JOY RIDE
Mabilis ang takbo ng minamaneho kong Hi-Lux. Kasing-bilis ng paglipad ng isip ko. Nagsasalimbayan ang mga ala-ala sa pagal kong diwa. Ayoko nang mag-isip. Gusto kong maging blangko ang laman ng isip ko. Subalit tila nanunukso ang ala-ala. Laging nanunumbat ang mga gunita.
Nagmamadali ako ng araw na iyon. Masaya ako, at matapos ang halos dalawang taon ko ring pagsisikap, parang nabuksan din sa akin ang pinto ng mga oportunidad.
Isa akong free-lance na general contractor. Tapos ako ng Mechanical Engineering at isang RME. Kumuha din ako ng licensure sa plumbing at electricity. Kaya may lisensya din ako bilang Master Electrician at Master Plumber. At ang unang kumpanya na napasukan ko ay isang Civil Engineering company. At sa loob ng mahigit na labing limang taon, ay nagpalipat- lipat ako ng trabaho, sa iba- ibang contracting company. Sabi tuloy ng daddy ng misis kong si Rhea, para daw akong bato na gulong ng gulong, kaya di magkalumot.
Anak mayaman si Rhea. Naging kaklase ko siya sa ilang minor subjects ng kumukuha siya ng AB Pol Sci. Nasa middle class lang ang pamilya ko. Prinsipal sa isang public school ang tatay ko, at teacher naman sa isang private school ang nanay ko.
Nadala kami ng aming kapusukan ni Rhea. Kaya, bago kami nag graduate sa kolehiyo, ay napilitan kaming magpakasal dahil nabuntis ko siya. Pero, sa kasamaang palad, hindi naman nagkaroon ng kaganapan, ang pagbubuntis nya. Nakunan siya ng nasa ika-limang buwan ang ipinagbuntis nya. At kahit naging mag-asawa na kami, ay kapwa kami nagpatuloy ng aming pag-aaral. Naging licensed engineer ako, at naging abugada si Rhea. Napasok siya sa isang kilalang law office sa Makati sa tulong ng daddy nya, samantalang nagpalipat-lipat ako ng kumpanya.
At sa ganoong set-up namin, ay lumalabas na mas higit siyang malakas kumita kaysa sa akin. Ang tinitirhan naming condo ay pundar nya, pati na ang sariling sasakyan na gamit nya.
Kaya naman, naisipan kong magtayo ng sarili kong contracting company, para lumaki rin ang kita ko, at mapatunayan ko sa kanya, at sa mga magulang nya, na kaya ko ring ibigay sa kanya, ang buhay na nakalakhan nya.
Isang linggo akong di naka-uwi sa condo. Naisara ko rin ang project sa Mindoro. Isa ako sa nagwaging subcontractor sa airport project ng pamahalaan. Malaki rin ang project, kaya masaya ako. Bukod pa dito, ang isa pang project na itinawag sa akin, para naman sa lalawigan ng Zambales. Nasa humigit kumulang na 50 million ang halaga ng dalawang projects na naisara ko. Kaya naman parang lumulutang sa alapaap ang mga paa ko ng sandaling iyon.
Mabilis kong na-i swipe ang card na hawak ko para mabuksan ang pinto ng condo. May dalawang paper bag ako na pasalubong kay Rhea. Hindi na nasundan ang ipinagbuntis nya, dahil ayaw na raw nyang magka-anak, kaya gumagamit siya ng contraceptives.
Wala si Rhea sa sala at wala din sa kusina. Naisip kong baka natutulog siya. Pagpihit ko sa seradura ng pinto, para akong itinulos sa pagkakatayo sa may pinto.
Naroon sa kama si Rhea. Hindi siya natutulog. Pero nakapikit siya habang dinarama ang sarap ng ginagawa ng lalaking nakakubabaw sa kanya. Dahil halos ay walang ingay ang pagkakabukas ko ng pinto, ilang minuto kong napagmasdan ang mainit na pakikipagtalik ng asawa ko sa kanyang kalaguyo. Mabilis ang pagbayo ng lalaki sa ibabaw ni Rhea. Nagkukumahog na ito, tandang malapit na itong labasan. Bukakang-bukaka naman ang mga hita ni Rhea, panay ang ungol nito na parang sinasabayan ng pag-ungol nya ang bawat pagsalpak ng ari ng lalaki sa kanyang hiyas. Sabay na napa-ungol ang dalawa ng malakas, tandang sabay na narating ng dalawa ang lundo ng kanilang libog.
