1. Home
  2. Stories
  3. ESTOKWA
Filipino Sex Stories

ESTOKWA

By teddyray ·

ESTOKWA

"Talasan mo ang paningin mo, makiramdam ka, hindi nagtatapat sayo ang asawa mo," Nabasa nya na message sa kanya ng hindi nagpapakilalang nagtext sa kanya.

Limang taon na silang nagsasama ng kanyang ka-live in na si Mildred. Wala pa silang anak. Nang makunan si Mildred sa unang taon ng kanilang pagsasama, ay hindi na uli ito nabuntis.

Nakilala nya si Mildred sa pamamagitan ng isang kaibigang babae. At parang naging napaka-bilis ng naging relasyon nila. Walang ligawan na nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Maulan ng gabing iyon. Nagtatrabaho na siya sa isang civil works contracting company bilang field engineer. Contractor ang kumpanyang pinapasukan nya sa mga government projects, partikular sa DPWH. Isa siyang licensed Civil Engineer.

Nasa isang birthday party sila, at katatapos lang nilang ipakilala sa isa't-isa ng may kaarawan na kaibigan nilang pareho.

Malakas ang ulan sa labas, at parang may bagyo.

"May dala ka bang sasakyan, Vir, isabay mo na si Mildred at medyo masama ang panahon," Sabi ni Digna, ang kaibigan nilang nagdaos kanyang kaarawan.

Dala ni Virgel ang service ng kumpanya nila na isang lumang pick-up. May kalayuan din ang bahay ng may kaarawan mula sa highway at sa bayan.

Habang nasa daan sila, saka sila nagka-kwentuhan. Nasa ika-lawang taon sa kolehiyo si Mildred. Kumukuha ito ng Tourism sa isang kolehiyo sa Manila. Ulilang lubos na ito, at self-supporting student. Nagtatrabaho ito bilang kahera sa isang tindahan ng relo na may sangay sa iba't ibang branches ng sikat na Mall na matatagpuan sa mga piling syudad sa buong bansa.

Nasa kalagitnaan na sila ng daan malapit sa highway ng biglang kumaldag ang sasakyan, at parang may natanggal sa ilalim ng pick-up. Mabilis na kinabig ni Virgilio ang manibela patabi sa gilid ng daan. At ng maihinto nya ito, hinagilap nya ang kanyang cellphone, at lumabas sa ulanan, at sinilip ang ilalim ng pick-up.

"Kumalas ang segunyal, paano ba yan? " Nanlulumong sabi ni Virgel.

Binuhay nya ang ilaw sa loob ng sasakyan. At nagkatitigan sila ni Mildred. Lalo namang parang lumakas pa ang pagbuhos ng nagngangalit na ulan na sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat.

"Magpapa-umaga tayo dito?" Biglang naitanong ni Mildred.

"Yun lang ang magagawa natin, " Sabi ni Virgel.

"Tawagan mo si Digna, baka matulungan nya tayo," Sabi naman ni Mildred.

Hatinggabi na, baka tulog na yun," Sagot naman ng binata.

" Doon ka sa likod para makaunat ka, " Sabi pa ni Virgel.

Nang akmang tumayo si Mildred para lumipat sa likurang upuan ng pick-up ay nalilis ang laylayan ng maiksing palda na suot nito. Nagkatitigan ang dalawa. Naramdaman na lang ni Mildred ang mainit na palad ni Virgel na kinakapa ang ibabaw ng panty nya. May karanasan na si Mildred sa pagkakaroon nya na ng dating boyfriend. At wala pa siyang kasalukuyang boyfriend. At matagal-tagal na rin namang walang sumasaling sa kanyang katawan. Nagpa-ubaya siya na kapain ni Virgel ang hiyas nya. Pina inclined ni Virgel ang unahang upuan ng sasakyan, at doon ay nahiga si Virgel habang nasa ibabaw si Mildred at kinukuyumos nya ng halik ang binata.

Wala pang naging girlfriend si Virgel. Unang karanasan nya si Mildred. Nanginginig ang katawan ni Virgel ng lumapat ang malambot na katawan ng dalaga sa katawan nya. Pinatay niya ang ilaw sa loob ng kotse. Pinatay nya rin ang nakabukas na headlight ng sasakyan.

Naramdaman ni Virgilio na bumaba si Mildred at nagmamadaling binuksan nito ang siper ng pantalon nya. At inilabas nito ang kargada ni Virgel. Madilim sa loob ng sasakyan. At ang paminsan-minsang pagkidlat lamang ang nagpapaliwanag sa mukha ni Mildred na buong kagahamang subo-subo na ang malaking kargada ng binata.

Tanging impit na ungol lamang ang pumapatlang sa pagsubo na ginagawa ni Mildred sa katigasan ng ari ni Virgel. Ang mahaba at malaking burat ng binata ay parang lalong nagpapalibog sa dalaga. Gustong-gusto nyang kumain ng hilaw na hotdog ng lalaki. Parang lalong nababasa ang hiyas nya kapag subo-subo nya sa kanyang bibig ang matigas na ari ng katalik.

Iyon naman ang unang pagkakataon na maranasan ni Virgel na mapasok sa loob ng mainit na bibig ng isang babae ang kanyang ari. Halos ay magdiliryo sa libog ang kanyang katawan habang sinusupsop ni Miidred ang ari nya. Puro ungol din at impit na daing na nasasarapan ang naging sukli ni Virgel sa pagpapalang ginagawa ng bibig ng dalaga sa kanyang burat.

At nang maramdaman ni Mildred na lalong tumigas ang burat na nasa bibig nya ay iniluwa nya ito at umangat siya para hubarin ang panty nya. Nagmamadali namang ibinababa din ni Virgel ang kanyang pantalon. Patalikod na kumandong si Mildred kay Virgel. Kinapa nya ang matigas na burat ng katalik at itinutok sa bukana ng kanyang hiyas.

Kanina pa naglalawa ang hiyas ni Mildred. Handang-handa na ito na lamunin ang matigas na sandata ni Virgel. Kinapa ni Virgel ang hiyas ng dalaga ng walang anumang pumalob ang matigas nyang burat sa kepyas nito. Nasalat nya ang nakaahon na tinggil nito sa itaas ng biyak nito.

