1. Home
  2. Stories
  3. All Is Fair 8
Filipino Sex Stories

All Is Fair 8

By kentpent ·

Disclaimer:

The story, all names and incidents portrayed in this series are fictitious. No identifications with actual persons (living or deceased), places, buildings, and products is intended or should be inferred.

Ang istorya, lahat ng pangalan at mga pangyayari na nilalarawan sa seryeng ito ay kathang-isip lamang. Walang pagkakakilanlan sa aktwal na mga tao (buhay o namayapa), mga lugar, mga gusali at mga produkto and sinadya o mahihinuha.

Author's Note: Yow! Kung sino ka man, may disclaimer ako sa unahan oh. Whatchu gon' do? Arte-arte ayaw ng may disclaimer sa unahan. Edi 'wag mo basahin. Not my problem. Sa mga may balak naman magbasa, enjoy the rollercoaster! Salamat sa pagbabasa!

Kung naguguluhan ka sa kwento baka hindi mo pa nababasa 'yung mga naunang chapters/parts nitong story. Para naman sa mga sumusubaybay dati, sorry ngayon lang. Medyo busy eh. Kung naguguluhan din kayo sa kwento, pwede niyo ulit basahin 'yung previous stories. Salamat!

PS. Walang sex scene dito!

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

…CONTINUATION

….Biglang bumusina at nagbukas ng headlights ang isang puti na Civic FD sa kabilang side ng kalsada…

Nangatog ang mga tuhod ko nang magbukas ang pinto ng puting sasakyan at lumabas si Aiden.

Natulala ako sa nangyayari. Agad akong naglakad papunta sa kabila ng sasakyan ni Ivan, tatawid na sana ako nang makita ko si Aiden na pasalubong sa'kin. Nang magtagpo kami sa gitna ng kalsada, humawak ako sa braso niya pero tiningnan niya lang ako ng masama at patuloy na naglakad papunta sa sasakyan ni Ivan. Napalingon ako sa nobyo ko na naglalakad papalayo sa'kin. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ni Ivan sa loob ng sasakyan dahil tinted ito.

BLAG! BLAG! BLAG!

Nang makarating si Aiden sa driver's side ng sasakyan ni Ivan ay kinalabog niya ang salamin, dahan-dahang ibinaba ni Ivan ang salamin ng bintana. Saglit na sumulyap si Aiden sa'kin, nakakasugat ang tingin niya. Dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana, bahagyang yumuko si Aiden para sumilip sa bintana ng sasakyan. Pakiramdam ko'y hinintay lang niya makababa ng sagad ang salamin, agad niyang inundayan ng suntok si Ivan.

Ikinagulat ko ang ginawa niya. Napatakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko nang sunggaban ni Aiden si Ivan ng suntok. Matapos ang isang sapak, binawi ng aking nobyo ang kanyang kamay at parang nag-aabang pang muli ng pagkakataon. Wala pang isang segundo'y sinundan muli ni Aiden ang pinakawalan niya kanina. Bigla niyang pinasok ang ulo niya sa loob ng bintana, kasama ang isang kamay. Ilang saglit lang ay nabuksan niya ang pinto sa driver's side ng sasakyan. Umatras siya konti para bigyang laya ang pinto. Nasulyapan ko si Ivan na nakayuko at nakahawak sa mukha niya.

Nanatili akong nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito ang side ni Aiden na hindi ko pa nakikita. I didn't know he was capable of this kind of violence. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Yumuko ulit si Aiden at sinilip si Ivan sa loob, dinukot niya palabas si Ivan. Nahulog ang kawawang lalaki sa sahig habang kaladkad siya ni Aiden.

Aiden: "ANO?! ETO BA 'YUNG PINAGMAMALAKI MO SA'KIN?!"

Natauhan ako. Kahit takot at nangangatog ang mga tuhod, tumakbo ako palapit kay Aiden para pigilan siya. Humawak ako sa braso niya pero hindi siya nagpapigil. Sinipa ni Ivan sa tiyan si Aiden na siyang dahilan ng pagkabitaw niya sa kwelyo nito. Tumalsik kami ni Aiden, nakabitaw ako sa braso niya at sumalampak ako sa kalsada. Dali-daling tumakbo si Aiden sa sasakyan niya at binuksan ang passenger's side na pinto. Nilabas niya ang bulaklak na dala niya pero tinapon ito sa kung saan. Lumingon ako kay Ivan, nakatayo na siya at tila handa na sa papalapit kong nobyo.

Napalingat akong muli kay Aiden. Kumintab sa dilim ng gabi ang hawak niyang bote ng wine.

Ilang hakbang na lang ang layo ng dalawang lalaki.

Aiden: "ANO, PUTANG INA MO. LUMABAN KA."

Ivan: "TANG INA MO, INAANO BA KITA--"

Aiden: "HANGGANG NGAYON MAGSISINUNGALING PA KAYO?!"

Saglit na tumingin sa'kin si Aiden matapos niyang magsalita.

Tumayo ako para subukang pigilan ang nagaganap na away pero mukhang hindi na ako aabot.

Bumuwelo si Aiden para hambalusin si Ivan ng bote ng wine sa ulo pero nakasalag siya, nabitawan ng nobyo ko ang bote. Nalaglag ang bote ngunit hindi ito nabasag. Umatras siya nang sumuntok si Ivan, yumuko siya at niyakap pababa. Pareho silang natumba. Nasa ibabaw si Ivan habang si Aiden naman ay nakahawak sa damit ng kalaban niya.

Hindi makasuntok si Ivan dahil hawak ni Aiden ang manggas ng damit niya, nang makawala siya ay tinamaan niya ng isa ang nobyo ko. Lalapit pa lang ako sa kanila nang mahawakan ni Aiden ang bote.

PING!

Tumama sa gilid ng ulo ni Ivan ang hampas ni Aiden ngunit hindi nabasag ang bote, napahawak siya bigla sa gilid ng ulo niya. Tinulak ng nobyo ko ang lalaki sa ibabaw niya, sumalampak si Ivan sa gilid ni Aiden habang iniinda ang sakit ng paghampas ng bote sa ulo niya. Dali-daling tumayo si Aiden na hawak pa rin ang bote. Tiningnan niya ang bote na parang takang-taka na hindi nabasag.