Sa puntong ito, dumilat ang mga mata ni Rhea. Nagsalubong ang aming mga mata. Mabilis nyang naitulak ang kanyang katalik, na sa kabiglaanan ay nahagilap ang kumot, at ipinantakip sa hubad nitong katawan.
Ini- lock ko ang pinto sa aking likuran.
"Gusto kong marinig ang paliwanag mo," Sabi ko kay Rhea.
"Ano ang masasabi mo?" Tanong ko sa lalaki.
Nang araw na 'yon, tinanggap ko ang katalunan ko. Inamin ni Rhea na mas mahal nya ang lalaki, kaysa sa akin. Kinuha ko ang ilan kong damit at inilagay ko sa isang maleta. At iniwan ko ang condo. Kung gaano kagaan ang aking mga paa ng paakyat ako sa condo, ay higit naman na namimigat ang aking mga yapak palabas.
Makirot isipin na ang isang relasyon na inisip kong pang-habang buhay, ay hahantong lamang pala sa masakit na paghihiwalay. Naisip kong, parang napakasakit naman ng kapalit sa iniisip kong pagkabukas ng pagkakataon para sa career ko. Para saan ang tagumpay, kung wala na itong paglalaanan?
Papunta akong Mindoro. Wala na akong babalikang bahay. Lahat ng gamit ko ay nasa loob ng aking Hi-Lux. Wala pa ako sa tamang wisyo, para mag-isip kung kukuha ako ng bahay. Tinawagan ko ang kawaksi ko sa opisina, at sinabi kong itawag sa mobile ko ang lahat ng mga messages ko, at papunta ako sa project sa Mindoro, at mula doon ay didiretso ako papuntang Zambales.
Nasa Ferry na ako, at nasa upper deck. Hawak ko ang isang lata ng beer. Malamig ang simoy ng malakas na hanging tumatama sa mukha ko, habang tumatakbo ang barko. Para akong sinasampal ng hangin.
"May kasalanan ba ako? Ano ang naging pagkukulang ko, kaya nya nagawang ipagpalit ako? May kakulangan ba sa akin—sa pagkalalaki ko, kaya pinagtaksilan ako ng asawa ko?" Sunod-sunod ang paglagok ko sa beer. Ilang baba at taas lang ay nasaid na ang laman nito.
Mabilis kong hinanap ang wastebasket at itinapon ko ang lata at matulin kong tinugpa ang daan paibaba sa lower deck ng barko kung saan may maliit na bar at tindahan. Balak kong kumuha pa uli ng beer.
Isang baytang pa lang ako sa pababa sa hagdan ng salubungin ako ng isang humahangos na babae. Bigla siyang kumapit sa akin.
"Nandyan ka pala, mahal. Kanina pa kita hinahanap," Sabi nito.
"Kasama nyo pala siya sir," Sabi ng kasunod ng babae na tripulante ng barko, na may hawak na kopya ng passenger's manifest. Wala sa loob na tumango ako.
"Kasama ko siya sa sasakyan," Ipinakita ko ang tiket ng Hi-Lux.
Mabilis ng lumayo ang checker at iniwan kami.
"Salamat, ha? " Sabi ng babae.
Naisip ko agad na isa siyang istokwa. Ito ang bansag sa mga sumasakay sa barko na hindi nagbabayad ng pamasahe.
Pero, disente naman siyang tingnan, at hindi mo siya mapagkakamalang wala siyang pambili ng tiket. At ng mapagmasdan ko siya, saka ko napansin na maganda siya. Magkasing kutis sila ni Rhea. At halos mag-kasing taas. May dimple ang babae na iisa at sa kaliwang pisngi lang. At maganda ang tayo ng dibdib nya.
Niyaya ko ang babae sa tindahan sa lower deck.