Mabilis na nagtaas baba ang hiyas ni Mildred sa katigasan ng binata. Ang init naman ng puke ni Mildred na humahakab sa burat ni Virgel ay lalong nagpap-ulol sa nadarama nitong pagnanasa kay Mildred. Libog na libog si Virgel sa katalik. Iyon ang unang karanasan nya. At ang katawan at pagkababae ni Mildred ang pumukaw sa pagkalalaki ng binata.

"Ang saraaap mo Mildred, ang init ng puke mooohhh," Bulong ni Virgel sa dalaga habang sinasalubong nya ng unday pataas ang bawat bagsak ng bilugang puwet nito sa hugpungan ng kanyang burat.

Puro ungol naman ang namumutawi sa labi ni Mildred habang pabilis ng pabilis ang pag-indayog ng balakang nito sa ibabaw ng burat ni Virgel.

Naramdaman naman ni Virgel na parang sasabog na ang naipong init sa sentro ng ibaba ng kanyang puson.

At palibhasasa ay unang karanasan nya iyon, hindi nya nagawang pigilin ang biglang pagsabog ng naipon nyang katas.

Lalo namang nagpataas sa libog na lumukob sa katawan ng dalaga, ang pagsumpit ng dagta ni Virgel, sa hiyas nya. Nagkukumahog na parang ikinakayod pabarena ni Mildred ang hiyas nya sa pumutok na kanyon ng binata. Nagpagiling-giling ang kanyang hiyas sa kumakatas na burat ni Virgel.

"Lalabasan na rin akooohhhh," Mahabang panaghoy ni Mildred habang tumatagas ang sariling dagta sa kanyang hiyas. Ang masarap na ungol ng dalaga, habang nilalabasan, ay nilunod ng ingay ng malakas na buhos ng ulan.

Nagpahinga lang sila ng saglit matapos ang una nilang orgasmo. Pagkatapos ay humarap naman si Mildred at muling umibabaw sa kandungan ni Virgel. Parang hayok na hayok ang dalaga sa malaki at mahabang burat ng binata. Ipinagdidiinan nito ang hiyas nya sa ari ng binata. Parang may nadaramang kati sa loob ng kanyang pagkababae si Mildred. At ang mahaaba at malaking burat ng katalik ang tanging makakatighaw sa pangangati na iyon.

Malamig sa labas. Hindi parin nagbabawa ang malakas na buhos ng ulan. May kasama na itong hangin. At nayuyugyog ang sasakyan sa bawat maririing hampas ng hangin.

Subalit, hindi alintana ng dalawang nagtatalik sa loob ng sasakyan, ang pagsusungiit ng panahon sa labas. Sa loob ay yumuyugyog din. Sumasabay sa pag-uga ng sasakyan na dulot ng hangin, ang pagyugyog ng upuan ng sasakyan sa pag-indayog naman ng katawan ni Mildred sa ibabaw ni Virgel.

"Hayan na uli akoooohhh, uhh, uhhmm," Nakakagat labi pa si Mildred ng muling kumatas ang kanyang hiyas.

Nakasabay naman uli si Virgel. Inaninag nya sa dilim ang mukha ni Mildred habang pinakakawalan nya ang isa pang pagsabog ng kanyang pagnanasa sa kumakatas na hiyas ng dalaga.

At pagkatapos ng maunos na gabing iyon, naipasiya ni Virgel na si Mildred na ang Miss Right para sa kanya. Ulila na rin siyang lubos. At nag-iisa siyang nangungupahan sa tinitirhan nya,

"Ito ang tirahan ko, matagal na akong nangungupahan dito," Sabi ni Virgel ng iuwi nya sa apartment nya si Mildred.

Parang naka-liyad ang dibdib ni Virgel ng mapahinuhod nyang sumama na sa kanya si Mildred.

"Pero ayaw ko ng seloso, at ayaw ko ng mga restrictions. Magtatapos ako ng kurso ko, at magtatrabaho parin ako," Sabi nito.

Maayos naman ang kanilang pagsasama. Kahit pa, kinakantyawan si Virgel ng mga kasamahan sa trabaho na 'takusa'.

"Wag mo ng yayain yan sa inuman si Virgel. Eh takot sa asawa nya yan eh," Sasabihin ng mga ka trabaho nya kapag nagkakayayaan na magrelax at mag-inom.

"Takot yatang hindi maka-poypoy!" Kantyaw pa ng mga ito.

Ipinagkikibit-balikat lang nito ang mga kantyaw na yun. Ang mahalaga sa kanya ay ang asawa, at ang kanilang pagsasama. Pakiramdam ni Virgel ay hindi siya mabubuhay kung wala si Mildred sa buhay nya.

At ng mabuntis ito, labis ang naging tuwa ni Virgel. Ang iniisip nya ay magiging isang pamilya na sila. At baka pumayag na si Mildred na pakasal sila.

"Ngayon pa ako nabuntis kung kelan patapos na ako ng kurso ko," Narinig nyang sabi nito.

"Gusto kong makatapos sa taong ito," Pagdidiin pa nito.

At nasa ikalawang buwan ang kanyang pagbubuntis ng duguin ito.

Induced abortion ang sabi ng ospital. At napuna ni Virgel na hindi nalungkot si Mildred sa pagkakalaglag ng baby nila.

Nasa ganito siyang pagdidili-dili ng muli nyang basahin ang text na nasa cellphone nya. Parang gusto nyang magalit sa kung sino man na nagtext sa kanya nito. Iniisip nyang paninira lang. At wala naman siyang napupuna sa asawa na kakaiba. Kahit hindi na sila madalas mag sex, ay pinagbibigyan naman siya ni Mildred pag umuungot siya. At hindi naman ito nagbabago sa init nito sa kama.

At saka, sa loob lang ng tatlong taon na pagtatrabaho nito sa isang sangay ng pamahalaan na naka-ugnay sa lokal na Turismo, ay nakapag pundar na sila ng isang bahay at lote sa isang first class na subdivision na siya ngayon tinitirhan nila.

At dahil si Mildred ang nagpundar ng naturang ari-arian ay sa kanya naka-pangalan ito. Lalo pa at di naman sila kasal.

