MENCHIE
MENCHIE
Nasa labas ako ng opisina nang pinagtatrabahuan kong isang engineering maintenance company, ng mapansin ko na kausap ng gwardya naming si Mang Vic ang lalaking iyon. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan.
"O, ito pala si Arvee, siya ang kausapin mo," Sabi ni mang Vic ng makalapit ako sa dalawa.
"Naghahanap daw ng trabaho, sir, " Sabi pa ni mang Vic.
"Sir, baka naman may bakante, kahit helper," Sabi ng lalaki.
Napuna ko na lagi nyang ipinipikit ang kaliwa nyang mata. At naiilang ako sa mannerism nyang ito. Pero tamang-tama lang ang dating nya kasi, nagresign kahapon yung isang helper namin.
Pinapasok ko siya sa opisina at pina-fill up ko ng application form. Ako ang Supervisor ng aming kumpanya na may malalaking maintenance contrct dito sa Makati City at mga karatig na lunsod. Supplier kami ng mga cooling towers at mga HVAC equipment. Supply, imstall and maintain ang mode ng business ng kumpanyang pinagtatrabuhan ko. Isa akong RME o registered mechanical engineer.
Nagtataka ako, dahil isang oras na ang lalaki sa pag-fill up ng application form, ay hindi pa ito natatapos. Nang nilapitan ko siya, nakita kong tanging John Bautista ang naisulat nya sa application form. At para pang kinalahig ng manok ang sulat nya. Tinawag ko siya sa lamesa ko.
"Sir, pangalan ko lang ang kaya kong ipirma," Pag amin nito sa akin.
Naging pamantayan ko na iniaadjust ko ang qualifications ng mga tao ko, depende sa inaaplayan nila. Since helper lang ang inaaplayan nya, magiging discriminatory para sa kanya kung hindi ko siya tatanggapin, gayung nangangailangan ako ng helper.
Sa painot-inot na pagtatanong ko sa kanya ay natapos kung lagyan ng mga datos nya ang application form nya.
Masipag si John, wala siyang angal sa mabibigat na trabaho tulad ng pagkakarga ng mga acetylene at oxygen tanks, mga welding machines na gamit namin sa installations ng Heating, Ventilations and Airconditioning equipment (HVAC).
Ang kapuna-puna lang sa kanya, ay ang kahinaan nyang ma-grasp yung logic ng iniuutos sa kanya. Kaya ang comment sa kanya ng mga kasama nya sa trabaho ay may pagka-sintu-sinto si John.
Kaya kadalasan ay pinaglalaruan siya ng mga kasamahan nya sa trabaho. Pero magkasundo kami ni John.
"Kundi dahil sa inyo sir, di ako matatanggap dito, at tatanawing kong malaking utang na loob sa inyo ito," Sabi pa nito. At parang nahihiya ako minsan sa ginagawa nya. Siya ang personal na naglilinis ng mesa ko, at maging ang sapatos ko ay pinakikintab nya. Naka working shoes ako pag nasa field kami. At iba ang suot kong sapatos pag nasa office ako.
Kaya kahit may pagka-sintu-sinto si John ay tinanggap naman siya sa opisina dahil bukod sa pagiging helper, ay siya pa rin ang janitor at errand boy sa aming office.
May asawa na ako noong mga panahong iyon. Dalawang taon palang akong kasal at wala pa kaming anak. Mas bata sa akin ang asawa ko ng anim na taon. Nakasama ko sa pabrika ang naging misis ko. At ng ikasal kami, ay hindi ko na siya pinayagang magtrabaho.
Araw-araw ay sumasakay ako ng bus sa pagpasok ko sa trabaho mula sa Bulacan, kung saan kami nakatira. At sa bus ko nakatagpo si Menchie.
Halos puno na ang bus. Naka-upo ako sa window side ng tatluhang upuan ng ordinaryong bus na sinasakyan ko ng huminto ang bus at sumakay ang isang babae na nakasuot ng uniporme ng isang eskwelahan sa may Novaliches, Quezon City. Nang bumulaga ang babae sa pintuan ng bus ay napansin kong parang napaka-ikli naman ng kanyang palda. Parang, sa kaunting pagtuwad nito ay masisilip mo na ang nasa pagitan ng hita nito. Naka heels pa ang babae. Pero morena lang ito, at maganda.