"Anong gusto mong inumin?" Tanong ko sa kanya ng kumuha uli ako ng beer.
"Pwede po? " Tanong nya na parang nag-aalangan.
"Oo, naman, at saka, wag mo na akong pino-po, parang lalo akong tumatanda nyan," Sabi ko na, parang saglit na nawala sa isip ko ang nangyari sa amin ng asawa ko. Sa tantya ko ay nasa dalawampu at apat na taon lang ang edad nito. Nasa apatnapu pa lang ang edad ko.
" Eh, parang kawalang galang naman po yata," Sabi nya, pero mabilis na kinuha nya ang inabot kong bote ng mineral water.
Sa tingin ko, gutom ang babae. Baka di pa ito nananghalian, eh mahigit dalawang oras pa ang byahe bago kami dumaong sa San Jose port, sa Mindoro Occidental.
Umorder ako ng dalawang hotdog sandwhich, at ibinigay ko sa kanya ang isa.
"Naku, nahalata mo ba na gutom ako? " Sabi nyang mabilis na nilantakan ang sandwhich pagkatapos naming umupo ng magkaharap sa isang lamesa na naroroon.
"Hindi halata, narinig ko lang na kumukurukok ang tiyan mo," Biro ko sa kanya.
Inirapan nya ako. At kinagat ng malaki ang hotdog sandwhich. Naubo siya, at lumagok ng mineral water. Pero, lalo siyang sinasal ng ubo.
Wala sa loob ko na tumayo ako, at hinilot ko ang likod nya, at iniabot ko ang panyo ko.
Kanda-luha siya ng natigil ang pag-ubo nya.
"Salamat, " Sabi nya na pinunasan ang mata na nahilam sa luha sa kanyang pag-ubo.
At matapos iyon ay nagkapalagayang loob kami. Lourdes ang sinabi nyang pangalan nya. Umalis siya sa kanila para puntahan ang isang kaibigan sa Mindoro. Alanganin ang dating nya sa Batangas Port. Nakatulog siya sa hintayan sa labas ng bilihan ng mga tiket. Paggising nya ay wala na ang bag nya.
"Tanging itong back pack ko lang ang naiwan sa akin," Sabi nya.
"Eh bakit di ka na ka na lang bumalik pa Maynila?" Tanong ko.
"Naisip ko kasi na nandito na ako saka kapos na ang pera ko at nasa bag ang pera ko," Sabi nya.
"Taga Sta Cruz, ang hinahanap ko," Sabi pa nya.
Papunta ako sa San Jose Airport, doon ang project ko. Pero, hindi pa ako mag mobilize ng mga tao. Naghihintay pa ako ng down payment para sa mobilization expenses. Parang nililibang ko lang ang sarili ko sa byahe ko na ito. At parang pinagtiyap ng pagkakataon, taga Sta Cruz, Occidental Mindoro si Elmer na kaklase ko sa kolehiyo. At siya ang tumulong sa akin para maka-kuha ako ng kontrata dito.
"Alam mo ba ang bahay ng hinahanap mo sa Sta Cruz?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon pa lang ako makakarating doon," Sabi nya.
"Ano mo ba ang hinahanap mo?" Tanong ko uli.
Hindi siya kumibo. Tumungo lang siya. Naisip kong wala naman akong paki-alam kung ayaw nyang mag-open sa akin. Kaya hinayaan ko na siya sa kanyang privacy.
Nang dumaong kami sa Camanawit Port sa San Jose, pinasakay ko na siya sa Hi-Lux. Napansin nya agad ang mga gamit ko na nasa passenger seat sa likuran namin.
"Mukhang nag-alsa balutan ka, o pinalayas ka ng misis mo?" Tanong nya sa akin na nakatawa.
Ito yung napuna ko sa kanya. Mukhang masayahin si Lourdes.
"Ano sa tingin mo? Pag nahulaan mo, pakakainin kita pagbaba natin sa pantalan," Paghahamon ko sa kanya.
Pero, gutom na ako. Gusto kong kumain muna kami pagkababa ng sasakyan sa Ferry.