Hati sila ni Mildred sa gastos sa bahay. Kay Mildred ang pagkain at groceries, samantalang kay Virgel naman ang bayad sa ilaw at tubig at sweldo sa kanilang kawaksi sa bahay.

Hindi na pinansin ni Virgel ang poison text na iyon. Inilagay nya sa kanyang isipan na paninira lang iyon. At hindi mababago ng text na yun ang tiwala at pagmamahal nya sa asawa.

"May seminar kami sa Tagaytay," Pagpapaalam ni Mildred kay Virgel.

Naniniwala si Virgel na bahagi iyon ng trabaho ng asawa.

"One week kami doon," Sabi pa nito.

"Bakit ang tagal naman," Tanong ni Virgel sa asawa.

"Ako ba ang gumagawa ng seminar? "Paasik na tugon ni Mildred sa asawa.

"Kanino pala ang bagong kotse sa garahe? " Tanong pa ni Virgel.

"Bigay sa akin ng boss ko yun, award ko raw iyon sa mga matagumpay naming Tourism program and promotions sa buong bansa. Hindi mo kasi ako maibili ng sasakyan ko," Parang panunumbat ng asawa kay Virgel.

"Nasa Tagaytay ang asawa mo, kasama ang boss nya. Magtanong ka sa trabaho nya kung official business ang lakad nya sa Tagaytay," Sabi ng Text.

"Hello!!!" Nagpupuyos ang loob ni Virgel na tinawagan nya ang number ng nagpadala ng text. Subalit hindi nagri-ring sa kabilang linya ang tinatawagan nyang number.

"Sino ka ba? Magpakilala ka?!!!" Text nya sa number na nasa screen ng cell phone nya.

Di siya mapakali sa trabaho. Ipinasiya nyang mag-undertime at pinuntahan nya ang opisina ni Mildred.

Nagpakilala siya sa front desk at tinanong nya kung nasaan si Mildred.
"Naka leave po si Ma'am Mildred. Saka, ang alam po namin dito, single po siya at walang asawa," Sabi ng babae sa front desk ng opisina ni Mildred.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Virgel. Mabilis nyang tinawagan ang mobile phone ng asawa. Nag ring ito, saka biglang namatay. Ilang beses nyang tinawagan uli ito. Pero naka off na ang cellphone nito.

Kinabukasan, humahangos na kinompronta siya ni Mildred.

"Who gives you the right na paki-alaman ako sa trabaho ko at sa mga ginagawa ko," Galit na galit na sabi ng asawa nya kay Virgel.

"Di ba sabi ko sayo sa umpisa pa lang ayoko ng restrictions. Umalis ka na dito sa pamamahay ko," Walang emosyon na sabi nito.
Pagkasabi nito ay tinawag nito ang kawaksi nila sa bahay at ipinalagay ang mga gamit ni Virgel sa maleta at inilagay sa sala.

"Hindi na kita kailangan sa pamamahay ko," Sabi ni Mildred.

Nagtatalo naman ang kalooban ni Virgel. Parang gusto nyang magsisi sa kanyang ginawa.

"Hindi naman maiaalis sa akin na magkaganito, asawa mo ako, mahal kita," Malumanay na sabi ni Virgel. Parang hindi nya makakayanang mawala sa buhay nya si Mildred.

"I'm sorry, pero, I realized, hindi kita mahal," Parang bombang sumabog sa pandinig ni Virgel ang sinabing iyon ni Mildred.

Saka nya napagtanto na sa mahigit na limang taon nilang pagsasama, ni minsan, ay hindi nya narinig sa mga labi ni Mildred na sinabi nitong mahal din siya.

"Please galit ka lang, alam kong mahal mo rin ako. I'll be good. Di na ako magtatanong, o mag-uurira kaya, wag mo lang akong iwan. Wag mo lang akong paalisin," Naninikluhod na paki-usap ni Virgel.

"No, buo na ang pasiya ko, sasama na ako sa boss ko, byudo na siya. Mas maibibigay nya ang luho na hindi mo kayang ibigay. Makaka-alis ka na," Pangwakas na sabi nito na tinalikuran siya.

" Virgel, may opening sa Visayas branch natin para maging operation manager. Gusto mong irekomenda kita?" Tanong ni Roy, ang kanilang operation Manager sa Luzon.

Alam nito ang nangyari sa kanila ni Mildred. Halos sabay silang napasok sa kumpanyang pinagtatrabahuan nila. Pero danil mas may drive si Roy, at pala-kaibigan, mas madali itong na-promote.

"For a change, malay mo, doon eh makatagpo ka ng higit kay Mildred?" Sabi pa ni Roy.

At sa rekomendasyon ng kaibigan, siya ang napili maging operation manager sa Visayas. Tinanggap nya ito kahit kaunti lang ang itinaas sa kasalukuyan nyang sahod, ang mahalaga ay malayo siya sa Maynila. At makalimot siya sa bangungot na hatid ng naging katapusan ng relasyon nila ni Mildred.

At sinikap ni Virgel na ituon ang focus nya sa trabaho. Bilang Operations Manager para sa Visayas, ay kinakailangn nyang magbyahe ng malalayong lugar na abot ng mga projects nila na karamihan ay mga road construction projects. Mayroon ding mga seaports, maliliit na airports, at iba pang government infrastructures.

Kaya naman, kina-ilangang isyuhan siya ng kumpanya ng isang Hi-Lux para maging service nya. At nalilibang siya sa mga malalayong overland drives na humahantong sa mga roll-on roll-off na Ferry rides.

Saglit na nakakalimutan nya si Midred, habang binabagtas nya ang mahahabang mga sementadong daan, upang puntahan at makita ng personal ang mga kontrata nilang tulay at mga daan.

Marami ring itinutukso sa kanya na mga nasa paligid na mga kababaihan. Pero, parang isinara na nya ang kanyang pansin sa mga babae. Makirot pa ang iniwang sugat ni Mildred sa puso nya. At ayaw nyang isipin na may isa pang Mildred na talagang para sa kanya.

Nasa upperdeck siya ng Ferry na kaaalis lang mula sa Looc Port papuntang Matnog, ng mapansin nya na kinokompronta ng checker ng barko ang isang parang nahihintakutang babae. Sa hindi nya maipaliwanag na dahilan, mabilis siyang nakalapit sa kinaroroonan ng babae at ng checker ng barko.

