang kanyang asawa na si kc na kasama ngayon ang asawa naman ni eros na si Cathy. Kitang kita nilang lahat kung ano ang hitsura ng dalawa. Maayos naman ang mga ito at mukhang wala naman nangyari na masama sa kanila.

Pero halos hindi na mapanood nilang lahat ang mga sumunod na eksena. Kitang kita nila kasi kung paano tinorture ni konsehal garces ang matalik na kaibigan ni Julia na si barbie.

Napaduko na lamang si julia dahil sa hindi niya kaya makita ang kaibigan sa kalagayan niya. Tinakpan na lamang nito ang kanyang tenga para malunod sa kawalan ang malakas na palahaw ni barbie dahil sa sakit na kanyang dinaranas.

Kitang kita naman sa mukha ni tita ina ngayon ang galit para sa kanyang asawa na tuluyan ng naging demonya. Hindi niya lubos maisip na ang taong ilang taon niya pinakasamahan ay isang demonyo pala.

Hanggang sa hindi na nakatiis si julia at tumayo ito tsaka lumabas. Sinundan naman ni Jose ang kanyang buntis na kasintahan habang naiwan naman silang lahat. Pinatay na ni pedro ang live video feed.

" hayop ka talaga" ang sigaw naman ni Tita ina habang ang kanyang mga kamao ngayon ay nakarolyo lamang habang galit na galit itong iniisip ang mga kahayupan ng kanyang asawa.

" General….. It only shows na nagsisimula pa lamang sila……." ang sabi ni Juan habang nakasandal ito ngayon sa kanyang upuan. Hindi niya magawang tignan ng diretso ang nasabing video kaya naman medyo umaatras ito.

" tama si juan….. Ang video na ito ay ginagamit ni mayor garces para mag instill pa lalo ng takot at pangalawa…… para tayo ay tuyain…… gusto niya na ipakita na mas malakas siya sa atin" ang sabi naman ni capt cesar habang nakatingin ito ngayon ng maigi sa matandang general. Alam ni general james na tama ang sinasabi ni capt cesar. Mautak at matalino talaga itong si leon.

" grabe ka na konsehal…… hindi ka pa nakuntento sa pananakit mo sa akin….. " ang sabi ni andrea habang parang biglang nagbalik sa alaala nito ang mga pananakit na sinapit niya sa kamay ng kanya sugar daddy noon.

Parang nilalagyan muli ng asin ang mga naghihilom ng sugat niya. Kakaibang takot ang nararamdaman ni andrea dahil mas lalong naging demonyo na ang lalaking sinamahan niya ng sandali.

" general….. Let trace the source ng video na ito….. May IP address ito… tiyak ako kaya natin makuha ang exact location ng mga bihag" ang sabi naman ni berto. Napatingin si general james dito. Alam niyang isang Tech expert itong si berto.

Bukod sa pagiging tech expert nito ay isa din siyang dating cameraman at videoman sa mga kalokohan ng namayapa ng si kit. Kaya naman alam niya na possible nga ang mga sinasabi ni berto.

" pedro……. Coordinate with berto….. Hanapin niyo ang source ng video na iyan…….." ang utos ni general james. Napatingin naman si berto at pedro sa isa't isa. Nagtaas lang ng kilay ang dalawa pero kita mo sa mukha nila na handa na sila kaya naman tumayo agad ang mga ito at pumunta sa mga computers doon.

" wala na ako pakialam general… kahit patayin niyo ang asawa ko…. Matapos lamang ang kasamaan nila sa mundo" ang sabi naman ni donya yda habang nakatingin ito sa mga apo niya. Kitang kita sa mukha ni yen at tiffany ang galit sa kanilang ama.

Tulad ng kanilang mommy, hindi nila maimagine na ang sweet at caring na papa nila ay kayang gawin ito. Lalong lalo na kay yen. Spoiled ito sa kanyang lolo at papa. Isang masakit na katotohanan ang pumasok sa isip ni yen.

" possible kaya na lahat ng mga sinumbong ko noon kay papa na bully at umaaway sa akin ay ganoon ang ginagawa nila" ang masakit na katotohanan na naisip ni yen. Madalas kasi itong magsumbong sa daddy niya kapag may umaaway sa kanya noon.

Tulad na lamang ng isang beses ay may nakasagian ito sa edsa. Medyo maangas ang lalaki kaya naman nagsumbong si yen sa kanyang papa at lolo. Nagulat na lamang si yen ng mapabalita na ang lalaki ay napatay sa isang entrapment.

" ate…. Kailangan natin sagutin ng galaw nila….. Kung live feed ang gusto nila…. Sagutin din natin ng live feed" ang sabi ni tiffany. Napatingin naman si tiffany sa kanyang ate yen. Kita mo sa mukha ni tiffany na may plano ito.

