1. Home
  2. Stories
  3. JUST ANOTHER LOVE STORY
Filipino Sex Stories

JUST ANOTHER LOVE STORY

By teddyray ·

JUST ANOTHER LOVE STORY

Bisperas na ng Bagong Taon, abala na ang lahat. Naghahanda na ang lahat para salubungin ang pagdating ng bagong taon. Alam ni Violy, madadagdagan na naman ang mga taon nya. Tulad ng mga kantyaw sa kanya ng mga co-teachers nya sa pinagtuturuang Trade School, ay madadagdagan na naman ang mga piliges nya sa mukha.

Pero, ang bawat pagsapit ng bagong taon ay nagiging makulay lang na ala-ala sa kanya, dahil kay Tim. At dahil sa isang gabi na yun, na naging mahalagang bahagi ng kanyang kahapon. Na kahit may pait, ay babalik-balikan nya sa kanyang gunita. Sapagkat iyon ang ala-ala ng kanyang unang pag-ibig.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Kaklase nya si Hasmin. Nasa 4th year high school sila sa sekundarya. Natigil siya ng dalawang taon, kaya 18 years old na si Violy, samantalang 16 years old pa lamang noon si Hasmin.

Ulila na si Violy sa ina, at hindi nya alam kung nasaan o buhay pa ba ang di nya nakagisnang ama. Sabi ng tyahin nya na nagpalaki sa kanya, ay nabuntis ang nanay nya ng isang nagtatrabaho sa NBI. Bukod sa impormasyon na iyon, wala na siyang alam tungkol sa ama nya. At sa pakiramdam nya, wala naman siyang interes pa na malaman kung ano ang status ng kanyang ama. Natanggap na nya sa sariling ulila na siya.

Hikahos din ang pamumuhay ng tyahin nya na naglalako lang ng mga paninda sa bilao sa palengke. At nag-iisa rin ito sa buhay. Kaya naman, parang ito na ang naging ama at ina nya. Itinuring siya ng tyahin nya na isang anak nya. At silang dalawa na ang naging magkatuwang sa pamumuhay.

"Mag-aral kang mabuti, matalino ka, maiahon mo lang ang sarili mo sa kahirapan, ay masaya na ako." Ito lagi ang sinasabi sa kanya ng kanyang tyahin. At sa pamamagitan ng pagtitinda nito sa palengke ay iniraos nito ang kanyang pag-aaral. Tumutulong siya sa pagtitinda nito sa araw na wala siyang pasok sa paaralan.

Sa murang edad nya, laman na siya ng palengke. Nagtitinda siya ng supot na plastic, nagbabantay sa nakalatag sa bangketang paninda nila. Natutuhan din nyang makipag-patintero sa mga pulis na nagpapaalis sa mga vendors na umuukupa sa mga bangketa.

Nasa high school na si Violy ng dapuan ng mabigat na karamdaman ang tyahin nya. Dalawang taon din bago ito naka-recover. Kaya ng muling nakapasok sa paaralan si Violy ay dalawang taon ang tanda nya sa karamihan sa kanyang mga kaklase.

Ate ang tawag sa kanya ni Hasmin. Magaan ang loob nya sa kaklase, una pa lang nilang pagkikilala.

"May naka-upo na ba dito? " Tanong ni Hasmin kay Violy. Unang araw iyon ng pasukan.

Umiling siya. Napuna ni Violy na maganda ang kaklase. Maliit lang ito, mga 4'11" lang sa tantya ni Violy ang height nito.

Nang dumating ang kanilang adviser at magroll call nalaman ni Violy ang buong pangalan nito.

"Ang ganda ng pangalan mo, parehong bulaklak. Hasmin Flores," Sabi nya sa bagong kaklase ng mag breaktime. Tinanggap nya ang alok nito na pandesal na may palaman na itlog.

"Si Papa ang nagpangalan sa akin, paborito daw nya ang bulaklak na Jasmine, pero, baka daw mahirapan akong isulat kaya tinagalog nya ang spelling," Sabi pa nito.

At magmula noon, ay naging matalik silang magka-ibigan. Bukod sa maganda at matalino si Hasmin, napaka bait pa nito. At hindi hadlang sa kanilang dalawa ni Violy ang katotohanang silang dalawa ang laging naglalaban sa pataasan ng grado sa lahat halos ng kanilang mga subjects.