" Ano bang problema? "Tanong ni Virgel sa Checker.

"Sir, estokwa tong babae na ito, wala siyang ticket, "Sabi ng Checker.

"Kasama ko yan," Narinig ni Virgel ang sarili, na sinasabi sa Checker.

Ipinakita ni Virgel ang ticket ng kanyang Hi-Lux. Allowed ang isang sasakyan na nasa manifest ng barko na magkaroon ng pasahero maliban sa driver nito.

Masusi munang tiningnan ng Checker ang tiket, ang babae, at si Virgel bago kakamot-kamot sa ulo na lumayo.

"Salamat po," Sabi ng babae ng makalayo ang Checker.

"Ok lang yun, " Sabi ni Virgel at iniwan na nya ang babae.

Paluwas siya ng Manila para magreport sa main office nila, saka makikipag meeting din siya sa Main office ng DPWH, ukol sa mga projects na napinsala ng nagdaang bagyo.

Nang bumababa siya sa lower deck para bumili ng beer in can, nakita nya ang babae na nakatingin sa counter. Parang may nagbubulong kay Virgel na kausapin ang babae. Napuna nyang parang lunok ng lunok ng sariling laway ang babae habang pinagmamasdan ang ilang pasahero na kumakain ng instant noodles. Kumakalat ang amoy ng instant noodles sa bahaging iyon ng barko.

Lumapit si Virgel sa counter at umorder ng dalawang hotdog sandwhich, isang beer in can, at isang mineral water.

Nagulat pa ang babae ng iabot nya rito ang isang hotdog sandwhich at ang mineral water.

Nang mamataan ng babae ang Checker na umikot sa lowerdeck, ay mabilis na inabot nito ang inalok ni Virgel na pagkain at nilantakan. Nagkanda-ubo ito habang kinakain ang sandwhich. Automatic naman ang reaction ni Virgel na hinagod ang likod ng babae. Nang makita ng checker ang ginawa ni Virgel ay parang napapahiya ito na mabilis na tumalilis.

"Dahan-dahan ang pagnguya, nahirinan ka tuloy," Bulong nya sa babae.

Nang maubos ng babae ang sandwhich, ay ibinigay nya rito ang isa pa na inorder nya.

"Hati tayo dito," Sabi ng babae na hinati ang pangalawang sandwhich.

"Gutom talaga ako, pasensya na, at salamat," Sabi pa ng babae, matapos maubos ang kalahati pa na sandwhich.

Banayad namang sinimsim ni Virgel ang beer na nasa lata, at nginuya ang kalahati ng sandwhich.

Ewan nya, pero magaan ang loob nya sa babae. Saka nya napagmasdan ng mabuti ito. Fair lang ang kutis nito. At masasabing ganon din ang hitsura nito. Medyo matangkad lang ito sa karaniwan. At sa tantya nya ay nasa late twenties na ito.

"Saan ba ang punta mo?" Tanong ni Virgel sa babae ng nasa upperdeck na sila at pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan. Kalmante ang dagat. At parang walang kagalaw-galaw ang tubig, at tanging paglabusaw lamang ng elise ng barko ang gumagawak sa kapayapaan ng dagat.

May hawak silang tig-isang lata ng beer. At sinisimsim nila ang alak habang banayad na humahampas ang hangin sa kanilang mukha.

" Sa Maynila sana. Pero,bahala na, kung saan ako ipadpad ng aking mga paa," Sabi nito na nakatingin sa malayo.

May kamag-anak ka ba sa Maynila? " Tanong ni Virgel sa kanya.

"Taga roon ako," Sabi nito.

"Paano ka napunta sa Samar, talaga bang estokwa ka?" Pakiramdam ni Virgel ay napupukaw ng babae ang kuryusidad nya.

"Sa isang banda ay, oo, estokwa ako dahil mayroon akong tinatakasan," Sabi pa nito.

"Pero, pwede bang sa akin na lang ang privacy ko?" Sabi pa ng babae.

"Private din ba ang pangalan mo? " Naitanong ni Virgel.

"Alam mo, cute ka, " Sabi bigla ng babae, ng marinig ang tanong nya.

Mabilis nitong nilagok ang laman ng lata ng beer, at hindi ito ibinaba sa bibig hanggang hindi said ang laman nito.

"Mildred. Yan ang pangalan ko, Red pero Mild, " Sabi nitong humahalakhak.

Natawa rin si Virgel. Pero pagak ang tawa nya. Nanunukso ba ang pagkakataon, at kailangang ipaalala nito ang kirot na dulot ng nagdaang Mildred sa buhay nya?

"Bakit natigilan ka? Madaya ka, nalaman mo na ang pangalan ko, pero di mo sinasabi ang pangalan mo," Untag sa kanya ng nagpakilalang Mildred.

"Virgel," Halos pabulong na sabi niya.

"Parang anghel ang pangalan mo, will you be my guardian angel, Virgel?" Sabi pa ni Mildred.

Bumili pa uli ng beer si Virgel. Sa likurang dako naman sila pumunta ni Mildred. Doon naman nila pinagmasdan ang mabuo at mawalang mga bula na nagmumula sa banayad na takbo ng barko.

"No, you did not made it quite right. Call me, Mild-red. I am red but I am mild." Sabi pa uli nito. Parang tumatalab na dito ang iniinom nilang beer.

Saka lang napansin ni Virgel, parang magaling magsalita ng English ang estokwa. At sa tono ng pananalita nito, masasabi nyang, nakapag-aral ito.

"Gabi na tayo darating ng Matnog, sasabay ka ba sa akin?" Tanong ni Virgel dito.

"Wala yata akong choice kundi sumama sayo," Sabi nya.

Naka tig tatlo na sila ng lata ng beer habang nag-uusap sa likuran ng barko sa lowerdeck. Dapit hapon na, at nag-aagaw na ang dilim at ang liwanag.

Magkasama na sila sa Hi-Lux ng bumaba ang sasakyan mula sa pruwa ng barko.

"Okay lang ba sayo na mag otel muna tayo, bago tayo magpatuloy sa byahe?" Tanong ni Virgel sa kasama.