"Tingnan ko nga," Sabi nya na sinipat ang mukha ko, at tinitigan ako, at bumaba ang tingin nya sa harapan ng pantalon ko, at muling humantong sa mga mata ko.
" Tingin ko naman eh, hindi ikaw ang tipong aayawan o papalayasin ng asawa," Sabi nyang naka-labi.
" Siguro, may LQ lang kayo, mataas ang pride mo, at nag-alsa balutan ka agad," Dugtong pa nya.
Yung positive lang sa akin sa sinabi nya, ay yung sa tingin nya ay hindi ako ang tipo na aayawan o palalayasin ng asawa. At least, may isang opinyon akong narinig against sa ginawang aktwal na pag-ayaw sa akin ng asawa ko.
"Binusog mo ako, ikaw marahil ang naging sagot sa panalangin ko ng nasa barko ako," Sabi nya.
"Ano bang panalangin mo? " Tanong ko, tumatakbo na kami. Kumanan kami ng makita ko ang junction. Papunta kaming Sablayan. Sinenyasan ko siya na ilagay ang seatbelt. Nang hindi nya makapa ang dulo, pansamantala kong inihinto ang sasakyan sa gilid ng daan at inayos ko ang pagkakalagay ng seatbelt sa katawan nya. Nakatingin siya sa akin habang ginagawa ko ito.
"Akala ko, ta-tsansingan mo ako, nasa ibabaw na ng dibdib ko ang kamay mo," Sabi nya.
"Mukha ba akong manyakis?" Tanong ko sa kanya, at muli kong pinasok sa linya ang Hi-Lux at muli ko itong pinasibad.
"Syempre, baka humingi ka agad ng bayad sa abala ko sa'yo, " Sabi nya, na alam kong tinitingnan nya ako.
"Pero, sa tingin ko, gentleman ka, iyon ang nadama ko ng kumapit ako sa braso mo, doon sa Ferry," Sabi nya.
"Kwentohan mo ako para di ako antukin sa pagmamaneho. Ano nga yung sinasabi mong panalangin mo sa barko?" Sabi ko sa kanya na sinusulyap-sulyapan ko siya habang nakatutok ang pansin ko sa kalsada,
"Kasi, wala na akong pera at nagugutom na ako, kaya nag pray ako na makatagpo ako ng isang good samaritan na magpapakain sa akin," Sabi nya na sumulyap sa akin. Saglit na nagkatitigan kami ng magkasalubong ang aming mga sulyap. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa kalsada.
"At ikaw nga ang natagpuan ko," Sabi nya.
Hapon na ng makarating kami ng Sta Cruz. Agad kong tinawagan si Elmer. Kaklase ko sa UP si Elmer. At nasa DPWH siya, at dito siya naka assign sa lalawigan ng Mindoro. Dito na siya nagka-asawa.
Laking gulat at tuwa ni Elmer ng bumaba mula sa sasakyan nya. Sa may tabi ng daan sa highway at malapit sa isang resort hotel ako naghintay sa kanya.
"Kasama mo pala ang misis mo,"Sabi nya ng makita si Lourdes.
Tumawa ako, at tiningnan ko si Lourdes. Nakangiti lang ito.
"May hinahanap kami, bro," Sabi ko kay Elmer.
"May kakilala ka bang Jeffrey Mamaril dito? " Biglang sumabad si Lourdes sa usapan namin ni Elmer.
"Pamilyar sa akin ang apelyedo nya. Pero, bro, kay Kap tayo magtanong pag tungkol sa mga tagarito sa Sta Cruz ang hinahanap natin," Ang sabi naman ni Elmer.
Sumakay siya sa kotse nya, at sinabihan akong sumunod sa kanya.
Tiningnan ko si Lourdes sa tabi ko. Walang kibo siya at blangko ang expression ng kanyang mukha.
Pumarada si Elmer sa harap ng isang Karaoke bar.
"Ito ang entertainment district ng Sta Cruz," Sabi ni Elmer. Itinuro nya ang kahabaan ng daan na halos ay magkakatabi ang mga videoke bar at mga pub.