Sa tingin ni Violy, likas ang pagiging matalino ni Hasmin. Samantalang siya, ay kailangan nyang magsikap, para sa kanyang tyahin, na umaasang sa pagtatapos nya ng pag-aaral, ay makakaahon sila sa kahirapan.

Kaya naman, subsob talaga siya sa pag-aaral. Ginawa nyang pagkain ang libro. Sa pagbabasa nya itinuon ang kanyang mga libreng oras.

"Congrats, ikaw na naman ang nag number one sa Algebra," Sabi sa kanya ni Hasmin.

"At ikaw naman ang consistent number one sa Panitikan," Sabi nya naman na kinamayan din ang kaibigan.

Balewala kay Violy ang mga pasaring ng mga kapwa vendors na kalalakihan sa palengke.

"Dalaga na pala si Vio, pwede ng ligawan," Sabi pa ng mga ito.

Pero, wala sa isip ni Violy ang ligaw-ligaw. Hindi pa pumapasok sa isipan nya ang mga isiping tulad nito. Ang nasa isip nya ay makapagtapos ng pag-aaral.

Subalit, nabago iyon ng makilala nya ang papa ni Hasmin.

May nagsangla na vendor sa tyahin nya ng isang second hand na cellphone. Sanglang benta iyon.

"Sa'yo na nga itong cellphone na ito," Sabi ng tyahin nya kay Violy.

"Hindi naman ako marunong gumamit nyan, " Sabi pa nito.

Nasa may stage sila at katatapos lang ng kanilang PE nang lumapit sa kanya si Hasmin.

"May load ba ang phone mo, makikitext lang ako sa bahay, may pinabibili si Mama sa palengke, na low bat ako," Sabi nito.

Mabilis nyang iniabot ang hawak nyang cellphone, at nagtext ito.

"Ok na, salamat ha? " Sabi nito, at lumayo na para magpalit ng damit.

Ilang minuto pa lang na nakaalis si Hasmin ng tumunog ang cellphone ni Violy.

Boses lalaki ang nasa kabilang linya. At nagtaka si Violy dahil parang may kakaibang dating sa kanya ang boses ng tumawag.

"Hello, nandyan pa ba si Hasmin, ang papa nya ito, pwede siyang maka-usap? " Sabi ng tumawag.

"Si Violy po ito, kaklase nya, kanina pa po siya nakaalis sa tabi ko, uwian na po namin," Magalang na sabi nya. Hindi maintindihan ni Violy ang sarili. Malakas ang pagtahip ng dibdib nya habang kausap nya ang papa ni Hasmin sa telepono.

"Gano'n ba? Sige, salamat" Sabi pa nito.

Hindi maintindihan ni Violy ang sarili. Parang naukit sa pandama nya ang boses ng papa ni Hasmin. At inilagay nya ang number nito sa kanyang phonebook. Hindi pa niya alam ang pangalan ng papa ni Hasmin, kaya ang inilagay nyang pangalan nito sa kanyang phonebook ay 'Papa'.

Ilang gabi ang nagdaan, na lagi nyang naiisip ang papa ni Hasmin. Hindi siya nagpahalata sa kaklase sa kanyang biglang pagkakaroon ng interes sa pamilya nito.

At nalaman nya na tatlong magkakapatid lang sila Hasmin, at puro sila babae. Si Hasmin ang pangalawa. At isang engineer ang papa nito.

Isang gabi, naisipan ni Violy sa subuking makipagtext sa papa ni Hasmin. Hindi siya nagpakilala, sabi nya tsinambahan nya lang ang ang numero nito. Nagulat pa si Violy ng tumawag ito.

Nasa trabaho pala ito at naka-panggabing duty.

Iyon ang naging simula ng kanilang pagiging magka-ibigan ng papa ni Hasmin. Lagi na silang nagtatawagan sa gabi, lalo at panggabi ito sa trabaho. At naramdaman ni Violy na parang nagdagdag ng inspirasyon sa kanyang pag-aaral ang pagkakaibigan nila ng papa ni Hasmin. At dumating ang sandaling komportable na siya na tawagin ito sa kanyang pangalan.

"Gusto mo ng magkita tayo, Tim? " Tanong nya dito.

"Oo, friendly date lang," Sabi pa nito.

