1. Home
  2. Stories
  3. Ang Kanilang Kapalaran 11
Filipino Sex Stories

Ang Kanilang Kapalaran 11

By mrpayatot ·

Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanukso at makulit na imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.

Ang Kanilang Kapalaran: Ang katapusan

Habang nasa bahay si Rodolfo ay biglang tumawag ang pangulo sa kanya at sinabihan siya na okay lang si Trisha at kasama niya si Matthias kagabi. Sinabihan din siya na walang masamang ginawa si Matthias sa kanya.

tuwang tuwa si Rodolfo ng malamang ligtas ang kanyang apo. At natuwa din siya ng malaman ligtas din si Matthias.

Nagmadali naman na sinabi ni Rodolfo eto sa asawa niya at hindi niya alam na alam na nila na nakauwe na si Trisha.

"Mahal, tumawag ang pangulo sa akin. Nagkita na daw kagabe sina Matthias at Trisha. Magkasama daw sila kagabe kaya wala si Trisha." Ang saad ni Rodolfo nang magpunta siya sa sala kung saan andun sina Jenny at mga bata.

napansin ni Jenny naexcited etong sabihin sa kanya.

"Mahal, nasabi na sa amin ni Leni na andun nga daw sa bahay nila si Trisha at Matthias. Ayun nga pinapahanda ko na ung sasakyan natin para puntahan natin ang dalawa." Ang saad naman si Jenny.

"Ay, akala ko hindi pa ninyo alam. " ang sabi ni Rodolfo sabay natawa sa sarili.

Ilang sandali pa ay naghanda na sila para magpunta sila kina Trisha. Kita nila na tuwang tuwa ang anak nilang dalawa dahil makikita na nila ang magulang nila.

Habang kumakain sina Trisha at Matthias ay narinig nila ng mga sigaw ng mga bata. Dito nila napagtanto na andito ang mga anak nila.

Paglingon nila sa likuran nila ay kitang kita nila na patakbo ang tatlong bata papunta sa kanilang dalawa.

Medyo nahirapan ng konti si Trisha dahil masakit pa rin ang kanyang balakang.

"Mommy!!!" Ang sigaw nina Linus at Leana nung makita nila ang mommy nila.

"Daddy!!!!" Ang sigaw naman ni Serenity nang makita niya ang daddy niya.

Niyakap naman nina Trisha at Matthias ang mga anak nila.

Samantala napansin naman nina Rodolfo at Jenny na medyo hirap kumilos si Trisha. Kaya naisip nila na may nangyari sa kanila kinagabihan. Hindi naman muna nagtanong sina Jenny at Rodolfo at hinayaan na muna sila na magenjoy ang dalawa sa kanilang mga anak.

"Daddy, uuwe ka na ba sa atin. Miss na kita, daddy. Huwag mo na ako iiwan." Ang sabi ni Serenity sa ama.

kumawala si Linus at Leana sa yakap sa ina at tinungo ang ninong nilang si Matthias.

"Ninong, please don't leave us. Iyak ng iyak si mommy nung nawala ka eh. Mommy like you so much. Miss ka na din namin ni Leana." Ang sabi naman ni Linus.

Niyakap naman ni Matthias ang tatlong bata.

"Promise ko sa inyong tatlo. Hindi ko na kayo iiwan. At serenity, diba sabi mo gusto mo na magkaroon ng mommy?" Ang saad ni Matthias.

"Opo, daddy. Gusto ko na po magkaroon ng mommy. And I want ninang. Wla naman na si ninong Jacob kaya pwede naman na diba, daddy. Gusto ko siya kase mabait siya." Ang sagot ni Serenity sabay turo sa kanya.

"How about you, Leana at Linus. Do you want to have a dad?" Ang tanong ni Matthias sa kambal na anak ni Trisha.

Napapaiyak naman si Trisha dahil nakikita niya na seryoso si Matthias sa kanya. Alam na niya na gusto na siyang pakasalan ni Matthias.

"We had already a dad, ninong." Ang sabi ni Leana.

"No worries, hindi ko naman papalitan sa puso niyo ang daddy niyo. Mahal ko ang mommy ninyo pati na kayo. So papayagan niyo ba ako maging asawa ng mommy niyo at maging pangalawang papa ninyo." Ang pahayag ni Matthias sa dalawa.

Nagtinginan naman ang magkakambal at ngumiti. Wala naman problema sa kanilang dalawa dahil alam nila na hindi sinasaktan ni Matthias ang mommy nila at lagi din sila inaalagaan.