Marami ng mga foreigner ang nandito at nag-ooperate ng mga resort hotel. Magaganda ang mga beaches dito bro at," Ibinulong na lang nya ang iba pa nyang sasabihin. Hindi namin kasi nalinaw sa kanya na hindi ko asawa si Lourdes.
Matangkad na lalaki at pormang militar ang Kap na sinasabi nya.
"Kap, ang kaklase ko sa UP, si Engineer Ted Enriquez, may kontrata siya dyan sa San Jose para sa modernization ng airport," Pagpapakilala sa akin ni Elmer.
"Naku, malaking tulong sa mga nasasakupan ko dito sa Barangay Sta Cruz yan, kung dito ka kukuha ng tao, Engineer. Pag-usapan natin ito sa ma-boteng usapan," Sabi pa nito.
Nag thumbs up si Elmer sa akin ng pumasok kami sa loob ng Karaoke bar.
"Sagot ko Engineer ang lahat ng maiinom nyo ngayong gabi, " Sabi ni Kap.
"At magpapatawag ako ng magagaling mag sing along at mahusay humawak ng mikropono ng mga batikang engineer," Makahulugang sabi pa ni Kap.
"Marami ditong pang one night stand," Bulong sa akin ni Elmer. Na tinatapunan ng tingin ang kasama kong si Lourdes.
"May kasama ka lang gwardya," Sabi nya na siniko ako.
"Pero, maganda misis mo, palagay ko eh kuntento ka na sa kanya," Biro pa nito.
"May hinahanap kaming tagarito Kap, baka kilala mo? Jeffrey Mamaril ang pangalan nya," Sabi ko kay Kap. Lagerlite lang ang inorder ko, at iyon din ang hiningi ni Lourdes. Regular beer naman ang kay Kap at kay Elmer. Kalderetang kambing at inihaw na yellow fin ang nakahaing pulutan. May nakitang iniihaw na barbecue si Elmer sa labas, kumuha ito ng ilang piraso at inilagay sa isang platito at ibinigay kay Lourdes.
"Si Jeffrey ba, yung anak ng matandang Mamaril na nagtapos sa LaSalle sa Manila ang tinutukoy nyo?" Tanong ni Kap. Tumango si Lourdes na parang nabuhayan ng loob.
"Malapit lang ang bahay ng mga magulang nya dito. Pero ang alam ko, wala dito si Jeffrey, nasa Korea siya, doon sila nag honeymoon ng napangasawa nya na anak ng mag-asawang Pilipina at Koreano na may-ari ng ilang chains ng hotel at resort dito sa Sta Cruz," Pagkikwento pa ni Kap.
"Kung gusto nyo, sasamahan ko kayo bukas sa bahay nila," Dugtong pa nito.
Napansin ko na biglang parang nagdilim ang mukha ni Lourdes sa narinig. Napabilis ang pagtungga nito sa hawak na Lagerlite. Naka tigaga'tlong bote na kami ng dumating ang ipinasundo ni Kap na mga manganganta. Nagdugtong pa si Kap ng isang mesa para sa bigyang daan ang tatlong dumating. Isang mukhang babae, pero di naman babae at dalawang seksi na babaeng babae ang dumating. Agad na dinulutan ng beer ang tatlo at inayos naman ng mga taga silbi ang isang maliit na stage habang nasa tagiliran namin ang malaking screen.
Ipinakilala kami ni Kap sa tatlo, at ipinakilala naman sa amin ang mga bagong dating. Ang natandaan ko lang ay ang seksi na tumabi sa akin na Grace ang pakilala nya.
At siya ang unang pumagitna sa maliit na stage. Kinanta nito ang "Careless Whisper". Napapaindak ako habang kumakanta ang babae. Pero ang pansin ko ay nasa umaalog-alog na mayamang dibdib nya, at sa maputi at bilugang hita na inilalantad ng maikling palda nya na leatherette.
Ang sumunod na kumanta ay ang nasa tabi ni Elmer. Parang nanunukso ang kanta na kinanta nito. Tumitimo sa pandama ko ang lyrics ng "One Way Ticket".