Hinintay niyang tumayo si Ivan ngunit iniinda pa rin niya ang sakit ng hampas ni Aiden. Saglit na lumingon sa'kin ang nobyo ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya; salubong ang kilay niya. I was like all the anger in the world was taken and put into him, that moment, he was the embodiment of anger. Bawas sandali ng matatalim niyang titig ay nanunuot sa mga buto ko. Nanginginig, takot at gulat sa mga nangyayari, sinubukan kong lumapit kay Aiden.

Bumalikwas siya at lumakad papunta sa sasakyan ni Ivan, nang makalapit siya ay sinilip niya ang passenger side ng sasakyan na tila ba sinisipat niya kung may mga gamit pa akong naiwan sa loob. Tumayo siya at pinalo niya ang hawak niya bote sa side mirror ng sasakyan ni Ivan. Isa, dalawa, tatlo… bawat palo niya ay ikinagugulat ko. Hanggang sa masira niya ang side mirror at mabasag ang bote ng wine. Binitawan niya ito… kumalat ang mga bubog ng salamin at bote, habang umaagos palabas ang alak.

Narinig kong nagbukas ang gate namin at naglabasan ang mga magulang ko. Napatakip ako sa mukha ko. Nabuwal ako at naiyak na lang. Naramdaman ko ang yakap ni Mama Hilda. Sumilip ako upang alamin kung si Mama nga ang yumakap sa'kin, bumawi ako ng yakap nang malaman kong tama ang hinala ko. Sinulyapan ko rin ang nobyo kong papalayo na at sasakay na sa sasakyan niya. Nakatayo lang sa gitna si Papa Jess, hindi niya ang ang nangyari. Hindi niya alam kung sinong tutulungan at kakausapin niya. Si Ivan ba na duguan ang mukha o si Aiden na paalis na. Mas pinili niyang lumapit kay Aiden ngunit mabilis na naglakad ang lalaki at sumakay sa sasakyan niya. Anumang katok sa salamin ng sasakyan niya ay hindi na niya pinansin.

Narinig kong sinindihan niya ang sasakyan, umingay ang tambutso ng sasakyan niya at umandar na papalayo sa'min. Napakamot ang ama kong naglalakad papunta sa'kin habang nakalingon sa papalayo nang si Aiden.

Papa Jess: "Ayos ka ang 'Nak?"

Ako: "…."

Papa Jess: "Ano ba'ng nangyari dito?"

Mama Hilda: "Hayaan mo na muna… Mamaya na lang, ipasok na lang muna natin siya sa loob."

Sumang-ayon si Papa sa mungkahi ni Mama. Tinulungan niya kaming tumayo ni Mama habang akay-akay niya ako. Hinang-hina ako sa nangyari.

Lumingon si Papa kay Ivan na sinusubukang tumayo.

Lumapit siya dito at tiningnan ang mukha niyang duguan.

Papa Jess: "Ayos ka lang 'To?"

Hindi sumagot si Ivan. Lumayo siya at naglakad na rin sa sasakyan niya. Kaya umalis na rin ang ama ko at sumunod na sa amin papasok ng gate.

Nang makarating kami ni mama sa loob ay inupo niya ako sa sofa.

Nakatulala ako. Malayo ang tingin. Tinititigan lang ako ni Mama.

Narinig ko ang pagsara ng gate namin at ang yabag ni papa na palapit.

Papa Jess: "'Nak… ayos ka lang ba?"

Mama Hilda: "Jess… Pa… Hayaan na muna natin siya."

Inis man si Papa ay pumayag siya. Kaya nang hawakan siya ni Mama sa braso upang hilahin papunta sa kusina ay sumama na siya.

Naiwan ako sa sala na tahimik.

Dahan-dahang tumulo ang luha sa pisngi ko. Ramdam ko ang unang patak sa hita ko, mainit at nakakahiwa ng laman. Sinundan ito ng ilan pang patak hanggang sa umagos nang tuluyan ang luha ko sa magkabilang pisngi. Nanlabo ang paningin ko nang binaha na ng luha ang mga mata ko. Kuskos dito, kuskos dun. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Pigil ang bawat hikbi.

Bigla kong naalala ang bag ko… Kaya kahit umiiyak ako ay binuklat ko ang bag ko para hanapin ang cellphone ko. Kumalat ang luha ko, kung saan-saan ito nagtutulo. Nang makit ako ang cellphone ko ay tiningnan ko agad ang screen. Natuluan ito ng luha ko na dagli kong pinunasan. Sinubukan kong tawagan si Aiden.

Please, Aiden. Sumagot ka. Bulong ko sa sarili ko.

Lumipas ang ilang minuto, puro ring lang. Pagkatapos ng pang-pitong tawag ko ay sinubukan kong muli na tumawag…

"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area…"

Mukhang pinatay niya na ang cellphone niya… Pero sinubukan kong muli.

"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area…"

Wala na talaga. Kaya binaba ko ang cellphone ko… Dahan-dahan ko itong nabitawan at nalaglag sa sahig. Tulala ang luhaan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinalo ng mga kamay ko ang mukha ko at tuluyan na akong umiyak ng malakas. Hindi ko na napigilan ang hikbi ko dahilan para magmadaling lumabas ang mga magulang ko sa kusina.

Tumabi sa'kin si Mama at inakbayan ako. Bumaling ako sa kanya at umiyak sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang paghaplos ni Papa sa ulo ko, hinimas niya ito na tila ba nagsasabing nasa tabi lang siya.

Lumipas ang mahabang oras na iyak ako ng iyak sa balikat ni Mama. Hindi ko na alam na nakatulog na pala ako sa sofa.

Nagising ako nang mag-alarm ng 4AM ang cellphone ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Madilim pa. Siguro'y iniwan na lang ako dito nila Mama para makapagpahinga. Walang kahit ano'ng reply mula kay Aiden. Kahit saan, texts, calls, messenger, IG, viber kahit sa Telegram. Walang Aiden na lumabas.

Ngunit may numero na sumabit sa mata ko. Hindi man naka-save sa phonebook ko ay alam na alam at kabisado kong ang numero na 'to. Si Ivan. 40 Texts, 11 missed calls mula kay Ivan.

Unknown: "Pasensya ka na, dapat pala talaga hindi na kita hinatid…"

Unknown: "Nasaktan ka ba? Putok un side ng sentido ko eh."