"Okay po, gusto ka din namin ni Linus maging daddy. Ang bait niyo po kase sa amin. Pwede na po ba namin kayong tawagin daddy." Ang saad ulit ni Leana.

"Abay, pwedeng pwede naman na mga anak." Ang sagot ni Matthias.

"Yehey, may daddy ulit kame." Ang sigaw ng dalawa at tuwang tuwa.

"Pwede ko din ba kayung tawaging mommy, ninang?" Ang pagpapaalam naman ni Serenity kay Trisha.

Pinalapit naman ni Trisha si Serenity sa kanya.

"Oo naman, anak. Maaari mo na akong tawaging mommy ninang simula ngaun. Mwuah." Ang pagpayag naman ni Trisha at hinalikan sa noo si Serenity at niyakap na din.

"Yehey, daddy may mommy na ako." Tuwang tuwa si Serenity.

Agad naman niyakap ni Matthias ang tatlo dahil sa pagpayag nila. Pagkatapos nun ay kinausap ni Matthias si Trisha at nagalok ng kasal si Matthias.

Ayaw na niya patagalin pa at gusto na niya itali agad sa kanya si Trisha. Ayaw na niya na mawala pa ito sa kanya.

Tinanggap naman ni Trisha ang alok ni Matthias sa kanya. At laking tuwa naman ng mga bata dahil kumpleto na sila. May daddy na ulit sina Leana at Linus at may mommy na din si Serenity.

Masaya naman sina Rodolfo at Jenny ng makita na masaya si Trisha. Masaya sila na nakalet go na siya sa pagkamatay ni Jacob. Hindi naman pinansin ng dalawa ang agwat ng edad nilang dalawa.

"Mukhang sa akin nagmana ang anak ko. Mahilig din sa mas nakakatanda sa kanya ng sobra. Pero ayos lang mukhang masaya naman siya kay Matthias." Ang nasa isip ni Jenny.

naiisip niya kase na parehas sila ng gusto at nakapangasawa ng lalakeng malaki ang agwat sa kanila.

matagal ng may pantasya din si Jenny sa older man mula nung teenager pa siya. Napamahal lang siya ng sobra kay Jacob dahil sa taglay notong katangian.

Dahil sa tapos na kumain sina Rodolfo bago dumating ay hinintay nalang nila ang dalawa matapos. Ang mga anak naman nila ay nagtungo na ng kwarto nila para magpahinga.

Hindi na pinauwe ni Trisha si Serenity at dito nalang niya pinagstay. Kasya naman ang damit ni Leana sa kanya so pinahiram siya nito. Dito na din pinagstay ni Trisha si Matthias.

Pagkatapos nila kumaen ay kinausap na nila ang magulang ni Trisha.

"Oh, kelan niyo balak gawin ang kasal? At kelan niyo ako gagawan ng apo ulit." Ang tanong ni Rodolfo.

"Ah, lo, pwede pag usapan muna namin ni Matthias sa susunod yan. Hindi pa namin napag uusapan eh." Ang sagot ni Trisha.

"Oo nga po, lo. Sabihan ko na lang kayu." Ang sabi naman ni Matthias.

Binatukan naman siya ni Rodolfo dahil tinawag siyang lo.

"Hoy, huwag na huwag mo ako tawagin lo. Porket apo ko si Trisha ay yun na ang itatawag mo sa akin. Si Trisha lang dapat tumawag sa akin niyan. Nakakatanda ka na masyado diyan. Malakas pa ako, kung tutuusin pwede pa kame sana gagawa ng baby ni Jenny kung pwede pa sana." Ang pahayag naman ni Rodolfo.

Nagtawanan naman silang lahat sa turan ni Rodolfo.

"Bakit naman po,lo. Mapapangasawa ko na nga apo niyo eh. So dapat maging grandson-in-law niyo ako." Ang pangaasar ni Matthias.

"gusto mo makasal kay Trisha? Baka gusto mo hindi natin ituloy ang kasal ninyo." Ang pikon saad ni Rodolfo.

"Okay po, sabi nga po. tiyo nalang din." Ang saad ni Matthias at medyo natatawa.

"That's better. So ang apo ko sa inyong dalawa. Kelan?" Ang tanong naman ni Rodolfo.

"Lo, excited ka naman masyado. Kakasimula palang namin ni Matthias apo agad ang hanap. Don't worry pa, sasabihan ka namin agad pagnagkalaman na ang tiyan ko." Ang sabi naman ni Trisha.

"Oh siya. Ngaun ikwento niyo sa amin ang buong nangyari. Ikaw Matthias, san ka nagpupunta? Buti naman napatawad mo ang loko loko kong apo." Ang sabi ni Rodolfo.