Itinuro ng konduktor ang upuan na nasa gitna namin ng matabang babae na nasa unahan ng tatluhang upuan.
"Mama, baka naman pwede ako dyan sa bintana," Paki-usap sa akin ng babae ng nakaupo na ito at natiketan na ng konduktor.
Napansin ko kaagad ang boobs ng babae. Una sa mata, at pangalawa ay sa boobs ang kadalasang tinitingnan ko sa babae. May ipinagmamalaking boobs ang babae.
Walang kibo akong tumayo at nagpalit kami ng upuan. Para akong nakuryente sa pagkakapagitna ko sa dalawang babae.
Masarap ang pakiramdam ko na sa pagkalog-kalog ng bus kapag ito ay nalulubak, at tumatama ang braso ko sa ilalim ng bra ng babae na nasa may bintana. At parang naabuso naman ang pakiramdamdam ko kapag parang sinasadya ng matanda at matabang babae na ipasagi sa akin ang dibdib nito sa tuwing tumatalbog-talbog ang bus sa tuwing malulubak ito.
Pagkaraan ng kulang isang oras na byahe, parang naaalimpungatan pa ang babae na pumara. Sa pagkakataong ito ay naiunat ko ang isang paa ko na nangawit sa matagal na pagkaka-upo sa bus. Nataon naman sa paghakbang ng babae.
Mabuti na lamang ay naalalayan siya ng matandang babae.
"Pasalamat ka at pababa na ako," Mataray na sabi sa akin ng babae matapos magmura.
Kung bakit naisipan kong kunin mula sa wallet ko ang isa sa mga cards ko na nasa wallet ko, at inihagis ko sa babae ng nakababa na ito ng bus, at muli akong napwesto sa bintana.
"Tawagan mo ako dyan, at ituloy mo ang pagmumura mo," Sabi ko pa sa babae.
Hindi ako madaling mapikon, pero, nainis ako sa malulutong na pagmumura nya, Ayoko ng nakakarinig ng nagmumura, lalo kung babae ito.
Nawala na sa isip ko ang pangyayaring iyon ng dumating ako sa office. Nadatnan kong may nililihang personal refrigerator si John,
"Pinaayos ni Dang ang ref nya, eh pinaayos na rin yung mga kalawang," Sabi sa akin ni Ronald. Isa sa mga technician namin. Si Dang ay ang secretary ng aming boss. Tatlong beses lang sa isang linggo nag-oopisina ang aming boss dito sa office namin sa Makati. At pag wala siya dito, ay ako ang gumagawa ng trabaho nya, maliban pa sa pagiging maintenance supervisor ko.
"Eh bakit parang pipinturahan na yang ref?" Tanong ko.
"Eh kasi, niliha ng husto ni John, pinakinis nya ang harap," Sabi ni Leo na isa pa naming helper, sabay turo sa makinis na makinis na pinto ng refrigerator.
"John, kumuha ka ng cnemical sa stockroom at i-strip to metal nyo na lang yan bago bugahan ng primer. Ronald, ikaw ang magbuga dyan ng pintura pagkatapos, lagot kayo kay Dang pag lumabas na di maganda yan," Sabi ko sa tatlo.
"Pambihira, napagastos pa tuloy ako," Sabi ni Dang ng malaman ang ginawa ni John sa ref niya.
"Ayaw mo no'n, parang bago na uli ang refrigerator mo," Sabi ko naman.
"May tawag ka sa line one," Sabi sa akin ni Dang. Nadatnan ko na umiilaw ang line one ng landline ko.
Ako ang tumatanggap ng mga inquiry tungkol sa mga services namin. Kasama na doon ang mga complaints at lahat ng nauukol sa maintenance at installation services ng kumpanya.
Babae ang nasa kabilang linya.
"Hello, kayo po ba si Arvee Domingo? " Tanong sa akin ng nasa kabilang linya. Malumanay ang boses ng babae. May lambing ang boses nito sa aking pandinig.
"Ako nga, may know how I can be of service to you? " Magalang kong sabi.
"Ako yung babae na pinatid mo sa loob ng bus," Biglang sabi nito.
Naalala ko naman ang pagmumura nya.
"Correction Miss, hindi kita pinatid. Ikaw ang hindi tumingin sa hinahakbangan mo. At saka parang hindi bagay sa katulad mo na nagmumura ng gano'n, nag-aaral ka pa naman," Sabi ko.