" Gonna take a trip to lonesome town,
Gonna stay at heartbreak hotel,
A fool such I, and never was,
I cried a tear so well…
Bye bye love, my baby's leavin' me
Now my lonely teardrops
are all that I can see, wooh wohh
Got a one way ticket to the blue…"
Ah, masakit isipin na wala na akong babalikan. Sinunod-sunod ko ang pagtungga sa bote ng Lagerlite. Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay ni Lourdes na ginagagap ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.
Yung pangatlo ang tumayo para kumanta. Parang gusto kong hilahin ito paupo at itigil ang kanta nito. Pero maganda ang boses nito. Talagang parang boses babae. Naalala ko na ang Australyanong mang-aawit na si Neil Sedaka, siya ang original na umawit nito.
"Round and round I go in circles trying to be free,
Since you went away, the world is closing in on me,
Everyday I face tomorrow knowing you'll be there,
I see your smile in every little thing we used to share,
the memory of you is everywhere…"
Bakit madaling makalasing ang kalungkutan? Saka, bakit parang nagdudugtong ang musika sa kirot ng ala-ala?
Nakaka limang bote na kami. Naramdaman ko ang pagbunggo-bunggo ng hita ni Grace sa hita ko. At parang sinasadya nito ang paghawak-hawak sa hita ko na pinadadaplisan ng palad ang harap ng pantalon ko.
Nakaramdam ako ng panunubig. Mabilis kong tinungo ang pinto na may nakalagay na CR. Common ang ihian doon. Isang mahabang konkretong panalo lang sa ihi. Pwede magsabay ang tatlong lalaki para umihi dito.
Nakabukas pa ang siper ko ng lumapit si Grace.
"May ipinagmamalaki ka naman palang kargada, Engineer," Saabi nito at hinawakan ang sandata ko na naka lungayngay pa. Akmang titingkayad na si Grace sa harap ko para isubo ang kargada ko ng marinig namin ang pagtikhim sa likuran namin. Nalingunan namin si Lourdes na nakatingin sa kargada ko na hawak-hawak na ni Grace.
Nagmamadali akong naipasok ito sa loob ng brief ko, at mabilis ko namang naisara ang siper ng pantalon ko. Mabilis namang tumalilis si Grace pabalik sa lamesa namin.
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako kay Elmer at sa grupo ni Kap.
"Wag mong sabihing ba-byahe pa kayo pabalik sa San Jose," Sabi ni Elmer.
"May malapit na hotel dito mga ilang bloke lang, doon na kayo magpa-umaga," Payo nito sa amin.
Okey lang sayo na mag hotel tayo? "Tanong ko sa kasama ko.
"Am I a burden to you, Ted?" Tanong nya.
Sa ubod ng puso ko, parang maganda nga at kasama ko siya. At least hindi ako nag-iisa sa kalungkutan ko. At parang nakakalimutan ko pansamantala ang pag-iisip kay Rhea.
"No, you're not, " Sabi ko sa kanya.
"Nagpapasalamat nga ako at nandyan ka," Sabi ko sa kanya.
Nasa loob na kami ng hotel. Dalawa sana ang kukunin kong kwarto, pero iisa na lang ang bakante.
Nauna na siyang naligo at natawa ako ng nilabhan nya ang suot nyang damit pati panty at bra. Isinabit nya ito sa tapat ng buga ng aircon na naka-ipit sa nahagilap nyang hanger na nasa cabinet sa loob ng kwarto ng hotel.
Nakabukas ang laptop ko sa may lamesita ng lumapit siya. Nagbabasa ako ng mga email ko.
Gusto mong mag surf? " Tanong ko sa kanya.
"Pwede mong gamitin ang laptop habang naliligo ako," Alok ko sa kanya.
"Wala kang mga sekreto dito?" Tanong nya.
Mayroon namang guest mode yan, may password ang email ko," Sabi ko, at iniwan ko na siya para pumasok sa banyo. Magpapalaba na lang ako bukas at sa hapon na kami babalik papuntang Maynila saka ako tutuloy papuntang Zambales. Ayaw na nyang hanapin pa ang bahay ng hinahanap nyang kaibigan. Sabi nya ay sapat na sa kanya ang impormasyong nasagap nya.