Unknown: "Reply ka naman dyan"

Unknown: "Sinira pla ng gago mong boyfie un side mirror ko? Hndi ko rn napansin"

Unknown: "Reply ka pls"

Unknown: "Tulog ka ba? Reply ka pggising mo"

Marami pa siyang mga pinagsasabi. Pero ayaw ko na basahin. Pagod na ako. Pagod na ang puso ko.

Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko. Bumagsak ako sa higaan ko pagdating ko sa silid ko at muling natulog. Nag-alarm muli ang cellphone ko ng 5AM. Dumilat ako upang silipin ito at patayin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako papasok kaya umayos na ako ng higa sa kama at nagkumot na.

Nagising ako nang sumigaw ang mga magulang ko.

Papa Jess: "'Nak! 'Nak!"

Dumilat ako at bahagyang bumangon para sagutin ang tawag ni Papa mula sa baba.

Ako: "Oh?! Bakit Pa?!"

Papa Jess: "Labas muna kami ni Mama mo!"

Ako: "Saan kayo punta?!"

Mama Hilda: "Mag-attend lang kami zumba 'Nak! Sa Court!"

Ako: "Sige!"

Garalgal ang boses ko at parang may plema na sumasabit sa bawat sigaw ko. Magulo ang buhok at malabo pa ang paningin, hinawakan ko ang cellphone ko. 6:36AM na pala. Muli kong tiningnan kung may reply ba si Aiden ngunit wala talaga.

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta ng banyo. Naghubad ako at tumapat na sa shower upang maligo.

Bumuga ang maligamgam na tubig. Umagos pababa ang tubig. Nakaramdam ako ng mahapdi sa siko at tuhod ko. May mga gasgas pala ako na dulot ng naganap kagabi. Hindi man halata pero lumuha ulit ako habang nasa banyo. Humalo sa tubig ang luha ko, bawat hikbi at ubo ko ay dinig sa tahimik naming bahay.

Iniisip ko kung ano'ng iniisip ni Aiden ngayon… o kagabi. Ano'ng sasabihin ko sa kanya? Kung sakali bang magkita kami… would it be the last time or kami pa rin? I sure hope na kami pa rin. It sucks, nasa huli ang pagsisi 'di ba?

Ano kayang sasabihin niya? Ano kayang sasabihin ko sa mga nakakakilala sa'min? Mag-uusap pa ba kami? Will we go out with a bang or just silently fade away. Either way, I don't see an easy way out. The secret is out. Justified siya kung ipagkalat niya na manloloko ako… at hindi ko itatanggi 'yun.

Hindi ko itatanggi na ako ang naligaw ng landas sa'ming dalawa. That's the least I can do, kapalit ng pananakit ko sa kanya.

Bumalik ako sa reyalidad nang magbanlaw ako at muling mabasa ng tubig ang sugat kong babad sa sabon.

Lumabas ako ng paliguan at nagpunas ng katawan. Lumapit ako sa salamin at binuksan ang medical cabinet. Kumuha ako ng bulak at disinfectant, marahan kong nilinisan ang mga gasgas ko sa katawan. Sumunod kong kinuha ang band-aid at isa-isang tinakpan ang mga sugat ko. Lumabas ako ng banyo na nakatapis.

Pagbalik ko ng silid ko'y sumagi sa isip ko na mag-check ng social media accounts ni Aiden. Oo nga, bakit hindi ko naisip na i-check ang mga profiles niya. Kabado ako dahil baka may mga post na laban sa'kin o nagbura na siya ng mga litrato namin… Ngunit alam kong hindi naman ganun si Aiden, still, wala namang problema sa'kin kung gawin niya ito. Naiintindihan ko siya.

Pero… Hindi pa rin siya nagpapalit ng kahit ano. Kami pa rin ang cover photo at profile picture niya sa Facebook. Wala pang nawawala na litrato namin sa IG. Bakit?

Nilapag ko ang cellphone sa higaan ko at nagbihis na. Nang matapos ako'y humiga lang ulit ako sa kama ko. Scroll-scroll. Kunwari walang problema. Nood dito, nood dun. Netflix at kung ano-ano pa. Para lang malibang ako. Kahit madalas na umiiyak ako. Walang gutom, uhaw na nakapagpatayo sa'kin.

Biglang may tumawag sa cellphone ko…unknown number… Si Ivan.

Ayaw ko mang sagutin, gusto ko na rin lang linawin sa kanya na tapos na. Wala na akong dapat itago at wala na akong pakialam sa kanya.

Ivan: "He-Hello?"

Ako: "Mmhh…"

Ivan: "'Yun… sumagot ka din."

Ako: "Bakit?"

Ivan: "Wala. Kumusta lang."

Ako: "Ayos lang ako."

Ivan: "Ako hindi… hehe, may malaki akong putok sa ulo, may bugbog at pas--"

Ako: "Alam ko. Nakita ko kung ano'ng nangyari."

Ivan: "…"

Ako: "Bakit ka tumawag?"

Ivan: "Wala… kasi 'di ba nga… alam na ng boyfriend mo…"

Ako: "…"

Ivan: "Ano… baka pwede mo akong balitaan kung wala na talaga --"

Hindi ako nakapagpigil kaya binaba ko na ang tawag niya.

Nag-ring muli ang cellphone ko. Hinayaan ko muna. Maya-maya'y nag-ring muli.

Ako: "…"

Ivan: "Kalma lang… laging galit eh."

Ako: "Alam mo Ivan, tapusin na natin."

Ivan: "Ang ano?"

Ako: "Tanga ka ba? o nagtatanga-tangahan ka lang?"

Ivan: "…"

Ako: "Wala na tayong dapat itago. Wala na akong kinatatakutan pagdating sa'yo."

Ivan: "Okay, okay…. okay… Can we just meet? Last na. Last meet."

Ako: "Hindi na. Hanggang ngayon ba naman? Kantutan pa rin iniisip mo? What the fuck is wrong with you? Malakas ba 'yung hampas ng boyfriend ko sa ulo mo?"

Ivan: "Okay. Okay. Hindi discreet. Usap lang."

Ako: "What makes you think na gusto ko pang makipagkita sa'yo?"