Gusto ko ng ibaba ang telepono, baka may mas importante pang tawag, kaysa makipagtalo sa mataray na babae na kausap ko.
"Sorry, nabigla lang ako noon," Sabi nya sa kabilang linya.
Medyo, nakalma ako sa paghingi nya ng sorry.
"Okay, accepted na ang sorry at pasensya na rin na ang paa ko ang naging na kamuntikan ka ng mapasubsob sa bus," Sabi ko.
"Pwede ba tayong maging magka-ibigan?" Tanong nya.
"Pwede naman, bakit hindi," Sagot ko.
At iyon ang naging simula ng pagtawag-tawag nya sa opisina.
"Pwede ba tayong magkita bukas? " Tanong nya sa akin. Linggo kinabukasan, at wala akong pasok. Sa mahigit na dalawang taon naming pagsasama ng misis ko, ni minsan ay hindi ko pa naranasang tumingin sa ibang babae. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na magiging tapat ako sa bureau. At iyon ang sumpaan namin ni misis na walang kakaliwa.
Pero, siguro, minsan talaga dumarating ang ganitong mga pagkakataon na susubukin ng tadhana kung hanggang saan ang katatagan mo sa kaway ng tukso.
"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya ng salubungin nya ako sa likurang pintuan ng simbahan ng parokya ng Novalicnes.
Tumango si Menchie. Mas maganda siya sa kanyang suot na bestida kaysa sa suot na na uniporme sa paaralan.
Wala pa akong nararamdaman sa kanya. Parang natural lang na naroon siya, babae, at naroon din ako, lalaki.
Wala pa akong nararamdamang ano mang damdamin na sa tingin ko ay maglalapit sa aming dalawa.
"May kasama ako," Bulong nya.
Nagulat ako sa sinabi nya. Niyaya nya ako sa harap ng altar ng simbahan. Lumapit kami sa isang babae na taimtim na nagdarasal sa unang hilera ng mga upuan sa loob ng simbahan.
"Ma, si Arvee, siya ang sinasabi ko sayo," Pakilala sa akin ni Menchie sa kanyang ina.
Napakamot ako sa ulo ko. Naisip kong tama ba ang naging desisyon ko na makipagkita sa kanya.
"Ikaw lang lagi ang laman ng kwento ng anak ko," Sabi sa akin ng mama ni Menchie.
"Palagay ko, in-love sayo ang anak ko," Diretsahang sabi sa akin ng mama ni Menchie, nang magpunta sa CR si Menchie ng nasa Jollibee kami at pinakain ko ang mag-ina.
Ang totoo, parang gustong-gusto ko ng umuwi at iwanan ang mag-ina ng mga oras na iyon. Tanging ang pagiging maginoo at tamang etiketa ang humahadlang sa akin na iwanan ko ang mag-ina.
Siguro, dahil sa wala naman akong nadaramang ano mang damdamin kay Menchie ng mga sandaling iyon.
"Gusto mong makarating sa amin?" Sabi ni Menchie, matapos siyang manggaling sa CR.
"Isama natin si Arvee sa tyahin mo sa Valenzuela, may padespedida ang tito mo mamaya di ba?" Sabi naman ng mama ni Menchie.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatanggi.
Parang may kasayahan nga na magaganap doon sa pinuntahan namin sa Valenzuela. Ipinakilala ako ni Menchie sa mga kamag-anak ng mama nya.
"Si Arvee, fiancee ko," Pakilala nya sa akin sa mga pinsan nya at sa kanyang tyuhin na paalis papuntang Amerika.
Ewan ko kung bakit nawalan ako ng dila para tutulan ang pagpapakilala nya sa akin bilang fiancee,
"Dito na raw tayo matulog kina tito, "Bulong sa akin ni Menchie. Alam ko, marami na akong nainom. Mas marami ang nakalatag na alak kaysa sa manginginom. Quota na ako. Puno na ang bahay alak ko.
Mabuti at nakatawag ako sa bahay na hindi ako makaka-uwi. Kapisan naman namin ang nanay ng misis ko sa bahay. Byuda na ito at may edad na, kaya ipinasiya namin ni misis na sa amin na ito tumira para may kasa-kasama siya.