" gusto ko ang ideya mo iha….. Anong naiisip mo?" ang tanong ni general james sa bunso ng mga garces. Napatingin naman si tiffany sa matanda at isang malaking ngiti ang sinagot sa kanya ni tiffany.

==========================

Habang sa may labas. Kasalukuyan na nagpapahangin si julia at jose habang nakaupo sila sa mga bangko doon.

" love love……. Alam ko masakit na makita mo ang sinapit ni barbie sa kamay ng lolo at papa mo" ang sabi ni jose habang nakahawak ito sa palad ng kanyang buntis na kasintahan. Napatingin naman si julia dito at napapikit na lamang siya.

" love love….. Ganyan siguro naramdaman mo noon noh? Nung pinatay ni lolo ang daddy mo?" ang tanong ni Julia sa kanyang kasintahan. Kahit si Jose ay nagulat sa mga sinabi ng kanyang kasintahan.

Parang isang mapait na alaala ang pumasok muli sa isip ni jose. Di niya naramdaman noong una pero parang ganun nga din ang naramdaman niya ng makita niya kung paano mawalan ng buhay ang kanyang ama matapos mapatay ito ng grupo ni mayor garces.

" love love……. Higit na masakit pag actual mo nakita na ang mga mahal mo sa buhay ay nawalan ng hininga" ang sabi ni jose kay julia habang nakatingin na pala ang babae sa kanya.

" love love….. Masakit sabihin ito….. Pero gawin mo ang lahat para magbayad silang dalawa sa mga kasalanan nila" ang sabi ni Julia habang nakatingin na ang magkasintahan sa isa't isa. Kitang kita mo sa mukha nila ngayon ang lungkot dahil sa kanilang mga napanood kanina pero ramdam mo na lumalaban ang mga ito.

" hindi ko na sila hahayaan pa na mandamay ng ibang tao…….. Ang laban na ito ay kailangan ng tapusin" ang sabi ni jose habang parang binigyan siya lalo ng ibayong lakas ng loob. Alam niyang siya lang ang pwedeng tumapos sa laban na ito. Kaya naman kailangan na talaga malaman ng grupo kung ano ang plano na naisip nila capt cesar.

" baby….. Sana protektahan mo si daddy sa aking mission" ang sabi ni jose habang nakatingin ito ngayon sa baby bumps ni julia. Napangiti naman si julia sa kanyang kasintahan at hinawakan nito ang tiyan niya.

" baby…… gagawin namin ni daddy ang isang desisyon na sa tamang panahon ay maiintindihan mo" ang sabi ni julia habang unti unti ng pumapatak ang luha nito. Alam niyang isang masakit na desisyon ang kanyang ginagawa at tiyak na marami ang hindi makakaintindi dito.

========================

NGAYON NA WALA NA SI BARBIE

SINO PA KAYA ANG SUSUNOD NA MAGPAPAALAM?

SI DONYA YDA BA?

SI JOSE?

SI TITA INA?

========================

ANDITO NA PO AKO SA PINAS. TAPOS NA ANG ADVENTURES KO SA VIETNAM

========================

SAME DRILL TAYO MGA TROPA.

75 hearts and 75 likes lang muna para maunlock ang next update or the next update will be uploaded after 72 hours. PLUS 75 COMMENTS TAYO

==============================

KUNG AKO SA INYO, BASAHIN NIYO NA LAHAT NG AKDA KO HEHEHE PARA MAKASUNOD KAYO SA MGA SUSUNOD NA EPISODES.

==========================

PREVIEW NG MGA SUSUNOD NATIN NA EKSENA

===========================

22:00

" andito na tayo Jose" Ang sabi ni donya yda ng makita niya ang pamilyar na lugar. Napatigil naman ang sasakyan nila ni Jose ng makita niya ang mahigit sampong rebelde na nakatutok ang kanilang mga rifle sa sasakyan nila.

" relax ka lang" ang sabi ni donya Yda habang bumaba na ang dalawa sa sasakyan nila. Mabilis na tinutukan nila ng baril ang dalawa. Kitang kita mo sa mukha ng mga ito ang galit nila kila jose dahil sila ang dahilan kung bakit nabuko ang kanilang mga panloloko.

" ma… kumusta ka na?" ang sabi ni konsehal garces na may halong yabang sa kanyang mga salita umakap ito sa kanyang mommy ng mga oras na iyon. Kitang kita mo naman sa mukha ni donya yda ang pagkainis niya sa kinikilos ng anak niya.

=======================

" General… ano ng nangyari sa mga kasamahan natin" ang sabi ni tita ina habang dinig nila ang usapan ng mga nasa chopper. Napailing na lamang si general james dahil kahit siya ay nakakaramdam ng kaba.

" sana walang nangyari masama sa grupo" ang sabi ni general james dahil kahit siya ay hindi pa nakakarinig ng update sa tropa simula ng madeactivate ang signal jammers sa lugar.

==================