Ivan: "I don't know, really--"

Ako: "You don't have anything on the table. There is no leverage. Ano ba'ng hindi mo naiintindihan?"

Ivan: "I was just hoping, Quins. Kasi mahal kita eh."

Ako: "Fuck you. Tigilan mo na ako."

Ivan: "Quins, totoo. Gusto kita."

Ako: "… kasalanan ko rin 'to eh, but do not, for a second, think that this isn't also your fault. Dalawa tayong may kasalanan dito. So fuck off, tigilan mo na ako."

Ivan: "I prom--"

Binaba ko na agad ang tawag at nilagay sa mute ang notifications, itinago ko sa ilalim ng unan ang cellphone para hindi ko na makita na tumatawag si Ivan.

Tumayo na ako at bumaba. Nanood na lang ako ng TV habang nakahiga sa sofa.

Mabilis natapos ang buong araw. Wala akong ginawa kung 'di manood lang. Nagpapalipas ng oras. Sumapit ang gabi at nakaramdam na ako ng gutom. Siyang tawag naman sa'kin ni Papa sa hapag para kumain ng hapunan. Ayaw ko man sumabay pero hindi ko na kaya ang gutom. Alam ko dito na mauungkat ang mga pangyayari kagabi. Umupo ako at humawak sa kutsara't tinidor.

Kumakain kaming tatlo ng tahimik, ramdam kong sa tuwing nagtitinginan sila ay tila ba gusto nila umpisahan ang pakikipag-usap sa'kin tungkol sa gulo. Kaya ako na lang ang nag-umpisa dahil sa sobrang tahimik nila.

Ako: "Uhmm… tungkol kagabi…"

Saglit silang napatigil sa pagkain at tumingin sa'kin…

Ako: "Sorry, Ma, Pa… Hiwalay na kami ni Aiden…"

Papa Jess: "… Paano?"

Ako: "Hindi ko rin alam, Pa… Pero alam kong kasalanan ko eh."

Natahimik sila. Hindi siguro nila akalain na ang anak nilang tinuturing nilang anghel ay makati at malandi.

Mama Hilda: "…'yung lalaki na duguan…"

Ako: "…"

Tumingin lang ako sa mata ni Mama at dahan-dahang tumango. Naramdaman kong naiiyak na ulit ako. Lumalabo na ang paningin ko, nilapag kong marahan ang kutsara't tinidor sa mesa.

Ako: "O--opo, Ma…"

Papa Jess: "Hmm… binugbog ni Aiden 'yun ano??…. 'yung lalaki?"

Sa sobrang hiya ko sa mga magulang ko, yumuko lang ako at umiyak ng umiyak. Hiyang-hiya ako sa kanila pero alam kong dapat magsimula sa pag-amin ko ang lahat. Para matuldukan na ang kasinungalinan. At least, I have to be honest to my parents… and to myself.

Tumayo si Mama para yakapin ako. Umalingawngaw ang hagulgol ko sa bawat sulok ng aming bahay.

Kahit paano'y nabunutan ako ng tinik. Alam kong disappointed sila sa'kin pero mahal nila ako.

Papa Jess: "Walang huhusga sa'yo dito 'Nak. Kakampi mo kami."

Mama Hilda: "Anak ka namin. Kailanma'y hindi ka namin sasaktan…"

Kumapit akong mahigpit sa kamay ni Mama.

>>>FAST FORWARD<<<

Tatlong araw matapos ang gulo. Hindi na ako umaasa na may mangyayari pa… Na magkakaayos pa kami. Walang update. Walang texts, tawag, chats or kahit ano na galing kay Aiden. Pumunta na ako sa bahay nila, ayaw niya akong kausapin. Sinadya ko siya sa trabaho niya, naka-unpaid leave siya… hindi pa alam kung kailan babalik.

Isa lang ang pinanghahawakan ko. Kaming dalawa pa rin ang nakalagay sa mga social media accounts niya. Wala siyang kahit ano'ng posts. Mukhang wala hindi pa niya ina-address o ina-acknowledge ang nangyari.

I'm lost in limbo. Mag-uumpisa na ba akong mag-move on?

Tulala ako sa harap ng computer ko sa trabaho nang biglang nag-ring ang cellphone ko. It was Aiden. Kinabahan ako… Lumingon ako kaliwa't kanan. Kahit nasa opisina ako'y nahihiya pa rin ako sa kalokohan ko. Sinagot ko ang tawag at dali-daling tumayo para lumabas ng opisina. Tumakbo ako sa fire exit ng floor namin at agad na dinikita ang cellphone sa tainga ko…

Ako: "Hello-Hello…"

Aiden: "…"

Ako: "Hello… Moi? Hello?"

Aiden: "… Hello."

Ako: "Kumusta?"

Aiden: "…."

Ako: "I've been contacting you eh… Pinuntahan na rin kita sa inyo. Sabi ng mama mo tulog ka raw. Hinintay din kita sa tra--"

Aiden: "Pwede ba tayong magkita mamaya?"

Ako: "Ye-yeah. Sure. Saan?"

Aiden: "Sa tinatambayan natin."

Ako: "Sige…"

Aiden: "…"

Ako: "Sorry… I'm sorry."

Namutawi sa labi ko ang mga katagang matagal ko nang sinasambit sa isip ko tuwing magkasama kami ni Aiden. Pumikit ako dahil alam kong paparating na ang mga luha.

Ako: "Aiden, Moi… Patawarin mo ako…"

Aiden: "I'll see you later."

Binaba na ni Aiden ang tawag.

Ang tanga ko naman… I was asking for forgiveness over the phone… and even if it was personal, I don't think nasa posisyon ako para humingi ng kapatawaran.

Napaupo ako sa hagdan ng fire exit. Umagos ang luha sa mga pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

Magkahalong hiya, takot at pagsisisi ang nararamdaman ko.

Nagpunas ako ng mga luha at sininghot ang sipon ko. Binalak kong bumalik sa opisina na walang nakakahalata na galing ako sa iyakan. Nang makabalik ako sa upuan ko'y hindi na gumana ang isip ko. Wala akong ginawa kung 'di ang isipin ang mangyayari sa pagkikita namin mamaya.

Sa bawat patak ng minuto ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

Nakatulala ako sa engagement ring na suot ko. Para akong hinihigop ng kinang nito at dinadala ako sa lugar kung saan hindi ako nagloko, kung saan masaya kami ni Aiden. Tumulo ang luha sa'king mata.