"Bakit narito ka sa tabi ko?" Tanong ko kay Menchie.
"Kailangan pa bang i-memorize yan?" Sabi nya sa akin matapos maisara ang pinto.
"Ang mama mo," Tanong ko na parang umiikot ang paningin ko.
"Tulog na tulog na si mama sa kabilang kwarto kanina pa," Sabi pa nito na unti- unting hinuhubad ang polo ko.
Pupunasan kita ng mainit na tubig para gisawan ka," Bulong pa sa akin ni Menchie. At sa mga sandaling iyon, naramdaman kong babae si Menchie at lalaki ako. Ang dantay ng kanyang malambot na palad sa dibdib ko ay naghatid sa akin ng parang kuryente na pumukaw sa pagnanasa ng nasa pagitan ng aking mga hita.
Naka-brief na lang ako habang masuyo nyang dinadampian ng mainit na bimpo ang aking katawan. Bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa labi. Walang pagtutol na naramdaman ako mula sa kanya sa aking ginawa. Bagkus ay sinuklian nya ang mainit kong halik.
" Gusto mo bang nakabukas lang ang ilaw? " Tanong nya habang unti-unti nyang hinuhubad ang kanyang bestida. Si Menchie pa lang ang pangalawang babae sa buhay ko maliban kay misis. Magka- contrasts sila ni misis. Morena si Menchie, samantalang maputi si misis. Pero sa hubog ng katawan ay hindi sila nagkakalayo, maging sa kani-kanilang katambukan.
Tumango ako. Tumayo siya at pinatay ang ilaw at tumabi sa akin.
"Aaminin ko sayo na hindi na ako birhen, bago mo ako angkinin," Bulong sa akin ni Menchie, matapos kong maramdaman na bumaba siya sa paanan ko at ibinaba nya ang brief ko.
Napaigtad ako ng isubo nya ang aking kaangkinan. Naramdaman kong sanay na sanay ang kanyang bibig sa pagpapaligaya sa ari na nakasubo sa kanyang bunganga. Pinaikot-ikot nya sa loob ng kanyang bibig ang ulo ng ari ko. Kapag inululuwa nya ito ay sinasalsal nya ito, saka muli nyang isusubo. Naramdaman kong dinila-dilaan nya din ang dalawang itlog na nakalawit sa ibaba ng ari ko, at marahang nyan pinipisil habang namamaybay ang dila nya sa kahabaan ng tarugo ko.
Pakiramdam ko ay lalong naantig ang libog ko habang inilalabas-pasok nya ang ari ko sa bibig nya. Matagal na pinagsawa nya ang kanyang bibig sa katigasan ng aking ari.
At ng maramdaman nyang lalo itong naninigas, ay inupuan nya ito. Ang sarap ng pakiramdam ko ng humakab ang hiyas nya sa tarugo ko. Ang libog na lumukob sa akin ng tuluyang magsanib ang aming mga ari ay nagpasiklab sa pagnanasa ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagsirit ng libog sa aking katawan. Naghahanap ito ng katugong libog.
Nagsasabay ang pagsasalpukan ng aming mga ari. Parang well oiled na makina ang kanyang hiyas sa pagtanggap sa kahabaan ko. Bawat indayog nya sa harapan ko ay lalong nagpapadulas sa kanyang hiyas. Pigil na pigil ang aming mga ungol. At hindi maiwasan ang paglangitngit ng kama sa mainit na pagtaralik namin.
Nasanay na ang mata ko sa dilim. At naaaninag ko ang tila pangangabayo ni Menchie sa ibabaw ko. Paurong-sulong ang ginagawa nyang pagkiskis ng kanyang hiyas sa lalo pang tumigas na tarugo ko. Gumigiling siya sa ibabaw ko. At sa paggiling ng puwet nya sa bawat bagsak ng hiyas nya sa katigasan ko, ay parang pinipiga nya ito. Ang init na idinudulot nito sa ari ko ay lalong nagpapasulak sa libog ko.
At nararamdaman kong malapit na malapit na ako sa sukdulan. Pafang puputok na ang imbakan ng tamod ko.
Naramdaman ko ring malapit na rin siya sa sukdulan. Hinagilap nya ang aking mga kamay ng kanyang kamay. Hinatak nya ako at napaupo ako paharap sa kanya. Hinalikan nya ako sa labi habang pinakakawalan nya ang dagta ng kanyang pagnanasa.