Abot-abot ang kaba ng dibdib ni Violy ng i-set up nila ang kanilang pagkikita. Binuksan nya ang kanyang alkansya, at bumili siya ng bagong damit. Hindi nya maintidihan kung bakit gusto nya na maging magandang-maganda siya sa paningin ni Tim. At hindi nya maintindihan, kung bakit sa dami ng mga lalaki sa palengke na nagpapahayag ng kanilang pagkakagusto sa kanya, ay sa tatay pa ni Hasmin naramdaman nya ang kabog ng damdamin na nagpapabalisa sa kanya.

"Kanina ka pa?" Tanong sa kanya ni Tim ng lapitan siya. Bakit parang matagal na silang magkakilala? Bakit hindi na sila naiilang sa isa't-isa? Mahigit dalawang dekada ang pagitan ng kanilang mga edad. Pero, hindi hadlang iyon sa nararamdaman ni Violy na pagtatangi kay Tim.

"Halos kararating ko din lang," Sagot nya.

Kumain sila sa isang restaurant. Maraming pagkain na inorder si Tim. Halos ay hindi naman nakakain si Violy. Wala siyang ganang kumain. Ang nararamdaman nya ay masaya siya. At nasa isip nya na sana ay masaya rin si Tim sa pagkikita nila.

"Take out na lang natin, ang mga ito," Sabi ni Tim sa kanya.

Naramdaman ni Violy ang pagiging maginoo ni Tim. At lalong nadagdagan ang pagpapahalaga nya dito.

Natapos ang una nilang date na iyon, matapos siyang ihatid nito sa sakayan ng bus. Pina-uwi sa kanya nito ang mga pagkaing di nila naubos.

"Ang daming pagkaing uwi mo," Sabi ng tyahin ni Violy.

"Maraming handa ang may birthday," Pagsisinungaling nya. Sinabi nyang pupunta siya sa birthday ng isang kaklase nya kaninang nagpaalam siya para makipagkita kay Tim.

"Na- dis appoint ka ba sa akin, ng magkita tayo? " Tanong nya kay Tim ng tawagan nya ito.

"Hindi naman, pero, kasing edad ka lang ng panganay ko, paano kung ma-in love ako sayo, matatanggap mo ba ako? Okey lang ba sayo ang sitwasyong ganito? " Naramdaman ni Violy ang katapatan ng sinasabi nito. At naramdaman nyang lalong lumalaki ang paghanga at pagpapahalaga nya dito.

"Paano, kung ako naman ang ma-in love sayo? " Narinig na lang nyang sinasabi nya ito kay Tim sa telepono.

Mahabang patlang na katahimikan ang namagitan sa kanila bago nya muling narinig ang tinig ng kanyang kausap sa kabilang linya.

"Magkita tayo sa Linggo, sa personal natin pag-usapan yan," Sabi nito.

Nasa isang Park sila. Nasa isang sulok sila na kubli sa karamihan.

"Gusto kong maramdaman na magkasama tayo sa karamihan ng tao, gusto kong maramdaman na hindi mo ikakahiya ang age gap natin," Sabi ni Tim kay Violy.

"Ngayon, saka mo itanong ang tanong mo na kung paano kung ikaw ang ma inlove, at paano rin kung in love na nga ako sayo? " Sabi nito na nakatitig sa mga mata ni Violy.

"May asawa ako, may mga anak. Mahal ko ang asawa ko, mahal ko ang mga anak ko, matatanggap mo ba na kahati ka lang sa pagmamahal ko sa kanila?" Muling tanong ni Tim.

Nang hindi si Violy sumagot, kinabig nito ang dalaga at siniil ng halik sa labi. Iyon ang unang halik ni Violy. Nanginginig ang kanyang katawan. Para siyang kinukuryente habang naglalabas pasok ang dila ni Tim sa kanyang bibig. Pakiramdam nya ay may bahagi sa kanyang hiyas na pinupukaw ng halik na yun. Pakiramdam nya ay may umaalsa sa unahan ng kanyang hiyas at namamasa ang kanyang hiyas sa paglalapat ng kanilang katawan at paghahalo ng kanilang mga laway.

Sa ubod ng puso ni Violy, ay tanggap nya na makikihati lang siya sa pagmamahal ni Tim. Hindi siya mag-aangkin. At naisip nyang ito rin marahil ang naging rason ng kanyang ina, kaya siya isinilang na walang ama. Sa isang babae na umiibig, parang hindi mahalaga ang sasabihin ng iba. Hindi mahalaga kung ano ang mangyayari bukas. Ang mahalaga ay mabigyan ng kaganapan ang itinitibok ng puso.