"Naligaw ako…"

Bulong ko sa sarili ko. Daglian kong pinunasan ang luha ko dahil ayaw kong may makakita nito.

Tumakbo pa ang oras at hindi na ako makapaghintay.

45 minutes bago ang oras ng uwian, hindi ko na kinaya. Tumayo na ako at maagang nag-out. Undertime kung undertime.

Hindi ako sabik. Walang kahit ano'ng excitement sa katawan ko. Takot, kaba… I just wanted to get this over with. Gusto ko nang malaman kung maganda o hindi ang kalalabasan ng usapan namin. Hindi ko rin alam kung saan ako humuhugot ng kapal ng mukha sa pag-asang papabor sa'kin ang usapan namin. But deep inside me, I want Aiden to stay. I still want us to be together.

Habang naghihintay ako sa elevator ay nag-book na ako ng sasakyan papunta sa pagkikitaan namin.

~DING!~

Pumasok ako sa elevator. Huminga ako'ng malalim. Paglabas ko'y nag-aabang na sa'kin ang sasakyan. Pumasok ako at naupo na sa likod. Agad kong nilabas ang cellphone ko. Malapit na mag-alas kwatro ng hapon. Siguro nama'y hindi ako maiipit sa traffic jam ng rush hour dahil wala pa namang oras ng uwian.

Muli kong sinilip ang social media accounts ni Aiden.

Kaka-scroll ko sa mga pictures namin sa accounts niya, narating ko na 'yung panahon na totoy at nene pa lang kami. Mga wala pang iniisip kung 'di ang maitawid ang araw-araw na pag-aaral namin. 'Yung mga munting lakwatsa namin kahit sa libreng parke at museo lang ang pinupuntahan. Totoong nasa huli ang pagsisisi.

Hindi ko alam ang hawak ko hanggang sa manganib itong mawala sa'kin.

All I could do was damage control. Until now, I'm still doing a damage control. Ang tanging tanong lang ay kung may maisasalba pa ba ako.

Sa sobrang tutok ko sa cellphone ko'y hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako. Nagbigay ako ng tip sa driver at bumaba na mula sa sasakyan.

Inayos ko ang buhok ko at naglakad sa tagpuan namin.

Hindi ko alam pero dito kami laging pumupunta ni Aiden. SM Mall of Asia. Especially sa seaside MOA. May parte dun sa kabilang dulo na malapit sa mga daungan ng yate kung saan wala masyadong tao ngunit kitang-kita pa rin ang paglubog ng araw.

Habang naglalakad ako'y nakakasalubong ko ang mga tao, may mga magkasintahan, mag-asawa, may mga batang nananakbo at mga grupo ng magkakaibigan. Lahat sila'y tila nilalasap ang bilog na bilog at kulay kahel na araw sa 'di kalayuan. Dinig ko ang bawat hampas ng alon sa seawall; ang mga salitang ng maraming tao na nagmimistulang bulong sa hangin. Ramdam ko ang malumanay na init na dumadampi sa balat ko.

May malamyang ihip ng hangin na nakakagulo ng buhok at nagdadala ng amoy ng dagat sa pampang.

Patuloy ako sa paglalakad. Malapit na akong makarating sa dulong bahagi ng seaside. Wala na masyadong mga restaurant, mangilan-ngilan na lang rin ang mga tao. Ilang hakbang pa at ilang minuto pang lumipas, tahimik na ang lahat. Isang maluwag na parking lot ang nilalakaran ko. May iilang mga sasakyang naka-park dito pero isang sasakyan lang ang nakapukaw sa aking atensyon.

Ang puting Civic FD ni Aiden.

Lumapit ako dito at sumilip sa passenger side. Laking taka ko ng walang tao sa loob.

Aiden: "Dito!"

Tinawag ako ni Aiden. Nakamasid pala sila sa 'di kalayuan, ilang hakbang ang layo mula sa sasakyan.

Lumakad ako palapit sa kanya.

Ako: "Hi"

Isang pilit na ngiti lang ang sinukli niya sa'kin. Bumaling siya at humarap sa karagatan. Dumampi ang liwanag ng dapit-hapon sa kanyang mukha.

Aiden: "Hindi ako nakipagkita sa'yo para manghingi ng paliwanag… I just want to make it official. Gusto kong sabihin sa'yo ng personal."

Ako: "…Sorry"

Aiden: "I guess, dun din naman yata talaga tayo papunta."

Ako: "…"

Lumingon siya sa'kin…

Aiden: "Let's break up…"

Nangatal ang mga labi kong gusto bumukas upang pigilan ang sasabihin niya.

Aiden: "Hindi muna kita mapapatawad sa ngayon."

Ako: "Sorry… Sana mapatawad mo ako…"

Ngumiti lang siya sa'kin. Lumapit siyang bahagya at niyakap ako. Yumakap din ako. Mahigpit na parang ayaw ko siyang pakawalan.

Malayong-malayo sa iniisip ko ang nagaganap.

Dapat ay galit siya. Dapat ay naghihimutok siya sa galit ngayon.

Umaasa ako na magpapakawala siya ng matatalim na salita; mga salitang susugat sa'kin habangbuhay, mga salitang babaon at mag-iiwan ng marka. That time, he never treated me as an enemy. It was as if he wasn't angry… which made me even cry.

Umaasa ako na isusumpa niya ako; na lahat ng salitang hindi makain ng tao ay ipaparinig niya sa'kin.

Gusto kong manggaling sa kanya na pagsisisihan ko ang mga ginawa ko.

Pero hindi. Kahit isang masakit na salita ay walang lumabas sa labi niya.

Walang kahit ano'ng ingay na nanggaling sa kanya. At sa pagkakayap namin sa isa't isa na parang matagal kaming hindi nagkita ay ayaw kong maalis mula sa pinagkakatayuan ko.

Ang pagiging tahimik niya ang nagsasabi sa'kin na naiintindihan niya ako. Ang buong akala ko'y kaaway ang turing niya sa'kin… ngunit hanggang huli'y isa pa rin akong kakampi. Isa pa rin akong tao para sa kanya.