Siya naman ang pinatihaya ko ng hindi naalis ang pagkakahugpong ng aming mga ari. Biglang iniyapos nya ang dalawa nyang paa sa likuran ko habang inuulos ko siya. Halos ay hindi ko maiangat ang pagkakatarak ng tarugo ko sa hiyas nya dahil sa pagkakayapos ng dalawang paa nya sa likuran ko. Pero sinusuklian nya naman ng pagkinyod ang bawat ulos ko. At ng tuluyan maramdaman ko ang pagbulwak ng imbakan ng tamod ko, ay naramdaman kong nagpakawala pa si Menchie ng pangalawang dagta mula sa kanyang hiyas.
"I love you Arvee," Bulong ni Menchie habang ninanamnam nya ang sarap ng aming pagtatalik.
"Sir, nandyan po sa labas ng gate yung misis nyo raw," Sabi sa akin ni mang Vic na hinanap pa ako sa canteen. Nagtaka ako, kasi hindi alam ni misis kung paano puntahan ang trabaho ko.
Si Menchie ang nabungaran ko sa guardhouse.
"Anong ginagawa mo dito,"Tanong ko sa kanya.
"Hindi ka nagpupunta sa bahay, at hindi mo tinatanggap ang mga tawag ko, kaya hinanap ko itong work mo, " Sabi nya.
Naka tingin sa aming dalawa ni Menchie si Mang Vic, kaya napilitan akong isama ito sa canteen. At nakita ko doon si John. Tinawag ko ito.
"John, may ipapakilala ako sayo," Sabi ko kay John.
May sasabihin pa sana ako ng makita ko si Dang na sumesenyas sa akin na may tawag ako.
"John, bahala ka muna kay Menchie at may tawag lang ako," Sabi ko.
"Menchie, kumuha ka ng gusto mong pagkain sa canteen, sabihin mo kay manang na ilista sa akin," Sabi ko pa bago ako umalis.
Matagal ako nakabalik sa canteen kasi si boss ang tumawag.
Nang makabalik ako, kumakain na ng meryenda si Menchie at parang magka-palagayang loob na ang dalawa. Parang natutuwa naman ako na makitang komportable si John at si Menchie sa isa't-isa.
"Mukhang nagkakilala na kayo sa isa't-isa," Sabi ko kay John.
"Yes sir, at promise, kung ano ang turing ko sa inyo, ganoon din ang turing ko kay ma'am Menchie," Sabi pa ni John.
"Batang-bata pa pala ang misis mo, sir Arvee," Bulong sa akin ni mang Vic ng ihatid ko sa labas ng gate si Menchie. Napa-buntung hininga ako. Paano kung magpunta sa trabaho ko ang tunay na misis ko? Karangalan bang maituturing na may babae ako ?
"Pag di ka umuwi sa amin dito sa Gumaoc, pupuntahan uli kita dyan sa trabano mo," Banta sa akin ni Menchie.
At muli, ay natuto akong maglubid ng mga kasinungalingan sa misis ko. Kesyo may magdamagang overtime kami, at hindi ako makaka-uwi.
"Nagluto ako ng ginataang pusit," Sabi ni Menchie.
"May dala akong lechon manok," Sabi ko naman.
Pero, hindi ang literal na pagkain ang ipinunta ko sa kanila, kundi ang masarap na putahe na kanyang inihahain sa akin hindi sa lamesa, kundi sa kama.
Mayroon na akong asawa. At inihahain din naman nya ang inihahain ni Menchie sa akin. Pero bakit kailangan kong tumikim ng iba?"
Ang relasyon ba ay tulad sa tubig na pag natapon sa lapag ay maghahanap ito ng sariling level. At kapag narating na nito ang level na iyon, ay saka lang ito titigil para tumining sa kanyang kinalalagyan?
"Mahal kita Arvee, at natatakot akong magtanong kung mahal mo rin ako," Bulong sa akin ni Menchie.
"Tama na sa akin na minsan ay narito ka, pareho lang marahil kami ng kapalaran ni mama," Sabi pa nito.