"Lo, hindi naman ako loko loko ah." Ang sabi ni Trisha.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, iha." Ang saad ni Rodolfo.

Napayuko nalang si Trisha sa sinabi ng lolo.

"Huwag niyo na pagalitan si Trisha, tiyo. May kasalanan din naman ako kung sana nung nagkita kame nun sa mountain view ay pinakinggan ko nalang siya. Sana ay hindi ako mawawala ng ilang araw. Naiintindihan ko naman yung nasabi niya sa akin, tiyo. Alam ko na hindi pa siya masyado nakalet go kay Jacob nun. Sana binigyan ko muna siya ng time. Ang mahalaga ngaun ay mahal namin ang isa't isa." Ang paliwanag naman ni Matthias.

Hindi naman sinabi nila Trisha at Matthias ang nangyari kagabe.

"Mabuti naman, Matt kung ganun. Kahit mabilis pa kau sa kidlat at nalaman nalang namin na ikakasal na kayu. Basta pagpasensyahan mo na ang anak ko, huh! Minsan kase may saltik yang batang yan. Tsaka pag nagbuntis yan pagtiisan mo nalang dahil sa cravings niya." Ang sabi naman ni Jenny.

"Mommy!!" Ang sabi ni Trisha na nahihiya.

Tinitigan lang ng mommy niya si Trisha. Nacurious naman si Matthias kaya nagtanong siya tungkol dun kaya nagkwento si Jenny tungkol nung pinagbubuntis niya sina Linus at Leana.

Tawa ng tawa si Matthias sa kaibigan ng malaman niya ang wierd na mga cravings nun ni Trisha nung nagbununtis siya.

"Tawa ka ng tawa, Matt baka sa susunod. Iiyak mo na, ganyan nun si Jacob. Umiyak dahil sa mga cravings ni Trisha. Hahaha. Grabe pala makacrave ang apo ko. Naghahanap ng mangga na hugis puso tapos pappapuntahin ka ng baguio para lang pumitas ng strawberry." Ang sabi ni Rodolfo.

Napatingin si Matthias kay Trisha.

"Kahit anu pang cravings nito ay ayus lang. Di ba mahal?" Ang saad ni Matthias.

"Grabi ka mahal. Wala pa tayung nabubuong baby tapos yan agad ang pinaguusapan ninyong tatlo." Ang sabi ni Trisha.

"We don't know kung may nabuo kagabi." Ang bulong ni Matt sa kanya.

Namula si Trisha nang maalala ang nangyari sa kanila nung nakaraang gabi at napansin naman ng magulang niya.

"Oh, anu yan. May tinatago ba kayung dalawa sa amin? Ishare niyo na." Ang sabi ni Rodolfo.

"Wala po, lo." Ang palusot ni Trisha.

"Oh siya. Hindi namin kau pipilitin kung ayaw niyo. Basta ikaw, Matt, huwag mo sasaktan ang apo ko. Kahit ikaw ay general, hindi ako natatakot sa iyo. Ako makakalaban mo kung umiyak at iniwan mo apo ko." Ang pahayag ni Rodolfo.

"Makakaasa po kayu hinding hindi ko siya papaiyakin." Ang sagot naman ni Matthias.

"Okay, mabuti kung nagkakaintindihan tayung dalawa. Oh siya, gabi na kaya uuwe na din kame ng babyloves ko, subukan ulit namin gumawa ng baby." Ang sabi ni Rodolfo.

Natawa naman ang dalawa sa sinabi ni Rodolfo at nakatanggap siya ng kurot galing kay Jenny.

"Ikaw ah, gusto mo lang ulit makascore eh." Ang sabi ni Jenny.

"Balitaan mo nalang kame, tiyo. Kung may nabuo ulit, magpapaparty kame ni Trisha kung sakali." Ang sabi naman ni Matt.

"Mommy, pagbigyan mo na si Lo. baka mabigyan niyo ulit kame ng kapatid nina ate tanya at ni Jacques." Ang pangaasar ni Trisha.

"Tse, isa ka din Trisha." Ang asar ni Jenny dahil pinagkakaisahan naman siya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay umalis na silang dalawa at naiwan sina Trisha at Matt sa salas.

Pagkaalis nila ay agad tinignan ni Matthias si Trisha.

"Oh, anung klaseng tingin yan. Don't tell me you forgot the advice of my OB?" Ang sabi ni Trisha.

"Wala naman ako sinasabi ah. Tinignan ko lang naman ang magandang mukha ng mapapangasawa ko. Masama ba yun." Ang palusot ni Matthias.