Aiden: "… Maybe someday. Mapapatawad kita. Just not now…

Ako: "…"

Aiden: "We'll be okay. Someday… Someday."

Ako: "Nagkamali ako…"

Aiden: "…"

'Yun ang pinaniniwalaan ko. 'Yun ang pinanghahawakan ko. At gusto kong maniwala siya sa sinasabi ko. Sa dami ng kasinungalinan ko, nawa'y kampihan ako ng langit sa sinasabi kong katotohanan ngayon. Gusto kong sambahin ni Aiden ang bawat salita ko; gusto kong mahagilap niya sa kaibuturan niya na paniwalaan ang mga lumalabas sa bibig ko. Gusto kong lamunin niya ito sa aking palad na parang pulubing nag-aasam ng katotohanan.

Sabi ko noon hindi ko siya kayang saktan, pero heto ako ngayon… Hindi ko kayang pawiin ang sakit na nararamdaman niya, hindi dahil nagtaksil ako kundi dahil ako mismo ang nanakit sa kanya. Maging ako ay nasaktan sa ginawa ko at sa nangyayari sa amin. Masakit…Sobrang sakit, buong katawan ko'y nagsusumigaw. Bawat bahagi, hanggang sa kahuli-hulihang hibla ay nanunuot ang kirot.

I brought him out of his shell, I pulled him out of his cave and lured him to me. He loved me, he dedicated all his energy to me. He gave me more than enough… And here I am… Kicking him off a cliff.

Dumating ang senyales na gusto na niyang kumawala sa aming pagkakayakap sa isa't isa. Lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya, humawak siya sa balikat ko at tinitigan ako sa mata.

Nakakabingi ang katahimikan.

Alam kong nasasaktan din siya ngunit hindi niya 'yun pinapakita sa akin.

May alimpuyo ng kirot sa loob ko…

Humakbang siya ng bahagya palayo sa'kin. Muli siyang ngumiti at bumaling siya at naglakad nang palayo.

Nakatitig lang ako sa kanya, lumuluha. Papalayo na siya ngunit wala akong magawa. Nagsusumigaw ang buong katawan ko na pigilan siya. Para saan pa?

No. This isn't pride nor ego. This is acceptance. Tanggap ko na kahit ano'ng effort ang gawin ko, lumuhod at magmakaawa… Malabong-malabo na papabor sa'kin ang ihip ng hangin. This is a defeat I just had to accept.

Gaya ng isang tula, hindi maaaring ipilit ang hindi naman tugma. Kaya parang tula rin, kami'y malayang taludturang hindi pareho ang sasapitin.

Umandar na ang sasakyan na lulan si Aiden. Hanggang sa makalayo ito'y umiiyak ako.

Humarap akong muli sa dapit-hapon nang nangangalahati na sa dulo ng karagatan. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Pinagmamasdan ko ang dahan-dahan na paglubog ng araw.

Bagong simula para sa aming dalawa… para sa bukas naming hindi na magkasama. Bagong simula. Ngunit sa bawat kinabukasan, may araw na tinatapos. Sa bawat dapit-hapon ay may araw na hindi na ulit mababalikan.

Hayaan na.

Sa tuluyang paglubog ng araw, naging bughaw ang paligid. Dahan-dahang lumamig. Ang araw na nagbibigay ng liwanag sa'kin, hindi ko na hawak; hindi ko na maramdaman ang init na sinasabog niya.

Hayaan na. Tahan na.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Nilabas ko ang cellphone ko at nag-book na ng masasakyan pauwi.

Nang makauwi ako'y dumiretso lang ako sa kwarto ko. Nakaupo sa gilid ng higaan ko at nakatulala.

~Bling!~

Nakatanggap ako ng chat mula kay Aiden.

Aiden: "Hi. Sana nakauwi ka ng ligtas. If anyone asks, just tell them nagkasawaan lang tayo. Ayaw kong mapahiya ka kasi, ako rin mapapahiya. We'll just keep it a secret. At least, magkakasundo tayo sa kasinungalingan na 'to. Pwede rin namang hindi mo na lang pansinin, baka wala namang makapansin na hindi na tayo. I might just disappear clearly sa socmed na lang. Hindi ko rin alam. Last chat ko na siguro 'to. We both need to heal. Salamat." Magrereply sana ako pero naka-block na agad ako.

Binitawan ko na ang cellphone ko at hinayaan itong mahulog at lumagapak sa sahig.

Gusto ko na lang mawala. Walang kasing sakit ang nararamdaman ko ngayon. Pumikit na lang ako at pinilit ang sarili kong matulog.

>>>FAST FORWARD<<<

It has been two years… on that fateful afternoon on SM Mall of Asia.

Wala lang. Naalala ko lang. Tumatama kasi sa'kin 'yung sinag ng araw tuwing uuwi ako sa condo na nirerentahan ko sa Manila. I've been driving my own car for almost a year now, bumukod na rin ako at lumayo sa mga parents ko. I visit them during the weekends na lang. I finished my masters, got promoted at work and life was good. I've experienced positive things after that day… May kirot pero, hindi na ganun kasakit. I still think of him… araw-araw. Pero hindi naman ako pwedeng iyak na lang ng iyak.

Dinukot ko 'yung shades ko sa glove box at sinuot. Nilakasan ko 'yung volume ng kanta…

~Life is full of sweet mistakes… and love's an honest one to make. Time leaves no fruit on the tree…~

Marahang umindak ang daliri ko sa kamay habang nakahawak ako sa manibela… Dahil alam ko ang kanta.

~But you're gonna live forever in me… I guarantee, it's just meant to be."Napangiti ako. Hanggang sa natawa ako.

Fuck you, John Mayer.

Sambit ko habang nagmamaneho at nakikinig ng kanta.

Yes. He will live forever in me. He will always have a place in my heart. Kung nasaan man si Aiden ngayon, I hope he's doing great. I hope he's more than fine after the pain I caused him. Looking back, akala ko talaga ikakamatay ko 'yung sakit. Naging okay naman ako, considering it was my fault. Mas natakot ako na hindi maka-move on si Aiden. But it was made clear to me when he disappeared, siguro ayaw niya na akong makausap at gusto na niya talagang matapos 'yung tungkol sa'min o 'yun ang paraan niya para maka-move on.