Naka short lang ako at naka-t-shiirt ng lumabas ako mula sa banyo. Nakadapa siya sa kama at nanonood sa YouTube, sa laptop ko. May nakaharang na unan sa pagitan namin.
"Nagugutom ka ba? Order ako ng pagkain," Alok ko sa kanya.
Umiling siya.
"Busog pa ako sa pulutan kanina. Medyo wala na ang lasing ko," Sabi nya na pinatay ang laptop, at humarap sa akin.
Kinuha ko ang laptop at inilagay ko ang charger saka ko isinaksak sa outlet.
"Pwede tayong uminom uli?" Tanong ni Lourdes.
"Parang gusto kong malasing at makalimot," Sabi nya.
Tumawag ako sa front desk ng hotel at nagtanong ako kung may beer. At nag order ako ng anim na beer in can.
Naka tigdalawang beer na kami ng magtanong siya tungkol sa akin.
"Umalis ka sa inyo dahil sa ginawa sa'yo ng misis mo?" Tanong nya na nakatitig sa aking mga mata.
Nagtaka ako, paano nya nalaman ang tungkol sa ginawa sa akin ng misis ko.
"Tumunog ang cellphone mo, humihingi ng tawad sa ginawa nya ang misis mi, sana raw wag ka ng gumawa ng legal na hakbang, sana raw maging maayos at madali ang paghihiwalay nyo," Sabi nya sa akin.
"Pareho lang tayo, Ted. Alam mo ba kung bakit ako naririto at naghahabol kay Jeffrey? Dahil niloko nya ako. Pinaniwala nya ako na tunay ang kasal namin. Ako ang tumustos sa pag-aaral nya. Hindi alam ng mga magulang ko na nakipag-live in ako kay Jeffrey. Huli na ng malaman kong nagpakasasal siya sa kababata nya," Sabi nya na yumakap sa akin.
"Nararamdaman ko ang kirot na nararamdaman mo," Sabi nya.
Niyakap ko siya. Hindi siya tumutol ng halikan ko siya sa labi.
"Wala kang kakulangan Ted.Hindi mo kasalanan ang pagtataksil ng asawa mo, kung paanong hindi ko rin kasalanan na lokohin ako ni Jeffrey," Sabi pa nya.
Yumakap siya at nadama ko ang init ng katawan nya. Magmula ng makasama ko siya doon sa barko, parang napunan ang kahungkagang nadama ko ng umalis ako sa condo. At ang init ng katawan nya ay pumupuno sa pandama ko. Alam kong simula sa gabing ito ay hahanapin ko na ang init ni Lourdes upang hindi ko maramdaman ang ginaw ng nakangingilong pag-iisa.
"Nang makita kitang sinundan ka nung katabi mo kanina, nakadama ako ng panibugho. Naisip kong, kailangan kong ilaban ang nadarama ko sayo. Nang hagurin mo ang likod ko sa barko noong maubo ako, naramdaman ko na madali kang mahalin, na parang sadya tayong pinagtagpo ng tadhana," Sabi pa nya na kinapa ang nasa ilalim ng short ko.
Naramdaman ko ang pamumukol ng nasa loob ng short ko. Kinapa ko naman ang nasa ilalim ng laylayan ng bestida nya.
"Wala ka ng panty?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya at inginuso ang nakaipit sa hanger na panty nya na pinatutuyo nya sa harap ng aircon.
Sumubsob ako sa pagitan ng hita nya. Bumukaka siya para bigyang laya ang aking bibig na pagpalain ang kanyang hiyas. Kay bango ng hiyas ni Lourdes. Agad kong sinisid ang tila perlas na nakaahon sa itaas ng biyak ng kanyang hiyas. Napasinghap siya at isang impit na ungol ang naging sukli nya ng sipsipin ko ang perlas ng hiyas nya.
"Ang sarap Ted, ohhh, uhh," Sinasabayan nya ng mahinang ungol ang bawat pangsanggi ng dila ko sa sa perlas nyang iyon. Nagpakiwal-kiwal ang katawan nya ng arukin ng pinatigas kong dila ang butas ng kanyang hiyas. Nasabunutan nya ako ng ihagod ko pababa at pataas ang dila ko sa kanyang biyak.