Ginaya nya ang ginagawa ng dila nito. Nakipagsipsipan siya ng dila. Kay sarap pala ng pakiramdam na halikan sa bibig.

At naramdaman nyang inaapuhap ng kamay ni Tim ang kanyang basal na dibdib. Lalong lumakas ang sikdo ng kanyang dibdib, parang naghahabol ang kanyang paghinga. Napaigtad siya ng sumapo ang palad ni Tim sa dibdib nya, Naipasok na pala nito ang kamay sa llalim ng bra nya.

At parang nangati ang mga utong ng malusog na suso nya. Nasa kubling sulok sila ng Park pero may posibilidad din na may makakita sa kanila sa ginagawa nila. Pero, parang hindi na ito alintana ni Violy. Ang umaali sa kanya sa mga sandaling iyon ay ang sarap na ipinadarama ni Tim sa kanya. Napukaw na ni Tim ang hibo ng kanyang kapusukan.

"Wag na tayo dito," Bulong sa kanya ni Tim.

Sunod-sunuran na si Violy sa iniisip at gustong gawin ni Tim. At natagpuan nya ang sarili na nasa loob na sila ng isang malamig na silid.

"Sabay tayong maligo," Bulong sa kanya ni Tim.

Hubo't hubad na sila sa ilalim ng shower. Sinususo kabilaan ni Tim ang mga utong ng dalawang suso nya, habang bumubuhos sa kanilang kahubaran ang tila ulan na tubig. Kumikinyod-kinyod si Tim na parang gusto ng ipasok ang matigas nitong kahabaan sa kanyang basal na hiyas.

"Wag mo muna akong pasukin Tim," Paki-usap nya.

"Gusto kong intact pa ang virginity ko sa pagtatapos ko sa pag-aaral," Bulong nya sa katalik.

"Please…" Pagsusumamo nya.

Inilagay ni Tim ang katawan ng kahabaan ng ari nya sa naglalaway na na hiwa nito at ikiniskis ito paitaas. Naramdam ni Violy ang mainit na ari ni Tim na kumikiskis sa hiwa nya at nasasagi nito ang kanyang tinggil. Ibayong sarap ang naramdaman ni Violy sa ginagawang ito ni Tim. Inilaban nya ng kiskisan ang kanyang hiyas. Ilang mahabang sandali ang ginugol nita sa pagkikiskisan ng kanilang mga ari. Walang tigil din sa pagsuso at paglamas ng dede nya si Tim habang nagkikiskisan sila ng kanilang mga ari.

At naramdaman ni Violy na bumuga ang ari ni Tim ng mainit na likido at umabot hanggang sa pusod nya.

Naramdaman nya rin ang panginginig ng kanyang kalamnan ng makarating din siya sa rurok ng luwalhati sa pagbulwak ng sariling katas.

"Ok lang sayo Tim na hanggang ganito lang muna tayo? Kapag handa na ako, sayo ko naman ipagkakaloob ang pagka birhen ko," Sabi nya kay Tim.

Hindi naman nya naringgan ng anumang reklamo ito, sa hiniling nyang ganitong arrangement.

Nagpatuloy ang kanilang relasyon ni Tim, na lingid kay Hasmin. At hindi rin alam ni Tim na si Violy ang tinawagan nyang kaklase ni Hasmin. Wala sa hinagap nito na magkaklase at magkaibigan sina Violy at Hasmin.

"Ate Vio, malapit na ang graduation natin sa senior high, may balak ka bang mag-aral sa college? " Tanong ni Hasmin sa kanya.

Nasa school library sila noon.

"Hindi nga ako sure, alam mo naman, baka di kayanin ni Mamay na pag-aralin ako. Pero gusto ko sana kumuha ng Education, kahit dito lang sa college dito sa atin," Matapat na sabi ni Violy.

"Ako, gusto ni papa mag abugasya ako, pero gusto ko ang social work," Sabi naman ni Hasmin.

"Pag ikaw ang naging valedictorian, makakakuha ka ng partial scholarship. Konti na lang ang kailangan mong pang tuition," Sabi pa nito.