It was a Friday, medyo traffic. Busy ang lahat ng tao dahil October na, malapit na ang christmas season. Maraming makinang at kumukuti-kutitap na ilaw sa paligid.

Lumiko ako at pumasok sa isang elliptical parking. I got out of my car and headed for the elevator. Eto lang reklamo ko sa nirerentahan kong condo na 'to, napakatagal ng elevator. Siguro swerte 'yung mga malapit sa baba at mga nasa tuktok na floors. Well, medyo malas-malas ako dahil nasa gitna ang floor ng nirerentahan ko.

Dumating ang elevator para sunduin ako sa parking floor at dalhin paakyat sa 9th floor. Bitbit ko ang bag ko at ilang mga supot na naglalaman ng pagkain na lulutuin ko pa. Tumigil ang elevator at bumukas sa 6th floor, dahil nakatingin ako sa cellphone ko… Hindi ko na masyadong pinansin ang lalaking sumakay sa elevator.

Nang umakyat ang elevator ay bigla na lang nagsalita ang lalaki…

Lalaki: "Ah shet, aakyat pa. Akala ko pababa 'to."

Napatingin ako sa kanya… Nagulat ako. Akala ko si Aiden. Same height, built at maging ang tindig.

Ako: "Sorry. Hindi ko nasabi sa'yo na aakyat pa."

Lalaki: "Hindi, okay lang. Hindi ko rin nakita sa labas kanina eh."

It made me think… Nasaan na kaya si Aiden.

Dumating sa 9th Floor ang elevator at lumabas ako. Ngumiti ako sa lalaking nakasabay ko sa elevator.

Nagmadali akong buksan ang pinto ng unit ko. Pumasok ako sa loob at nagtanggal ng mga sapatos. Binaba ko ang bag ko at binuksan ang mga ilaw. Pumunta ako sa TV at binuksan ito, dumako ako sa kusina para maghanda ng lulutuin. Magbubukas na sana ako ng ref pero talagang may bumabagabad sa'kin. Sinara ko ang ref at bumalik sa bag ko.

Nilabas ko ang cellphone ko… Umupo ako sa sahig at niyakap ang cellphone ko.

I know, I know. Matagal nang panahon pero ngayon lang naman. It's been two years. Ngayon lang, magiging stalker ako.

Kaya binuksan ko ang Facebook ko. Tinap ko ang search bar… at ni-type ko ang pangalan ni Aiden.

May lumabas na isang account… hindi ako pwedeng magkamali. Marami kaming mutual friends. Siya nga 'to. Para siyang napabayaang account, luma 'yung profile photo niya. Parang stolen pic niya 'nung highschool tapos pixelated pa.

I had to stop myself. Bakit ko ba siya hinanap? Nah. I was just curious… curious talaga ako. Naka-move on na ba siya? Does he have a special someone? Hahaha. Selos from afar akes. But what I really wanted was to know kung okay na siya. Guilty pa rin ako. 'Yun pa rin ang nararamdaman ko dahil sa ginawa ko. I wanted to know kung nakabangon ba siya sa nangyari. Hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako, abot-langit pa rin ang paghingi ko ng tawad sa kanya.

Hindi naman siguro masama mag-stalk? Hindi ko naman siya gagambalain ulit. I just wanted to know his status… para na rin sa'kin.

So I tapped on the profile. Siyempre walang laman. Walang information, photos, posts or anything. Just a cover photo of Gregory Alan Isakov. Tsk… such an anticlimactic scene. Akala ko may malalaman ako. Oh well, I guess he's okay na. After what transpired that day, parang ilang araw lang isa-isang nawala 'yung mga socmeds niya. I was so sure na blocked ako sa lahat but according to a friend, wala na raw talaga siyang social media accounts.

Hindi ko na alam kung ano'ng nangyari sa kanya after that day.

Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at dumiretso na sa kusina. Hinugasan ko ang mga gulay na lulutuin ko. Parang naka-autopilot ako sa kusina, kusang gumagalaw ang mga kamay ko. Naghihiwa, nagbabalat at naghahanda ng kawali sa ibabaw ng kalan.

I was thinking about Aiden. I was thinking about us. Akala ko talaga ay dadalhin ko ang apelyido niya… Napatingin ako patungan ng TV, nakita ko ang engagement ring na binigay niya. I'm not wearing it anymore but I keep it just to remind me of what I had. Sa totoo lang, ginawa kong libangan noon [hanggang ngayon, ayaw ko lang aminin] ang isipin si Aiden. May mga gabing nanghihinayang, umiiyak at naghahangad pa rin ako sa pinakawalan ko. Kung susumahin ang iniyak ko, makakapuno ako ng olympic-sized pool. Siguro dahil lagi kong iniisip noon na mabait naman siya, kaya kong idaan sa lambing at kaunting salita, ay makukuha ko ulit si Aiden.

Alam ko ang email ni Aiden. Alam kong dun ko siya pwede kausapin. Pero hindi ko ginawa. Lagi akong gumagawa ng email na isesend ko sa kanya pero hindi ko tinutuloy. Hindi naman ako masamang tao para guluhin pa siya. At alam kong lahat ng nararamdaman ko'y para na lang din sa sarili ko, para lang ma-validate ko pa ang sarili ko. Darating kaya 'yung araw na maisasantabi namin 'yung mga nangyari at tatawanan na lang namin lahat 'yun? In a perfect world where my apology was enough and accepted, pwede siguro. 'Till then, I will wish for his peace.

Kung anuman ang mangyari sa'min sa hinaharap, ayos lang sa'kin. May nakaraan naman kami. Hindi ko makakalimutan 'yun. Masaya ako para sa kanya kung nasaan man siya ngayon.

Lumingon ako sa bintana at natanaw ang madilim na kalawakan kasama ng mga nagkikinangang mga ilaw ng siyudad… Napangiti ako, siguro may saglit na sumagi rin ako sa isip niya.

Natapos ko ang pagluluto ko, naghain ako para sa sarili ko at umupo na sa lamesa. Dala ko ang remote ng TV kaya bago ako kumain ay naghanap muna ako papanoorin.

Few minutes in while watching, ilang subo na lang ng natitira sa plato nang biglang tumunog ang cellphone ko.