"Magandang Mukha, daw? Sabihin mo gusto mo makaiscore." Ang saad ni Trisha.

Napakamot naman ng ulo si Matthias.

"Yan kase mag bar ka pa, huh. Kung lasunin ka ulit. Hindi na kita tutulungan. Kung hindi ka sana nagpunta sa bar na iyun, sana mag eenjoy tayo. Ngaun tatlong buwan kang tigang." Ang sabi ni Trisha.

"Sorry na mahal. Hindi ko na uulitin yun. Titiisin ko nalang ng tatlong buwan at hindi ako maghahanap ng iba." Ang saad ni Matthias.

"Talagang hindi ka maghahanap ng iba at magtiis ka diyan. Ginawa mo sa akin to kaya magtiis ka lang. Subukan mo maghanap ng iba, makikita mo puputulin ko ang nagbibigay ligaya mo." Ang sabi ni Trisha.

"puputulin ko yang stick mong yan." Ang pagbabanta niya.

"Masusunod my Commander." Ang sabi ni Matthias.

"Tse, dalhin mo na ako sa magiging kwarto natin. Hindi ko parin kayang maglakad eh. Buhatin mo ako mahal." Pakiusap ni Trisha.

Agad naman binuhat ni Matthias si Trisha sa magiging kwarto nila.

Pagdating ni Matthias ay dinala agad niya si Trisha sa kama niya at inihiga agad. Pagkatapos nun ay tinignan ng mabuti ang buong kwarto nila dati ni Jacob.

"Mahal sorry ah. Marami pa akong pictures ni Jacob dito. Itapon ko nalang iyung iba." Ang sabi ni Trisha.

"No its okay mahal. you don't need to throw it away. I know napakahalagang tao si Jacob sa iyo so hindi ako magseselos." Ang sabi ni Matthias at hinalikan si Trisha.

Mmmmmhhhh!!!! Mmmmhhhhh!!!!

"Salamat, mahal ko. No worries, may espasyo ka din sa kwartong to at sa puso ko." Ang saad ni Trisha at hinila niya si Matthias at naghalikan ulit silang dalawa.

"Salamat mahal ko." Ang sabi ni Matthias at tumabi na din siya kay Trisha sa kanilang kama.

Wla naman nangyari sa kanilang dalawa sa gabing iyun.

Masaya naman si Glory ng malamang nakalet go na si Trisha at masaya na din siya.

--

Pagkatapos ng isang buwan matapos may mangyari sa kanila sa bar ay nakapagdesisyon silang dalawa na ikasal sa susunod na dalawang buwan. Nakapagdesisyon naman si Matthias na sila nalang ni Serenity ang lumipat since mas malaki ang bahay ni Trisha sa kanilang bahay.

Wla naman problema iyun kay Trisha na magsama na silang dalawa. Since ikakasal na sila ay hindi na naging issue iyun.

Masaya naman ang mga magulang ni Trisha ng mabalitaan eto pati na din ang mga anak nila.

Dito din umuwe ang dalawang anak ni Matthias sa namayapa niyang asawa matapos malaman na ikakasal ulit ang daddy nila. Nagulat sila dahil hindi nila inaasahan iyun at wala man lang sila nalaman na naging kasintahan ang daddy nila.

Agad na nagpunta silang dalawa sa bahay nila. Amg dalawang anak ni Matthias ay nakatira sa ibang bansa dahil sa dun sila nagaaral.

"Dad, totoo ba na ikakasal ka na ulit?" Ang sabi ng panganay niyang anak na si Albert.

"Oo nga dad. Nakakagulat ka naman dad. HIndi ka man lang nagsasabi sa amin bago kayo nagpakasal. Gusto namin siya makilala." Ang sabi naman ng pangalawa niyang anak na si Marquis.

"isa pa, sabi ng mga kamag anak natin dito. Ang bata pa daw ng mapapangasawa mo." Ang dagdag ni Albert.

Bago naman magsalita si Matthias ay biglang dumating ang tatlong anak nila galing sa iskwelahan. Nagsimula na kase ang tatlo na magaral sa daycare.

dahil dun ay na alintana ang usapan nila.

"Kuya!!" Ang sigaw ni Serenity ng makita ang dalawang nakakatandang kapatid at tumakbo sa kanila para yumakap sa kanila.

Sumunod naman si Linus at Leana sa likod ni Serenity.

"Bunso, kumusta ka na? Ang cute mo. At sino naman sila?" Ang saad ni Marquis.