At ewan nya kung sinadya ni Hasmin, si Violy ang tinanghal na valedictorian ng magtapos sila ng senior high.

"I'm happy for you, friend," Sabi pa nito ng kapwa nila tinanggap ang award nila, si Violy bilang valedictorian at si Hasmin bilang salutatorian.

Ang mama ni Hasmin ang naglagay ng medal nito. Doon napagmasdan ni Violy ang asawa ni Tim. Sa mama ni Hasmin ito kumuha ng kutis at amo ng mga mata. Nang nginitian siya ng mag-ina, parang may naramdaman si Violy na natunaw sa puso nya. Naramdaman nya ang luhang naglandas sa pisngi nya.

Niyakap nya si Hasmin. At mariing ginagap nya ang palad ng mama nito.

"Congratulations po, sana po deserve ko ang pagpaparaya ng anak nyo," Sabi nya sa misis ni Tim. Hindi na nya hinintay pa ang reaksyon ng mag-ina.

"What's up, bakit bigla kang nagyaya na magkita tayo?" Tanong ni Tim. Bisperas iyon ng bagong taon. Sa ganap na ika-labing dalawa ng hatinggabi ay magpapalit na ng taon.

Hindi sumagot si Violy. Pero lumapit siya sa kinaroroonan ni Tim habang naka-upo ito sa gilid ng kama at nag aalis pa lang ng suot na sapatos.

Hinalikan nya ito, buong pagsuyo. Buong pagmamahal. Malambing ang halik nya. Maapoy, puno ng pagnanasa. Titiyakin nya na sa gabing ito, ay maipapalalasap nya kay Tim ang kanyang marubdob na pag-ibig.

Nabigla man at nagtataka sa ginagawi ni Violy, ay naramdaman naman ni Tim ang pag-ahon ng pagnanasa nya sa dalaga. Inaamin nya na simula ng dumating si Violy sa buhay nya ay nabago ang galaw ng kanyang mundo. Para siyang damo na nanariwa sa pagpatak ng bagong ulan. Parang nakadagdag sa tikas ng kanyang pagkalalaki na mayroong isang babae na halos dalawang dekada ang kabataan sa kanya, ay buong pusong inihahandog sa kanya ang pag-ibig at pagmamahal nito. Kahit alam nito na hindi siya nito lubusang maaangkin.

Habang hinuhubaran siya ni Violy ay hinuhubaran nya naman ang dalaga. At ng ganap na tumambad ang kanilang kahubaran, ay kapwa muna nila pinagsawa ang kanilang mga mata sa kahubaran ng bawat isa.

Pinagsawa ni Violy na titigan ang nakatingarong matikas na kargada ni Tim.

Pinagsawa naman ni Tim ang nagagahaman nyang mga mata sa mabuhok na katambukan ni Violy at sa malusog na mga suso nito.

Naunang gumalaw si Violy. Itinulak nya ng marahan pahiga si Tim. At gumawi siya sa paanan nito. Pagigil nyang hinawakan ang tarugo ni Tim, sinalsal ng marahan, at isinubo. Napa-angat ang puwet ni Tim sa sarap ng sensasyon na naramdaman nya ng ipaloob ni Violy sa kanyang bibig ang matigas at malaking kargada ni Tim,

Tanging ang "uhh, uhhh,uhhh," lamang mula sa labi ni Violy ang pumupuno sa malamig na kwarto habang naglalabas pasok ang tarugo ni Tim sa bibig ni Violy. Pakiramdam ni Tim ay parang may bolang apoy sa sentro ng kanyang pagkalalaki na nagsisiklab at tumutupok sa kanyang buong katawan. Nag-uulol na ang libog nya. Para na siyang lalabasan sa bibig ni Violy na siya naman lagi nilang ginagawa.

Pero sa pagkakataong iyon, malambing na binulungan siya ni Violy habang tumihaya ito ng higa at ibinukaka ang kanyang mga paa.

"Pasukin mo na ako Tim, angkinin mo na ang pagka-birhen ko, handang- handa na ako,"

Bumalikwas si Tim at saglit na pinagmasdan ang mabuhok na hiyas ni Violy. Paduhapang na dinila-dilaan nya muna ang hiyas ng dalaga. Basang-basa na ito. Ipinasok nya ang isang daliri nya sa masikip na butas ng dalaga habang nilalantakan nya ang mani nito.