~Blingg!~

Kaya kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino. Si Finn. Hmm… Hindi naman weird pero ang tagal na mula 'nung huli kaming nag-usap, nag-scroll ako at nakitang two years ago ang huling chat namin. Bago ko pindutin 'yung sinend niya na picture sa'kin ay lumipad saglit ang isip ko.

Ang alam ko kasal na sila ni Steven. Niyaya nila akong umattend sa kasal nila pero nag-decline ako dahil sabi ko ay super busy ako sa work when the real reason ay ayaw ko lang magkita kami ni Aiden. I was so sure na aattend si Aiden sa kasal nila because why not? Silang tatlo naman talaga ang makakaibigan kahit noong college days. I kept thinking about the reason why Finn would message me habang naglo-load 'yung picture na sinend niya.

Nang mag-load na ang picture… What.

Christening invitation.

Finnella is typing….

Finn: "Hi, Quincy! Pwede ka bang maging ninang?"

Gusto kong sumagot ng ayaw ko…Pero nagta-type ulit siya.

Finn: "Bawal ka tumanggi. Hindi ka na nga umattend 'nung kasal namin."

Napaikot na lang ako ng mga mata… mukhang wala na nga akong choice. Pero ayaw ko talaga umattend.

Ako: "Yeah. Sure. Pero pwedeng proxy? or kahit 'yung pakimkim ko na lang ang ipadala ko kay baby?"

Finn: "We don't need the money, Quincy. We need your presence. Sige na."

Well, what the fuck. Naalala ko may kaya rin pala sila.

Ako: "Okay, fine. I'll be there.

Finn: "Yes. The details are in the picture I sent you. See you there!"

Ako: "Yep. I'll be there."

Finn: "Don't worry, baka wala rin naman si ano dun…"

Nagsalubong bigla ang kilay ko. Sino'ng "ano"? Kahit alam na alam ko naman kung sino 'yung binabanggit niya.

Ako: "Sino?"

Finn: "Si ano… kunwari pa ih!"

Ako: "Sino ngaaaaa"

Finn: "Si bebe loves mo."

Ako: "Si Aiden?"

Finn: "Yah. 'Nung kasal namin ni Steven, we invited him eh he told us he'll be there. Hindi naman namin alam ni Steven na naghiwalay na pala kayo that time. Hindi siya pumunta Quins."

Ako: "Oh? Ako rin naman hindi pumunta 'nung kasal niyo."

Finn: "Iba 'yung sa'yo, you told us ahead of time eh. Aiden told us he will attend but ditched the minute. That was when we knew na naghiwalay kayo so we just assumed na ayaw niyo makita ang isa't isa kaya hindi kayo nagpunta."

Ako: "Haha! Umiiwas nga kami sa isa't isa that time."

I wanted to know more… Alam kong nagkakausap pa sila ni Aiden, especially si Steven. Kaya kinausap ko pa si Finn ng matagal just to elicit more info about my ex. Kaya hindi na ako nakipag-chat lang, tumawag na ako via videocall kay Finn.

Sumagot agad siya, una kong nakita ang palad niya na inaayos at tila sinasandal ang cellphone sa mesa habang siya naman ay nagtutupi ng mga damit.

Ako: "So how's married life naman?"

Finn: "Busy. Masaya na mahirap."

Ako: "I can only imagine. Sana all na lang."

Finn: "Sus! Maka-sana all ka naman. Malay mo naman. Bata ka pa naman."

Ako: "Magkaedad lang tayo. I just turned 30 this year. Hahaha baka tumandang dalaga na lang ako."

Finn: "Wala ka pa ring jowa?"

Ako: "Wala pa haha. Inuna ko muna career ko eh"

Finn: "Well, it turned out good naman yata. You and Aiden made the right decision."

Ako: "Ha?"

Finn: "He told us kasi na career daw muna uunahin ninyong dalawa"

Ako: "Sabi ni Aiden 'yun?"

Finn: "Sabi ni Steven. Sinabi daw ni Aiden sa kanya before he disappeared"

Gusto kong sabihin na kasalanan ko ang lahat pero siyempre, may kahihiyan pa rin ako. Nagulat lang ako na totoo palang hindi niya sasabihin ang lahat. Hindi niya ako hinayaang masira sa ibang tao kahit kasalanan ko ang lahat.

Ako: "Ha? Disappeared? Paanong disappear? Nawala?"

Finn: "You didn't know?"

Ako: "Ang alin? Wala na kaming communication after the break up eh."

Finn: "Since when?"

Ako: "Simula 'nung naghiwalay kami. That was two years ago yata."

Finn: "You're missing out on him… ay haha! Wala na nga pala kayo."

Ako: "…"

Finn: "Since you've been gone--"

Napalingon bigla si Finn sa malayo. Dumating pala si Steven. Dinig sa cellphone ang pagtatanong niya kay Finn kung sino'ng kausap niya. Sumagot naman si Finn na ako ang kausap niya. Biglang sumilip si Steven sa camera ang kumaway. Karga niya ang baby nila ni Finn.

Steven: "Hi, ninang!"

Hinawakan niya ang kamay ni baby at kumaway sa camera.

Steven: "Baby oh, si ninang nasa phone…"

Ako: "Hi, baby"

Steven: "Uy! kumusta Quins."

Ako: "Okay naman."

Steven: "Nako… masabi nga kay ano…"

Ako: "Sus! 'wag na!"

Steven: "Haha! Malay mo naman. Miss ka rin niya 'di ba?"

Ako: "Nako, 'yun pa. Malabo 'yun."

Steven: "We'll never know."

Finn: "Yeah. Miss niya na si Aiden, dad. Haha! Tingnan mo."

Ako: "Hindi ah, masaya lang ako para sa kanya kung nasaan man siya"

Steven: "Masaya talaga siya. Nasa ibang bansa na siya eh"

Finn: "Oh yeah, I forgot to tell you Quincy. Nasa ibang bansa si ex mo."

Ako: "O-okay… Wala naman akong balita sa kanya na."

Steven: "Umattend ka ha! Baka hindi rin naman maka-attend si Aiden."

Ako: "Okay. Aattend ako."

Ilang minuto pa kaming nag-usap… Hanggang sa kailangan na nilang umalis.

Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Nakahinga ako ng maluwag, mukhang ayos naman na si Aiden. Maaari ko nang pakawalan ang multo na umaaligid sa'kin.

Tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung bakit.

TO BE CONTINUED….