"Ay, oo nga pala kuya. This is Linus at Leana. Bago nating kapatid. Kambal po silang dalawa. Linus, Leana, this is kuya Albert and kuya Marquis." Ang pagpapakilala ni Serenity sa bawat isa.

Binati naman ng maayos at magalang nina Leana at Linus sina Albert at Marquis kaya kaya natuwa ang dalawang magkapatid dahil sa magalang ang mga eto.

natuwa din sila dahil cute din ang kambal.

Ilang sandali pa at habang sila ay magkausap ay dumating na din si Trisha galing sa office niya. Bigla naman nagulat ang dalawang magkapatid ng pagdating niya.

Inakala pa nila na siya ang anak mg mapapangasawa ng daddy nila dahil hindi halata kay Trisha ang kanyang edad.

"Trisha meet Marquis at Albert, they are my sons from my previous wife. Albert at Marquis meet Trisha, siya ang papakasalan ko." Ang pagpapakilala nila sa bawat isa.

"What?" Ang gulat nilang dalawa ng makita ang mapapangasawa ng daddy nila.

"Wait, dad! Are you serious? She looks like 19. Napakabata naman niya. Dad naman." Ang pahayag ni Marquis ng makita na ang bata pa ng pakakasalan niya.

"Oo nga naman dad. Nagmumukha kang Cradle snatcher niyan eh. Mas bata pa siya kesa sa amin eh." Ang sabi naman ni Albert.

Napangiti naman si Trisha.

"Ehem, Albert, Marquis. I'm not 19, I'm already 27 years old at sina Leana at Linus ay kambal kong anak. At hindi ko iniisip kung malaki ang agwat namin ng daddy niyo. MAhal ko siya at handa ko siya pakasalan despite ng agwat ng edad namin dalawa." Ang paliwanag ni Trisha.

Nagulat naman ulit ang dalawa ng marinig ang totoong edad ni Trisha at nagulat sila na hindi halata ang itsura niya sa edad niya at hindi din nila inaasahan na may anak na to.

"Seryoso ka? Hindi namin halata na 27 ka na at may anak ka na. Akala namin mas matanda pa kameng dalawa. Sorry." Ang tanong ni Marquis.

"Seryoso ako sa sinasabi ko. Kung gusto niyo pa na makita ang birth certificate namin ay ipapakita ko sa inyo." Ang pahayag ni Trisha.

"No need, naniniwala na kame sa iyo. But seryoso ka ba sa daddy namin. Malaki ang agwat ninyo ni dad. Ayaw namin na makutya ka." Ang pahayag ni Albert.

hindi iniisip ni Albert na pakakasalan ni Trisha ang daddy nila dahil sa pera at popularity niya. Kundi iniisip nila ang magiging opinion ng tao tungkol sa kanya. Bahagyang nagpahanga kay Trisha sa dalawang anak ni Matthias.

"I'm serious about our relationship. That's why, I will marry him. I don't care about the gossip. Mas mahalaga sa amin ang nararamdaman namin at nagpapakatotoo kame sa isa't isa. At wala akong ibang habol kay Matt." Ang seryosong paliwanag ni Trisha sa dalawa.

Napansin naman ng dalawang magkapatid na seryoso talaga si Trisha sa ama nila kaya wala na silang ibang tanong sa kanya.

"Dad, are you sure about her? Wala ka bang ibang rason or hangarin para pakasalan si tita?" Ang tanong ni Marquis sa ama.

Nagulat naman agad si Matthias ng tanungin siya ng anak.

"Dad, seryosong tanong at seryosong sagot. Gusto namin makasiguro kung wala ka bang ibang hangarin kay tita. Ayaw namin masaktan si tita." Ang saad ni Albert.

"Oo seryoso ako kay Trisha. At wala akong ibang hangarin para kay Trisha. Mahal ko siya at yun na ang rason ko bakit ko siya pakakasalan." Ang paliwanag ni Matthias.

"Sabi mo dad. Babantayan ka namin. Ayaw namin na malaman na nambabae ka. Napakaganda ni tita para mambabae ka. So, hindi kame hahadlang sa pagmamahalan niyong dalawa. At wish namin ni kuya na maging masaya kayung dalawa." ang saad ni Marquis na sinegundahan ni Albert.

Natuwa si Trisha dahil napansin niya na tanggap na sila ng kanyang mga anak.

"Oo nga pala, dad, sabi ni tito Maxwell. Hindi siya makakauwe ngaun pero uuwe siya sa araw mismo ng kasal ninyong dalawa." Ang huling pahayag ni Albert bago umalis.