"Ah, yan pala ang plano mo kaya mo ako nilasing sa barko, may pagnanasa ka sa akin," Sabi ni Mildred.

At dinuro-duro niya si Virgel.

"Don't get me wrong, maliligo lang tayo para presko tayo sa byahe," Sabi naman ni Virgel.

"Look, wala akong bihisan," Sabi naman ni Mildred.

Saka lang napansin ni Virgel na isang maliit lang na plastic bag ang dala ng babae.

Tiningnan ni Virgel ang kanyang relo sa kamay. Umikot sila sa bayan ng Matnog at naghanap ng bukas pa na tindahan ng damit. Pinalad naman silang makakita ng isa. Pumili si Mildred ng dalawang t-shirt at isang palda. Kumuha si Virgel ng tatlong t-shirt, tatlong palda at kalahating dosena na panty. Dumaan din sila sa grocery at bumili ng makukukot at pagkain. Dumampot din si Mildred ng sabon,tooth paste at shampoo.

" Alam mo, sinwerte ako ng makita kita sa barko," Sabi ni Mildred.
Nakapaligo na ito, at suot na nito ang binili ni Virgel na t-shirt at palda. Nakapaligo na rin si Virgel.

Nagtaka si Virgel, biglang naging maganda sa paningin nya ang estokwa. O talagang maganda lang ang isang babae pag bagong paligo?

Nanuot sa ilong nya ang preskong amoy bagong paligo nito.

Napansin nya rin maiksi ang palda na nadampot nya.

"Bukas na tayo ng madaling araw bumyahe," Sabi ni Virgel.

"Baka makatulog ako sa daan, kumain na lang tayo ng dinner sa labas, tapos balik tayo dito," Sabi nya pa.

"Talagang di mo ako paliligtasin ngayong gabi, ha?" Sabi ni Mildred.

"No, hindi ako manyakis, saka di ako nagpipilit kung ayaw, " Sabi ni Virgel. Pero nakatitig siya sa makinis na hita ng kaharap.

"Kitam, tinatalupan mo na ako, sa tingin mo pa lang," Sabi nito ng mapansin ang pagkakapako ng mata nya sa mga hita nito.

"Patingin nga ng palad mo," Sabi ni Mildred ng nasa loob na uli sila ng hotel matapos kumain sa labas.

"Marunong ako ng palmistry,"Sabi nito. Magkatabi sila sa kama, pero may pagitan na unan. Nakadapa ang estokwa samantalang nakasandal sa headboard ng kama si Vigel at nanonood sa palabas sa tv na football.

Wala sa loob na ibinigay nya ang palad nya kay Mildred.

"Iisa lang ang marriage line mo, so isang beses ka lang magpapakasal," Sabi nito.

"Wow, Virgel, nasa palad mo ang maging napakayaman!" Napapalatak na sabi nito.

"At apat ang magiging anak mo," Sabi pa ni Mildred.

Pero, hindi na siya narinig ni Virgel, naghihilik na ito. Nakatulog si Virgel habang nakasandal sa headboard ng kama.

"Maingat na inalalayan ni Mildred si Virgel na mailatag nito ang katawan sa kama. Kinumutan nya ang lalaki at kinintalan ng halik sa labi.

Inayos nya ang unan sa pagitan nilang dalawa. Pinagmasdan nyang muli ang lalaki. Pinatay nya ang tv at binuksan ang dimlight na nasa ulunan ng kama. Pinatay nya ang mainlight sa kwarto. Hinawakan nya ang kamay ni Virgel,at pumikit siya sa tabi nito.

Madaling araw na ng magising si Virgel. Wala sa tabi niya si Mildred. Agad siyang bumangon at hinanap ito sa banyo. Wala din doon ang estokwa.

Nagmamadali siyang naghilamos at nagbihis. Nakaramdam siya ng panlulumo, ng kawalan. Isang Mildred ang sumugat sa kanyang puso, at isang Mildred na naman ang naghahatid sa kanya ng kagyat na kalungkutan.

"Gising ka na pala?" Bungad sa kanya ni Mildred ng lumabas siya mula sa hotel.

Walang tinig na lumabas sa bibig ni Virgel ng yakapin nya ng mahigpit ang estokwa.

"Hayan nananatsing ka na hyan, bakit mo ako niyayakap?" Sabi nito sa kanya.

"Natuwa lang ako na naririto ka, akala ko iniwan mo na ako," Sabi ni Virgel.

Tumawa si Mildred, at nakitawa din si Virgel. Hindi na pagak ang tawa nya. Tunay ang nadama nyang tuwa ng makita nya ang estokwa.

"Sa Bulusan tayo magdaraan patungong Sorsogon city," Sabi ni Virgel.

"Marami daw magagandang tanawin doon," Sabi pa nito.

"Bakit mo ako niyakap kanina?" Tanong ni Mildred kay Virgel. Palabas na sila ng bayan ng Matnog.

Nasa Casiguran na sila.

"Natuwa ako ng makita ka," Iyon ang totoo na naramdaman nya,

"Na miss mo agad ako?" Tanong nito kay Virgel.

Tumango naman ito.

"Parang dumidiga ka na nyan ah? Binata ka pa ba?" Tanong uli ng estokwa.

"Hindi naman ako ikinasal, at saka ako naman ang iniwan ng kinakasama ko," Parang pagtatapat ni Virgel.

"Paano kung sagutin kita, mapapangatawanan mo ba ako?" Muling tanong ni Mildred.

"Kung gusto mo, pagdating natin sa Maynila pakakasalan agad kita," Sabi naman ni Virgel na sinusulyapan ang kausap.

"Ay seryoso ka talaga sa akin, kahit di mo pa ako kilala at isa lang akong estokwa?" Pang-aarok pa nito.

Inihinto ni Virgel ang pick-up sa gilid ng daan inalis nya ang kanyang seatbelt at kinalas ang seatbelt ng kanyang pasahero upang makabig nya at mayakap nya ito.

Nagpang abot ang kanilang mga labi. Nagyakap sila. Kapwa naramdaman nila ang pagka-uhaw sa labi ng isa't-isa.