"Ohhhh Tim, ang saraaapppp, ipasok mo na ang sayo, please," Daing ni Violy. Darang na darang na siya. Mas masarap pala talaga ang may naglalabas pasok sa kiki kaysa sa ikinikiskis lang.

Lalo namang pinagbuti ni Tim ang pag finger sa hiyas ng dalaga. Kailangang handang-handa ang hiyas nito bago nya ipasak ang kanyang matikas na kargada. Hinitit-hitit nya ng dila at hinigop-higop ang naka alsa ng tinggil nito. Napa singhap sa sarap ang dalaga. At ng rapidohin ni Tim ang pag finger sa butas ng kiki ni Violy ay hindi nito napigilan ang biglang pagbulwak ng naipong katas nito.

"Ohhhh Timmmmm, ahhhhhh," Sinabunutan nito ang katallk at ipinagdiinan ang kanyang hiyas sa bibig nito.

Biglang hinugot ni Tim ang daliri nya na nakapasak sa butas ng dalaga. Walang babala na ipinalit nya sa daliri nya ang kanyang ga-bakal sa tigas na tarugo, Napa-igik si Violy at napadilat ang nakapikit na mga mata nya ng maramdaman nya ang mainit na burat ni Tim na pumunit sa nakaharang na hymen ng kanyang basal na hiyas. Napapikit siya. May luhang naglandas sa nakasarang talukap ng kanyang mga mata.

Babalik-balikan nya sa ala-ala ang sandaling ito. Ninamnam nya ang kirot ng pagkawasak ng kanyang pagkabirhen. Subalit mas makirot ang isiping, pagkatapos ng gabing ito ay kailangan na nyang limutin si Tim.

Hinayaang maglunoy ang malaking kargada ni Tim sa kanyang hiyas. Tiniis nya ang kirot ng paggiit ng kargada nito sa masikip na butas ng kanyang hiyas. Ang kasikipan naman ni Violy ay lalong nagpapataas sa antas ng libog na lumulukob sa katauhan ni Tim ng mga oras na iyon. Kaysarap ng pakiramdam sa isiping siya ang pinagkalooban ng pagka birhen ni Violy. Saka na yung pilosopikal na pangangatwiran, kung tama ba na kunin nya ang pagka birhen ng dalaga, gayong di na nya ito mapapangatawanan.

Hindi nya maamin na ang ginagawa nyang pagpapasasa ngayon sa nagpapaubayang katawan ng dalaga ay isang pagsasamantala sa kahinaan nito. At ito ay pagtataksil sa tiwala at pagmamahal ng kanyang asawa at mga anak.

Ang mahalaga kay Tim sa mga sandaling ito ay si Violy at siya. Bibigyan nya ng masarap na kaganapan ang pagkababae nito. Ipalalasap nya kay Violy ang luwalhati ng sex.

Ang banayad nyang pag ulos ay naging marahas. Naka pikit ang dalaga habang pilit nyang inaarok ang kalaliman ng pagkababae nito. Suksok- hugot at bayo na walang humpay ang kanyang ginagawa. Parang mas lalalim pa ang aabutin ng kanyang sandata. Parang higit pang kailaliman ng katalik ang nais nyang maabot. Parang sa bawat suksok nya ay may misteryo sa pagkababae ni Violy na kanyang matutuklasan.

Pawang ungol at impit na daing ni Violy ang sukli nito sa bawat ulos ni Tim sa kanyang hiyas. At naramdaman nila kapwa na nagsasabay na ang kanilang paghingal. Nagiging parang isa na lang ang kanilang paghinga. Parang magkasanib na ang kanilang katawan sa pagkakasanib ng kanilang mga ari.

At sabay nilang naramdaman ang panginginig ng kanilang mga laman, habang ang mainit na dagta na pinakawalan ng kanilang mga ari ay naghalo sa loob ng pagkababae ni Violy.

"I love you Tim," Gustong ibuka ng bibig ni Violy. Nilunod iyon ng luha na masaganang namamalisbis sa kanyang mga mata.

"Hindi na kailangang malaman ni Tim ang tunay na nadarama ni Violy, mas magiging makirot lang ang kanilang paghihiwalay.

Nakita ni Tim ang luha na naglalandas sa mga mata ng katalik. Saka nya naramdaman ang bigat ng kanyang nagawa. Niyakap nya ang dalaga. Bakit kailangang dumating pa ito sa buhay nya? Bakit kailangan nyang umibig na muli, gayong hindi na siya malaya?