Pagkatapos nila mag usap usap ay nakipaglaro sina Albert at Marquis sa kapatid nila kasama na sina Leana at Linus. Naging mapanatag naman agad ang loob ng dalawa sa kanila dahil sa mabait sila at masarap kasama.

Bago sila umalis ay nakiusap si Matt na magstay nalang sa bahay nila ngaun ngunit sinabi nila na uuwe nalang sila sa dati nilang bahay. Ayaw daw nila makadistorbo sa night life nilang dalawa.

Isa pa, may date din silang dalawa mamayang gabi.

Pagkaalis ng dalawa ay agad nagtungo si Trisha sa banyo dahil may gagawin siya. Napansin kase niya na hindi pa siya dinadatnan ng dalaw, kaya nag alala na siya na baka buntis siya.

Ilang sandali matapos gawin ang unang pregnancy test ay naging resulta nun ay positive kaya inulit pa niya ng isa pang beses at confirmed nga na buntis siya.

Natuwa naman si Trisha dahil sa resulta. Mukhang mabibigyan niya agad ng anak si Matthias. Agad naman niya tinago ang positive pregnancy test para hindi makita ni Matthias. Plano niyang sopresahin si Matthias sa araw ng kasal nila mismo.

Kinabukasan ay pasekretong nagpunta si Trisha sa kanyang doctor para magpatingin at maconfirm nga ng doctor na buntis siya.

Nagdaan pa ang buwan ay araw na ng kasal nila Matthias at Trisha.

Katulad ng napagplanuhan nila ay mga mahahalagang tao lang ang inimbita nila. At inilihim din nila ang kasal nila sa media. Gusto kasi ni Trisha na tahimik ang kasal nila ni Matthias.

Masayang masaya naman ang buong pamilya nila dahil sa ikakasal na sila. Sobrang saya naman ang mga anak nila dahil ganap na silang pamilya.

Hinayaan naman ni Matthias na manatili ang apelyido ni Jacob sa mga anak niya bilang pagrespeto sa kaibigan niya. Hindi naman ipinilit ni Trisha iyun dahil iyun ang kagustuhan ni Marthias.

Habang nasa simbahan sila ay makikita sa mukha ni Trisha ang excitement niya. Kaya nung tinanong siya ng pari ay sumagot siya agad ng "I do". Madami ang natawa dahil sa sobrang excitement niya.

At madaming natuwa ng hinalikan ni Matthias si Trisha ng banggitin na ng pari ang "you may kiss thr bride".

Bubuhatin na sana ni Matthias si Trisha palabas ng simbahan matapos ang picture taking sa simbahan para dalhin sa venue ng kasal nila ng biglang pinigilan ni Trisha si Matthias.

Gusto na ni Trisha na dun na mismo sabihin. Nagtaka naman si Matthias kasama ang ibang nanunuod.

"Mahal, let's go na. Hinihintay na tayu ng sasakyan natin." Ang sabi ni Matthias.

"Wait lang mahal." Ang saad ni Trisha.

"Mahal, anu ba iyun. Something is wrong?" Ang pagtataka ni Matthias.

Kanina kase ay excited siya ngunit ngaun ay parang ayaw niya umalis. Napansin naman ni Trisha na minamadali siya ni Matthias.

"Look baby, oh. Minamadali tayo ni daddy. Hindi makapaghintay. Nagtatampo na si mommy mo oh." Ang kunwaring pagtatampo ni Trisha habang hinihimas at tingin niya sa kanyang puson.

Medyo nalito naman si Matthias sa sinabi ni Trisha. Ngunit pagkatapos ng ilang sandalo ay nagets niya ang gustong sabihin ng bagong kasal na asawa.

"Mahal, don't tell me na buntis ka? May baby na tayu?" Ang tanong ni Matthias.

"Yes, mahal." Ang sagot ni Trisha.

"Yes!!! Yes!!! Yes!!!" Ang sigaw ni Matthias.

Dahil sa sigaw ni Matthias ay napatingin ang lahat sa kanya at nagtatanong bakit nagsisigaw si Matthias. Hindi naman muna sinabi ni Matthias ang dahilan dahil balak niya sabihin eto sa venue.

Alam ni Matthias at Trisha na matutuwa sina Jenny at Rodolfo nun pati na ang mga anak nila.

Gaya naman ng sinabi ng anak ni Matthias ay dumating ang nakakabata niyang kapatid na si Maxwell.

Si Maxwell ay ampon lamang ng kanyang mga magulang ngunit trinato niya ito bilang tunay na kapatid. Si Maxwell ay nasa 21 years old sa kasalukuyan at labing walo ang pagitan nila sa kambal na anak ni Trisha.