"I love you Virgel, kay tagal kitang hinintay." Bulong sa kanya ni Mildred.

"I love you, Mildred, kaysarap marinig sa labi ng isang minamahal ang mga katagang sinabi mo. Pumupuno ito sa puso ko," Sabi ni Virgel.

Nang matanaw ni Virgel ang daan sa junction papuntang Bulan ay kumaliwa siya. Hindi na siya makapag-hihintay.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Mildred kay Virgel ng huminto sila sa harap ng isang hotel sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

"Mauuna ng gawin natin ang honeymoon, bago ang kasal natin sa Manila," Bulong ni Virgel kay Mildred.

"Pakakasalan mo ako ha?" Paniniyak ni Mildred.

"Oo, pangako yan, at bibigyan mo ako ng maraming anak," Sagot naman ni Virgel.

Nakahiga na sila. Pareho na silang walang saplot. Mas higit na kaibig-ibig ang Mildred na kakatalikin nya ngayon, kaysa sa Mildred na nawala sa kanya.

"Ang laki pala nyang sayo, baka masaktan ako, birhen pa ako Virgel," Sabi ni Mildred.

" I'll be gentle," Pangako ni Virgel.

Sumubsob siya sa pagitan ng hita ni Mildred. Pag-iinitin nya muna ito. Kailangang maging madulas na madulas muna ang hiyas nito bago nya tuluyang pasukin.

Nanginginig ang katawan ni Mildred ng maramdaman nya sa kanyang hiyas ang paggiit ng mainit na dila ni Virgel sa kanyang labia. Noon lang siya nakaranas na kainin ang kanyang hiyas. Pakiramdam nya ay mapupugto ang kanyang hininga sa sarap ng sensasyon na ginagawa ng pangahas na dila ni Virgel sa kanyang hiyas.

"Ohhhh, uhh, uhh, uhhm, " Impit na ungol at pagkiwal-kiwal ng kanyang mala-bulak sa lambot na katawan, ang naging sukli nya sa bawat hagod ng dila ni Virgel sa basal nyang hiyas.

Lalo namang tumaas ang libog na nadarama ni Virgel sa katalik, sa nakikita nyang pagtirik ng tinggil nito habang hinahagod ng dila nya ang mahabang biyak ng katambukan ni Mildred. Lalong sumigid sa sentro ng pagkababae ni Mildred ang libog ng salitang sipsipin ni Virgel ang butas ng hiyas nya at ang nakatirik na tinggil nya.

Naramdaman ni Mildred ang pamumuno ng dagta sa ibaba ng kanyang puson na parang nagbabantang bumulwak. Bawat hagod ng dila ni Virgel ay nagpapataas ng antas ng libog ni Mildred na nagbabantang umalpas. Nang sinubukan ni Virgel na ipasok ang pinatigas na dila nito sa masikip, ngunit naglalaway ng butas ng hiyas ng dalaga, ay hindi na nito napigilan ang pagragasa ng katas nito mula sa kaibuturan ng kanyang pagkababae.

"Ohhhh, Virgel, ang saraaappp, ahhhh," Naka sabunot ang isang kamay ni Mildred sa ulo ni Virgel, at halos ay bumaon naman ang mga kuko ng isa pa nyang kamay sa malapad na balikat ni Virgel.

Sabay sa pagkibot-kibot ng hiyas ni Mildred ay gumigiling-giling pa ang kanyang balakang, habang nilalabasan ang kanyang hiyas ng masaganang katas.

Hinayaan ni Virgel na humupa muna sandali ang sensasyon ng unang pagkatas ng katalik. Nang maramdaman nyang nag normal na ang pagtahip ng dibdib ng dalaga ay umangat siya. Napadilat ang naka-pikit na mga mata ng dalaga ng ibukaka ni Virgel ang mga hita nito. Nakatingin si Mildred sa nakatingarong burat ni Virgel. Kusa nyang lalong ibinukaka ang kanyang mga hita ng kagyat na itutok ni Virgel ang kanyang naghuhumindig na katigasan sa bukana ng hiyas niya.

Naramdaman ni Mildred ang paggiit ng malaking ulo ng burat ni Virgel sa masikip na butas ng kanyang hiyas. Nilabasan na si Mildred, at naglalandas pa ang katas nya sa hiwa ng kanyang hiyas. Inihagod muna ng ilang beses ni Virgel ang malaking ulo ng kanyang burat sa naglalawang labia ng puke ni Mildred. Naramdaman ni Mildred na muling napupukaw ng ginawa ni Virgel ang libog nya. Nakakaramdam siya ng tumitinding kiliti sa ubod ng kanyang hiyas.

Nang maramdaman naman ni Virgel ang ang pagdulas ng ulo ng kanyang burat, mula sa sarili nyang katas na lumalabas na sa maliit na butas sa ulo nito at sa katas na nanggaling sa hiyas ni Mildred, ay sinimulan nyang ipasok ang ulo ng kanyang burat sa bukana ng hiyas ni Mildred. Napa-igik ang dalaga ng pumasok ang ulo ng ari ng katalik sa masikip nyang lagusan. Naramdaman ni Mildred ang kirot ng pagkakapunit ng kanyang hymen. May naglandas na luha sa nakapikit nyang mga mata.

Pero, walang pagsisisi na naratamdaman ang dalaga sa pagkaka-punit ng kanyang pagka-birhen. Si Virgel ang ibinigay sa kanya ng tadhana. Lahat ng tanda na hinintay nya ay nakita nya sa katalik.

"Masakit pa?" Nag-aalalang tanong ni Virgel ng hindi siya tumitinag, at nanatiling nakahawak siya sa braso nito ng mahigpit. Umiling si Mildred.

"Okey na ako, nag-iinit na uli ang pakiramdam ko," Sabi nya, pero hindi nya idinidilat ang mga mata nya.

Nang maramdaman ni Mildred na atubili pa si Virgel na ilusong nang tuluyan ang malaking burat nito sa kanyang lungga, ay marahan nyang ikinanyod paitaas ang kanyang puwet. Nagsasabay ang kirot at sarap ng sensasyon sa kanyang hiyas sa banayad na pagbaon ng burat ni Virgel sa kanyang kaibuturan.