Hinagkan ko siya. Hindi ko tiyak ang damdamin ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko, at hindi ko siya maipagpapalit kay Menchie. At sa ubod ng puso ko ay wala akong nadaramang pagmamahal kay Menchie. Awa ang nadarama ko sa kanya. Kasi, hindi ko masusuklian o matutumbasan kaya, ang sinasabi nyang pagmamahal sa akin.
Pero, bakit narito ako ngayon sa tabi nya. Nakahubad kami, at muli naming pagsasaluhan ang isang masarap na pagtatalik. Ang minsan ay masasabing panandalian, subalit kapag naulit ng naulit, hindi na iyon panandalian.
Nangangaykay na kami pareho sa libog. Nakalukob na ang pagnanasa sa aming katawan. Nakatuwad si Menchie habang inuulos ko siya mula sa likuran. Ang makinis at bilugang puwet ni Menchie ay sumasabay sa bawat ulos ko. Sinasabayan nya ng pag-urong sulong ng kanyang puwet ang bawat pagbayo ko sa kanyang hiyas. Sinasabayan nya ng impit na pag-ungol ang bawat pagbaon ng kahabaan ng tarugo ko sa kanyang lagusan. Walang humpay ako sa pagbayo. Ang pagkiskis ng ari ko sa lagusan ng kanyang hiyas ay nagdudulot sa amin ng ibayong init ng pagnanasa. Habang patuloy ako sa pagkantot sa napakainit nyang hiyas, lalo lamang itong parang nag aapoy sa libog.
Pa rapido na ang bilis ng pagsakyod ko. Nararamdaman kong pareho na kaming naghahabol ng paghinga. Kay bilis na ng sikdo ng aming dibdib. At pakiramdam ko ay may nakatakda ng sasabog sa sentto ng aking pagkalalaki.
"Lalabasan na ako, Menchie," Bulong ko, habang pinanay-panay ko na ang marahas na pag-ulos sa basang-basa na nyang hiyas.
"Nilabasan na ako kanina, Arvee, pangalawa na itoooohhhh, uhhhh, uhhhmmm," Bulong ni Menchie na iginiling-giling ang kanyang puwetan. Lalo namang nag-ulol ang libog na nadarama ko. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng kanyang balakang, at ubos diin akong kumadyot upang maisagad ko ng higit ang aking kahabaan. At ng maramdaman kong parang may hinanggaan ang ulo ng ari ko ay doon ko idinilig ang malagkit na gata ng aking pagnanasa.
Napadapa siya sa kama, na nakabaon pa ang tarugo ko sa kanyang hiyas. Hinalik-halikan ko siya sa buhok habang nakadapa ako sa likod nya, at hinihintay namin ang ganap na paghupa ng aming orgasmo.
Habang tumatagal ang aming relasyon ni Menchie ay lumalaki ang nagiging kasalanan ko sa misis ko. At lumalaki din ang nagiging pagkukulang ko sa kanya.
"Buntis ako," Masayang-masaya ang misis ko ng ibalita nya ito sa akin.
At doon ko naisip, kailangan ko ng wakasan ang relasyon namin ni Menchie. Alam kong hindi ito makatarungan sa misis ko. At hindi rin naman makatarungan para kay Menchie ang aming bawal na relasyon.
Kaya, naisip kong magbago ng trabaho. Nag-apply ako sa bilang isang reefer engineer sa barko. At dahil RME ako, madali akong natanggap sa isang internation shipping company. Pag wala ako sa Pilipinas, hindi na ako maliligalig pa ni Menchie. Ito ang lohika ng desisyon ko.
"John, may girlfriend ka na ba? " Tanong ko kay John.
Nakatakda na ang flight ko, at nakapaghain na ako ng resignation. Kasalukuyang nasa Turkey ang barkong sasakyan ko.
Tinawanan ni John ang tanong ko.
"Sa tingin ko sir, walang magkakagusto sa akin sa kapansanan kong ito," Sabi nito na ang sinasabi nyang kapansanan ay ang pagpikit-pikit ng isang mata nya.
"Sumama ka sa akin, at may ibibigay ako sayong girlfriend," Sabi ko sa kanya.
Tinawagan ko si Menchie para magkita kami sa Doroteo Jose sa Sta Cruz, Manila. Kasama ko si John ng magkita kami ni Menchie sa harap ng LRT station.