Kasalukuyang nasa ibang bansa din si Maxwell at nagaaral ng business management.

Nang makita at makilala naman ni Maxwell ang kambal na anak ni Trisha ay natuwa siya dito. Mas lalo na sa babaeng anak niya. Naging paborito niya agad ang bata na pamangkin.

Ganun din si Leana naging paborito niya agad si Maxwell na tito. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagkaroon ng lihim na pagtingin si Leana kay Maxwell na dadalhin niya hanggang lumaki eto.

Dumating din ang matalik na kaibigan ni Trisha na si Andrea. Katulad ni Trisha ay may asawa na din siya at may anak na din. Pinakilala niya ang mga iyun sa venue ng kasal nila.

Ang pangalan ng asawa ni Andrea ay Jerick Santos at ang anak nila ay si Savannah.

Agad naman nagkabati ang mga anak nila at nakita nila na close agad sila. Napansin din nila na super close sina Linus at Savannah. Kahit na magkakilala pa lang ang dalawa ay makikitaan mo na sa kanila na sobrang sweet nila sa isa't isa.

Kaya ng makita ng magkaibigan ang closeness ng dalawa ay napagdesisyunan nila na ipakasal ang dalawa paglaki nila. Napagdesisyunan nga muna nilang dalawa na huwag muna sabihin sa kanila at titignan kung anu ang mangyayari sa hinaharap.

--

Naging maganda naman ang pamumuhay nina Matthias at Trisha bilang mag asawa. Kahit na nagaaway sila minsan ay nagagawa nilang maayos ang problema nila.

Hindi kasi nila hinahayaan na matapos ang gabi ng hindi nagkakaunawaan at nagkakabati. Madaming naiingit sa kanila dahil sa maayos nilang pagsasama.

Dahil mas matanda si Matthias ay siya na ang laging nagaadjust kay Trisha. Lagi niya iniintindi si Trisha at lagi niya iyun sinusuyo at laging minamahal.

Hindi din kinakalimutan ni Matthias ang mga mahahalagang araw nilang dalawa. Lagi din na binibisita ng pamilya nila ang puntod ng akala nilang patay na si Jacob.

At hindi naman pinilit ni Matthias si Trisha na kalimutan si Jacob. Hindi niya din tinanggal ang mga litrato ni Jacob sa kanilang kwarto.

Dahil dun ay mas lalong minahal ni Trisha ang asawa niya at ginagawa niya lahat para sa kanya.

Biniyayaan naman silang dalawa ng dalawang anak na pingalanan nilang Jann Brigitta at Hans Matthijs.
katulad ng kambal ay namana nila ang katangian ng kanilang magulang.

Lumaki naman ang mga anak nila na completo ang pamilya at puno ng pagmamahal. Hindi naging bias sina Trisha at Matthias sa kanilang mga anak at trinato silang lahat ng maganda.

--

Samantala, ang kapatid naman ni Trisha na si Tanya ay pinagpatuloy ang lihim na relation nila ni George at nagkaroon silang dalawa ng dalawang anak.

Lihim naman sila nagpakasal at tanging si Trisha lang ang nakakaalam ng relation ng kanyang ate at ng driver niyang si George. Isang araw Nang bumisita kase si Trisha sa ate niya ay nakita niya na nagtatalik ang dalawa. Dito niya nalaman na anak ni George ang pangalawa nitong anak.

Si Trisha din ang naging dahilan bakit sila lihim na nagpakasal.

kahit na ayaw ni Trisha sa relation nilang dalawa ay wala siya nun magagawa dahil sa masaya ang kapatid niya nun. Isa pa nakita niya na naging mabuting ama siya sa mga anak nila.

napansin din ni Trisha ang pagsusumikap ni George para itaguyod ang pamilya nila ni Tanya. At laking tuwa din niya ng malamang nakapagtayo si Tanya ng sarili niyang kompanya na hindi umaasa sa magulang nila kundi sa pagsusumikap nilang magasawa.

Si Mylene naman matapos ang ikasal ni Trisha ay nakipaghiwalay sa bf na ipinakilala sa kanila dahil sa nahuli nitong nambabae at nalaman din nia na pera lang niya ang habol nito sa kanya.

Isang buwan matapos siya makipaghiwalay sa bf niya ay niligawan at kinalaunan naman ay pinakasalan siya ni Frederick, ang kasalukuyang pangulo ng bansa at isa sa kaibigan ni Matthias.