Naramdaman naman ni Virgel ang pagdulas ng lagusan ng katalik. Sinubukan nyang sabayan ang paggalaw ng balakang ni Mildred. Naramdaman ni Virgel na hindi na maganit ang lagusan ng hiyas ni Mildred. At naramdaman nyang parang lalong nag apoy ang lagusan nito. Parang may mainit na langis sa loob ng pagkababae ni Mildred. Ang init na naroroon ay nagpapasiklab sa pagnanasa ni Virgel.

At naramdaman nyang palalim ng palalim ang kanyang paglusong sa masabaw na balon ni Mildred.

Bawat pag-ahon at paglusong ng kanyang burat sa balon ni Mildred ay sinusuklian nito ng kaakibat na pagtaas baba din ng kanyang maumbok na puwet.

Pabilis ng pabilis ang ritmo ng salpukan ng kanilang mga ari. Mas matimbang na ang sarap na nararamdaman ni Mildred sa paglalabas-pasok ng katigasan ni Virgel sa kanyang hiyas, kaysa sa kirot na dulot ng pagkaka punit ng kanyang pagka-birhen.

"May lalabas na naman sa akin, Virgel, ohhhh," Muling panaghoy ni Mildred.

Isinampay ni Virgel ang dalawang paa ni Mildred sa kanyang magkabilang balikat at inulos nya ng sunod-sunod ang hiyas nito. Naramdaman nyang bumalong ang masaganang katas ng dalaga, kasabay ng pagsambulat naman ng dagta nya,

Umulos pa siya ng umulos habang sumusumpit ang kanyang katas sa loob ng hiyas ni Mildred, bago niya ipinirmi ang kanyang burat sa pagkakasuksok sa mainit na hiyas ng dalaga. Napasubsob siya sa malusog na dibdib ni Mildred ng humupa ang pagragasa ng kanilang orgasmo.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng Bulan? " Tanong ni Mildred sa kanya. Katatapos lang nila sa kanilang pangatlong pagtatalik. Naka tingin sila pareho sa bahid ng dugo sa kubre-kama. Nakabakas din ang maraming katas na pinagsaluhan nilang dalawa.

"Sa parteng ito ng kabikulan, ang 'Bulan' ay buwan ang ibig sabihin. So, sa tuwing kabilugan ng buwan, dapat i-celebrate natin ang pagkakaloob ko sayo ng pagka-birhen ko," Sabi ni Mildred.

Hinalikan naman ito sa labi ni Virgel. Sa isip ni Virgel, ay nagpapasalamat siya sa kanyang kapalaran, na ang nawala sa kanyang Mildred na nakuha nyang hindi na birhen, ay napalitan ng isang Mildred, na hindi lang birhen, kundi, nararamdaman nyang pareho silang nagmamahal sa isa't-isa. At wala siyang paki-alam kung istokwa man ito, o ano pa ang kalagayan nito sa buhay.

Ang nasa isip ni Virgel ay, ang bagong Mildred na ito ang magiginf ina ng kanyang mga anak, at ihahandog nya dito ang isang magandang bukas, na hindi nahintay ng unang Mildred na dumating sa kanyang buhay.

Tuwang-tuwa si Roy ng makita siya sa kanilang main office. Umiikot naman ang tingin ni Mildred sa loob ng compound na kinaroroonan ng opisina nila Virgel.

"Misis ko, si Mildred," Pakilala nya dito sa kanilang General Manager. Na promote na ang kaibigan nya, mula sa pagiging Operation Manager for Luzon.

"You mean, bro, Mildred din ang pangalan nya?" Natatawang bulong ni Roy kay Virgel.

Tumango si Virgel.

"Parang nalilinya ako sa pangalang Mildred," Nakatawa ding bulong nya sa kaibigan.

" Kailangan ko nga ang tulong mo, nag file ako ng 15 days na leave para makasal kami, ikaw ang ninong, pwede? Civil Wedding lang, bago kami bumalik sa Visayas," Paki-usap ni Virgel kay Roy.

Sa tulong ni Roy ay nakasal si Mildred at si Virgel, makalipas lang ang isang linggo, dahil pareho naman silang nabigyan ng CENOMAR sa Census,

"Chinese ang apelyedo ng misis mo, at ka-apelyedo nya ang isang mayamang Chinese tycoon," Naalala ni Virgel na sabi ni Roy, matapos makuha ang lahat ng dokumento na kailangan para sa kanilang kasal ni Mildred.

Nangiti si Virgel. Marami namang magkaka-apelyedo. At di na kailangang malaman ni Roy na isang istokwa lang si Mildred.

"Happy?" Tanong nya kay Mildred.

Pinamili nya ng mga ilang gamit si Mildred. Doon na sila sa Visayas maninirahan, at doon na nya itatayo ang kanilang magiging pugad. May naiipon na rin naman siya, mula ng magkahiwalay sila ng una nyang Mildred. Nasabi na nya kay Roy na gusto nyang mag-advance para makapagpatayo sila ni Mildred ng maayos-ayos na bahay. At gusto nyang mag-anak agad sila. Hindi na siya bumabata.

" Kailangan pa ba nating bumalik sa Samar?" Tanong nitong sa kanya.

Kumandong sa kanya si Mildred. Pansamantala silang tumira sa isang mumurahing appartle habang nasa Manila sila.

"Nandoon ang work ko, at wala akong tirahan dito. May naipon na ako, magpapatayo tayo ng maliit na bahay, pansamantala. Magsisikap ako para sayo. Dodoblehin ko ang pagsisikhay ko,lalo at misis na kita," Matapat na sabi ni Virgel sa asawa.

"Daan muna tayo sa mga lola ko, bago tayo bumalik sa Samar," Sabi ni Mildred.

"Bakit di mo sinabi na may grand parents ka pa, sana naka pamanhikan ako, at nakarating sila sa kasal natin," Nagtatakang sabi ni Virgel habang papunta na sila sa sinasabi nitong lola nya.

Laking gulat nya ng ituro nito ang gate ng subdivision na pinasok nila sa lunsod ng Makati City.

Naisip ni Virgel na baka katiwala ng isang mayamang angkan ang kamag-anak ni Mildred dito sa Forbes Park.