Taas ka na Ted, pasukin mo na ako. Gusto kong maramdaman sa loob ng kiki ko ang matigas na ari mo," Bulong nya.
Nang umangat ako ay hinubad nyang tuluyan ang suot nyang damit. Napakaganda ng katawan ni Lourdes. Tayong-tayo ang dalawang dede nya. Sinuso ko muna kabilaan ang mapupulang utong nya. Lalo siyang nangaykay sa libog ng susuhin ko at lamasin ng salitan ang dalawang mayaman nyang dibdib.
At ng itarak ko sa wakas ang matigas kong kargada sa kanyang hiyas, ay lalo nyang pinagbukahan ang kanyang mga hita para makapasok ang malaki kong katigasan sa kanyang kasikipan.
"Darang na darang na ako Ted, higang higa na akoohhh, uhhhmmm," Pabiling biling ang kanyang magandang mukha habang nagsisimula na akong umindayog sa kanyang hiyas. Bawat salpak ng aking katigasan ay parang lalong nagpapadulas dito. Sinasabayan nya ang bawat ulos ko. Inilalaban nya ng salpukan ang kanyang hiyas.
Parang nagsasabong ang aming mga ari sa pagsasalpukan nito. Kapwa na kami humahagok. Nararamdaman ko na ang paigting ng paigting na pag-iinit ng aking puson.
"Lalabasan na ako Lourdes," Bulong ko sa kanya.
"Malapit na rin ako Ted," Ganting bulong nya sa akin.
Ikinawit nya ang dalawang paa nya sa aking likuran at tinananggap ng tinanggap ang mararahas na sakyod ng sandata ko. Ilang salpak pa ng katigasan ko sa kanyang hiyas, at sabay naming naramdaman ang pagbulwak ng mainit na katas ng aming mga ari. Dumapa ako sa kanya at naglapat ang aming mga labi habang ninanamnam namin ang paghahalo ng aming katas sa loob ng kanyang hiyas.
"I love you, Lourdes, ayoko ng mawalay ka sa akin," Bulong ko sa kanya.
"Ako man Ted, yan din ang nararamdaman ko," Sabi nya.
"Parang mas masasaktan ako pag nawala ka pa," Sabi nya na hinalikan ako ng hinalikan.
Halos ilang oras lang ang naging tulog namin ng gabing iyon.
Dumaan kami sa isang maliit na Mall na nakita namin sa daan. Ibinili ko siya ng dalawang shorts at t-shirts saka tatlong panty at tatlong bra.
"Bakit tatlo, para, 'I love you' ? " Tanong nya.
"Alam mo, hindi nakita ng misis mo ang halaga mo;" Sabi nya sa akin.
Pumarada kami sa tabi ng daan malapit sa public beach sa may bungad ng Sta Cruz.
Sa sinasabi nya, nag aapply din iyon sa kanya. Hindi rin nakita ng ka-live in nya ang tunay na halaga ni Lourdes. Minsan tama talaga na ang kawalan sa isa, ay pagkakaroon naman sa iba. Nawala si Lourdes kay sa ka-live in nya, at nagkaroon naman ako ng isang Lourdes. Kung paanong nawalan si Lourdes ng ka-live in nya, at natagpuan nya naman ako.
"Bakit mo inaayos ang mga gamit mo sa likurang upuan?" Tanong nya.
"Pahinga muna tayo, mahaba pa ang byahe natin," Sabi ko.
"May iniisip ka? " Tanong nya na naka ngiti.
Parang nababasa nya ang nasa isip ko.
Dinala ko siya sa likurang upuan ng Hi-lux. Kumandong siya sa akin paharap. Habang naglalapat ang aming mga labi, naisip kong pagdating namin sa Maynila, kailangan kong pansamantalang umupa ng apartment. At magtatayo ako ng bagong bahay. May ititira na ako doon. At sisikapin kong bawat sandali sa aming pagsasama ni Lourdes ay maging isang joy ride na pang-habang buhay.
WAKAS.
JOY RIDE
c. 2023 Teddyray All Rights Reserved