Sa magdamag na iyon, hanggang sa pagsapit ng bagong taon, ay pinagbigyan ni Violy ang kanyang sarili. Habang nagpuputukan sa labas, at nagsasaya sa pagsapit ng bagong taon, ay nagpapaputok din si Tim. Bawat putok ng kanyon nito sa kaibuturan ng pagkababae ni Violy ay isang matamis, at makirot na ala-ala. Nilubos nya ang kanilang pagsisiping ni Tim. Nagtalik sila na parang wala ng bukas. Sinaid nila ang katas ng isa't-isa.

"Hon, nasaan ka bakit di ka nagri-reply? "Ilang ulit nang text ni Tim kay Violy. Na lo bat na ang cellphone nya sa katatawag. Isang naka-ngingilong recording ang sa tuwina'y sumasagot.

"The number you dial can not be reached,"

Itinapon ni Violy ang SIM card nya. Nagpalit siya ng SIM. Nasa bus sila ni Mamay nya. Pauwi sila ng Bicol. Taga doon ang angkan ng nanay nya. Naglalaro sa balintataw nya si Hasmin at ang mama nito. Iisipin nya na lang na isang magandang panaginip ang pag-ibig nya sa ama ni Hasmin.

Nakapag-enroll siya sa isang Community College sa lungsod ng Naga. At dahil valedictorian siya ay kalahati lang ang kanyang binayaran. At na refund pa ito ng matanggap siyang student assistant. Kung saan-saan siya naasign sa loob ng kolehiyo sa pagiging SA nya. Minsan ay sa library, minsan ay sa school canteen, at minsan naman ay sa Registrar's office. Wala siyang inurungang trabaho. Nag tutor din siya ng malapit na siyang matapos. At ng maging LET passer siya ay nag Master siya habang nagtuturo.

Pagkaraan ng mahigit na sampung taon ay nakatanggap si Violy ng imbitasyon na maging guest speaker ng kanilang alma mater sa graduation rites nito. Ang paaralang pinagtapusan niya ng Senior High. Isa na siyang proffessor sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.

Naisipan nyang pagbigyan ang imbitasyon. May halong kaba at excitement ang nararamdaman nya ng bumaba siya mula sa kanyang sariling sasakyan. Parang kailan lang, kay bilis ng panahon. Sumasariwa sa ala-ala nya ang kanyang high school days. At malaking bahagi doon si Hasmin, at syempre ang ama nito.

Nagulat si Violy ng makita ang sumasalubong sa kanya habang papasok siya sa faculty room. Hindi pa nagsisimula ang graduation ceremony, nakapila ang mga candidates for graduation para sa graduation march.

"Ate Vio," Hindi nya malilimutan ang maganda at maamong mukha ni Hasmin.

Nahilam sa luha ang kanyang mga mata.

"Congratulations, Ate, I know you have arrived," Sabi nito, na ang ibig nitong ipakahulugan ay may narating na ang kaklase.

"Naging inspirasyon ko, ang pagpaparaya mo," Bulong nya kay Hasmin.

"Alam kong kaya mong maging valedictorian, pero mas pinili mong maging salutatorian," Dugtong nya. Hindi idinugtong ni Violy ang nasa isip nya.

Ang unselfishness ni Hasmin ang gumising kay Violy, para putulin ang bawal na relasyon nila ni Tim.

"Nandyan si papa sa audience. Siya ang humiling sa Alumni Association na hanapin ka para maging guest speaker sa graduation ceremony na ito," Dugtong pa ni Hasmin.

"May limang taon na, na namayapa si mama," Bulong pa ni Hasmin.

Lalo pang nahilam ang mga mata ni Violy ng matanaw niya ang papa ni Hasmin na kumakaway sa kanya.

"Payag ka bang hindi na Ate ang itatawag mo sa akin kundi mommy na?" Tanong ni Violy kay Hasmin.

Tumango lang ang kanyang kaklase, kaibigan, inspirasyon, at ngayon ay 'anak' na nya. At nagyakap sila ni Hasmin habang inihahanda ni Tim ang sasakyan nila patungo sa kanilang honeymoon.

WAKAS…

JUST ANOTHER LOVE STORY

c.2023 Teddyray All Rights Reserved