Pinahinto ni Mildred ang Hi-Lux sa harap ng gate ng isang Mansion. Bumaba si Mildred at pinindot ang intercom. Matagal na nakatayo si Mildred sa harap ng gate. Maya-maya ay bumukas ang gate. Dalawang security guard ang sumungaw sa pinto, at sinenyasan si Virgel na pumasok.

Walang imik na bumalik si Mildred sa Hi-Lux at pumasok sila sa maluwag na bakuran ng Mansion.

Nagulat si Virgel ng sumaludo kay Mildred ang dalawang security guard. Sumalubong kay Mildred ang isang may edad na na babae, at nagyakap ang dalawa.

Pagkatapos ay itinuro ni Mildred si Virgel. Nang hindi tumitinag si Virgel sa pagkaka-upo sa manibela ay lumapit si Mildred sa driver's side.

"Halika, gusto ka nilang makilala," Bulong ni Miidred kay Virgel.

Parang namamalikmata si Virgel. Hindi nya maintindihan ang sinasabi ni Mildred.

Pero nakangiti sa kanya ang dalawang matandang Filipino- Chinese ng makaharap nya ang mga ito.

" Matagal na nyang sinasabi na ipapakilala ka nya sa amin, " Sabi ng dalawang matanda.

"Tumawag siya sa amin nang nasa Matnog kayo, at paluwas na nga raw kayo," Sabi pa ng dalawang matanda kay Virgel.

"Magpapaliwanag ako," Sabi ni Mildred kay Virgel.

At isinalaysay ni Mildred ang buhay nya.

Kaisa-isang anak siya ng isang Filipino- Chinese na business tycoon na nasa hotel, resorts at mga restaurant chains ang business nito.

Sabay na namatay sa isang aksidente sa daan ang kanyang mga magulang.

"Nagtapos ako ng Business Management sa US. At katulong na ako ng daddy ko sa pagpapatakbo ng mga negosyo nya ng mangyari ang malagim na aksidente sa mga parents ko," Pagki-kwento nya.

"Magmula ng mamatay ang parents ko, lagi na akong nananaginip. Sa panaginip ko ay nakilala ko ang isang lalaki. Pero wala siyang mukha. At sa panaginip ko ay laging nakasakay ako sa barko, at doon kami nagkakakilala ng lalaki. Sa panaginip ko, ay malungkot ang lalaki. At ang kalungkutan nya ay nagpapabigat sa akin sa paggising ko," Nakatitig siya kay Virgel habang nagpapatuloy sa pagkwento.

"Sa paghahalungkat ko sa mga gamit ni Mommy, may natuklasan ako sa diary nya. Estokwa si Mommy sa barko ng magkakilala sila ni Daddy na kasalukuyang nag-aaral noon sa Maynila. At iyon ang naging simula ng kanilang love story," Patuloy pa na kwento ni Mildred.

"Kaya haisip kong mag-istokwa, at hanapin ang lalaki sa panaginip ko," Sabi pa ni Mildred.

"Pero isinuong mo sa panganib ang buhay mo, mahirap ang maging istokwa," Patlang ni Virgel sa kwento ni Mildred.

"Parehas din sa panganib sa mga taong naghahangad lang na pakasalan ako dahil sa kayamanan ko," Pakli ni Mildred sa sinabi ni Virgel.

"Makikita mo ang tunay na pagdamay ng isang tao, kung ikaw ay isang kaawa-awa. Marami ang nag-aalok ng tulong sa akin sa pag-iistokwa ko. Pero, karamihan, ay gusto lang samantalahin ang vulnerabilities ng isang istokwa. May nag-aalok ng pagkain, ng kamarote, ng pera, pero may iniisip pa lang iba," Sabi pa ni Mildred.

"Alam mo ba kung ano ang laman ng plastic bag na dala-dala ko?" Tanong ni Mildred kay Virgel.

"Isang licensed na cal. 45," Sabi nitong pinandilatan si Virgel.

"Pero, iba ka. Natural ang pagdamay mo. Matapos mo akong tulungan sa Checker ay iniwan mo ako. At ng ibinili mo ako ng hotdog sandwhich, naramdaman ko ang tapat sa loob na pagtulong mo. At ng hinimas mo ang likod ko, nadama ko na parang matagal mo na akong kilala, na parang dati mo ng ginagawa sa akin ang paghagod na iyon sa likod ko," Nang sinabi nya ito ay kumandong si Mildred sa asawa.

"Nang tinulugan mo ako sa hotel sa Matnog, nadama ko, kailangan mo ako. At alam mo ba na ng gabing iyon, ay napanaginipan ko uli ang lalaki sa barko. At sa panaginip ko, may mukha na ang lalaki. At nagising ako sa paghihilik mo. Ang lalaki sa panaginip ko ay ikaw!" Niyakap ni Mildred si Virgel.

"Ikaw ang matagal kong hinintay na mag-ahon sa akin bilang estokwa," Sabi ni Mildred na niyakap at kinuyumos ng halik ang asawa.

Nakalipas ang sampung taon, nagbukas ng panibagong five star hotel sa Palawan ang kumpanya ng mag-asawang Virgel at Mildred. Apat na ang kanilang anak.

"Hon, darating yung local Tourism Board para i-cover ang bago nating hotel," Sabi ni Mildred kay Virgel.

Katuwang natin sa ribbon cutting ceremony ang undersecretary ng local Tourism board, " Sabi pa ng magandang maybahay ni Virgel.

Naka handa na ang mga kamera para kunan ng video ang ribbon cutting ceremony. Naka live TV ang naturang okasyon sa mga local na TV channel, at nasa late news ito sa national TV.

"Ikaw ang may-ari ng hotel na ito?" Di makapaniwalang tanong ng una nyang Mildred.

Hinalikan naman sa labi ng Mildred na nagmamay-ari ngayon kay Virgel, ang asawa, sa gitna ng palakpakan at paggiling ng kamera.

Wala sa loob na ginupit ng undersecretary ng local na Tourism Board ang ribbon. Nakatingin siya sa mag-asawa, na magkaakbay pa ng buksan ang champagne para sa pagbubukas ng bagong hotel ng mga ito.

WAKAS.

ESTOKWA

c.2023 Teddyray All Rights Reserve