Tatlong buwan matapos ang kasal nina Trisha at Matthias ay hindi nila inaasahan na maaksidente ang asawa ni Frederick at namatay ito kinalaunan. Nagkakilala naman sina Mylene at Frederick nang idaos ang Wedding anniversary nina Jenny at Rodolfo at inimbita nila ang pangulo.

Nang magkita sila ay nalove at first sight ang pangulo sa kanya. Hindi din naging hadlang kay Frederick na mayroon siyang anak. Sa katunayan pa ay ang anak ni Mylene ang naging tulay para sa kanilang pagmamahalan.

Dahil nga sa katayuan ni Frederick ay nanatili naman naging sekreto ang kanilang relation ngunit naging matatag naman silang dalawa. Kaya matapos ang tatlong taong patagong relation ay nagpakasal silang dalawa.

Nalaman lang ng buong bansa ang kanilang relation ng ikasal silang dalawa.

--

Samantala, ang inaakala nilang patay na si Jacob ay masayang namumuhay sa bansang V na kaalyado ng bansa nung panahon ng digmaan.

Nagkaroon kase ng ibang karelation si Jacob sa bansang V at hindi niya inaasahan na mabuntis niya din eto. Sa kasamaan palad ay kambal din ang anak niya sa babaeng iyun.

Hindi niya naman pwedeng maiwan ang babae dahil nalaman niya na namatay ang mga magulang pati na din lahat ng kapatid niya sa digmaan at siya nalang ang natira. Wala siyang ibang maasahan kundi siya lang. Nasira din ang bansa nila dahil sa digmaan kaya walang makakatulong sa kanya kundi siya lang.

nakilala ni Jacob ang babae nang ibinenta niya ang katawan niya sa kanya.

nung una ay ayaw niya ngunit dahil naawa siya sa kalagayan ng babae at namimiss niya ang asawa ay pinatulan na niya at masakit pa ay ibinahay na niya. Kasakasama niya ang babae sa kampo kaya siya lang ang gumagalaw sa dalaga.

Dahil sa digmaan din ay nawalan sila ng kabuhayan kaya naisip ni Jacob na panagutan nalang ang dalagang nabuntis. Masakit man sa kanya na iwan si Trisha ngunit naaawa siya sa dalagang nabuntis niya. Kaya kahit na mahal na mahal niya si Trisha ay pikit mata niyang iniwan si Trisha.

Kaya naisip niya na humingi ng tulong kay Caleb. Hindi sana siya hihingi kay Caleb ngunit nahuli niya isang araw si Caleb na pinagnanasahan ang kanyang asawa. Sinabi ni Caleb ang lahat ng nangyari at humingi ng kapatawaran.

Pinatawad naman ni Jacob si Caleb ngunit sa kondition tulungan siya sa problema niya sa babae. Sa una hindi makapaniwala si Caleb dahil alam niya na hindi niya sasaktan si Trisha.

Kaya pinaubaya niya kay Caleb si Trisha. Sinabi naman ni Caleb na hindi niya sasaktan si Trisha once nakauwe na siya. (Ang nangyari sa kwento ay ang plano nilang dalawa).

nangako naman si Caleb na hindi niya sasaktan at rerespetuhin niya si Trisha.

Ngunit hindi naman inaasahan ni Jacob na totoong mapapatay si Caleb ng iba niyang tauhan.

Ngunit nagpasalamat naman siya dahil nakahanap si Trisha ng taong magmamahal sa kanya sa katauhan ni Matthias.

Nung una ay hindi makapaniwala si Jacob ng mabalitaan na kinasal na sina Trisha at Matthias. Ngunit nung pasekreto siyang umuwe pagkatapos ng dalawang taon pagtatago ay nakita niya sina Trisha at Matthias kasama ang anak nila na masayang nagsama sama.

nakita din niya ang kambal nilang anak na masaya sa piling ni Matthias.

Sa oras na iyun, kung mapatunayan niya na hindi totoo na nagpakasal si Trisha kay Matthias ay balak na sana niyang bumalik sa piling ni Trisha.

Maganda na kase ang lagay ng babaeng nabuntis niya. May negosyo na din siya at nakapag usap na sila tungkol dun at dahil sa napatay din si Caleb. ngunit Dahil sa nakita niya na masaya na at may asawa nang bago si Trisha ay napagdesisyunan niya na bumalik nalang sa piling ni Linh, ang babaeng nabuntis niya.

Napagdesisyunan niyang manatili nalang patay kina Trisha at mamuhay kasama ng bago din niyang pamilya. At ayaw na niyang masira pa iyun. Masakit man sa kanya ay pilit niyang tinanggap ang buong pangyayari at wala siyang ibang sinisisi kundi siya mismo.

Finished!!!!