"Menchie, paalis ako, at unfair sayo at sa misis ko kung magpapatuloy pa ang ating relasyon, " Sabi ko sa kanya. Nasa malayo si John at hindi nya naririnig ang aming usapan.
Nangingilid na ang luha ni Menchie. At parang naiiyak na rin ako. Pero, kailangan kong maging matatag. Tinawag ko si John. Susukot-sukot naman na lumapit ito sa aming kinaroroonan.
"Si John na ang bahala sayo," Sabi ko kay Menchie.
"John, bahala ka na kay Menchie," Sabi ko kay John.
"Ano ba Arvee, ano ako, tuta na ipinamimigay?" Sabi ni Menchie na tuluyan ng nalaglag ang luha nito.
Tumalikod ako. Nagmamadali kong nilisan ang lugar na iyon.
Makalipas ang sampung taon, nasa Pilipinas ako. Bakasyon ko. Parang kailan lang ang sampung taon. At naalala ko si Menchie at saka si John. Nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Menchie. Alam kong di nya ako mapapatawad sa ginawa ko.
May kasabihang, ang isang kriminal daw ay babalik at babalik sa pinangyarihan ng kanyang krimen,
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harapan ako ng gate ng dati kong pinapasukan. Iba na ang guard, at marami ng nabago ang sampung taon na pagkakawala ko sa kumpanyang iyon. At naramdaman kong ang nostalgia na iniisip ko na magbabalik ng magagandang ala-ala sa dati kong pinapasukan ay nasa isip ko na lang.
Patalikod na ako, ng may tumawag sa akin.
"Sir Arvee!" Hindi ko malilimutan yung boses ni John.
Niyakap nya ako ng magpang-abot kami. Yakap iyon para sa isang matagal na nawaly na kaibigan.
"Dito ka pa rin ba nagtatrabaho?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya.
Parang gusto kong kumustahin si Menchie, pero nag-aalangan ako.
"Dito ka nakatira?" Tanong ko kay John ng pumasok kami sa tarangkahan ng isang bungalow.
"Maganda na rin pala ang pagbabago na ibinigay ng lumipas na sampung taon kay John.
At para akong sinampal ng nasa loob na kami ng bungalow. Nasa wall ng maluwang na sala ang larawan ni Menchie na naka toga, at ang larawan nito na may kasamang batang babae.
"Nasaan sila," Tanong ko kay John.
"Baka nasa Mall, dumideretso sila sa Mall galing eskwela," Sabi nya.
Matagal akong di nakapagsalita. Parang pakiramdam ko ay may bikig ang lalamunan ko.
"Aalis na ako, wag mo ng sabihin sa kanya na nagkita tayo, at nagpunta ako dito," Sabi ko na may naramdaman akong garalgal sa boses ko.
Palabas na ako ng tarangkahan ng bumababa si Menchie sa kotseng minamaneho nito. Pareho kaming parang tuod na itinulos sa pagkakatayo.
Naramdaman ko ang mainit na halik at yakap ni Menchie.
"Hindi ako nawalan ng pag-asa na hahanapin mo rin ako, Arvee,"Bulong ni Menchie.
"At hindi ako nawalan ng pag-asa na makakapiling din ng anak ko ang kanyang ama," Sabi pa nito.
"Hindi ko pinabayaan si ma'am Menchie, di ba sabi mo sir, ako ang bahala sa kanya? Hindi ko pababayaan ang misis mo sir!" Sabi ni John. Misis ko siya, ang pakilala ni Menchie kay John sa canteen ng una itong magtungo doon.
"Hindi ko alam na buntis ako ng iwan mo ako kay John sa Doroteo Jose, sa tulong ni mama at ng ate ko na nasa abroad, ay nakatapos ako ng Business Management, at nagtatrabaho ako ngayon sa isang bangko," Sabi pa ni Menchie.
Si John ay pinagawan nya ng bahay sa likuran. At ito ang kanyang kasama sa bahay.
"May konti-konti si John, pero ang loyalty nya sayo, ay hindi matatawaran," Sabi pa ni Menchie.
Nang umalis ako sa bahay ni Menchie ay naisip kong kailangan kong tanggapin na mayroon akong extended family. At kailangan ko itong ipaliwanag kay misis na pare-parehong magiging makatarungan sa kanilang dalawa ang desisyon ko.
WAKAS.
MENCHIE
c. 2023 Teddyray All Righis Reserved